Paper Stars (Self-Published)

Por iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... Más

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 4

2.9K 80 3
Por iamsayaallego

KABANATA 4




Pabalik na ako sa cottage nang namataan ko ang nakapamaywang na bulto ni Gene. Pabalik-balik ang lakad nito at bakas ang pag-aalala sa mukha. Si Mimi, na nakatayo lang sa kanyang tabi, ang unang nakapansin sa aking pagdating. Kaagad naman nitong tinapik ang balikat ng asawa para ipaalam iyon. Mabilis itong napalingon sa aking direksyon at panandaliang namilog ang mga mata bago ako sinalubong sa isang mahigpit na yakap.

"Oh, my beautiful daughter! I thought someone stole you away from me! I was so worried!" He exclaimed bago ako bahagyang inilayo at hinagod ako ng nababahalang tingin.

Nakita kong nasa likuran na niya si Mimi na may bahid din ng pag-aalala ang mukha. Iyong mga bata ay marahil nasa loob na ng sasakyan dahil wala na ang mga iyon sa paligid. Nasa labas naman ng aming van si Milo at hinihintay ang pag-alis ng kanyang mga amo.

"Saan ka ba nanggaling? We were looking all over for you. Hindi ka namin mahagilap. Lampas isang oras ka ng nawawala. Another minute and your father might have gathered a search and rescue team," sabi ni Mimi sabay halukipkip sa tabi ng kanyang asawa.

"Naglakad-lakad lang ako and then I found a young mango tree on top of a hill not far from here. The view was so relaxing, nakatulog ako. I'm sorry," sabi ko sabay kamot sa batok.

Hindi ko naman akalaing makakatulog ako sa itaas ng puno. Kung hindi pa ako nahulog, sa pangalawang pagkakataon, hindi ko mamamalayan ang oras. Nakita ko ang marahang pagtango nito habang si Gene naman ay mas lalong nanlaki ang mga mata sa aking sinagot.

"You fell asleep? Were there someone else around that area? Paano kung may masamang nangyari sa iyo habang natutulog ka? Paano kung na-rape ka, anak?" Nagtagis ang mga ngipin nito sa naisip, "Makakapatay na talaga ako ng tao kapag nagkataon. At hindi lang talaga basta patay, titiyakin kong wala ng matitira pa sa kanya para makilala!" Napa-aray naman ito bigla matapos masapak ni Mimi.

"Ang OA mo! May makarinig pa sa iyo niyan, aakalaing pumapatay ka talaga. Tsaka, nakatulog lang naman si Aya sa pagod. Buong araw niyo kaya nilibot ang Asteria! Sino ba naman ang hindi mapapagod doon?" Napakamot na lang sa kanyang ulo si Gene sa sinabi ng asawa. Matapos noon ay ako naman ang binalingan nito.

"At ikaw, ibaba mo na iyang kamay mo't tsaka mo na lang pitikin itong isip-bata mong ama," napangisi ako sa kanyang puna at agad namang itinago ang aking mga kamay sa aking likuran.

I really think Gene married the right person. Someone to put some sense into him when he gets a bit out of control.

Tumayo na si Gene habang nagkakamot pa rin ng kanyang batok at tila nahihiyang tumingin sa akin.

"Um... about what happened a while ago..." He tried to say bago siya nagkaroon ng lakas na tignan ako. His eyes were guilty about something.

"Mimi and I were only discussing healthy things, Aya. We weren't fighting or anything. Baka kasi namisunderstood mo iyong sitwasyon kanina. Even so, I apologize that we acted that way in front of you. Hindi dapat kami nagtaasan ng boses lalo na't tungkol iyon sa iyo at sa harapan mo pa," malumanay nitong paliwanag.

Tumango ako bilang pag-intindi.

"I understand. Ayoko lang sanang hindi kayo magkaunawaan ng dahil lang sa edukasyon ko. I'm fine with whatever's given to me. Ang importante, I'm still receiving the education that I need. School is important. But family is more important to me. Kaya sana huwag na kayong magtalo tungkol dito. I'm really fine studying at home. Really!" Ngumiti pa ako matapos kong sabihin iyon kahit nakakaramdam ako na parang may kumukurot sa puso ko.

"I just want to be normal," bulong ng puso ko that I instantly shut.

This is normal, Aya. Having a family like them is normal. You should be happy. Smile!

