Undercover Chic (Published un...

Av sunnyzaideup

4.8M 90.4K 5K

Hot Drug lord versus Badass Police Chic? This means a total riot. Well.. well... well... Officer Yeo reportin... Mer

Undercover Chic
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Ang Hinaing (Author's Note)
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Special Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Hiatus
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Enawnsment
Let's Get Sweaty He Said (Special Chapter)

Chapter 10

89.1K 1.7K 39
Av sunnyzaideup

“Heto ang kumot. Makatulog sana kayo ng maimbing,” sabi ni Lola Carling pagkaabot sa akin nung kumot.

“Salamat po,” sagot ko. Saka siya lumabas na ng kubo.

Inabot ko kay Trevor ‘yung isang kumot. Hinila niya ‘yung banig na nasa papag at nilagay sa sahig. Nilatag naman niya ‘yung kumot niya sa papag. “Diyan ka na matulog. Dito ako sa lapag.”

“Ha? Parang baligtad ‘yun boss ah.” Sanay ba ‘to matulog sa matigas? Baka mamaya paggising neto magreklamo ng magreklamo na masakit likod niya.

“You heard me. Matulog ka na.” Lumapit siya sa may switch ng ilaw at pinatay. Kumuha siya ng isang unan saka humiga na sa lapag.

Humiga na ako sa papag at nagkumot. Nakatingin lang ako sa kisame. Hindi ito ang unang beses nameng matulog na magkasama. Pero bakit feeling ko first time ‘to. Nung unang gabing natulog ako sa bahay niya, este castle, after niya akong maabutan sa office niya sa couch lang naman ako natulog nun. Pinikit ko na ang mata ko. Sleep, dalawin mo na ako, ples? Tumagilid ako. 1 sheep, 2 sheep,  3 sheep, 4 sheep, 5 sheep, 6 bullshirt! Matulog ka na brain! Anak ng tupa naman oh!

Brain: Noooo! Sleep is for the weak! Muhaha.

Tsh. Dapa. Ugh. Ang tigas. Tagilid uli. Inayos ko ‘yung kumot ko. Ang iksi kasi. Ang lamig pa naman. Higa diretso.

“Boss,” bulong ko. “Gising ka pa?”

Walang imik.

“Psssst., boss.”

Wala talaga.

Lumapit ako sa dulo ng papag at sinilip siya. Nakatakip ‘yung biceps niya sa mata niya. Penge nga kutsara’t tinidor! Aba, kanina pa pala may nakahain dito. Hihi. Harot. “Boss,” bulong ko uli sabay poke sa baba niya.

Ayaw ako pansinin. Tulog na siguro. Ang bilis naman. Umayos na uli ako ng higa. Aysh. Inayos ko uli ‘yung kumot. Bitin sakin. ‘Yung totoo, kumot ba talaga ‘to o tuwalya? Brrr… Lamig.

Tumagilid uli ako at lumapit sa dulo ng kama. “Boooss. Yuhoo,” sabay poke  uli sa baba niya. “Booo- Aah!” Bigla niyang hinablot ‘yung pulso ko at hinila pa-landing sakanya. Dyusme. Umikot din siya bigla kaya napailalaim ako sakanya. Tinignan ko ‘yung mukha niya. Hindi ko masyado maaninag dahil madilim na. Pero ramdam na ramdam ko ‘yung paghinga niya. Nasa gilid ng ulo ko ‘yung braso niya. Dyusko po. I’m under his yummy and hard bodeh~ “Boss, hindi pa po ready matres ko.” Pwede magpasabe? “Aww!” Pinitik niya bigla ‘yung noo ko.

“Kung ano ano na naman nasa utak mo. Kung ayaw mo matulog, magpatulog ka.” Saka siya umikot na uli at humiga. “Istorbo.”

Hindi lang katawan ang hard sakanya, pati magsalita. Tsh. Sungit. “Hindi ako makatulog,” bulong ko.

“Gusto mo lang ako katabi eh,” sagot niya.

Aba! Yabang! Feelingero masyado. Sige, feel mo lang ‘yan. Totoo naman eh. Nyahaha. Joks. Landi bwiset! “Kapal mo naman, boss!” Tumayo na ako at bumalik sa papag. Nagtuwalya na uli ako, este kumot.

