Señorita

By iamanncollins

26.5K 945 76

HEREDERO SERIES: Glendon Anthony Santillan -BOOK 1 Georgina is a stubborn lady. So her father hired a gorgeou... More

Señorita
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Epilogue

Chapter 6

1.7K 81 9
By iamanncollins

Nagmamadaling lumabas ng university si George katatapos lamang ng huling klase niya nang araw na iyon. Masama ang loob niya sa mga kaibigan dahil sa nangyari noong friday na muntik na nya'ng ikinapahamak.

"George! Sandali, hintayin mo naman kami. Kanina ka pa umiiwas sa amin,eh."

"Look, Irene. Nagmamadali ako, kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na ng mabilis."

Saktong dumating ang dalawa pang kaibigan.

"We wanted to say sorry,about what had happened las friday, girl."

"Bakit dahil guilty kayo? Dahil nakita niyo na pala ang ginagawa sa'kin ng hayop na lalaking yun, at wala man lang kayong ginawa para matulungan ako habang binababoy ng hayop na 'yun!"

"I'm sorry, George. We really wanted to help you that time, kaso natakot kami sa mga lalaking pumigil sa amin." Sabat ni Ana na nakayuko.

"I'm sorry, girl." Si Lana.

"Pabayaan niyo muna ako." And with that she turn her back and walk throughout the campus.

Agad ding nakita ang bodyguard na kampanting nakasandal ang likod sa hood ng sasakyan habang napapalingon dito ang mga dumaraang estudyante man o guro. He's wearing white t-shirt and rugged pants with his shades, parang modelo ito.

Sabagay hindi naman mukhang bodyguard ang dating ni Glendon. Mas mapagkamalan itong boyfriend niya, hindi lang gwapo, ma apel pa may magandang hubog ng pangangatawan na parang batak na batak sa gym. But she doubt it kung nag-gy-gym nga ba ang lalaki.

"Hi!" Bati niya nang makalapit na rito. He remove his shades upward. Hindi aware si George nang sa pagsinghot ay ang lalaking-lalaking bango ni Glendon ang pumasok sa ilong niya. Pinilit nya'ng maging normal ang tibok ng puso kahit na ang totoo ay gusto na nitong magwala sa loob.

"You're early, tapos na ba ang klase mo?" Magaan ang boses nito parang humahaplos sa puso niya.

Kimi sya'ng ngumiti. "Oo tapos na..." natigilan siya ng abutin ni Glendon ang bag at mga libro nya'ng dala, "thanks."

"Wala ka na ba ibang pupuntahan?"

Umiling siya. "Wala na."

"What about your friends?"

"U-uhm...umuwi na rin sila, busy dahil sa nalalapit na exam."

"Oh'okay, shall we?"

"Yeah."

Akala ni George ay ilalagay lang ni Glendon ang mga gamit sa backseat ngunit napatigil siya nang buksan nito ang pintuan para sa kanya. "Thanks."

Ngumiti naman ang lalaki na ikinabilis ng tibok ng kanyang puso. She doesn't know what's happening to her lately. Sa tuwing lalapit o sa malapitan lamang ito pakiramdam niya ay natuturiti siya. Sa simpling gesture ng lalaki ay napapahanga siya.

Pinakiramdaman niya ang sarili nang pumasok na ito sa driver's seat.

"Glendon, pwedi bang dumaan tayo ng grocery. Kulang kasi yung mga stock natin sa bahay."

"Sure, saan mo gustong mag-grocery?"

"Sa hyper market na lang, para malapit sa bahay."

"Alright."

He started the engine. Medyo ma-traffic dahil oras nang uwian ngayon. Pareho silang tahimik habang nakikipagbuno sa trapiko.

"This is hell! Parang hindi tayo umuusad." Biglang reklamo ni George.

Natatawang bumaling sa kanya si Glendon.

"Relax,parang hindi ka sanay sa traffic, mas matindi rito ang trapiko sa maynila."

"Sanay, pero sobra naman yata 'to. Nakakainip."

"Here..."

"What's this?"

Itinaas niya ang cellphone na inabot sa kanya ni Glendon.

"Maglaro ka para hindi ka mainip."

