"NABASA KO NA YAN"

By mgahangal

70.5K 1.1K 584

(Isang nakakaaliw at kakaibang story description na magiging dahilan upang mahikayat ka at hindi mapigilan na... More

"NABASA KO NA YAN"
Chapter 1: The Development of Accounting Profession
Chapter 2: MANOK
Chapter 3: Arrozcaldo ni Karen
Chapter 4: Nobody
Chapter 5: AUTOLOADMAX
Chapter 6: Unlimited
Chapter 7: Cinderella
Chapter 8: Remembering Sunday
Chapter 9: ILONG
Chapter 10: Love Story
Chapter 11: Sudoku
Chapter 12: Pinky Promise
Chapter 13: Hatred
Chapter 14: Karne
Chapter 15: The Sims
Chapter 16 part 2: The Overnight
Chapter 17: Not Bad
NABASA KO NA YAN: CHRISTMAS EDITION
Chapter 18: Langgam
Chapter 19: Some Things are better left unsaid.
Chapter 20: Hey, Mr. Cool Cool
Chapter 21: Invisible Ties
Chapter 22: Good Luck
Chapter 23: Love Pollution
Chapter 24: Please Don't Go
Chapter Undefined: Gidaba eskerembojo

Chapter 16 part 1: The Party

1.5K 14 8
By mgahangal

"Oy Travis! Tara na!" sabi ni Karson.

"Oo na oo na sandali lang." sabi ko.

"Bilisan mo nga dyan para matapos na'to." sabi ni Casio.

Hindi naman kami magdodota, pero kelangan namin magmadali para maaga din kami makauwi. San nga pala kami pupunta? Edi sa mall.

Anung mall? Uhm. Eh kase gusto ko ng ice cream. Basta kung gusto mo, punta ka sa puntod ng lolo ko, tanong mo sa kanya.

"Kapag pupunta ba ng mall mayaman na agad, pwede bang -----------------------

.

.

.

.

OSIGE TULOY MO. COOL KA NA? HAHAHAHA.

Bakit nga ba ako pupunta ng mall? I mean kami? Well, there is a big event coming that I should not miss. IT'S THE DEBUT OF MY LOVE!!!!!

Bakit kasama yung mga kabarkada ko? Siyempre inimbita din sila ni Lucy. Face it Travis, isang ilusyon lang yung ako lang iimbitahin niya sa debut niya diba? :D

Anyway, pumunta kami sa mall kasi hindi pa ako nakakabili ng regalo para sa kanya. Yung iba kong kabrakada, wala pang susuotin para sa debut kaya naman sasabay na sa akin. FYI, bukas na kasi yung debut niya at naplano na namin ang mga gagawin namin.

But first, we need to buy some gifts!!

Hmmmm, what to buy? Hindi ko alam kung anong gusto ni Lucy. Kung malaman ko man, baka may nakabili na nun, edi magiging normal gift na lang yung sa akin. NOOOOOOOOO!!!!! Dapat maging special yung gift ko sa kanya!

Eh ano nga ba yung pwede kong bilhin?

"Uhm, pwede namang damit eh." sabi ni Bruce.

"Pero napakacommon na yun na gift. Gusto ko yung special."

"Sus. Arte mo naman." sabi ni Casio.

"Tae ka talaga Casio, dapat siya yung kumikislap sa birthday ni Lucy!" sabi ni Karson.

"Edi bigyan mo na lang ng kwintas, pwede na yun." sabi ni Scott.

"Pwede din kaso, kaya ba ng budget mo?" sabi ni Jejomar.

"Budget? Tsk. Oo nga noh. Baka kulangin ako bukas." sabi ko.

Hmmmmmm... pero para sa mahal ko yun. Dapat kong ibigay ang lahat para sa kanya. I have to take the risk...

So habang naglalakad kami, may mga nakita akong shop ng teddy bear. Pumasok kami dun tapos andami kong nakitang magagandang stuff toys. Pero mahal, grabe naman kasing mga persyo yan. Bakit ba ang gastos pagdating sa babae? HAHAHA. 

