Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)

88K 1.1K 113
By Mnemonicss

Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)

9 am na ng umaga ngayon pero tinatamad pa rin talaga akong gumising..

*yawn

 

Hays, pasensya na kung hikab ako ng hikab ha. Napuyat kasi ako kagabi dahil hindi ako masyadong makatulog. Magdamag ko kasing pinag-isipan kung ano yung sinabi ni Vinci kagabi..

Ganito kasi yun..

*flashback

 

“Nikki”

Napatingin ulit ako sa kanya..

“Oh, bakit ulit?”

“You really made my day complete”

“Ha? Ano ulit yu---“

*Boooogss

 

Ay, pambihira naman oh. Saraduhan daw ba ako ng pinto?

*end of flashback

 

Di ba ang weird? Sino ba naman ang hindi makakatulog kung may sinabi yung kausap mo tapos hindi mo naintindihan? Eh pano ko naman maririnig yung sinabi nya. Bukod sa sobrang hina ng boses, parang kinakain nya yung salita nya. Tapos sinaraduhan pa ako ng pinto kagabi.. Yung “you” nga lang saka “day” yung naintindihan ko eh.

Hayyysss.. Makababa na nga lang..

Inayos ko na yung kama ko at dali-dali na akong lumabas ng pinto. Pababa na ako sa dining area habang naghihikab pa rin dahil sa sobrang antok.

Nang makarating na ako sa dining area..

“Good morning po!” *yawn

 

Hindi ko na sila hinintay sumagot. Umupo nalang ako sa upuan. Katapat ko si tito Henry saka si Vinci tapos si daddy naman, naka-upo sa center.

Tinitignan lang nila ako habang kumukuha ako ng kanin..

Maya-maya, bigla namang nagsalita si daddy..

 

“Mukhang puyat na puyat ka, princess ah.”

“Medyo lang po, daddy.” *yawn sinabi ko yun habang naglalagay ako ng bacon sa pinggan.

Susubo na ako ng bacon ng biglang magsalita si Vinci..

“Wala ka bang suklay sa kwarto mo?”

Napatingin naman ako sa kanya nung sinabi nya yun, “Ha? Bakit?”

“Tsk. Tumingin ka kaya sa salamin”

Tingin daw sa salamin? Pero bakit? Anong mero----

0_0

*blink blink

Waaaaaaaahhh.. Mukha pala akong bruha..  >//<

Tumayo ako kaagad at tumakbo ako paakyat ng kwarto. Dali-dali akong naghanap ng suklay at sinuklay yung magulong buhok ko tapos bumaba ako ulit..

Pagkabalik ko sa upuan, nakayuko na ako kasi hiyang-hiya ako sa kanila..

Maya-maya biglang..

“Hahahahaha”

Tawa yan ni daddy saka ni tito Henry. Si Vinci naman, kunwari hindi natatawa pero halata namang pinipigilan nya lang yung tawa nya.

“Hahaha. Bro, nakakatawa naman tong si Nikki. Parang nakakita ng multo nung nakita nya yung sarili nya..Hahaha.” sabi ni tito Henry habang pilit pinipigilan yung tawa nya.

“Oo nga eh. Hahaha. Pagpasensyahan nyo na yan. Minsan talaga hindi siya aware sa itsura nya pag bumababa dito. Haha”

 

“Kaya naman pala ang saya nyo dito eh. Hahaha”

 

“Oo, sinabi mo pa. Hahaha”

Tawa pa rin sila ng tawa samantalang ako hiyang-hiya naman sa nangyari. Waah.. nakakahiya talaga. Ba’t kasi hindi ako tumitingin sa salamin bago ako bumababa eh. T_T

“Hahaha.. Nga pala, may gagawin ba kayong dalawa for this day?” Biglang sabi ni daddy.

Napatingin naman kaming dalawa ni Vinci kay daddy nung sinabi nya yun.

“Hmmmm.. wala naman po akong gagawin ngayon, daddy” sabi ko sabay kagat ng bacon.

