Under His Spell

By thatpaintedmind

11.1M 360K 114K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even... More

Warning!
Teaser
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
PLEASE READ
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
...
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
...
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L.1
Kabanata L.2
Wakas
Mensahe ng Manunulat
Special Chapter
1 Million Special
2/22/22

Kabanata IX

190K 6K 1.7K
By thatpaintedmind

Natigilan si Tyler. Maang siyang napatitig sa akin samantalang ako ay halos matumba na sa pagkakatayo dahil sa matinding panginginig ng tuhod ko. Mabuti na lamang at nakapaikot ang braso ko sa kanyang leeg kaya nakakakuha ako ng suporta. Nakadikit pa rin ang katawan ko kay Tyler kaya naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso niya.

Hindi ko alam kung nagkakamali lang ako, kung totoong sa kanya ba iyon o sa akin? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Mabilis at malakas din ang tibok ng puso ko. Hindi ko tuloy matukoy kung sa kanya ba iyong nararamdamn kong malakas at mabilis na pumipintig sa bandang dibdib ko.

Maya-maya ay naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa magkabilang bewang ko. Napatiim bagang din siya at naramdaman ko ang pagbigat ngunit pagbilis din ng paghinga niya.

"Why?" ang tanging namutawi sa bibig niya.

"Just because," panggaya ko sa sinabi niya kanina.

Nagsalubong ang kilay niya. Iniwas ko naman ang aking tingin. Hindi ko masabi ang tunay kong dahilan. Nahihiya ako, hindi ko alam kung paano ko iyon sasabihin sa kanya ng hindi nauutal.

"Are you mocking me?"

"Hindi ah! P-Pero mukhang hindi ka naman masaya sa naging pasya ko." Lumungkot ang mukha ko. Oo nga naman, bakit nga ba siya sasaya sa simpleng pagpayag ko na maging nobya niya? "B-Babawiin ko na lan--"

"No!" Biglang bulyaw nito na ikinagulat ko. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko at naramdaman ko ang pag-tensyon ng mga muscles niya. May mabilis na dumaang emosyon sa mga mata niya ngunit panandalian lamang iyon kaya hindi ko masyadong natukoy kung ano iyon. Pagkataranta? Hindi ako sigurado.

"You already said it, you're mine now." Paulit-ulit akong napalunok. Ngumisi siya pero kakaiba ang ngisi niya. Napakalaki nito at nakikitaan ng kislap ang kanyang mga asul na mata, kislap ng kasiyahan.

"Bakit ayaw mong bawiin ko? Masaya ka ba?" Sabi ko at hindi ko sinasadyang malagyan ng pang-aasar ang tono ang boses ko. Gayunpaman ay napangiti pa rin ako.

Umiwas ito ng tingin. Ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi ko makita ang pagpula ng tenga niya. Mas lumawak ang pagkakangiti ko. Pakiramdam ko ay narating ko ang pinakamataas na bundok dahil sa kasiyahang nadarama ko... Kasiyahan? Napawi ang ngiti ko dahil sa pumasok sa isip ko. Ang hangad ko ay mapasaya siya, pero bakit parang pati sarili ko ay sumasaya rin sa ginagawa ko? Ang gulo, nakakalito.

"What's with the sudden frown?" Pagtingin ko kay Tyler ay na sa akin na muli ang tingin niya. "Are you thinking of breaking up with me?" Dumilim ang mukha nito. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Of course not!" agad kong pagtanggi.

"Good, because now that you agreed to be my girlfriend," muli niya akong hinapit papalapit sa kanya hanggang sa nararamdaman ko na ang kanyang hininga sa aking tenga. "There's no backing out,"

Madaling araw na nang umuwi kami sa kanyang condo. Habang papasok kami sa kanyang kwarto ay inunat-unat ni Tyler ang ulo niya habang hawak niya ang gilid ng kanyang leeg. Bahagyang nakakunot ang noo niya na tila may iniindang sakit.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. Tumango lang ito sa akin pero taliwas no'n ang sinasabi ng ekspresyon niya.

"You bath first," aniya.

Tinitigan ko siya sandali para siguraduhin kung maayos lang ba siya. Napabuntong hininga na lang ako bago ako kumuha ng damit na susuotin tsaka ako nagtungo sa banyo. Kanina nga pala ay binitbit na namin ni Tyler ang mga paper bags na naglalaman ng mga pinamili niyang damit ko mula sa sasakyan niya. Kaya ngayon ay may maisusuot na ako.

