Paper Stars (Self-Published)

By iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... More

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 5

2.6K 87 9
By iamsayaallego

KABANATA 5



Nasa loob kami ng library kung saan ako kasalukuyang naka-'detain'. Hindi pa tapos ang salo-salo pero nang dahil sa nangyari kanina ay baka mapaaga ang uwian ng lahat.

I stared at my broken sword at mariing napapikit sa naalalang pangyayari kanina when I got out of the CR to perform my sword skills in front of the headmaster.

I remembered how his eyes grew big when he saw me on my outfit with a sheathed sword in hand. I remembered how everyone erupted in panic seeing me perform my act in front of them. I remembered the stinging pain from Dice's hand on my cheek.

I remembered Mimi's protective arms around me soon after. I remembered seeing Gene's back in front of me as he defended me against all of them. I remembered the twins crying beside me, hugging each of my legs.

Sumisikip ang dibdib ko sa naalala pero ininda ko iyon. Masakit pa rin ang siguradong namumula ko ngayong pisngi pero ininda ko rin iyon.

"What an epic failure!" I thought as gripped my worn out sheath.

"How dare you let your curse of a daughter make a joke out of a samurai performance and call it a display of superior sword skills? What an insult to all our samurai fathers!" Dinig kong asik ni Dice.

Nandito ang mga anak ng upper branch line. Gene is here and is still defending me. Cute's also here to pacify his brother. Si Hans naman ay kasama sina Kyo at Kira na nakatayo di kalayuan sa kanilang mga ama. Nag-uusap sina Hans at Kira habang binibigyan ako ni Kyo nang matatalim na titig.

"Don't call my daughter a curse! Hindi siya sumpa and what she showed us out there is by far the most superior sword skills anyone has ever seen! Hindi mo lang maamin sa sarili mo that she could do better than any Cross in this sick of a family!"

"Yuujin!" Sabay na saway nina Cute at Hans dito.

Dice scoffed at his son's remarks.

"Superior? She's just a girl! No girl is ever superior to a man! She's weak! Kung ilalaban natin siya against the weakest of our clan, nilalangaw na siya ngayon!" Mas humigpit pa ang hawak ko sa sheath ng aking espada.

"I won't allow you to speak about her that way! She's still a Cross, baka nakakalimutan niyo! Apo niyo rin siya kasi anak ko siya!" Galit na sumbat ni Gene na ngayon ay inaawat ni Cute dahil akma na itong susugod sa kanilang ama.

Dice released another scoff.

"And I've never been so disappointed," sumbat nito sabay hagod ng tingin sa sariling anak bago sinulyapan ang kanyang kapatid. Tumikhim ito pagkatapos.

Napapikit ako habang iniinda pa rin ang sumisikip kong dibdib. Gene doesn't deserve any of this shit. This is enough.

"Do you see what you've done to this family, Kurozawa Ayana?" His voice was firm and hateful. I stared at him dead straight in the eyes.

"You're destroying it like a curse that you are! And you won't stop until you've completely destroyed my family the way you destroyed yours."

"Chichiue!"

"Aniue!" Magkasabay na alma nina Cute at Gene sa sinabi nito pero huli na ang lahat.

Tiim-bagang akong napayuko sa narinig.

"Make sure you don't let that curse out of this room and further ruin this already ruined party," pagkakuwan ay matulin at taas noo itong lumabas ng silid. Sumunod naman kaagad sa kanya si Hans matapos nagbigay galang kina Cute at Gene. Tinapik niya rin ang mga balikat ng kanyang mga pinsan bago lumabas.

"Damn it!" Umalingawngaw ang sigaw ni Gene matapos sipain ang isang silyang malapit sa kanya.

"Will you calm down?! Huwag mong daanin sa init ng ulo ang sitwasyon!" Asik ni Cute sa pamangkin, "Kahit gaano kaanghang pakinggan ang mga salita ng iyong ama, ama mo pa rin iyon!"

Enough.

"He just hurt my daughter! Sa harapan ko pa!"

Enough.

"And there's no excuse for that, of course! Mali ang ginawa niya, alam natin iyon. But to answer a mistake with another mistake will not make things right! Si Aya pa rin ang maiiipit dito. Siya pa rin ang magiging kawawa!"

"Enough!" Natahimik ang lahat sa bigla kong pagsigaw.

