Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XI : Prove me

79.3K 3.6K 4.4K
By Serialsleeper



Sorry natagalan :)


CHAPTER XI

PROVE ME

MIRA'S POV


Hawak-kamay kaming bumuo ng bilog sa gitna ng madilim sa silid, ang tanging liwanag namin ay nagmumula lamang sa isang maliit na kandilang nakasindi. Wena kept assuring us that we're safe, that we're protected by walls and floors but I guess after all the horrible things we've experienced, to fear and worry is inevitable no matter how much we trust her.


"Wacky... Wacky kailangan ka naming makausap." Paulit-ulit na sambit ni Churchill matapos mausal ni Wena ang dasal na ginagamit ng kanyang lolo sa pagtatawag ng mga kaluluwa.


"You have to mean it." Giit ko kay Churchill na siyang katabi ko, napansin ko kasing wala namang nangyayari.


"I mean it." Giit naman ni Churchill sakin.


"Okay! Is it just me or sobrang lamig na talaga dito?!" Tarantang sambit ni Pinky.


"Kalma lang tayo!" Sabi naman ni Gino.


Sa isang iglap, bigla naming naramdaman ang isang malakas na ihip ng hangin kahit pa wala namang bintana sa silid dahilan para umalingawngaw ang sigawan naming lahat, mabuti nalang at hindi nito naapula ang liwanag ng kandila. Nararamdaman ko ang mga tarantang galaw nila na para bang gusto na nilang bumitaw mula sa bilog pero pinipilit parin nilang manatili. Kahit ako, gusto ko ring manatiling kalmado pero sa pagkakataong 'to, takot parin at kaba ang nananaig sa sistema ko.


"Waldo Kimberly makinig ka saking tarantado ka! Makipag-usap ka sa amin!" Biglang umalingawngaw ang sigaw ni Churchill na punong-puno ng galit dahilan para matigil kaming lahat sa pagsisigawan.



"Churchill?"



Sa isang iglap, bigla naming narinig ang boses ng isang lalake. Kinilabutan ako sa narinig lalo pa't bakas sa boses ang labis na panghihina at paghihirap ng kung sino mang nagmamay-ari nito. Nanggagaling ang boses sa radyo kaya lahat kami ay otomatikong napatingin sa direksyon nito.


"Wacky?! Wacky ikaw ba yan?!" Bulalas ni Churchill sa direksyon ng radyo at awang-awa ako sa kanya nang makita ang tuluyang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. The Churchill I know was always happy, he was always fooling around, always the one to lighten up the mood with his crazy antics and thoughtful words. But the Churchill I'm seeing know is suffering in so much pain... It hurts seeing him like this.


"Churchill?! Churchill si Dana?! Asan si Dana?!" Muli naming narinig ang boses mula sa radyo. I don't know if it really is Wacky, I've only met him once. But the way Churchill's reacting, I'm sure it's the voice that belongs to Wacky.


Sa isang iglap, bigla na lamang bumitaw si Churchill sa kamay ko at dali-dali niyang pinulot ang radyo. Nanginginig ang kanyang kamay dahil sa labis na taranta at bigat ng kalooban. Dahil bumitaw siya, bumitaw narin kami at pinanood siyang umasa sa katiting na chansang ito nga ang kababata niyang halos ituring niyang kapatid.


"A-ask for proof! You're the only one who can tell if he's really Wacky!" Wena said and so it began... Churchill frantically thinking of things only he and Wacky could know. But wait he mentioned Dana... no, need more to be sure.


"A-asan ang iba? Sino yang mga kasamo? Si Dana?! Nakabalik ba si Dana?!" Natatara muling sambit ng boses mula sa radyo dahilan para magkatingan kami nina Wena, fear and confusion were written all over our faces.


"Wait he can see us?!" Bulalas ni Pinky, sa sobrang takot agad siyang napakapit sa balikat ni Gino na gaya namin ay naguguluhan narin sa nangyayari.


