When True Love Comes Arrived...

By AngManunulatMissDee

147K 4.5K 337

Love is unstoppable ... So When True Love Comes Arrived, don't missed it. Coz you will never find a person wh... More

Introduction
S1
S2
S4
S5
S6
S7
S8
S9
S10
S11
S12
S13
S14
S15
S16
S17
S18
S19
S20
S21
S22
S23
S24
S25
S26
S27
28
S29
S30

S3

4.8K 161 2
By AngManunulatMissDee

Wasak na wasak ang puso ni Rhian dahil sa pakikipag hiwalay ni Paulo sa kanya. Wala siyang tigil sa pag iyak habang nagmamaniho ng sasakyan.

She get her phone at tinawagan si Glaiza ...

Calling Panget ...

And Glaiza immediately answer ...

"Hello Panget? Kamusta lunch niyo ni Pau?"-bungad ni Glaiza.

"Wala na kami ..."-she answered at humahagulhol.

"Panget umiiyak ka ba? Teka what do you mean wala na kayo anong nangyari?"-alalang tanong nito kay Rhian.

"Hiniwalayan niya na ako ..."- sagot niya. Dahil naririnig ni Glaiza na nahihirapan si Rhian nataranta ito.

"Panget kumalma ka lang ha? Asan ka pupuntahan kita, Rhian relax baka sumpungin ka ng Asthma mo. Itigil mo yang pagpapatakbo mo ng kotse mo at pupuntahan kita! Panget? Panget hello?"-hindi na nakasagot si Rhian dahil binangga ito ng truck na nasa unahan niya. Ang naririnig nalamang niya ay boses ng mga tao. "Shit Rhian!"- wala siyang sinayang napahon she get the key of her car. Kahit naka pambahay lang agad siya sumugod papunta sa location ni Rhian.

"God please! Sana walang nangyaring masama sa best friend ko."-she talked to herself at mabilis na pinapatakbo ang kotse niya. Sinundan niya ang tinuturo ng GPS sa kanya para agad niyang mapuntahan ang lugar kung nasaan si Rhian.

Pagdating ni Glaiza sa kinaroroonan ni Rhian. Kinabahan siya ng makitang total reck ang lagay ng kotse nito na pumailalim sa 6 wheeler truck.

Nakita niya ang ambulansiya na paalis na kaya sinundan niya ito. She's being so worried sa best friend niya, hindi niya alam ang gagawin kung may mangyayaring masama kay Rhian.

Pagdating sa hospital, inilagay agad si Rhian sa isang higaan at dinala sa observation room.

"Panget andito na ako! Panget magpakatatag ka ah!"-sigaw niya habang pinapaalis siya ng mga nurse.

"Ma'am hindi na po kayo pwede sa loob dito nalang po kayo. Si Doc nalang po bahala sa pasyente."-tugon nito kay Glaiza.

Umupo nalang si Glaiza at hinintay ang Doctor. Tinawagan nito ang magulang ni Rhian para ipaalam ang lagay nito.

Panay ang pray niya para sa best friend niya, na sana walang masamang mangyari dito.

After a minute lumabas na ang Doctor na tumingin kay Rhian at hinawi na ng mga nurse ang kurtina.

"Doc kamusta po ang lagay niya?"-Glaiza

"Well, she's fine. Mabuti at maliit na sugat lang ang natamo niya sa aksidente. Mamaya lang magkakamalay na siya. Mga nurse na ang titingin sa kanya may aasikasuhin pa ako."-sagot ng Doctor kay Glaiza.

"Salamat Doc."-agad siyang lumapit sa tabi ni Rhian at hinawakan ang kamay nito. "Panget andito ko, mabuti naman at walang masamang nangyari sayo. Pinag alala mo ko masyado. Wag mo ng uulitin 'to ha?"-paki usap niya kay Rhian habang tulog ito. Di naman mapigilan ni Glaiza ang maiyak.
.
.
.
.
Pinalipat na ng parents ni Rhian sa maayos na kwarto ang kanilang anak. Para hindi sila mag usapan ng mga tao, because of Rhian's popularity bilang boyfriend ng isang actor at anak ng isa sa mayayaman sa Pilipinas.

Pag gising ni Rhian, instead kamustahin siya ng Dad niya sermon ang binungad nito sa kanya. Dahil may mali si Rhian sa nangyaring aksidente.