Mabilis akong naligo at inalis ang make-up sa mukha ko. Sinuot ko ang manipis na pajama na kulay rosas bago ako lumabas ng banyo. Sumunod naman si Tyler sa pagligo habang ako ay umupo sa gilid ng kama habang pinupunasan ang basang buhok ko gamit ang isang maliit na tuwalya.

Ganoon lamang ang ginagawa ko nang lumabas si Tyler mula sa banyo. Naka-pajama siya na kulay langit bilang pangbaba at hapit na sando naman bilang pangitaas. Napatigil ako sa ginagawa at nahuli ko ang aking hininga. Ang laki ng kanyang mga braso at sigurado akong matitigas ang mga iyon. Nakakahulaming din siyang tignan sa basang buhok niya. Napakamatipuno pa ng kanyang katawan.

Ngayon pa lang ay halos maglaway na ako dahil lang sa nakakaakit niyang braso na maugat pababa sa kanyang kamay. Paano pa kaya kapag wala na siyang pangitaas? May abs kaya siya? Sigurado akong meron. Ano kayang pakiramdam kapag may hinahaplos kang abs? Hindi pa ako nakakawak ng gano'n, miski ang nakakakita ng ganoon sa buong buhay ko.

Halos batukan ko ang sarili ko nang bumalik ako sa realidad. Pinagpapantasyahan ko ba si Tyler?! Nahihinabang na talaga ako! Marahas akong umiling. Napatigil lang ako nang umupo si Tyler sa gitna ng kama habang hinihilot ang kanyang gilid ng leeg. Naalala ko ang byahe namin kanina. Siguro ay nangalay siya sa tagal ng kanyang pagmamaneho. Bigla akong naawa sa kalagayan niya.

Mabilis kong inilagay ang tuwalya sa banyo. Pagbalik ko ay ganoon pa rin ang posisyon ni Tyler, ngayon ay nakapikit na siya habang hinihilot ang kanyang masakit na parte. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at walang ano-anong umupo sa likod niya. Binuka ko ang mga hita ko para mas mapalapit ako sa kanya. Kaya ang kinalabasan ay nasa pagitan ng hita ko ang likod niya habang ang mga hita ko ay nasa magkabilang gilid niya.

Inalis ko ang kamay niyang humihilot sa leeg niya at kamay ko ang pinalit ko roon. Doon niya lang namalayan na nasa likod niya na ako. Nakita ko ang pagkatigil niya pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Sinimulan ko ng igalaw ang daliri ko sa gilid ng kanyang leeg para imasahe siya. Mabagal ngunit may diin ang paggalaw ng daliri ko, sinisigurado kong hindi siya masasaktan.

Biglang nanginig ang likod niya, tila naging tensyonado siya. Siguro ay gumiginhawa na ang kanyang pakiramdam kaya ganoon. Nakita kong umigting din ang muscles niya sa kanyang braso kaya inangat ko ang kamay kong walang ginagawa at maingat na hinaplos ang braso niya para pakalmahin iyon. Pero parang mas umigting pa yata ang braso niya sa ginawa ko.

Tumigil ako saglit para silipin siya mula sa gilid. Mariin siyang nakapikit habang nakakunot ang noo. Madiin din ang pagkakatiim ng kanyang bagang na tila nagtitimpi. Nagiginhawaan na nga yata siya. Dahil doon ay mas pinagbutihan ko pa ang pagmasahe sa kanya. Napahawak ang kamay nito sa tuhod ko. Kahit naka-pajama ako ay damang-dama ko ang init ng kanyang malaking kamay.

"Masarap ba?" tanong ko rito. Nakita kong marahas itong dumilat. Dumiin ang pagkakahawak niya sa tuhod ko.

"We should sleep," biglang sabi niya. Malalim ang boses nito at parang iba ang timbre kumpara sa orihinal. Para ring namamalat ang kanyang boses na namamaos.

"Ha? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko at napatigil sa pagmamasahe sa kanya.

"We should sleep now, Zafina." ulit nito. Ganoon pa rin ang klase ng boses.

Hindi na lang ako nagtanong pa at umalis na sa pagkakaupo sa kanyang likod. Agad siyang humiga at hinila ang makapal na kumot hanggang sa kanyang tyan. Hindi pa man ako nakakahiga nang bigla niya akong hinila kaya sumalampak ang pisngi ko sa matigas niyang dibdib. Nahigit ko ang aking hininga kasabay ng abnormal na pagtibok ng puso ko.

