Paper Stars (Self-Published)

By iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... More

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 7

2.4K 96 6
By iamsayaallego

KABANATA 7




Kaagad na nagsilapitan ang mga tauhan niya sa nasaksihan. Pero ang ipinagtataka ko ay wala man lang humila sa akin papalayo upang daluhan ang kanilang hari.

Tiningala ko ang mukha niya and was surprised na nakatingin lang siya sa akin. No anger in his eyes. Wala ring bakas na nasaktan ko siya.

"Kulang pa ng power, Ian. That punch was too soft," anito at bago kinuha ang kamay ko't inilagay sa parte ng sikmura niya, "You have to hit here. Hard."

Mabilis ko itong binawi at agad na dumistansya. Sinulyapan ko sina Jepoy para malaman kung naghahanda na ba silang resbakan ako. Pero nakahalukipkip lang ang mga itong nakatanaw sa amin na parang balewala lang sa kanila iyong nangyari.

I've just punched their king for goodness' sake!

"If you're aiming for a knockout, dapat mas malakas pa roon ang itatama mo. Sa ganoong distansiya at hindi mo napatulog iyong kalaban mo, sa nipis mong iyan, mababali ka," napabaling muli ang tingin ko sa kanya. Nagsitanguan lang ang mga tauhan niya na tila nagbibigay lang siya ng isang lecture.

What the heck!

"Uh..." I'm out of words, damn it!

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang siyang lumapit sa akin. I thought he was going to show me how it's done pero hindi iyon nangyari. Instead, inakbayan niya ako saka hinarap iyong mga tauhan niya.

"O, iwanan na namin kayo," usal nito dito, "Ayusin niyo iyan para hindi tayo mawalan ng customer," sabi pa nito bago ako iginiya palabas doon.

Kinabahan ako nang nakalabas na kami pero hindi pa rin siya umiimik. Tinapangan ko ang aking sarili at saglit siyang sinilip. Naabutan ko siyang nakadungaw sa akin nang may simangot sa mukha. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwari na tinatanaw ang iba pang bahagi ng kanilang lugar.

Should I say sorry for what I did? I'm even insulted that my hit didn't hurt him. And besides, siya ang may atraso sa akin in the first place. Bumawi lang ako.

Pero may parte sa isipan ko ang nagtutulak na dapat akong humingi ng tawad. He took the effort of bringing me here so his men could apologize for what they did after all. Pinangaralan pa niya ang mga ito like what a good leader should do. I sighed in defeat.

"Ano—" I began to say.

"Hmmm?" Anito sabay dungaw uli sa akin.

"I—" Sasabihin ko na sana kaya lang may biglang sumigaw.

"King!"

Pareho kaming napalingon sa tumatawag sa kanya. It was that same guy na lumapit sa amin kanina pagkarating namin dito. Siya yata iyong tinatawag nilang Kulas.

Humahangos pa ito nang makalapit sa aming kinatatayuan. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalitang muli.

"Huwag niyo ng parusahan pa sina Jepoy, King. Ako na lang ang tatanggap ng parusa kahit ano pa iyan. Tutal ako naman ang dahilan kung bakit nila iyon nagawa. Gusto lang nila akong tulungan," he said in one breath. His posture and gaze were sincere habang kaharap ang kanilang hari.

Napasulyap naman ako sa seryoso ring mukha ni Reign. This is the kind of authority that I want to possess; the kind of strength that will be respected by men. If I have this, surely, my family would come to finally acknowledge me.

Napapitlag na lang ako from my deep thoughts nang bigla akong hinawakan sa magkabilang braso nitong si Kulas.

"Boy, huwag mo naman silang idemanda. Pakiusap. Nagawa lang naman nila iyon kasi gipit na gipit na kami ng pamilya ko. Pero mababait naman talaga ang mga iyon. Adik sa polboron pero mababait pa rin. Maawa ka sana," his eyes were full of concern for his comrades.

I opened my mouth to say something kaya lang biglang inakbayan ni Reign si Kulas at inilayo ito sa akin.

"Huli ka na sa balita, Kulas," nakangising asong sabi ni nito bago ako tinignan, "Napatawad na sila ni Ian. Magkaibigan na nga sila ngayon," dagdag pa nito.

May kung ano sa salitang 'kaibigan' ang kumukurot sa puso ko. Maybe because in my world, people would rather choose to stay away than be anywhere near me. No one wouldn't want anything to do with the cursed one after all.