Mabilis ang pag-taas-baba ng aking mga balikat sa galit na nadarama para sa sarili. Gusto kong umiyak sa inis! Gusto kong parusahan ang sarili ko! I did this to Gene! I already told myself not to give him troubles pero heto na naman at pinahihirapan ko siya! I'm an idiot! Stupid! Useless! Worthless!

Napapitlag ako nang bigla akong daluhan ng nag-aalalang Gene. Kasunod niya si Cute na nag-aalala rin. Nakatayo pa rin sa may pintuan ang magmamatyag na mga anak nito. Bakas ang pagkagulat sa nasaksihan.

"Are you alright, Aya? Masakit pa rin ba? Let me see your che..." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil agad kong pinaalis ang kanyang papahaplos na kamay. Tila nabigla siya sa aking inasta.

"I'm alright, Gene. Don't worry too much. Sanay naman ako sa sakit dahil sa araw-araw kong pag-eensayo ng martial arts. This is nothing. I'm fine," malamig kong sambit nang hindi siya tinitignan sa mata.

"This is not fine, Ayana!" Napapitlag ako sa pagtaas ng kanyang tono at napalingon ako sa namumula na niyang mukha.

"I will not allow my daughter to settle with being fine after getting hurt like that! For once, cry! Magsumbong ka sa akin kung saan banda ang masakit. Huwag mong tiisin lang lahat. Magsumbong ka sa akin at gagawin ko ang lahat, sa abot ng makakaya ko bilang tumatayong ama mo, maibsan lang ang sakit na nadarama mo!"

Napasinghap ako sa kanyang mga sinabi. Gusto ko sanang sumuko na lang, yumakap sa kanya at humagulhul but if I do that para ko na ring inamin sa sarili kong tama nga ang mga paratang nila - na mahina ako. I bit the sides of my mouth to stop myself from giving in.

Lumuhod si Gene sa harap ko't marahang ikinulong sa kanyang mga palad ang aking mukha. His eyes reflected his love for me as his daughter.

"Pakiusap, anak, huwag mong sabihing okay ka lang gayong alam nating hindi naman talaga. Kasi kapag nasasaktan ka, nasasaktan din si daddy," parang dudugo na ang bunganga ko kakakagat para lang pigilan ang mga nagbabadyang luha, "At sa tuwing tinitiis mo ang sakit, mas lalo akong nasasaktan," muli akong napasinghap sa sinabi niya.

Pakiramdam ko ilang sandali na lang at matitibag na ang mga pader na itinayo ko sa aking puso. At hindi iyon matatanggap ng pride ko. Paulit-ulit kong inaalala ang mga salitang binitawan ni Dice at agad nitong pinapatatag muli ang mga pader sa paligid ng aking puso.

With renewed resolve, I, once again, shove Gene's hands away. Hindi nakawala sa akin ang kaagad na pagdaan ng sakit sa mukha nito.

"I said I'm fine, Gene. I'm fine," matigas kong sabi rito, "Kasalanan ko rin naman iyong nangyari kanina. If I didn't provoke them by coming out dressed as a man..."

"Buti naman at alam mo," napalingon kami sa nagsalita. Si Kyo.

"Kyo!" Saway ni Cute sa kanyang anak.

"What did you just say?" Malamig na tugon ni Gene sa pinsan.

"I just agreed with her statement. Anong mali roon?" Sagot pa nito bago niya ako tinapunan ng matalim na tingin. Kaagad namang pumagitna sa amin si Gene, hiding me from his cousin's line of sight.

"Am I talking to you?" Malamig pa ring tanong ni Gene.

Kyo clicked his tongue as response.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ang ama niya?" Paghahamon ni Gene sa pinsan. He's the beta. Walang magagawa si Kyo kung hindi ang manahimik at sundin ang bawat utos nito.

Hindi ko na alam kung anong hitsura ni Kyo pagkasabi noon ni Gene. Basta narinig ko na lang ang marahas na pagbukas at padabog na pagsara ng pinto. Halos kasunod noon ang pagtawag ni Kira sa kapatid kasunod ang panibagong pagbukas at pagsara ng pinto.

Nagbuntong hininga na lang si Cute sa nangyari. Agad naman akong ginapangan ng konsensiya.

'You're destroying this family!'

