In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 9

492 14 0
By Sevenelle

Carried Away

"You are enrolled."

Inilahad ni Ms. Macasinag ang aking printed registration form, patunay na enrolled na ako para sa semester na ito.

Nagpasalamat ako at saka nilapitan sila Michiko, Mabel at Monette na nakaupo sa waiting area. Nauna silang natapos dahil mas mabilis ang proseso sa kanila kaysa sa tulad kong transferee.

"Patingin ng schedule!"

Nagsiksikan ang kanilang mga mukha upang makita ang naka print sa form.

"Hala! Magkaklase tayo rito! Atsaka ito! Tapos ito din!"

Pinagtuturo nila ang mga kaparehas naming klase. It turns out na hindi pala kami kaklase sa ibang subject dahil nakuha ko na ang mga ito noong nasa Maynila pa ako. Pero karamihan ay kaklase kami.

"Tara na! Kakain tayo?" Anyaya ni Mabel. Napatingin ako sa wrist watch ko na nagsasabing mag aalas dose na ng tanghali.

"Paano sila King, Toffy at kuya Jasper?" Tanong ni Monette.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Luke iyon. Binasa ko ito habang nagpapatuloy sila sa diskusyon kung paano ang set up.

Luke:

You done? Nasaan ka?

Nagtipa ako ng reply.

To Luke:

Yup, done. Waiting area sa Registrars Office.

Kinalabit ako ni Michiko. "Ano? Tara na? Sa may Kamayan tayo kakain. Nandoon na raw sila King."

Sandali akong nag isip ng idadahilan. Hindi ko pa nasabi sa kanila na may plano kami ni Luke ngayong araw. Paano ko sasabihin? Baka magulat sila dahil hindi naman nila alam na nagkita kami kahapon at nagkapalitan pa ng numero.

"Teka," sabi ko at binuksan ang message galing ulit kay Luke.

Luke:

Puntahan kita dyan. May kasama ka ba?

Nilingon ko saglit sila Michiko na nag aabang sa sagot ko sa anyaya nila.

To Luke:

Sila Michiko. Sasalubungin na lang kita. Magpapaalam ako sa kanila.

Nagsend ang message ko at hinarap ko sila Michiko.

"Ano.. Pwedeng kayo na lang muna ang mag lunch? May lalakarin pa ako. Itetext ko si Toffy para hindi mag alala," paliwanag ko at tahimik na nagdadasal na wag na silang mag usisa pa.

"Saan?" Kuryusong tanong ni Mabel.

Nag iwas ako ng tingin. Nakakaramdam ako ng guilt at hindi ko alam kung para saan iyon. Wala naman akong gagawing masama ah?

Ayoko lang talaga munang ipaalam sa kanila na may ganitong nangyayari sa pagitan namin ni Luke. Dahil hindi ko alam kung ano talagang meron sa pagitan namin. Like duh? Pang limang beses pa lang kaming nagkikita, considering I've just met him almost two months ago. And swear, kahit ako ay nabibigla sa bilis ng mga pangyayari.

"Basta. I'll go ahead. Bye bye!"

Kumaripas na ako ng lakad habang binabasa ang reply ni Luke.

Luke:

Malapit na ako.

Magttype pa sana ako ng reply nang masalubong ko na ito. Nakasuot ng masikip na black pants, maroon band tee at puting rubber shoes. Naroon at nakasuot sa leeg nito ang pamilyar na silver dogtag necklace. Katulad noon ay magulo ang brown nitong buhok.

Nahugot ko ang hininga nang magtagpo ang mga tingin namin. Naroon na naman ang kiliting bumabalot sa loob ng tiyan ko sa tuwing nalulunod ako sa mga mata niya. Ang hallway ay tila naging masikip para sa aming dalawa.

Ngumiti ito. "Tara?"

Wala sa sariling tumango ako.

Habang naglalakad palabas ng Arnedo College ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga mata ng mga estudyante, mapanuri at nagmamatyag.

