Short Message:
This chapter is dedicated to @mischieviousgirl021. Siya po yung gumawa nung Official Page ng “Story of A Campus Girl” sa Facebook. Yehey! *clap clap
Pwede nyo na pong makita dun yung pictures ng mga characters dito sa SACG. Dito kasi limited lang yung pwedeng ma-upload na picture. Makikita nyo po yung link ng official page sa profile ko dito sa Wattpad or Search nyo nalang po yung “Story of A Campus Girl” sa search bar ng FB. Pa-hit nalang din po ng “Like” sa FB. Thank you very much.
Hello hello @mischieviousgirl021! *kaway kaway Thank you very much.. *huggggs <3
_____
Chapter 14: Jealous?
Vincent’s POV
“Hi Nicole!”
Napatingin ako nung narinig kong may tumawag sa kanya. Looks like one of our classmates try to approach her.
“Hi, classmate! Bakit po?”
“Ahmm.. m-may kapartner ka na ba para sa dancing class natin mamaya?”
“Ah yun ba, hmm.. wala pa naman. Bkit?”
“Hmmm.. p-pwede bang ikaw nalang yung partner ko?”
I was alarmed when I heard that question. For unknown reason, I said..
“Nicole Sarmiento!”
Everyone’s looking at me when I shout her name. Pati siya napatingin.
Because of my adrenaline rush, kinuha ko yung bag pack ko sa seat ko, then nagmadali akong pumunta sa kanya. Kinuha ko yung kamay nya at nagmadali kaming lumabas ng room. I don’t care about those people na nakatingin sa akin. Isa lang ang gusto kong mangyari, ang malayo si Nicole dito.
Nang makalayo na kami sa room namin, bigla siyang huminto at pumunta sa harap ko. Napahinto naman din ako at tinignan ko siya. Parang nagtataka yung itsura nya and now she’s looking straight into my eyes. Geez, ayan nanaman yung mga titig nya. Naiilang ako.
Maya-maya, bigla nalang siyang nagsalita..
“Mr. Antipatiks!”
“What?” Damn! Ba’t ba ako sumagot nung tinawag nya kong ganun?
“Anong meron?”
Nabigla ako sa pagkakatanong nya sa akin. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. This time, mas directly na yung tingin nya sa mga mata ko.
*dugdugdugdug
Shit! Ayan nanaman yung heart ko. Bakit ba sa tuwing tinitignan nya ako, tumutunog nalang palagi ng ganito yung heart ko?
“H-Ha? B-Bakit?” Badtrip! Why am I stuttered?
“Wala naman. Nagulat kasi ako sa ginawa mo kanina eh. Bakit mo naman biglang naisipang hilahin ako palabas ng room?”
“W-Wala. Bakit? Masama?!”
“Oo masama! Parang ang weird mo kasi ngayon eh. Kanina, parang mabait ka sa akin. Tapos ngayon naman, hinila mo ko at parang gusto mong sumabay sa akin palabas ng room. Hindi kasi ako sanay”
“Ahmm.. ganun ba?”
“Oo, tapos hawak hawak mo pa ngayon yung kamay ko”
Nabigla ako nung sinabi niyang nakahawak pa ako sa kamay nya. Bigla ko namang binitawan ang kamay nya at iniwasan ko siya ng tingin.
*dugdugdugdug
“A-ah eh..” Damn. Ayan nanaman, nauutal nanaman ako. Ba’t ba nabablanko ako ngayon?
Tumingin naman si Nicole sa ground na parang nagiisip. Whew! Sa wakas inalis nya na din yung tingin nya sa akin.
“Ahhh.. Alam ko na!”
Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita. Tumingin ulit siya sa akin. But wait, alin ang alam na niya?
“Ang alin?”
*dugdugdug
Aish, Could you please stop beating?
“Kung bakit mo ginawa yun kanina.”
Nabigla nanaman ako sa sinabi nya. Bakit ba kasi lagi nalang akong nabibigla sa mga sinasabi nya ngayon?
Sinabi nya yun habang nakatingin nanaman directly sa mata ko. Then she smiled at me. Geez, What’s with that smile?
“A-ah...Bakit? Ano nanaman naiisip mo dyan?”
Unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang sa napapaatras nako..
*dugdugdug
“Kaya mo ginawa yun kasi.....” Kasi ano? Sabihin mo na nga!
“........Para makaalis ka sa mga babaeng dumidikit sayo kanina”
Huh?!
Lumayo siya sa akin tapos bigla siyang tumawa. “Hahaha. Tama ako noh?! Dahil dun?”
“Ahhh.. O-oo. Dahil nga dun” Yun nalang ang nasabi ko
“Haha. Sabi na eh. Hayaan mo, malayo na tayo sa classroom natin. Kaya pwede na tayong maghiwalay ngayon, ok?”
Nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin pero napahinto ulit siya ng mga ilang pulgada nalang ang layo namin.
Humarap siya ulit sa akin habang nakangiti..
“Salamat nga pala ah! For the first time in the history kasi, hindi tayo gaanong nag-away ngayon. Thanks ulit! Sige, see you later!”
Pagkasabi niya nun, naglakad na ulit siya pababa ng building.
Nang makalayo siya, nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ko yung mukha kong tadtad na pala ng pawis. Whew! Kala ko kasi, nahalata nya ako kanina. Dapat siguro, maging masungit ako palagi sa kanya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at pumunta ako sa cafeteria para bumili ng snacks. Crowded masyado ang cafeteria dahil lunch break na.
After kong bumili ng snacks, naghanap na ako ng vacant seat na pwedeng maupuan. Medyo nahirapan akong maghanap dahil puno ang cafeteria.
“Oh Hi! I saw you again!” Right! Nakasalubong ko nanaman ang babaeng linta.
Tinignan ko lang siya at nagpatuloy na ulit sa paghahanap ng seat. As I expected, sinundan nya ako.
“It’s me, Marj! Remember??”
“So?”
Dahil hindi ko siya nililingon, hinarangan nya yung dinadaanan ko.
“Wala naman. It’s just that, baka hindi mo na ako natatandaan”
Nilagpasan ko ulit siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
This time, hinabol na nya ako at sinabayan na sa paglalakad.
“Balita ko, ang galing mo daw kanina sa class nyo ah” Tsk. Tignan mo nga naman, ang bilis ng balita.
“So what?”
“Nothing. I just want to say that you’re a genius”
Hinawakan nya ko sa braso ko pero inalis ko yung kamay nya.
“Back off! Ok?”
Binilisan ko yung paglalakad para di nya ako maabutan. Pero sunod pa rin siya ng sunod sa akin.
Badtrip! I need to get rid of this girl!
Kailangan kong makahanap ng seat na hindi siya makakaupo para layuan nya na ako.
I was scanning the whole area when I saw a table having a vacant seat. And I think, yun lang ang seat na pwede kong puntahan. Right! Dun nalang ako pupunta.
Nicole’s POV
After kong makarecieve ng text galing kay Kylie, pumunta na ako ngayon sa cafeteria. Sabi kasi nila, nandun na daw sila.
Grabeee.. sobrang dami ng nangyari ngayon. Pero infairness ah. Ba’t parang ang gaan ng feeling ko? Hmmm.. siguro sa unang pagkakataon, na-gets ko din yung pag-uugali ni Vincent. At least, medyo ok na sa akin ngayon kahit magkasama kami sa bahay. Kaya from now on, tatawagin ko na siyang Vinci. Siyempre, magpapatawag na din ako sa kanyang Nikki, para fair. ^_^
Nang makarating na ako sa cafeteria, nakita ko na kaagad si Kylie kasama si Jasmine at Ashley. Madali kasi silang makita kasi may kulay ang buhok ni Kylie. Kaya maraming nagkakagusto sa kanya eh. Bukod sa maganda na, malakas pa ang dating sa mga lalaki. Sa aming apat, si Kylie ang pinakamaganda.
Lumapit na ako sa kanila at tumabi ako sa tabi ni Kylie. Sa tapat naman naming naka-upo si Ashley at Jasmine. May dalawa pang upuan dahil animan yung nakuha nilang seat.
“Hi girls! Asan yung mga boys natin?” sabi ko sa kanila habang kumukuha ng French fries na nakalagay sa table.
“Hi Niks! Ayun, nagdo-DOTA. Nag-aya kasi si Daniel eh. Lilibre daw sila kaya sumama yung dalawang ugok.” Sabi ni Jasmine
“Ahh.. Sige ah, bibili muna ako ng food. Pabantay nalang yung gamit ko ah. Thanks”
Patayo na sana ako ng biglang magsalita si Kylie.
“O-M-G! Look at this article!”
Tinignan naman namin sa ipad nya yung article na sinasabi niya at...
Wait.. About kay....
Vinci?
Kinuha ko yung ipad ni Kylie at tinignan kong maigi yung article. Tama! Tungkol nga sa kanya..
Xavier’s New student Vincent Romero: Musical Genius aka Campus Heartthrob of all Campuses
“Looks like may tatapat na sa crush mong si Xander David in terms of being a campus heartthrob, Niks ah!” Sabi ni Jasmine habang kinuha sa akin yung ipad ni Kylie.
“Oo nga! At ang gwapo nya! Look oh! Mas hotter kaya siya kay Xander mo” sabi ni Kylie
“Hmmm.. Hindi rin. Walang wala yan kay Xander my loves noh.” Sabi ko sa kanila.