Wala sa sarili akong napahawak sa pendant ng aking kwentas.

"Ayana," napatalon ako sa pagod na boses ni Cute, "Alam kong hindi madali para sa iyo ang lahat ng ito. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa mga sinabi ni Daisuke sa iyo kanina. Sometimes we say things at the heat of the moment without thinking them through. Hindi mo man aminin na nasaktan ka sa mga binitawan niyang salita, humihingi pa rin ako ng despensa," he said bago bahagyang yumuko.

"Please raise your head, Cute. I don't deserve such gesture. But I appreciate your kindness," sabi ko bago nilingon ang nakatagilid na bulto ni Gene, nakaigting ang panga at nakahalukipkip.

"Gene," tawag ko rito at parang bolang nawala ang poot sa mukha nito at napalitan iyon ng pagsusumamo.

"May kailangan ka, Princess?" Mabilis niya uli akong dinalo.

Seeing him like this weakens my resolve. I can't allow myself be easily swayed by my emotions. I cleared my throat as I cleared my heart with these useless feelings.

"I'm fine, Gene. For now, I just want to be alone. Can you give me that?" Pagod niya akong tinignan at tila aalma siya sa gusto ko. Ngunit tumango rin siya sa huli.

"Alright, Princess, I'll give you time alone. But if you needed me, nasa labas lang ako ng pintuang iyan, you understand?" Sabi nito sabay turo sa mga pintuan ng library. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Okay. Be safe here," huli nitong sinabi bago ako mabilis na hinalikan sa ulo.

I stared at their retreating backs and felt my world getting emptier. Gusto ko silang sundan at magmakaawang huwag akong iwan but that would only mean I'm not strong enough. Ikinuyom ko na lang ang aking mga palad at iniwas ang aking paningin away from them.

But when I heard the doors closed, parang may kumurot sa puso ko at binalot ito nang matinding kalungkutan. I ran to the doors before I could stop myself.

Pero nang nasa harapan na ako ng mga pintuan, hindi ko naman maigalaw ang mga kamay ko. I couldn't even call out to him.

He's just outside! How hard can it be?

I gathered all my strength so I could raise my hand and turn the knob. Hindi ko pa masyado nabubuksan ang pinto, nakita ko ang likod ni Gene na malapit lang dito. Kasalukuyan niyang kausap si Mimi. Pansin kong wala sa paligid ang mga kambal. Okay lang kaya sila?

Lalabas na sana ako pero ginapangan na naman ako ng takot. Takot na baka mapahamak ko na naman sila. I'm not allowed to get out of here after all. Akma na sana akong babalik sa loob nang mahagip ko ang pinag-uusapan nila.

"I failed her again, Mi," muli akong napalingon sa malungkot na likod ni Gene.

"I wanted to protect her but everytime I do, mas lalo lang siyang napapahamak. I'm a failure as a father," hinagod ni Mimi ang likod ng kanyang asawa para i-comfort ito.

Napaatras ako sa narinig.

No, you're wrong, Gene. You're not the failure, I am! Hindi sana ganito ang takbo ng buhay mo kung wala ako rito, kung hindi mo ako kinupkop. You're a Beta! You're supposed to be the second in rank! You deserve their respect and adulation! Yet now your own father, a beta of his own, branded you as a disappointment. It's all my fault. Mine.

"I should have done more for her. I want to give her everything she deserves and she deserves more than just acceptance from this family. She's..." Hindi ko pinakinggan pa ang mga sumunod niyang sinabi at tahimik na lang na isinara ang pinto.

Saglit akong sumandal dito as I try to compose myself. This was not what I wanted for today. I just want the headmaster to finally see me as someone worthy of his name. But why is this so difficult to accomplish?

Huminga ako nang malalim in the hopes that it would sooth my bothered mind. From this distance, napansin ko ang isang itim na grand piano. Luminga-linga muna ako sa paligid to make sure na walang ibang tao bago ko ito nilapitan.

I lifted the keys' cover and lazily ran my fingers on them. The piano produced quiey sounds dahil sa aking ginawa. I looked at for a while longer bago ko napagpasyahang subukang patugtugin.

Umupo ako sa silyang nasa harapan ng keys. Nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko nga o hindi. At kung itutuloy ko man, anong pyesa ang tutugtugin ko?

