Chapter I
Enigma
* * *
"Alejandro!"
Biglaan ang aking naging pagkatayo matapos marinig ang aking apelyido. Dahil na rin sa mabilis na pagkilos ang mabilis din na pag-gewang ng sahig na aking kinatatayuan. Agad ko rin naman itinuon ang tingin sa harapan matapos ibalanse ang sarili sa kahihiyan. Sa harapan ng pisara, kitang-kita ko kung paano mamula sa galit ang aming propesor.
Habang pinoproseso ng aking utak kung ano na naman ang pwedeng i-dahilan, hindi ko na mapigilan ang marahang pagpunas ng inaantok ko pang mga mata. Mula sa aksyon kong iyon ay ramdam ko panibagong galit na kinikimkim ngayon ng matandang nasa harapan. Hindi ko naman kasi inakala na ang isang oras na klase nito ay gagawin ko rin oras ng aking pagtulog
"Ang sarap ng tulog mo, ah?" Rinig ko ang mapang-asar na bulong ni Willow sa aking likuran.
Pabulong din naman akong nagsalita, "Tumigil ka nga."
"Bakit? Ang saya kaya."
Kahit nakatalikod, dama ko kung paano nito pigilan ang pagtawa habang sinasabi ang mga katagang iyon. Bigla tuloy akong nainis. Kaibigan ko siya pero hindi manlang ako nito ginising para paalalahanan!
Mabilis ko nalang binalik ang aking tingin sa aming propesor na may hawak na ngayon na libro. Hindi ko naman mapalagay ang aking sarili matapos makita kung paano nito bigyan ng pwersa ang pagkakahawak doon.
Ibabato ko ba sa akin 'yon?
"Miss Alejandro, is my class really that boring?"
Agad din naman akong sumagot, "N-no, Sir!"
"Then, why do you also go to that extent of sleeping carelessly...while not having any concern about me?" Litanya nito habang ramdam ko ang pigil na galit na bumabalot sa mga katagang iyon.
Hindi ko tuloy mapigilang isipin na yumuko nalang at magtago sa ilalim ng aking mesa. Pagkatapos ng katagang iyon ay iilang impit na tawa ang sumalubong sa akin. Maging ang babaeng nasa likuran ko ay nakisabay na rin. Gusto ko nalang maglaho dahil sa hiya. Pero hindi dahil sa tinawag na naman ni Sir Valencia ang atensyon ng buong klase para pagtawanan ako. Ito ay dahil wala akong mahagilap na sagot para depensahan ang sarili mula sa paratang nito. It's like my mind was utterly blank that it can't even process any words. As if, I was being tongue tied to the fact that every words that our professor spoke, is coincidentally true.
Pero sa kabila ng nararamdaman ko na kahihiyan, impit pa rin ng tawa ang naririnig ko mula sa aking likuran.
"S-sorry po talaga, S-sir Valencia."
"...h-hindi po talaga mauulit!" Nauutal ko na bigkas.
Mabilis naman ang ginawa nitong pag-iling, "You said it last time!"
"...pero hindi ka pa rin nagbabago!"
Hindi ko naman napigilan ang marahang pagpikit at pag-iling nang maalala kung paano rin ako nangako noong nakaraang buwan. Kung paano ko sinabi na hindi na ako muling matutulog sa klase maging ang pagsasabi na makikinig na sa bawat lecture na ibibigay nito.
Kalakip ng marahang pagyuko ang aking mabibigat na paghinga. Kasabay din nito ang paghingi ko muli ng tawad. Wala din naman akong makitang mali sa sinabi ng aming propesor maging ang makakita ng tama sa pagtulog ko sa klase nito.
Well, it was indeed a boring class.
Sir Valencia is just forty years old but if you're going to leave out his age, he can definitely pass fifty-five and above. Wearing his favorite checkered shirt while keeping his collars buttoned on, also added some years to his poor miscalculated age. Idagdag mo pa ang makapal nitong salamin na nagtatago sa mga mata nito na aninag mo na ang mga wrinkles.
Istrikto man ang hitsura nito kahit dala ang pananamit na iyon, alam ko maging ang lahat ng estudyante sa Sistine kung paano rin nito dinadala ang malamyang boses na kahit sino ay aakalaling hinihele sila nito. Bumalik nalang ako sa masamang reyalidad nang magsalita itong muli.