“Eh ikaw Vinci? May gagawin ka ba?” Sabi ni daddy kay Vinci.

“So far, wala naman po tito” Sabi ni Vinci habang kumakain.

“Ok, Good! Ibig sabihin, pwede pala kayong sumama sa amin ngayon.”

“Saan?!” Sabay naming sinabi ni Vinci. Nagkatinginan kami nung magulat kami na parehas pala kami ng sasabihin.

“May highschool reunion kasi kami sa waterpark ngayon. Baka kasi gusto nyong sumama since parehas naman kayong walang gagawin” sabi ni tito Henry

Waterpark? Yehey! Gusto ko yun.

“Ay, sige sige. Sasama po ako!” excited na sagot ko kila daddy.

“I’m not going.”

Nagulat naman ako ng biglang sinabi ni Vinci yun. Hala, ba’t ayaw nya? Ang KJ naman nito. *pout

“Ah, ganun ba? Ok if ayaw ni Vinci, then maybe kami nalang ni Henry ang pupunta sa waterpark.” Sabi ni daddy habang umiinom ng kape.

“Hala, daddy. Paano naman ako? Gusto ko pong sumama..”

“Sorry, my princess. But you can’t come. May mga times kasi na baka maiwan ka namin dun mag-isa. Kaya without Vinci, hindi ka pwedeng sumama.”

“But daddy, kaya ko naman po mag-isa eh”

 

“Sorry but the decision is final”

 

Ay.. ang daya naman..

Hala, gusto kong sumama eh.. >_<

Tumingin ako kay Vinci. Magsasalita pa lang sana ako ng bigla siyang tumayo at sinabing “Tapos na po ako kumain”. Ay, siguro nakaramdam siya na kukulitin ko siya..

Hmmm.. kala mo makakatakas ka ha..

Tumayo na rin ako sa upuan ko at agad ko siyang sinundan paakyat ng kwarto nya..

At doon na nagsimula ang “Pilitan portion” namin...

“Vinci!”

 

“What?”

 

“Sama ka na..”

 

“Ayaw”

“Bakit ayaw mo?”

 

“Basta ayoko, it’s boring”

 

“Boring? Hindi naman kaya boring yun. Masaya yun. Promise! Kaya sige na...”

“No”

 

“Please”

 

“I said no!”

 

“Pleeeeeeeeeeaaaaase”

 

“Sinabi nang hindi eh.”

Papasok na sana siya sa kwarto nya ng bigla akong humarang sa pintuan. Pumunta ako sa harap nya habang nagmamakaawa. This time, upgraded na yung pangungulit ko..

“Oh? Anong ginagawa mo dyan?”

 

“Hinaharangan ka..”

 

“Bakit mo ko hinaharangan? Umalis ka nga dyan”

 

“Hindi ako aalis hanggat di ka sumasama”

 

“Aissh. Ilang beses ka ba iniri ng mommy mo?”

 

“Malay ko. Bata pa ako nun eh. Kaya hindi ko alam”

“Haayss.. Ang kulit mo naman.”

 

“Sige na kasi. Sumama ka na. Yiie, sasama na yan”

Ngumiti ako habang kikilitiin sana siya kaso pinigilan nya yung kamay ko.

“N-no!”

 

“Sige na. Pleaaase” *puppy eyes

“S-sabi nang hindi eh.”

 

“Pleeeeeeaaaaasssee” *puppy eyes with matching beautiful eyes

“Hays! Fine! Sasama na ako”

 

“Pleaa—Ha? Sasama ka na?”

 

“Oo na nga. Sasama na. Wag ka lang makulit.”

 

“Waaaaahh! Thank you!”

Sa sobrang tuwa ko, napayakap ako sa kanya. Bigla naman nya akong tinulak palayo sa kanya nung ginawa ko yun.

“A-ano ba?” Sinabi nya habang naka-iwas ng tingin sa akin.

“Ay, sorry! Na-carried away lang ako.. haha. Yahoo! Sige ah, pupunta na ako kila daddy. Sasabihin ko, kasama na tayo. Yehey! Wala nang bawian, ha!”