"Wacky! Wacky ikaw ba talaga yan?!" Muling sigaw ni Churchill sa radyo.


"Tangina oo! Ako 'to!" Muling sagot naman ng boses mula sa kabilang linya.


Napatingin sa amin si Churchill na para bang kumbinsidong ito na nga si Wacky kaya naman sabay-sabay kaming nagsigawan, "Ask for proof!"


"Kigwa!" Bigla na lamang sigaw ni Churchill na para bang may napagtanto. Nagkatinginan kaming mula nina Pinky, anong Kigwa?


"Oo mukha kang Kigwa! Alam mo na dapat yan!" Sigaw muli ng boses mula sa radyo, this time mukhang tuluyan na itong naubusan ng pasensya.


"Anong ibig sabihin ng kigwa?! Sagot!" Maotoridad na sigaw ni Churchill.


"Sinabi ko na noon! Pinworm! Tangina ako sabi 'to!" Pagwawala naman ng kausap namin.


"Sandali!" Biglang sigaw ni Gino kaya napalingon kaming lahat sa kanya, "Baka multilingual ang kaluluwa at niloloko ka lang! Isa pang tanong!" Sigaw nito at sa puntong 'yon wala na akong ibang nakita sa mukha ni Churchill kundi desperasyon.


"Who was the first and only girl I've banged?!" Tarantang bulalas ni Churchill at sa puntong 'yon napatulala na lamang ako at naiwang nakanganga sa sobrang gimbal. Oh no....


"Si Mira!" Buong lakas na sigaw ng nasa kabilang linya at sa puntong 'yon ay wala na akong ibang nagawa kundi mapatili sa sobrang gulat.


"H-hindi totoo yan!" Pagwawala ko. Gusto kong agawin mula kay Churchill ang radyo at igiit na hindi ito totoo and at the same time gusto ko ring pagsisipaan si Churchill hanggang sa mapatay ko siya pero pinigilan ako nina Wena, Gino at Pinky sa pamamagitan ng paghawak sa mga kamay at paa ko.


"Gusto mo pa ng proweba tukmol?! Naka one-night stand mo si Mira noong nalasing kayo sa Freshmen Night! Takot na takot ka nun na baka nabuntis mo siya kaya nagpatulong ka sakin na magtirik ng sandamakmak na kandila sa simbahan! Natatakot ka sa mga mascot lalo na sa bearbrand! Sabay tayong tinuli ng lolo ni Gurami! May gusto ka kay Mira!" Muli pang sambit ng boses mula sa kabilang linya at sa puntong 'yon, siguradong ito na nga si Wacky.


"Si Wacky 'to!" Bulalas ni Churchill, luhaan at bakas ang labis na tuwa sa kanyang mukha.


"Traydor kang Jejemon ka! Nangako kang wala kang pagsasabihan ng nangyari!!!" Sigaw ko sa kanya at susugurin sana siyang muli pero kinaladkad na ako nina Wena palabas ng silid.


"'Wacky! Wacky pangako gagawa ako ng paraan para makabalik ka!" Narinig kong sambit ni Churchill kaya sa kabila ng sama ng loob ko, napatingin ako kay Wena na narinig rin ang sinabi ni Churchill. Nang magkatinginan kami ni Wena, alam kong sa puntong 'yon ay hindi lang ako ang kinabahan sa narinig kundi pati narin siya.


*****


Nanatili akong nakadapa sa sahig ng banyo. Hindi naman basa ang sahig, malamig ang tiles, perfect para ibaon ang mukha ko dahil sa matinding kahihiyan. What happened that night... It was a big mistake. It was the University's freshmen night last year, we had too much to drink lalo na sa after-party na ginanap sa abandonadong bahay ni Cielo, we were drunk, we shared our problems and sentiments to each other, we flirted... I woke up the next day... and yun na, bye-bye virginity na.


"Hey..."


Bahagya kong hinilig ang pisngi ko sa direksyon ng pinto at nakita si Pinky na bitbit ang isang balde na puno ng mga yelo.


