Anja I: Khragna

By yukiirisu

23.8K 805 299

♟️Book #1. "Ngunit kaninong buhay ang presyo ng iyong hiling?" Isinakripisyo si Freja upang ipakasal kay Kai... More

author's note
[ x ]
[ xx ]
00.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.

01.

588 25 22
By yukiirisu




࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

f r e j a

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Kinakati na ang mga binti ko sa matataas na damo habang naghihintay sa kakahuyan ng hardin sa palasyo. Ngunit hindi ko alintana iyon. Damang-dama ko ang bigat at takot sa mangyayari mamaya. Ang buhay ko ay tuluyan nang magbabago ngayong ipapadala nila ako sa Anja. Para sa isang responsibilidad na pinataw nila sa'kin. Ay hindi-parusa. Parusa iyon na binalot nila sa matatamis na salita.

"Freja," bulong ng isang boses at agad akong napalingon.

Dumating si Alexis sa aming tagpuan at mahina niya akong tinulak sa puno upang angkinin ang mga labi kong hahalikan na ng ibang lalaki mamaya. Puno ng pagmamadali ang halik namin-ang aming huli. Bawat balik ay may init at tamis at desperasyon; pinupunan ang mga takot na hindi namin masabi. Binaybay ng mga kamay niya ang aking leeg pababa sa balikat, braso at bewang.

Ang una kong pag-ibig. Nangilid ang mga luha ko sa naisip. Sa maraming taon na ako'y mag-isa, tanging si Alexis ang naging sandalan ko sa malungkot na palasyong ito. Ngunit matagal ko nang alam. . . na ang mga katulad kong manika ay ginawa upang mapaglaruan ng may kaya.

Nang kumalas siya'y dinikit niya ang noo sa'kin.

"Umalis na tayo dito. Sumama ka na lang sa'kin. Wag kang pumayag sa gusto nila," sabi niya sa isang bulong. Ngunit wala nang magbabago.

Wala nang makakapigil sa mangyayari. Dahil kahit umalis kami dito ay saan kami pupunta? Kapag nahuli kami ay tatanggalan ako ng titulo at papatawan si Alexis ng kamatayan. At ayoko-ayokong may mamatay nang dahil sa'kin. Lalong lalo na siya.

"Hindi pwede," sagot ko, mga daliri ay pinapasadahan ang hindi nakikitang linya sa aking leeg. Ang Banal na Tipan, ang sumpa sa lahat ng mga nobleng sakop ng Tatlong Korona.

Ang sumpang nagtatali sa'kin sa kautusan ng Reyna ng Khragnas.

May sakit sa kanyang mga mata. "Kung gayon, papayag ka na lang na ipakasal ka nila sa lalaking hindi mo mahal? Sa isang halimaw?"

Pumikit ako at isang luha ang nakatakas. "Wala akong magagawa."

"Meron! Binibigyan na kita ng pagpipilian. Tumakas na tayo dito habang may oras pa. Hahanap ako ng paraan pagkatapos. May mga kaibigan ako. Pwede nila tayong-"

"Alexis," iyak ko. Natigilan siya sa pagsasalita.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi at humalik muli. Ang una kong kaibigan at ang unang taong aking inibig. Ayokong sabihin 'to sa'yo, pero kailangan. Sana'y malaman mong pati ang puso ko ay nabibiyak sa ating pagtatapos ngunit ito ang dapat. "Hindi na tayo magkikita pa. Hindi na kita maaaring maging kaibigan."

"Freja, pakiusap-"

". . .Paalam."

At ako'y tumakbo na palayo sa kanya. Palayo sa kaibigan kong nakagisnan ng halos limang taon, ang tanging naging kaibigan ko sa palasyo, ang aking lahat-lahat. Patawad, Alexis. Ngunit noon pa man ay hindi ako ang may hawak sa sarili kong buhay.


࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Kung may maipagpapasalamat akong bagay sa aking parusa, ito ay kasama ko pa rin ang aking lingkod na si Ria. Pagkarating ko sa silid matapos ang pagkikita namin ni Alexis ay agad niya akong pinaliguan at binihisan ng gintong bestida. Tinrabaho niya ang aking mukha-pinagmumukha akong isang tunay na prinsesa ng Khragnas.

Prinsesa? isip ko. Isa akong alay.