Nadaanan din namin yung shop na puro bags. Hmmm, pwede noh? Pero maraming hindi sumang-ayon sa mga kabarkada ko. Parang damit din daw yun. Kaya naman hindi ko na tinuloy na bilhin yon.

Pumunta kami sa department store ng mall. Andami kong nakita! Pinaghalo-halo siyang mga bagay na nakita ko na kanina nung naglalakad kami. Grabe naman ang hirap pumili! Kung nandito lang si Alice eh.

Caloy 6:32pm

Haynako, namimiss mo lang si Alice e.

Travis 6:33pm

Siyempre! Minsan ko lang naman makita yung babaeng yun eh.

Caloy 6:34pm

Diba inimbita siya ni Lucy sa debut?

Travis 6:35pm

Oo pero, mukhang busy siya ngayon. Tapos minsan kapag tinatawagan ko sinasabi niya may ginagawa daw siya. Hindi naman ganun dati e.

Caloy 6:36pm

Oh iiyak ka na? Easy lang. Si Lucy ang dapat mong intidihin ngayon diba?

Travis 6:37pm

Tama ka, pero kelangan ko pa din maging sensitive lalo na sa bestfriend ko.

Caloy 6:38pm

May suggestion ako na gift.

Travis 6:40pm

Ano? Dali!

Caloy 6:43pm

Sandali lang, pwede mo siya bigyan ng isang bagay na kapag nakita niya, mapapangiti siya.

Travis 6:45pm

Tulad ng?

Caloy 6:47pm

Konsensya mo ako, hindi ako answer sheet. Ciao!

Caloy is offline.

Bagay na makakapag-pasaya sa kanya?

Kulang pa ba ako sa kanya?

.

.

.

.

SENYSA ANG KORNI KO NA. HAHAHAHA.

potek na yan.kung alam ko lang talaga kung anong bibilhin ko, dapat kanina pa ako nasa bahay, nagffacebook at ngumangatngat ng mani tsaka naghahanda para sa debut ni Lucy.

tapos hindi din ako matulungan ng mga weak na'to. HOY, konting suporta naman diyan. Busy kase maglaro ng Dance Revolution ampf.

Kaya naman naglakad muna ako magisa habang naglalaro sila. 7:00pm na at wala naman akong pakialam kahit na sinabi ko yun. Nagpaalam naman ako sa mama ko, yung papa ko naman oo lang ng oo. Malaki na daw kasi ako tsaka lalaki naman ako.

Kaya hindi ko alam yung feeling na hindi pinapayagan kapag malayo or walang kasamang kapatid or kamag-anak. Especially for girls (lalo yung mga magaganda).

Ano ba yung feeling? Yung feeling na nakaplano na yung isang bagay tapos pagdating mo sa bahay para magpaalam, HINDI agad yung sagot sayo. Ano bang feeling? Yung gusto mo ng sumuway sa kagustuhan nila? Yung gusto mo na silang sagutin? Yung gusto mo ng lumayas ng bahay? Yung gusto mo ng umiyak?

Kung lalaki ka at ganyan ang nararamdaman mo, CHILL LANG. Kelangan mo lang makuha ang tiwala ng magulang mo. Hanapin mo yung kiliti nila. Maging malambing ka. Tumulong ka sa kanila. Kapag nakuha mo na yung tiwala mo nila, ingatan mo, kasi mahirap na nga siyang makuha tapos sisirain mo lang ulit?

Kung babae ka naman, HINDI KO TALAGA ALAM. HAHAHA. Hindi naman kasi ako babae. At hindi din ako isang expert para sabihin sa inyo kung ano ang dapat gawin. Pero ang mahalaga lang naman babae ka man o lalaki ay magkaroon kayo ng napakatibay (as in super strong yung kahit magkamehame wave si goku hindi masisira) na komunikasyon.

Try mo lang.

Kausapin mo mama/papa o guardian.

Magshare ka ng mga pangyayari sa buhay mo, kunwari kumain ka ng bubog at karton.

Magtanong ka ng kahit ano, halimbawa, bakit ang gwapo ko?