'Play Louise's favorite song, Arianne...'

Biglang pumasok ang alaala ni Louise noong masyado na siyang mahina para tugtugin ito on her own. And I get to play her all sorts of pieces. Pero may isa talagang piece ang paboritong paborito niya.

Iyon na ang tinugtug ko.

Memories of my childhood came rushing to my head. Iyong pagpunta namin ni Louise sa lawa para mamingwit ng isda. Iyong pagturo niya sa akin kung papaano magburda. Iyong pagpipinta namin sa balcony ng mansion. Iyong mga pagkukwento niya tuwing gabi bago ako matulog.

Ang simple lang buhay ko noon. True, I was constantly asking her for my parents, pero masaya ako sa mga panahong iyon. The only time I could remember being truly happy.

Nang matapos na ang pyesa ay nagulantang ako nang may biglang pumalakpak at agad na hinanap ang pinanggalingan noon. It wasn't Gene, that's for sure.

"Anong ginagawa mo rito?" Diretsahan kong tanong sa lalaking nakasuot ng puting kimono na may nakadesinyong mga itim na ibon. Nakasandal ito ngayon sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip.

"My name's Shun. Himamura Shun. But everyone calls by my english name, Sean," hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking kilay.

I've read about his name on one of the families' files before. He's the heir to the Himamura pharmaceuticals and hospitals.

"Did I ask for your name? I asked what you're doing here," Nakatayo na rin ako ngayon at naghalukipkip.

"Bakit? Bawal na bang pumasok sa library ng bahay na ito? I thought this was one of the rooms we're free to use without permission?" Pa-cool na sagot nito.

He was eyeing me like he's found something funny sa aking mukha. Kumunot lalo ang noo ko sa kanyang ginagawa.

"I'm sorry but the library's been reserved right now as it serves as my prison cell until the final visitor bids his farewell," taas noo kong sagot rito.

I just want him to go away and leave me alone. Where the heck is Gene at hinayaan niya lang makapasok ang isang ito?!

Looking closely, he's actually not bad looking. May hitsura naman siya. Walang kapintasan in that department. Matangkad. Maputi. Matipuno ang pangangatawan. Bumagay din ang suot niyang kimono sa kanyang aura. Mukha siyang malinis at matino.

Napansin niya siguro ang paninitig ko sapagkat napatingin ito sa kanyang sarili.

"What? May marumi ba sa mukha ko? Sa damit ko?" Anito sabay hanap ng dumi sa kanyang suot.

"Wala," tipid ko lang na sagot bago muling umupo at itunuon na lang paningin sa mga pyesa ng piano. Siguro naman ay mapapagod din iyan maya-maya at kusa na lang na aalis.

Padarang akong tumugtog ng mga nota nang napatingala ako sa ngayon ay madilim ng kalangitan. Hindi ko namalayang gabi na pala. Marami rin bang makikitang mga bituin dito?

'If you see a falling star, close your eyes and make a wish! And then by the time you open your eyes, your wish will come true.'

Bigla kong naalala laging kinikwento sa akin ni Louise noong mga panahong naniniwala pa ako kay sa Santa Claus at sa mga fairy tales. As I grew older, mas lalo kung napagtantong sa mga libro mo lang makikita ang mga ganoong storya. They can't happen in real life. Especially if you're living mine.

"Why play sad notes?"

Muli naman akong napapitlag nang magsalita si Himamura. This time, he's right in front of me, leaning his right elbow on the piano.

"Shit! Pwede bang huwag kang manggugulat?!" Asik ko rito na kaagad kumunot ang noo.

"Your language, my lady," pagpapaalala nito sa akin.

"Today's an exemption kasi mainit ang ulo ko kaya ayaw ko na munang magpaka-lady," I said bago ako tumayo.

Napasilip ako sa labas at dinungaw kung nagsilabasan na ba ang mga bituin. Oh, I think I saw a few!

"Maybe," Pagkasabi noon ay muli ko siyang nilingon at nagtama ang aming mga mata.

Saglit siyang natigilan at napaamang as he gazed upon my blue ones. Nang hindi pa rin siya umiimik ay ipinilig ko ang ulo sa isang banda at tinaasan siya ng kilay. That finally got his attention. He straightened his back as he looked away.