"No words?"
"A-ah, no Sir!"
"...I mean—"
"No words, I say."
"...then go outside and hold that Calculus book high above your head. Hindi ka aalis sa pwesto mo na nakaluhod hangga't hindi natatapos ang klase ko."
Nagising ang buong diwa ko sa pagkakakasabing iyon ng aming guro. Habang pinagmamasdan ang libro na kanina lang ay ginawa kong panangga, hindi ko mapigilang magkunot ng noo at tumingin muli sa aming propesor.
"P-pero Sir—"
"You're going to get that book or I will see you at the faculty later?"
Madali lang sana na piliin ang nauna.
Matapos balingan ang libro ay itinuon ko ngayon ang aking atensyon sa labas. Everything that is happening outside resents me—or the contrary; I resent everything that is happening outside. Sa aking pagkakatayo ay malaya kong nakikita ang nanggagalaiti ngayon na mga kumpol ng ulap. Maiitim ang ito na wari mo'y ayaw pagbigyan ang araw na sumilay manlang. Sa gitna rin ng pagsasayaw ng mga ito sa kalangitan ay ang iilang kulog at kidlat na sinasabayan ng hampas ng hangin. Mariin ko na ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim. Even the smell of the wet ground is killing me!
And with that thought of spending the last hour outside, on my knees with a Calculus book on my hands up high, I automatically faced her professor as if begging another chance.
Kahit ano, 'wag lang ang manatili sa labas!
"S-sir..." Pagmamaka-awa ko pa rin na baling sa guro.
Para naman hindi ako nito naririnig at nang mapansin ang hindi ko pa rin pagsunod ay muli ako nitong binalingan.
"Bakit, Miss Alejandro? Gusto mo pa bang idagdag ko ang Statistics na libro para matauhan ka?"
Mula sa mga katagang iyon ay nakita ko nalang ang aking sarili na nakikipaglaban sa sariling isipan. Para bang nakikipagtalo ito sa akin maging sa ideyang aking binubuo. Habang nakapikit ay dama ko kung paano humampas ang hangin sa aking mukha at balikat. Maging ang tunog ng marahas na pagpatak ng ulan sa bubungan ng aming pasilyo ay labis rin na nakapang-hihina.
I really hate the rain more than anything—or even the tiniest hint of idea connecting to it. The heavy gushing winds it brought, the steady and rhythmic fall of each droplet of rain as well those thunders roaring in the sky is like a nightmare. How I crumbles and shivers just seeing those thick and dark lumps of clouds brewing in the sky always remains a puzzle to me. But I knew, more than anything, what made me resent this natural phenomenon is how it can easily inflict pain, weakness...and fear in my very system.
Isang minuto palang ang lumilipas nang lumabas ako at lumuhod sa malamig na semento ng aming pasilyo ay agad na akong tinatraydor ng sariling takot at panghihina. Kahit nakapikit ay unti-unti pa rin akong nilulunod ng mga ito. Tatayo na sana ako nang maramdaman ang pares ng kamay humawak sa aking balikat. Kasunod nito ang nakabibinging ingay na siyang bumabasag ngayon sa aking tenga.
This insane music...this riff of guitars accompanied by a loud thud of drums made an effect of dissolving this sound of the pouring rain. Sa unang pagkakataon habang nakaluhod sa malamig na pasilyo, iminulat ko ang aking mata para makita kung sino ang nagmamay-ari ng mga banayad na kamay na iyon. Mabilis ang ginawa kong pagdilat dahilan para masilaw ako ng ilang segundo hatid ng kakarampot na liwanag.
"Echo?"
Kahit na hindi ko rinig ang sariling boses ay nagsalita akong muli, "...bakit ka nasa labas?"
Kahit na nakababasag ang tunog na iyon ay hindi ko pa rin napigilan na magpasalamat sa lalaking nasa aking harapan.
"Okay na ba?" Basa ko mula sa pagbuka ng bibig nito.
Mabilis naman akong tumango at nagsalita sa gitna ng ingay, "Salamat, talaga."
"...kung wala ka, baka nasa loob na ako ng room at nagmamaka-awa."
Mula sa nakabibinging ingay mula sa aking tenga ay rinig ko pa rin kahit paaano ang tawa na ginagawa ng lalaking nasa aking harapan. Inismiran ko nalang ito at saka binaling ang tingin sa hawak na libro sa aking ulunan.