"Thank you. Pakilagay nalang diyan, ako na ang magdadagdag niyan sa bathtub." Sabi ko na lamang.


Ngumiti lamang si Pinky at tumango-tango pero nagtaka ako nang bigla siyang tumabi sakin at napabuntong-hininga, "Don't worry, your secret's safe with us."


"Thank you..." Sabi ko na lamang muli at nanatiling nakadapa sa sahig.


"If you ask me, Churchill deserves some UFC-like kicks and punches for tattling your intimate secret," Aniya kaya napa-thumbs up na lamang ako, "But I'm sure that he's not like other boys who run around bragging intimate experiences to their friends."


"How do you know that? No offense but you don't even know Churchill... What if sobrang dami na pala niyang pinagsabihan ng nangyari? What if matagal na pala niyang pinagkalat sa mga kaibigan niya ang nangyari?" Sabi ko na lamang.


Ngumiti si Pinky, "Because I've seen how he's been treating you ever since we met. You may haven't noticed it yet but there's something about the way he looks at you... He's like this little confused kid around you. Okay, I may not be the smartest when it comes to Academics but I'm really good at reading people's actions. That spirit has even confirmed it, Churchill likes you... Hate him for now but you should give him another chance when all of your problems are solved."


Tumayo si Pinky at pinagmasdan si Dana na nakalublob parin sa bathtub, "I believe there's always a reason for everything. When I met you guys, I thought I was going to die.... But at that moment, I realized how much I want to survive, how much I love my parents, and how much I wanted to live."


Bago tuluyang lumabas si Pinky ay lumingon muna siya sa akin, "I like Axel a lot but he's inlove with another girl so I'm raising the white flag na. You should be thankful, mutual ang feelings niyo."


I like that Pinky's being nice and mature for once, but she's being completely delusional.


And If Churchill does like me... he's going to hate me for what I'm about to do when Dana wakes up.


Imbes na magpakamiserable, tumayo na lamang ako at inilagay ang mga yelo sa bathtub para sa bangkay ni Dana. Nang matapos ay lumabas na lamang ako pero laking gulat ko nang makatagpo si Churchill na papasok naman ng banyo dala ang radyo na ginagamit niya para makausap si Wacky.


"M-mira..." Mahinang sambit ni Churchill na hindi ako magawang tingnan at nakatitig lamang sa sahig.


"Bakit?" Tanong ko na lamang gamit ang blankong ekspresyon.


"S-sorry talaga pero pangako si Wacky lang ang sinabihan ko sa nangyari... Mira hindi ako gaya ng iba.." The sincerity I can see in him is calming, he's full of regret and shame. I can tell from the sound of his voice that he really feels bad about it.


Tumango na lamang ako at naglakad palayo, hindi lumilingon at deretso lamang ang tingin.


Churchill's the one apologizing now but it won't be long until I'm the one doing it.


*****



THIRD PERSON'S POV


Hindi makapaniwala ang binatang si Wacky sa nangyayari. Nagagawa na niyang makausap ang kaibigan at nakikita niya pa ang mga ginagawa nito sa pamamagitan ng pagtitig sa apoy na dumadaloy sa fountain.


Sa mga sandaling ito, ang tanging nakikita at nakakausap lamang ni Wacky ay ang kaibigang si Churchill matapos mag-alisan ang apat sa silid upang mailayo ang nagwawalang si Mira.


Nagkaroon ng pagkakataon si Churchill maipaliwanag ang lahat ng mga nangyari kay Wacky; kung paano bumalik sa normal ang lahat, kung bakit siya ang kinuha ni Astaroth at ang tungkol sa nangyari kay Dana.


