WMAMTG (Unedited)

By ScarsAreBlind

13.2M 239K 38.7K

WHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who... More

When miss ASSASSIN meet the GANGSTERS
CHAPTER 1 - the arrival
CHATER 2 - Oakwood University
CHAPTER 3 - First day Impressions
CHAPTER 4 - Red Night
CHAPTER 5 - I am NOT a GANGSTER!!
CHAPTER 6 - outlaw gangsters
CHAPTER 7 - when his demon awakes
CHAPTER 8 - FRIENDS?
CHAPTER 9 - Ransu~kun
CHAPTER 10 - the Organization
CHAPTER 11 - new friends
CHAPTER 12 -MISUNDERSTOOD
CHAPTER 13 - INVITED
CHAPTER 14 - you messed with the wrong person
CHAPTER 15 - Mysterious Arrow
CHAPTER 16 - Oh no! It's Friday!
CHAPTER 17 - Anino
CHAPTER 18 - Where art thou, Kiyomiko?!
CHAPTER 19 - Mikage Sou!!!
CHAPTER 20 - Gone ...
CHAPTER 21 - Truth behind Lies
CHAPTER 22 - the real her
CHAPTER 23 - trust
CHAPTER 23 - trust PART 2
CHAPTER 24 - Chances
CHAPTER 25 - Dangerous little Secrets
CHAPTER 26 - worst day ever?!
CHAPTER 27 - The Favor
CHAPTER 28 - Here Comes Trouble
CHAPTER 29 - Midnight Madness
CHAPTER 30 -The Witch, The Jerk and The Emperor
CHAPTER 31 - Darker Side of Her Demon
CHAPTER 32 - Evil Plans
CHAPTER 33 - Red Night's 7th Phantom Member
CHAPTER 34 - Back on Tracks
CHAPTER 35 - Drifting Away
CHAPTER 36 - Brother's way
CHAPTER 37 - Saturday Date-saster!
CHATER 38 - Love is Painful
CHAPTER 39 - Saving and Loosing
CHAPTER 40 - Nani wo su beki ka?
CHAPTER 41 - I KILLED HER
CHAPTER 42 - 7th Phantom Member's Challenge
CHAPTER 43 - The Bar Incident
CHAPTER 44 - Unresolved
CHAPTER 45 - Knowing the Enemy
CHAPTER 46 - Let the Game Begins
CHARACTER REFERENCE (Not an Update)
CHAPTER 47 - One Last Date
CHAPTER 48 - Boy's Talk
CHAPTER 49 - He's My ... WHAT?!
CHAPTER 50 - Karupi and the Chameleon?
CHAPTER 51 - Hangyaku to Himitsu
CHAPTER 52 - Kimochi to Sobetsu kai
CHAPTER 54 - Painful Farewell
CHAPTER 55 - Seal's Last Gift (Part 1)
CHAPTER 56 - Seal's Last Gift (Part 2)
CHAPTER 57 - The Package, His Letter and She's Missing ... Again?!
CHAPTER 58 - Paying Debts
CHAPTER 59 - Importance and Priorities
CHAPTER 60 - The Night the Crow Deiti Cries Blood
CHAPTER 61 - HK Underground
CHAPTER 62 - Gangster King
CHAPTER 63 - Played
CHAPTER 64 - A New Identity: ZERO
CHAPTER 65 - What the Hell?!
CHAPTER 66 - Another Attempt
CHAPTER 67 - A Birthday Special
CHAPTER 68 - A Decision To Make
CHAPTER 69 - Behind Their Mask
CHAPTER 70 - Start of Mafia War
CHAPTER 71 - This is War
CHAPTER 72 - Unexpected
CHAPTER 73 - Hajime no Owari
CHAPTER 74 - Friends and Foes
CHAPTER 75 - It's not yet Over
CHAPTER 76 - Limitation
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 77 - Will To Fight
CHAPTER 78 - New Enemies?
CHAPTER 79 - Red Dragons Triad
CHAPTER 80 - The Trickster's Trick (part 1)
CHAPTER 80 -The Tricker's Trick (Part 2)
CHAPTER 81 - Hide, Seek and Kill
CHAPTER 82 - The Perfect Bait
CHAPTER 83 - The End of War?
EPILOGUE

CHAPTER 53 - Compromised

116K 1.8K 122
By ScarsAreBlind

a/n: Guys, pasensiya na kung natagalan ang update ..

Short update lang muna ito, next chapter nalang ako babawi.

Sana magustuhan niyo.