"Naririnig mo ba 'ko?"
Mula sa malalim na pag-iisip ay bumaling ang atensyon ko pabalik kay Echo. Sa pagitan ng malalakas na ritmo ng gitara ay rinig na ko na ang impit na boses nito. Sa pagkakawak nito sa cassette sa aking harapan ay sinabi nito kung paano nito hininaan ang tugtugin para marinig ko ang sinasabi nito.
Habang pilit kong inaayos ang pagkakahawak sa aking libro ay hindi ko mapigilang bigyan ng tingin ang lalaking nasa aking harapan. Kanina pa ito ngumingiti na para bang tuwang-tuwa sa nakikita.
"Bakit ka ba?" Tanong ko habang iniinda ang unti-unting pangangalay ng mga bisig.
Inayos naman nito ang pagkaka-upo, "Wala...wala."
Kahit ilang beses ang ginawa nitong pag-iling ay bakas ko pa rin ang pagpigil nito ng tawa. Parehong-pareho sila ni Willow. Para bang tuwang-tuwa sila sa tuwing napapa-hiya o nahihirapan ako. Ni hindi ko nga alam kung tama ba na sabihin na kaibigan ko ang mga ito.
"Pinagpapantasyahan mo na naman ba ko?"
"Ano?" Halos makipagsabayan ako sa tugtugin sa aking tenga gamit ang tawa.
"E kasi naman, kung maka-titig ka sa akin—wagas!"
"...siguro ako rin ang laman ng panaginip mo, ano?"
Gusto kong bigyan ng irap si Echo gaya ng madalas ko na ginagawa. Gusto ko rin tawanan muli ito at sabihin na baka siya ang na-nanaginip nang gising. Ang batuhin ito ng iilang kataga dahil na rin sa mahangin nitong saad. Pero halos lahat ng ito ay naglaho nang maalala ko ang taong iyon mula sa tanong ng aking kaharap.
Panaginip?
Ang mala-estatwang anyo nito maging ang nakapangi-ngilabot na ulan ng gabing iyon.
Ano ba ang napanaginipan ko?
Katulad parin naman ito ng dati. Ganoon pa rin naman ang panaginip ko. Walang pinagbago na tila isang sirang plaka. Ilang buwan na rin ba mula nang una kong makita ang pigurang iyon sa aking panaginip? Labing tatlong buwan na rin ang nakalipas ng una kong mapanaginipan iyon. Sa dalas nga pag-dalaw sa akin ng panaginip na iyon ay halos memoryado ko na ang bawat senaryo na para bang tunay na ito ay kamakailan lang ay nangyari.
Ang lalaking iyon na animo ay isang estatwang bato na nakatanaw sa akin sa gitna ng ulanan. Hinding hindi ko rin makakalimutan ang pinaghalong asul at berde niyang mga mata. Mga matang hinihigop ako papunta sa kanyang kinatatayuan.
And just by thinking of those two orbs that effortlessly gazed at me; I can't help but to lose all the strength my shoulders had. That intoxicating stare accompanied by this riff of guitars was now drowning me. This sensation of being drowned in this thick blanket of water...I can't breathe. Its like, some solemn hands are strangling me to death in between these noises that I can't even fathom where it came from nor whom it belonged.
Stop this pain...please, stop this pain!
Masakit...mainit. Pinipilit rin ng mga kamay na iyon na tuluyan akong lunurin.
Pakiusap, tulong.
"L-luna...okay ka lang ba?!"
Tulong...Jericho.
"L-luna! Sagutin mo 'ko, a-ayos ka lang ba?!"
"...Henrietta!"
It's like, I had been drugged and anesthetized fully. With this black water enveloping me, I can't breathe. Masyado na akong nalulunod sa itim na tubig na ito. Tubig na para bang punung-puno ng pagtataka at pagtatanong kung ano ba talaga ang mayroon sa panaginip na iyon. Labing tatlong buwan narin ang nakalilipas pero ayaw parin akong pakawalan ng tila anino na iyon sa ulanan.
Sa aking panaginip...maging kahit dilat ako at gising.
"L-luna...okay ka lang ba?"
It is suffocating.
