Under His Spell

By thatpaintedmind

11.1M 360K 114K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even... More

Warning!
Teaser
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
PLEASE READ
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
...
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
...
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L.1
Kabanata L.2
Wakas
Mensahe ng Manunulat
Special Chapter
1 Million Special
2/22/22

Kabanata VIII

185K 9.3K 1K
By thatpaintedmind

"I don't need to worry about that. H-Hindi naman ako m-mahal ni Tyler." Napaiwas ako ng tingin. Imposible iyon, sobrang imposible. Isa lamang akong babaeng waitress sa bar para mahalin niya, kumpara sa napakataas na estado ng kanyang buhay.

"Only Tyler knows,"

Napatingin ako sa kanya. Nakatanaw na siya muli sa verandah. Naalala ko ang binanggit niya kanina kaya tumabi ako sa kanya. Napasulyap siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Kanina, iyong nabanggit mo, iyong nagpakamatay iyong n-nanay niyo." Hindi siya nagulat sa sinabi ko. Hindi ko alam kung inaasahan niya na ang sasabihin ko o sadyang wala talaga siyang laging ekspresyon. "O-Okay lang ba kung magtanong ako t-tungkol doon?"

"Ask," simpleng sagot niya.

"I-Iyon ba ang dahilan kung bakit malamig ang pagtrato niya sa mga tao?" Sumipsip siya sa kanyang kopita bago sumagot.

"Tyler and I are close with our mother. She's perfect in our eyes, a perfect mother. She takes care of us, all the time, but our father didn't gave a single fuck about that. After all, they're marriage is just fixed, arranged for business purposes. But mom loves our father, so fucking much." Napangiti siya ng mapait. Pero nanatiling walang laman ang mga mata niya. "But our father never loved our mother, he never did. He always flirt, worst is, he doesn't seem to care if our mother knew about his mistresses. Heck, he doesn't even care if he's flirting in front of my mom, in front of us. Can you believe that?" Nakita ko ang paghigpit ng hawak nito sa kopita.

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko. Hindi pa natatapos ang pagkwe-kwento niya ay sumasakit na agad ang dibdib ko. Paano nakaya ni Tyler na tiising makita ang ama niyang nakikipaglandian sa ibang babae?

"Until our mother couldn't take it anymore. She cut her wrist, and Tyler if the first one to know." Napasinghap ako. "He saw how our mother's body is lifelessly lying on the bathroom, on the bathtub to be exact, covered in her own blood."

Binaba ko ang tingin ko. Naninikip ang dibdib ko. Sa palagay ko ay hindi ko kakayanin kung ako ang nasa posisyon ni Tyler. Bakit kailangan siya pa ang unang makakita? Bakit hindi na lang iyong kanyang ama?

"Tyler used to smile before, he used to laugh, and greet people around him, he's also quite a bit shy. That was him, until before that incident. Everything changed about him, he was traumatic, of course. His rage at our father worsened, but he's blaming not just our father, but also the whole world. He hates the fact that there's seven billion people in the whole world, but why does it has to be our mother? She's perfectly imperfect, why does it has to be her?"

I remained silent, totally speechless. Kahit na parang naglalabas ng sama ng loob si Tyron ay malamig pa rin ang boses niya, hindi nga iyon nahahanapan ng galit. Naging ganoon din ba siya nang dahil sa nangyari sa nanay nila?

"Damn, I never told a story that long." Iiling-iling na sabi nito. Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti kahit na hindi siya sa akin nakatingin.

"Salamat sa lahat ng impormasyon Tyron," tumingin siya sa akin.

"I won't explain that long for nothing, I expect an exchange."

Namilog ang mga mata ko. Naghahanap din siya ng kapalit. Parehas na parehas talaga sila ni Tyler. Nakagat ko ang pangibabang labi ko.

"W-What exchange?"

"Never, ever, leave Tyler." Natigilan ako. "Don't let him experience hell again." Nagsimula na siyang maglakad papalayo. Naiwan akong magisa sa verandah.

Pumikit ako at dinama ang hangin na tumatama sa mukha ko. Nasasaktan ako para kay Tyler. Paniguradong dala-dala niya pa rin ang pait ng kanyang nakaraan. Dahil sa kaisipang iyon ay mas lumaki ang kagustuhan kong pasayahin siya.

Huminga ako ng malalim at maglalakad na sana paalis nang may biglang sumagi sa utak ko. Sinabi sa akin kahapon ni Tyler na may pupuntahan kami pagkatapos ng klase namin ngayon. Napakunot ang noo ko at napatagilid ang ulo. Ito ba ang sinasabi niyang pupuntahan namin? Kung ganoon, bakit hindi natuloy ang pagyaya niya sa akin dito? Nakakapagtaka.

