SWEET ACCIDENT - COMPLETED 20...

By WeirdyGurl

524K 13.6K 1.5K

VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HE... More

PREFACE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
NOTE
Chapter 22 (Repost)
Chapter 23 (Repost)
Chapter 24 (Repost)
Chapter 25 (Repost)

Chapter 20

13.6K 460 38
By WeirdyGurl

"NABABALIW ka na bang bata ka, ha?" galit na tanong ng nanay ni Text rito. Marahas na napabuntong-hininga ito. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo."

"Kasalanan ko ho lahat. Aakuin ko ho lahat ng kasalanan." Seryosong sagot ni Text sa ina. Hindi niya maiwasang sulyapan ang mukha nito. She could only sigh in her mind. Kahit na gusto niyang ipaglaban din si Text ay pinipigilan siya nito. Humihigpit ang hawak nito sa kamay niya."Patawad po Mama."

"Hindi ko maintindihan kung bakit ka pa nagsinungaling saken? Ano bang pumasok diyan sa isip mo? Hindi ka naman dating ganyan noon?"

"Sorry po," hinging paumanhin ulit nito. "Kasalanan ko naman ho lahat Ma. Ako ho ang nagpilit kay Danah na sumabay sa kasinungalingan ko kahit na tutol rin siya. Alam ko ho kasi na pipilitin n'yo parin akong bumalik sa seminaryo kapag 'di ko sinabing kasal na kami."

"Ano pa bang magagawa ko? Namin ng lola mo? Magkakaanak na kayo. Hindi ko lang matanggap na sa ibang tao ko pa malalaman ang mga ganitong bagay. Alam na alam mo naman Text na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinagsisinungalin ako."

"Alam ko po,"

"Sorry din po." Aniya. "May kasalanan din naman po ako."

"Wala man lang ba kayong planong sabihin samen ang totoo?"

"Meron naman po Ma, kaya lang humahanap lang din naman kami ng tyempo."

"Tsk, kung hindi pa nadulas si Lyra hindi ko pa malalaman ang lahat. Oh siya, total nandiyan naman 'yan. Magkakaapo na rin lang kami. Gustuhin ko mang magalit ay wala ding mapupuntahan 'yon. Asikasuhin na lang natin ang kasal n'yong dalawa at gusto ko na ring makilala ang mga magulang ni Danah."

Nakahinga siya nang maluwag. Salamat naman at hindi gaanong galit ang Nanay ni Text sa kanila. Hindi niya maiwasang haplosin ang umbok niyang tiyan. Angel ka talaga samen ng Papa mo baby. Baka kung wala ang baby nila ay magalit na talaga nang tuluyan ang nanay at lola ni Text. Blessing talaga si Baby.

"Sige po,"

"Salamat po."



"SURE talaga ako na hindi lang nadulas si Lyra. Malakas ang kutob ko na sinadya niya talagang banggitin 'yon."

Kung narinig naman pala ni Lyra ang pinag-usapan nila ng kapatid niya bakit pa ito nagsinungaling. She wouldn't lied if she hasn't to do with it. And her reaction towards Text is really weird. 'Yong paghablot nito sa braso niya nang maaksidente si Text. Ang tuno ng mga pananalita nito. Ayaw niyang pagdudahan ang pagkakaibigan nito kay Text pero kahit anong isip niya doon parin siya itinutulak – na baka nga, may gusto si Lyra kay Text o baka may malalim pang dahilan.

Sinulyapan niya si Text. Kanina pa ito walang imik at malalim ang iniisip. Nakaupo ito sa gilid ng kama, bahagyang nakayuko, hilot-hilot ang noo nito. Tulala. Hindi niya alam kung ano nga bang tumatakbo sa isip nito. Simula nang mabalik sila sa kwarto ay ganoon na ito.

"Text," tapik niya sa balikat nito nang lapitan niya. Mabilis na iningat nito ang mukha sa kanya. "Okay ka lang ba?"

Tipid na ngumiti ito. "I'm okay, may iniisip lang." Naupo siya sa tabi nito. "May sinasabi ka kanina?"

Bumuntong-hininga muna siya. "Sabi ko, malakas ang kutob ko na hindi lang basta nadulas si Lyra." Kumunot ang noo nito. "Noong isang araw kasi, kausap ko si Font sa cell phone at 'yon nga nabanggit ko 'yong kasinungalingan natin. Ta's paglingon ko nandoon si Lyra. Tinanong ko siya kung kanina pa siya nandoon, sabi niya bago lang." Malungkot na tiningan niya ito sa mga mata. "Imposible naman na sa'yo niya 'yon marinig o kay Mateo, diba?"

