Crush Kita Konti Lang

asherinakenza tarafından

2.6M 50.8K 3K

High school life Daha Fazla

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Finale
Epilogue

33

40.6K 785 15
asherinakenza tarafından





Chapter 33


"I love you.." Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko yung puso ko wagas kung mag ingay.. I..I love you daw Abhie?!


"Shane..an..nak.." Napapitlag ako ng marinig ko ang boses ng Mama niya!


"Ah! Hello po Tita!" Tungong tungong bati ko.

"Oh, hi hija, nag lunch ka na ba?"

"Ah..o..opo! Aalis na po ako!" Yung mukha ko sobrang pula na! Maglalakad na sana ako palabas pero nabigla ako ng hilahin ni Shane ang kamay ko! Tinignan ko siya, sobrang seryoso ng mukha niya, napatingin naman ako sa Mama niya na ngayon ay nakangiti saakin, shemay nakakahiya sobra.. Nakita niya kami ng anak niya sa ganung posisyon, nakakahiya ka Abhie! Sa bahay pa talaga nila!!

"Ahh..Shane uuwi na ako!"

"Ihahatid na kita.." Anyaya niya..

"Ha? Hi-"

"Sige na Abhie, magpahatid ka na kay Shane, mahirap sumakay jan sa labas.." Nakangiting sabi ng Mama niya.

"P-po?!"

"Go on, anak tawagin mo si Manong Jake sabihin mo ihahatid mo si Abhie.. Mag ingat kayo." Paalala ng Mama niya, tumango lang si Shane at hinila na niya ang kamay ko palabas ng bahay nila, nandun na kaagad yung driver nila na ngiting ngiti din saakin, ang creepy..


Nakasakay na kami ngayon ni Shane sa back seat, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko, namamawis na nga yung saakin eh! Nakakahiya, bakit ganito.. Iba ang I like you sa I love you diba?!


"I'm dead serious Abhie.." Bulong niya, ramdam na ramdam kong nakatingin siya saakin kahit na yung mga mata ko nakatuon sa labas ng kalsada!


"Look at me.." Ipinikit ko ang mata ko dahil hinawakan niya ang baba ko para humarap ako sakanya!

Narinig kong ngumisi siya.


"Ganun ba kapangit yung pag confess ko sayo kaya hindi mo ako matitigan sa mata?" Natatawang sabi niya.. Ayoko! Ayokong imulat ang mata ko! Natatakot ako! Nahihiya ako! Waaa!


"Abhie, magseselos na ako sa dilim niyan.." Bulong niya, huh? Magseselos sa dilim?


"Ikaw rin, tandaan mo isang selos kapalit ng isang halik.." Pilyong sabi niya, napataas ang kilay ko!

"Magseselos sa dilim?!!" Nakapikit na tanong ko.

"Psh, ano bang nakikita mo ngayong nakapikit ka?"

"Wa-wala..madi--" Natigilan ako pagsasalita dahil bigla niyang hinalikan ang pisngi ko!!


Nanlaki ang mata ko! Sobrang lapit ng mukha niya!

"Sabi ko naman sayo magseselos ako sa dilim.." Bulong niya saka umayos na siya ng upo!

Nakatulala lang ako! A-ano ba Abhie!!


_____


Isang linggo na ang lumipas pero hindi na ulit nagparamdam si Shane, medyo nakakainis. Ewan basta naiinis ako, pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ko bigla siyang mawawala.


"Tara na!" Masayang sabi ni Syril, nandito kasi kami ngayon sa mall bibili kami ng libro sa national book store, kung hindi niyo naitatanong sobra na ang kaadikan ko sa mga libro.


"Ano sabi mo sakanya?!" Natatawang tanong ni Syril, ikinuwento ko kasi sakanya yung sinabi saakin ni Shane.


"Wala..hanggang maihatid niya ako tahimik lang ako."


"Haha! Yan kasi pa-crush crush ka pa ha! Ngayong sinabi ng mahal ka niya natameme ka naman."


"Ano ka ba Sy! Kahit naman sino matatameme kapag isang Shane Briones ang nag confess sayo."


"Yiie. Palibasa kasi ang gwapo ni Shane eh.."