Hindi ko alam kung makakatulong ba ang pagsakal ko sa sariling kwelyo maibsan lang ang sakit na dulot ng mga matang iyon.
Stop this pain!
Different faces...different voices.
Unfamiliar, yet there is a sense of betrayal...different scenarios.
"L-luna, please...ano ba? Sagutin mo naman ako."
Please, stop this pain.
"You're safe now...Luna."
It was a different voice. Unlike Echo's lingering voice full of worry, this one was so calm, so serene. Like it was taking all the pain I had just experienced eventually guiding me to safety. Sinundan ko ang tinig na iyon at nang imulat ko ang aking mga mata, pinaghalong gulat, pag-aalala at sakit ang tangi lang na nababakas ko sa mukha ng aking kaharap.
It's like, there is an unsaid words still occupying its eyes. Unsure if he wanted to convey it or just leave it unsaid. Kahit na maingay pa rin at pilit na binabasag ng tugtugin ang aking tenga, dama ko ang katahimikan buhat ng pag-aalala ni Echo. Mabilis ko rin naman iniwas ang tingin at natauhan na nawala na ang bigat sa aking mga braso.
"L-luna?" Nag-aalala muling tawag ni Echo.
Habang buhat-buhat at pinapanatili ang makapal na libro sa aking ulunan, dama ko ang marahan niyang pag-alis sa aking mga kamay na marahas na nakahawak sa aking kwelyo. Marahan at maingat niya itong ginawa na para bang takot sa kung anong mangyari muli sa akin. Matapos iyon ay mabilis niya itong hinaplos at saka ako binalingan.
Agad din naman akong napangiti sa pag-alalang ipinakita niya.
"O-okay ka lang ba?"
"O-oo...okay lang ako, Echo." Saad ko kahit alam ko na hindi naman halata sa tono ng aking tinig.
"Bigla ka nalang namutla at parang nahihirapang huminga. A-ano ba kasing nangyari?"
"...masama ba ang pakiramdam mo? May sakit ka ba?"
No, nothing is wrong with me. I'm not sick or hallucinating. It's just, for a moment...I felt like I was lacking oxygen to breathe. And it's because of that stare—again.
Mabilis ang ginawa kong pag-iling bilang sagot. Matapos sabihin na dahil iyon sa ulan ay isang mabigat na paghinga ang pinakawalan niya. Kahit na alam kong tinatraydor ako ng sarili kong mga labi ay hindi ko naman maiwasang magsinungaling. I know Jericho knew me more than I do. He really knows when I sew a lie or not. At kahit na sinabi ko ang mga katagang iyon gamit ang nakangiting mga labi, alam ko na hindi niya ito binili. He will never buy that kind of lie but because he's Jericho, I see those eyes again that can only agree to my every word. Mga matang nagsasabi na ang tangi lang niyang kayang gawin ay sumang-ayon sa mga sinabi ko.
"I don't usually buy that kind of words, Luna. You know that."
"...pero kung ayaw mo naman sabihin kung bakit ka biglang nanghina, wala naman akong magagawa. Sabihin mo lang sa akin kung nahihilo ka ulit." Ani niya kasabay ang isang ngiti.
Kung tutuusin, isa lang ito sa mga bagay na gusto ko kay Echo. Alam niya kung kailan siya kailangan bumili ng mga ganitong paliwag. He won' force you to speak or open up. Ang gusto niya ay ikaw mismo ang magsasabi noon sa kanya.
Jericho's characteristic that I first witnessed, two years ago.
"O-okay lang talaga ako, Echo. Bigla lang talaga akong nahirapang huminga...i-iyon lang."
"...dahil sa—"
"Dahil sa ulan?" Tanong niya ng tapusin ang pangungusap ko.
Agad din naman akong tumango pero kasabay din nito ang pagkibit-balikat niya; a famous act from a guy named Jericho. Imbes na tumagal ang tingin ko sa kanyang maamong mukha, natauhan naman ako nang napansin kung gaano kami ngayon kalapit sa isa't isa. Sa distansya naming dalawa, kitang-kita ko nang mabuti ang hubog ng kanyang mukha.
Mula sa pares ng mga mata niya ay inalis ko ang aking pagkakatuon dito at tumingin sa kinauupuan niya kanina. Mula sa mabilis niyang kilos na kanina lang ay nakaupo sa aking gawing kanan, ngayo'y nakaluhod siya at inaalalayan pa rin ako maging ang libro sa aking ulunan.