Hindi nakawala sa akin ang pamumula ng kanyang leeg. Inisip ko na lang na baka may allergies siya sa mga silk na tela kagaya ng suot niya ngayon.

Tumikhim muna siya bago niya ako muling binalingan.

"Uh... I mean, given how you're dressed and the way you showcased your skills like a true swordsman. Who would have thought that you were also that elegant lady from a little while ago who gracefully entered the party and made her way to her seat?" He said.

Ngayon, maging ang kanyang mga tainga ay namumula na rin! Kumunot ang noo ko sa nasaksihan. He could just change into something else kung allergic naman pala siya sa tela na iyan. Well, none of my business.

Hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy ang ginagawa. I was thinking maybe I'd play a piece by Mozart. Napatingala uli ako sa madilim na kalangitan. Little Star perhaps?

Nasa kalagitnaan ako ng pagtutugtog when I felt the cushion beside me moved. Kumunot muli ang noo ko sa nangyari. Napatigil ako't matalim na tinignan ang mapangahas na tumabi. Dumungaw lang ito at nginitian ako. Bigla namang naglitawan ang mga dimples nito on both sides of his cheeks.

"Please continue. I just wanted to take a seat kasi kanina pa sumasakit ang mga binti ko," sabi nito pero hindi ako gumalaw at nagpatuloy lang sa aking paninitig sa kanya.

Is this guy thick or what? Hindi niya ba maintindihan that I wanted to be left alone? O sadya lang talagang hindi siya marunong bumasa ng sitwasyon?

Nawala ang ngiti nito nang mapansing hindi pa rin ako gumagalaw. Mataman niyang pinagmasdan ang aking mga mata. Ngunit ilang sandali lang ay nag-iwas siya ng tingin at dinungaw ang mga pyesa.

"I can play some notes, too, kung pagod ka na," he said bago niya sinimulang tugtugin ang isa pang pyesa ni Mozart.

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at muli ko na lang tiningala ang kalangitan. I want to see the night sky.

"Can you lie?" Bigla kong tanong sa katabi.

Natigilan siya sa pagtugtog at ramdam ko ang kanyang paggalaw para harapin ako. Marahan ko siyang tinangala at muling tinanong.

"Can you lie?"

Pansin ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng kanyang bibig.

"It depends on who's asking," sabi nito sabay halukipkip.

"I am," walang pag-aalinlangan kong sabi habang mataman siyang tinitigan.

Panandalian na naman siyang napatigil at napatitig sa aking mga mata. I saw how his black irises contracted and then relaxed in a matter of seconds.

"May I ask why?" Tanong nito.

Tinitigan ko siya sa mata. Bahagya siyang napaatras sa aking paninitig pero hindi tulad kanina, hindi na niya ito iniwasan. His eyes were soft and full of unspoken promises. Mapagkakatiwalaan ko ba ang isang ito?

Puna ko ang pagpilig nito sa kanyang ulo, hinihintay ang aking isasagot.

"Because I'm about to do something crazy and I want you to cover for me," diretso kong sabi nang while holding his gaze.

Something in his eyes flickered. Was that concern? Doubt? Fear?

Ilang saglit lang ay bumuntong ito ng hininga.

"And may I know what this something crazy is, my young lady?" Tanong nitong muli na may pagdududa sa tono ng boses.

Kumunot ang noo ko sa kanyang inasta. Mali ba ang basa ko sa taong ito?

Napansin siguro niya ang pagbabago ng ekspresyon ng aking mukha dahil kaagad naman niyang inayos ang kanyang sarili.

"I want to see the stars," sambit ko rito.

Napakurap siya nang ilang beses sa sagot ko na tila hindi makapaniwala.

"If that's all you want, you can just walk through that door and go outside. That's not something someone would peg as crazy. That's pretty normal, my young lady," sabi nito habang tinititigan ako nang mga matang tila nahahabag.

Lalo pang dumipena ang kunot sa aking noo. Is he sorry for me? Or does he think I'm too innocent to call stargazing 'crazy'? Maybe he thinks I'm too stupid?

"That's not what I meant when I said I'd do something crazy," nagtatagis ang ngiping usal ko. Pinipigilan ko ang aking sarili na mainis at baka mailampaso ko ang mala-anghel na mukha nito.

"Oh? Akala ko ba sabi mo you want to see the stars?" Tanong nito and I never felt so insulted. Iniinsulto nito ang aking pag-iisip. Ginagawa akong bata.