Natahimik na naman ulit ito.

Hindi niya maitindihan why Text look so troubled. 'Yong pati sarili nitong pag-iisip hindi nito maintindihan. Ngayon niya lang nakita na ganoon ito ka problemado.

"Text, okay ka lang ba?" nag-aalalang pukaw niya ulit dito. "Nag-aalala na ako sayo. Hindi ako sanay na ganyan ka."

Ngumiti ito, inabot ang dalawang kamay niya at hinawakan 'yon. "Okay lang ako. Huwag kang masyadong mag-alala at makakasama 'yon sa baby natin." Umangat ang isang kamay nito sa mukha niya at marahang hinaplos ang pisngi niya. "Basta, tandaan mo, mahal kita. Mahal na mahal."

"Text!" pinalis niya ang kamay nito saka ito tinignan ng deretso sa mata. "Ayoko ng mga ganyan. Kinakabahan ako."

Bahagya itong natawa saka siya nito niyakap. "Ano ka ba, masama na bang sabihin ko sayo na mahal kita?"

"Oo dahil para kasing may masamang mangyayari."

"Huwag mong isipin 'yan. Walang masamang mangyayari." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Ikinulong nito sa mga palad ang mukha niya. "At saka ayokong nag-alala ka. Makakasama 'yon sa baby ko at sa baby natin." Ngumiti si Text saka siya nito hinalikan sa noo.

"Pero Text –"

"Magpahinga ka na muna. May pupuntahan lang ako."

"Sino, si Lyra?"

"Hindi, si Father Semon."

"Paano si Lyra?"

"Saka ko na siya kakausapin."

Kung ako na lang kaya kumausap doon? Hays, tumango-tango na lang siya kay Text. Nginitian niya ito bago ito tuluyang umalis.

Napabuntong-hininga siya.

Maldita siya lalo na't nasa katwiran. Pero naiisip pa lang niya ang mukha ni Text parang ayaw niya na rin lang ng gulo at baka masapak niya lang si Lyra.

Pero gusto niya rin naman na malaman ang totoo. Gusto niyang komprontahin si Lyra. Hindi parin tama ang ginawa nito. Kung narinig naman pala nito ang pag-uusap nila ng kapatid niya. Bakit 'di sila ang kinausap nito? Dapat hindi sila pinangunahan ni Lyra. Dapat hiningi nito ang paliwanag nila.

Maling-mali talaga.

Akala niya talaga mabait si Lyra. Mali pala siya.

Dahil hindi siya mapakali at baka ikabaliw niya ang iniisip ay tinawagan niya si Font.

"Anong gagawin mo sa isang taong nagbabalat kayo na mabait?"

"Isasama ko sa prayer petition ko sa Dios. Hi, sis kong maganda."

"Huwag kang magbiro dahil seryoso ako."

"Woah! Chill lang, HB naman nito masyado. Saka seryoso ako. Mabait kaya ako. Saka sino ba 'yang nagbabalat kayo na 'yan at nang masabuyan ng holy water."

"Si Lyra," ikinuwento niya ang lahat kay Font. Sighs."'Yon nga, ano ba dapat kong gawin?"

"Seryoso ka bang nanghihingi ka saken ng advice, ate? Eh noon nga ay mabilis ka pa kay Flash kung makipagkomprontahan sa mga kaaway mo. Sa liit mo ay 'di ka papatalo."

"'Yon na nga eh, kung ako lang ang masusunod ay inaway ko na 'yon. Pero mali naman 'yon kung aawayin ko bigla, diba? Mukha naman akong tanga nun."

"At ngayon ka pa nagsisi sa dami nang inaway mo."

"Baliw, 'di ko sila inaaway. Pinapaliwanag ko lang sa kanila ang mga mali nila. At take note, hindi ako nag-i-eskandalo sila lang talaga ang masyadong OA."

"Oo na, Oo na. But anyway, gaya nga nang sabi ko. Okay lang naman na komprontahin mo 'yang Lyra na 'yan. Kahit naman ako, If I where on your shoes, kakausapin ko din siya. May karapatan ka din naman na malaman ang side niya. Syempre, kalmahin mo 'yang sarili mo. Huwag kang masyadong padalos-dalos, buntis ka pa naman. Kung 'di ka makikinig saken masasapak talaga kita."

"Wow, ha? Brutal mo saken. Ganoon na ba talaga ako ka demonyita sa'yo?"