Nakaramdam ako ng consciousness sa itsura ko. Kahit wala naman akong makitang mali sa suot kong black jump suit na off shoulder at mid thigh. Tingin ko'y ayos lang din naman ang black strappy three-inch sandals ko. At maayos naman ang pagkakalugay ng hanggang baywang kong buhok.

"May mali ba sa itsura ko?" Alanganing tanong ko kay Luke bago kami makalabas ng gate.

Hinagod niya ako ng tingin. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. And suddenly it felt like his opinion matters. Ano bang nangyayari sa akin? Naninibago ako sa pagiging less confident ko. I never felt this way for myself before!

"You look great. At kung tingin mo'y mali ang pagiging maganda, then you're right. May mali nga sa itsura mo," nakangiti niyang sagot bago ako inakay sa nakaparada niyang Ranger.

Nang makapasok sa Ranger ay nanumbalik ang kahihiyan ko kahapon lamang. Nag init ang mga pisngi ko.

"You good?"

Nagmani-obra ito at sumulyap sa akin.

"Oo, okay lang ako. Saan tayo pupunta?"

"Kakain muna tayo," sagot niya at ngumiti. Tumango na lamang ako.

Sa isang maliit na restaurant kami dumiretso.

Si Luke ang nag order para sa aming dalawa. Dinakdakan daw ang tawag roon sa isa at Adobong manok naman yong isa. Siya rin ang nagbayad sa kinain namin.

I kind of expected those gestures. Ang dinig ko kasi gentlemen raw ang mga tiga probinsya dahil hanggang ngayong modernong panahon ay binubuhay pa rin daw nila ang mga kaugalian ng mga matatanda. Well, iyon ang sabi nila. And I guess they're right. This just proved that chivalry isn't dead.

I'm not saying na hindi gentlemen ang mga lalaki sa Manila. It's just that, compared to them guys from the province were quite more cultured in terms of life style.

"So.. Saan ang punta natin?" Kuryusong tanong ko.

Ang totoo, hindi ko alam ang dapat kong i-expect. Ni hindi nga ako sigurado if this is considered a date. Well, he asked me out. Then I must say this is a real freaking date?

I've been into dating a lot of times back in Manila. Kakain sa isang fancy restaurant, namamasyal sa mall, manunuod ng sine, Arcade, sa Amusement Park. Minsan dumadayo pa kami sa karatig lugar or sa Enchanted Kingdom.

But here? Walang mall rito. Walang Amusement Park. Walang sinehan. Ano ang dapat kong i-expect di ba?

"Dadalhin kita sa mga lugar na hindi mo pa napuntahan," sagot ni Luke nang nakangiti habang nagmamaneho.

"Talaga? May lugar pa ditong hindi ko pa napuntahan?" Eh puro nga bukirin ang meron dito eh, gusto ko sanang idugtong pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

"Trust me. Don't miss it for the world."

Mabilis lang ang manehong ginawa niya. I think it only took a minute or so bago kami bumaba.

Bumungad sa amin ang isang mataas na arko na gawa sa makintab na kahoy. Naiikutan ito ng malalagong vines. May nakaukit ritong Arnedo Eco Park.

Gawa rin sa kahoy ang bakod nitong napipinturahan ng dark brown. Nakikita ko ang nagtataasang mga puno sa loob nito, di kalayuan.

"Let's go?" Nakangiting wika niya bago hinawakan ang kamay ko.

Pakiramdam ko ay nakuryente ako at gumapang ang boltahe nito hanggang sa likod ko. Making my skin tingle with various sensations I couldn't name.

He was enjoying this, wasn't he?

Pagpasok ay bumungad sa amin ang magkabilang kumpol ng mga halamang namumulaklak. Kaunting lakad pa ay may maiksing foot bridge. May bubong itong net na ginagapangan ng mas maliliit na vines. Sa ilalim ay may pahabang pool na nilalanguyan ng mga isda.