On media: Pissed Kiyo be like. 😎😎😎 ⬆️⬆️⬆️

===========================================================

CHAPTER 53 - Compromised



NANJIRO's

Tanghali na ako nagising ngayong umaga. Siguro dahil madaling araw na akong natulog kakahintay sa pagdating ni Kiyo. Alas tres na kasi siya nakauwi at mugto pa ang mata. Hinatid lang naman niya sa airport si Seal, mukhang nag dramahan pa sila. Tss. Masyado siyang attached kay Seal.

Napatingin ako sa side table ko at nakitang past eight na pala. Tinatamad akong mag turo ngayon. Siguro naman maiintindihan nila yun dahil may mission kami mamaya. Bumangon na ako sa kama at dumiretson sa cr para mag ayos.

Bitbit ang tshirt ko, lumabas na ako ng kwarto at nagulat ako ng makita si Kiyo na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Nakabihis na din siya. Mukhang di natulog ang isang ito ah.

"Ohayoo dear wife. Aga mo ah?" Bati ko sa kanya habang papalapit sa sofa upang umupo na din.

"Tss. Wala ka bang balak magturo? Tanghali na ah! Walang kwentang professor." Inis na sabi niya sa akin. Hindi ko alam pero gusto ko atang matawa sa sinabi niya. Asawang asawa ang dating eh.

"Tinatamad ako eh. Tsaka kailangan nating mamili ng isusuot natin mamaya sa auction." Katwiran ko sa kanya. Sa totoo lang nakakatamad talaga mag turo. Kung hindi lang dahil sa misyon ko eh hindi ko naman gagawin to.

"Para namang aabutin tayo ng maghapon sa pamimili. Tsk. Kumain na tayo dahil papasok tayo sa school. BI na teacher to." Sabi ni Kiyo sabay tayo sa sofa. Natatawa naman akong sumunod sa kanya sa kitchen.

Pagdating namin sa kitchen ay agad na kaming umupo sa lamesa. Ayos nga eh, nakahanda na ang pagkain. Marunong naman palang magluto tong babaeng to eh. Kakain na sana ako ng biglang may lumipad na kutsilyo papunta sa kamay ko. Napatingin naman ako agad kay Kiyo na nakataas ang kilay sa akin.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa harap ka ng pagkain, nakahubad ka! Magsuot ka nga ng damit." Asik niya sa akin. Ano bang problema ng isang to? Init ng ulo. Hinayaan ko nalang siya. Nagsuot nalang ako ng damit para makakin na. Gutom na kaya ako.

Ilang sandali pa ay tumayo na si Kiyo. Ang bilis naman niyang kumain.

"Kaw maglinis niyan ah. Pasok na ako." Sabi niya at tuluyan ng umalis.

Kainis, nautusan pa. Having no other choice, masama man sa loob ko ay ako na nga ang nagligpit ng pinagkainan bago sumuod na ding pumasok sa school.

Bago pumasok sa klase ko, dumaan muna ako sa director's office para mag paalam.

"Oh, akala ko ba may mission kayo mamaya? Bakit pumasok ka pa din?" Nagtatakang tanong sa akin ni Mr. De Guzman.

"Di na nga sana ako papasok ngayon kung hindi lang nanermon yung babaeng yun." Inis na sagot ko sa kanya. Nagulat naman ako ng tumawa siya kaya kunot ang noong tumingin ako sa kanya.

"Haha, nag aalala lang yun kaya masungit." Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya. Si Kiyo ba ang tinutukoy niya?

"Don't give me that confused look Syuusuke sensei. Of course I'm referring to Kiyomiko. Maaaring naamoy niya din ang simoy ng kamatayan sa hangin kaya mainit ang ulo niya." This is one of the reasons why I hate talking to older people. I hate riddles.

"Whatever. Kaya nga pala ako dumaan dito para sabihing di kami papasok ni Kiyo after lunch." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya bilang tugon.

Habang papunta sa room nila Kiyo, hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi ni Mr. De Guzman. Ano bang ibig niyang sabihin sa 'simoy ng kamatayan'? May mamamatay ba? Natigil lang ako sa pag iisip ng mapagtanto kong nandito na pala ako sa tapat ng room nila Kiyo.

"Goodmorning class." Seryosong bati ko sa kanila. Dapat mukhang seryoso para gwapo.

"Good morning sir." Bati naman nila na more on irit sa part ng mga babae.

"Reporters in front. You may start now." Tawag ko sa mga mag rereport na estudyante. Ang sipag ko diba? Katamad kasing mag turo eh. Unang una, hindi naman talaga ako professor, though legit naman ang credentials ko; Pangalawa, I seek excitement and adventure, being confined in a school bores me to death.