Tinitigan ni Ashley yung photo sa article at sinabing “BFF, Hindi ba, eto yung sinasabi mong Mr. Antipatiks?”
Napatingin naman bigla sa akin si Jas at Kyle.
“B-bat ganyan kayo makatingin?” Nautal pa ako kasi kung makatingin sila, wagas
“Mr. Antipatiks? Ibig sabihin, siya yung sinasabi mo?” Sabi ni Jasmine
“Ahhh.. Oo siya nga. A-ano naman ngayon?” Nakaka-nerbyos naman tong mga to, kung makatingin kasi, daig pa yung mga pulis na nagtatanong sa criminal.
Sobrang kinabahan nako nung matagal nila akong tinignan at----
“Ayiiiieee! Nikki girl! Nakakainggit ka naman. Siya pala yung sinasabi mo. Kaw naman, hindi mo pala sinabing super pogi pala neto.”
Sinabi ni Kylie sa akin yun habang niyuyugyog yugyog pa ako..
“Oh, diba.. Sabi ko nga sa inyo pogi yun eh. Naging crush ko nga yun nung unang kita ko pero sabi ni Nikki, wag ko daw balakin na magkacrush dun kasi masama daw ugali. “ sabi ni Ashley
“Ash, siguro nagseselos lang yang si Nikki girl kaya sinabi niya yun sayo. Hahaha” sabi ni Kylie
“Oo nga, Nikki. Akalain mo yun, na-meet mo na siya before siya ma-discover ng buong school. Hindi kaya soulmate talaga kayo nun?” Sabi ni Jasmine habang naka-ngiti sa akin.
“Tse! Tigil-tigilan nyo nga ako. Ano ba yang kalokohan na pinagsasasabi nyo. At anong soulmate at selos? Bangag ba kayo?!”
Sinabi ko yun sa kanila kasi naiinis ako sa mga pinagsasasabi nila. Puro kasi kalokohan yung mga naririnig ko sa bibig nila.
“Niks, Kunwari ka pa. May kasabihan nga tayo na ‘The more you hate, the more you love’ eh” sabi ni Jasmine
“Oo nga, Niks. Bagay naman kayo ah!” Biro sa akin ni Ash
“Aish! Pag di pa kayo tumigil dyan, lalayasan ko na kayong tatlo”
Nakakainis kasi eh. Sa dami dami ng iaasar sa akin, siya pa. Hayss.. napayuko nalang ako habang napa-ngalumbaba
“Speaking of! Look who’s coming..” sabi ni Kylie habang nakatingin sa likod namin.
“O-oh! Ayan na si Musical Genius aka Mr. Antipatiks mo, Niks” sabi naman ni Jasmine na parang nakatingin din sa tinitignan ni Kylie
“Oo nga, BFF. Tumingin ka na kasi eh..” sabi ni Ashley habang pinipilit nya akong tumingin
“A-yo-ko!”
“Teka, tama ba yung nakikita ko? Mukha papalapit siya dito?” Sabi ni Ashley habang nakatingin sa malayo.
Hindi ko tinitignan yung sinasabi nila sa akin. Nakangalumbaba pa rin ako habang dinutdot yung French fries sa ketchup. For sure kasi, pinagttripan lang ako nitong mga to eh. Siguro naglilihi silang tatlo kaya ako yung pinagtitripan nila.
“Alam nyo girls, hindi ba kayo titigil? Impossible kaya yang mga pinagsasasabi ny---------“
“Can I seat here?”
O_O
“Vinci? Ba’t nandito ka?” Sinabi ko sa kanya habang nakatingala sa kanya.
Pagtingin ko naman sa mga kaibigan ko, pawing nakatitig lang sila kay Vinci. Mukhang hindi sila makapaniwala sa nakita nila. Si Kylie, parang nakanganga pa at si Ashley naman, kagatkagat yung straw ng softdrinks nya. Si Jasmine, naiwan pa sa bibig nya yung French fries na kinakain nya.
Ilang segundo silang natahimik.
Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita naman silang tatlo..
“Sure! Of course, Pwedeng pwede!” sabi ni Kylie
“Sige, upo ka na dyan. Baka maunahan ka pa ng iba” sabi ni Ashley
“Oo nga, may space pa naman sa tabi ni Nikki. Dyan ka nalang” Sabi ni Jasmine
“Thanks”
Umupo na si Vinci sa tabi ko. Haysss.. Kita mo tong mga kaibigan ko. Tama ba namang bugawin ako. Daig ko pa yung ulam na binebenta sa carinderya. Pambihira T_T
Bumulong sa akin si Kylie, “Girl, mas gwapo pala siya in person. Pakilala mo naman kami”
Tinignan ko ng masama si Kylie. Pag tingin ko naman kay Jas at Ash, nakangiti naman sa akin na parang nakakaloko.
