From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

34. Unang Hakbang

20K 356 133
By hunnydew

Ilang gabi ring hindi pinatulog si Mason ng kanyang diwa simula nang malaman nilang tunay ngang magkapatid sina Louie at Hiro. May news scoop na ring lumabas sa telebisyon kung saan na-ambush interview ang ama ng mga itong si Lorenzo Kwok na tuluyan nang isinawalat sa madla ang pagkakaroon nito ng anak na babae.

“Grabe. Sobrang nagulat ako dun sa balita,” ani Clarisse habang nasa National Bookstore Katipunan sila at bumibili ng materyales para sa isang proyekto ng UP JPIA.  Hindi pa siya kasapi sa organisasyon na iyon subalit minabuti na rin niyang sumama dito dahil nais din niya sanang tumingin ng magandang libro ngayong malapit na rin ang sem break. “Akala ko magkamag-anak lang si Louie at si Mr. Kwok dahil nga magka-apelyido. But I never expected them to be daughter and father!” dagdag pa nito habang tumitingin ng mga cartolina. “Alam ba ni Charlie?”

“Hindi,” tipid na sagot ni Mason habang buhat ang basket at nakabuntot sa dalaga. Sa katunayan, hindi pa rin naniniwala ang bunso nila sa nalaman. Bukod kasi sa hindi ito nanonood ng balita, tila ayaw nitong tanggapin na ang matalik na kaibigan at ang taong laging nang-aasar dito ay magkapatid pala.

“Uy! Si Ray ‘yun diba?” tuwang-tuwang pag-aanunsiyo nito kaya naman napasulyap din si Mason sa gawi kung saan nakatingin si Clarisse.

Mula sa di-kalayuan, namataan nga niya ang kaibigang si Ray na may kasamang babaeng naka-abriste pa sa braso nito. Dahil dito, nahiwagaan si Mason sa nakita. Tuluyan na kayang naka-move on ang kaibigan mula sa matinding pagkahumaling nito kay Louie na noon ay halos maglupasay pa ito upang makipagbalikan lamang ang dalaga?

Hindi namalayan ni Mason na nakalapit na pala sa binata ang kasamang si Clarisse. “Hoy! Ray!” pasigaw nitong bati nang may malapad na ngiti saka tinapik ang braso nito. Minabuti na rin niyang sumunod.

“Uy! Clarisse! Anong ginagawa mo dito?” balik-tanong naman ni Ray bago napansin ang paglapit ng kaibigan. “Mase! Long time no see! ‘Musta? Kayo na? Nakipag-apir pa ito kay Mason na tila ba nawala lahat ng naging hidwaan nila bago maghiwa-hiwalay noong nakaraang taon.

“Hindi,” agad na tugon naman ni Mase upang pabulaanan ang sinabi ng kaibigan.

 

“Lagi na lang ganyan ang tanong niyo. Nakakainis ah. Dahil magkasama lang, kami na agad?” napapalatak na dagdag pa ni Clarisse bago nito binigyang-pansin ang dilag na kasama ng dati nilang kaklase. “Girlfriend mo?”

Ibubuka na sana ni Ray ang bibig subalit nauna nang nagsalita ang dalaga. “Ano, Ray… dun muna ako sa fiction category ha,” nagmamadaling saad nito bago ngumiti kina Mason at nagmadaling umalis.

Napangiti na ang binata. “Hindi pa. Nililigawan ko pa lang. Pero mukha namang sasagutin niya ako diba?” Taas-baba pa ang mga kilay nito.

Lihim na natuwa si Mason sa sinabing iyon ng kaibigan. Mukha kasing nag-improve ito simula nang mag-aral sa Ateneo. Kung dati-rati ay saksakan ng pagkatorpe si Ray, ngayon ay tila may sapat na kumpiyansa na ito upang manligaw ng babae. Tila nga nakabawi na ito mula sa pagkasawi kay Louie.

Sa ‘di niya maunawang dahilan, mas napanatag pa si Mason.

“Nga pala, would you know kung luluwas si Nile dito sa sembreak? Kita-kita naman tayo,” paanyaya nito at sa tono ng boses ay tila nangungulila na rin ito sa dating samahan nila. “Kinukulit na rin ako ni Aaron eh.”

“Sa’n pala nag-aaral si Aaron?” usisa ni Clarisse.

“Sa Ortigas. Sa UA&P,” sagot naman ni Ray. “Kailan pala ga-graduate sila Charlie?”

“Sa Sabado na,” tugon niya saka nangahas na magtanong. “Pupunta ka?”