Tumakbo na ako pababa ng dining area para kausapin sila daddy. Yehey! Excited na ako. Water park! Here we come!^_^

**

Nandito na kami ngayon sa kotse. Super excited na talaga akong pumunta sa waterpark. Dinala ko na nga yung swim wear ko eh.

Ha? Anong two piece kayo dyan?! Hindi ah. T-shirt lang saka shorts ung gagamitin ko mamaya. Kayo talaga!

Nga pala, katabi ko ngayon sa kotse si KJ na Vinci. Si daddy naman yung nag-ddrive habang si tito Henry naman yung nasa driver seat..

Maya-maya, bigla akong nakaramdam ng pagka-bored habang nasa byahe. Paano kasi, tahimik masyado. Walang sound. Tapos samahan mo pa ng may katabing tuod sa kotse na nakadungaw lang sa bintana. Hayss. Ang boring talaga..

Hmm.. Ano kayang pwedeng gawin?

Aha! Alam ko na. Kakanta nalang ako. Wehehehe..

*ehem ehem

“Making my way down town... walking fast...Faces fast and I’m homebound. Tenenenenen Tententenenenenen...”

 (Talagang may “tenenenenen” para masaya. Yan kasi yung tunog nung piano dun sa kanta. With matching galaw ko pa yan ng fingers ko habang kunwari nagpapiano. Hahaha)

“...Staring blankly ahead, just making my way, making my way through the croooowd. Tenenenen Tentente—“

“Ang ingay naman!”

Napatigil ako nang biglang magsalita si Vinci. “Bakit? Masama bang kumanta?”

Hindi na nya ako pinansin at dumungaw nalang ulit sa bintana. Hays, ang sungit talaga..

Hayaan ko na nga lang. Pasalamat siya, siya yung dahilan kung bakit kami nakasama ngayon kundi inaway ko siya ulit..

“Hahaha.. Pagpasensyahan mo na yan, Vinci. Excited lang yang si Nikki, kaya ganyan. Hahaha” sabi ni daddy habang nag-ddrive.

“Hahaha.. Pasensya na rin, Nikki ah. Hindi kasi mahilig sa maingay yang si Vinci.” Sabi naman ni tito Henry sa akin.

“Ok lang po yun. Medyo sanay na po ako dyan. Kaya hindi na rin po ako nagtaka kung bakit siya suplado.” Sabi ko  kay Tito Henry.

“Anong sabi mo?!” Sabi sa akin Vinci.

“Eh totoo naman eh. Suplado ka. Hindi mo nga pinapansin yung mga girls sa school eh”

“Hahaha, ganun ba siya sa school nyo, Nikki?” sabi ni tito Henry

“Opo, tapos alam nyo po ba. Bigla nga po nya akong hinatak palabas ng room at---“

Hindi ko na natuloy yung pagsasalita ko kasi tinakpan na ni Vinci yung bibig ko.

“Ano ba, ang daldal mo naman!”

Inalis ko naman yung kamay nya.

“Pwe.. Ano ba yan. Naghugas ka ba ng kamay bago mo nilagay yung kamay mo sa bibig ko?”

“Aba’y loko—“

 

“Hahahahaha..”

Napatingin naman kami ni Vinci kila daddy at tito Henry. Bigla kasi silang tumawa..

“Nakakatawa kayong panoorin pag nag-aaway kayo. Hahaha” sabi ni daddy habang nag-ddrive.

“Oo nga.. hahaha. Ano kaya bro kung i-arrange marriage natin silang dalawa?” sabi ni Tito Henry

“Oo nga, bro. Mukhang masaya yun pag naging In-laws tayong dalawa.” Sabi ni daddy

“WHAT?!”

Sabi nanaman namin ni Vinci ng sabay.

Natawa nanaman silang dalawa. Hayss.. Ang lakas ng trip ng mga daddy namin noh?

“Hahaha.. Oh siya, nandito na tayo.”

Pinark na ni daddy yung kotse sa parking lot. After nun, bumaba na kami sa kotse at WOW!