"Seriously?" Tanong niya sa hindi makapaniwalang boses.

"I'm serious." He winked

Tatawa-tawa sya'ng humarap kay Glendon na nagmamaneho.

"You're weird. Yung iba, music ang ino-offer pero ikaw? Paglalaruin mo ako nito?"

"Why not? Try to play the candy crush, game of war or racing in car. Maaaliw ka sa ganyan."

"Bakit nilalaro mo rin ba 'to?" Nakangiti nya'ng tanong.

"Yup!"

"No wonder,alam mo. Pero ayoko pa rin saka malapit na tayo. Thanks na sa offer, baka sa ibang araw malaro ko rin yan."

Ibinalik niya ang cellphone kay Glendon.

"Yeah, you should try it once in a while."

Saktong tumigil ang kotse sa harap ng mall.

"Mauna kana, pupuntahan kita sa loob. Hahanap lang ako ng parking space."

"Ok, pero bilisan mo ha?"

"Opo, Señorita."

Umismid siya kay Glendon. "Wag mo nga akong tawagin sa ganyan, nakakainis ka!" Ngumiti naman ang lalaki na muntikan nang ikalaglag ng puso niya.

"Sige na,baba na bago pa tayo mapansin ng security guard. Bawal dito pumarada ng matagal."

"Sige, basta sumunod ka ha?"

"Yeah."

Mabilis na bumababa si George. Diretso sya'ng pumasok sa mall at nagtungo sa grocery store. Hila-hila niya ang de-gulong na cart habang wiling-wili sa pagpili ng mga kakailanganin sa bahay.

Napatigil siya nang may biglang nag-agaw sa kanya ng cart.

"H'wag ka ngang manggugulat. Muntik ko nang mabato ang mayonnaise na 'to sa'yo."

Ngumiti lang si Glendon. Tuluyan na nitong kinuha ang cart at ito na rin ang humila.

"Ano'ng gagawin mo diyan?" Puna ni George nang makita ito na namimili ng pasta, cheese at kung ano-ano pa.

"I'm going to make carbonara, okay lang bang mangi-alam ako sa kusina mo?"

"Seriously? ngayon ka pa talaga nagpaalam, eh, palagi ka nga nagluluto."

Napakamot si Glendon sa ulo. Natawa naman si George sa reaksyon ng binata. Cute! She thought. Para itong bata na nahuli sa kasalanan. Tuluyan na rin natawa si Glendon hanggang sa nagtawanan na lang silang dalawa pero agad ding tumahimik dahil pinagtitinginan sila ng ibang mamimili.

...
"What can I help you?" George asked as she pull out the chair to sit down.

"Just watch me, that's all you can do."

"Yabang! Sige na kasi, tulungan na kita."

"No need, madali lang naman 'to. Just sit down."

"Siguraduhin mo lang masarap 'yan, yung mapapa wow ako sa sarap." She teased

Kumindat ito sa kanya na biglang ikina-init ng kanyang pisngi.

"Saan ka natutong magluto?"

"Hindi talaga ako marunong magluto but because of Leslie I learned how to."

"Leslie?"

"Yeah, she's my fiancee."

Nakaramdam si George ng sakit pagkarinig sa sinabi ng binata.

"M-may fiancee ka?..." napatingin si Glendon sa kanyang gawi, napalunok siya ng wala sa oras. Pinipigilan nya'ng mangilid ang mga luha. Why am i so affected? Stupid,Georgina! Umayos ka! Her mind contradicted, "I mean, alam ba niya na nandito ka, hindi ba siya magagalit? You know, it's not comfortable with her seeing you living with me as my bodyguard."

Umiling si Glendon at matamlay na ngumiti. "She's gone."

"H-ha? What do you mean?"

"She met a tragic accident 6 years ago. Galing sila ng bagiuo, isa sya'ng nurse. Sumama siya sa mission, habang pababa ay umuulan noon, nawalan ng preno ang sasakyan at nahulog sa bangin bago sumabog."

Naitakip ni George ang kamay sa bibig. Hindi lubos makapaniwala sa narinig mula kay Glendon.

"I'm sorry."

Ngumiti si Glendon. "For?"

