(Oneshot) "Bakit Hindi Mo Ako...

By Filipina

84.3K 3.6K 1.2K

For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasite.com/free-soft-copies.php • Part 1: http://www.wattpad.com... More

(Oneshot) "Bakit Hindi Mo Ako Nilista?"

FAN-FICTION: "Na-ilista mo man lang ba ako?"

16.5K 700 166
By Filipina


FAN-FICTION: "Na-ilista mo man lang ba ako?"

(by DMFVelasco | Edited by: Filipina) 2016


"Ano?! Kasalanan ko na naman ba, Princess?!"

"Palagi ka na lang ganyan! Galit pag nagtatanong ako!"

"Palagi ka nalang kasing nagdududa! Sawa na ko!"

Naghintay ako ng ilang segundo pero wala na akong sunod pang narinig mula sa labas. Kung kaya, lumabas na ako ng C.R.

Paglabas ko nakita ko si Princess na umiiyak.

"Okay ka---" bago ko pa matapos yung tanong ko ay umalis na siya.

Binalak ko siyang sundan pero ang bilis niya.

Pero mabilis nga ba siya o mabagal lang talaga ako?

Agad rin akong pumunta sa sakayan ng bus para makauwi agad.

Pero ewan ko, ang malas ko lang talaga.

Bakit?

Kasi yung lagi kong hinihintay na kasabay umuwi , wala ngayon. Ang bagal ko kasi eh. Kaya naisipan kong dumaan muna doon sa cafe na parang library din (na malapit lang).

Pagpasok ko, agad kong nakita si Princess sa may sulok na gawi. Hindi naman ako nagulat kasi madalas, ditto siya pumupunta.

Umorder ako ng kape at agad na umupo sa gawing likuran niya. (Bali magkatalikuran kami).

Habang nagbabasa ako, naririnig ko siyang humihikbi at umiiyak. Kaya sabi ko sa sarili ko, lakasan na ng loob 'to.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Miss, you are very pretty. Don't waste your beauty by being sad," sabi ko sabay abot sa kanya ng tissue.

Hays, nakakainis!

Kung may lakas lang talaga ako ng loob na gawin yun sa kanya, mas okay sana! Kaso wala eh!

Kaya ang ginawa ko na lang, sinulat ko 'yun sa papel tapos sinabi ko sa waiter na paglabas ko doon ay ibigay 'tong sulat at tissue kay Princess. Syempre dinescribe ko at tinuro siya ng pasimple, baka naman kung kanino i-abot eh.

"When love is lost, do not bow your head in sadness; instead, keep your head up high and gaze into heaven for that is where your broken heart has been sent to heal." sulat ko na naman sa kanya na pinaabot ko doon sa waiter nung sumunod na araw.

"Don't worry about losing. If it is right, it happens. The Main thing is not to hurry. Nothing good gets away." sulat ko ulit na lugi na ako kasi binibigyan ko pa ng tip si kuyang waiter.

Pero ayos lang, alam ko kasing ito na lang ang magagawa ko para kay Princess.

Malungkot siya eh. Ilang araw siyang ganun dahil palagi silang nagaaway nung boyfriend niyang si Ervin.

"Mabuti pang maghiwalay na tayo!" rinig ko na naming sabi ni Ervin.

Bakit ba ang hilig nilang mag away sa public place?

Napansin ko namang wala nang nasabi pa si Princess. Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak na lang.

Ang sakit tingnan na umiiyak siya.

Hindi ko nga alam kung ano ang sumapi sa akin nun pero hinabol ko 'yung Ervin na 'yon at sinuntok ko.

Halata kong nabigla 'yung Ervin sa pagsulpot ko at kita kong nainis siya sa'kin.

"Ano bang problema mo!?" bulyaw niya habang hawak 'yung pisnging sinuntok ko.

Wala akong masabi pero nagagalit ako sa kanya kaya susuntukin ko sana siya ulit pero nasuntok niya na ako bago ko pa magawa.

Pu. Tang.

Sakit 'nun pre!

"Ano bang problema mong gago ka?!" tanong pa ni Ervin pero hindi ako nakasagot kasi sobrang sakit nung suntok niya.

Kung bakit ba kasi ako sumuntok pa eh ang hina ko naman. Ang tanga ko talaga.

Dahil hindi na ako nakasagot ay umalis na 'yung Ervin na 'yon.

Nasa sahig pa naman ako at pinagtitinginan ng mga dumadaan dito. Nanlalabo pa paningin ko.