"My god Rhian! Are you out of your mind? Papatayin mo talaga kami ng mommy mo sa pag aalala sayo? Kapag nalaman to ng mga tao at manews tayo baka sabihin nila pabaya kaming mga magulang sa anak namin. Rhian mag isip ka naman, at ayusin mo yang sarili mo cox your being irresponsible!"-Dave

"Dave tama na yan, masama na nga ang lagay ng anak mo senisermunan mo pa. Mahiya ka naman kay Glaiza, at wag mo naman ipahiya ang anak natin."-pagsaway ni Claire.

"Mom Dad, im so sorry. Hindi ko naman po alam na may truck sa harap. Gulong gulo po ang isip ko that time, because of our break up. Hiniwalayan po ako ni Paulo."-she explained at muli nanamang umiyak. Naawa naman si Glaiza kay Rhian.

"Shhh anak tama na, wag ka ng umiyak. Maayos din ang lahat okay? Sa ngayon magpagaling ka muna."-Claire.

"Kahit ano pa ang irason mo, you must responsible to your action para hindi napapahiya ang pamilya natin! Claire kakausapin ko muna ang head ng Hospital para sa confidentiality na nangyari. Kausapin mo muna yang anak mo."-sabay labas ng kwarto at desmayado sa nangyari sa anak.

"Anak pagpasensyahan mo na ang Dad mo nag aalala lang yun sayo. Wag mo nang uulitin to ha?"-Claire.

"Yes Mom, hindi na po. Mom I want to talk to Paulo gusto ko pong ayusin ang relasyon namin. I wanna go home."-Rhian

"Rhi dumito ka muna, saka muna kausapin si Pau kapag okay kana."-Glaiza.

"Tama si Glaiza anak, sarili mo muna ang isipin mo ngayon. Saka muna problemahin ang sa inyo ni Pau. Kapag nagpumilit kang lumabas baka mas lalong magalit ang Dad mo sayo. So please just take a rest."-Claire.

"Mom no! Okay naman na ako kaya umuwi na tayo, kailangan kong puntahan at makausap si Paolo para magka ayos kami. Mom hindi ko kayang mawala siya, please umuwi na tayo."-pagpupumilit nito sa Mommy niya.

"Okay anak kakausapin ko ang Doctor kapag okay at pwede ka ng lumabas uuwi na tayo. Pero paki usap lang ipagpabukas muna yang pagpunta mo kay Paulo."-pakiusap ni Claire sa anak.

"Okay Mom."-matipid na sagot nito.

....

Glaiza's Pov ...

Pagkatapos maka usap ni Tito Dave ang Doctor pinayagan na rin umuwi si Rhian. Paglabas niya ng hospital hindi niya ko kinikibo, tahimik lang siya hanggang sa mag hiwalay na kami sa parking area.

Hindi ko ba alam kung bakit pagdating kay Paulo parang gumunaw na ang mundo niya. Si Paulo lang ba yung nagmamahal sa kanya? Andito naman ako at ang parents niya hindi ba kami mahalaga sa kanya? Bakit hindi niya nakikita at nararamdaman na naaapektuhan din ako pag nasasaktan siya. Ewan ko ba mukhang pinaglihi yata si Rhian sa Anesthesia sobrang manhid.

Sobra akong nag alala kanina, nandito na ako sa tapat ng apartment ko di ko pa rin magawang bumaba. Iniisip ko pa rin ang best friend ko, kamusta kaya siya? Sana okay na siya ngayon at nagpapahinga. Nakakainis, hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapasaya siya.

Habang nasa loob ako ng kotse ko napansin ko na may naka paradang Lancer sa tapat ng apartment sa kabilang kasalda. I knew nasa loob nanaman ng apartment ko si Coleen. Coleen is my friend, she's 23. Si Coleen lang ang nakaka alam na femme lesbian ako. I trust her so much, she's a good person kaya magaan ang loob ko sa kanya. Zai ang tawag niya sa akin mas astig daw, she never called me Glaiza kahit nung una kaming magkakilala.

Dahil sa lakas ng ulan sa labas hindi ko namalayan na nasa window na pala ng kotse ko si Coleen, kumakatok at may dalang payong. Si Rhian kasi ang tumatakbo sa isip ko kaya di ko napansin si Coleen.

End of Pov ...