Nakita kong nagpalitan ng nag-aalalang mga titig sina Gene at Mimi. Pero bago pa man nila mabasa ang aking tunay na saloobin ay inunahan ko na sila.

"Are we proceeding to the ranch already? Let's go! I wanna ride the horses!" Nakangiting sambit ko bago ko sila nilagpasan at tinungo ang aming sasakyan.

They can not know, Aya! They MUST not know!

Gabi na nang marating namin ang bahay nila Gene. It wasn't what I was expecting to see for a Cross' house. Especially, given that Gene's the Beta Dragon of the Clan.

Beta Dragon is a title given to the first born of the first born of the branch line. At sa mga apo ni Daiki, si Gene iyon. Samantalang, Alpha Dragon naman ang ibinibigay sa first born of the first born ng main line. Sa ngayon, hawak iyon ng aming headmaster.

Gene's house was so ordinary. Isang two-storey house na may terrace, may picket fence, a one-car garage and a small lawn. It's a typical middle-class home na makikita mo rito sa Asteria. Walang bakas ng angkan o marka ng pamilya ang makikita mo dito saan mang sulok ng bahay.

Nauna nang umuwi ang mga yaya ng mga bata. Stay-out daw kasi ang mga ito at hands-on sina Gene sa pag-aalaga sa kambal tuwing gabi. Karga-karga ngayon tig-iisa nina Mimi sina Rei at Gun habang papalabas ng sasakyan. Lumabas na rin ako upang mas lalo pang masilayan ang kanilang tahanan ng malapitan.

"Uunahin ko munang ipasok itong si Gun, Mi. Babalikan ko na lang si Rei pagkatapos," paalam ni Gene na tinanguhan agad ni Mimi.

Kaagad naman itong pumasok sa loob at matapos kumaliwa ay nawala na ito sa aking paningin.

"Baka gusto mo munang pumasok, Aya? Doon mo na lang hintayin sa sala iyong Papa mo?" Pag-iimbita ni Mimi.

Nginitian ko siya sa paunlak niya ngunit umiling din.

"Hindi na, Mimi. Baka kapag pumasok ako roon, mapasarap ang usapan natin, matagalan pa tuloy si Gene sa pag-uwi mamaya. Tsaka, kailangan ko na ring magmadaling umuwi. I'm preparing something for the headmaster. Hindi ko pa kasi napeperpekto, baka mapahiya ako bukas," sabi ko na lang.

Pero ang totoo? Kung papasok ako ngayon doon, baka makiusap ako sa kanilang doon na lang matulog. And I don't want to cause trouble for them lalo na't kapag nalaman ng pamilya.

"Ganun ba? Aba... exciting iyan ah! Galingan mo kasi manonood kami ng papa mo. Naku... siguradong magsisisigaw iyon doon!" Pareho kaming natawa sa kanyang sinabi.

Naging maingay yata kami kasi nagising bigla ang karga niyang si Rei.

"Why so loud, Haha?" Tanong nitong kinukusot ang mata.

"Sorry baby, Haha and Neechan were just talking something funny about Chichi. Go back to sleep na," sagot naman ng mama nito sabay hagod sa likod ng bata.

"Neechan?" Tanong nito sabay lingon sa aking kinatatayuan. He reached his tiny hand to me at wala akong nagawa kundi abutin iyon. It feels so small and so soft in my hand!

"Al you goin' to sleep beside Lei or beside Gun?" Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Mimi sa tanong nito. Hindi ako agad nakasagot at tila nawalan ako ng sasabihin.

"Please sleep beside Lei? I pwamis I'll be good. I don't pee in my bed. Gun pees in his bed. Please, Neechan?" I felt his little hand squeezed mine and I couldn't help feeling the same thing in my heart.

Napatingin ako kay Mimi in the hopes na matulungan ako kung anong isasagot sa kanyang anak.

"Oh, someone's awake..." Ensakto naman ang paglabas ni Gene mula sa loob.

"Chichi!" Tawag nito sabay bitaw niya sa aking kamay para lang magpakarga sa kanyang papa.

"Why are still awake, big boy? You should be sleeping by this time," usal ni Gene habang kinikiliti ang tawang-tawang bata.

"Chichi, Neechan will sleep with Lei! Neechan loves Lei dakala!" Biglang sambit ng bata matapos ang kilitian session ng mag-ama.