"Oo..ah este! Ano ba Syril!!"


"Uyy, nahuhuli ka!" Natatawang pang aasar niya saakin, kainis naman..


Naglakad na kami, pero hindi pa man kami nakakapasok ng national book store nahagip ng mata ko si Shane na kasama ng Mama niya.


"Shane!!" Hinila ko si Syril dahil sa pag sigaw niya! Kaagad humarap saamin si Shane pati ang Mama niya, dahil nga nakita na kami ni Tita Samantha, lumapit na kami sakanila para naman hindi kami masabihan ng bastos.


"Good afternoon po Tita.." Bati ko kaaga namang ngumiti ang Mama niya, ang ganda talaga niya.


"Good afternoon hija, Shane kung gusto mo sumama ka nalang muna sakanila.."

"Ma--"

"Sige na anak, hindi ko naman sasabihin sa Daddy mo. Saka isa pa late na makakauwi ang Daddy mo galing sa office.." Nakangiting sabi ng Mama niya.


Tumango nalang si Shane, may kasama din isang katulong ang Mama niya, mukhang mag-go-grocery sila dahil may tulak tulak na push cart ang Mama niya pati yung katulong.


Humalik muna si Shane sa Mama niya bago kami naglakad.

"Sige po Tita."


Humahagikhik naman si Syril.


Nagulat ako ng bigla akong akbayin ni Shane at bumulong siya sa tenga ko.

"Namiss kita ah." Napalunok ako.


Dumiretso kami sa food court para makaupo kami.

"B-bakit hindi ka nagtetext?" Tanong ko sakanya.


"Grounded kasi kaming tatlo nila Shara." Nakangiting sagot niya.

"Ha?! Grounded?! Eh ang laki laki mo na!" Natatawang sabi ni Syril.

"Syril!!"

"Haha. Natatawa lang ako."

Pero ngumiti lang si Shane, grabe yung ngiti niya nakakalusaw.


"Pinagbawalan kaming lumabas, saka gumamit ng phone at laptop." Dagdag pa niya.


"Wait! Cr muna ako!" Paalam ni Syril saamin saka umalis.

"Bakit?" Tanong ko, so kaya pala hindi siya nakakapagparamdam.. Napansin kong lumunok muna siya bago nagsalita ulit.

"Buntis kasi si Ate." Bulong niya at halata na dismayado siya. Nanlaki ang mata ko.

"Si..si Ate Sabrina?!"

Tumango siya.

"Ayon. Kaya pati kami ni Shara damay, nag aalala lang ako sa Ate ko, bata pa kasi Abhie." Napatingin ako sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko mula sa ibabaw ng mesa.


"Hindi ko manlang naprotektahan yung kapatid ko.. Yun na nga lang yung pinapagawa saakin ni Dad ni hindi ko pa nagawa.." Halata sa boses niya na malungkot talaga siya.

"Shane.."


"Pakiramdam ko wala akong kwentang kapatid eh.. Ang gago kasi ayaw panagutan ni Kuya Michael si Ate.. Gusto ko siyang saktan Abhie, hindi niya dapat ginalaw si Ate kung una palang wala siyang lakas ng loob na panindigan yung ginawa niya.."


"Shane..ano ka ba, hindi mo naman kasalanan yung nangyari ngayon eh.." Umiling siya.

"Masyado akong naging kampante na mapoprotektahan siya ni Kuya Michael.."

Mas lalong humigpit ang hawak saakin ni Shane.

"Si Shara, hindi ko siya paliligawan kahit kanino pag malaki na siya, baka saktan lang din siya ng iba."

Mahal na mahal ni Shane ang mga kapatid niya, dahil nga sakanya ibinilin ng Daddy niya na maging Kuya sa dalawa kahit na siya ang pangalawang anak, ramdam kong galit siya sa sarili niya dahil nasaktan ang Ate niya ng kung sino.

****

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

3.5M 50K 15
It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi ang love letter ng kanyang nakababatang...
71.2K 1.9K 21
Payapa na ang buhay ni Xiara at Jasmine sa Pampanga, isa siyang imbestigador doon habang si Jasmine ay naging isang volunteer sa isang klinika. Perpe...
260K 17.8K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...