JACE WATERPARK AND RESORT

Waaaaaahh.. Excited na ako. Hahahaha..

“Vinci, tignan mo si Nikki, nakanganga pa. Pffft” bulong ni daddy kay Vinci. Natawa naman si Vinci nung sinabi ni Daddy yun.

Tinignan ko ng masama si daddy “Daddy, rinig ko yun”

“Hahaha, sige na. Pumasok na tayo sa loob.”

Dinala na nila yung gamit namin. Hindi nila ako pinagbitbit since babae daw ako kahit hindi daw halata. Saka gentleman DAW sila kaya ayun, yung hand bag ko lang yung dala ko.

Pumunta na kami sa reception area kung saan makikita yung dalawang babaeng receptionist..

“Hmm.. Excuse me. Saan nga pala yung pinareserve para sa Alumni ng Ravens High School?” sabi ni tito Henry

“Ah, dun po sa main hall,sir”

“Ahh.. ok. Salamat”

Nung paalis na kami, narinig ko yung sinabi nung isang receptionist..

“Girl, ang pogi nung si sir oh” sabi nung girl sabay turo kay Vinci

Alam kong narinig sila ni Vinci kasi slightly napatingin siya pero di naman nya pinansin..

Lumapit ako kay tito Henry at bumulong ako sa kanya “Tito, nakita nyo po ba yun? Sabi ko po sa inyo, suplado si Vinci eh. Hindi nya pinansin yung dalawang girls sa reception area.

“Hahaha.. Oo nga, ngayon alam ko na” sabi ni tito Henry.

Nagulat nalang ako ng bigla akong hinila ni Vinci papunta sa kanya gamit yung collar ng damit ko. Nasa likod kasi siya kaya napaatras ako dahil hinatak nya ako.

“Nikking makulit, ano yung sinabi mo kay dad, ha?”

“Wala kaya akong sinabi.. Woah! Ayan na yung mainhall” sabi ko sa kanya habang nakaturo sa main hall. Siyempre, sinegway ko lang para di na nya ako tanungin pa.

Medyo malaki yung mainhall. Tapos may nakalagay na “Welcome, Ravens’ Alumni” sa harap ng pinto. Tapos pumasok na kami..

Wow. Ang daming tao tapos ang daming food. Nagutom tuloy ako bigla..

Umupo na kami sa isa sa mga table dun. Ay mali, kumuha pala muna kami ng pagkain bago kami pumunta sa tables.

Tapos nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain, biglang may nagsalita sa harap ng stage..

“Welcome to all alumni of Ravens High School Batch 1969. It’s so nice to see you all”

 

*clap clap

At nagsimula na ang program....

After 1 hour..

Hayss.. ang boring.. As in ang booooooooooooring!

Kung sino sino kasi yung nagsasalita samantalang hindi ko naman kilala yung mga yun. Tapos wala naman akong ibang magawa kundi ang pumalakpak ng pumalakpak.

Tinignan ko naman si Vinci. Ayun, mukhang naaburido na din. Siguro iniisip nya na sana hindi nalang siya sumama dito kasi boring nga..

Ah.. alam ko na. Itetext ko nalang siya.. hindi naman nya alam yung number ko eh. Hihihihi..

To: Mr. Vinci Antipatiks

Awooo. Ako ang iyong konsyensya.. wohoho

 

Message sent

Mukhang nakarating naman sa kanya yung text message ko. Sinilip nya kasi yung cellphone nya. Tumingin siya sa akin tapos nagkunwari akong nakikinig sa nagsasalita sa stage. Sana effective..

1 message receive

From: Mr. Vinci Antipatiks

Hoy, Nikking makulit.. Tigilan mo ko ah..

Hala, paano nya nalaman yung number ko? May lahing stalker pala tong si Vinci. Hayss.. hayaan ko na nga lang..

To: Mr. Vinci Antipatiks

Bored ka na din ba?

Message sent

1 message received

From: Mr. Vinci Antipatiks

Obviously!

Ay, grabe.. Miski sa text, antipatiko pa rin..