Bahagyang napatigil si Gene at napatingin sa aming dalawa ni Mimi. He lingered in my direction and gave me a sad smile.

I know.

I gave him a small smile bago dahan-dahang umiling. Alam kong hindi pwede. Kahit na gaano ko pa ka-gusto ang lumipat dito, alam kong ang pagsunod sa kagustuhan ng mga matatanda ang nakakabuti para sa lahat. I'd just have to bite my own tongue and move on.

Umalis na kami ni Gene matapos ang ilang minutong pagpapaintindi sa bata kung bakit hindi ko pa siya pwedeng tabihan ngayon. Nabalot ng katahimikan ang buong biyahe pauwi sa main house. Maging si Milo ay panay lang ang sulyap sa aming dalawa ng amo niya. Tila naninibago sa inaasta namin.

Nakasandal lang ako sa salamin ng aming sasakyan at nag-isip na lang ng ibang bagay to keep my mind off from what just happened. I started humming in my seat with the melody that I've been practicing last night for the headmaster.

Mula sa gilid ng aking mga mata, pansin ko ang paglingon ni Gene sa akin. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang bibig. Bahagya ko siyang tiningnan at kaagad rin naman iyong nawala. Napalitan iyon ng isang malungkot na titig. Iniwas ko na lang ang aking paningin at muling isinandal ang ulo sa salamin.

Is he sorry that he can't do anything for me? I'm his daughter now pero wala pa rin siyang magawa to keep me away from our family's prison. Wala na ba talagang ibang paraan?

I just want to be normal.

Tahimik na uli kami hanggang sa makarating na kami sa loob ng estate. Kahit noong nagpaalam na si Milo ay parehong tango lang ang nakuha niya sa amin. Nang marating na namin ang mga pintuan ng aking silid ay hindi ko na kinaya pa. One can try, right?

"Hindi ba talaga ako pwedeng tumira sa inyo, Gene? Kahit tuwing gabi lang? Tapos pupunta na lang ako rito sa umaga and stay for the rest of the day. I promise I'll be good during those times. Basta ba pagdating ng gabi, doon ako tutuloy sa inyo," I suggested.

"It's a fair deal naman, hindi ba? Wala rin naman silang pakialam if I'm here or not. Just the thought na dito ako nakatira, enough na sa kanila para iwasan ako. Hindi naman nila malalaman na doon ako sa bahay niyo natutulog unless ipatawag nila ako sa ga..." Hindi ko natapos ang aking sasabihin when I saw his, yet again, sad look.

Dahan-dahan akong yumuko at pinagmasdan ang pattern ng carpet.

"Hindi ba talaga pwede? Kahit every weekend na lang..." I asked in a small voice.

Nang wala pa rin akong makuhang sagot mula sa kanya, napabuntong hininga na lamang ako. Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Alam ko naman eh. Sinubukan ko lang baka sakaling may tsansa pa...

"I understand," hindi ko maitago ang lungkot sa aking boses. I was about to turn away nang magsalita ito.

"Listen," agad ko naman siyang tiningala.

May kung ano sa aking mukha ang saglit na nagpatigil sa kanya. Yumuko muna ako at pinunasan ang kung anuman iyon bago ko siya muling hinarap. Tumikhim muna siya bago nagpatuloy.

"Alam kong nahihirapan kang makitungo sa mga tao rito. Kung ako lang ang masusunod, matagal na kitang kinuha roon sa America at dinala sa bahay para mamuhay kasama namin. I'm sorry if Daddy's too weak to grant even this simple wish, my Princess," sambit nito sabay marahan niyang hinimas ang aking pisngi.

Hindi ko mapigilang mapasinghap sa narinig. Sumisikip iyong lalamunan ko. Gusto kong sabihing hindi niya kasalanan. Na wala siyang dapat ihingi ng tawad. This is because I'm too greedy to ask for more. Pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"Pero lagi mong tatandaan, not because I abide the family's decisions, ibig sabihin ay tanggap ko ang mga ito. Daddy will still find ways para makauwi ka na sa bahay. I promise you that, anak," namilog ang mga mata sa kanyang huling sinabi.

"No! You don't have to do anything, Gene. I'm fine! I'll be fine!" Mabilis kong sambit na nagpaatras nang bahagya sa kanya. Nabigla rin siya sa aking biglaang pagsabi.