"U-uhm...for being masungit at maldita noon."

"Apology accepted."

"Ang tagal na pala. Siguro kung buhay lang siya, maaaring kasal na kayo."

Glendon shrugged. "Maybe."

"Mahal mo pa rin?"

"Yeah, mahal pa rin. Para sa'kin siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko. Siguro 'yon din ang dahilan kung bakit hindi ko na nagawa pang makipag relasyon sa iba. Dahil para sa'kin siya lang ang una at huling mamahalin ko."

Hindi manhid si George. Nasasaktan siya para kay Glendon. Gusto sana niyang sabihin sa lalaki na maraming babae na pwede pang magmahal sa kanya higit pa sa pagmamahal ng yumaong kasintahan. At isa na siya doon, hindi mahirap mahalin si Glendon.

"Ready!" Masayang wika nito pagkatapos maluto ang carbonara.

Biglang natakam si George ng maamoy ang mabangong amoy ng niluto.

"Hmm! Ang bango-bango! Gusto ko mag movie marathon, sa labas na lang natin kainin?" Suhistyon niya sa binata na agad namang sinang-ayunan.

"Ano'ng gusto mong panoorin?" Tanong ni George kay Glendon habang nag-aayus ng center table.

"Ikaw na ang bahala."

"Conjuring?"

"Kaya mong panoorin yan?" Nakataas kilay na tanong ni Glendon.

"Oo naman! May kasama ako, eh. Kapag ako lang,never akong manunood nito." Nakangiting sagot niya.

Tumawa si Glendon na ikinamangha ni George. Lately, kasi parati nang nakangiti ito sa kanya na mas bagay pala sa lalaki kapag nakangiti.

Isinaksak ni George ang CD tape sa DVD pagkatapos ay kinuha ang remote control at pumwesto sa couch, si Glendon naman ay nasa kabilang couch naka-upo.

Kinuha niya ang pagkain at dinala sa lap niya. Napatigil niya sa bibig ng ilang minuto ang kutsara ng matikaman ang luto ni Glendon.

"Oh my goodness!"

"Why?" Takang tanong ni Glendon

"How did you make this? Sobrang sarap! Hmmm!" Sunod-sunod sya'ng sumubo, medyo katamtaman na lamang ang init niyon, keri na ng dila niya.

Natatawang napailing na lang si Glendon sa exaggerated na reaction niya.

"Oh my-!" Naitakip niya ang kamay sa mga mata ng biglang lumitaw sa flat screen ang isang multo na naka-hood. Narinig niya ang tawa ni Glendon.

"Sabi mo kaya mong panoorin? C'mon, take off your hands." He teased

Umingos naman siya, tumingin siya sa plato at muling sumubo ng pagkain. Tila kahit tunog pa lang ng palabas ay kinikilabutan na siya. "I didn't know, na ganito ito ka nakakatakot. Kahit tunog, ay tumatayo na ang mga balahibo ko."

"Then, change it."

"Yeah, I think so. Ayokong bangungutin mamaya dahil dito."

Mabilis na tumayo siya at pinatay ang DVD, nanghalungkat na lamang ng ibang pweding panoorin nila.

"How about this?" Itinaas niya ang hawak na CD, 'A walk to remember' ang pamagat noon.

"Maybe that one can."

"Okay!"

"You want some carbonara? Ikukuha kita?" Tanong ni Glendon habang siya ay abala sa pagsakasak ng CD.

"Hmm...yes, please..."

"Right away, Señorita." Pahabol nya'ng tinitigan si Glendon kapagkuwan ay napangiti.

Bumalik si Glendon bitbit ang panibagong pagkain niya. "Bakit isa lang 'to? Ayaw mo nang kumain?"

"I'm full, marami na rin akong nakain."

Tumabi si Glendon sa kanya. Hindi naman siya nag-protesta dahil gusto nya'ng nalalanghap ang mabangong amoy ng lalaki.

Pareho silang walang imik, tahimik na pinapanood ang malungkot na kwento ng buhay pag-ibig ng dalawang bida. Nasa kalagitnaan na sila ng pinapanood nang hindi na niya mapigilan ang lumuha. Itinaas niya ang dalawang paa at niyakap ang mga tuhod. Humihikbi siya habang mataman na nakapako ang mga mata sa t.v.