Tuluyan na akong umalis ng verandah. Habang naglalakad ako sa pasilyo ay may narinig akong tunog. Isang pinto na parang kasasara lamang. Sinundan ko kung saan iyon nagmula at nakita ko si Tyler na kalalabas lang sa isang kwarto. Hindi niya ako nakita dahil nakatalikod na siya akin. Naglakad siya at hahabulin ko na sana siya pero nakita ko ang pagsuklay niya sa kanyang buhok na tila siya'y naiinis o naiinip. Kaya imbis na kunin ang atensyon niya ay tahimik ko na lang siyang sinundan. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagkainis niya.

Nagiging tsismosa na yata ako, hindi ko naman gustong malaman ang mga bagay-bagay. Pero parang pagdating kay Tyler ay gusto kong malaman lahat ng pwede kong malaman.

Dahan-dahan ang paghakbang ko. Maaari kasing makalikha ng tunog ang takong ng sapatos ko at hindi ko iyon gustong mangyari.

Bumaba siya sa pinagdadaluhan ng pagsasalo at tinawag ang kanyang ama. Pumwesto ako ng patalikod sa gawi nila pero sinigurado kong sapat ang layo ko para maririnig ko ang paguusapan nila.

"Kristoff," sambit ni Tyler. Iyon malamang ang pangalan ng kanyang ama. Bahagya pa akong nagulat dahil ganoon niya pala sinusuklam ang kanyang tatay na umabot sa puntong hindi niya ito tinatawag na ama.

"What is it, Tyler?" Pormal na tanong ni Mr. Smith, ang ama ni Tyler.

"I need to go,"

Kumunot ang noo ni Mr. Smith, parang hindi nagustuhan ang sinabi ni Tyler.

"It's too early, what's with the sudden rush?"

"Someone's waiting for me,"

Halos tumalon ang puso ko nang marinig ko ang naging sagot ni Tyler. Alam kong ako ang tinutukoy niya, ako lang naman ang nakatira sa condo niya, wala ng iba pa.

"Stay a little bit longer, Tyler. Our visitors wouldn't want you to ditch this night."

Inis na pinasadahan muli ni Tyler ng kanyang mga daliri ang buhok niya. Bakas sa mukha nito ang pagkainis at pagkainip. Kung sa gayon, iyon ang dahilan kung bakit tila hindi maganda ang timpla niya? Dahil sa akin? Hindi ko napigilan ang mapangiti. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang narito ako?

Tinalikuran na ni Tyler ang ama. Muli siyang naglakad at muli ko rin siyang palihim na sinundan. Nagtungo siya sa garden na walang katao-tao. Ang lawak dito at mas pinaganda ng makukulay na bulaklak ang lugar. Meron ding pang-paskong ilaw, kulay goldeng dilaw ito na nakalawit sa mga puno.

"I know you've been following me. If you just wanted to act cheap in front of me, I'm not interested."

Nagulat ako sa sinabi nito. Nakatalikod siya sa akin pero alam niya palang sinusundan ko siya, ngunit malinaw sa sinabi nito na hindi niya alam kung sino ako.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang nanginginig ang mga daliri ko sa kamay. Siguro kinakabahan ako dahil sa maaaring magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako. May posibilidad na magalit siya, dahil hindi naman ako imbitado sa kaarawan niya ngunit ang lakas ng loob kong lumusot. Napahinga ako ng malalim nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Pero hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

"What do you need?" Tanong niya ngunit hindi patanong ang pagkakabigkas niya, nakatalikod pa rin siya sa akin. Mababa ang tono ng boses niya at sa tingin ko ay masama pa rin ang kanyang timpla.

"T-Tyler," nauutal kong bigkas.

Huminga siya ng malalim, tila nagpipigil ng inis bago siya humarap sa akin ng nakakunot ang noo. Ngunit nang masilayan niya ako ay rumehistro ang pagkabigla sa mukha niya, isang reaksyon na ngayon ko lang yata nakita mula sa kanya.

Tumitig siya sa akin ng matagal na tila hindi pa pumoproseso sa utak niya na nandito ako, kasalukuyang nakatayo sa harapan niya. Ilang sandali nang humagod sa kabuuan ko ang paningin niya. At tila naabot ko ang bituin nang umawang ng bahagya ang labi niya. Nang bumalik sa mukha ko ang tingin niya ay napakurap pa siya.

"Zafina," hindi makapaniwalang sambit niya.

Ngumiti ako, pakiramdam ko naguumapaw sa saya ang puso ko dahil sa nakuha kong reaksyon niya nang makita ako. Siguro dahil bihira ko lang makita ang ganoong reaksyon niya, reaksyon na nakikitaan ng pagkahanga ang mga mata.