Tsokolateng buhok na may pagka-blonde at kulay tansong mga mata-mukha pa rin akong ordinaryo. Noon pa man ay wala namang kaakit-akit sa akin. Talaga bang magiging maganda akong regalo sa bagong Hari ng Anja?

Nang matapos ang huling tirintas na elegante sa aking buhok, nagtama ang aming mata sa salamin. Huminga siya nang malalim. "Binibini, kung narito lamang ang dukesang Avis, alam kong gagawin niya ang lahat upang hindi ito matuloy."

Si Dukesang Avis ang tumayong pangalawa kong ina pagkatapos mamatay ng aking inang konsorte sampung taon ang nakakaraan sa kanyang higaan. Ngunit ngayon ay wala siya sa Khragnas dahil sa personal na rason. Kung ano iyon ay walang nakakaalam.

Wala siya ngayong pinaka-kailangan ko siya. Pinigilan kong maiyak. "Siguro nga."

Naglagay ng kamay si Ria sa aking balikat. "Ngumiti na kayo, Binibini. Baka naman tsismis lang ang naririnig niyo tungkol sa ginoong pakakasalan niyo." Nanlamig ako. "Baka naman hindi siya kasing-sama ng iniisip nating lahat."

Kaius.

Si Ginoong Kaius ng Morgana, ang pumatay kay Haring Exequiel. Noon pa man ay kilala na ang kanyang pangalan bilang katangi-tanging indibidwal.

Nagwagi siya sa mga pretihiyosong mga kompetisyon sa buong emperyo-tinalo pati ang pinakamabagsik sa labanan at ang pinakamatalino sa palaisipan. Tinatayang isang libo ang napatay niya sa ekspedisyon ng Anja sa malayong mga bansa sa kabilang panig ng mundo; mag-isa. Ang binatang tinawag na 'Ahas' dahil sa paggapang niya mula sa mababang ranggo ng militar tungo sa kinatatakutang posisyon gamit ng kanyang bagsik.

"Ginawa ng Emperador ang Banal na Tipan upang maiwasan ang coup d'état at asasinasyon sa mga namumunong monarkiya sa tatlong kaharian," usal ko. "Bago mo pa man mapatay ang isang tagapamuno, kikitilin na mismo ng sumpa ang iyong buhay kaya paano. . ."

Paano nagawa ni Kaius ang imposible?

"Naroon ako, Ria." Tila nagmamakaawa ang mga mata ko. "Noong sumumpa siya kay Haring Exequiel kasama ng kuya niyang si Cian. Hindi ko maintindihan. . ."

Paano ko pipilitin ang sarili kong lunukin ang takot? Takot-hindi ba iyon ang dahilan kaya't walang dalaga ang nais maging Reyna ng Anja?

Wala. Ni isang babae-kahit ang pinakamagagaling na binibini ng palasyo o ang mga prinsesa kong kapatid-hindi sila nagpaunlak sa paghahanap ng mapapangasawa ni Kaius. Naiintindihan ko sila; kung kaya niyang kitilin ang kanyang sinumpaan, pano pa kaya ang kanyang pakakasalan?

At ako-ako ang alay nila.

Ako ang inatasan sa tungkuling ito. Ang sakripisyong kambing sa lobong gutom. Ang babaeng susunugin upang ialay sa mga diyos. Ang dugo ko para sa kaligtasan nilang lahat.

Para parusahan ako sa pakikipag-relasyon ko sa isang hardinerong Anjan.

Alexis.

Alexis, sana pumayag na lang akong sumama sa'yo. Ngunit wala talagang pag-asa ang kinabukasang iyon.

Bumukas ang pinto at agad na nagyuko si Ria. Bumungad ang napaka-elegante kong kapatid suot ang kanyang gintong kapa bilang Reyna ng Khragnas, ang korona sa kanyang uluhan ay kumikinang sa ilaw ng umaga. Sa kanyang likod at gilid, ang kanyang mga tagapagtanggol-mga babaeng mandirigmang pinangungunahan ni Rhaine, ang Grand Knight.

"Reyna," yuko ko.

"Tawagin mo 'kong Ate Milly tulad ng dati," mabait niyang sabi sa'kin. "Baka matagal ko pang maririnig iyon mula sa'yo, Freja."