Open space ang Eco Park at napaliligiran lang ng bakod. Nilakad namin ang foot bridge at huminto sa pinakagitna nito. Pinagmasdan namin ang mga isdang lumalangoy sa pagitan ng mga well arranged na corals. Mayroon pang mga pagong.

"You like it here?"

Napalingon ako kay Luke. Nakasandal ito sa railings ng foot brige at nakatingin sa akin.

Nagkibit balikat ako. "I don't know, yet. Let's see."

"The day won't end without you loving this place."

He gave me a reassuring smile. Kahit ang brown niyang mga mata ay kumikislap. God, his brown eyes never failed to make my heart leap.

Bumaba kami sa foot bridge at tinahak ang makipot na path walk papunta sa malawak na botanical garden. Maraming bulaklak sa paligid, iba't ibang kulay. Halos exotic ang lahat sa paningin ko.

Nakamamangha ang maliliit at malalaking bulaklak, halo halo ang kulay na nakikita ko. May mga naglalakihang puno sa parehong gilid, malapit sa bakod ng Eco Park. Sa ilalim ng mga ito ay benches na gawa rin sa kahoy at napipinturahan ng dark brown. May iilang mga taong nakaupo roon.

Mahabang path walk na mahahati sa dalawa pagdating sa dulo ang kailangan naming lakarin upang marating ang gitna ng botanical garden. Sa gitna ay may pabilog na kumpol ng mga bulaklak at sa pinakasentro ay isang dolphin na bumubuga ng tubig. Fountain.

Amusement was surely written on my face. Pakiramdam ko ay isa akong batang manghang mangha sa natanggap na regalong manika.

The place is wonderful. Hindi ko kailanman naisip na may ganito kagandang lugar sa probinsya, kahit na isa itong man-made eco park.

Lumapit ako sa fountain na napaliligiran ng iba't ibang kulay na bulaklak.

Pinadaanan ko ng daliri ang isang pink na rosas.

"Gusto mo ba iyan?" Tanong ni Luke sa tabi ko.

"It's pretty," sagot ko nang nakangiti.

Bigla niyang pinitas ang pink rose. "Hoy! Ano ka ba? Baka bawal yan!"

Tumingin ako sa paligid, baka mamaya mapagalitan kami.

I heard him chuckle. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ito bawal. Here," nilagay niya ang rosas sa likod ng tainga ko. "It looks pretty on you."

I felt my face heat up.

"Liar."

"Uy, hindi ah. I mean every word that comes out of my mouth," depensa niya. Naglabas siya ng sampung piso at inihagis sa fountain. "Hindi bawal pumitas ng bulaklak. Basta magbayad lang."

"Ganoon ba iyon?"

Halos makalimutan ko. Ako pala ang bisita at siya ang taga rito. He should've known better.

Napakapa ako sa bulaklak na nasa tainga ko. I look at him in the eye.

"Thank you." I smiled, a genuine one.

Ngumiti rin siya at tumango. "Anything for you."

Tumaas ang isang kilay ko.

"Talaga lang huh?"

"Ah-huh.. Tara na, inaantay ka na ng mga kalahi mo."

Kalahi ko? Nagtaka naman ako. Paano naman napunta ang mga Cabrerra rito?

Kinaladkad niya ako paikot sa fountain at muling naglakad sa path walk sa kabilang bahagi nito. Naging mas mapuno ang lugar na tingin ko'y papunta sa dulo ng Eco Park.

Dumaan kami sa isa pang foot bridge na katulad noong nasa entrance.

Bumungad sa akin ang mas malaking pool ng mga pagong. May baboy ramo din sa di kalayuan. May malaking cage na naglalaman ng apat na unggoy. May mini play ground sa loob nito kung saan sila naglalambitin.

"Kalahi pala huh?" Hinampas ko ang braso ni Luke. Tawang tawa naman ito. Walangya, mukha ba akong hayop? Ang akala ko pa naman sila Michiko ang nandito.

