Crewd Academy: Malediction of...

By fevriyehiver

7.8M 249K 27.4K

ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Se... More

PLEASE READ BEFORE PROCEEDING
PUBLISHED UNDER PSICOM
Malediction of Prophecy
CAST
Introduction
Chapter 1: Spell
Chapter 2: Intruder
Chapter 3: She's In Danger
Chapter 4: Death Magic
Chapter 6: Investigation
Chapter 7: Confused
Chapter 8: Aureus Fairy
Chapter 9: Dragon Bellator
Chapter 10: Saviour
Chapter 11: Trouble
Chapter 12: Weird Dreams
Chapter 13: Information
Chapter 14: Revelation
Chapter 15: The Fight
Chapter 16: Find Her
Chapter 17: Serria Land
Chapter 18: Crewd Academy
Chapter 19: Idiot
Chapter 20: Connection
Chapter 21: Lux Witch
Chapter 22: Red Flames Vs. Blue Flames
Chapter 23: Avrelle
Chapter 24: Almost Caught
Chapter 25: Show Ability 1
Chapter 26: Show Ability 2
Chapter 27: Show Ability 3
Chapter 28: Guidebook of Crewd
Chapter 29: Accidental Mission
Chapter 30: Tenebris Orc
Chapter 31: Snow Monstrous
Chapter 32: Lavender
Chapter 33: Mortis Forest
Chapter 34: Invisibility Flower
Chapter 35: Magustic Town
Chapter 36: Praegrandis Daemon
Chapter 37: The Tres Marias
Chapter 38: Healing Potion
Chapter 39: Heart's Day
Chapter 40: Meet The Royalties
Chapter 41: Forbidden Ortus
Chapter 42: Guardian
Chapter 43: Memories Back
Chapter 44: Ara of the Maiores
Chapter 45: Dragon Sacred Tears
Chapter 46: Training Part 1
Chapter 47: Training Part 2
Chapter 48: Training Part 3
Chapter 49: Luminae Battle
Chapter 50: L Tournament Part 1
Chapter 51: L Tournament Part 2
Chapter 52: L Tournament Part 3
Chapter 53: L Tournament Part 4
Chapter 54: Accused
Chapter 55: Bait
Chapter 56: Preparation
Chapter 57: Bloody War Part 1
Chapter 58: Bloody War Part 2
Chapter 59: Bloody War Part 3
Chapter 60: Downfall
Last Chapter: Fallen
sensitivelysweet (fevriyehiver)
BOOK COVERS
Q AND A
Crewd Academy: Reign of Darkness

Chapter 5: Suspicious

157K 4.8K 171
By fevriyehiver

□◇◇♡◇◇□

SUSPICIOUS

□◇◇♡◇◇□


Selendria's POV

Nagising ako mula sa nakakatakot na bangungot. Maraming humahabol daw sa akin na mga ubod ng panget na nilalang. Ubod talaga sila ng kapangitan! Sobra! Hindi ko maatim 'yong mga hitsura nilang nakakatakot. Ewan ko kung hayop ba sila o monster na. Parang gusto nila akong patayin! Pilit nila akong hinahabol! Sugatan na nga ako sa paa kase naabutan ako ng ibang panget na nilalang! Mabuti na lang at nagising na ako!

"You made it, Charlie! Gosh! Akala ko mapapahamak ka!"

Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong boses ng babae. Hala! Mabilis na napabangon ako at hindi nga ako nagkamali.

"Wahhh! Sino kayo?!" Paano sila nakapasok sa bahay? Pe—pero.. teka!

"Na—nasaan na iyong nakamaskarang lalaki na kumuha ng kwintas ko?" Hindi kaya magkakasabwat ang mga ito at 'yong lalaki kanina?!

"Natangay na niya ang kwintas," sabi no'ng gwapong lalaking may benda sa ulo. Napano naman siya at may dugo pa ang benda?

Muli kong inalala ang nangyari kanina. Ay oo nga pala anak ng tokwa! Ako nga pala 'yong tangang nagbigay sa kaniya no'n! Huhu paniguradong babalatan ako ng buhay ni Mama! I'm so dead!

"Anong kwintas?" takang tanong naman ng babae na maganda. Bakit ang gaganda yata ng mga lahi nila?! Saan ba galing ang mga 'to?!