"What's that?" Napatingin siya sa kamay ni Glendon na inilahad sa kanyang harapan.

"Take my hand to wipe your tears away, since I haven't handkerchief here."

Bahagya sya'ng natawa sa sinabi ni Glendon. Itinaas nito ang kamay sa mukha at pinahiran ang luhaang mga mata niya.

"Such a cry baby." Komento nito.

She pouted. "Hindi ah! Nakakaiyak lang talaga ang movie na yan."

"Then, why are you still crying, hmm...?"

Medyo natigilan siya ng bahagyang ilapit ni Glendon ng mukha sa kanya. Napapalunok siya nang makasalubong nito ang malamlam na paningin ng lalaki. Sobrang lakas din ng kabog ng kanyang dibdib. Pakiramdam nya'y mabibingi siya sa lakas niyon. Nang bigla namang nag-ingay ang t.v. dahil tuluyan nang namatay ang bidang babae. Naagaw ang kanilang attention, mabilis pa sa alas kwatro'ng ibinalik niya muli ang mga mata sa pinapanood.

Mabilis na rin natapos ang movie lagpas isang oras din ang kanilang panonood. Tahimik sya'ng tumayo at pinatay na ang t.v. Pagkatapos ay muli sya'ng naupo sa sofa. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila ni Glendon. Halos hindi pa rin humuhupa ang malakas na kabog ng dibdib dahil sa malapitan lamang ang binata.

"What do you want for dinner, I'll cook for you." Basag ni Glendon sa katahimikan.

Muli nya'ng niyakap ang mga tuhod, ipinatong ang baba at bahagyang nag-seesaw. "Ikaw? Busog na kasi ako dito sa niluto mo. Nakadalawang plato na ako. Ayoko pa naman tumaba." She kidded.

She heard him chuckled.

"You sure? Kasi ako busog na rin."

"Yeah, h'wag kana magluto saka gabi na." Bumaling siya sa katabi, only to find out na nakapako rin sa kanya ang mga mata nito. Tumikhim siya para mawala ang bara sa lalamunan.

"Glendon, I'm really sorry about what I've done last friday..." ibinaba niya ang paa, at ang kuko ang punagdiskitahan nya'ng laruin, dahil sa loob-loob ay kumakabog ang dibdib niya, "sorry, naging matigas ang ulo ko, kung sinunod lang sana kita, sana...sana...hindi nangyari 'yun sa'kin, sorry. At...at salamat sa pagligtas sa'kin."

Humugot ng malalim na paghinga si Glendon. Isinandal nito ang likod sa upuan at inilagay ang dalawang kamay sa likuran ng ulo. Lumingon ito sa kanya.

"You're forgiven. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko ay kapag may nangyaring masama sa'yo. But don't worry, I have already gave a lesson to that asshole that he can't forget."

"You did?" She widen her eyes to him.

"Unfortunately, yes. I did."

"Ano'ng ginawa mo?"

Kibit balikat ang isinagot ni Glendon sa kanya. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito. Naguguluhan ang utak niya at mas lalo ang kanyang puso.

"C'mon, ihahatid kita sa silid mo."

Napilitan sya'ng abutin ang kamay nito at nagpatinaod na lamang.

"I'm sorry, too" maya-maya ay sabi ng binata

Kunot noo nya'ng binalingan si Glendon. "For?"

"Stripping you..." nag-init ang kanyang mukha dahil sa binanggit nito. "I just want to make sure na hindi ka nagalaw ng hayop na 'yun at kung may makita man akong pasa sa katawan mo ay triple ang pasakit na isusukli ko sa hayop na yun."

"Glendon..." nangilid ang luha niya sa mga mata. Mabilis naman sya'ng kinabig nito payakap na agad niya ring ginantihan.

TBC

Continue Reading

You'll Also Like

Señorita By AC

General Fiction

26.5K 945 23
HEREDERO SERIES: Glendon Anthony Santillan -BOOK 1 Georgina is a stubborn lady. So her father hired a gorgeous hunk body guard to protect her. STATUS...