Tawa ito ng tawa kaya nahawa na rin ako. I won't be surprised if I'm gonna hear and smell his fart. Eww.

Mas mapuno at mas malamig ang temperatura dito. Marahil ay sa dami ng puno sa paligid.

May iilang mga namamasyal at mga sa tingin ko ay care taker ng eco park. Proyekto pala ito ng munisipyo.

I spotted some couples walking around-- holding hands-- pwe!

"Holding hands din tayo?" Biglang sabi ni Luke.

I glared at him.

"You wish."

Humalakhak si Luke bago ako kinaladkad patungo sa kadulu-duluhan ng eco park. Mas malalaki ang puno rito. Tahimik na rin ang paligid.

"I'll bring you to my haven," wika ni Luke at iginiya ako sa sulok ng eco park. May malaking puno roon at may tree house.

"Paano naman nagkaroon ng tree house dito?" Takhang tanong ko. Pinagmasdan ko ang pagkakagawa nito. Mukhang matibay at gawa pa sa yero ang bubong na napipinturahan ng golden brown.

"Dati na ito rito. Dito tumutuloy ang ilang care taker ng eco park noon. Pero hindi na muling tinuluyan kasi malapit lang naman ang mga uuwian nila. Nililinis pa rin naman ito. Pero madalas ako na ang naglilinis," paliwanang niya.

"Pinapayagan ka nila dito?"

"Ano sa palagay mo?" Ngumiti ito nang may pagmamalaki. Oo nga naman, anong silbi ng apelyido niya?

"Yabang." I rolled my eyes. Ngumisi lang siya at hinila ako sa hagdan paakyat ng tree house.

Umiling ako. "Hala! Ayoko!"

"Bakit?"

"Hindi ko kayang umakyat." Of course, I lied. Ang totoo nakoconscious ako sa suot ko. Hello? I'm freaking wearing heels! Like, there's no way I would be climbing this tree with these heels!

"Sige na.. Alalayan kita?" Pagpupumilit ni Luke. There's this puppy look on his face, like he's eager to show me what it is like inside the tree house.

Umiling ako ulit. "God, don't make me do this Luke."

Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Tila narealise kung anong inaayaw ayaw ko.

Lumapit siya sa akin bago tumalikod at umupo. Tinapik niya ang balikat niya.

"Sakay na."

Nalaglag ang panga ko. Natulala lang ako sa likod niya at hindi makapagsalita.

"Hey? Come on, I won't let this day pass by without showing you what's inside the tree house." Nilingon niya ako at muling tinapik ang kanyang balikat.

"You serious?" Tanong ko nang mahanap ang aking boses.

"Damn serious, Manila Girl." Seryoso nga ang boses niya. Ako lang ba? O may iba pang kahulugan ang sinabi niya?

Alangan akong lumapit at sumampa sa likod niya. Mabilis niyang ginagap ang likod ng mga hita ko at saka tumayo.

"Kapit maigi. Wrap your legs around my waist," paalala niya at ginawa ko naman.

Binitawan niya ang mga hita ko at kumapit paakyat ng hagdan.

With every inch of our bare skin touching gives me shivers that run through my spine.

Ramdam na ramdam ko ang init at lapad ng likod ni Luke sa dibdib at braso ko. Rock hard. Smoking hot. So manly. Goodness, what have I done to deserve this?

Nang makapasok kami sa loob ay dahan dahan niya akong ibinaba.

"You good?"

"I'm fine. I'm sorry, nabigatan ka yata." Nahihiya akong tumingin sa kanya.

Ngumisi ito. "You weigh nothing. Ang payat mo kasi."

"Yabang. Tsaka anong payat? Sexy ito ano!" Natatawa ko siyang sinimangutan. Ininsulto pa ang kasexy-han ko eh.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng tree house. Iisa ang pintuan at iisa rin ang bintana. Purong kahoy ang dingding at walang pintura. May maliit na kabinet, na hindi ko alam kung ano ang laman. May picture frame na nakapatong sa ibabaw nito.

