The Casanova Has Fallen (Comp...

By adventchildren

369K 14.2K 1.1K

Would a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another R... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Announcement
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter (Part 1)
Bonus Chapter (Part 2)
Bonus Chapter (Part 3)
Bonus Chapter (Part 4)
Bonus Chapter (Final Part)

Chapter 31

4.2K 176 11
By adventchildren

*One Month*

Bianca's POV

"Ah C-Chynna? San tayo pupunta?"

She didn't answer me but instead, tuloy parin siya sa pag kaladkad saakin. Ang tahimik niya, masyadong seryoso.

Ewan ko pero kinakabahan ako sa kanya.

Weird. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito dahil sa isang babae.

Napansin ko na lang na nasa parking lot na pala kami nung bigla niyang binitawan ang kamay ko then lumapit siya sa isang black Porsche car at binuksan niya ito.

Pumasok siya sa loob then inopen niya yung door sa side ng passenger's seat "hop in"

W-wait, sakanya to? Di nga? Seryoso? Kanya tong kotseng to? Bat parang ang yaman ng bartender ng restaurant namin?

Gaano ba kalaki pinapasweldo sakanya ni dad? Kung mag shift na kaya ako ng HRM at magtrabaho kay dad para makabili din ako ng magandang kotse?

Teka baka naman hiniram niya lang tong kotseng to?

Titig na titig ako doon sa kotse and hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Sino ba mas gwapo? Si Chynna o si black porsche?

"I said hop-in!" I was back to my senses nung sumigaw siya.

Agad agad naman akong pumasok sa loob ng kotse.

Tokwa hindi niya ko sinisigawan ng ganyan dati! Natatakot tuloy ako

Pagkapasok ko sa loob ng kotse bigla naman siyang lumapit saakin. She leaned on me then tinignan niya ko ng seryoso.

Yung mukha niya parang mukha ng mga gwapong suplado. Lalo ngayon naka neatly done at nakaangat ang buhok niya kaya kitang kita ko kung gano kakinis ang maganda niyang mukha.

Nakakakaba. Halos di ako makahinga habang nakatitig siya sa mata ko. Wala akong idea sa gagawin niya. Kinakabahan talaga ako.

Bigla naman akong narinig na may nag snap then before I knew it, nakakabit na yung seatbelt ko.

Lumayo na siya saakin at biglang pinaharurot yung kotse niya.

The whole ride tahimik lang kami. Hindi naman siya nagsasalita at hindi ko rin siya makausap o matanong kung saan kami pupunta.

Busy din kasi akong alalahanin ang buhay ko kasi grabe ang bilis niya magpatakbo ng kotse. Byaheng
langit kami nito! Kulang na lang humiwalay ang puso ko sa katawan ko eh!

Si Chynna na nakilala kong napaka kalmadong tao, kaskaserang driver pala!

God magpapakabait na ko, wag niyo lang akong patayin ngayon. Please?

Huminto siya sa tapat ng isang malaking bahay. Sobrang laki na tipong mas malaki pa sa bahay namin.

She parked the car then bumaba na kami.

She motioned me to follow her then ginawa ko naman. Pagkapasok namin sa loob agad kaming sinalubong ng mga maids at butlers.

"Master Chynna welcome home" they all said in unison.

Nilagpasan lang lahat sila ni Chynna at nag dirediretso papasok sa isang room. Ako naman manghang mangha sa bahay. Di ako makapaniwala, kila Chynna ba talaga tong bahay na to?

Ang bartender na nagtatrabaho saamin mas malaki pa ang bahay kesa saamin!

Sinundan ko siya doon sa room na pinasukan niya and nakita ko na isang built in na bar pala yun.

"Have a seat" tinuro niya yung mga stools doon sa may bar counter.

Umupo naman ako at siya naman pumasok sa loob ng bar then nag start mag mix ng kung ano.

"uhmm C-chynna? Bat mo ko dinala dito?"

Hindi niya ko pinansin and busy parin siya sa pag mix ng kung anong drink.

I cleared my throat "a-ano Chynna kasi, ano eh.. uhmm" oh damn it! Bat ba ang hirap sabihin ng salitang sorry?!

Nag rehearse ako ng madaming beses sa harap ng salamin kung paano ako magsosorry sa kanya.

Kabisado ko na nga lines ko pero bat ngayon natatameme ako?!

Huminga ulit ako ng malalim "C-chynna k-kasi y-yun ano uhmm k-kasi-"

Nagulat naman ako ng biglang may inilagay siyang baso sa harapan ko

"Strawberry margarita. Drink. It tastes
good"

"H-ha?" kinuha ko yung baso "S-salamat"

I sipped the drink and yeah, she's right, it tastes good.

Nakita ko siyang nag mix ulit doon.

May pinag halo halo lang siya na drink. Vodka, sprite, blue curacao, then nilagyan niya ng lemon soda and lemon juice and ice cubes.

Naupo siya sa stool na katabi ko then ininom din niya yung drink na ginawa niya.

Err ano na nga ba ulit yung sinasabi ko kanina? Ah, oo yun

"C-chynna ano yung tawag sa iniinom mo?" I asked her habang todo ngiti.

Tokwa hindi naman to ang sasabihin ko eh

"Blue lagoon" sabi niya sakin ng hindi nakatingin

"Ah, kaya pala color blue ang kulay niya. Ha.ha.ha" I laughed awkwardly. Mukha akong sira.

Ano ba naman to! Dinala lang ba niya ko dito para makipaginuman?

"Uhmm, b-bat mo pala ko dinala dito?"

Hindi niya ko sinagot, patuloy parin siya sa paginom ng blue lagoon. At dahil pahiya na naman ako ininom ko narin yung ginawa niyang strawberry margarita.