To: Mr. Vinci Antipatiks

Gusto mo bang lumabas nalang tayo? Sasabihin ko nalang kay daddy, mauna na tayong magswimming sa labas.

Message sent

 

1 message receive

From: Mr. Vinci Antipatiks

Pwede ba?

To: Mr. Vinci Antipatiks

Oo, pwede yan. Akong bahala kay daddy.

Message sent

 

1 message receive

 

From: Mr. Vinci Antipatiks

K

Ay, pambihira. Ang tipid namang magreply. Hayaan ko na nga lang ulit..

Binulungan ko si daddy “Dad, pwede po bang lumabas nalang kami ni  Vinci?”

“Bakit?” Bulong na sabi ni daddy.

“Eh boring po kasi dito eh. Nakakapagod po kasing pumalakpak.”

“Pfft. Fine! Sige na, you may go.” Natawang sabi ni daddy.

Patayo na sana ako ng biglang tinawag ako ulit ni daddy.

“Psst. Nikki”

“Yes po,dad?”

 

“Wag kang lalayo kay Vinci ah”

 

“Ok po” Yun nalang yung nasabi ko. Hays, tignan mo ‘tong si daddy. Ginawa nanaman akong bata..

Nauna na akong lumabas tapos si Vinci naman ang lumabas para hindi halata.

Maya-maya..

“Yes! Finally, nakalabas na din tayo. Hahaha!” sinabi ko habang naglalakad kami ni Vinci

“Sabi ko kasi sayo, boring eh. Kaya ayokong sumama” sinabi nya sa akin habang nakasimangot.

“Hindi naman. Yun lang naman yung boring eh. Pero nakikita mo itong mga to?” Tinuro ko sa kanya yung wave pool, naglalakihang slides at kung ano-ano pa. “Yan ang hindi boring.. Kaya tara na!!!”

Tapos hinila ko na siya..

“Wait! San tayo pupunta?” sabi nya habang hinahatak ko pa rin siya.

“Saan pa, eh di magbibihis na tayong dalawa”          

Napahinto naman siya sa sinabi ko kaya napahinto na rin ako..

“H-ha? Magbibihis tayo?”

 

“Oo, siyempre! Gusto mo bang mabasa yung suot mo?”

 

“Nang s-sabay?”

 

“Sira! Anong sabay ka dyan?! Siyempre magkaiba tayo ng CR”

“Ah. Ok” Tapos na una na sa akin. Kita mo to. Kung ano ano  nalang na-iisip. Tsk.

“Oy, Mr. Antipatiks! Wait!” Sinundan ko nalang siya papuntang CR

Nagbihis na kami ng pang-swimming. Ako, t-shirt saka shorts. Tapos siya naman, orange na sando tapos shorts din.

Tapos, nagsimula na kaming pumunta sa pool. Inaya ko muna siya dun sa big slides kaya inuna namin yung puntahan. Mukhang masaya yun kasi sasakay kami sa parang salbabida na pang-dalawahan.

Umakyat na kami sa tuktok at—nyaah! Ang taas pala ng babagsakan namin. Hala, Parang nagdalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa kami..

“Sir, kayo na po yung next” sabi ni kuyang nag-aassist ng salbabida.

Hala, kami na kaagad yung next..

“Oy, tayo na daw yung next” sabi ni Vinci

“S-sandali lang”

“Tsk. Natatakot ka na noh?!” sabi sa akin ni Vinci na parang nang-aasar.

“H-hindi ah. Gusto mo pa nga sa unahan pa ko eh!”

“Sure! Call!” Tapos umupo na siya sa bandang likod.

Waaaaahh! Joke lang yun eh. T_T

Hala, pano yan..

 

*inhale exhale Bahala na nga..

Umupo nalang ako sa harap dahil wala na akong choice. Papakita ko dito sa Mr. Antipatiks na to na matapang ako..

Pero gosh! Keri ko ba ‘to?

“Ready na po ba kayo?” sabi ni kuyang nag-aassist

“Ready na!” Sabi ni Vinci.