Ipaalam mo ang mga bagay-bagay na hindi nila naitatanong sa'yo, but still keep your own privacy.

Minsan kelangan naten magkusa. Hindi naman kusang babagsak yung tae na inodoro eh. Kelangan mong maghubad ng underwear at buksan ang pwet mo para lumabas ang tae.

Walang taeng hindi lumalabas. Lahat bumabagsak sa lupa, underwear, shorts o kahit anong surface because of gravity. Minsan may kasama pang ihi.

Kapag pinigil mo yan, next time na ilabas mo yan . IT WILL BE HARDER THAN YOU THOUGHT. MAS MASAKIT.

Karamihan ng pinagpapaliban at pinapatagal pa ay napupunta sa wala.

hindi naman ako tumatae, naisip ko lang bigla kasi naglalakad ako nang mag-isa lang at andaming pumapasok sa isip ko.

kaya naman tumigil ako, nilibot ko ang aking mga mata at may nasulyapan akong bagay na nakakuha sa paningin.

 NAKAKITA AKO NG SALAMIN! SH*T! ANG GWAPO KO TALAGA! BWAHAHAHA!

 damn. di ako pwedeng mainlove sa saril ko ngayon. hinihintay pa ako ni Lucy(wishful thinking).

at naglakad pa ako ng naglakad. hanggang may nakita akong talagang nakakuha ng attention ko!

.

.

.

.

SNOWGLOBE!

the perfect gift! dunno why.. JOKE! alam ko kung baket eto ireregalo ko. pero syempre di ko muna sasabihin kung baket, tapusin mo muna tong chapter na to. PARA COOL KA DIN, K?

pero ankyut talaga nung snowglobe. di sya normal christmas snowglobe.  may dalawang tao sa loob. lalaki at babae. and they look sweet. parang kami lang oh. (awkward wishful thinking)

so yun na nga bibilhin ko na sya! may nakita akong tofrom card(yan tawag ko dun e. may problema ka ba? kain ka ng bubog). bumili ako ng dalawang ganun.

di ko naman pinabalot e. ako na bahala dun. COOL AKO E.

at yun na nga. bumalik nako sa mga kabarkada ko dun sa WOF. and atlast! kakaen na kami...

sa may favorite fastfood chain ng barkada kami kumain. san pa? edi sa mcdo! alam mo ba kung ano ang favorite namin dun?

EDI YUNG MGA STRAW!

ginagawa namin yung mga weapons of destruction(yun gusto kong tawag.) at kapag buo na yung WOD namin. ayun. magtutusukan na kami ng mukha, ilong, mata, tenga at iba pa. hanggang sa may masaktan at kumain na.

at ang inorder namin ay ang paborito ng lahat.. FRIES! oyeah! nakakataba daw to e. pero i don't care. fries e.

naalala ko yung commercial nun dati, yung pinatanggal ng CBCP(Catholic Bishops Conference of the Philippines) dahil sa maling message daw ng commercial na pagsyosyota in a young age. at siguro yung bad impression na magkakagirlfriend ka dahil sa french fries. HAHAHA!

at dahil sa commercial na yun.. alam nyo ba? na maraming babae ang natuwa at maraming lalaki ang naghirap??!! sa paniniwala na magkakagusto yung babaeng gusto nila sa kanila dahil sa fries? tsk. kahit na 25pesos lang yun? e malaki na yun ah? kung maraming beses mo na sya naitreat nun. o diba? kaya din siguro natanggal yun for that very purpose. HAHAHA! galing ko mag-imbento.

at eto na nga. tapos na kami kumain. umuwi na kami agad. e ano pa ba gagawin namin sa mall after nun?

MAGBABAKLAAN?!?!

never! haha. so yun na nga. paglabas namin ng fastfood chain na yun. may nakita akong isang  bata..

uhuging bata. wala lang. naglalakad nung palabas na kami sa mall.. tapos ambagal namin maglakad kasi busog kame.

nadapa yung bata. wala naman pumansin sa kanya. panay daan lang mga tao dito.