Pero tama naman ang kapatid niya. Hindi niya naman kailangang umala-bida-confrontation churba kapag hinarap niya si Lyra. Masyado yatang OA 'yong may sampalan at sigawan. Parang nakaka-stress masyado. Usap, dapat usap lang.

"Ate, hindi naman, slight lang." Tumawa ito sa kabilang linya. "Basta, huminahon ka lang. Huwag kang HB. Kung sakaling sasaktan ka niya sabihin mo lang at liliparin ko ang Negros para kunin ka diyan."

"Ses!" napangiti naman siya.

"'Di totoo, seryoso ako, ate."

"Manang-mana ka talaga kay Dad. 'Yan din sinabi niya saken eh."

"Naks, saan pa ba akong magmamana? Kung 'di sa punong bumunga saken."

"Baliw! May puno at bunga ka pang nalalaman diyan. Oh sige na, salamat. Nalinawan ako."

"Welcome, anyway, ahem." He cleared his throat bago ito bumirit ng linya ng kanta. "I'm only one call away. I'll be there to save the day. Naks! Ganda talaga ng boses ko. Buti 'di ko namana ang pangit na boses ni Dad."

"Loko-loko ka!" natawa siya. "Pag ikaw narinig ni Dad patay talaga 'yang allowance mo."

"Joke! Bye! Love you, sis! Miss you."

"Miss you too."

End call.





KULANG na lang ay sipain ni Font ang lalaking kanina pa nangungulit sa kanya. Kung bakit kasi bumalik pa ang 'sang 'to. Buti sana kung bumalik si Blank nang kasal na si Ate. Aish, naasar talaga siya sa lalaking 'to. Pagkatapos nitong iwan ng basta-basta ang ate niya, heto at babalik-balik para humingi ng patawad sa ate niya.

"I just want to talk to her Font, pls." Pakiusap ulit nito sa kanya.

"Like what I said, kakausapin ko muna si Ate tungkol diyan. Pagbalik niya na lang. Let's just giver her time. Huwag natin siyang biglain. Makakasama 'yon sa kanya. I hope you understand."

Hindi naman siya ganoon kasama. Kung wala lang sanang alalahanin ang ate niya pwede niya namang sabihin dito ang tungkol kay Blank. But he wasn't that sure if her sister is ready for that. Nai-stress na nga 'yon sa babaeng may pangalang Lyra. Idadagdag pa ba niya ang biglaang comeback ng paasang si Blank.

Pack juice! Isa-isa lang muna.

Nabasa niya naman ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ni Blank. "Why?" may pag-alala sa boses nito. "What happened to Danah?"

"She's pregnant." Blank was taken aback. "But look, hindi pa ito alam ng mga magulang namin. Sinabi ko na lang sayo para 'di mo na ako kulitin. At huwag na huwag mo rin 'yong banggitin kay Tito Alt. Please lang, huwag nating pangunahan ang kapatid ko."

"Ok, I understand. I hope she's doing fine."

"Yeah, she's doing fine. Maalaga naman at mabait si Kuya Text." Namulsa siya. He squinted his eyes at Blank, trying to see how he would react. "Mahal na mahal ni Kuya Text si Ate. He would never hurt her... or even leave her." Damn it Font, you're so cruel.

Tipid na ngumiti ito. "I know, but thanks anyway. You have my number. Sabihan mo na lang ako kapag dumating na si Danah. I just want to talk to her."

"Sige," akmang aalis na ito nang magsalita ulit siya. "But hey, I'm not mad at you." Totoo 'yon. He was just a bit annoyed and upset. Titig na titig ito sa kanya. "I'm just upset because of what you did to my sister. Tinulungan pa nga kita noon na ligawan siya. I know how you loved my sister so much. Isa ako doon sa naniwala na tunay ang pagmamahal mo sa kanya. I have no idea why you left her just like that... kung ano man 'yon, sana naman sapat lang para matanggap ni ate at mapatawad ka."

Mapait na ngumiti ito. "I know, and I'm a little late."

"I'm sorry."

"Thanks,"





HINDI alam ni Danah kung pinagtatagpo ba talaga silang dalawa ni Lyra ng tadhana o nagkataon lang ang lahat. Papunta siya sa simbahan para sana puntahan si Text nang makasalubong niya ito. Mukhang galing din ito doon. Nag-usap kaya sila ni Text?

