WMAMTG (Unedited)

Da ScarsAreBlind

13.2M 239K 38.7K

WHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who... Altro

When miss ASSASSIN meet the GANGSTERS
CHAPTER 1 - the arrival
CHATER 2 - Oakwood University
CHAPTER 3 - First day Impressions
CHAPTER 4 - Red Night
CHAPTER 5 - I am NOT a GANGSTER!!
CHAPTER 6 - outlaw gangsters
CHAPTER 7 - when his demon awakes
CHAPTER 8 - FRIENDS?
CHAPTER 9 - Ransu~kun
CHAPTER 10 - the Organization
CHAPTER 11 - new friends
CHAPTER 12 -MISUNDERSTOOD
CHAPTER 13 - INVITED
CHAPTER 14 - you messed with the wrong person
CHAPTER 15 - Mysterious Arrow
CHAPTER 16 - Oh no! It's Friday!
CHAPTER 17 - Anino
CHAPTER 18 - Where art thou, Kiyomiko?!
CHAPTER 19 - Mikage Sou!!!
CHAPTER 20 - Gone ...
CHAPTER 21 - Truth behind Lies
CHAPTER 22 - the real her
CHAPTER 23 - trust
CHAPTER 23 - trust PART 2
CHAPTER 24 - Chances
CHAPTER 25 - Dangerous little Secrets
CHAPTER 26 - worst day ever?!
CHAPTER 27 - The Favor
CHAPTER 28 - Here Comes Trouble
CHAPTER 29 - Midnight Madness
CHAPTER 30 -The Witch, The Jerk and The Emperor
CHAPTER 31 - Darker Side of Her Demon
CHAPTER 32 - Evil Plans
CHAPTER 33 - Red Night's 7th Phantom Member
CHAPTER 34 - Back on Tracks
CHAPTER 35 - Drifting Away
CHAPTER 36 - Brother's way
CHAPTER 37 - Saturday Date-saster!
CHATER 38 - Love is Painful
CHAPTER 39 - Saving and Loosing
CHAPTER 40 - Nani wo su beki ka?
CHAPTER 41 - I KILLED HER
CHAPTER 42 - 7th Phantom Member's Challenge
CHAPTER 43 - The Bar Incident
CHAPTER 44 - Unresolved
CHAPTER 45 - Knowing the Enemy
CHAPTER 46 - Let the Game Begins
CHARACTER REFERENCE (Not an Update)
CHAPTER 47 - One Last Date
CHAPTER 48 - Boy's Talk
CHAPTER 49 - He's My ... WHAT?!
CHAPTER 50 - Karupi and the Chameleon?
CHAPTER 52 - Kimochi to Sobetsu kai
CHAPTER 53 - Compromised
CHAPTER 54 - Painful Farewell
CHAPTER 55 - Seal's Last Gift (Part 1)
CHAPTER 56 - Seal's Last Gift (Part 2)
CHAPTER 57 - The Package, His Letter and She's Missing ... Again?!
CHAPTER 58 - Paying Debts
CHAPTER 59 - Importance and Priorities
CHAPTER 60 - The Night the Crow Deiti Cries Blood
CHAPTER 61 - HK Underground
CHAPTER 62 - Gangster King
CHAPTER 63 - Played
CHAPTER 64 - A New Identity: ZERO
CHAPTER 65 - What the Hell?!
CHAPTER 66 - Another Attempt
CHAPTER 67 - A Birthday Special
CHAPTER 68 - A Decision To Make
CHAPTER 69 - Behind Their Mask
CHAPTER 70 - Start of Mafia War
CHAPTER 71 - This is War
CHAPTER 72 - Unexpected
CHAPTER 73 - Hajime no Owari
CHAPTER 74 - Friends and Foes
CHAPTER 75 - It's not yet Over
CHAPTER 76 - Limitation
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 77 - Will To Fight
CHAPTER 78 - New Enemies?
CHAPTER 79 - Red Dragons Triad
CHAPTER 80 - The Trickster's Trick (part 1)
CHAPTER 80 -The Tricker's Trick (Part 2)
CHAPTER 81 - Hide, Seek and Kill
CHAPTER 82 - The Perfect Bait
CHAPTER 83 - The End of War?
EPILOGUE

CHAPTER 51 - Hangyaku to Himitsu

132K 2.1K 337
Da ScarsAreBlind

a/n: update ulit. =)

Nanjiro on the side nga pala ..