I can't let me him or his family be in trouble. Halos kawaan na nga siya ng angkan when he decided to take me as his daughter. He was just 18 then at bagong kasal pa lang sila ni Mimi noon. They said he's got lots of potential and I only drag him down. Tama na iyon. He must not go through the trouble para lang mapagbigyan ang kapritsuhan ko.

"Gusto ko lang sanang makasama nang mas matagal sina Rei at Gun. It was just a selfish whim on my part. Not really important," mabilis kong dagdag pero lalong dumipena ang kunot sa noo nito.

"I'll be fine here, Gene. Really, don't worry too much. Hindi naman nila ako pisikal na sinasaktan dito. And even so, I know how to defend myself, hindi ba?" Dagdag ko pa, worried that he might see through my façade.

Puna ko agad ang pagdaan ng alab sa mga mata nito sa huli kong binanggit.

"Subukan lang nilang saktan ka, makikita nila kung bakit ako ang tinaguriang Beta ng bagong henerasyon!" Asik nito that brought shivers down my spine.

Nakakatakot talaga si Gene kapag galit. Parang walang sasantuhin kapag binangga mo siya. Lahat naman yata ng mga Cross ay ganoon.

You mess with a Cross, you mess with your life. Ganoon ang motto nila para sa mga kalaban.

Kaagad din namang nawala iyong alab na iyon sa kanyang mga mata when he saw the expression on my face. Muling nagbalik iyong malungkot niyang titig.

"Pangako, Aya, kukunin kita rito at iuuwi sa atin. Sa ngayon, tiisin na lang muna natin, ha?" Sambit nito sa isang malambing na boses.

Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti at marahang tumango.

I will not bother his mind anymore. I will not utter another selfish wish to him ever again.

"Good," nakangiti nitong usal as he gently touched my face, "Sa ngayon, you go inside your room and have your sleep. Para bukas, you'd be ready for the party. Okay?" Sabi pa nito sabay pat sa aking ulo.

Nginitian ko uli siya bago pumihit at pumasok sa loob ng aking silid. As I was about to close the doors, I heard him mutter a soft, 'good night, my princess' the way Rekka would.

I stared at the closed doors and remembered that this fight was mine to begin with. Hindi ko na dapat ginugulo sina Gene. I've caused him enough trouble already.

Tomorrow, the headmaster will be here. After four years, ngayon lang uli kami magkakaharap.

Biglang pumasok sa isipan ko ang mga mata nitong punung-puno ng kasuklaman habang sinasabihan ako ng mga salitang nakabaon sa aking mga buto.

You are this family's mistake. I will never accept you.

Iniling ko agad ang aking ulo sa naalala. I shouldn't go back to those memories. Wala na akong magagawa roon. Nakalipas na iyon! I need to focus on what I should do tomorrow. Ngayong nandito na siya, I will do everything so he would accept me.

That's it, Aya. Focus yourself in achieving your main objective. Huwag mo munang isipin ang mga bagay na hindi talaga mangyayari hangga't hindi mo nakukuha ang tunay na pakay mo.

Impress the headmaster. Make him see your strength. Make him proud. Prove to him that you're worth every damn dragon in the history of this empire.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng aking pantalon and idly swiped across to see who texted me.

It was from Gene saying his good night and... napahinto ako saglit sa huling pangungusap sa kanyang mensahe.

From: Gene
Message:
I am sure the kimonos would look good on you. Wear the blue one tomorrow, alright? ❤❤❤

Mabilis kong nilingon ang buong silid and just right in the middle of it, may pitong mga manequin ang nakatayo at suot-suot ang mga kimono in different designs and colors! 

Oh my G... Lumapit ako roon at isa-isang dinama ang siguradong mamahaling mga tela.

Was he expecting me to wear all these fancy clothing?! He can't be serious!

The next day, I woke up to find that Gene, indeed, WAS serious.

Maaga akong ginising ng mga kasambahay para masimulan na ang paghahanda sa gaganaping welcome party mamayang hapon. They've put me into a thorough spa treatment. Bago nila ako sinimulang ayusan.

Mag-aalas dos na ng hapon nang dumating sina Gene at ang mga kambal. Nasa sasakyan lang daw si Mimi at doon na maghihintay hanggang sa pagbuksan na ng gate ang mga panauhin.