Pumikit na lang ako at nag-reminisce ng memories namin ni Gyno.

***
*tiktilaoook*

*chirp* *chirp* *chirp* *chirp*

*tiktilaoook*

Hm… Hindi naman ganun tunog ng alarm ko ah.

*tiktilaoook*

Nasan na ba ‘yung phone ko? Hm… Parang ang tigas ata ng kama ko.

Dinilat ko ‘yung mata ko. Napabangon ako bigla. Wala nga pala ako sa bahay. Tinignan ko ‘yung lapag, wala na si boss. Tumayo na ako at inayos ‘yung papag. Naghilamos ako’t nagmumog. Nagpalit ng you now na kasi nga meron. Dalawang balot pa ‘to, inabot sakin kagabi ni Trevor. Saka lumabas na ng kubo. Hinanap ko sa paligid si Trevor. Nakita ko naman si Lola Carling na nakikipagchikahan sa isa pang matanda. “Lola, magandang umaga po.”

Napalingon sa akin si Lola, “Haba’y hanong magandang humaga. Tangali na, ia.”

Napansin kong nagbabalot sila ng kanin at isda sa dahon ng saging. “Ano pong ginagawa ninyo?”

“Hay nagaanda ng tangalian ng mga kalalakian sa bukid. Pumarine ka at tumulong. Magugas ka ng kamay. Dali. Dali.”

Naghugas na ako ng kamay at tumulong sa paglalagay ng pagkain sa dahon. Nasaan kaya si Trevor? “Lola nakita niyo po ba si Trevor?”

“Alina! Alina!” Hindi niya ako pinansin at hinila na.

Dala dala namin sa isang basket ‘yung mga pagkain. May feeding program? Saan ba kami pupunta?

Hanggang sa makarating kami sa malawak na bukiran. May mga lalaking nakayuko’t nagtatanim. Pumasok kami sa parang isang shed na may la mesa sa gitna tapos may bench na kahoy sa palibot.

Nilibot ko ‘yung paningin ko sa bukid. Don’t tell me nagtatanim siya dito. Parang ang imposible nun ah. Billionaire CEO nagtatanim? Hm… Pero imagine this na lang, hot papa na naka-white fitted sando tapos bakat abs tapos putik putik na ang muscular biceps pero mukha pa ding yummy kahit babad na sa araw. Kyaaaah! Dyusmiyo, Marimar! Hindi ko na pala kailangang iimagine, kase nakatambad sa mata ko ngayon ‘yung hot farmer na dinidescribe ko. Bakit kailangang maging ganyan ka-hot, boss?

“Lola, marunong bang magtanim ‘yang si Trevor?” tanong ko kay Lola Carling.

“Haba’y oo naman! Tuwing iyan ay nadalaw dito, palagi iyang tumutulong sa mga gawain dine.”

Sumigaw na si Lola Carling at nagsilapitan na ‘yung mga lalaki sa may poso para maghugas ng kamay. Sinusundan ko lang ng tingin si Trevor.

Nang makalapit siya dito iniwas ko naman agad ‘yung tingin ko. Mamaya sabihin pinagnanasaan ko siya. Kapal ng mukha niya. Kahit totoo. Nyehehe. Gah! Stahp it, Summer! Kumuha na ako ng pagkain sa basket at inabot sakanya. Di ko siya tinitignan. Naiilang ako. Umupo na lang ako at luminga linga sa paligid. ‘Yung mga babae dito pinupunasan ‘yung mga lalaki dito at pinaghahainan ng pagkain. Okay. Awkward.

“Hindi mo man lang ba pupunasan pawis ko,” bulong  nung katabi ko. Dahan dahan ko siyang nilingon. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangisi.

“Bakit ko naman gagawin ‘yun? Secretary mo ako. Hindi Yaya,” sabay irap.

“Edi sa iba na lang ako magpapapunas,” bulong niya sa tenga ko.