"How did you got here?" Bahagyang kumunot ang noo niya. Muli na naman akong sinalakay ng kaba sa maaaring maging reaksyon niya sa ginawa ko.

"Uh... I... I g-gatecrashed," nakagat ko ang ibabang labi ko habang hinihintay ang kanyang reaksyon. Mas kumunot ang noo niya kaya mas lumakas ang tibok ng puso ko.

"How did you knew that it's my..." sandali itong natigilan. "birthday?"

"Uhm, about that, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng mga studyante sa eskwelahan. Pinaguusapan nila ang kaarawan mo."  Napatango siya.

"So you gatecrashed, and eavesdropped." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What does that even mean?

"Is that bad?" Mabagal na tila nagiingat kong tanong. Tumingin siya sa mga mata ko. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "But yours is worse, you lied." Kumunot ang noo nito. Tila walang kaide-ideya sa ibinintang ko. Muli akong nagsalita. "Sinabi mo sa akin na may pupuntahan tayo pagkatapos ng klase. Sigurado akong itong selebrasyon para sa kaarawan mo ang iyong tinutukoy. Pero bakit hindi natuloy ang pag-aya mo sa akin?"

Kumunot ang noo ko at tumabingi ang ulo sa kuryosidad. Nakita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya. Naulit iyon ng isa pang beses bago siya nagsalita.

"Just because," kumunot ang noo ko sa simpleng sinabi niya. Akmang magsasalita ulit ako pero inunahan niya na ako.

"We should go back to the party," pumormal ang boses niya. Mas naging seryoso din ang kanyang mukha.

Nauna na siyang maglakad kaya nagtataka man ay sumunod ako sa kanya. Nililihis niya ang usapan. Bakit ayaw niyang sabihin sa akin ang dahilan?

Umupo si Tyler sa pang-dalawahang mesa at tahimik akong umupo sa harap niya. Sinusubukan kong hulihin ang tingin niya pero hindi niya ako tinatapunan ni isang tingin. Deretso lang ang mata nitong nakatutok sa gitna kung saan may mga magka-kasintahang nagsasayawan.

Pilit kong hinukay ang isip ko, nag-iisip ng dahilan kung bakit hindi niya tinuloy ang paganyaya sa akin. Wala naman akong atraso sa kan...ya. Nanlaki ang mata ko sa naisip. Napatingin ako kay Tyler pero katulad kanina ay sa gitna lang siya nakatingin. Hindi kaya tama ang hinala ko? Kaya hindi niya tinuloy ang pagimbita sa akin dahil ay may sama pa rin siya ng loob sa akin dahil sa ginawa kong pagtakas? Posible.

"Ty--"

"I'll just go to the restroom," hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang tumayo na siya at walang lingon-lingong naglakad paalis.

Parang kinurot ang puso ko. Mukha ngang may sama pa siya ng loob. Mas nakonsensya ako dahil sa isipang iyon.

Nilibot ko ang paningin ko at nahuli ng tingin ko si Axle sa hindi kalayuan. Tahimik at mag-isa itong nakaupo sa pang-apatang upuan. Hindi ako nagdalawang isip na tumayo at lumapit sa kanya. Walang ano-ano akong umupo sa harapan niya. Rumehistro ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa biglaang pagsulpot ko.

"Gaano sumasama ang loob ng isang lalake kapag may tangi siyang hiling sa babae na hindi nagawa ng babae?" Deretso kong tanong. Kailangan maging mabilis lang ako rito. Hindi ako dapat maabutan ni Tyler na may kausap na ibang lalake.

"Wow, wala man lang magandang gabi?" Nakanguso nitong sabi. Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. Nakuha niya naman ang tinging iyon. "Sabi ko nga, nagmamadali ka kaya dapat sagutin ko na ang tanong mo. Hmm, depende kasi sa hiling ng lalake. Syempre bawal niya namang pilitin ang babae sa kagustuhan nito. Ano bang hiling ng lalake?"

Napalunok ako bago sumagot. "Huwag aalis,"

"Iyon lang?"

"Oo. Pero, naabutan niya ang babae na may kausap na ibang lalake na kinagalit niya."

Sandaling natigilan si Axle. Maya-maya ay natawa ito habang umiiling-iling.

"Mukhang kilala ko ang mga ito," napairap ako sa sinabi niya. "Well, in that case, mukhang ang mas kinagagalit ng lalake ay ang kaisipan na may kausap na ibang lalake ang babae. At hindi dahil sinuway nito ang kanyang utos." Napakunot ang noo ko. Nakuha niya ang reaksyon kong iyon kaya dinugtungan niya pa ang kanyang nilitanya. "Sa ibang salita, nagseselos iyong lalake."