Nag-isip muna nang mataimtim si Ray bago sumagot. “Most likely. Siyempre, ga-graduate na rin si idol. Gusto kong personal na i-congratulate siya. Hindi naman kasi nagre-reply sa text ko eh. Buti nga nakita kita.”

Tumango lamang si Mase at hindi na umimik pa. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang bagong numero ni Louie. Sinubukan na rin kasi niyang kamustahin ito matapos niyang dalawin ang dalaga sa ospital subalit nang tinawagan na niya ang numero, hindi na ito nagko-connect. Ayaw rin naman niyang tanungin sa bunso ang number ni Louie dahil baka kung anong isipin nito.

 

“O, pa’no? Text-text na lang ha. Sabihan mo na rin si Nile na umuwi naman. Baka naging taong-bundok na ‘yon,” biro pa ni Ray bago nagpaalam sa kanila ni Clarisse upang sundan ang dalagang sinusuyo nito.

Sinundan pa nila ng tingin ang binata hanggang sa makalapit ito sa kasama bago nagsalita si Clarisse. “Hmm… parang ang laki ng pinagbago ni Ray, ‘no?”

Nagkibit-balikat na lamang si Mase at nagtungo sa mesa kung saan naka-display ang mga librong naka-sale.

Ang totoo niyan, simula nang aminin niya sa sariling unti-unti na siyang nahuhulog kay Louie, binabagabag siya ng isipan sakaling malaman iyon ni Ray. Batid kasi niyang matindi ang tama nito sa dalagang iyon at baka mas lalong mapalayo ang loob nito sa kanya.

Malaking bagay para kay Mason ang malamang naka-move on na si Ray kay Louie.

---

Dumating ang araw ng pagtatapos ng bunsong si Charlotte at tila isang batalyong sumugod sa Uste ang pamilyang Pelaez. Agaw-pansin din ang mga nakatatandang kapatid niya na maya’t-maya’y sinusulyapan ng mga kababaihan. Subalit sa kanilang lima, si Mark lamang ang nagpapaunlak sa pagkaway ng mga dalaga at sinusuklian ang mga ito ng matamis na ngiti.

“Umamin ka nga, ano ba ang ipinunta mo dito? Si Prinsesa o ang pagpapa-cute sa mga babae?” mahinang suway ni Marcus.

“’Ya, tapos nang sabitan ng medalya at bigyan ng award si Charlotte. Anong gusto mong gawin ko? Isa-isang palakpakan ‘yung mga kaklase niya? I’m just being nice to the girls,” katwiran nito bago kumindat sa kung sinumang babae.

“You’re not being nice. You’re just a flirt,” puna ni Chino at sumang-ayon naman si Chad dito.

You’re just envious ‘coz you committed yourself to a girl early than enjoy the bachelor life like me.”

Umiling naman si Chino. “I just don’t want to waste my time in shallow and meaningless relationships.”

 

“Anywaaayy,” pagpagitna ni Chad sa dalawa upang pigilan ang namumuong tensiyon sa ere. Ibinaling nito ang tingin kay Mason. “Ikaw, ‘Toy. Ano na’ng balak mo ngayong kapatid pala ni Louie ang itinuturing mong pinakamalaking karibal sa puso niya?”

“Pupunta na siya sa Canada,” ang tanging sagot ni Mason.

“Oh, ehh… ano naman ngayon?” puna ni Chino. “Dahil ba lilipad na siya, susuko ka na? Ang hina naman ng pagmamahal mo sa kanya if you will allow distance to affect your feelings for her.”

 

“Pero mahirap ang long distance relationship ah,” depensa naman ni Chad. “Para sa taong matatag lang ‘yun. Maiintindihan ko pa kung Luzon at Mindanao lang ang layo, at least sa Pilipinas pa rin. Eh si Louie… sa Canada. Ilang libong milya ang layo nila sa isa’t-isa.”

“So? Ang daming means of communication. May Skype, Facetime, Facebook—“

“But proximity still plays a vital role in keeping a relationship strong. Communication is equally important pero iba pa rin ‘yung magkasama nilang pagdadaanan ‘yung mga important phases ng buhay nila. Tsaka maraming temptation kapag ganoon kalayo.

 

“Ano ba’ng topic ‘yan? Bibili na nga lang ako ng inumin,” napapalatak na reklamo ni Mark bago ito umalis at nilisan ang bulwagan. Sa likod kasi sila nakaupo kasama ng iba pang mga panauhin dahil mga magulang lamang ang pwedeng maupo sa bandang gitna.

Saka naman sumabad ang panganay. “Kung makapagbigay kayo ng advice, parang sila na ah. Hindi pa nga nanliligaw si Mase. Ano nga ba’ng plano mo ‘Toy?”