"Yes, I do want to see the stars," tiim-bagang kong sabi, "But when I said I'd do something crazy, I meant this," walang seremonya ko siyang iniwanan at mabilis na tinalon ang isang nakabukas na bintana.

"Lady Aya!" Narinig kong sigaw nito pero sa mga oras na iyon ay inaakyat ko na ang puno ng Sakura na katabi lang ng bintanang pinanggalingan ko.

"Oh God, Ayana, please come down. That is dangerous. Baka masaktan ka!" Dinungaw ko siya mula sa aking pwesto. Nasa sanga ako ngayon na nasa boundary ng bakod ng estate kung saan mas makikita ko nang maayos ang mga bituin.

Nakatingala sa may bintana ang ngayong namumutlang Himamura. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Sinimangutan ko siya.

"I don't remember ever giving you permission to call my name like that," I said as I gave him a sharp glare.

"I'm sorry, my young lady. I won't do that again, just please, come back down. You don't have to climb up there just to see the stars. I'll ask Gene's permission to take you outside so you could see them. Please? It's not safe," pag-aalala nito.

Hindi ko mapigilang matawa sa mga sinabi niya.

"Were you really there when the commotion erupted? Kaya ako nakakulong sa library na iyan ay dahil ayaw nila akong palabasin hangga't may mga panauhin pa. Kahit ikaw pa ang tagapagmana ng angkan niyo, your words would be meaningless to a Beta of the Cross," maanghang kong sambit.

I saw how he opened his mouth to say something but then realized na wala rin siyang maisasagot kaya itinikom niya na lang ito. He could only stare at me with eyes that reflected his helplessness.

Bigla naman akong tinubuan ng konsensya sa kanyang ipinakita. Nag-iwas ako ng tingin at tumingala na lang sa langit. I was right. Kitang-kita rito ang mga bituin. It's just like North Carolina's night sky.

"Huwag kang parang timang diyan. Sandali lang naman ako rito," sabi ko nang hindi inaalis ang paningin sa mga bituin. Alam kong nakatanaw pa rin siya kahit hindi siya nagsasalita.

"At saka, sanay na akong umakyat sa mga puno," dagdag ko pa as I tried stepping further para mas malawak pang kalangitan ang aking mapagmamasdan.

"Please be careful," mabilis akong napadungaw sa kanya nang marinig iyon. Something about his worried look tickled me at hindi ko napigilang matawa.

"Ano ka ba? You're starting to sound like Gene. Okay nga lang ako," sabi ko as I took another step forward.

"See? Hindi ako mahuhu..." Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla na lang nabali ang sangang tinungtungan ko.

"AYA!" Nakita ko pa kung paano nanlaki ang mga mata nito bago kami pinaghiwalay ng pader sa pagitan namin.

The next thing I know, I fell on someone else's head.

"What the f*ck?!"

Napangiwi ang mukha ko sa sakit ng aking pagkakahulog. Medyo may kataasan ang punong iyon kaya sumakit talaga ang pwetan kong napaupo sa matigas na semento.

Wait. I did fall on someone, right?

"Ikaw na naman?!" Mabilis akong napatingala sa nagmamay-ari ng boses at ganun na lamang ang aking pagkabigla to see those pair of emerald eyes once again.

He was scratching his head as he looked up to where I came from. Nakanguso na siya nang dinungaw niya akong muli.

"Bakit ba sa tuwing nagkikita tayo palaging pabagsak ang entrance mo? Ano iyon? Trip mo sa buhay?" Sunud-sunod nitong tanong na nagpangiwi sa mukha ko.

Kung makapagsalita para bang ginusto kong siya ang laging nasa sa paanan ng babagsakan ko. Buti sana kung sinasalo niya ako every time, hindi naman.

"Hoy! Sumagot ka nga!" Napapitlag ako sa lakas ng sigaw niya.

"What are you doing here?" Kunot-noo kong tanong habang pinagmamasdan ko siyang minamasahe ang siguro'y natamaan niyang leeg.

Tinaasan niya lang ako ng kilay sabay hagod ng tingin sa aking kabuuan.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? At bakit ganyan ang suot mo? Cosplay?" Napatingin ako sa suot kong Samurai attire at napanguso sa sinabi nito.