Nagpunta na ako sa side dala ang upuan para kunyaring mag masid sa nag rereport. Iginala ko ang paningin ko at nakitang natutulog si Kiyo. Tignan mo yun, ako pa ang sinabihan ng tamad eh siya rin naman. Tama bang matulog sa klase? Tatayo na sana ako para lapitan siya ng biglang tumunog ang phone ko. Napatingin naman sa akin ang buong klase.

"Go on." Sabi ko sa kanila at lumabas na muna sa room para sagutin yung tawag.

"Bakit?" Tanong ko sa tumawag.

"Ilabas mo ng campus si Kiyo. Nakapasok na sila sa school ngayon. Baka may madamay na estudyante." Utos sa akin ng tao sa kabilang linya. Damn. Sabi ko na nga ba, dapat di na kami pumasok.

"Okay sige. Kayo na bahala sa kanila."

Matapos ibaba ang tawag, agad na akong pumasok sa room at dali daling hinila patayo si Kiyo. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Ano bang problema mo Nanjiro?" Inis na tanong niya sa akin. Rinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase niya. Damn. Wala na kong oras mag paliwanag. Hindi nila pwedeng maabutan si Kiyo. Malaking problema pag nagkataon.

"Mamaya ko na papaliwanag. Tara na. Kailangan nating makalayo sa school." Sabi ko sa kanya. Naguguluhan man ay agad naman siyang tumango at nagpadala na sa pag hila ko. Bago pa man kami makalabas ay hinarap ko muli sila Ryuu.

"Ryuu, kayo na bahala sa mga estudyante. Wag niyo palalabasin ng room. May intruder sa labas." Bilin ko sa kanya. Mukhang naintindihan naman niya kaya tumango nalang siya.

Tumakbo na kami palabas ni Kiyo. Takbo lang kami ng takbo hanggang makarating kami sa parking lot. Pero hindi pa man kami nakakalapit sa sasakyan ko ay may biglang sumulpot na limang lalaking nakamaskara sa harap namin.

"Ikaw ba si Moyonaka?" Tanong ng isa sa mga humarang sa amin. Humigpit ang kapit ko s kamay ni Kiyo.

"Kung sasabihin ko bang hindi, pakakawalan niyo kami?" Seryosong tanong ni Kiyo.

"Hindi! Hahahaha." Tumatawang sagot nung lalaking nagtanong.

"Tss. Siraulo! Yun naman pala eh. Ako man o hindi yung Mayonaka na hinahanap niyo eh hindi niyo paa din kami patatakasin. Tatanong tatanong pa." Mataray na sagot ni Kiyo.

"Grabe. Ang tapang talaga ng asawa ko." Nagpipigil ng tawang sabi ko sa kanya. Inirapan niya lang naman ako.

"Aba at nakuha niyo pa ngang magusap sa harap namin. Hindi ba kayo natatakot samin huh?" Inis na sabi nung isa pang lalaki.

"Bakit naman ako matatakot eh kayang kaya ko nga kayong patayin kahit hindi pa tumulong tong lalaking katabi ko." Bale walang sagot ni Kiyo. Gusto ko na talagang matawa sa sinasabi niya pati sa inis n reaksyon ng mga lalaking humarang sa amin.

"Kung kaya mo kaming patayin, ibig sabihin ikaw nga si Mayonaka." Nakangisi namang sabat nung isa. Nakita ko naman npismid sa kanya si Kiyo.

"Dahil kaya ko kayong patayin, ako na agad si Mayonaka? Di ba pwedeng ako lang si 7th Panthom?" Inis na sagot ni Kiyo. Galing umarte eh siya naman talaga si Mayonaka.

"I-Ikaw ang Phantom na tumalo sa Bikers Gang?" Takot na tanong nung nasa gitnang lalaki.

"Oo ako nga. Kaya kung gusto niyo pang mabuhay..." Pabitin na sabi ni Kiyo habang lumalapit sa pwesto nung lima na halatang natatakot sa kanya. "Sasabihin niyo sa akin kung ano ang pakay niyo sa Mayonaka na binabanggit niyo at kung sino ang nag utos sa inyo." Mariing banta ni Kiyo habang hawak ang colar ng lalaking nasa gitna.

"Ba-Bakit namin sa-sasabihin sayo?" Natatakot na tanong nung nasa gitna. Nginitian lang sila ni Kiyo.

"Dahil papatayin ko kayo pag di niyo sinabi sa akin." Nakangiting sabi ni Kiyo sa kanila. Grabe pati ako kinilabutan sa mga pinagsa sasabi niya.