HUMANITY, WHY SO HEARTLESS?!!!!!!

pero kasama ako sa humanity, ang point ko lang, bakit umiiral na ngayon ang I DON''T CARE sa karamihan ng mga tao. kahit nga mga hayop tulad ng pusa, hindi na natin pinapansin, tao pa kaya?

tinulungan ko na lang yung bata na tumayo kasi iyak siya ng iyak nung nadapa siya.

"Huhuhuhuhu, isusumbong kita sa mama ko!" sabi nung bata tapos tumakbo.

wala man lang thanks diyan? hahahaha. oh well, pati bata hindi ko na maintindihan.

 umuwi na kami para makapaghanda para bukas. wala naman kaming pasok bukas kaya okay lang na magpagabi kami. sa ngayon hindi ko pa alam kung saan yung place ng debut ni Lucy, pero ihahatid naman kami ng parents ni Reynaldo papunta doon. oh diba, planadong planado! HAHAHAHA.

Nagpaalam na din ako sa mama at papa ko. Sandamakmak ng pang-aasar ang inabot ko sa papa ko.

"Debut?" sabi ni mama.

"Opo, ng kaklase ko inimbitahan niya kasi ako eh." sabi ko naman.

"At saan naman yan?" 

"Uhm, hindi ko pa sigurado pero malapit lang at alam ng kaklase ko." sabi ko.

"Sino ba yang magdedebut?" tanong ni mama.

"NAKO MAMA HUWAG MO NA ITANONG OBVIOUS NAMAN NA YUNG MAHAL NIYA YUNG MAY DEBUT EH. HAHAHAHA."

"Tae, hindi pa nga ako nakakapagsalita eh." sabi ko.

"EH YUN DIN NAMAN SASABIHIN MO EH, KITANG KITA KO ANG KISLAP NG IYONG MGA MATA. HAHAHA."

"Badtrip, hindi naman eh, nagpapaalam lang ako dito. Hindi ako nagpapakilala ng girlfriend!"

"AYOS LANG YAN ANAK, DUMAAN DIN AKO DIYAN. HAHAHA."

"Whatever." sabi ko.

Nababasa talaga ako ng papa ko kahit anong tago ang gawin ko. Tsk. Badtrip talaga. HIndi ako makasagot ng maayos kasi si Lucy yung pinag-uusapan, ang hirap, halatang guilty ako. Ampf.

Ayoko pang maghanda kasi tinatamad pa akong maghanda. HAHA. Eh may bukas pa naman eh. Diba? Wala pang pasok buka, tinext na ni reynaldo yung mga kailangan kong dalhin para bukas. Tsaka napabalot ko na pala yung gift ko sa kanya....

Ano nga ba yung meaning ng regalo ko sa kanya?

Secret muna ha? HAHAHA.

Kinabukasan,

Wala namang maagang debut, kaya naman hindi na ako nagalarm para magising ng maaga. 

then,

Habang naliligo ako, andaming pumapasok sa isip ko, paano kung bigla na lang akong tawagin sa 18 roses? paano kung hindi ko nadala yung gift ko? paano kapag naligaw kami papunta kila Lucy? paano kapag natae ako sa debut? paano kung hindi pala ako invited sa debut? paano kung kumakain pala si Lucy ng bubog?

HALA. ANONG MGA PINAGIISIP KO. Grabe naman tong utak na to oh. Minsan dapat maging utak langgam din to eh. Para hindi ako masyadong nagiisip. Rawr.

Nga pala, nung pauwi pala ako kahapon.... hmmmmm hindi ko alam kung isshare ko ito eh. Pero dahil napakatindi na mga pangyayari na nasaksihan ko, mas maganda siguro na makwento ko ito sa inyo.

Kapag umuuwi ako, sumasakay ako ng tricycle diretso na sa bahay namin. Sumasakay ako doon sa nag-iipon ng pasahero na tricycle, para makatipid ako.