"Di ba, Ian?" Nagtama ang paningin naming dalawa nang nilingon ko siya. Tumango na lang ako at inilipat ang paningin ko sa katabi niya.

May kung ano sa mga mata niya ang parang gumigiba sa mga itinatag kong mga pader. Na para bang isang tingin niya lang, malalaman na niya kaagad ang mga tinatago ko. Ganito ba ang epekto ng isang taong ipinanganak para mamuno?

"Talaga?" Nanlalaki at naluluha ang mga matang usal ni Kulas. Nginitian ko siya't tinanguhan uli.

"Wala iyon. Hindi naman ako masyadong nasaktan," sabi ko at biglang naalala iyong pagkakalibing ko sa buhangin, "Muntik lang akong nailibing ng buhay," dagdag ko pa bilang parinig sa taong may atraso sa akin pero kinalimutan lang at ipinunas lahat ng kasalanan sa mga tauhan niya. Nasuntok ko nga kanina, hindi naman tinablan. Ako pa itong na-guilty sa huli.

Nakaawang ang bibig ng dalawa nang masulyapan ko. Unang naka-recover ay si Kulas. Tumikhim muna ito at nagkamot ng batok bago nagsalita.

"Pasensiya na talaga, Ian. At salamat uli. Basta 'pag may kailangan ka, hanapin mo kami sa may dalampasigan o hindi kaya sa Asteria Mangoes—"

Nang banggitin niya iyon, bigla na lang kumalam ang tiyan ko. Napatingin silang dalawa roon and God knows how much I wanted the ground to just swallow me whole. Hindi ako umimik at pinagsikapan kong manatiling parang hindi apektado ang ekspresyon ng aking mukha.

Agad namang napatingin sa mukha ko si Reign. He probably wanted to ask the obvious with that knowing smirk plastered on his face. I was ready to deny his silent accusation but my stomach decided to have a mind of its own and go on with the rumbling.

Sabay na namang dumako roon ang mga paningin noong dalawa. Nagtinginan pa sila bago nila ako binalingan ng pansin. Ilang sandali lang ay hawak-hawak na nila ang kani-kanilang mga tiyan sa kakatawa.

Damn it! Ganoon ba ako kagutom? Well, kung tutuusin, hindi pa ako nakakain simula noong inayusan nila ako sa bahay. And that would be around noon. Meaning, I've been starving since lunch! Sa dami ng mga nangyari, ngayon ko lang napansing gutom na pala ako.

Napasinghap ako nang bigla na lang akong inakbayan ni Reign.

"Kaya pala walang kalatuy-latoy iyong suntok mo kanina. Hindi ka pa pala kumakain?" Natatawa pa rin nitong sabi.

Sandali ko siyang tinapunan ng masamang tingin bago ako ngumuso at tumitig sa kawalan habang patuloy pa rin sila sa pagtawa.

"May makakain pa naman, King, kukuha lang ako nang makakain na itong si Ian," narinig kong sabi ni Kulas pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagsimangot dito.

"Samahan na kita Kulas at paniguradong kukulangin ang isang kalderong kanin para rito kay Ian," usal naman nitong katabi ko.

Kumunot pang lalo ang noo ko sa narinig. At sinong may sabing kaya kong umubos ng ganoon karaming kanin? Eh, hindi nga ako masyadong kumakain noon! I grew up with western ways after all!

"Umupo ka muna roon at hintayin mo ako," utos naman nito sa akin sabay turo sa isa sa mga benches na nakaharap sa dagat.

Ang sarap magrebelde pero sino naman ako para magreklamo gayong ako na nga itong pakakainin. Kaya walang imik ko na lang tinungo iyong bench na tinutukoy niya. Nagmamaktol pa akong lumapit doon pero nawala rin kaagad nang makita ko na ang tanawin.

Kitang-kita mula rito ang lawak ng karagatan. Tila nakikipagkompetensiya pa sa mga bituin ang ilaw ng mga pagawaan at mga bahay-bahay ng lungsod. Kita rin dito pati iyong tower noong mango farm. Kay gandang pagmasdan!

Pumikit ako at dinama ang lamig ng simoy ng hangin. Dinig pa rin mula rito iyong ragasa ng mga alon sa pader ng pampang. Nang muli akong nagmulat, tumingala ako at pinagmasdan pang lalo iyong mga nagniningningang bituin. I couldn't help but be reminded of those times na kasama ko pa si Louise.