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili. Kailangan ko nang masanay sa mga ganito. Sympre at ganito ang ginagawa ng mga magkasintahan kaya hindi na ako dapat pang magtaka.

Bahagya akong tumingala para makita si Tyler mula sa pagkakasalampak sa kanyang dibdib. Nakapikit na ito. Hindi ko alam kung tulog na ito ng ganoon kabilis, gayunpaman ay maingat kong inangat ang kamay ko para idantay sa kanyang bewang. Naramdaman ko tuloy ang matigas niyang tyan sa braso ko. Lihim akong napangiti. Hindi ko alam kung pananantsing ang ginagawa ko, hindi ko naman inaasahang aksidente kong mararamdaman ang katigasan ng tyan niya dahil sa simpleng pagyakap ko sa kanya. Basta ang alam ko, ngayong gabi ang pinakamahimbing kong tulog na nangyari sa buong buhay ko.

Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Tyler sa eskwelahan. Pagkababa ko pa lang ng kanyang sasakyan ay pinagtinginan agad kami. Lalo na nang hinapit niya ako sa bewang papalapit sa kanya habang naglalakad kami. Kahit gaano ko kagustong umiwas sa kahit anong isyu ay mukhang imposible na iyon ngayon. Boyfriend ko lang naman ang pinakasikat na lalake rito sa eskwelahan, kaya siguradong wala akong kawala sa mga studyante rito. Alam kong bawat galaw ko ay tututukan nila, bawat simpleng magiging pagkakamali ko ay pagpye-pyestahan nila. Isa iyon sa mga kapalit na tatanggapin ko sa pagpayag na maging girlfriend ni Tyler.

Matagal ko itong pinag-isipan. Hindi ko pa man naririnig mula kay Tyron ang storya ng buhay ni Tyler ay nakapagdesisyon na akong pumayag sa alok niya. Pero inaamin kong mas dumagdag ang kagustuhan kong pumayag na maging nobya niya nang marinig ko ang mapait na karanasan sa buhay ni Tyler. But speaking of Tyron...

"Oo nga pala, Tyler. Bakit hindi ko yata nakikita rito sa eskwelahan si Tyron? Hindi ba siya dito nag-aaral?" Napatigil ito sa paglalakad kaya tumigil din ako. Tumingin ito sa akin nang hindi inaalis ang kamay sa bewang ko.

"How do you know Tyron?"

"Ah, nakausap ko siya kahapon sa party." Tumiim ang bagang niya.

"Didn't I told you that you shall not have other man besides me?" Dumiin na naman ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Namilog naman ang mga mata ko.

"Tyron is your brother, Tyler." Hindi makapaniwalang saad ko. Kahit ba sa kapatid niya, ay bawal din akong makipagusap?

"I am fully aware of that, Zafina." Madiin nitong sabi. Napalunok ako lalo na nang unti-unting dumilim ang mukha nito. Nagsalubong ang kanyang kilay. Agad akong naalarma. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang braso at bahagya pa iyong hinaplos. Mabuti na lamang at kami lang ang studyante sa pwesto namin.

"There's nothing for you to be mad, Tyler. We just talked, that's it."

"That doesn't changed the fact that you disobeyed my order, again." Bahagyang tumaas ang boses nito. Bumagal muli ang paghinga nito na wari ay nagtitimpi. Paulit-ulit akong napalunok.

"K-Kakambal mo naman siya, can he be an exception?"

"Why would he be a fvcking exception?" Tumalim ang tingin nito sa akin. Mukhang hindi nito nagustuhan ang hiling ko.

"S-Sorry," sabi ko na lang at napayuko. Walang patutungahan ito kung pagaawayan namin ang simpleng bagay na iyon. Narinig ko ang malalim na pagbuga ng hangin ni Tyler.

"Forgiven,"

Napatingala ako sa kanya. Nagsimula na ulit kaming maglakad at awtomatiko akong napasabay dahil nakaalalay ito sa bewang ko. Pero nanatili akong nakatulala sa kanya.

"Pinapatawad mo na ako ng ganoon kabilis?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Tumingin ito sa akin at hinawi ang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko habang patuloy kaming naglalakad.