Sana maappreciate niyo tong chapter na to .. =)

Sino unang makakuha ng pangalan ng spy sa Famiglia nila Jansen kanya ang dedic next chapter .. =)

PS

Tunay yung code andyan na din yung Key sana mahulaan niyo masaya mag decode promise!

~ScarsAreBlind~

============================================================

CHAPTER 51 – Hangyaku to Himitsu



JANSEN's


Pag umuwi ko kagabi dito sa main house para makausap sana ang assistant ko na nagbalita sa akin tungkol sa spy sa pamilya ay hindi ko na siya naabutan. Brutal na pinatay ng kung sinong traydor ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko. This is bullshit! Hindi ko pa din alam kung sino ang traydor sa pamilya. Isang clue lang ang iniwan sa akin ng assistant ko.

Mukhang alam niya na mamamatay na siya kaya napaghandaan niya ito. Kanina nakuha ko mula sa morgue ang isang strip ng mahabang tela na maya mga letrang nakasulat mula daw iyon sa tiyan niya. Masyadong matalino ang assistant ko, akala siguro ng traydor na iyon ay mapipigilan niya sa pamamagitan ng pagpatay sa taong pinagkakatiwalaan ko ang pag kabunyag ng katauhan niya. Hah! Doon siya nag kakamali dahil oras na madecode ko ang clue na iniwan sa akin, sinisiguro kong pagsisisihan niya ang mga ginawa niya.

Muli kong dinalaw ang silid ng assistant ko. Ibinilin ko sa kanila na huwag iyong gagalawin hanggat hindi ko sinasabi. Iginala ko ang mata ko sa loob ng kwarto at napangisi ako dahil sa alam ko na kung saan ako mag sisimula. Mukha lang magulo ang kwarto niya pero ang totoo, mayroon itong pattern na sinusunod.

Inakyat ko ang pinaka mataas na aparador para makita ang kabuuan ng kwarto in a bird's eye view at hindi ako nag kamali. Ang mga librong sa unang tingin ay nakakalat lang ay may pattern na sinusundan. Hugis mata iyon at sa gitna noon ay isang baseball bat.

Bumaba na ako sa aparador at tinungo ang baseball bat. Inilabas ko mula sa bulsa ng pantalon ko ng strip ng tela na nakuha mula sa tiyan ng assistant ko at sinimulang ibilot iyon gamit ng baseball bat. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Tuso talaga. Isang code ang lumabas.

GDFGCHIOHKCFGJKHJGKCLDLKJHGUGH

DFBVUNKIMGVKPDLTHLIGKJFIDHHGVH

KJHBGJMGNPQWTQGNBOGNLCTGHVTKI

RTYEUWIOPOUMCCBNVMCYGBCNXHML

Agad kong kinopya sa isang notebook ang mga letrang iyon. Gusto ko sanang sa computer gawin ang pagdecode kaya lang masydo ng maraming hackers ngayon, mas mainam pa din ang magpaka old school paminsan minsan.

Tinitigan kong maigi ang mga letra na nakasulat sa hawak kong notebook. Takte! Sumasakit ang ulo ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga librong nakakalat sa kwartong ito. Napadako ang tingin ko sa librong malapit sa pwesto ko.

"Kailan pa siya natutong magbasa ng manga?" nasabi ko sa sarili ko. My eyes widen when realization suddenly hit me. Damn. He's really good.

Agad kong binuklat ang pahina ng librong hawak ko at tumigil sa pahinang may bookmark. Napangiti ako sa nakita ko. Naka underline ang unang letra sa pahinang iyon. Agad kong binilang kung ilang manga books ang may book mark. Twenty six silang lahat. A higher level of Caesar Shift Cipher eh?

GEIKPARWTCNFXZLYUOQMBSDHVJ

"Damn! This is hardcore!" Nasisiyahang komento ko. Agad kong isinulat sa notebook ko ang mga letrang naka underline. Naka ngiti akong tumungo sa lamesa at sinimulang idecode kung sino ang spy.

Nawala lang ang ngiti ko ng mula sa mga letrang iyon ay lumitaw ang isang pangalang napaka pamilyar sa akin. Bakit sa lahat siya pa? I treated him as my second father. He's also the one who trained me.

