Signs nya na ba ito na crush...

By Unloved_Kiddo

1.6K 33 1

Signs nga po ba ? Lahat po ng mababasa nyo dito ay totoo po base ito sa totoong buhay , at ito ay nangyayari... More

Signs nya na ba ito na crush nya ako?
Naging crush ko siya.
Unang beses na nakita ko syang nakatingin
Uling.
Poste

First Liga (Part II) + Dance Practice

196 4 0
By Unloved_Kiddo

Kaya po part II kasi yung part I yung unang tingin nya .. gets? :)

Fast forward ko na po sa awarding ...

----

Oh yeah! nanalo ang team nila crush at ni Kuya. Ang saya. Kaso ang malungkot hindi na kami panay uuwi rito kasi wala ng okasyon o dahilan para bumalik , oo meron man mga kamag-anak pero sandalian lang yun hindi na araw araw.

May medal na natanggap yung kuya ko .. ano ba yun? MBP? ay basta meron syang nakuha..

Yung ngiti ko abot sa langit kasi kahit papano may nakuha kapatid ko ..

para na nga akong photographer kakakuha ng picture nya e.

Nung kinukuhanan ko ng picture si Kuya ..

Napansin ko si crush nakatingin , binaliwala ko na lang. ganon naman panay e.

Kinulbit ako ng pinsan kong bata , itago natin sa pangalang .. Shanna

Tumingin ako sakanya..

"Oh bakit?"

"Ate! Nakatingin sayo kanina si Kevin nung kinukuhanan mo ng letrato si Kuya!" -Shanna

Alam kasi nito na crush ko si Kevin , eto kasing si Shanna parang kapatid ko na. Ang kuya ko kasi hindi ko pa nasasabihan kahit sekreto kasi lalaki yon saka panay kaming nag-aaway mahirap na. Kaya dito kay Shanna ko nasasabi..

"Oh talaga? di nga? parang hindi naman." - Sabi ko , kahit nakita ko rin naman.

"Oo nga. Ayaw maniwala." 

oh diba sabi sainyo di lang ako ang nakakakita.

Nung tapos na ang awarding .. Photographer nanaman ako kasi yung team nila nagpapapicture.. As in lahat sila..

Nung tignan ko na yung mga pictures na kinuhanan ko .. Nagulat ako kasi sa camera ko pala nakatingin si Kevin kahit na tatlong tao kaming nagpipicture sa team nila..

-------

D A N C E P R A C T I C E

Sumali yung kapatid ko sa sayaw ng barangay kung saan sila naglaro ng liga noon. Ako hindi ako pasali sa mga ganun kasi magpaparada tapos mainit.

pero hilig ko rin namang sumayaw.

Ilang araw , linggo na silang nagpapractice. Kasali din si Kevin. Kaya ganado akong sabayan sila sa puyat kakanood. hehe , Masyado ba? ganyan talaga kapag may crush. Hindi ka naman kasi gaganahan manuod kung wala kang pinapanuod at inspirasyon diba ? :))

Kahit nga mga 10 o 9 pm na ako nakakapanuod ng practice nila kasi bumabyahe pa ayos lang basta makapanuod ako .. Kahit kasama na ko sa tinatalakan ng nanay namin ni kuya wla akong paki. Basta ang mahalaga nakikita ko sya. Worth it naman kasi ang pagpupuyat e. 

---

Isang buwan na nakakalipas , Practice pa rin nila .. sa fiesta pa kasi nila sasayawin yun e. contest rin kaya kailangan bihasa at magaling sila ..

Kasama ko ngayon mga kaibigan ko isa dun pinsan ko .. Itago sa pangalang Larot at Rhaine .. si Larot ang pinsan ko si Rhaine kaibigan namin ..

Naglalakad kami papunta dun sa practice ng kapatid ko .. Napalayo kasi e kasi , may naunang magpractice dun sa barangay mismo nila ang laban kasi sila sila lang na magkakabarangay .. Kaya hahanap kayo bawat team kung san magpapractice minsan unahan .. e naunahan sila kaya naghanap sila ng lugar .. at eto kami ngayon naglalakad ..

habang naglalakad kaming tatlo at habang nagkukwentuhan about dun sa boyfriend ng pinsan kong si Larot na ang pangalan ng boyfriend nya ay (itago natin sa pangalang) Kenny

nakasalubong namin sya na nakasingle (mio) papunta sa bahay nila ...