"Just say you're sorry, Zafina. And I'll accept whatever your reason is."

Lumundag ang puso ko. Ang dali niyang magpatawad-- hindi. Hindi pala, nagkakamali ako. Dahil hindi niya pa napapatawad ang kanyang ama. Pero bakit ang dali niya akong pinatawad?

Papasok na sana kami sa aking klase nang maramdaman kong naiihi ako. Medyo malayo pa naman ang toilet dito. Kaya bago pa man buksan ni Tyler ang pinto ay pinigilan ko na siya.

"Sandali, Tyler. Pupunta lang ako ng cr."

"I'll accompany you,"

"Hindi na, malayo pa ang cr dito. Bibilisan ko lang naman kaya hindi mo na ako kailangan pang samahan." Hindi ko na siya pinagsalita at walang ano-ano akong tumakbo paalis para hindi na siya makatutol pa. Narinig ko pa ang malakas na pagtawag niya sa akin na kinahagikgik ko.

Mabilis akong pumasok sa isang cubicle para gawin ang dapat kong gawin. Pagkatapos ay agad na rin akong lumabas pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jamaica na mukhang hinihintay talaga ang aking paglabas. Kumabog ang puso ko.

"Walang hiya ka, Zafina!"

Akmang lalapitan ako nito pero agad siyang napatigil na tila may sumagi sa utak niya. Base sa itsura nito ay mukhang gustong-gusto niya na akong sugurin. Hindi ko napigilan ang malito. Kilala ko si Jamaica, kung gusto niyang mang-away ay susugod at susugod siya. Nakakapagtaka at hindi niya man lang ako madapuan ng isang kuko niya ngayon.

"Wala kang utang na loob!" Sigaw nito. Pero ang mas higit na kinagulat ko ay ang pangingilid ng luha nito. "Sinasabi ko na nga ba at ginagamit mo si Tyler para paghigantihan kami!"

"A-Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong.

"Ngayon ay nagmamaang-maangan ka pa?! Pagkatapos ka naming patirahin sa bahay ng ilang taon ay ipapakulong mo lang si papa?!"

Napasinghap ako, namilog ang aking mga mata at halos umawang ang aking labi. S-Si uncle? N-Naka... nakakulong?

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Jama--"

"Sinungaling!" Dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Nakagawa iyon ng malutong na tunog. "O-oh my God!" Biglang bulalas ni Jamaica.

Tumingin ako sa kanya at hindi siya makapaniwalang tumingin sa kamay niyang pinansampal niya sa akin. Binalik niya ang tingin sa akin at mas nanlaki ang mga mata niya. Pero maya-maya lang ay bumakas ang takot sa kanyang mga mata.

"H-Hindi ko s-sinasadya!" Nagulat ako sa sinabi nito. Lalo na nang bigla itong lumuhod sa harapan ko! "W-Wag mo akong isumbong sa kanya! P-Pakiusap, Zafina!"

"Jamaica!" Hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya. Humawak ito sa laylayan ng uniform ko bago niya iyon hinila-hila.

"H-Huwag mong sabihin kay Tyler na sinampal kita! H-Hindi ko sinasadya! Sorry! Sorry! Sorry!"

Ngayon ko lang siya narinig humingi ng tawad sa akin. Pero naguguluhan ako! Wala akong maintindihan!

"Hindi kita maintindihan, Jamaica! Ano bang nangyayari at parang takot na takot ka?" Tumigil ito sa pagsusumao at bigla na lamang siyang napatulala, parang may malalim na iniisip.

"Pinagbantaan niya ang buhay namin," mahina nitong sabi na tila ba para sa sarili niya lang ang sinasabi niya. "Sinabi ni T-Tyler na, huwag na huwag kong hahawakan miski ang dulo ng buhok mo kundi..." natigilan ito at biglang namasa ang kanyang mga mata. "k-kundi kukunin niya ang buhay ko bilang kapalit, kasama ang buhay ng mga magulang ko."

Napasinghap ako at napatakip sa aking bibig. No way. Hindi iyon magagawa ni Tyler.

"Kaya nakikiusap ako Zafina, h-huwag mong sabihin sa kanyang nasampal kita. Please huwag."

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 238K 58
WARNING: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED | S T A N D A L O N E N O V E L | All she ever wanted was to be happy. Hindi siya ang tipo ng taong ma...
149K 4.9K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
25.1K 1.8K 36
Treacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

86.9K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]