Lumapit ako rito at pinasadahan ng daliri ang frame. Isang batang nasa tingin ko'y dalawang taong gulang at isang lalaking siguro'y nasa mid thirties. Parehong may itsura at pagkakahawig ang mga ito. Medyo luma na ang litrato.

"Ako iyan at si Papa.. I mean, yung biological father ko," sambit ni Luke bago tumayo at kinuha ang isang maliit na banig sa likod ng pinto. Nilatag niya ito bago naupo roon.

May banig talaga? Natutulog ba siya dito? But this is a public place..

"Natatandaan mo siya?" Tanong ko.

"Oo. Pero kaunti na lang ang naaalala ko. Two years old lang ako nang pumanaw siya. At halos iilan lang ang naaalala ko tungkol sa kanya."

I suddenly felt gloomy. Hindi naman malungkot ang pagkakasabi ni Luke pero nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. Masyado pa siyang bata nang mawalan ng magulang. I think, the little Luke doesn't deserve that event in life. But who am I to question God's decision?

Umupo ako sa banig. Tinignan ko ang pamilyar na mga mata.. Pero hindi ko mabasa ang mga nilalaman nito. Has he moved on? O magaling lang talaga siya magtago ng nararamdaman?

"I know, I don't have the right to ask you this but.." I paused. "Had you moved on? Paano mo nahahandle ito? I mean, if I were in your place I don't think I can be as strong as you."

"Wow, heart-to-heart talk?" He chuckled. Humiga ito at ginawang unan ang mga braso. Naghintay lang ako ng sagot niya sa mga katanungan ko. Until finally, "I had moved on. Masyado nang matagal para dibdibin ko iyon. Hindi naman makatarungan kung magagalit na lang ako at.. sisisihin ang Diyos para sa maagang pagkaulila ko."

He fell silent. I remained staring down at him.

"Hindi madaling maging ulila sa edad kong iyon. Wala pa akong muwang. Hindi naman ako totally ulila pero.. Matatawag na ring ganon. Wala eh, hindi na nagpakita yong biological mother ko. Baka nga may ibang pamilya na iyon ngayon."

I felt sorry for him. And at the same time, humahanga ako. After all, it takes a strong person to forgive. At sa nakikita ko ngayon, sigurado akong ni walang katiting na galit ang nararamdaman niya para sa biological mother niya.

"Wala ka bang balak na hanapin siya? Para makilala?" Tanong ko. The question itself tasted like bile in my own tongue.

Kumunot ang noo niya at bahagyang nag isip.

"Gusto ko siyang makilala," he paused. Parang lumalim ang pag iisip niya. Kitang kita iyon sa paglalim at paglamlam ng mga mata niya. "Pero hindi ko siya balak hanapin. Gusto ko kasing malaman kung after all these years, naiisip niya ba ako katulad ng mga panahong naiisip ko siya? That she still cares? That I do matter to her. Na baka.. Sana..gusto niya akong makilala. At kung sakaling oo, gusto kong siya mismo ang humanap sa akin.."

I almost couldn't fathom the visible hint of longing in his eyes. Kitang kita ko ang bawat emosyon na dumaan sa mga ito. I couldn't help the power of affection sipping through my system.

Ni hindi ko namalayan ang pag usod ko palapit sa kanya at pagyuko para halikan ang noo niya.

My lips touched his bare forehead with barely three seconds but I felt like my whole body got electricuted. Mabilis akong napaayos ng upo at nanlalaki ang mga mata sa ginawa.

Oh holy-freaking batshit! Did I just kissed him? In the freaking forehead!

"I'm..sorry! I got carried away!"

Tumawa siya. I can imagine my face turned into crimson. Heat creeping up my neck. It is so embarrassing!

"Got carried away ba talaga? O chance-ing lang?"

And with that, I died in shame.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
35K 3.1K 45
Escaping an abusive man who claimed to be her husband is an endless nightmare for Gabriella Almarillo.
9K 375 59
She's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...