Tsh. Pakelam ko naman. Tumayo siya tsaka pumunta sa may poso. Nagbuhos siya ng tubig sa ulo at naghilamos. Ano bang ginagawa nito? Naglakad siya pabalik dito. Bigla namang may lumapit sakanyang dalaga. Tingin ko nasa nineteen pa lang ‘to. Nag-uusap sila tapos nakangiti lang silang dalawa. Tinanggal ni Trevor ‘yung pantaas niya. Pinunasan naman nung babae si Trevor. Habang ‘tong lalaking ‘to nakangising nakatingin sa akin. Aba. Kala ba niya may effect ‘yun sakin. Tsh. Inirapan ko sabay tingin sa iba.

Kumuha na lang ako ng pagkain sa basket at kumain. Gutom na ako. Bahala siya diyan. Sarap talaga ng tilapia foreves.

“Hindi mo man lang ba ako susubuan?” may bumulong uli sa tabi ko.

Hindi ko nilingon tuloy tuloy lang ako sa pagkain. “May kamay ka di ba? Hindi ka din naman paralisado. Kumain ka mag-isa mo.” Tse!

“Edi sa iba na lang ako magpapasubo.”

“Magkaaway ba sila?”

“Bakit hindi niya pinapansin si Kuya Trevor?”

“Ganyan ba siya kasungit?”

“Ay akala ko mabait. Kagandang babae pa naman.”

“Sayang naman. Bakit ganyan siya katigas kay Kuya Trevor?”

“Tsk. Tsk. Tsk.”

Napatigil ‘yung pagsipsip ko sa tilapia dahil sa mga narinig ko. Dami sinasabe. Tinignan ko si Trevor. Hindi ginagalaw ‘yung pagkain niya. Tsh. Binitawan ko ‘yung isda ko tsaka binuksan ‘yung dahon ng saging niya. “Kumain ka na!” Nakatingin lang siya sa pagkain. “’Wag mong sabihin na magpapasubo ka talaga!?” Ba, walang imik.

“Grabe, sinisigawan niya pa si Kuya.”

“Ang sama naman ng ugali niyang babaeng ‘yan.”

“Bakit kasi ayan ‘yung ninobya ni Kuya.”

Aaaaysh! Bakit ganyan kayo!? Eh hindi nga kasi talaga ako jowa neto eh! “Booooss,” pasweet na sabi ko. “Kumain ka na.” Hinimay ko ‘yung isda at kumuha ng kanin saka sinubo sakanya. Nakakamay lang kami. Hindi uso kutsara’t tinidor dito. Nilakihan ko nga ng mata. Bwiset. “Ah!” Hinila ko agad ‘yung kamay ko nung kinagat niya ‘yung daliri ko. Aaash! Maubo ubo naman siya kakatawa. Leshe! Mabulunan ka sana. Nilapit ko ‘yung bibig ko sa tenga niya ng naka-oh-so-sweet-smile, “Kumain ka mag-isa mo. Bwiset.” Saka tumayo at naghugas na ng kamay.

Pabalik na ako sa kubo ng may marinig akong tumatakbo sa likod ko. “Manghiram ka nga ng daster kay Lola Carling. Kala mo ba kaayaaya tignan ‘yang legs mo. Kadiri kaya.”

Napaligon ako sa walang humpay kung makapanlait na lalaking nagsalita sa likod ko. “Hooooy! Ang kapal kapal naman ng mukha mo! Eh mas maputi pa nga legs ko kesa sa mukha ng girlfriend mong tadtad ng foundation!” Totoo ‘yun, uy! Puro kolorete lang naman mukha ng jowa neto.

“So ganun talaga kaganda tingin mo sa sarili mo?” nakatawa niyang sagot.

Pumamewang naman ako. “Hindi lang pala mata mo may problema. Pati din pala taste buds.”

Lumapit siya sa mukha ko. “Akala mo ba maganda’t sexy ka? In your dreams,” saka tumalikod at bumalik na sa may shed.

Talagang iniinis ako nung bwiset na ‘yun ah. Tumakbo na lang ako pabalik sa may kubo sa sobrang inis. Tss… Sabe niya nung nasa office kame, beautiful, smart at witty ako. Ang he’s finding me hard to resist. Tapos ngayon sasabihan niya ako ng in my dreams!?! Letse talaga.

Hingal na hingal ako pagpasok ko sa kubo. Pag-upo ko sa may papag, may nalaglag namang susi. Pinulot ko. Susi ‘to sa kotse.