Cosplay? Really?

"I asked you first," sabi ko na lang saka sinubukang tumayo. I did some self-check first. Medyo masakit ang balakang ko at mahapdi ang kamay. But other than that, wala na. No broken bones.

"Anong you asked me first? Tinanong kita kanina, hindi mo sinagot. Instead, tinanong mo rin ako... Teka nga, nililito mo lang ang usapan eh. Ano bang ginagawa mo roon?" Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niyang direksyon ng main house, "Mansyon iyan ng mga Cross, anong ginagawa mo roon? Isa ka ba sa mga bisita nila?" Hindi agad ako nakasagot.

I contemplated if I should tell him the truth.

"Aha! Siguro isa ka sa mga kinuha nila para magperform ng isang kendo performance," pagko-conclude nito kahit hindi pa ako sumasagot.

Hindi na lang ako umimik.

"O, ba't hindi ka naman sumasagot? Tama ba? Tama ako, hindi ba?" He asked, his eyes were playful.

I've never thought that eyes could be beautiful like that.

"Hoy!" Napapikit ako sa pagkagulat.

"Pwede ba? Kung maka-hoy ka naman..." Angal ko habang pinapagpagan na ngayon ang mga alikabok sa damit ko.

"Eh, hindi ka naman kasi nagsasalita. Nababakla ka na naman katititig sa mukha ko," napabaling ako sa kanya at napaawang ang bibig sa narinig.

Nang makabawi ako ay simangot agad ang namuo sa aking mukha habang matalim ko siyang pinagmamasdan. Kasalukuyan niyang sinusuklay ang kanyang medyo magulong buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Bakla ka diyan. Putulin ko iyang pagkalalaki mo nang makita mo!" Asik ko sa kanyang namilog kaagad ang mga mata.

"Grabe nito, o! Hindi man lang mabiro! At talagang sa lahat ng ipananakot mo, ang pagputol pa talaga sa alaga ko ang napili mo?!" Anito sabay hawak sa banda kung saan nakapwesto ang kanya.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin at hindi niya naman iyon pinalagpas.

"Kung makaiwas ng tingin parang wala ka nito," agad akong napakisnot sa narinig.

Eh sa wala naman talaga! Kung pwede nga lang, matagal ko na sanang pinakabitan itong sa akin. But even that wouldn't be enough.

"E, ano naman ang ginagawa mo rito?" Pag-iiba ko ng usapan.

Agad naman siyang napalabi at nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko sa kanyang inasta. I stood on one foot at naghalukipkip habang hinihintay ang kanyang isasagot.

"Hoy!" Tawag ko rito na siyang nagpapitlag sa kanya.

"Kung maka-hoy ka rin parang hindi mo ako kilala, ah!" asik nito habang pinanlilisikan ako ng mata. Nanlilisik ang mga ito pero wala akong maramdamang galit mula rito.

"E, hindi ka rin naman kasi sumasagot," pagdadahilan ko na lang pero ang totoo niyan ay gusto ko lang talagang makabawi sa pagho-hoy niya kanina sa akin, "Siguro akyat-bahay gang kayo, ano?" Nanlaki ang mga mata nito sa huli kong sinabi.

"Anong akyat-bahay? Kasasabi ko lang sa iyo kahapon, hindi ba? Marangal ang grupo namin..." Bigla na lang siyang natigilan sa kalagitnaa ng kanyang pagsasalita na tila ba'y may naalala.

Ilang sandali pa ay mabilis siyang napatingin sa akin. His eyes were hinting some mischief. Napanguso na lang ako sa napuna.

"That's right," bigla nitong usal, "Buti na lang pala at nakita kita," tumaas ang kilay ko sa narinig.

Kani-kanina lang nagrereklamo dahil nabagsakan ko na naman siya. Ngayon, mabuti raw na nagkita kami? Masaya siya, ah?

"Sumama ka sa akin."

Wait, what?

Nang hindi ako gumalaw, bumalik siya sa kinatatayuan ko. He grabbed my right hand and pulled me with him. Napadako ang tingin ko sa nakahawak niyang kamay at napangiwi nang may kakaibang bumulusok na tuwa sa puso ko.

Teka, tuwa nga ba talaga iyon? Kaba? O baka naman takot? Takot?