Nung nakarating na ako sa terminal, may naabutan na akong paalis na tricycle kaya naman sinakyan ko na. Nakasakaya ako dun sa maliit ng upuan. Anong tawag don? Hindi ko alam eh. Baka ikaw alam mo. Comment ka ha? :))

Nung nakaupo na ako, umandar na yung tricycle. At ng moment na gumalaw na yung tricycle nag-iisip na ako ng pakulo ko sa debut ni Lucy nang biglang may narinig ako...

B - Babae L - Lalake  C - Ako yan cool ako eh.

B: Ano ba! Nasasaktan ako!

L: Sorry na kasi baby.

B: Puro ka na lang sorry nagsasawa na ako!

L: Pwede naman nating ayusin toh e.

B: Anong aayusin natin? Hindi mo nga maayos sa sarili mo, eto pa? Ayusin mo muna sarili mo para maayos natin tong problema natin!

L: Inaayos ko naman sarili ko eh..

B: Anong ayos? Hindi ko makita! Lagi ka na lang ganyan, lagi ka na lang nagseselos!

L: Baby naman..

B: Nasasakal na ako! Please naman, sana maintidihan mo...

C: ........( wala lang, nakikinig lang ako, cool ako eh. kunwari ako yung narrator.... at nagkaroon ng katahimikan)

L: Sige ka ---

B: Oh ano?! Tinatakot mo ba ako? Sawang sawa na ako sa mga pananakot mo! Mahal naman kita eh, kaso kung magpapatuloy toh, baka hindi ko na kayanin!

C: ( at nagpara ang babae at umalis, si lalake ay naiwan, at ako? hindi na ako umalis sa inuupuan ko, nashock ako e)

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko dun, kasi dapat sa teleserye ko lang naririnig yun eh! Grabe, paano niya natitiis na umiiyak yung girlfriend niya sa harapan niya? Pero alam ko naman na dumadaan sila sa isang pagsubok, at wala na akong pakialam sa kanila. Kasi, buhay nila yun at masamang magsalita when your mmouth is full. The End.

FAST FORWARD NA NGA NATEN. HAHAHA.

Nakasakay na ako sa kotse nila Reynaldo, kasama mga kabarkada ko, nagkasya kami siyempre ang laki ng kotse nila Reynaldo eh. Malakas yung aircon tapos ang sarap matulog! Hahaha. But now is not the time to sleep! Kelangan ko ng ihandi ang aking sarili sa makikita ko, grabe.... kung maganda na si Lucy, paano pa kaya mamaya?! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA... KILL ME !!!!!!!!

Halos 1 and half hour ang biyahe para makapunta sa destination namin, isang resort yung pinuntahan namin, sabi kasi ni Lucy pwede daw magswimming after ng main program kaya naman nagdala kami ng pangswimming.

Pagkapasok namin sa venue, madami ng tao, mukhang late kami ah. Tapos may nagescort sa amin na lalake at dinirect kami sa isang table. Andami kong nakitang ibang tao, sila Casio at Bruce na may mga malilikot na mata ay tumitingin na ng mga magagandang babae, si Karson, kausap yung gf niya sa phone, mukhang nagpapaalam lang. Yung iba, as usual, si Reynaldo na laging nangungulangot. Si Jejomar, si scott sino pa ba? Hahahaha. Si Raul na kausap ni Polo at Antonio.

At ako, na sobrang excited nang makita si Lucy............

Akala talaga namin late na kami, siyempre Filipino time nga pala, halos isang oras pa kami nakaupo at naghintay sa wala. Anung gagawin namin dun? Eh malayo kasi yung table ng iba naming kaklase na invited din sa party. Alanagan naman na magpicture picture kami? Ano kami vain? HAHAHA. 

"Ladies and Gentlemen, sorry for the delay, we will now start the event that one girl has been waitng for. This lovely girl that has now turned to a beautiful and wonderful lady. She's one of the most priced gift from her parents and is now celebrating her 18th Birthday.... again, Ladies ang Gentlemen, may I present to you our debutant.... Miss Lucia Denise Penelope Entrillo!

here she coooooomes!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 457 18
In which a girl named Sana always receives letters from her obsessed secret admirer but her heart already belongs to someone else- but fate always ha...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.