"Wag kang mayabang!" Sigaw nung lalaki sa kaliwa niya sabay sugod kay Kiyo. Agad na nakakuha ng shuriken si Kiyo mula sa belt niya at ibinato iyon sa leeg nung lalaki. Agad na sumirit ang dugo nung lalaki kaya napalyo ako agad, mahirap nab aka mamantyahan ang damit ko. Sa tingin ko, patay na yung lalaki nung bumagsak.

Muling ibinaling ni Kiyo ang tingin niya doon sa lalaking nasa gitna. Halata sa mga mukha nila ang pagkabigla at takot. Si Kiyo naman, nakangiti lang ng matamis sa kanila. Tsk tsk.

"Sasabihin niyo na ba?" Malambing na tanong ni Kiyo habang naka nguso pa.

"Pinapahanap lang siya sa amin ni Mr. A-Aragon." Nanginginig na sagot nung lalaking hawak ni Kiyo. Mr. Aragon? Bakit kaya?

"Bakit daw?" Seryosng tanong ni Kiyo.

"Hi-Hindi namin alam. Pinapahanap lang si Mayonaka." Takot pa ring sagot niya.

"Sabihin niyo sa nag utos sa inyo, walang Mayonaka dito." Sabi sa kanila ni Kiyo sabay bitaw sa kwelyo nung lalaki. Humarap naman siya sa akin at ngumise.

"Tara na. Bibili pa tayo ng damit diba?" Nakangiti niyang aya sa akin. Napailing nalang ako habang naglalakad papalapit sa kanya. Kakaiba talagang babae.

KYOHEI's



"Kisune, ano? Nacontact mo na sila Kiyo?" Tanong ko sa kapatid ko na kasalukuyang nakaharap sa computer.

Nandito kami ngayon sa bahay. Kanina kasi, maaga silang umuwi dahil sa mga intruders daw na nakapasok sa school. Sabi nila Kisune, hinahanap daw ng mga nakapasok si Mayonaka.

Sino naman kayang tanga ang magpapahanap sa kapatid ko sa ganung paraan? Tsk. Ng dahil sa paglabas ng Dagger of Fate, hinahanap nila ngayon ang Pandora's Box. Pero, paano naman nila nalaman na nasa kapatid ko iyon? Iilang tao lang ang nakakaalam nun. Hindi kaya may nag leak ng impormasyong iyon?

"Kuya, nalocate ko na sila. Magkasama sila ni Nanjiro ngayon sa mall. Pupuntahan ba natin?" Tanong sa akin ni Kisune. Malamang naghahanda sila para sa party mamaya.

"Wag na. Sabihan mo nalang sila na pumunta dito bago sila pumunta sa party. May konting pagbabago sa plano." Bilin ko kay Kisune.

Lumipas ang oras at maya maya lang ay magsisimula na an gaming misyon. Naunang tumungo doon sila Kiyo dahil kailangang tumungo muna sila sa hotel para sa press conference bago sila magtungo sa cruise ship. Paalis na kami ng may biglang tumawag sa SIMAN ko. Bakit kaya tumawag ang isang to?

"Oh Seal, napatawag ka?" Tanong ko sa kanya ng lumabas na ang hologram niya sa SIMAN ko.

"Senpai, where's Kiyo?" Nagaalalang tanong ni Seal.

"Nasa event na sila ni Nanjiro. May problema ba?" Nag aalala na ring tanong ko. Parang may hindi magandang mangyayari. Kinakabahan ako para sa kapatid ko.

"Senpai, I already confired the traitor. He leaked the information that Mayonaka had the box. This mission is compromised! Pull her out now. Please!" Nagmamakaawang sabi sa akin ni Seal. Damn! Bakit ba hindi ko naisip yun? Malalaking tao ang nasa party na iyon. Maaaring isa sa kanila ang pinaglilingkuran ng traydor sa angkan namin. Pero wala ng oras para ilabas siya doon. Kailangang magtiwala nalang kami kay Kiyo.

"Patawad Seal pero hindi ko siya maaaring I pull out sa operation na to. Kay ~" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang naputol ang tawag. Ano kayang nangyari? Tsk. Kailngan naming mas maging maingat ngayon. Hindi kaya Yaban Jin din ang nasa likod nito? Kung sila nga, shit! Nasa panganib nga ang kapatid ko!

"Guys, let's go! Kialangan tayo ni Kiyo! This mission is compromised and their target is Mayonaka." Sabi ko sa kanila at dali dali ng lumabas ng bahay.