Tinaasan ko siya ng kilay nang nakapasok na siya sa aking silid. He was wearing a dark blue kimono and the family crest on the left side of his chest. Sumunod sa kanya iyong mga kambal wearing the same ensemble, only smaller.

Iyong kaunting inis na naramdaman ko kay Gene dahil pinagsuot niya talaga ako ng 'pambabaeng' kimono ay nawala when I saw the twins' cute outfits.

"Neechan!" Magkasabay nilang bati at sabay ring tumakbo papunta sa aking kinatatayuan.

Gustuhin ko man silang daluhan ay hindi pa pwede. Kasalukuyan pa kasing inaayos ng mga nakamaskarang assistants ang tali ng aking kimono. Tulad ng binanggit ni Gene sa kanyang mensahe kagabi, I wore the electric blue one with pink and white sakura flowers designs from my right shoulder down to my middle, some on my left arm and then the color changes to white on the bottom.

"Kirei!" Magkasabay na usal ng kambal na nakamasid habang inaayusan ako.

"You're both so cute! Wait till neechan is done and we'll play, all right?" Magiliw kong sabi sa kanila habang sinisikap kong hindi gumalaw.

"Aww... the kimono really looks good on you, my beautiful daughter. It made you look more beautiful, in fact!" Muli naman akong napasimangot nang marinig ang tinig ng nagbigay sa akin ng sakit ng ulo.

Pagsuotin ba naman ako ng kimono! A female kimono pa! Eh di mas lalong na-empasize ang pagiging babae ko nito?! Papaano ako magugustuhan ng headmaster kung ipapangalandakan ko sa harapan niyang babae nga ako?!

Ensakto namang may butler na pumasok at kinuha muna ang mga bata dahil hinahanap ng lolo nila. Pagkasara ng pintuan ay agad kong hinarap ang mapangahas at tinapunan ng matatalim na tingin.

"What were you thinking making me dress like this? I am more Caucasian than Asian! I look like a clown wearing this!" Hindi ko napigilang sabihin sabay muestra sa suot na damit.

Medyo napaatras siya sa aking biglaang pagsabi at hindi kaagad nakasagot.

"Silly. You look nothing like a clown! You're stunning!" Usal nito at mas lalo ko pa siyang tinitigan ng masama.

"Seriously, Aya, you're beautiful. You should be confident and show them what it takes to be Gene's beautiful daughter!" I rolled my eyes at his reply, "Oh, let me get my camera! Let's have a picture!" Sabi pa nito bago patakbong lumabas ng silid.

Muli akong umirap sa kawalan. Wala na talaga iyong matinong sasabihin.

Pinagmasdan kong muli ang sarili sa harap ng salamin. I saw my blue eyes looking back at me. My rose gold hair was styled and a sakura pin was placed on the right side of my head. They said that I looked much like my mama. Hindi ko naman mapapatunayan kasi nasunog lahat ang mga larawan niya kasama noong bahay namin sa America.

But I can still remember some memories. Back when I was still at the same age as the twins, I always saw Papa hold Mama's photograph every night whenever he managed to visit. He would look at her image for a very long time, hold it in his arms and then end up crying.

If they say that I looked so much like her, why wouldn't he hold me instead?

Umiling ako sa naisip. Tumalikod na ako para hindi na muling makita pa ang repleksyon ko sa salamin.

Hindi ko na kailangan pang maalala iyon. Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. I need to focus my thoughts sa mga magaganap mamaya. This is my chance right here. Hindi ko ito papalagpasin.

Sa east garden gaganapin ang party. At tulad nang nakasanayan, everyone will wear their Japanese traditional attire. The men of the family will stay in the middle while their wives will take their assigned seats on the sides. Sa tabi naman ni Mimi ako pupuwesto.

Kasama rin sa selebrasyong ito ang mga pamilyang ka-alyado ng aming angkan: ang mga Himamura, nangunguna sa larangan ng medisina; ang mga Sanada, giant malls and real estate's magnate; at ang mga Yazaki na nagmamay-ari sa YZK Financing Group. They will have to stay at the back of the Cross' men hanggang sa matapos ang programa at pwede na silang makihalubilo sa isa't isa.