"siguro may kukunin to sakanila babalik e." - sabi ko sa isip ko ..

"KEVIN!" - Sigaw ng dalawa kong kasama.

bumusina lang si Kevin kasi nakalagpas na sya samin..

maya maya ilang segundo lang biglang may dumarating na nakasingle pagkalingon ko .

"Ayan na sya!" -sabi ko sa isip ko

hindi kasi alam ng dalawang kasama ko na may crush ako kay Kevin kasi ayokong sabihin lalo na naging crush pa nilang dalawa si Kevin kanina nga lang topic namin si Kevin e bago mapunta kay Kenny.

"oh? bat ka huminto?" -Larot

Lumipat ako ng pwesto ko kasi katapat ko si Kevin .. hindi pala katapat katabi ko ..

kasi ganito ang pwesto namin .

gilid - D A A N - Ako - Larot - Rhaine

Tapos nung huminto si Kevin naging ganito

gilid - D A A N - Kevin - Ako - Larot - Rhaine

kaya lumipat ako dun sa tabi ni Rhaine.

Nakakahiya e hehe. Saka hindi ko naman kasi close si Kevin kahit na tropa nya ilan sa mga pinsan ko.

"Sakay na kayo." - Kevin

"Nako! wag na di tayo kakasya dyan." - Rhaine

"Oo nga maglalakad na lang kami , tatlo kami oh." -Larot

"Hindi tara sakay na kayo kasya tayo dito." - Kevin

nagkatinginan kami ni Rhaine kasi ewan ko .. napailing na lang ako kasi parang gusto na pumayag ni Rhaine e nakakahiya kasi. kahit na ba gusto ko ng umangkas! Hahahaha.

"wag na." - Larot

"Sige na kasi." - pangungulit nya .

Hindi ako kumikibo kasi nga di kami close ni Kevin. TT_TT plus nakakahiya.

"Sige na nga! una ka ate Danica" - tulak sakin ni Rhaine.

(hindi ko po tunay na pangalan yan. At kahit ang mga binibigay kong pangalan hindi totoo.)

"Anong ako! ayoko nga kayo na lang." - sabi ko sabay balik sa tabi ni Rhaine.

"Sige na nga kung ayaw nyo sasabayan ko na lang kayo." - sabi ni Kevin

at yun nga ang nangyari para na rin syang naglalakad pero nakasakay pa rin sya sa single nya pero ang bagal lang ..

Ako tahimik lang habang sila nagkukwentuhan ..

"Oyy. may nag-away daw dun malapit sa tulay ay." - Sabi nung Isang kasamahan nila sa sayaw , na nagbabike .. at nagderetsyo na ..

Hala! may nag-away baka mapano kami nito mga babae pa naman kami (except kay Kevin)

"Oh sumakay na nga kasi kayo! may nag-away pala dun e. Baka mapano pa kayo tara na." -Sabi ni Kevin

at wala na kaming nagawa kasi totoo naman sabi nya e baka mapa-away pa kami. Marami pa naman daw malolokong lalaki dito baka marape pa kami.

"oh ate Danica! una ka na." -Lorat

"Oo nga dali na." - Rhaine

"Ayoko! kayo na lang dulo na lang ako." - pagtanggi ko kasi nakakahiya kahit na gusto ko hahaha xD hindi nga po kasi kami close ni Kevin.

"Baka di magkasya ah." -sabi ko

"Kasya yan si Kevin pa!" -Lorat

"Ayyy! ano ba muntik na ko malaglag." - Rhaine

"Ang taba mo kasi Rhaine haha." - Kevin

Napatawa ako dun kasi ang bully nya haha.Buti na lang di naasar si Rhaine

at ang nangyari Nauna si Lorat sumunod si Rhaine at ang huli ako ..

nagkasya kami. :))

mas masaya siguro kung kami lang dalawa joke lang! xD

"grabe! ang gentleman nya!." - sabi ko sa isip isip ko.

at yun nga nagkasya kami at nung makarating kami dun sa may tulay .. ang daing tao sa magkagilid ng tulay tapos sa may gilid may mga bubog ay grabe! buti na lang pala sumakay kami..