We would bring our flashlights and blankets and then set up a camp outside the mansion. We would look at the night sky and find as many constellations as we could. Paramihan kami noon. Kung sinong may pinakamarami had the rights to a bigger ration of our favourite ice cream. I would wonder if Louise's eyes were just too weak because I'd always win in the end.

I remembered this one particular camp night we had after she told me the story of the falling stars. Nakahiga kami sa blankets noon at naghahanap ng mahuhulog na bituin. I remembered how eager I was to find my first star so I would be able to make a wish.

"Will it really grant my wish?" I asked Louise without taking my eyes off the sky on the lookout for my star.

"Well, of course, baby girl. When you pour all your heart into that wish, your star will do everything in its power to grant that for you," she replied before she gently combed my hair with her fingers, "Why, baby girl? Do you have a wish in mind? Maybe Louise could grant it for you in case your star won't appear tonight," she added but I just shook my head to disagree.

"You can't grant my wish, Louise. Only my star could give it to me," I said with unbroken determination as I searched the night sky.

"Oh? What kind of wish might that be if I can't even grant it for you?" She asked with some sadness in her voice.

"If I tell you then it won't be granted," I grumbled for which she just laughed off.

That night, the star didn't come but I didn't stop searching even the nights after. I kept on hoping for it to finally appear. I remembered how Louise insisted that I tell her my wish seeing how desperate I was to make it. But I stood my ground and persisted until, finally, one night, it appeared!

I was so ecstatic, so happy I was jumping up and down. Louise was laughing seeing me with so much life after nights of nothing but disappointment.

"Make a wish," she hurriedly said.

I held my hands together and tightly closed my eyes as I finally made my wish.

I wished for my mama to come back, not for me, but for my papa. I wished for him to be able to smile from his heart again the way he did in the pictures when he was with mama. I wished him all the happiness that only being with mama could bring. That's why I wished for her to come back and save papa from his misery. Maybe then he would stop crying every night as he looked at her pictures.

I wished so hard that night. I wished with all my heart that the star would bring my mama back and make my papa happy.

And it did. I finally got to see that heartfelt smile he had in the pictures. It happened that night when papa went after mama... and left me behind. Forever.

May kung anong kumurot sa puso ko nang maalala ang mga iyon. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ang lamig ng gabi. Napapitlag na lang ako nang may biglang nagsalita sa aking tabi.

"Ang lalim naman ng iniisip natin, a!"

Nakatayo si Reign sa tabi ko at may bitbit na mga paper plates ang bawat kamay.

Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makita nang maayos ang porma nito. Isang simpleng puting v-neck t-shirt na bakat sa kanyang katawan, blue jeans na ripped sa may kaliwang hita at simpleng rubber shoes lang suot nito pero ang lakas ng dating. Magulo ang natural na kulay tsokolateng buhok na tila laging bagong gising. Para siyang isang model ng vogue magazine Asteria edition. Cool!

"Nababakla ka na naman!" Napakurap ako sa biglang sinabi nito, "Umusog ka nga kasi kanina pa ako nangangawit dito," dagdag pa nito.

Kaagad naman akong umusog para makaupo siya. Sinulyapan niya pa ako bago niya isa-isang nilapag ang mga plato sa gitna namin. Hindi ko siya pinansin at sa mga pagkain ko na lang ipinukol ang aking paningin.

Napakurap-kurap ako nang walang makilala kahit alin man sa pagkain. May mga karneng nakatusok sa stick. Mayroon ding parang bulate. Tapos mayroon ding... paa ng manok ba iyon? Sa isang plato mayroon namang parang lumpia na mahahaba na may katabing sauce na hindi ko matukoy kung ano. Mayroon ding parang siomai na pinaliguan ng toyo, chilli sauce at kalamansi.

Bahagya akong napaatras nang bigla niya akong binagsakan ng limang malalaking nakahugis diamanteng bagay. Kumuha ako ng isa at tinitigan.

"Iyan ang tinatawag naming pusu dito o mas kilalang hanging rice sa ingles," napatingin ako sa gawi ng aking katabi at nakita siyang sinisimulan ng balatan iyong tinatawag niyang pusu.

"Puso?" I tried mimicking habang tinitignan pa ring iyong bagay na nasa kamay ko.