"Ang Sacred Luminus—"

"What?! Sabihin niyo sa akin na nagbibiro lang kayo, right?!" Exaggerated naman masiyado itong lalaking kasama pa nila!

Sumabat naman ako. "Nagsasabi sila ng totoo dahil ako mismo ang nagbigay no'n—"

"Ha! What the! So, it's your fault?! Dapat pala hinayaan na lang ni Charlie—hmmp!" Tinakpan naman no'ng magandang babae ang bibig ng bwiset na lalaking 'to.

"Wala kang karapatan magalit sa kaniya, Kairo!" Ah.. Kairo pala pangalan nitong baliw na lalaking may speaker sa bibig.

"Paano nangyaring hawak mo ang kwintas na 'yon? Hindi mo naman pag-aar—"

"Oo na!" putol ko sa sasabihin ng lalaking mukhang ipinaglihi sa sama ng loob ngunit pinakagwapo sa kanila. Joke. Narinig ko na kasi sa lalaking nakamaskara 'yan. Pinapamukha niya pa lalo, eh! Mag-ama yata sila, eh!

"At ikaw pa ngayon ang may ganang sagot-sagutin ako?! Nakalimutan mo yatang ako ang nagligtas ng buhay mo! Kung hindi dahil sa akin, nasa kadiliman ka na! Always remember that!" Hala kang bata ka! Nagalit ko siya!

Pero ano raw? Kung hindi dahil sa kaniya ay baka patay na—oo nga pala! May itim na usok na tinira sa akin 'yong nakamaskarang lalaki! Tapos doon na nag-umpisa ang paninikip ng dibdib ko hanggang sa binabangungot na ako. At itong lalaking gwapo pero mukhang monster kung magalit ang nagligtas sa buhay ko?

"Ahm.. sorry—"

"O baka kaya siguro guilty ka ay dahil ninakaw mo talaga ang kwintas? Magnanakaw!" Aba't! Sino ba siya para tawagin akong magnanakaw?!

Napatayo ako at lumapit sa kaniya sabay binigkas ang mga katagang ito sa pagmumukha niya. "Wala kang alam tungkol sa buhay ko kaya don't judge me easily!" Pasensiya na! Nadadala ako sa bugso ng damdamin.

Napangisi siya at masamang tumingin sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya medyo nailang ako.

"Aminin mo na, ninakaw mo ang kwintas! Siguro kasabwat mo ang lalaking 'yon!"

Napanganga ako sa mga sinabi niya. Ako pa talaga ang kasabwat, ah?

"Bata pa lang ako, suot ko na ang kwintas na 'yon! Gusto ng nakamaskarang lalaki na ibigay ko ito sa kaniya kapalit ng buhay ko!"


"And you really gave it? How stupid! Tss." Wala talagang preno ang bibig ng lalaking ito!

"Maghintay ka kasi!" singhal ko. "Sabat nang sabat!" bulong ko. Lalo niya akong sinamaan ng tingin.

"Hindi naman ako tanga—medyo lang para ibigay iyon ng basta lang! Ang plano ko sana eh, kapag aabutin niya na ay saka ko siya sisipain sa maselang parte ng katawan niya sabay tatakbo. Kaso nakita ko si Mama na paparating kaya nataranta ako at hindi ko namalayang nakuha na niya pala ang kwintas at may lumabas na itim na usok sa kamay niya sabay tinira niya sa akin 'yon!" Hiningal ako matapos magpaliwanag. Ang haba kasi ng speech ko. Napabuntong hininga sila at parang nanlumo. Aba't ako na nga 'yong muntik nang mapahamak at mamatay dito, eh!

"You have no idea how much important that locket to us. Kung kailangang ibuwis ang buhay namin para lang doon ay gagawin namin," malungkot na sabi no'ng babae. Grabe naman pala pero bakit kaya nila ibubuwis buhay nila para lang doon?

"Mahalaga rin naman sa akin iyon, eh! Sa akin kasi 'yon!"

Hinawakan naman ni Kairo ang magkabila kong balikat at niyugyog ako. Nahihilo ako!