Hm… Ano kayang meron sa kotse niya? Baka may tinatago siya doon. Oo may mission ako. Lumabas ako agad ng kubo at pumunta sa may kotse. Palingon lingon ako at baka may makakita.

Inuna ko ‘yung compartment. Hm… Payong. Extra tire. 1 litro ng tubig. Boots. Toolbox. ‘Yun lang? Ts. Pumasok ako sa back seat. Suksok ng kamay dito. Suksok ng kamay doon. Wala. Pumunta ako sa front seat. Binuksan ko ‘yung glove compartment. Tissue. Alcohol. Bading ba ‘to? Kulang na lang make-up. Aaand… a handgun. Ruger SR9. Loaded. Smooth. Palit kaya kami baril? Hehe.

*kriiiiiing*

Napatingin ako sa dashboard. Andito ‘yung phone niya. Binalik ko na ‘yung baril sa glove. Kinuha ko ‘yung phone. Whoa. 57 missed calls. Kanino kaya galing ‘tong mga ‘to? Hindi pwedeng galawin. Baka malaman. Tsk. Tinignan ko na lang ‘yung contacts. Slide slide slide. Puro Mr. Chuchu, Mrs. Chuchu, Ms. Chuchu, Chuchu company, Chuchu Inc., Chuchu Corp., ang laman ng contacts. Mukhang kailangan kong makuha ‘tong mga contacts niya. Pano ba ‘to? Hindi ko naman dala ‘yung phone ko. Isend ko kaya sa phone ko lahat ng contacts? Hm… No. Pwede niyang malaman. Panigurado naka-plan ‘to. Think, Summer!

“Taya!”

“Waaah! Anduga mo naman eh!”

Muntik ko ng mabitawan ‘yung phone sa gulat. Binalik ko na agad ‘yung phone sa dashboard at lumabas ng sasakyan. Nakita ko ‘yung dalawang bata na nasa likod ng sasakyan na naghahabulan. Nilock ko na uli ‘yung sasakyan at tumakbo pabalik sa kubo. Binalik ko sa papag ‘yung susi.

“San ka galing?” napatalon ako sa boses sa likod ko. “Oh? Bat gulat na gulat ka?” tanong niya ng nagtataka.

“Ha? Ano. Kasi. Wala.” Napalunok ako. “Kanina ka pa dito?”

Umiling siya. “Kakadating ko pa lang. Bakit?”

Umiling din ako. “Wala.” Napansin ko namang malinis at hindi na siya putik putik.

“Ang baho mo. Amoy araw ka. Maligo ka nga. Oh,” sabay bato ng daster saken.

“Ano ‘to?”

“Ano ba sa tingin mo?”

Ang sungit naman neto. Inirapan ko na lang.

“May paliguan diyan sa likod ng kubo. May dalawang timba ng tubig doon. Bilisan mo. Para makabiyahe na tayo pabalik ng Manila.”

Tinalikuran ko na siya at pumunta sa sinasabe niyang paliguan. Parang pinagtagpi tagping nipa lang. Pero gora na ng makaalis na din. Ligo time. Kuskos dito. Kuskos doon. Buhos dito. Buhos doon. Sarap sa feeling. Natigil ‘yung pagbuhos ko ng may marinig akong kaluskos ng paa. Bullshirt. Hahatak sana ako ng tuwalya kaso wala nga pala akong dala. Hwat!? Wala akong dalang tuwalya! Anak ng palakang nirape ng tipaklong naman oh!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko uli ‘yung kaluskos ng paa. Niyakap ko ‘yung sarili ko. Inikot ko ‘yung paningin ko sa harang. Hayop kang manyak ka, nasan ka? Nang mabaling ‘yung tingin ko sa daster na nakasabit sa may pinto, napansin kong biglang nagkaroon ng tuwalya. Huh? Kanina lang wala ‘to dito ah. Nakabuhol naman ‘yung dulo ng tuwalya. Tinanggal ko ‘yung pagkakabuhol. May napkin sa loob. Parang kilala ko na kung sino naglagay nito.

Pinagpatuloy ko na lang ‘yung pagligo. Nang magbihis na ako, aba, kulang na lang pumasok na ako sa seminaryo sa haba ng daster ko. Teka asan na ba ‘yung suot ko nung nagpunta kami dito. Ayun na lang susuotin ko. Bumalik ako sa kubo at hinanap ‘yung damit ko. Ang alam ko dito ko lang pinatong sa may papag ‘yun eh.