Bitbit ang notebook na naglalaman ng pangalan ng spy ay agad ko ng nilisan ang kwartong iyon. I need to get to the bottom of this. I need to investigate more further.

Pag dating ko sa kwarto ko ay naagaw ang atensiyon ko ng isang gold na envelope na nakapatong sa study table ko. Dala ng kuryosidad ay binuksan ko iyon. Isa palang inbitasyon para sa auction na gaganapin sa isang cruise ship? Looks interesting. Mas lalong lumaki ang interes ko ng makita ang mga piyesang ipapa auction nila.

"Ang susi ng Pandora's Box. Hahahaha. Paniguradong marami ang mag nanasang makuha yan. Isang antigong punyal na kayang magbukas sa kahong naglalaman ng mga pinaka madidilim na sikreto ng tatlong pinaka makapangyarihang Famiglia sa buong mundo. Worth every penny lalo na kung alam nila kung nasaan ang Pandora's Box."

Ibinalik ko na sa envelope  yung inbitasyon. Marahas kong inilapat ang likod ko sa kama ko. Masyado ng nagiging mgulo ang lahat. Nararamdaman kong malapit ng magsimula ang madugong laban. Sana lang hindi alam ng traydor na ito ang totoo mong katauhan at ang papel mo sa labanang magaganap, Mayonaka. Sana nga hindi niya pa alam dahil baka gamitin niya ang pinsan ko para lang makuha ka.

Napangisi nalang ako.

"Kaya ka kayang protektahan ng mga kuya mo kung hindi naman ikaw ang prayoridad nila? Di hamak na mas mahalaga ang buhay ng taga pagmana ng dalawang angkan kumpara sa taong kumuha at nag tago ng Pandora's Box."

LANCE's



Naalimpungatan ako at labag sa loob na napabangon sa kama ko. Inabot ng isang kmay ko ng kanina pa tumutunog na telepono.

"Hello." Walang ganang sagot ko.

"Son." Napaayos ako ng upo ng marinig ang boses niya. Bigla ko tuloy naramdaman ang sakit ng katawan ko. Hindi pa nga pala tuluyang magaling ang mga sugat ko. Tsk.

"Dad. Napatawag ka?" Tanong ko sa kanya. Bihira lang kasi siyang tumawag eh.

"I'm in the country son, bakit hindi mo man lang ako dinadalaw?" Tila batang nagtatampo ang tono ng pananalita ni dad. Haay di na nag bago.

"Wala namang nabanggit sila mom sa akin eh." sagot ko sa kanya na para bang nang aasar. Kahit naman hindi ko nakakasama ang pamilya ko ay close pa rin naman kami.

"Really? Hahaha gusto ata akong solohin ng mom eh." Grabe parang teen ager lang. Dinaig pa ako eh.

"Whatever dad." Kontra ko sa kanya. Kung hindi kasi ako mag sasalita ay hindi matitigil ang pag tawa niya eh.

"Anyway son, accompany me to a party. I'll e-mail you the details. You can go back to sleep now son. Haha I'll just see you there." Sabi ni dad sabay agad na pinutol ang tawag. Hindi man lang ako pinagsalita. Makabalik na nga lang sa pag tulog, masyado pang maaga para sa school.

KIYOMIKO's




Nagising ako dahil mahinang ingay na nadidinig ko sa sala. Hahayaan ko n asana pero bigla akong tinalunan ng baby ko.

"Ohayoo Karupi." Bati ko sa baby ko. Sinagot naman niya ako ng isang ngiyaw habang nilalaro ng isang paa niya ang whiskers niya. Waah  kawai Karupi~chii. 

Inilapag ko muna siya sa kama at dumiretso na sa cr para maghanda sa pagpsok. Matapos kong magbihis ay kinarga kong muli si Karupi at lumabas na ng kwarto pero natigilan ako dahil sa nakita ko. Damn! Why did I forgot that I have this oh so hot fiancé of mine here in my unit? He's half-naked while sitting in the sofa cleaning his gun.

"Ohayoo okusan." (Goodmorning wife.) Napataas ang kilay ko sa pagbati niya sa akin. Damn this guy. Feeling close lang?

"Nani?" (What?) Inis na tanong ko sa kanya. Natawa naman siya ng bahagya. Kaya lalong napataas nag kilay ko. Pinaglalaruan ba ako ng taong to?