Binuksan ni Glaiza ang pinto ng kotse niya at saka bumaba. Buti nalang at napansin ni Coleen ang pagdating niya kaya agad siya nitong sinundo at may dalang payong.

"Saan ka ba galing? Kanina pa ako sa tapat ng kotse mo Zai, hindi mo ba ko napansin? Para kang naghang na computer sa loob nang sasakyan mo. May problema ba?"-nag aalalang tanong ni Coleen.

"Galing ako sa hospital pinuntahan ko si Rhian, naaksidente siya kanina."-malungkot niyang sagot.

"Nakatakbo ka ng hospital na ganyan ang sout mo? Naka top ka lang tapos short na short? Zai uso din mag bihis kahit nagmamadali. Basta talaga pagdating kay Rhian kahit siguro naka two piece ka lang lilipad ka papunta sa kanya."-Coleen.

"Alam mo naman di ba?"-Glaiza.

"Opo! Alam na alam ko na baliw na baliw ka dyan sa best friend mo. Wag mo nang sabihin memorize ko na."- napataas ang kilay niya sa naging sagot niya kay Glaiza may halong selos ang nararamdaman niya. "Anyway kumain ka na ba? May dala akong pizza, wait ipaglalagay lang muna kita sa plato."-Coleen.

"Salamat, ligo lang muna ko."-malungkot na tugon nito kay Coleen. Kaya naman si Coleen biglang hinabol si Glaiza at yinakap niya ito.

"Zai ayoko nakikita kang malungkot. Nandito lang ako, I do not want you to feel that you are alone. I'm here for you always."-malambing na sabi ni Coleen.

Kumalas si Glaiza at humarap kay Coleen ...

"I really appreciate it na nandito ka, kaya salamat."- at yumakap ito kay Coleen.

"Alam mo naman, malakas ka sa akin, sige na maligo ka na. Initin ko na rin yung ibang pagkain sa ref i know gutom ka na."-she feel kilig ng yakapin siya ni Glaiza. Agad naman kumalas sa pagkakayakap kay Coleen.

"Thank you Coleen, thank you for always being there for me."-sweet smile.

"Ayan ngumiti na siya, ayoko ng makita na nakasimangot ka ah. Less pogi points kasi eh .. dapat ganito ka wide yung smile mo."-pinisil nito ang pisnge ni Glaiza at pinapangiti. "Oh yan ang gwapo muna."-pang asar nito.

"Hahaha wag mo naman banatin yung pisnge ko."-sabay kuha sa dalawang kamay ni Coleen, kaya't nagtama ang mga mata nila.

Coleen is waiting for something, dahil nakatitig sa kanya si Glaiza.

Glaiza is slowly moving forward, and Coleen close her eyes...

Pero nung malapit ng dumikit ang ilong ni G kay Coleen bigla niyang naisip si Rhian ...

"Hmmm Coleen I'm so sorry. Sorry kasi baka isipin mo that I was taking advantage to you."-nahihiyang sabi ni Glaiza.

"No it's okay Zai, okay lang you don't need to apologize. Hmmm sige na ligo ka na magreready na ako ng dinner natin. Saka kitchen lang ako."-nagmamadali itong pumunta ng kitchen.

"Ah sige."-matipid na sagot nito kay Coleen.

And she go to her room to take a bath. Samantala kinikilig naman si Coleen sa nangyari.

Coleen's Pov ...

Kung ikaw nababaliw kay Rhian, ako naman masokista. Gustong gusto kong sabihin sayo na mahal kita Zai, mahal na mahal. Nasasaktan ako kapag malungkot ka, kaya ayokong maramdaman mo na nag iisa ka. Gusto kong ipakita at iparamdam sayo na mas deserve ko yang pagmamahal mo kesa kay Rhian. So for now on I will be your comfort zone, kapag nasasaktan ka ng taong di naman nararapat para sayo.

End of Pov ...

Continue Reading

You'll Also Like

102K 3K 38
FOL Part 1 (BlackXWhite) at the airport. Dumating na si Rhian Jade Howell galing NewYork. Sinalubong agad siya nang kanyang mga kaibigan at nang k...
441K 6.2K 24
Dice and Madisson
1M 32K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
11.9K 420 30
Isang Babaeng nagtatago sa Likod ng Maskara, Palaging Inaapi, Kahit na hindi ka api api, Hindi marunong Magmahal, Kaya kang saktan Gamit ang salita l...