"Pusu. Maragsa dapat iyong pagkakasabi. Hindi puso. Pusu," pagtatama nito at nakita ko siyang dumampot noong nasa stick na parang bulate.

Napangiwi ako nang pagkatapos niya itong isawsaw sa toyo at sukang may sili ay walang seremonya niya itong kinain. Sinunod naman niya iyong pusu. Papasubo pa sana siya nang mapansin niya ang paninitig ko. Ibinaba niya iyong mga kamay niya at pagod akong tinignan.

"Kumain ka na. Hindi ko dinala itong mga ito para lang titigan mo. Hindi nakakabusog iyan," anito bago kinagatan iyong parang bulateng nasa stick at sinunod uli iyong pusu.

Nang maubos iyong parang bulate, kumuha naman siya noong parang lumpia. Isinawsaw niya sa katabing sawsawan nito bago kinagatan nang malaki. Tulad noong nauna, isinunod naman niya iyong pusu. Parang takam na takam pa siya habang kumakain. Hindi ko maiwasang mapalunok sa inggit.

Tumango ako at tinignan uli iyong mga nakahain. Binuksan ko iyong pusu bago ako kumuha ng isang plastic na tinidor at tinusok iyong parang siomai. Inilapit ko muna sa aking ilong upang maamoy. Amoy ng kalamansi kaagad ang nalanghap ko. Ramdam ko agad ang pamumuo ng aking laway sa takam.

Napalunok muna ako bago ko kinagatan iyong kakaibang siomai na iyon. Unang kagat pa lang, ang sarap na! Ginaya ko ang paraan ng pagkain ni Reign at isinunod iyong pusu. Hindi ko alam kung paano ko natiis iyong gutom pero hindi ko na mapigilan iyong sarili ko sa pagkain nitong mga kakaibang pagkain sa harap ko. Kamuntikan pa akong mabilaukan!

"Whoa... dahan-dahan sa pagkain! Hindi naman kita uubusan," natatawang usal ni Reign, "O, softdrinks mo," sabay abot nito ng isang bote ng maiiinom.

Sinamangutan ko siya pero kinuha ko rin iyong inaabot niya at agad uminom doon.

"Thanks," mahinang usal ko pagkatapos kong ilapag iyong bote sa may paanan ko.

"Kain ka pa," sabi lang nito habang kumukuha noong paa ng manok na nasa stick pa rin.

Napansin niya iyong paninitig ko sa hawak niya habang papakagat ito dito.

"Gusto mo?" Tanong niya.

"H-ha?" Bago pa ako makaalma, kinuha na niya iyong isa pang ganoong nasa plato at iniabot na niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon.

Tinitigan ko ng malapitan iyong paa ng manok. Iniisip kung ano pang nakakain dito gayong buto't balat ng naman ang meron nito.

"Sipain ka niyan kapag hindi mo kinain," napatingala ako sa sabi nito. Nakangisi siya habang pinapapak iyong paa ng manok na hawak niya. Isinunod pa rin niyang sinubo iyong pusu.

"Ano pang pwedeng kainin dito? Buto-buto lang naman ito di ba?" Sabi ko pagkatapos ay ibinalik sa plato iyong paa at kumuha noong karneng nasa stick.

Pero bago ko pa ito makuha, bigla niyang pinalo ang aking kamay. Napasimangot ako sa kanyang ginawa.

"Huwag kang maarte. Kainin mo kung anong nakahain. Ang dami-daming mga bata sa mundo ang namamatay sa gutom sa mga oras na ito. Magpasalamat ka na lang na may nakakain ka pa rin kahit paa lang iyan ng manok," mahabang litanya nito.

Dinampot ko na lang muli iyong paa ng manok.

"Hindi rin naman sila mabubusog kung kakainin ko ito," bulong ko sabay sawsaw ng hawak ko sa sawsawan.

"Anong sabi mo?" Asik ng katabi ko.

"Wala akong sinabi. Kumakain ako o," sarkastiko kong sagot sabay subo sa bibig noong paa.

Katulad ng inexpect ko, buto at balat nga lang ang meron. Nginunguya ko iyon at hindi ko alam kung lululunin ko ba o iluluwa. Sinulyapan ko ang mukha ng aking katabi at nakitang nakamasid siya sa aking pagnguya.

Baka kapag iniluwa ko ito, pagagalitan na naman ako. Nilulon ko na lang kahit masakit sa lalamunan.