"Okay ka lang ba? Bakit mo ba sinuntok si Ervin?"

"Oo," maikling sagot ko kung sinuman 'yung kumausap sa'kin.

Halos mangatal naman ang buong katawan ko (hindi dahil sa sakit ng suntok nung Ervin) nang makita kong si Princess pala 'yung kumausap sa'kin.

Inaalalayan niya ako tumayo pero dahil pa-strong ako, agad akong tumayo.

"Oo okay lang ako," sabi ko agad na animo'y militar na nahiya sa commander.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yun?" tanong niya na may maamong boses.

"Ah, eh... basta. Sige ha, alis na ko," sabi ko.

"Hindi. Kwentuhan mo ako kung anong nangyari't sinuntok mo siya. Nakaaway mo ba siya?"

Wala akong nasabi hanggang sa nalaman ko na lang, nahila na niya ako at dinala niya ako dun sa cafe na lagi niyang pinupuntahan.

Ilang minuto ring walang nagsasalita sa aming dalawa. Hanggang sa umiyak nanaman siya.

"Sorry ah, hindi ko mapigilan eh," sabi niya habang dali-dali niyang inaalis mga luha sa mata niya. "Sorry din kung hinila kita dito. Kailangan ko lang talaga ng taong makakausap ngayon o makikinig sa'kin..."

Nasasaktan ako habang tinitingnan siya.

Bakit ba kailangan mong masaktan ng ganyan? Palagi ka nalang umiiyak. Palagi mo nalang sinisisi ang sarili mo. Ikaw na lang lagi ang nagpapakumbaba. Bakit, Princess? Ganun mo ba talaga siya kamahal?

Hindi ko na natiis na walang gawin kaya nagsulat ako sa papel. Mabuti na lang talaga may dala ako.

Inabot ko sakanya 'yon kasama ang panyo ko.

"You can't keep blaming yourself. Just blame yourself once, and move on." this time nagawa ko na talaga. Ako na talaga ang nagbigay at hindi 'yung waiter.

Nakita kong napatingin siya dun ng ilang segundo atsaka tumingin sa akin.

"Ikaw yung laging---?"

Tumango lang ako kasi nahiya ako.

"Pero bakit?" tanong niya.

"Kasi kaklase mo ako. Concerned ako."

"Ha?" may pagtatakang tanong niya na para bang hindi niya alam na kaklase niya ako.

"I'm Marc. Kaklase mo ako nung high school pa."

Nakatitig lang siya sa'kin na parang inaalala kung may naging kaklase ba siyang Marc.

Kung tahimik si Princess, mas lalo ako. Kahit nung high school pa, hindi ako gumagawa ng kahit na ano para pagbalingan ng atensyon ng kahit sino. Sa dami rin naming magkaklase nung high school, hindi na rin siguro ako matandaan ni Princess. At saka, sino ba naman ako para matandaan niya. Eh mula noon, sa isang tao lang naman nakabaling ang atensyon niya (kahit hindi na sila nagkikita).

Hindi ko talaga una kilala 'yung Ervin na 'yon. Naririnig ko lang siya na nasa kwentuhan nila ng mga kaibigan niya. Ang alam ko lang, first love ni Princess si Ervin. 'Yun din siguro ang dahilan kung bakit hindi man lang tumingin sa iba si Princess mula high school.

"Tanda na kita!" nakangiting sabi ni Princess habang umiinom ng frappe.

Nakahalumbaba ako habang iniikot ikot ko 'yung straw doon sa frappe ko.

Oo nga pala, madalas na nga pala kaming magkasama ni Princess ngayon. Para bang naging instant bestfriend niya ako simula nung magpakilala ako. Bilis 'no? Ewan ko pero hindi naman talaga ako mabilis makipagkaibigan lalo na sa babae. Pero comfortable naman siya sa'kin.

Ang saya rin nito kasi dati, tinitingnan ko lang siya, pinagmamasdan, inaabangan ang bawat ngiti, sinusulyapan ang pagkinang ng mata (tapos iiwas ng tingin pag saktong titingin siya sa'kin), tapooos---hanep! Mukha na akong stalker. Ugaling die hard fan eh. Creepy ba? Hindi naman di ba?

"Ikaw yung napabalitang mayaman nung high school pa tayo, pero nawala din agad kasi ano..."

Binaling ko 'yung atensyon ko sa kanya, "Ano?"