Mabilis rin naman bumaba ang aking tingin at napako sa malapad nitong balikat. His uniform was unbuttoned creating a view of his tattoo in the hallow part of his neck. It is shaped like a crescent moon with a cross enveloping it. Ever since, I always pondered what that tattoo symbolizes or how many more tattoos that this guy had. Pero sa dami ng pagkakataon ko na itinanong ang tungkol dito ay wala akong makuhang matinong sagot sa lalaking ito. Kung hindi iwawala ang aming usapan ay minsan ay binibigyan niya ako ng makahulugang tingin na para bang natatawa o nawi-wirdohan.
He's plain mysterious and secretive...in contrary to his playful and childlike attitude. At ngayon, hindi ko na naman gusto ang hatid ng mga tingin na napako sa akin.
"Ano bang iniisip mo?" Tanong nito habang dala pa rin ang pilyong ngiti.
Napabaling naman ako sa may bubungunan, "W-wala."
"...uhm, Echo—"
"Ano bang problema mo, Luna? May sakit ka ba?" Tawa nito sa akin.
"Echo, p-pwede ka na bang lumayo?" Ani ko habang binibigyan siya ng isang matalim na titig.
"Ano?"
"Umurong ka na." Ulit ko pero hindi niya ito pinansin.
Binigyan lang niya ako ng nakaka-lokong ngiti at mas lalo pang idinikit ang sarili. Para bang tuwang-tuwa ito sa ginagawa nito sa akin kaya naman hindi na napigilan ang sarili at agad na siyang itunulak. Dala na rin ng malakas na musikang nakasapak sa aking tenga, pilit kong kinompetensya ang lakas ng ingay na ito at saka sumigaw kasabay nang isang malakas na tulak para mapalayo siya sa akin. Mula sa pagkakatulak ko sa kanya ay napaupo ito ilang distansya mula sa kinaluluhuran ko.
Awtomatiko naman na ginising ako ng dalawang-pulgada na libro na kanina lang ay hawak niya nang tumama ito sa aking ulo. Dali-dali ko naman hinimas ang aking ulo dahil na rin sa sakit. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa kaya mas lalong kumulo ang aking dugo nang makita ko ang lalaking iyon na para bang tuwang-tuwa sa nangyari sa akin.
Parehong-pareho talaga sila ni Willow!
Tumawa rin ako ng pagak at saka buong lakas sa kanyang inihagis ang makapal na libro gamit ang nanginginig kong mga braso.
"Luna, kalma! Baka marinig—" Pagpipigil parin niyang sabi habang pinipilit na huwag tumawa.
"Paano ako kakalma—"
Bago ko pa man nagawang ipagpatuloy ang sasabihin ko ng mula sa kanina lang niyang kinauupuan, ay nandito na ulit siya sa harap ko at takip-takip ang aking bibig.
"Luna naman, kumalma ka nga!" Natatawa pa rin nitong saad.
Dahil na rin sa pagpupumilit kong abutin si Echo ay mabilis na natanggal ang suot kong earphones. Bigla nalang nawala ang nakaka-rinding ingay mula sa cassette at napalitan ng malalakas na patak ng ulan na siyang humahampas sa bubungan. Ilang beses kong pinalo ang braso ni Echo pero hindi pa rin niya ako pinapakawalan.
Kahit na damang-dama ko ang ingay at lamig na dulo ng ulan ay para bang wala na lang ito sa pagka-inis ko sa lalaking nakatakip pa rin sa aking bibig. Pinandilatan ko siya ng mata at saka nagbanta na kapag hindi niya alisin ang kanyang kamay ay sisigaw na talaga ako.
"Oo na, tatanggalin ko na. Pero wala munang kurot, ah?" Tawa nito.
Tumango naman ako. Pero bago pa man siya makalayo ay agad ko nang dinampot iyong libro at saka ibinato sa kanyang direksyon. Mabilis naman niyang hinimas ang braso na natamaan bahagya pero kalakip pa rin nito ang tawa.
"Kailangan mo ba talaga ibato 'yan?!"
"Ayaw mo kasi akong tigilan." Walang emosyon kong saad.