"Nilulon mo?!" Napapitlag ako sa tanong niya.

Dinampot ko na muna iyong bote ng softdrinks at uminom doon bago ko siya hinarap. Humahagalpak na siya sa tawa ngayon.

"E, bakit mo pa pinakain sa akin kung iluluwa ko lang rin pala?" Asik ko sa tumatawa pa ring bulto nito.

"Kinakain nga iyon pero dapat niluluwa mo iyong buto! Maging aso nga alam na hindi nilulunok ang buto," tawa pa nito.

"Ibig mong sabihin, mas matalino pa sa akin iyong aso?" I felt so insulted to be compared to a dog.

"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako," anito na tawang-tawa pa rin.

Nairita ako kaya sinuntok ko siya sa balikat. Bigla naman siyang natahimik at namilog ang mata niya sa ginawa ko.

"That's a strong punch, Ian. Buti na lang pala at wala kang lakas kanina, baka tulog pa rin hanggang ngayon mga bulate ko sa tiyan," sabi nito bago tumawa uli.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ibig niya bang sabihin, that punch still wasn't enough to knock him out? Inis kong tinignan iyong parang bulate na kinukuha niya ngayon.

"Kaninong bulate iyan kung ganoon?" I asked out of the blue.

Napatigil siya sa pagsubo at napatingin sa akin. Sinulyapan niya saglit iyong isusubo niya sana bago ngumiwi.

"Hindi bulate ito! Ang bastos mo talaga," sabi nito sabay lapag sa platong pinagkunan iyong kakainin niya sana.

"O, bakit mo isinauli? Akala ko ba maraming mga bata ngayon sa mundo ang namamatay sa gutom?" Panunuya ko rito.

Napamura siya nang malutong.

"O, bakit ka nagmumura sa harap ng pagkain?" Panunuya ko pa rin.

I couldn't stop the grin on my face nang makita siyang umiiling at dinadampot iyong parang bulate. Inis niya akong tinignan bago kinagatan iyong parang bulate. Napangiwi naman ako sa ginawa niya. Napangiwi naman siya sa ginawa ko bago iniluwa iyong kinain niya.

Hindi ko napigilang matawa sa nasaksihan. Hindi ko inakalang ang hari rito ay nandidiri rin pala sa mga bulate.

"Ang saya mo," inis pa rin nitong sambit matapos uminom ng softdrinks at makitang hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa.

Ilang sandali pa ay tumigil na rin ako. That was such a good laugh. I can't remember when the last time I laughed that much was.

"Okay ka na?" Nakangisi akong tumango sa inis pa ring mukha nito.

Bahagya siyang napaamang habang nakatingin sa mukha ko. Nailangan ako kaya inayos ko na lang ang ekspresyon ng aking mukha. Narinig ko siyang tumikhim pero hindi ko na siya nilingon. Ipinagpatuloy ko na lang iyong pagkain ko.

"Anong iniisip mo kanina?" Napalingon ako sa bigla niyang tanong. Kumakain na ito noong parang lumpia at nakatanaw sa tanawin sa aming harapan.

"Alin doon?" Tanong ko sabay baling ng paningin sa dagat.

"Before I got here with our food?" Sagot nito.

He was referring to that time I was remembering my first wish, wasn't he?

"Wala naman. May naalala lang," I simply answered. No need to give him details, right? That was all in the past after all.

"Hmmm...." Narinig kong sambit nito. Sumunod ko namang narinig ang pag-inom niya ng softdrinks at pagbaba ng bote nito sa lupa.

"Ang lungkot siguro ng naalala mo," hindi ko mapigilang mapatingin sa gawi niya.

Inaayos na niya iyong pinagkainan namin. Nang mahuli niya ang paningin ko ay agad naman akong umiwas at ibinalik ito sa dagat.

"P-paano mo naman nasabi?" Sabi ko na lang.

"Para kasing gusto mong maiyak pero pinipigilan mo," napakuyom ako sa aking mga palad nang marinig iyon.

Was I really that obvious? I thought na-master ko na ang art of being stoic.

"Feel... my Princess. That's what we call living." Ani Rekka sa akin noon.

"Kung anuman iyon, huwag mong sarilinin. Magkaibigan na tayo ngayon. You can tell me anything," napalingon muli ako sa gawi niya nang marinig iyon.