Nagulat ako, umabot ng ilang segundo bago nag-proseso sa utak ko ang sinabi niya. Si Tyler? Nagseselos? Ang imposible naman no'n. Iba yata ang pananaw nila ni Axle kahit parehas silang lalake.

"At para sa tanong mo kanina, hindi naman siguro masama ang loob ng lalake, sadyang nagseselos lang dahil sa takot na maagawan. Pero huwag kang mag-alala, konting lambing lang naman sa aming mga lalake, solve na."

Tumango ako. Mukhang wala akong makukuhang tamang sagot kay Axle. Pero kahit na ganoon ay nagpasalamat pa rin ako dito at mabilis na bumalik sa kinauupuan namin ni Tyler.

Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayang nakabalik na pala si Tyler. Walang imik siyang umupo sa kanyang upuan at sa gitna na naman tinuon ang kanyang tingin. Napabuga ako ng hangin, napakahirap niyang basahin. Hindi palaimik si Tyler kaya hindi ko matukoy kung kailan siya may kinikimkim at kung kailan wala.

Inusad ko ang upuang kinauupuan ko papalapit sa kanya. Napasulyap siya sa akin pero agad din niyang binalik ang tingin sa gitna. Lumunok ako para kahit papaano ay maibsan ang kabang unti-unting kumakalat sa sistema ko.

"Kanina ka pa nakatingin dyan sa gitna," paninimula ko. Wala siyang naging reaksyon. "Gusto mo bang sumayaw?"

Awtomatiko na napalingon siya sa akin. Nangungunot ang kanyang noo at may halong pagtataka ang kanyang mga mata.

"Sayaw tayo?" Dugtong ko pa at lumunok muli. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Tumayo ako at lakas loob siyang hinila patungo sa gitna. Nagpatianod lang naman siya na ikinatuwa ko.

Pagkarating namin sa gitna ay humarap ako sa kanya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang puso ko pero wala iyong epekto. Mas lumala pa nga ang pagwawala no'n nang idinantay ni Tyler ang pareho niyang kamay sa magkabilang bewang ko kaya ipinalupot ko na sa leeg niya ang braso ko. Now I understand why rib cage is called a cage, it is to imprison our wild heart whenever it's beating erratically.

Isang pamilyar na kanta ang tumugtog. Unti-unting gumalaw ang katawan namin sa tono ng kanta. Tiningala ko si Tyler at hindi ko alam na may ikakarahas pa pala ang pagwawala ng puso ko nang makita ko siyang titig na titig sa akin. Ngunit hindi niya man lang iyon inabalang iiwas sa akin kahit na nahuli ko siya, na tila ba wala siyang pakialam.

Hindi ko na naiwas ang tingin ko, hindi ko na gugustuhing umiwas pa. Kaya nagawa kong makipaglaban ng titigan sa kanya. Napakalalim ng mga titig niya, parang iniinspeksyon niya ang kaloob-looban ng pagkatao ko.

"H-Happy birthday, Tyler,"

Hindi siya sumagot ngunit alam kong narinig niya ang pagbati ko. Magsasalita pa sana ako kaso naiwan sa ere ang sasabihin ko nang hapitin niya pa ako papalapit sa kanya. Bumangga ang malambot kong katawan sa napakatigas niyang katawan.

Nasa gilid ng ulo ko ang ulo niya. Yumuko siya kaya ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa gilid ng leeg ko. Lumalim ang paghinga ko at halos lumabas na sa aking dibdib ang puso ko.

"Thank you," bulong niya. Bahagya pang tumama ang labi niya sa leeg ko kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko sa parteng iyon.

Tumigil ako sa pagsayaw kaya tumigil din si Tyler. Unti-unti kong inatras ang ulo ko hanggang sa nasilayan ko na ang mukha niya. Napakalapit ng mukha namin sa isa't isa.

"I... I have a present for you," napatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung dahil gusto niya lang o kung hinihintay niya ang susunod kong sasabihin kaya nagsalita na lang muli ako. Napalunok ako ng ilang beses.

Ngayon, hindi ko na habol ang pagiging parte ng buhay niya. Ang habol ko, ay ang mapasaya siya. And I don't even know why I want him to be happy. I don't know why I want to be the reason of his happiness. "Pumapayag na akong maging girlfriend mo,"

-

A/N: It's my birthday on monday! A simple vote as a birthday present for me, please?

Continue Reading

You'll Also Like

27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
92.1K 6.4K 21
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
PRETEND. By ‎

Fanfiction

28.1K 1.7K 77
── Park Jeongwoo ❝Can you just stop pretending that you are a gay?❞ ◎ on going ◉ complete ◎ edited 「 TREASURE CHATeul SERIES #2 」 ✦✦✦ ✦✦ ✦ ✦ ✦...