Matapos kunin ang cassette ay agad ko na rin isinuot ang earphones sa aking tenga. Tatayo na rin sana ako ng makita ko ang nanggagalaiting si Sir Valencia na nasa tapat na ng pinto. Marahas niyang tinungo ang lugar namin at kahit sa kapal ng kanyang salamin, alam ko at ramdam ko ang nagtitimpi nitong galit. Agad naman akong napailing sa ideya na kahit anong lakas ng ulan ay mukhang nangibabaw pa rin ang sigawan naming ni Echo sa labas.
Mabilis ko nalang tinaggal ang nakakabibinging earphones at kasabay ng ginawa ko, ang panghihina ng aking sistema habang naririnig ang palakas na palakas na buhos ng ulan. Kung kanina lang ay para bang wala ito sa akin dahil na rin sa inis. Pero ngayon, habang tahimik na nakayuko ay hindi ko mapigilan na ipikit ang mga mata dahil sa nanunuot na hampas ng hangin.
"Miss Alejandro, totoo ba ang nakikita ko?"
"...you threw that book—that precious book?" Gigil na gigil nitong saad.
Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang boses ni Echo. Kahit dama ko ang pagka-utal nito habang nagpapaliwanag ay hindi pa rin nawala ang masayang tawa nito.
"Cruz? Sino ang nagsabi na pwede kang makealam sa parusa ni Miss Alejandro? It's a punishment for her being lazy in my class."
"...and for you—going outside my class..."
Nabigla naman si Echo ng sa kanya naman ibaling ni Sir Valencia ang galit nito. Mula sa hitsura niya, parang sinasabi ng mga mata niya ang maling pagpanig nito sa akin. Pero kumpara sa nagmamaka-awa kong mukha, nagawa parin niyang ngumiti at magkaroon nang lakas ng loob nang sumagot sa aming propesor.
"S-Sir naman...hindi po ah! Diba po nagpaalam ako sa inyo na lalabas ako?"
"...medyo kinamusta ko lang din po si Luna pero hindi naman po—"
"I had enough of excuses Mr. Cruz. Kasama mo si Miss Alejandro who had threee violations and as a result? I'll see you both in the faculty after class!"
Kahit malakas ang ulan, nangingibabaw parin ang nangangalit na boses ni Sir Valencia hanggang makapasok na ito sa aming klase.
Now that's good.
Hindi ko alam dapat ba akong mainis kay Echo o hindi. He only wanted to help but I still can't let go of the fact that because of him, I will have to face yet another punishment. I gave him a look but despite all the glares he had received, he accepted it all with that sly smile of him.
Napailing nalang ako at tuluyan nang sumalampak sa malamig na sahig. It's like im weary from something. It is because of the rain? Or because of my lack of air awhile ago...or, is it because of my awaiting punishment? Muli nalang akong napailing, kahit alin man sa mga iyon ay talaga naman nakapanghi-hina.
"Sorry, Luna. Pero mukhang hindi na babalik si Sir Valencia."
"...tara na, tumayo ka na diyan."
And with those words, he gently lend out his hand. Habang tinitignan ang nakalahad nitong kamay, hindi mapigilang isipin kung ano nalang ang gagawin ko kung mawala silang dalawa ni Willow sa tabi ko. Kaya ko ba talagang mabuhay ng wala sila at tinutulungan ako?
I was about to grab his hand when he suddenly kneel down and picked up the cassette.
"Minsan hindi ko talaga alam kung bakit ayaw mo ng ulan ngayong dito ka naman nakatira sa Sistine."
Pagkasabi ng mga katagang iyon ay naglaho na muli ang nakakapanghinang patak ng ulan at mabilis nang natabunan muli ng nakakabinging tugtugin. Matapos niyang isuot sa akin ang kanyang earphones ay kinuha niya ang aking kanang kamay at inilagay doon ang cassette. Kasabay nang pagbilog niya sa aking mga daliri para makulong ito sa aking palad ay ginabayan niya ito para mapasok ito sa bulsa ng aking palda. Pagkatapos iyon ay inalalayan na niya akong tumayo.
Tinignan ko lang siya ng ilang segundo at namangha sa ginawa niya. Para bang bula nalang na naglaho ang kaninang inis na bumabalot sa akin at agad na rin itong napalitan ng muling pasasalamat.
b��%��[