He was looking at me already. His green eyes gleaming against the moonlight. It was full of concern yet there's that sadness in them too.

Kaagad kong binawi ang aking paningin at itinuon ito sa mga bituin. Hindi ko maintindihan kung papaano unti-unting tinitibag ng mga matang iyon ang mga pader sa aking puso. Parang gusto ko siyang pagkatiwalaan. Parang gusto ko siyang papasukin doon.

"You only know how to destroy those who are near you. You're nothing but a curse to those who gets near you. Get away."

Iniling ko ang ulo ko to clear those thoughts at hindi maiwasang maramdaman na naman iyong pagkuyom ng aking puso. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

"Did you ever feel like..." I paused as I contemplated if I should tell him or not.

"Hmmm?" He answered and then I heard him shift his position so he's probably facing me now. I don't know kasi nakaharap pa rin naman ako sa dagat.

"Did you ever feel like you're not enough?" I asked in a whisper, "Ginawa mo na ang lahat pero kulang ka pa rin?" I asked, careful not to break my voice.

Hindi siya nakasagot agad. Ilang ihip ng hangin ang lumipas pero tahimik pa rin siya. Maybe I shouldn't have asked him that. Maybe I shouldn't have—

"Everyone feels that way, Ian. Habang humihinga tayo, may punto sa mga buhay nating naitatanong natin iyan sa sarili natin. 'Ano pa bang kulang?' 'Saan ako nagkamali?' 'Bakit pa ako nabuhay?'" Napasinghap ako sa huli niyang sinabi at napatingin sa gawi niya.

His eyes were on the skies right now. They shone like how the stars would. Gusto kong tanggalin ang pagkakatitig ko rito but they're compelling me not to do so.

Napasinghap ako muli nang bigla niyang ibaling ang mga ito sa akin. I hate how his eyes unravel my defences. But at the same time, I like how they stare at my blue ones.

"Nakikita mo iyong mga batang iyon?" Bigla nitong usal at saka nilingon iyong direksyon ng isang grupo ng mga kalalakihang nagtatawanan habang gumagawa ng mga basahan at mga walis.

Tumango ako para magpatuloy siya.

"Ilan sa kanila ay palaboy na lamang sa kalye. May ilan diyan may mga magulang nga pero iresponsable naman. Iyong ilan pa nga diyan ay biktima ng pag-aabuso ng sarili nilang kadugo. Gustong makapag-aral pero hindi magawa kasi kailangan nilang magbanat ng buto para lang may makain," kwento nito as I eyed each and every boy in that bunch.

Napatingin uli ako sa kanya nang umayos siya sa pagkakaupo at muli akong hinarap.

"Minsan sa buhay natin, dumadaan tayo sa tanong na iyon, Ian. Na para bang pasan-pasan natin ang mundo at ang sarap ng sumuko. Pero itong masasabi ko sa iyo," he said. His eyes were so full of strength and determination.

"Each one of us has a demon or two of our own. Maybe the others may have had them worse than the rest of us. At kanya-kanya rin tayo ng pamamaraan kung papaano ito haharapin," he paused for a bit, "Pero ang mahalaga ay huwag mong kakalimutang hindi ka nag-iisa. Huwag mong sarilinin. Huwag mong kimkimin lahat," sabi pa nito kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin sa aming direksyon.

"In this world full of hopelessness and darkness, find someone who'll be your light and follow him." Rekka said to me before.

Is Reign the light that would give me hope? Tanga, Aya, is there even such thing? Mangdadamay ka na naman ng ibang tao.

"May mga kaibigan ka ng pakikinggan lahat ng pinoproblema mo. Hindi man namin kayang pasanin iyon para sa iyo, pagagaanin namin ang loob mo kakatawa hanggang sa mapautot ka," nakangisi nitong sabi at hindi ko maiwasang mapangiti na rin.

How is it that it's so easy for him to make me feel better? Konting sabi niya lang, gumagaan na kaagad ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko na agad iyong mga masasamang nangyari kanina.

"Kita mo? Napapadalas na iyang pagngiti mo," napatigil ako sa sinabi niya, "Lagi ka kasing nakasimangot dati. At least ngayon ngumingiti at tumatawa ka na. In fact, ang cute mo ngang—" Natigilan naman siya sa sinabi at biglang nanlaki ang mga mata.