I knew I was missing something important that would definitely have something to do with fear. What was that? Napangiwi ako dahil wala akong maisip. Did I hit my head on the ground as I fell?

Nahinto lang ang pag-alala ko nang bigla akong nabangga sa matigas na likod ng may hawak sa akin. Napalingon ito sa akin at kunot-noo akong tinitigan.

"What?" I asked pero hindi niya ako sinagot.

Instead, tinalikuran niya at tila may kinuha mula sa kung saan. Nang nakaharap na siya uli sa akin, isang helmet ang inilahad niya. Tinitigan ko lang iyon.

"Kunin mo!" Sabay pabagsak na ibinagay sa akin.

Hinawakan ko lang iyon at pinagmasdan siyang kumuha ng isa pa at isinuot iyon sa kanyang ulo. Matapos noon ay sumakay na siya sa nakapark na motor.

"Anong gagawin ko rito?" I asked habang ipinapakita sa kanya iyong ibinigay niyang helmet.

"Kainin mo," agad na kumunot ang noo ko sa kanyang sagot, "Alangan naman, hindi ba? Siyempre, suotin mo!" Dagdag nito bago pinaandar ang sinasakyang motor.

"Why?" Hindi ko pa rin makuha kung bakit kailangan ko iyong suotin.

Tiningnan niya ako saglit. He muttered strings of curses bago niya ako marahas na hinila patungo sa kanya. Kinuha niya ang helmet sa aking kamay at isinuot iyon sa aking ulo. Nang matapos siya'y tinapik pa niya ito bago dumungo para makita ang mukha ko.

"Ang dami mong tanong, Senyorito. Sakay na!" Napaatras ako sa huli niyang binanggit.

Sakay? He wants me to ride on his vehicle? Is that even safe?

Hinagod ko ng tingin ang kabuuan ng kanyang behikulo. I've only riden horses before. Never a two-wheeled vehicle. Kahit bisikleta nga ay hindi ako marunong!

"Ano pang hinihintay mo? Pasko? Sakay na!"

"Are you serious?" Hindi ko napigilang itanong.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa iyo?" When he turned his eyes on me this time, bigla akong nabalot ng kakaibang lamig. And I know for sure it wasn't the wind.

I looked at the vacant seat on his back at pinag-aralan kung paano uupo roon. He's positioned himself like he was riding a horse. Ganoon na lang din siguro ang gagawin ko.

"Dali na!" Kumunot ang noo ko utos nito pero hindi na ako umangal. Sumakay na lang ako sa likod niya pero nalito rin kung saan ako kakapit.

Naghahanap pa lang ako nang makakapitan nang bigla na lang mabilis na umusad ang sinasakyan namin. By instinct, agad akong kumapit sa baywang niya at napasandal na rin sa matigas niyang likod.

"Kung makakapit ka, daig mo pa ang babae!" Narinig kong sigaw nito.

Mabilis naman akong humiwalay at kaagad na pinagsisihan iyon dahil kamuntikan na akong tumilapon sa sasakyan. Mabuti na lang at maagap niyang nahawakan ang isa kong braso at hinila ako pabalik sa kanyang katawan.

"You've never ridden a bike before?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango na lang ako at mas lalo pang kumapit after that horrifying experience.

Dinig ko ang pagtawa nito sa aking isinagot.

"Pambihira! Minsan na nga lang akong magpaangkas sa motor ko. Pero ngayon lang may kumapit sa akin nang ganito. Isang lalaki pa!" Tawa pa rin nito.

Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Anong pa bang sasabihin ko? Umirap na lang ako sa kawalan.

"Kumapit ka lang, Senyorito. Akong bahala sa iyo," natatawa pa nitong sabi sabay tapik sa nakakapit kong braso.

Ilang sandali lang ay pinabilis pa niyang lalo ang aming takbo. Mas lalo akong napakapit sa kanya. At ang siraulong haring ito ay tawang-tawa pa talaga!

Rekka, I'm sorry but I think this will be the end of me.

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
139K 4.5K 66
How can I hate it? When all of my family are having fun and love it? First Publish: March 20, 2016 End: July 8, 2016
85.2K 3.5K 55
Adolescence is such a bizarre term for the fourteen-year old Aya. Wielding wooden swords and doing circuit exercises seem easier than doing make-ups...
1.4M 59.8K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...