Akmang lalagpasan siya nito nang pigilan niya ito. "Sandali lang." Hinirap niya ito. Nakatalikod parin ito sa kanya. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Hinarap siya nito. Nagulat siya sa biglang paglapit nito sa kanya. Ngayon niya lang napansin na umiiyak ito.

"L-Lyra?"

"Ano masaya ka na?!" sigaw nito sa kanya. "Ang saya, noh? Saya." She was being sarcastic. Pero hindi niya alam kung bakit.

"H-Hindi kita maintindihan. Why are you acting like this?!" Bigla-bigla ay hinawakan nito nang mahigpit ang braso niya. "Lyra nasasaktan ako." Napangiwi siya.

"Gusto mong malaman kung bakit ko sinabi 'yon sa nanay ni Text?"

"Lyra!" this time pinagtaasan niya na ito ng boses. "Ano ba?!" Hinaklit niya ang braso mula rito. Lumayo siya. "Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Pero Lyra naman, huwag namang ganito."

Marahas na bumuga ito ng hangin. "You think mahal ka ni Text?" kumunot ang noo niya. "Iniisip mo ba talaga na ikaw ang dahilan kung bakit siya lumabas ng seminaryo? Na ikaw ang dahilan kung bakit siya nakipaglapit sayo?" Pagak itong tumawa. "God, tanga mo."

"Lyra!"

Ayaw niyang magalit pero pinipilit siya nito. Ano ba kasing gusto nitong sabihin? Sabihin na niya at nang matapos na. Naguguluhan na siya.

"Gusto mong malaman ang totoo Danah?"

"Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na!"

Mapang-uyam na ngumiti ito saka lumapit sa kanya. "Ito," inabot nito ang isang kamay niya at may kung anong pinahawakan sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa nakatuping papel na pinahawak nito sa kanya. "Basahin mo para 'di ka naman magmukhang tanga." 'Yon lang at umalis na ito sa harap niya.

Ilang segundo siyang natulala. Hindi niya alam kung bakit ang bigat-bigat sa pakiramdam ng papel na hawak niya. Nanginginig ang mga kamay na binasa niya ang nakasulat doon na sana hindi na lang niya ginawa.

Text's List for His Lyra

1. Get out of the seminary and marry my Lyra

Unang list pa lang pero bumagsak na ang mga luha niya. Lalo lang sumikip ang dibdib niya sa sobrang sakit ng mga nakasulat doon. Masakit dahil sulat kamay 'yon ni Text. Masakit dahil damang-dama niya doon ang pagmamahal nito kay Lyra.

2. Prove to my mom how much I love Lyra

3. I will fight my love for Lyra

4.  Accept all the consequences for my Lyra

5.  Be happy together with my Lyra

6.  Have children with Lyra

.

.

.

10 Tell her every day how much I love her. I love you Lyra.

At tuluyan siyang humagulhol nang iyak. B-Bakit? Bakit ganoon? Bakit mas masakit pa ang katotohanan na 'yon kaysa sa pag-alis ni Blank sa buhay niya? Bakit ang hirap huminga sa katotohanan na 'yon? Dios ko!

Naalala niya ang lumang notebook na laging dala-dala ni Text. Hindi niya alam kung bakit may nagtutulak sa kanya na bumalik sa bahay at hanapin 'yon. Hindi kaya may isinulat pa doon si Text.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa.

Bumalik siya ng bahay.

I need to know everything.





JUST tell her the truth Text. May karapatan din si Danah na malaman ang lahat. Hindi maganda na itago mo sa kanya 'yon... lalo na't magkakaanak na kayo at magiging-isang pamilya na. Have the courage son. Yes, you made a mistake but don't cage yourself to that painful past. Accept it, ask forgiveness, and forgive yourself. There is nothing to be afraid of... May awa ang Dios, anak. Mahal ka ni Danah. Mapapatawad ka niya.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ni Text ang sinabi ni Father Semon sa kanya. Sa totoo lang, hindi niya na alam ang gagawin niya. He knew he messed up big time. Nanganganib ang relasyon nilang dalawa ni Danah sa mga kasinungalingan niya. God, he doesn't know what to do.

Masyado siyang naging kampante na nakalimutan niya na lahat ang dapat niyang gawin. Hindi niya alam kung mapapatawad siya ni Danah sa nagawa niya. Alam niyang malaki ang kasalanan niya. Masasaktan ito. Ayaw man niyang mangyari 'yon lalo na't dinadala nito ang anak nila pero alam niyang masasaktan niya talaga ito.

Kung bakit nagpatalo siya sa galit niya kay Lyra. Sinira siya ng pagmamahal niya rito na siyang naging dahilan para gawin niya 'yon kay Danah.