Nagbaba ako ng tingin. Kami ni Ate Emily ay malapit na magkapatid noon kahit magkaiba ng ina. Magkaiba man kami ni Ate Milly sa ugali na tila araw at buwan, nabuklod kami dahil sa nakakatanda niyang kapatid. Ang kapatid na kanyang pinakamamahal sa lahat.

Ngunit lahat ng iyon, ngayon ay...

"Patawad," sabi niya. "Naiintindihan mo naman kung bakit kailangan ka naming ipadala doon, hindi ba?"

Ngayong siya'y Reyna na, naiintindihan ko kung bakit hindi niya pinigilan ang pagpapamigay sa'kin. Ayaw niyang mawala ang respeto sa kanya ng korte na matagal niyang pinaghirapan. Kung sasalungatin niya ang desisyon ng mga opisyal para lang sa'kin... Lalo na't kauupo pa lang niya sa trono, baka...

"Opo, Ate Milly." pilit kong ngiti. "Para sa Khragnas."

Nakikita ko ang awa sa kanyang mga mata, at kaluwagan, na hindi na niya ako kailangang pilitin para pumayag. Tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan ngayong nawalan na siya ng aalalahanin. Nais kong magalit-pero hindi ko kaya.

"Freja, may isa pa akong hihilingin sa'yo."

Pumintig ang aking puso.

Ngunit pumatak ang mga segundo at nang magtama ang aming mga mata ni Ate Milly, alam kong panibagong bigat nanaman ito sa aking mga balikat.

"Patayin mo si Kaius."

Nabato ako sa aking kinatatayuan.

"Susumpa ka sa kanya sa inyong kasal at pagbubuklurin kayo ng Banal na Tipan. Pagkatapos ay. . . kikitilin mo ang kanyang buhay."

Naalarma si Ria sa aking tabi. "Kamahalan! Ang hinihingi niyo ay-"

Lumipad ang kamay ko sa aking leeg. Tila sinasakal ako ng isang hindi nakikitang linya, nagbabadyang manakot sa aking pagsuway.

"Oo. Kapag ika'y sumumpa na kay Kaius, syempre ay hindi ka na matatali sa akin. Hindi na hihingin ng tipan na sumunod ka sa utos ko. Kundi sa utos niya." Isang linya ang bibig ng Reyna. "Kaya hindi siya magsususpetsang ipinadala ka namin upang patayin siya. . . dahil alam niyang kung tinangka mo iyon, ay mamamatay ka rin."

Napaso ako ng mga salita. Hindi ako makahinga.

Talaga bang hinihingi nila 'to sa'kin. . .?

Hindi lang nila diniktahan ang buhay ko, kundi nais din nilang isakripisyo ko ang aking buhay para sa kaharian. Iaalay nila ako, hindi lang para iligtas ang mga buhay nila-kundi pati ang konsensya at kaluluwa. At nang hinaplos ni ate Milly ang aking pisngi, wala akong nagawa kundi tumitig sa mapanlinlang niyang mga mata.

Mga mata ng manggagamit sa likod ng bait.

"Alam mong mahal kita, Freja diba?" bulong niya. "Kaya kita pinagkakatiwalaan dito. Ikaw ang magiging tagapagligtas namin. Ng buong emperyo."

Alam mong mahal kita, diba?

Mali ka, Ate.

Hindi mo ako mahal. Hindi ako ang kapatid na mahal mo.

Pero nilunok ko lahat-ang lungkot galit sakit katrayduran-dahil alam ko ang kasalanan ko sa kanya. Kahit hindi niya alam kung ano iyon, kahit hindi niya alan kung sino ang tinanggal ko mula sa kanyang tabi. Dapat lang sa'kin 'to.

Ito ang kabayaran. . . sa pagpatay ko sa kapatid naming si Calla.

Tila umapoy ang linya sa aking leeg, simbolo ng hawak sa akin ni Ate Emily. Nang magsalita siyang muli ay wala nang tamis sa kanyang boses. "Hindi ko pa naririnig ang sagot mo, Freja."

Sa ayaw ko't sa gusto. . .

Ang aking katawan ay susunod sa kanya.

Dahil ako rin ay may kinuha sa kanya. . . matagal na ang nakakaraan. Isang kasalanan na walang kapatawaran.

Nahihirapan man, buong puso ko siyang sinagot.

"Makakaasa kayo, Mahal na Reyna."

࿇ ══━━━━✥◈✥━━━━══ ࿇

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 2.5K 67
(𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐬𝐚 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 �...
20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...