Napansin ko namang pumasok si Trevor.”Boss, nakita mo ba ‘yung damit ko dito?”

“Pinatapon ko na.”

Natigil ‘yung paghahanap ko at napatingin sakanya, “Ano!?”

“You heard me.”

“Bakit mo naman pinatapon!?”

“Bakit? Magkano ba ‘yun? Bibigyan na lang kita ng wardrobe allowance.”

“Aaaysh! So ano, uuwi ako ng ganito!?” turo ko sa suot ko.

“Oo.”

“Nahihibang ka na ba?”

“Bakit, anong problema sa suot mo?”

“Aaaaaaaaaysh! Ewan ko sayo!” Beast boss foreves!

“Halika na. Magpaalam na tayo kila Lola Carling,” hila niya saken.

“Hay mag-hihingat kayo sa biyae.”

“Kayo’y bumalik sa lalong madaling panaon.”

“Kayo’y sana’y magtagal.”

“Hano bang magtagal pinagsasabe mo diyan, Conchita. Sila’y indi na magiiwalay talaga.”

“Hala pano ba hiyan, lalaki ba o babae?”

Kantyawan na naman sila. Dyuskopo.

“’Wag po kayong mag-alala, gagabi gabihin po namin. Para pagbalik namin ibabalita ko sainyo kung babae ba o lalaki. Pero mas maganda po kung araw gabi ano?” nalaglag ‘yung panga ko sa sinabe ni Trevor. Tawanan naman ‘yung mga matatanda. Siniko ko nga ng malakas sa tagiliran. Kaso parang wala lang sakanya. Kinuha niya ‘yung kamay ko saka pinagtutulak na papasok sa sasakyan.

Nag-wave naman ako sakanila nung paalis na ‘yung sasakyan. Haaay. Makakauwi na din sa Manila. Pero infairness, mamimiss ko sila Lola.

Ang labo din netong boss ko eh. Ang sabe niya dati, ‘just do my job as her secretary.’ Tas ganyan inaarte niya. Tss… Tahimik lang ako buong biyahe. Wala ako sa mood makipagdaldalan ngayon. Pinikit ko na lang ‘yung mata ko kahit hindi naman ako inaantok at makatulog. Next task on the list, kunin ang contacts ni beast boss. Titiyempo ako sa office bukas. Napadilat ako ng marinig ko ‘yung gearshift lever. Andito na ako sa condo ko.

“You can take tomorrow as your rest day,” sabi niya pagkalingon ko sakanya.

“Rest day? Tsh. Di ko kailangan nun, boss.”

“I won’t be needing you in office.”

“Ouch, boss. Matapos ng pinagsamahan naten sa Pampanga, sasabihan mo ako ng you won’t be needing me?” arte ko. Lol.

Napangiti naman siya. “Take it or leave it. Ikaw na bahala kung gusto mong pumasok bukas. Either way, bayad ka pa din naman.”

“Hm… Sige, pag-iisipan ko.” Ano bang pinagsasabe ko? “Sige, boss! Pasok na ko.” Binuksan ko na ‘yung pinto ng kotse at lumabas.

Isasara ko na ng, “Era!” Napasilip ako uli sa loob ng kotse. “Starting tomorrow, you’re required to wear pants in office.”

Napakunot ‘yung noo ko. “Pants?”

“You heard me.”

“Pero bakit?”

“Because I said so. Because your boss said so,” saka niya hinatak pasara ‘yung pinto at pinaandar na ‘yung sasakyan.

Tignan mo ‘yun. Beast boss gone weird.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

10.2M 135K 23
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
496 150 51
In an unexpected event, the girl addicted to handsome and the man who is extremely cold, even colder than ice, will meet. So, how will the man change...
71.3K 2.5K 24
How can something so beautiful be so deadly? Ara Hope does not have the perfect family but despite this fact she had the perfect childhood. She has a...
19.5K 517 53
Nag simula ang love story namin dahil sa taxi. And what about the C.S? Dora? Boots? Is that funny?! Or... Sounds like weird? Nah. Sound sweet...