"My dear wife, ayaw mo bang tawagin kitang ganyan o sadyang there's someone in particular na gusto mong tumawag sayo niyan?" Tanong niya sa akin ng may nakakalokong ngiti. Confirmed pinaglalaruan niya nga ako. Kala mo magpapatalo ako ah.

"Hindi naman sa ganon my dear husband, masyado lang akong nabigla." Sagot ko sa kanya at nginitian ko siya ng ubod ng tamis. Wahaha. Natatawa ako sa reaksyon ng mukha niya. Bigla kasing nanlaki ang mata niya at nung makabawi siya ay biglang tumingin sa ibang direksyon. I win.

Aasarin ko pa sana siya kaya lang biglang tumunog ang SIMAN ko at agad ko iyong sinagot ng makita kung sino ang natawag.

"Seal!" Masiglang bati ko sa kanya.

"Tss." I heard Nanjiro hissed kaya napasulyap ako sa kanya saglit.

"Kiyo, good thing you're awake already. Akala ko kailangan ko pang kalampagin ang bahay mo para magising ka." Sagot ni Seal mula sa kabilang linya. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti.

"Haha no need Seal. Ginising kaya ako ni baby." Sagot ko sa kanya.

"Baby? Andiyan na si Nanjiro?" Tanong ni Seal kumunot naman ang noo ko. Ano namang kinalaman ni Nanjiro sa baby Karupi ko?

"Hahahaha." Narinig ko namang tawa ni Nanjiro na nakikinig pala sa usapan namin. Tsk. Tinignan ko naman siya ng masama. Natatawa niyang itinaas ang dalawa niyang kamay na parang sinsabing suko na siya.

"Ano namang kinalaman ng abnormal kong fiance sa baby Karupi ko?" sarkastikong tanong ko kay Seal.

"Hahahahaha." Marahas na naman akong napatingin sa abnormal na si Nanjiro dahil tumawa na naman siya. This time mas malakas na.

"Shut up dear husband! Want me to run my kunai through your throat for you to stop laughing like a psycho?" Sigaw ko sa kanya.

"Got it my dear wife! Eto na nga at pupunta na ako sa kusina para maghain ng makakain mo eh." Natatawa na naman niyang sabi habang papunta na sa kusina bitbit ang baril niya. Bwisit talaga.

"Mukhang nag kakasundo kayo ah?" Narinig kong tanong ni Seal mula sa kabilang linya.

"Nangaasar ka ba Seal? Mukha bang magkasundo kami? Konti nalang dadanak na dugo dito." Inis na sagot ko sa kanya.

"Really? Then what's with that husband and wife thing?" Tanong na naman niya. Natigilan naman ako saglit.

"Nag aasaran lang kami. Siya kasi eh." Naka pout pang sagot ko sa kanya. Narinig kong napabuntong hininga sya. Seal, bakit kasi lumipat ka pa? Tapos iniwan mo p ko sa abnormal na to.

"Pagtiyagaan mo nalang siya. Nga pala diyan ako mag almusal ah. Hahatid kita sa school. Puntahan ko din si dad eh."

"As if naman I have a choice. Bakit kasi lumipat ka pa eh. Bilisan mong pumunta dito ah. Miss na kita." Malungkot na sabi ko sa kanya. Narinig ko namang napahagikgik siya ng bahagya. Lalo ko tuloy siyang namiss.

"Kaw talaga. Miss na din kita. Hindi ako nakapag goodnight sayo kagabi eh. Oh siya, maliligo na ko ng makapunta na diyan agad." Sabi niya at pinutol na rin ang tawag. Napayakap nalang ako ng mahigpit kay Karupi na napapitlag pa ng konti. Siguro dahil sa bigla kong pagyakap sa kanya.

Lumakad na ako papunta sa kusina at naabutang nag luluto si Nanjiro habang nakasuot pa ng apron. Natawa nalang ako sa itsura niya.

"Nanjiro, padagdag naman ng lulutuin mo. Dito daw mag breakfast si Seal." Sabi ko sa kanya. Napaharap naman siya sa akin at napakunot ng noo.

"Bakit daw?" Tanong niya.

"Anong bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Bakit daw siya pupunta dito." Paglilinaw niya. Napairap naman ako sa kanya.

"Ihahatid daw niya ako sa school dahil pupuntahan din niya si Oji~san." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Bakit hindi ba kita kayang isabay pag pasok? Bakit kailangan ka pa niyang ihatid?" Tanong niya ulit.