Napanguso ako sa huli niyang pahayag until I couldn't hold back any longer. Tumawa ako nang tumawa sa kanyang sinabi at ipinakitang ekspresyon.

"Eh, ikaw pala itong nababakla sa akin!" Sabi ko pa habang tumatawa nang malakas.

"G@go!" Sabi nito sabay sapak sa akin, "Kumain ka na nga!" Dagdag pa nito sabay dampot uli noong parang bulateng nasa stick.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi na natanggal ang ngiti sa mga labi ko.

Inihatid niya naman ako kung saan kami nagtagpo matapos kaming makipaglaro sa mga tauhan niya ng isang card game -- unggoy-unggoyan .

Itatago noong magbabalasa ang isang card. Pagkatapos ay bibigyan kami ng mga cards na kailangan naming ipagpares-pares hanggang sa wala ng pares ang matira. Kukuha kami ng isang card sa katabi mo at titignan kung may pares ba iyon sa mga baraha mo. Kung meron, kukunin iyong pares na iyon at ilalapag sa mesa. Kung wala, magiging baraha mo iyon. Ganoon ang gagawin niyo hanggang sa may isang taong matitirhan ng isang card na walang pares at siya ang tatawaging 'unggoy'.

That was my first time playing that game and I admit it was super fun. In fact, that was the first time I ever played with someone – the first time I ever spend with someone nang hindi ako pinandidirihan o iniiwasan.

Kung ganito naman pala kasaya, hinding hindi ko na sasabihin sa kanila ang katotohanan sa aking pagkatao. Well, at least, for now hinda na muna. I don't want them to reject me just because I lied about my gender.

"Sigurado kang dito ka lang magpapahatid? Sabihin mo na kasi kung saan iyong bahay niyo nang mahatid kita sa mismong pintuan niyo. Hindi safe dito lalo na't mag-isa ka lang," usal ni Reign sabay linga sa paligid to check if safe ba akong iwan doon.

"Oo, dito na lang. Sigurado naman akong nasa loob pa ng bahay na iyan ang mga kasama ko. Hindi iyon aalis hangga't hindi ako lumalabas," sabi ko na lang nang matapos na siya sa pag-aalala.

"Sigurado ka?" Tanong muli nito.

"Oo nga sabi. Ang kulet. Bakit hindi mo na lang kasi sabihing gusto mo pa akong makasama nang mas matagal?" Panunuya ko rito sabay ang pagtaas-baba ng aking mga kilay.

Agad namang napaawang ang bibig nito sa aking ginawa.

"Ul0l!" Asik nito ng makabawi, "Alis na nga ako at baka kung ano pang kag@guhan iyang maisip mo," sabi nito sabay sakay sa kanyang motor.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot seeing him leave. Wala sa sarili akong napakapit sa manggas ng kanyang leather jacket. Napatingin naman ito agad sa dakong iyon bago niya ako tinignan sa mukha. His eyes were questioning my gesture.

"Uh... p-pwede ba akong bumalik... doon?" Nahihiya kong tanong sabay iwas sa kanyang mga berdeng mata at tiningnan na lang ang aking mga paa.

Ilang sandali pa ang lumipas pero hindi pa rin siya sumasagot.

Of course. What was I even thinking asking him such—

"Tinatanong pa ba iyan?" Nag-angat ako ng tingin and saw him grinning, "Kaibigan ka na namin, bata. Welcome ka doon kahit anong oras," he said as he put his helmet on and quickly gave me a teasing wink.

I felt warmth filling up my heart as he said that. Hindi ko na napigilan pa ang ngumiti sa galak na nadarama. I reached out to him and quickly pulled him in for a hug.

"Arigatou," I said as I turned around, jumped and started climbing up the wall towards the sakura tree.

Continue Reading

You'll Also Like

223K 14K 69
[Royal Academy's 3rd book] When she thought things were finally coming to an end, that's when everything began crumbling. As she bid her goodbye and...
170K 8.9K 34
[#Wattys2022 winner in the Fantasy category with a special award of "Pinakanakaeengganyong Mundo"] GALAXIAS SERIES # 3: CAMP NEPHOS - "Hogar de los E...
6.6K 200 5
Make sure to read this first if you want to read my stories in order! Cover by @Geksxx ugly ✨
69.8K 6.2K 53
Seven teenagers travelled down to the underworld for a wish to bring back the life of their loved ones. Unknown to them, there are strange creatures...