Umiling na lamang si Mason. “Valedictory speech na,” tanging sambit na lamang niya sa mga ito at tuluyan nang hindi pinansin ang mga pasaring ng mga kuya niya.  

Bawat katagang binitawan ni Louie habang nagtatalumpati ay pinakinggang mabuti ni Mason—mula sa kahalagan ng edukasyon, ang karanasan nito sa pagmamahal, at maging ang pagbibigay-pugay sa mga magulang, kapatid at mga kaibigan. At dahil sa ibinahagi ng dalaga, mas lalo pa siyang namangha sa dami ng karanasan nito. Halatang nag-enjoy kasi ito sa high school life dahil puno ng emosyon ang talumpati nito kaya maging ang mga bisita ay nakaka-relate sa mga sinasabi ng dalaga.

Hindi tuloy maiwasan ni Mason ang ikumpara ang sarili kay Louie. Walang binatbat ang high school life niya sa mga nangyari sa dalaga kaya siguro hindi rin niya nagawang sumulat ng sariling talumpati sapagkat wala naman siyang maibahaging karanasan. Aminado kasi siyang hindi siya gumawa ng paraan upang magkaroon ng mga makabuluhang alaala noong nasa UST pa siya. Kung tutuusin, kailangan pa siyang sabihan o di kaya’y pilitin upang pag-ibayuhin pa ang pag-aaral, sumali sa Student Council at kung anu-ano pa. Hindi rin siya nangahas na makipagkaibigan sa iba pang mga kaklase o maunang makipag-usap man lang sa iba.

Sa madaling salita, wala siyang pagkukusa.

Bahagyang nakaramdam tuloy siya ng pagkainggit hindi lang kay Louie kundi maging sa kapatid na si Charlotte na isa pang nagkaroon ng makulay at masayang high school life.

Gayunpaman, naisip ni Mase na hindi pa naman huli ang lahat para sa kanya. Mayroon pa siyang tatlo hanggang apat na taon sa kolehiyo upang bumawi at magkaroon ng masasayang alaala bilang estudyante.

Dahil sa mataimtim na pagninilay-nilay, hindi na namalayan ni Mason na naihayag na as graduates ang batch nina Charlotte at dinumog na ng mga bisita ang mga nagsipagtapos upang kunan ng litrato ang mga ito. Mula sa bleachers kung saan sila nakaupo, namataan na niya ang lumalaking kumpol ng mag-aaral na nais magpakuha ng litrato sa mga nagsipagtapos at maging sa mga guro.

“O, ‘di mo man lang ba babatiin si crush mo?” pag-uuntag ni Marcus na nakangiting-aso.

“Onga!” sang-ayon naman ni Mark na umakbay sa kanya. “Last chance mo na, ‘Toy. Ganito ang gawin mo. I-congratulate mo muna…. Saka mo halikan, cobra style—Aw!”

“Ayan ka na naman sa mga tips mo ah. ‘Pag ito, nabasted dahil sinunod ang payo mo, lagot ka sa’min,” pagbabanta naman ni Chino matapos sapukin sa batok ang huli.

Mula sa di-kalayuan, natanaw ni Mason ang ilang kumpol ng mag-aaral na ‘di magkandaugaga sa pagpapalitrato kasama ni Louie. May mangilan-ngilan ding nagpapa-picture kasama ng Salutatorian na si Basti samantalang ang bunso ay nakikisali sa picture ng ibang kamag-aral nito na taos-puso naman nilang isinasama. Nang makita nilang papalapit na ang mga ito upang magsiuwi, halos kaladkarin siya ni Mark papalapit kay Louie.

“O! Picture with the Pelaez Brothers naman!” malakas nitong pag-aanunsiyo. “Oy, kayong tatlo, Charlotte, Basti at Louie, dito kayo, dali!”

Ang amang si Charles na ang pumuwesto upang kuhanan ng larawan ang grupo at pasimpleng itinulak ng mga kapatid si Mase papunta sa likod ni Louie.

“Isa-isa ring picture ng mga graduates with the Pelaez Brothers!” hirit pa ni Mark bago hilahin si Basti upang makuhanan ng litrato ang mga kalalakihan. Pagkatapos noon ay si Charlotte naman ang isinunod.

“Mga valedictorian naman!” susog pa ni Marcus na mukhang inosente subalit kitang-kita naman sa mga mata nito ang pagkapilyo.

“Ha? MGA Valedictorian? Si Louie lang naman ang pers onor namin ah,” tila naguguluhang tanong ni Charlotte.