"Sira ka ba? Isasabay mo ako pumasok?! Gusto mo bang lalong dumami kaaway ko sa school? Maya niyan sugudin pa ko ng mga estudyante mong patay na patay sayo. Di pa mga natuluyang mamatay." Sabi ko sa kanya though pabulong na yung last part. Totoo naman eh. Tsk.

"Natatakot ka sa mga estudyante ko? Hahaha. That's not like you." Makahulugang sagot niya dahilan para ibaling ko muli sa kanya ang tingin ko.

"Hindi ako natatakot, tinatamad lang akong pumatol. Tsk. Magluto ka na nga lang diyan! Pakakainin ko muna tong baby ko. Mukhang nagutom dahil sa kayabangan mo." Sabi ko sa kanya sabay lakad diretso sa fridge para kumuha ng gatas ni Karupi.

NANJIRO's

Ang sarap lng talagang asarin ng babaeng to. Hindi kasi siya yung tipo na nag papatalo eh. Nakikisabay talaga siya ng asaran. Hahaha.

Kanina noong kausap niya si Seal ay halos bumunghalit na ko sa tawa kasi naman halatang nagseselos na si Seal lalo na nung tawagin akong husband ni Kiyo. Paano ko nalaman? Malamang naka hologram ang tawag ni Seal. Kitang kita ko ang ekspresyon ng mukha niya.

Maya maya ay narinig kong sumigaw si Kiyo kaya naman napatakbo ako agad sa sala only to find these guys hugging my fiancé Habang si Seal ay nakatayo lang sa gilid. Ayos lang nman sakin, hindi naman sila kaaway kaya walang problema. Hindi silasagabal sa misyon.

"Waah namiss ko kayo. Ngayon nalang ulit kayo napadpad sa bahay ko." Sabi ni Kiyo sa limang lalaki sa harap niya. Ibig bang sabihin madalas tong mga to dito?

"Did he~" magtatanong pa sana ulit si Kiyo pero pinutol na agad ni Lance ang itatanong niya.

"No. Don't worry." Nakangiting sabi ni Lance na puro gasgas at pasa ang mukha. So, Hitomi did that to him huh?

"But~" Hindi na naman siya pinatapos magsalita pero this time it was Ryuu kaya naman yung simangot ni Kiyo ay napalitan ng pagkagulat. I wonder why.

"Napaaway siya sa outlaws." Sabi ni Ryuu.

"Did you just talk to me?!"Tila namamanghang tanong ni Kiyo. Ano kayang problema nito? Napatingin naman ako sa mga kasamahan nila. Yung iba nakangiti pero yung dalawa, si Raven at Lance, nakasimangot.

"Tss." Sabi lang ni Ryuu kaya naman lumungkot ulit yung mukha ni Kiyo na para bang batang hindi pinansin. Ano naman kayang drama ng dalawang to?

"Tss. Lika nga dito. Pupunta ba ako dito kung di kita kayang harapin huh Yomi? Stupid little sister." Sabi ni Ryuu kay Kiyo sabay yakap. Nakita ko pang parang may binulong si Ryuu kay Kiyo kaya mas napahigpit yung yakap ni Kiyo kay Ryuu. Okay. Napapatagal na yung yakap.

"Ehem." Kunyaring pag ubo ko para mapansin nila ako. Napatingin naman sila sa akin at nanlaki ang mga mata nila. Hahaha. Lalo na yung tatlo. Si Ryuu, Lance at yung Martin ata yun. Hindi pa niya ata alam na fiancé ako ni Kiyo. Si Ryuu naman napabitaw na agad kay Kiyo. Tsk. Dapat lang aba.

"Sir? Anong ginagawa niyo dito at bakit wala kang damit?" Gulat na tanong niya sa akin at napakunot noo naman ako. Oo nga pala, wala akong suot na tshirt. Sanay kasi akong nakaganto lang sa bahay. Eh hindi naman nag reklamo si Kiyo kaya di na ako nag bihis.

"Tsk. Magbihis ka nga! Laslasin ko yang katawan mo eh." Singhal sa akin ni Kiyo. Napailing nalang ako. Mukhang nagiging komportable na siya sa akin dahil lumalabas na ang tunay na ugali niya. Ang sadistang si Kiyo. Hahaha. Pumasok ako sa kwarto para magbihis at paglabas ko, nakita kong magkatabi si Seal at Kiyo sa one seater na sofa habang kandong ni Seal si Karupi.