“Wait—“

Halaaaa.. tinulak na ni kuya yung salbabida!!!

AAAAAAAAAAHHHHHH! Hindi pa ako reaaaaady eeeeh!!!!!

WAAAAAAAAHHHH!!! Looooooord! Daaaaaaaaaaaddy! Manang Beeeeeeeth! AAAAHHH!

*splash

0_0

“Waaahh! Hindi pala ako marunong lumangoy! Hindi ako marunong lumangoy! Waaah! Tulong! Asan yung lifeguard?! Vinci! Tulungan mo ko! Nalulunod ako!”

“Hoy!”

Eh? Anong hoy? Ba’t hoy lang yung naririnig ko? *blink blink

“Waaaaahh! Bakit wala pang tumutulong sa akin?! Tulungan nyo ko! Tulungan nyo—“

“Hayysss! Tumayo ka nga dyan! 3 feet lang toh!”

Eh? Anong 3 feet ka—

Huh?!

Hala, Nakatayo ako..

3 feet nga!

“Pffft. Hahahaha”

Napatingin naman ako kay Vinci nung tumawa siya bigla..

“B-bakit?” sabi ko

“Malunod daw ba sa 3 feet? Hahahahaha”

Waaahh.. Nakakahiya naman.. >_<

“T-tse! Tumigil ka na nga dyan. Kumain na nga lang muna tayo!” Sabi ko sa kanya tapos nauna na ako sa sobrang kahihiyaan.

“Nikking Makulit! Wait! Pfft” Sumunod naman siya sa akin pero natatawa pa din sa ginawa ko.

Nang makarating na kami sa food store..

“Anong gusto mo?” sabi k okay Vinci

“Kahit ano, kaw bahala” sabi nya sa akin. Hayss.. Ayan nanaman kami sa kahit na ano nya.

“Pagbilan nga po ng cheesedog. Dalawa po saka dalawang soft drinks po” sabi ko kay kay ateng tindera.

“Ok po, sige po. Upo muna po kayo dun”

 

“Ok po. Thanks”

 

Umupo na kami ni Vinci sa upuan habang hinihintay naming lutuin yung inorder namin..

“Psst.. Nikki.”

 

“Bakit?” Sabi ko sa kanya..

 

“Tignan mo yun..”

Tinuro nya sa akin yung matabang lalaki na naka-trunks na red. Ang weird kasi mukhang nag-sstretching pa siya before siya mag-swimming..

“Tingin mo, magaling siya mag-swimming?” sabi sa akin ni Vinci habang naka-tingin sa matandang lalaki

“Hmmm.. siguro. Nag-sstretching eh”

 

“Ok. Let’s see..”

Sabay naming tinignan yung lalaki. Maya-maya, nag-swimming na yung lalaki sa pool at..

*splash

What? Hindi umaandar?

Hala, nag-sswimming siya pero hindi siya umaandar?

“HAHAHAHAHA!”

Sabay kaming natawa dun sa lalaki. Paano kasi, may pa-stretching stretching pa siya na parang professional swimmer tapos ganun lang pala siya magswimming..haha

“Hahaha. Hala, ba’t di siya umaandar? Hahaha” sabi k okay Vinci habang tumatawa pa rin.

“Malay ko. Hahaha. Nabigatan siguro sa sarili nya.. Hahaha” sabi ni Vinci

Tawa pa rin kami ng tawa hanggang sa tinawag na kami ni ateng nagtitinda..

“Ma’am, eto na po pala yung order nyo.” Sabay abot sa amin nung order.

“Salamat!” sabi ko sa kanya.

“Ang gwapo naman po ng boyfriend nyo, Ma’am”

Nagulat naman ako sa sinabi ni Ate “Ay, naku! Hindi ko po siya boyfriend!”

“Ay,sorry. Kala ko po boyfriend nyo.”

“Naku, hindi. Gusto mo nga po, sayo na siya eh!” biro ko kay ate.

“Haha. Talaga po?”