"Look, beautiful innocent girl. Look at my handsome face! Ang kwintas na sinasabi mong iyo ay ang Sacred Luminus Locket ng pinaka makapangyarihang Prinsesa sa aming mundo. Did you understand?" Umiling ako dahil bukod sa wala akong alam sa mga sinasabi niya ay paano niya nasabing gwapo siya? Seriously? At sa kanilang mundo? Saang mundo ba 'yan?

Tumayo na rin 'yong babaeng maganda at tumingin sa akin. "Ano ba talaga ang totoo?" tanong sa akin nito. Naguguluhan na nga ako sa kanila!

"Paniwalaan niyo ako, hindi ako marunong magsinungaling.." kumunot ang noo nila sa sinabi ko. "Minsan-minsan lang naman! Hehe.. Pero kahit tanungin niyo man si Mama!" Te—teka! Nasaan pala si Mama?!

"Mama?!" gulat na tanong ni Kairo at ng babaeng maganda. Sabay pa sila. Iisipin ko talagang may connection ang dalawang ito.

"Bakit may problema ba?" Kung makagulat kasi sila, nakaka-offend kaya!

"How old are you?" Naguluhan ako nang tanungin ako no'ng lalaking may benda sa ulo. Ano'ng kinalaman ng edad ko sa usapan na 'to?

"Eighteen.." Nagkatinginan lahat sila na parang nagtataka. Bakit kaya?

"I think, hindi ka—" hindi natuloy no'ng may benda sa ulo ang sasabihin niya.

"Se—sendy.." Napalingon ako at nakita ko si Mama na pinilit na umupo kaya tumakbo ako papalapit sa kaniya at inalalayan siya sa pag-upo.

"Sorceress Anerva!" sigaw nila at lumapit din kay Mama para tulungan siya. Pero may narinig akong so—sorceress?! Huh!?

"Anong sorceress? At bakit kilala niyo ang Mama ko?"

Nagkatinginan sila at ang Mama ko. Naguguluhan ako sa kanila!

"Ah.. Sendy, ganito kasi 'yan. Teacher nila ako dati at ang tawag nila sa mga teacher ay sorceress," pagpapaliwanag ni Mama. Napatango na lang ako. Wala naman ako alam sa mga ganyan. May naisip naman ako kaya napangisi ako.

"Ma! Pinagbibintangan ako ng lalaking estudyante mo na 'yan! Magnanakaw daw ako at ninakaw ko raw ang kwintas na binigay mo sa akin!" Tinuro ko si boy bintangero at nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Tatakutin niya pa ako, eh ano ka ngayon? Galit namang tumingin si Mama sa kaniya.

"Are you accusing my daughter, Charlie?"

"A—ah.. it's not what you think.." wala siyang maisagot kaya tumingin siya sa akin. If looks could kill.. pero siyempre wala namang gano'n! Kaya hindi ako tatablan ng mga nakakamatay niyang titig!

"Buti nga sa'yo.." natatawang bulong ko.

Bigla naman tumayo si Mama kaya inalalayan ko siya—namin pala.

"Kaya ko na.." Nakakatayo na nang maayos si Mama kahit may iniinda siyang sakit sa kanang dibdib.

"Maiwan ko muna kayo diyan. Ihahatid ko lang sa kwarto ang anak ko." Eh? Mag-uumaga na kaya! Tiyak na malapit nang sumikat si Kairo este 'yong araw.

"Sige po, Sorceress- T-teacher Anerva!" Ayan sumikat na si Kairo. Nasa talampakan ba niya 'yong utak niya? Akala ko ba Sorceress ang tawag sa teacher nila? Edi ibig niyang sabihin Teacher Teacher Anerva? Baliw na talaga.


Nang makapasok kami sa kwarto ko ay dumiretso kami sa kama at magkatapat na umupo. Kinuha ko ang unan ko at pinatong sa kandungan ko.

"Sendy, matulog ka na muna. Alam kong pagod ka. Ako na ang bahala sa mga estudyante ko." Hinaplos niya ang buhok ko. Ngumiti naman ako at humiga na sa kama. Aminado akong pagod talaga ako at puyat pa. At muntik nang mawala sa mundo. Marami akong gustong itanong pero bukas na lang siguro.