~ Nakarating na kami sa pagpapractisan nila at bumaba na kami ..

nung pagpasok namin sa loob ng pagpapractisan nila nakita ko si Kenny yung syota ni Lorat Este ex pala nagbreak sila e. Tss

"Oy ayon si Kenny oh." - sabi ko

tumingin silang dalawa (ala na po si Kevin andun sa mga tropa nya)

"Hayaan mo sya tss" - Lorat

maya maya

"Tara ate Danica dun tayo sa may waiting shed." -Lorat

"Osige tara." - at naglakad na kaming tatlo ng makarating kami dun ..

Ang loka lokang si Lorat ayan nagdadrama about dun kay Kenny.. Tapos nagkabalikan rin. Putek na dalawa to! ang haharot. tss.

Bumalik na kami dun sa pagprapractisan nila Kevin andun na rin sila Kuya ..

Ang tagal magsimula ng practice nila ngayon kasi yung iba wala pa.

Tumunog cellphone ko tinignan ko

nagtext na Tita ko uuwi na raw kami .. Kaya sinabi ko kila Lorat yun at pumayag naman .. Lumapit kami kay Kuya para magpaalam kami .. (close po sila Lorat kay kuya ko at si Lorat pinsan ko kaya pinsan nya rin si kuya.)

"Kuya. una na ko ah. Uwi na daw e sabi ni tita." -sabi ko

"ha? e san kayo sasakay?" -Tanong nya

"Maglalakad." - sabi ko

"Ay nako hindi! may nag-aaway pa ata dun. Kevin! (tingin kay Kevin tumingin naman si kevin) Pakihatid nga sila kila lola may nag-aaway pa kasi sa tulay baka mapano pa sila lalo na kapatid ko." - Kuya

"Osige." - at ayun sumakay nanaman kami ganon pa rin pwesto ..

Habang nakasakay kami sila nagkukwentuhan ako wala pa ring kibo .. nung malapit na kami makalabas dun sa Barangay na pinagpapractisan nila pinaharurot ni Kevin kaya tong dalawa naming kasama tumili. Ako hindi kasi trip ko tong ganito yung mabilis ahaha astig kasi e.

"Ano ba yan akala ko mahuhulog na ko." -Rhaine

"Loko talaga tong si Kevin." -Lorat

"Baliw ka Rhaine hindi ikaw mahuhulog, ako kasi ako yung nasa dulo. " -sabi ko .

at bago pa man makapagsalita si Rhaine pinaharurot nanaman ni Kevin

"WAAAAAH!" -Yung dalawa

"Hahahaha!." -tawa ko

"Ano ba yan! Bagalan mo nga lang Kevin!" -Rhaine

"bilis bilis e." - Lorat

"haha ayos nga e. mabilis." - sabi ko

pinaharurot nanaman ni Kevin tas biglang hinto kasi nasa kanto na kami palabas na

"Ano ba yan!" - yung dalawa

"Ang ingay nyo." - sabi ko

"ang ingay nyo." - Kevin

"eh ? gaya gaya." - ako

"eh? gaya gaya." - Kevin

hindi na lang ako kumibo kais ginagaya lang naman nya ko pero tung dalawa ..

"yieh. kevin ah."

"Ay! tigilan nyo nga." - sabi ko

ayon nanukso lang pero tumigil na.

Huminto na lang si Kevin sa may tindahan di kalayuan sa bahay ng lola , kasi baka makita sya ano pa isipin nila lalo ng tito ko.

"thanks." - sabi ko at ayun umalis na sya.

Ang saya ko! kasi kahit dun lang nakausap ko sya kahit hindi matino! :D

Continue Reading

You'll Also Like

777K 5.3K 55
Ang istoryang ito ay pawang ka hopian lamang. at SPG version po ito ha! wag nang magtaka kung may mga mababasa kayong bago :) be open minded po... Sa...
72.2K 595 10
SPG ALERT! READ IN YOUR OWN RISK. Kung may pagkakahawig man sa story na to sa ibang story, ang mga lugar, character, at kaganapan ito po ay d sinasad...
6.3K 317 61
Lahat naman tayo may crush diba? pero bakit minsan lumalala? yung dapat na crush mas humihigit pa doon yung nararamdaman mo.? Ps: first time ko lan...
275K 1.1K 29
READ AT YOUR OWN RISK. READ AT YOUR OWN RISK!! PAALALA: Ang kwentong ito ay punong-puno ng mga kalaswaan na hindi maari sa mga close minded. Basahin...
Wattpad App - Unlock exclusive features