Natawa ako nung sinabi nya yun pero nung pagtingin ko kay Vinci, hindi na maipinta yung mukha nya.

Bumaling ako kay ate.. “Hehehe. Joke lang po yun”

“Sige, ma’am. Mag-papapicture nalang po ako sa kanya.. Ok lang po ba?”

“Ow, sure! Basta ba may libreng French fries eh.”

 

“Hahaha.. Sige po!”

Pag tingin ko kay Vinci, ayun, nakasimangot na. Binulungan ko na lang siya “Sige na.. Isa lang. Sayang din yung fries”

Wala na siyang nagawa kundi ang magpapicture sa tabi ni ate. Ako yung kumuha nung shot nila. Si ate, ngiting ngiti samantalang si Vinci, busangot ang mukha.

Pagkatapos ng sapilitang shot, nagpasalamat si ate at umalis na kami ni Vinci kasama ang libreng fries. Yown, may advantage din pala pag kasama si Vinci.

Nung naglalakad na kami..

“Hayss.. Ibenta daw ba ako?” sabi nya sa akin.

“Ok lang yun. Minsan lang naman eh. Oh,ayan. May fries ka naman eh” Inabot ko sa kanya pero ayaw naman niya.

“Ayoko nyan!”

 

“Sige, fine. Akin nalang” tapos kinain ko yung fries.

Pagkatapos naming kumain, nagswimming na kami pero saglit lang kasi ayaw na daw niya. Ang KJ, diba? Tapos nun, nag-CR na kami para mag-bihis. Pero siyempre, magkahiwalay ulit. Dun siya sa boys, ako naman sa girls.

Nagbihis na ako at nagpalit na ng damit..

Palabas na sana ako ng CR ng biglang may tumawag sa akin..

“BFF??”

Lumingon ako sa likod at nakita ko si Ashley na kalalabas lang ng cubicle.

“B-BFF?”

 

“Waah! BFF. Andito ka din pala. Sino kasama mo?”

“S-sino kasama ko? Ah eh..” Patay. Hindi nya alam ang tungkol kay Vinci. Paano ko sasabihin ‘to sa kan—

“Nikki? Hindi ka pa ba tapos diyan? Ang tagal mo naman!”

Uh-oh! Ano ba yan.. Wrong timing naman yung pagsigaw niya.

“BFF? Sino yun?”

 

“Ahh..ehh. Wala yun! W-wal---“

Hindi ko na napigilan si Ashley at sumilip siya sa labas. Nakita niya si Vinci na nag-aabang sa akin mula sa labas.

“BFF? V-Vincent? Magkasama kayong dalawa?”

Uh-oh! Lagot na..

Ano kaya yung iniisip ni Ashley ngayon?

Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang tungkol kay Vinci?

--------->See you in Next Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)

Author’s Note:

Hello readers!

Kamusta po yung chapter ngayon ng SACG? Sana po nagustuhan nyo.  Ako kasi natawa ako habang tinatype ko to eh.. haha.. Sana kayo rin.=P

Nga po pala, “Twice or Thrice” a week nalang po ako mag-uupdate. Pasensya na po. Masyado kasing active si Ms. Author. Medyo fully-booked ang sched..haha (artista?) chos! Hope you’ll understand. ^_^

Anyways, click “Vote” if you like this chapter. “Follow” me on wattpad if you want some updates for this story. Pa-like nalang din po pala yung official fan page sa FB created by “mischieviousgirl021” . Search nyo nalang po yung “Story of A Campus Girl”.. Lalabas naman po yun. Minsan po, mag-uupdate din po ako dun kung ipopost ko na yung next chapter,ok?

Maraming maraming salamat po ulit sa mga nagbabasa ng SACG. God bless po! *mwahhugs

-Ms. Author <3

PS: Comment lang kayo sa baba kung nagustuhan nyo po yung chapter ah or kung natawa kayo sa chapter nato. Hindi ko kasi alam kung ako lang ba yung mukhang timang na natatawa sa gawa ko..wahaha. Thank you! Mwah! ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

12.8K 786 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
900K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
1.8M 75.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.