Halos ilang araw na din kaming di nagkita ni Lance..
Busy na din kasi ako.. Magbabakasyon na din kasi..
Fourthyear college na ako!Kyaaahh!!! tatanda na ako?! waahhh!!!
Hrm pa din ako at si Lance? BSBA na siya..
Gusto ko ding kumuha nun kasi ako din ang magmamana ng bussiness ni Papa pero tsaka na lang muna..
Mag-enjoy muna ako bilang Chef!HOHO...taas ng pangarap?chef agad?
Nakakatamad na sa bahay.
Wala akong pasok Holiday daw kasi..
"Sam, aalis muna ako!" sabi ni Mama..
"Sige po." ngiti ko.
Ayaw kong mag-isa..
Naalala ko lang ang mga multo na kinuwento nung isang araw ng Prof namin..
Wala daw ulo ang kasabay niya..
Natatakot ako..
Kahit hapon pa lang..
Nakakatakot kaya..
Feel ko kasi ang malakas na hangin dito sa taas.
Nakakatakot din ang pagaspas niya..
waahh!! LONER ako!
Ayaw kong mag-imagine ng kung anu-ano.
May butterfly!
Kyaaahhh!!! Kulay itim siya dumapo siya sa balikat ko at nagtatakbo ako sa loob ng kwarto.
Nakakatakot kasi itim siya!
Naman!
*
Ilang oras na din akong naghihintay na magkaroon ng tao sa bahay..
Kating-kati na akong gumala eh..
*tuk...tuk...tuk..* may narinig akong naglalakad mula sa ibaba ng bahay.
KYAAHH!!! natatakot na ako!
Naman! Ang lamig pa dito!
Nagtalukbong ako ng kumot..
*knock..knock..*
"Mama" tawag ko.
"Open the door anak!" sabi niya.
Binuksan ko ang pinto at niyakap ako.
"Mama, bakit po?" nagtataka kong tanong.
"Anak...sumama ka sa akin."
"Saan naman po?"
"Ang Mama Anna mo...may sakit siya..nasa hospital na siya."
"PO?" nagulat ako.
"Oo anak!" iyak ni Mama..
Sumama ako sa kanya.
Tumulo ang mga luha ko.
Bakit kapag may nangyayaring maganda may nawawala sa akin?
Wala na ba talaga akong karapatang maging masaya?
LAhat ng mahal ko sa buhay nawawala at iniiwan ako..
Nanghihinayang ako sa mga oras na di ko siya nakasama.
Kasalannan ko ang lahat
Sana ngayon kasama ko siya..
Ako sana ang nasa hospital at nagbabantay sa kanya.
"Anak." sabi niya ng makapasok ako sa kwarto niya.
"Ma--"
"Ana--k!" niyakap niya ako bigla.
"Mama,sorry po." ayan lang ang tanging nasabi ko.
"Anak, mag-iingat ka huh?tandaan mo na mahal na mahal ka ng Mama mo! Patawadin mo ako kung pinagtabuyan kita dati huh?"
Unti-unti ng bumuhos ang luha ko.
"Anak tandaan--mo...na...naandito...lang...ako...lag--lagi sa tabi mo..babantayan kita at aalagaan!"
"Mama!" hagulgol ko.
"Anak..salamat dahil nakita na kita..Salamat dahil pumunta ka ngayon dito para makita ako."
"Mama,wag ka pong magsalita ng ganyan."
"Anak..mahal na mahal kita! KAhit alam kong di ko iyon naiparamdam sa iyo! Tandaan mo iyan huh?"
"Mama, mahal na mahal na mahal din po kita!"
"Anak..salama--"
*tooooooooooooooooooooooooooooooooooot*
"MAMA!" sigaw ko.
Ang tunay kong magulang!
Wala na siya..
Pumanaw siya ng di man lang ako nakapagpasalamat..
Ngayon ko lang siya nayakap..
Ngayon ko lang narinig sa kanya na mahal na mahal niya ako.
Salamat dahil sinilang mo ako sa mundong ito.
Salamat dahil sa iyo ay naging ganito ang buhay ko.
Sana noon pa man sumama ako sa iyo kahit saglit lang..
Di man lang ako nakapagkwento sa iyo ng buhay ko..
Di man lang ako nakahingi ng payo sa iyo bilang tunay na kong magulang..
Di ko man lang nakuwento si Lance..
Mama,maraming salamat dahil minahal mo ako..
Maraming salamat sa iyo..
Alam ko ang mga sakripisyo mo para sa akin.
Alam kong nahirapan ka.
Alam kong ginawamo akong ipampon para gumanda ang buhay ko.
Madami tayong di napag-usapan.
Nagtanim ako ng galit sa iyo pero sana maintindihan mo po.
Madami akong na miss na time na dapat ikaw ang kasama ko.
Na dapat ikaw ang hinihingian ko ng payo..
Na dapat ikaw ang iniiyakan ko kapag may problema ako..
NA dapat ikaw ang kasama ko sa mga graduations ko..
Mama,sana naririnig mo pa ako..
PATAWARIN MO AKO!!!
MAHAL NA MAHAL DIN KITA MAMA!!!
"Anak!" awat ni Mama sa akin.
"Mama,wala na siya!" nakayakap pa din ako sa tunay kong magulang.
Ayaw ko siyang bitiwan.
Gusto ko kahit ngayon lang mayakap ko siya ng matagal at mahigpit..
"Anak,wala na siya."
"Mama *sob* mahal na mahal din po *sob* kita!" sabi ko.
Sana panaginip na lang ang lahat.
Di mo din kasi masasabi ang buhay ng tao.
Sana noon pa man nakilala na kita at sumama ako sa iyo.
Sana ang lahat ng ito ay panaginip na lang!
Kaya masuwerte ang mga taong kumpleto ang pamilya..
Sana mahalin niyo sila..
At sabihan ng I LOVE YOU Hanggat maaga pa
dahil hindi din natin masasabi ang kapalaran ng bawat isa sa atin.
Pwede na lang tayong kuhain bigla..
Wag magtanim ng galit at magmahalan..
*
NOTE:
Ako'y naiiyak..TTOTT
O kaya yung may mga tampuhan diyan sa mga magulang nila...makipagbati na kayo!
Mahal kayo niyan kahit pinapagalitan kayo niyan...Gusto lang naman kasi nila ang makakabuti sa ating lahat..Mahal nila tayo higit pa sa buhay nila.Hindi natin Maiibabalik ang panahon para lang diyan dahil sa isang iglap bigla na lang silang mawawala at sa isang iglap di mo na sila makakasama pa
.Pero kahit ganoon pa man alam ko na sila ay naandito para sa atin at tayo'y binabantayan...