Ang sarap talaga, hindi ko masyadong malasahan yung alcohol na naka
mix dito. Magaling talaga tong si Chynna. Kaso hindi ko maenjoy yung iniinom ko because I feel so awkward.

"Bianca"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang magsalita

"B-bakit?"

"Sabi ko lalayo na ko but it doesn't mean na mawawala ako. Pag umiiyak ka asahan mo makikita mo ko" tumayo siya sa kinauupuan niya then inilgpit yung baso niya.

Kaya ba niya ko dinala dito dahil nakita niya kong umiiyak kanina?

Kung alam lang sana niya ang dahilan

"By the way, your dad told me he will be out of the country with your mom for a month"

Nagulat ako sa sinabi niya "WHAT?! Wait bat walang sinasabi si dad sakin?!"

Tumingin siya sa orasan "I think malapit na ang flight nila ngayon. Pinagbilin ka na saakin ng dad and mom mo.

You will stay here in my house for a month. Your room is over there" may tinuro siya saakin na isang room
na may white door.

"Yung katabi niyan is yung room ko. If you need something pwede mo kong puntahan doon. Nandyan na lahat ng damit mo.

Pagkatapos mo diyan pwede kang mag shower na then I'll let the maid
call you pagkakain na ng dinner. Sige maiwan muna kita"

She left me with my mouth hanging.

One month.

One month?

ONE MONTH?!?!?!

MOM, DAD! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?!

Chynna's POV

"Hello, Chynns is she already there?"

"Yes sir. Nandito na po siya kanina pa. She's already in the guest room, sleeping"

"Oh good. Thank you Chynns ha? Please do take good care of my daughter"

"No problem sir. Aalagaan ko po talaga siya hanggang sa makabalik na kayo"

Bigla akong nakarinig ng malakas na tili sa kabilang line

"Oh my gosh! Nasa bahay na ni Chynna ang Bianca natin?
Oy Chynna, alagaan mo ang princess namin ha? And galingan mo!" sabi sakin ng mama ni Bianca

"errr galingan po saan?" takang takang tanong ko naman

"sa alam mo na yun! Ikaw talagang bata ka! Basta dapat mabigyan mo kami ng magandang apo!" she laughed

Halos mamula naman ako sa sinabi ng mama niya "n-naku po! H-hindi ko po magagawa kay Bianca yun!"

"Hoy Chynna talagang pag ginawa mo yung sa baby naming ipapapatay kita!!" galit naman na sabi ng dad niya saakin

"Ano ka ba hunny malalaki na sila! Pwede na yan! Tapos ipapakasal na natin sila!" tumawa ulit ang mama ni
Bianca

"hindi pwede! Ayoko! Bata pa ang Bianca natin at gusto ko kasal muna bago yun!"

"uhmm hello po?" singit ko sa kanila

"Oy Chynna Ortaleza binabantaan kita wag kang gagawa ng masama or else alam mo na mangyayari sayo!!"

"Ha o-opo. Wala naman akong planong ganun"

"naku Chynna wag ka na kasi mahiya!" - mommy ni Bianca

"hon wag mo silang i B-I!" - daddy ni Bianca

"naku hon hindi naman pam bi-b-I yun! Di ba Chynna?"

"ha? Ah eh.."

"halika na nga hon! Pumasok ka na sa kotse ng makaalis na tayo! excited na ko mag Hawaii! Parang nag ho-
honeymoon ulit tayo ngayon!" - daddy ni Bianca

"kaya nga! Tara na hon!"
TOOT TOOT TOOT

Binabaan na nila ko ng phone.

God, I want to thank you kasi hindi niyo hinayaan si Bianca na maging katulad ng mga magulang niya. Thank you talaga

Paakyat na ko sa room ko para matulog ng mapansin kong medyo naka open yung door ng room ni Bianca and nakapatay ang ilaw.

Hindi pa siya pumapasok sa room niya?

I tried to knock on the door but no response kaya pumasok na ko sa loob.

Nakita ko naman siya na tulog na tulog na.

Hmmm so hindi pala niya binubuksan yung lamp niya pag natutulog siya?

May nalaman na naman ako na tungkol sa kanya.

Nilapitan ko si Bianca then naupo ako sa side ng bed niya. Ang ganda niya talaga.

Ang amo amo ng mukha niya, like
a face of an angel.

"Bianca, masaya ka ba ngayon? pasensya ka na kung nasusungitan na kita ha? Pero pangako ko, kahit na
gusto mo na kong mawala ng tuluyan sa buhay mo lagi parin ako andito pag umiiyak ka. Lagi kitang babantayan. Pangako."

I held her hand and placed it on my heart.

"you are so close to me. Pero bakit feeling ko napakalayo mo parin saakin?"

I touched her face

"Bianca Charlotte King, kelan ba kita maabot? "


---------------

An:

See I told yah hindi ko kayo matiis haha

I know I know you're expecting a RaStro scene!! Kalma lang I'm not yet done! Inaayos ko pa yung kasunod

Manalangin kayo na bumilis pa ang net ko lol

-L

Continue Reading

You'll Also Like

13.4K 947 55
Jane Florence De Leon is a well-known dancer and an actress. Her colleagues in highschool emailed her to join them in their highschool reunion, but l...
22.1K 1.2K 44
a story where Valentina fell inlove with Darna but Narda fell inlove with Regina. What really happens when they both knew each other's identity? woul...
142K 4.9K 57
Rhian-The New Teacher Glaiza-The Student Chynna and Katrina-Glaiza's friend and classmate Solenn-Rhian Co-teacher This is a fanfic story of Glaiza an...
1.6K 110 10
Si Engfa Dela Beuno the one and only heiress of Dela Bueno Corporation na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Lumaking bratty at walang pwedeng humindi...