"Wala naman daw kasi sa itsura mo na mayaman ka," diretso niyang sabi.

Natigilan ako sa sinabi niya at natawa na lang.

"Sorry na!" agad din naman niyang sabi pero lalo lang akong tumawa.

Medyo ang saya lang ding isipin na kahit papaano ay nasagi ako sa isip niya. Pwede na ata akong mamatay. Pero joke lang! JOKE lang po Lord oi, sorry na!

"Kasi naman ang haba haba n'yang buhok mo! Hindi tuloy kita namukhaan. Halika, pagupitan natin 'yan," sabi niya sabay hila sa akin kaya wala na akong nagawa.

Sino ba naman ako para umarte pa di ba? Hinawakan niya kamay ko, volunteer 'yun.

Para tuloy nag slow motion ang mundo ko. Tapos kunwari music video tapos BGM ay Sa'yo ng Silent Sanctuary. Ang bago naman ng choice of music ko no? Pero 'yun talaga 'yung unang pumasok sa isip ko.

Habang nag p-play sa utak ko 'yun, naiisip ko na 'yung pwedeng speech habang interlude.

Palagi naman akong handang ibigin ka, Princess. Nung high school pa lang, mahal na kita. Hanggang ngayon. Hindi 'yon nawala, ni hindi nga nabawasan. Pero ano bang magagawa ko kung may gusto kang iba? Paano ko iisipin ang sarili kong kaligayahan kung nakikita kong sobrang saya mo sa iba. Sino naman ako para ipagkait sa'yo yung kaligayahang pinili mo?

"Ayan, nagmukha ka nang tao!" nakangiting sabi niya.

Nginitian ko na lang siya.

"H'wag mo ko kalimutan pag madami ka ng chix ha?" dagdag pa niya kaya kinurot ko pisngi niya.

"Syempre hindi."

Kung alam mo lang, Princess. Sa araw araw nating magkasama, lalo akong nahuhulog sa'yo. Sasaluhin mo ba ako? Kasi mas lalo na kitang minamahal. And I like myself better when I'm with you.

(5 years later)

Pasimple kong inikot ang mga mata ko habang iniisa-isa ang mga tao sa airport. Tinapat ko rin 'yung cellphone ko sa may tenga ko nang ma-dial ko ang numero niya.

Nag ri-ring lang 'to at hindi niya sinasagot. Maya-maya naman, nagulat na lang ako dahil may biglang tumapik sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si Princess na nakangiti.

"Yo, Marc! Muntik na kitang hindi nakilala ha? Ganyan ba talaga pag galing ibang bansa? Guma-gwapo?" tatawa-tawa niyang sabi habang nakapamulsa siya.

"Dati na akong gwapo," sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

"Aba at yumabang din ha," sabi niya pa sabay patong ng kanang kamay niya doon sa dala-dala kong bagahe.

Nagsimula naman na kaming maglakad ng dahan-dahan.

"Musta lovelife? Ano, nakarami ka ba dun?" tatawa niyang sabi. "H'wag mong sabihing kinasal ka na? Hindi man lang nagsabi eh!"

"Hindi ah, binata pa ko," natatawa kong sagot.

Oo, maraming babae doon... pero, ikaw lang. After all those years, ikaw lang ang tanging hinahanap-hanap ko doon, sa dami ng tao doon, ikaw lang, Princess.

Tiningnan ko siya at naalala ko ang mga panahon na iniisip ko ang mga sinayang kong panahon.

Tumigil ako sa paglakad kaya natigilan din siya. Tumingin siya sa'kin na may halong pagtataka.

"Princess, may sasabihin ako sa'yo."

Tumingin siya sa'kin at sa orasan, "Ano 'yun?"

"Tara, upo muna tayo doon," sabi ko sabay tingin doon sa mga bakanteng upuan na andoon.

Pumunta kami doon at umupo. Sa sobrang lamig, nilagay ko sa bulsa ang mga kamay ko. Tiningnan ko siya, nilalamig din siguro't nakapamulsa na pala kanina pa.

Pinagmasdan muna namin ang mga taong andoon. Mga nagyayakapan, mga umiiyak, mga nakangiti, at kung anu-ano pa. Matapos ang isang minute, tumingin ako sa kanya. Ganoon rin naman siya sa'kin.

Huminga akong malalim at inantay ko ang pinaka-tahimik na tyempo para marinig niya.