"Pero Ma, sa akin po ba talaga 'yong kwintas? Bakit sinasabi nilang ninakaw ko 'yon—"

"Shhh.. Wala kang ninanakaw na kahit ano, Sendy. Baka nagkamali lang sila." Pero hindi, eh! Parang hindi nga sa akin ang kwintas na 'yon.

"Pero pakisabi po sa lalaking sinumbong ko sa'yo kanina, thank you. Siya po kasi ang nagligtas sa akin. Sila po ang nagligtas sa atin." Ngumiti si Mama at parang may kung ano sa mga tingin niya.

"Sige, matulog ka na." Pagkapikit ko pa lang ay pinigilan kong makatulog. Naramdaman ko na ang sakit sa kanang kamay ko. Pero kailangan kong tiisin.


□◇◇♡♡◇◇□

Anerva's POV

Ginamitan ko ng spell na pampatulog si Sendy. Alam kong hindi siya makakatulog at mag-iisip pa siya ng kung ano. Nababahala ako kung nakakahalata na ba siya. Hindi siya bulag o bingi para hindi mapansin ang mga kakaibang bagay na nangyayari ngayon. She have seen a lot already! Mabuti nga't hindi siya nagtatanong tungkol sa mga kakaibang nakita niya. Baka wala akong maisagot kapag nagkataon. I'm very afraid...

Nakadagdag pa ng problema ko ang pagkawala ng Sacred Luminus Locket. Ngunit mas pabor ako sa pagkawala nito dahil alam kong babalik at babalik din ito. Ngunit ang mas ikinatatakot ko ay ang mga bata. Matatalino sila at magaling mag-usisa sa mga bagay. Nakatulong sila sa akin at sa anak ko ngunit alam kong mapapasabak ako sa mga tanong nila. I'm still not ready for this..

Nang makababa ako sa hagdan ay sinalubong nila ako at inalalayang umupo. I heaved a deep sigh. Masakit man ang nararamdaman ko ngayon ngunit parang namamanhid naman ang katawan ko.

"Paano kayo nakapunta rito?"


"Ang Principal Grey po ang nagpahintulot sa amin na pumunta rito. Nakakita siya ng babae at kapahamakan sa pangitain niya. Ikaw po pala ang babaeng 'yon, Sorceress." Hindi ako nakasagot kay Airyn. Marahil ay hindi niya naisip na ang anak ko ang nasa panganib. Kung gayon ay nakita na ng Principal si Sendy sa pangitain niya?

"Hindi siya ang nasa pangitain ni Principal Grey." Nagulat ako sa sinabi ni Charlie. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ako makakaligtas pagdating sa kanila lalo na sa batang ito.

"Hindi ba't base sa kwento ng anak niya, ang nakamaskarang lalaki ang humingi sa kaniya ng kwintas? Ngunit nang dahan-dahan niyang inabot ito ay siya namang pagdating ng Mama niya. So, ang nasa kapahamakan ay walang iba kung hindi ang iyong anak at kung hindi ka lamang dumating para iligtas siya, Sorceress. Am I right?" Hindi na ako nakasagot pa para salungatin ang sinabi niya. Alam kong iyan ang sasabihin niya. He's still the intelligent kid I've known.

"Pero paanong nasa anak niyo po ang kwintas? Alam namin na alam niyo kung ano at kung gaano kahalaga iyon sa atin. Hindi po sa nambibintang ako, ninakaw niyo po ba 'yon sa Prinsesa?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ni Jater. Inalala ko ang mga pangyayari. Kailangan kong maging maingat sa sasabihin ko.

"Nang magbalik ako sa palasyo kasama ang aking asawa ay nadatnan namin ang kaguluhan. Hinanap namin ang aming anak ngunit wala na ito sa kwarto ng Prinsesa. Binilinan ko siya na 'wag iiwanan ang Prinsesa sa kwarto nito. Ngunit huli na kami dahil wala na sila. May nakita akong nagliliwanag sa sahig, ang Sacred Luminus Locket. Kinuha ko ito at itinago." Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa mga mata ko. Iyon ang mga pangyayaring ayaw ko nang maalala pa.



"We know that she isn't your real daughter, right?" That hit me.



□◇◇♡◇◇□









Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 1.2K 66
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
2.5M 187K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
24.3M 985K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...