Nang makarating na kami sa target location namin ay agad na akong nagbigay ng utos. Pinalibutan namin pier kung saan nakadaong ang cruise ship na pagdadausan ng auction. Mukhang lulan na noon ang mga bisita.

I try to contact Kiyo pero out of reach ang device niya. Shit. Ano bang nangyayari? Maya maya, nagulat kami ng biglang umandar ang ship. Akala ko ba, stationary lang to? Damn!

"Phantom to Lu. Phantom to Lu." Tawag ko sa atensyon ni Kisune. Agad naman siyang sumagot.

"Lu to Phantom. Responding." Sagot niya sa akin.

"Lu, follow the ship! Bring a troope. Be a ghost and invade. Locate Mayonaka and reportsituaion. Do you copy?" Utos ko sa kanya.

"Lu to Phantom. Copy command. Loud and Clear. Already on the move." Sagot niya sa akin.

Damn it! 180 degrees turn of events! We need another plan!

KIYOMIKO's



Andito na kami ngayon ni Nanjiro sa cruise ship. Nagsimula na din ang party. Mraming mga kilalang tao ang dumalo ngayon dito at nahihirapan kaming hanapin ang target naming si Chameleon. Hindi ako sigurado kung ganoon parin ang mukha niya.

Naghiwalay na kami ni Nanjiro para mas mabilis ang paghahanap namin.

"Kiyo?" Napalingon ako ng may tumwag sa pangalan ko. Hindi na ako nagulat ng makit ko siya.

"Jansen. Well, as expected from the Kashushima heir." Nang aasar na bati ko sa kanya, at ang loko inirapan lang ako. Gusto kong matawa sa kanya.

"Kiyo, balak mo bang magpakamatay? Bakit nandito ka?" Seryosong tanong sa akin ni Jansen. Alam kong delikado ang misyon na to dahil hindi lang si Chameleon ang maaari naming makaharap. Pitong magkakalabang angkan ang nandito ngayon sa auction na ito dahil lamang sa iisang item na iaauction ngayong gabi. Ang susi sa Pandora's Box.

"Kaya ko ang sarili ko Jansen." Sabi ko sa kanya. Nag aalala ba ang isang to sakin? Biruin mo nga naman, may puso din naman pala an glider ng mga kultong to.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Basta mag ingat ka." Sabi niya sa akin sabay lapit ng mukha niya sa tainga ko. "May espiya sila sa angkan namin at isa siya sa mga pinaka pinagkakatiwalaan nmin. Malamang mayroon na din silang espiya sa angkan niyo kaya mag iingat ka palagi, Mayonaka." Bulong niya sa akin na nakapag patayo ng balahibo ko. Damn. Nakakakiliti kasi yung hininga niya. Hehehe, pero seriously? May spy din sa kanila? Tsk. Nagpapalakas ata ng pwersa ang kalaban ah? Teka, sino nga ba talaga ang kalaban?

Marami pa sana akong gustong itanong kay Jasen kaya hinabol ko siya ng tingin pero hindi ko na siya makita. Napako ang tingin ko sa isang lalaking hindi ko inaasahang dadalo dito. Sinundan ko siya pero agad siyang nawala sa paningin ko.

"Si Lance ba talaga yung nakita ko?" Tanong ko sa sarili ko. Napailing nalang ako para itakwil ang ideyang iyon sa isip ko. Imposibleng nandito siya. Baka namamalikmata lang ako.

Bumalik nalang ako sa laang table para sa amin ni Nanjiro sakto namang bumalik na rin siya doon. Maya maya lang ay naramdaman kong gumalaw ang ship. Damn! Wala sa plano ito. Akala ko ba hindi ito maglalayag. Nagkaroon ng kaunting komosyon dahil sa biglaang paglayag ng barko.

"Ladies and gentlemen, I hope you all don't mind that we cruise this ship. The sea is calm and we thought that it would be great if wander around while we start the auction." Sabi ng host ng event habang nakatayo sa gitna ng stage.

"In a minute, we will start the auction. Have a great time everyone." Sabi niya pa sabay taas ng hawak niyang kopita.

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 202K 71
"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang pinapangarap ng lahat. Mga kalalakihang...
1.1M 35.6K 78
[COMPLETED] Gugustuhin mo bang tumira sa iisang dorm kasama ang limang hot guys with different personalities? Umm maybe the real question is... kaya...
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
4.6K 1.2K 25
Kapag inaya ka sa isang field trip sasama ka ba? Paano kung samahan nang isang milyon piso para lang sumama ka, sasama ka ba? Kaibigan, kaklase, at p...