"S-si Dana, maaring ipinaghiwalay kayo ni Astaroth. Nang tinanong kasi namin si Dana kung ano ang huling naalala niya, sabi niya tatlong buwan na raw matapos bumalik ang lahat sa dati. Sa tingin namin pinahihirapan ni Astaroth si Dana sa pamamagitan ng mga pangyayaring makakasakit sa damdamin niya, nagawa lang makaalis ni Dana sa lugar na 'yon at mabuhay uli nang matuwa siya ng sobra dahil kay Harper... Teka Wacky subukan mo rin! Subukan mong mag-isip ng mga nakakatuwang alaala—"


"Sabi mo araw palang ang nakalipas pero pakiramdam ko, ilang taon na akong nandito at naghihirap... At sa loob ng mga panahong 'yon, wala akong ginagawa kundi balikan ang masasayang alaala sa isip ko, pero andito parin ako..." Giit ni Wacky na hindi man lang pinatapos si Churchill sa sinasabi nito.


"Wacky pangako... gagawa ako ng paraan." Maluha-luhang sambit ni Churchill kaya natawa na lamang ng bahagya si Wacky sa kabila ng labis na takot at hirap na nararamdaman.


"Si Dana..." Pag-iiba ni Wacky sa usapan, "Sabi mo naririnig parin niya ang lahat at naaapektohan siya sa mga ginagawa niyo... Churchill gusto ko siyang makausap..."


Sa kagustuhan narin ni Wacky, nagtungo na lamang si Churchill sa banyo kung saan nakahimlay ang bangkay ni Dana. Matapos saglit na makausap si Mira, pumasok si Churchill sa banyo at ipinatong niya ang maliit na radyo sa isang upuan, malapit sa ulo ni Dana. Napagpasyahan ni Churchill na umalis na lamang at hayaan si Wacky na mag-isang kausapin si Dana.


****


Tuluyang pumatak ang butil ng luha mula sa mga mata ni Wacky nang makita niya mismo ang bangkay ni Dana na nakalublob sa isang bath tub na puno ng yelo. Gustuhin man niya itong hawakan o hagkan, hindi niya magawa dahil napapanood lamang niya ito mula sa fountain.


Sa labis na panlulumo, naupo na lamang si Wacky at wala sa sariling nilibot ang paningin sa bawat direksyon ngunit gaya ng dati, walang ibang meron kundi kadilimang tila ba walang hangganan. Napabuntong-hininga na lamang si Wacky at hinilamos ang nanginginig na mga palad.


"Dana..." mahinang sambit ni Wacky at napatitig na lamang sa kawalan. Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ni Dana, palakas ng palakas hanggang sa bumalik sa isipan niya ang unang beses na nakilala niya si Dana. Dahil sa naalala, sa kabila ng labis na panlulumo, hindi parin napigilan ni Wacky na mapangiti.


"D-dana ako 'to, si Wacky... Ako 'to, yung poging amboy mo," Sabi pa ni Wacky na animo'y nagagawa pang asarin si Dana, "Naririnig mo daw sila kaya siguro naman maririnig mo na rin ako sa pagkakataong 'to ... Kita mo nga naman, demonyo na mismo ang humusga, may koneksyon daw tayo kaya tayong dalawa ang kinuha. Hindi naman siguro kita kadugo diba?" Pagbibiro pa ni Wacky sa kabila ng pamumuong muli ng kanyang luha.


"Siguradong nilalamig ka, nilublob ka ba naman kasi sa sandamakmak na yelo. Sayang wala ako diyan para yakapin ka."Pagbibiro pa ni Wacky at napatingala sa direksyon ng apoy sa fountain, "Siguro kung naririnig mo nga ako ngayon, gusto mo na akong sapakin."


Muli, napabuntong-hininga si Wacky habang nanatili sa kinauupuan, "Sabi ko na nga ba, hindi totoo yung taray na ipinakita mo sa aming lahat kasi nasaktan ka lang. Naghinala ako noon na hindika talaga impakta, na sa kabila ng lagi mong pagtataray, mabuti kang tao... tama nga ako kaso hindi ko inakala na aabot ka sa punto na kakalimutan mo na pati ang sarili mo... Nga pala, sabi nila lumalakas daw ang chansa na makabalik ka kung magiging masaya ka, alam kong patay na patay ka sakin kaya isipin mo nalang ako. Think of happy thoughts, think of me."