Nasa waiting lounge kami ngayon ng pamilya ni Gene. Nakapasok na sa loob ng garden ang mga bisitang kaalyado ng pamilya. Nag-uumpisa na ring tawagin ng emcee ang bawat linya ng aming pamilya. When our turn was nearly approaching, bigla akong tinubuan ng kaba at takot.

Will I be able to do this right? Hindi kaya ay bigla akong matisud in the middle of our walk? Ilang beses ko namang pinag-praktisan ang paglalakad at pag-aasta ng isang tunay na haponesa. I should be okay then. I can do this.

Upang maibaling sa ibang bagay ang aking isipan, pinagmasdan ko na lang ang nakaayos na asawa ni Gene. Mimi looks stunning in her white with varying blue-colored waves design kimono ensemble. Bumagay sa kimono na suot-suot ng kanyang mag-aama. Luminga siya sa aking direksyon at ngumiti. Nginitian ko rin siya ng tipid.

Nanlaki ang mga mata ko when she suddenly came to me.

"Are you nervous?" Bulong nito.

Masyado ba akong obvious at napansin agad iyon ni Mimi? Hindi ako makapagsalita kaya tumango na lamang ako.

"Don't be," hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinipan iyon. Her warm breath surprisingly soothed my bothered heart.

"Huwag mong iisipin kung anong mga iniisip nila habang pinagmamasdan kang naglalakad sa gitna. Ang isipin mo ay kung anong mayroon ka na wala sa kanila," kumunot ang noo ko sa kanyang idinagdag.

Ano bang mayroon sa akin na wala sa kanila? Uh... kamalasan?

Pinitik bigla nito ang aking noo na tila ay nababasa nito ang aking isipan kahit hindi ko pa man naisasaboses ang aking opinyon.

"Don't you dare think of the lies they were feeding you! That's not what I meant. I mean, as much as they want, they don't have the twins' cuteness, my spunkiness and Gene's daughter-complex craziness. Kaya tiyak akong kaiinggitan ka talaga nilang lahat," napahawak na lang ako sa parte ng aking noo na kanyang pinitik habang nakangusong nakatingin sa kanya na bahagyang natawa sa sinabi.

Maya't maya pa ay tumigil din ito at marahang hinaplos ang aking pisngi.

"You don't have to be afraid, Aya. You're not alone anymore. You have us," she said in a way I always imagined a mother would say and I never felt more assured.

"Thank you," mahina kong usal bago siya pinakitaan ng isang ngiting bukal sa aking puso.

Bahagya naman siyang natulala matapos noon.

"A-aya..." Tila may sasabihin pa sana siya kaya lang biglang tinawag ng emcee ang pangalan ni Gene, hudyat na oras na naming pumasok sa loob.

"Mimi," tawag sa kanya ng asawa.

She squeezed my hand one last time before going to her husband's side. Ilang sandali ko pang tinitigan iyon bago ko inihanda ang sarili sa aking pagpasok.

Unang pumasok si Gene. Nakasalukbit naman ang mga kamay ni Mimi sa braso nito. Dinig ko ang palakpakan ng mga tao as they welcome the Beta couple. Sumunod naman sa kanila ang kanilang mga supling na nag-uunahan na kaagad sa pagpasok. Dinig ko ang marahang pagtawa ng mga tao sa kapilyuhan ng mga kambal.

Nagsimula na namang tumakbo ang mga kabayo sa aking dibdib. Ikinuyom ko ang aking mga palad at huminga muna nang malalim.

"Lady Ayana Kurozawa, daughter of Gene Kurozawa," tawag ng emcee sa aking pangalan.

"This is it, Aya. Your chance begins now," I told myself bago ako tumulak papasok ng garden.

Pagkapasok ko pa lang, dinig ko agad ang singhapan ng mga tao. Lahat natahimik sa aking paglalakad. May nakita pa akong nagbubulungan pero tumitigil rin sa tuwing nadadaanan ko ang linya nila. Hindi ko na pinagmasdan kung anuman ang ekspresyon sa kanilang mga mukha at nakamasid ako sa harapan kung saan nakikita ko ang mga likod nina Gene at Mimi.

"Nandiyan lang sila. Hindi nila ako iiwanan," I assured myself as I continued to walk.