"Na-ilista mo man lang ba ako?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Saan? Sa pupunta dun sa high school reunion?" walang muwang niyang sabi.

"Hindi," sagot ko.

Napa-isip siya ng matagal. "Nagka-utang ba ako sa'yo?"

Umiling ako, "Hindi. Wala kang utang sa'kin."

Tumawa siya, "Pinakaba mo naman ako. Akala ko may utang ako. Sa maka-lawa pa kasi swelduhan ko eh. Ikaw talaga!"

Hindi ko magawang tumawa o ngumiti sa sinabi niya. Gawa na rin siguro ng kaba. Kung kaya, napa-ubo na lang ako.

"Pero seryoso, na-ilista mo man lang ba ako, Princess?"

Tumingin siya sa'kin, "Saan ba?"

Huminto muna ako ng ilang segundo. Wala nang atrasan ito.

"D'yan sa puso mo," seryoso kong sabi. "Kahit isiksik mo ako d'yan kahit papaano, ayos lang sa'kin."

"Uy ang seryoso mo naman. Hidden camera ba 'to, Marc? Pag eto talaga---"

"This may sound odd but please makinig ka lang."

Huminga ako ng malalim.

"Princess, nung high school pa lang tayo, lagi na kitang sinasabayan; sa paglabas mo ng school, sa pagsakay mo ng bus at jeep, kahit saan basta hindi mo mahahalata. Gusto ko kasi palagi kitang nakikita kahit sa malayo lang. Alam mo bang hiling ko noon? Ang umiksi ang pagitan nating dalawa."

Tiningnan ko siya sa mata. Nag-iwas siya ng tingin at tiningnan ang kanyang mga paa at ginalaw-galaw ito.

"Alam mo ba? Lahat ng kilos mo, alam ko na. Pati nga 'yang ginagawa mo, alam ko ang ibig sabihin."

Sa sinabi ko, tumigil siya sa paggalaw ng mga paa niya atsaka tumingin sa'kin.

"Marc---"

Nginitian ko siya, "Sa pagsunod ko sa'yo, nasubaybayan ko rin ang love story niyo ni Ervin. Hindi ko nga lang nasubaybayan nung una dahil iba tayo ng school pero karamihan sa usapan niyo nadinig ko."

Natawa ako, "May ugaling stalker ako no?"

Tumingin ulit siya ibaba at pinagmasdan ang suot niyang sapatos.

"Karamihan sa mga panahon na nag aaway kayo, natataon na nandoon ako. Nung nakipagbreak siya sa'yo, nung mga panahon na lagi kang mag isa at pumupunta ka doon sa cafe. Mga panahon na ang lungkot mo at iyak ka ng iyak. Nakita ko lahat 'yun pero wala akong nagawa. Sino ba naman kasi ako para manghimasok sa buhay mo di ba? Nasabi ko nalang nun. Sana ako na lang yung nilista mo. Sana kaya ko ring mag ingay sa buhay mo, lalong lalo na d'yan sa puso mo."

Naiiyak ako pero pinipigilan ko. "Buti pa si Ervin, nalista siya sa noisy. Ako nga ata, kahit saang listahan, hindi mo ako nilista."

Tumingin ako sa kanyang mata, "Makinig ka sa sasabihin ko, Princess."

Tumingin siya sa'kin.

"Noon pa man, gusto na kita. Mahal na kita... dati pa. At hanggang ngayon, minamahal pa rin kita. After ng graduation natin nung college, nakita kong okay kana ulit kahit wala na siya sa buhay mo. Ilang beses kong sinubukan na ligawan ka at sabihin lahat 'to sa'yo. Pero everytime na tinitingnan kita, everytime na nakikita ko ang mga mata mo, ramdam ko naman eh... Alam ko na siya pa rin ang gusto mo. Siya pa rin 'yung nag iingay d'yan sa puso mo."

Tiningnan ko siya sa mata, "Kahit ngayon... hindi ba? Siya pa rin."

Napa-kagat siya ng labi.

Nginitian ko siya kahit ang hirap.

Masakit sa'kin pero ewan ko ba. Wala eh. Alam ko na kahit anong gawin ko, hindi ko kayang palitan 'yung Ervin na 'yun sa puso niya. Mas gugustuhin ko pang Makita siyang masaya kahit na sa piling ng iba.

"Marc," panimula niya matapos ang ilang minuto.