"Dana... Dana gising na.. Dana gumising ka na kasi kakailanganin kayo ni Churchill ng buo at masaya, sigurado kasing mahihirapan yung tanggapi na hindi na ako makakabalik. Masyadong ma-drama yung sipuning 'yon eh. Buti nalang di siya napagkakamalang bakla." Huminga ng malalim si Wacky at muling pinilit ang sariling ngumiti, "Alam kong naririnig mo ako, kilig ka no? Sige na, gumising ka na... Malalagpasan rin natin 'to."



"Oo na..."


Nagulat si Wacky nang marinig ang isang pamilyar na boses sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ay laking gulat niya nang unti-unting lumitaw sa kanyang tabi si Dana; puno ng mga sugat at pasa, duguan at hinang-hina habang hawak ang sikmura nitong nagdurugo dahil sa saksak na tinamo mula kay Dondy. Sa takot na baka maglaho si Dana, dali-daling hinawakan ni Wacky ang kamay nito.


"Dana malalagpasan rin natin 'to." Sambit muli ni Wacky at sa pagkakataong ito'y muli siyang napangiti.


Gulat na gulat ni Dana nang mapansing boses ni Wacky ang kanyang narinig. Mas lalo siyang nagulat nang makitang hindi na kamay ng naghihingalong si Churchill ang kanyang hawak. Unti-unting nag-angat si Dana ng tingin upang alamin kung kaninong kamay ang kanyang hawak at labis pa siyang nagulat nang makita si Wacky.


"Wacky..." Gulat na gulat man, agad na kumurba ang ngiti sa mukha ni Dana kasabay ng pag-agos ng luha mula sa mga mata niya.


"'Wag ka ngang umiyak." Sambit ng ngiting-ngiti paring si Wacky sabay punas ng luha sa pisngi ni Dana. Nagulat na lamang si Wacky nang sa isang iglap ay napansin niya ang panlalabo ni Dana hanggang sa tuluyan itong maglaho.


"Dana?" Napasinghap si Wacky sa gulat hanggang sa tuluyang mapasigaw habang tinatawag ang dalaga. Tarantang napatayo si Wacky upang panoorin mula sa fountain ang nangyayari sa kasalukuyan.


Nakita ni Wacky ang bangkay ni Dana na nakalublob sa bathtub. Tinitigan niya ito ng maigi hanggang sa bigla na lamang dumilat ang mga mata nito at suminghap dahil sa labis na lamig.


"Dana!!!" Napasigaw si Wacky, sa pagkakataong ito'y dahil na sa labis na tuwa lalo pa't nasaksihan niya mismo ang muling pagkabuhay ni Dana.


****


Mag-isa lamang si Mira habang nakaupo sa harap ng telebisyong konektado sa mga CCTV na nagkalat sa paligid. Hindi niya maalis ang tingin sa hawak na baril, oo nga't handa niyang gawin ang lahat para makabawi kay Dana pero mabigat parin ang kanyang kalooban sa kailangan niyang gawin.


Sa isang iglap, biglang naagaw ang atensyon ni Mira ng telebisyon. Agad siyang napatingin rito nang may mapansin siyang gumalaw mula sa kamera na nakalagay sa ground floor.


"Shit..." Bulong na lamang ni Mira sa kanyang sarili nang makita si 'Wacky' mula sa CCTV footage. Nakatingala sa mismong dereksyon na kinaroroonan ng kamera at kumakaway habang may ngisi parin sa mukha.



END OF CHAPTER 11

Note: And yes, this chapter is parallel with Book 2's Chapter 24, yung biglang nawala si Dana while with Churchill... If magba-backread po kayo, please don't post spoilers sa previous chapters. Thank you :)

THANK YOU FOR READING <3

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
The Hardest Thing By L

General Fiction

105K 2.8K 43
© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
KAHIMANAWARI By talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...