Napadako ang tingin ko kay Lance na matiim na nakatitig kay Kiyo. Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya sinalubong niya ang tingin ko. Aba, lumalakas ang pakiramdam ng isang to ah. Nginitian ko nalang siya.

Pumasok ulit ako sa kwarto ko at kinuha ang limang baril. Total naman kumpleto sila ngayon. Palabas na sana ako dala ang mga baril ng maalala kong hindi nga pala alam ni Kiyo ang tungkol sa pagsasanay nila. Tsk. Iniwanan ko nalang muna ulit ang baril sa kwarto ko at lumabas ulit.

"Guys, kain muna tayo sa kitchen." Aya ko sa kanila ng makalabas ako ng kwarto. Nagsitanguan naman sila.

Naunang pumunta sa kusina si Kiyo at yung iba. Naiwan sa sala si Seal, Ryuu at Lance. Napangisi naman ako. Mukhang alam nila ang gusto kong iparating ah.

"Seal, pwede bang mauna kayong umalis mamaya ni Kiyo? May ibibigay ako sa Red Night na hindi niya pwedeng makita." Mahinang pakiusap k okay Seal. Tumango naman siya bilang pag sang ayon.

"Ryuu, sabay sabay na tayo pumunta sa school." Sabi ko kay Ryuu at tumango naman siya.

Matapos ko silang kausapin ay sumunod na din kami sa kusina at naabutang kumakain na sila Kiyo. Di man lang talaga nag antay tong pasaway na babaeng to. Napa iling nalang ako. Umupo ako sa tabi niya at nag simula ng kumain.

Matapos naming kumain ay inaya na nga agad ni Seal si Kiyo paalis. Ayaw pa nga sana niyang mauna eh. Nakipag talo pa kay Seal, pero wala rin siyang nagawa ng si Lance na ang nag salita. Natatawa nalang ako sa mga nangyayari.

"Whoa." Komento ni Martin matapos kong ilabas yung mga baril at ilapag iyon sa lamesa sa gitna ng mga sofa.

"Kyohei said you know how to fire this." Saad ko sa kanila at nagsitanguan naman sila. Mabuti naman kung ganoon.

"Pili nalang kayo. Sa inyo na yan." sabi ko ulit sa kanila.

"Wow. Talaga? Ayos. Madadagdagan na naman ang koleksiyon ko." Tuwang tuwa na sabi ni Kurt. Napataas naman ang kilay ko.

"I already have one. You know about it right? Baka magtaka pa yung nagbigay kung madadagdagan pa ng isa ang baril ko." Saad naman ni Lance. Oo nga pala, binigyan siya ni Hitomi ng baril.

"Yeah." Tipid na sagot ko.

"Lance, may baril ka? Kalian pa? Tska sino nag bigay sayo?" Tanong ni Kurt kay Lance. Napansin kong tila natigilan saglit si Lance bago sumagot.

"Yeah, binigyan ako ni Kyohei." Sabi ni Lance. Usotsuki. (Liar) Napangisi naman ako. Napansin kong nag katinginan saglit si Raven at Lance. Keeping secrets among friends huh?

"Ganon ba? Anyway, sir Syuusuke, bakit nga pala nandito kayo sa bahay ni Kiyo?" Tanong sa akin ni Martin. Hindi pa rin ba nila sinasabi?

"I'm her husband." Sagot ko sa kanya habang nakangisi sabay baling ng tingin kay Lance. Hahaha. I am so enjoying this mission.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.1M 35.6K 78
[COMPLETED] Gugustuhin mo bang tumira sa iisang dorm kasama ang limang hot guys with different personalities? Umm maybe the real question is... kaya...
576K 17.4K 31
[[THE QUEENS SERIES III: The Noble Queen]] She's the epitome of a queen. - This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events a...
539K 19.3K 28
EMPIRE HIGH Book II "He died. I died. They'll die."-Empress Fuschia M. Morrigan Death is always upon her. Hunting and Dragging her there. She's used...
38.2K 560 100
Halo-halong mga tula, salitang aking binuo at nilikha Kalungkutang nakatago sa aking puso, emosyong patuloy na umuusbong Pangungulilang nadarama, na...