Damn it, Text!

Natigilan siya at napahinto sa paglalakad nang mapansin niya ang isang pamilyar na pigura ng isang babae. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Danah 'yon. Pero anong ginagawa ni Danah doon?

Akmang tatawagin niya ito nang bigla itong tumakbo. Kinabahan siya. Bakit tatakbo nang ganoon na lang si Danah? 

Nagmadali siya at sinundan niya ito.





KINALKAL ni Danah lahat ng laman ng mga cabinet at kaha sa kwarto nila ni Text. Magulong-magulo na ang buong silid pero wala siyang pakialam doon. Kailangan niyang makita ang notebook ni Text. Kailangan niyang makita 'yon para matahimik siya.

"Na saan na ba kasi 'yon?" sinubukan niyang tignan ang ilalim ng kama. May nakita siyang lumang box doon. Inabot niya 'yon hanggang sa mahila palabas. "Please, sana nandito. Please."

Pagbukas niya sa box ay nandoon nga ang notebook nito. Para siyang nakahinga nang maluwag pero dagli din 'yong nawala at napalitan ng kaba. Hinawakan niya ang notebook at napatitig doon. Hindi Danah! Kaya mo 'to. Kailangan mong malaman ang totoo.

Humugot siya nang malalim na hininga nang maagaw ng pansin niya ang isa pang notebook. Natatakpan 'yon ng mga lumang papel. It wasn't just a plain notebook... mukha 'yong journal. Hindi niya alam kung bakit may tumutulak sa kanya na kunin 'yon. Ano bang meron sa journal na 'yon?

Out of curiosity ay kinuha niya 'yon at binuksan.

'Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo sa nalaman at nabasa niya. Nagsimulang manikip ulit ang dibdib niya. Kasabay nun ang isa-isang pagpatak ng mga luha niya sa mga mata. Hindi lang pala 'yon ang kasinungalingan ni Text. At mas masakit pa 'yon kaysa nang malaman niyang minahal nito si Lyra.

Sa journal na 'yon nalaman niya kung bakit pilit itong lumalapit sa kanya. Nandoon ang totoong rason nito sa pag-alis nito sa seminaryo. Ang dahilan kung bakit ito nag-propose ng kasal sa kanya.

Damn, Text! Bakit mo nagawa saken 'to?

Hindi niya na mapigilan ang matinding bugso ng damdamin. Ang sakit-sakit ng mga nalaman niya. Hindi niya inasahan na magagawang paglaruan ni Text ang damdamin niya. Masakit dahil mahal na mahal na niya ito at hindi niya alam kung totoong mahal siya nito o paghihiganti parin ang nasa puso nito.

Lalo lang siyang napaiyak nang maalala ang sinabi nito sa kanya.

"God can endure pain and can still love us even if we decline. Ako Danah, hindi. I cannot endure pain of losing someone I truly love."

God, bakit 'di niya agad nakuha ang sinabi nito?

"Danah,"

Kumabog nang mabilis ang puso niya nang marining ang boses ni Text. Lalo lang humapdi ang nararamdaman niya sa puso niya. Bakit Text, bakit mo nagawa saken 'yon?

"Hey, Honey," lumapit ito sa kanya at pinihit siya paharap rito. Nagulat ito nang makita na umiiyak siya. Bumakas sa maamong mukha ni Text ang pag-alala nito sa kanya. Na hindi niya alam kung totoo o awa lang. "Bakit ka umiiyak?"

And seeing him now, lalo lang pinipiga nang matindi ang puso niya. Lalo lang sumasakit ang nararamdaman niya. Bumabalik lahat sa isip niya ang mga kasinungalingan nito.

"B-Bakit mo ako niloko Text." Iyak niya. "Ano bang ginawa kong kasalanan para saktan mo ako nang ganito? B-Bakit Text? Bakit?!"





ANO BA KASI ANG GINAWA MO TEXT?!

Thanks for reading! 

Continue Reading

You'll Also Like

262K 7.7K 75
I found my prince, but I was not his princess... He made me feel special... I fell... but he just let me hit the ground. I tried to move on, he pull...
229K 809 5
The marriage of Timothy and Scarlett made them stonger. Or at least, that's what they thought. Sa kanilang pagsasama ay may mga bago pa silang madidi...
64.4K 2.4K 59
Summer Nadine went to Japan to forget the pain of a heartbreak. Until he bumps to someone who will help her forget the pain in a short period of time...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...