Binalingan ko ng tingin si Vinci
“Bakit mo naman naisipang tumabi dito, ha?”
“Wala. Masama?” Sabi nya habang nagsisimula na siyang kumain nung hamburger nya.
“Oo, masama! Andami dami namang upuan dyan ah!” Sinabi ko sa kanya habang nakangunot yung kilay ko.
“Upuan? *lingon sa paligid Bulag ka ba? Wala ngang vacant seat eh” Sabi nya sa akin at kumagat ulit ng hamburger.
“Anong sabi mo?!”
Hindi nya ako pinansin at kumain lang ulit.
Hayys.. sabi na nga ba eh, after kanina, back to normal na ulit siya.
“Umalis ka na nga dito..”
Patayo na sana ako ng biglang magsalita si Jasmine “Uy, Niks. Masama yan. Kumakain yung tao tapos pinapaalis mo.
“Oo nga, BFF. Hayaan mo na siya dyan” sabi ni Ashley
Inirapan ko nalang sila. Ginatungan pa kasi nila eh.
Tumahimik nalang ako habang yung katabi ko, ayun kain pa rin ng kain ng hamburger.
“H-Hi! My name’s Kylie and sila naman sina Ashley and Jasmine. Kami nga pala yung friends ni Nicole.” Sabi ni Kylie habang kausap si Vinci.
Naku, asa naman kayong kakausapin kya nyan. Eh siyang si Mr. An-----
“Hi I’m Vincent. Classmate ni Nicole sa Creative Music and Arts.”
What? Tama ba yung narinig ko? Kinausap niya yung mga kaibigan ko? Tapos nginitian pa nya? Nagdedeliryo na ba ako?
“Nice to meet you. Hindi ka naman pala snobbish gaya ng sinabi nitong kaibigan namin” sabi ni Jasmine
So ako pa ngayon ang di nagsabi ng totoo?
Magsasalita na sana ako ng biglang may magsalita sa speaker ng school.
“Attention: all students of Xaviers School of Arts. All professors will be having a faculty meeting at around 1pm onwards. Please be advice that all students will have no classes from 1pm onwards”
“WOOOOOOOHHHH!”
“YEHEY!”
“YES! CUT NA YUNG KLASE!”
Naghiyawan ang lahat ng students sa cafeteria ng marinig na wala na kaming klase.
“Yehey! Wala na tayong class. Pwede na tayong mamasyal!” Sabi ni Kylie
“Oo nga. Pwede na tayong magvideoke sa mall” sabi ni Ashley
“Ay, gusto ko yan! Sama ako!” sabi ko sa kanila.
“Sino may sabi na sasama ka?” Sabi ni Jasmine
“Huh? Bakit?”
“Oo nga, hindi ka kaya pwedeng magjoin sa amin. Iiwan mo siya?” Sabi ni Kylie sabay turo kay Vinci na paubos na yung kinakain.
“Oo. Bakit naman hindi?! Nakiki-upo lang naman siya ah.. At----AWW. Jas, ba’t mo ko pinitik?” sabi ko kay Jasmine habang naka-hawak sa noo ko. Medyo malakas kasi yung pitik ni Jas. Ang sakit.
“Masama yan,Niks ha! Kailan ka pa natutong mang-iwan ng kasama?!”
Naka-pamewang pa si Jas habang sinabi nya sa akin yun.
“Oo nga. Hindi ka naman ganyan dati ah. Ayan, napagalitan ka tuloy ni Inay!” Sabi ni Kylie,
“Oh siya, sige na, una na kami sa inyo ah! Bye bye, Nikki girl! Mwah!” Sabay kindat sa akin ni Kylie at naglakad na paalis. Sinundan na din siya ni Jasmine.
Tumingin ako kay Ashley. “BFF…” *puppy eyes
“Sorry, BFF! Iwan ka na muna namin ah. Next time ka nalang naming isasama, ok? Bye bye! Bye bye na rin, Vincent! Nice to meet you.”
Waahhh.. pati si Ashley, iniwan na rin ako. Sinabihan nila ako tungkol sa pang-iiwan samantalang sila naman yung nang-iwan. T_T
Hayyss.. Ang daya naman nitong mga to. Ano naman gagawin ko dito?
At bakit kailangan ko pang makasama itong lalaking ‘to?
Waaaah. Gusto ko ding magvideoke eh. =(
----> See you in Next Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
________
Author’s Note:
Hello po!
Pasensya na po sa late update. Na-busy po kasi ako eh. Sorry.. =)
Anyways, comment lang po kayo sa baba ah.. ok lang po kung negative. Pero if positive, eh di mas maganda po. Para ma-inspire po ako.. hihihi.. ^_^
Anyways, yun lang..pasensya na po sa kadaldalan ng author. Haha. Salamat po sa pagbabasa. Godbless po. ^_^
-Ms. Author <3