"Kung ililista man kita, doon ka sa listahan ng mga taong pinapasalamatan ko kaya ako naging better person. Sa lahat ng ginawa mo para sa'kin, kahit na puro sakit lang yung naidulot ko sa'yo... Maraming salamat. Ikaw yung taong nakasama ko nung mga panahong sobrang down at lungkot ko. Kung wala ka, siguro ibang tao ako ngayon... kaya salamat..."

Oo, hanggang dun lang ako.

Nginitian ko siya, "Wala yun, maliit na bagay."

Napansin kong medyo awkward na siya.

"Hoooooy!" tawag ko sa kanya at kinurot 'yung ilong niya kaya napa-"Ah!" siya.

"Lika na," sabi ko pa at tumayo na.

Tumayo rin siya pero hindi na niya nilagay kamay niya doon sa hawakan ng mga bagahe ko. Nasa likod ko rin siya sa paglalakad kaya nilingon ko siya.

Nakita ko namang nakatingin siya sa phone niya.

Huminto ako para makasabay siya sa paglalakad.

"Mhmm, may lakad ka pa?" tanong ko.

"Ay hindi, may susundo kasi sa'kin," sagot niya naman sa'kin.

"Ah, saan ka niya susunduin? Hatid na kita dun," alok ko.

"Ah, hindi na. D'yan lang din naman sa labas," sagot niya.

"Ah sige, hatid mo na lang ako doon sa labas oh?" pagbibiro ko.

Tumawa siya, "Sige ba. May ibibigay rin naman ako eh."

Nakita kong binulsa niya 'yung phone niya at inilagay niya 'yung mga kamay niya doon sa hawakan ng bagahe ko.

Hindi ko naman alam ang aking mararamdaman sa nakita ko.

Doon kasi sa kaliwang kamay niya, sa may ring finger, may singsing.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti, "Tara na?"

Ngumiti na lang ako. Pero habang papalapit kami ng papalapit sa may labas ng airport, tumigil ako sa paglalakad.

"Ikakasal ka na pala?" panimula ko.

Natigilan naman siya sa sinabi ko.

"Umm... oo. Engaged na ko, last year pa..." sagot niya sa'kin.

May kinuha siya sa bulsa niya at iniabot niya sa'kin 'yung invitation letter ng kasal niya.

Kasal nila... ni Ervin.

Pagtingin ko naman sa may bandang labas, nakita ko si Ervin. Napatingin rin si Princess doon at tinawag niya ito.

Lumapit si Ervin sa amin at niyayaya na din ako sa kasal nila. Pinakilala kasi ako ni Princess na bestfriend. At mukhang busy silang dalawa sa pag iimbita sa kasal nila. Pero kita kong masaya naman si Princess, gawa nung mga ngiti niya at tingin kay Ervin.

Kahit sa pagkakataong 'to third wheel ako. Hays. Pero okay lang, masaya ako kasi masaya naman 'yung taong mahal ko. Masaya na siya dun sa taong para sa kanya. Minsan din kasi kailangan natin mag sacrifice. Kasi may mga bagay na kahit gaano natin kagusto na maging atin, eh hindi pwede. Hindi dapat. Kasi meron pa rin talagang para sa atin. Na hindi lang natin napapansin kasi nakatingin tayo sa iba.

Nagpaalam silang dalawa na mauuna na sila kasi may kikitain sila na medyo hectic ata ang sched at mamaya lang nila pwede kitain. Kung kaya, umuo ako.

Habang nag aantay naman ako ng masasakyang taxi, may malakas na mabigat ang bumangga sa'kin. Sa sobrang lakas ng impact, halos mapa-subsob ako sa sahig.

"Ay sorry sorry po kuya!" rinig kong sabi ng isang babae na ang dami daming dalang gamit.

Dahil likas naman sa akin ang chill lang (tahimik nga ako di ba), umuo na lang ako at pinalampas iyon nang hindi tumitingin sa kanya.

"Sure ka kuya? Gusto mo, bigyan kita ng chocolates, pambawi man lang? Madami ako binili eh, gusto mo?" alok niya sa'kin pero tinanggihan ko agad.

"Sabi mo 'yan kuya ah? Baka may death note ka d'yan tapos ilista mo ako dun. Wag naman po, madami pa ako pangarap. Heheheee," sabi pa niya kaya napatingin na ako sa kanya.

*END*

:

Continue Reading

You'll Also Like

86.8K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
114K 5.8K 46
Hello! This is for newbie writers na gustong matuto :)
3.5M 154K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.