Two rows from the front ay nahagip ng paningin ko ang nakangising Cute na kumakaway pa. Nakatingin din sa akin ang dalawang anak nitong sina Kyo at Kira pero hindi sila kumaway tulad ng kanilang ama. Nginitian ko na lang sila. Bahagyang nabigla ang dalawa sa aking ginawa. Si Kyo ay agad na umiwas ng tingin habang si Kira nama'y sinuklian din ako ng ngiti.

Well, one out of two is okay, right?

Matapos kong maupo sa tabi ni Mimi ay agad niya namang kinuha ang aking kamay at pinisil iyon.

"You were absolutely stunning, Aya! Have you seen their faces? Para bang bigla silang nakakita ng Dyosang bumaba sa langit para daluhan sila!" Magiliw nitong sabi.

Tipid na ngiti ang isinukli ko sa kanya bago kami muling humarap sa mga kaganapan sa gitna. Ayoko munang isipin kung anong mga iniisip ng pamilya. My focus right now is how to make my chance work on my side. Napaghandaan ko na ang presentasyon na gagawin. Sana lang ay magawa ko nang tama.

"All rise for Cross Emperor, Daichi Kurozawa!" Kaagad nagsitayuan ang mga tao bilang pagsalubong sa headmaster.

Dumagundong na naman ang kaba sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang parang along pagyuko ng bawat linya ng mga taong nadadaanan ng Alpha. Hindi ko siya makita masyado sa aking kinatatayuan. Halos maputol na ang mga ugat ko sa leeg kakaunat as I try to catch a glimpse of him.

Nang maayos ko na siyang nakikita, doon ko lang napagtantong nakalagpas na pala siya sa linya namin at hindi pa ako yumuyuko. Namilog ang mga mata ko nang bigla itong tumigil sa paglalakad at inilipat ang paningin sa aming direksyon... sa akin.

Hindi ako makahinga as I saw his steely eyes on mine. Nakakawala ng lakas. Hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan at nanatili lang akong nakatanaw sa kanya.

Nagbubulung-bulungan na ang mga tao sa nangyayari, hindi pa rin ako makagalaw.

"Aya!" Narinig kong bulong ni Mimi na kaagad na nagpabalik sa aking sistema.

Kinalma ko muna ang aking sarili. Nakatanaw pa rin ang headmaster sa aking direksyon habang patuloy pa rin sa bulungan ng mga tao sa paligid. I can even sense Dice's annoyed looks from somewhere in the front seats.

Nang maayos ko na ang aking sarili, dahan-dahan akong yumuko.

Matapos noon ay pumunta na ang headmaster sa kanyang silyang nasa pinakaharap at pinaliligiran ng mga naghihintay na matatandang nandirito para magbakasyon. Nang umupo na ang Alpha at saka lamang nagsiupuan ang mga tao.

Nagpatuloy ang programa nang walang masyadong nangyayari. Puro kumustahan at pagpapakila lamang ng mga susunod na mamahala ng kani-kanilang mga pangalan.

Nang inanunsyo na ng emcee na nakahanda na ang pagkain ay kaagad akong tumayo. Saglit akong nagpaalam kay Mimi at dumiretso sa CR ng mga babae. Swerteng walang gumagamit kaya naman ay nagmadali akong magpalit ng suot para sa gagawin kong presentasyon.

Unlike the kimono I wore a while ago, mas madali at kabisado ko itong suotin. Kaya naman wala pang sampung minuto ay tapos na akong magbihis. Inayos ko na lang ang mukha ko para siguraduhing wala na itong bakas ng nakakadiring make-up. Tinanggal ko na rin iyong pin at itinago sa aking bulsa.

Pinagmasdan ko pa for the last time ang aking hitsura sa salamin bago ako nakumbinseng maayos na talaga ang lahat. Kinuha ko na rin ang espadang gagamitin ko at mahigpit itong hinawakan.

Huminga muna ako nang malalim bago ko pinihit ang door knob ng CR.

Here's your chance, Ayana. Now... grab it!

Seguir leyendo

También te gustarán

55.8K 5.5K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...
85.2K 3.5K 55
Adolescence is such a bizarre term for the fourteen-year old Aya. Wielding wooden swords and doing circuit exercises seem easier than doing make-ups...
650K 27K 48
Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gustong-gusto ni Ana ang trabahong pinasok...
223K 14K 69
[Royal Academy's 3rd book] When she thought things were finally coming to an end, that's when everything began crumbling. As she bid her goodbye and...