“Ayan, si Mase. First honor din ‘yan diba? Dali na,” halos pautos na mungkahi ni Chino habang itinutulak-tulak si Mase papalapit sa dalaga.

Akmang bibigwasan na sana ni Mase ang kuya nang makita niyang bumulong si Louie kay Charlie na nagpapakuha na naman ng larawan sa iba pang mga lower years na dumalo sa pagtatapos ng mga ito.

“Ehhh, pichure-pichure pa tayo bespren!” angal ng bunso subalit umiling na ang kaibigan.

“Naghihintay na si Mama eh—“

“O! Teka lang! Louie, ‘wag ka munang aalis,” pigil nila Chad dito subalit tila nagmamadali si Louie at umalis na nang hindi nagpapaalam.

Marahil ay nailang na ito dahil sa mga pasaring ng mga kapatid ni Mason.

“Ang slow mo naman, ‘Toy!” pabulong na puna ni Mark bago ibinigay ang isang bote ng C2 Apple kaya inisip niyang nanunuya na naman ang kapatid. “O, sundan mo dali. Mag-congratulate ka naman! Napakadali ‘di mo magawa. Pelaez ka ba talaga?”

Nagkakamot ng ulo si Mase at nagpasyang sundin na lamang ang utos ng kuya nang hindi na rin siya tuksuin ng mga ito at tawaging duwag. Habang sinusundan si Louie ay hindi niya maisip kung ano ang gamit ng inuming hawak niya. At dahil marami pa ring tao ang nagdaraan, halos naiwala pa niya sa paningin ang dalaga bago ito nahabol malapit sa parking area kung saan kakaunti pa lamang ang tao.

 

Kaya nagpasya na siyang magsalita bago pa ito makarating sa sasakyan kung saan maaaring marinig naman ng mga pinsan nito ang magiging pag-uusap nila. “Ah…Congratulations.”

 

Batid niyang naulinigan ni Louie ang pagbating iyon sapagkat napahinto ito ng ilang sandali bago siya nilingon. “Walang garland?” tanong nito at bahagyang napaisip si Mason bago nito binawi ang sinabi. “Haha, ‘de…joke.”

 

Kung minsan talaga, hindi alam ni Mason kung nagbibiro ito sa mga binibitawang salita o seryoso. Napakamot na lang siya ng ulo bago tuluyang lapitan ito. “Ahh…nauuhaw ka ba?”

Tumaas ang mga kilay ni Louie sa biglang tanong na iyon. “Ha?”

Saka inabot ni Mase ang inumin na binigay ni Mark. Ngayon alam na niya ang gamit no’n. Ice breaker para sa nakakailang na pagkakataon tulad niyon. “C2?”

Tumatawang tinanggap naman iyon ni Louie kaya maging siya’y napatawa na rin at tuluyan na ngang naglaho ang awkward atmosphere habang sabay silang naglalakad papunta sa sasakyan nito.

Muling nanumbalik sa alaala ni Mason ang di-inaasahang pagtatagpo nila ng dalaga noong UPCAT. Doon lang niya naramdaman ang panghihinayang na sana’y naglakas-loob siyang makipag-usap kay Louie upang mas nakilala pa niya ito. Batid niya kasing mas marami siyang malalaman sa pakikipag-usap kumpara sa simpleng pagmamasid lamang.

Sayang at malapit nang umalis si Louie Kwok.

If given the chance to spend another time with her, he’d surely put in a lot of effort to get to know her more… and make the experience memorable for both of them.

 

===

A/N: Lalala~~ bakit nahihilig si Mason sa mga huling banat noh? Hahaha. Soo.. may dalawang eksena pa kayong hinihintay ‘no? Ahahahaha. Sorry pala sa delayed UD. Ngayong mortal na ako at umaga na ang trabaho… mas marami na akong ginagawa kaya hindi na ako makapag-type ng pang-UD sa work T^T ninjamubs lang sa watty ang nagagawa ko.

Siya nga pala… may masugid na tagasunod ang Mason-Louie love team na gumawa ng MaLou Fans Club page sa FB. Palakpakan si Esther aka Unrefinedbeauty!!! Nilagay ko na ‘yung link sa gilid para isang click na lang.. hahaha. Magsanib-pwersa raw ang Team Mason para talunin ang kalaban. 

Nga pala... 130+ votes na lang ang kailangan natin para pabalikin si Louie! Ipakalat pa! i-hack ang mga fb ng mga kapatid at igawan sila ng watty acct para magvote!! WAHAHAHA. Utang na loob... maraming umaaligid kay Mase... at... tao lamang siya na natutukso riiiin~~~ charot.

Continue Reading

You'll Also Like

342K 23.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
12.3K 234 38
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...