The Casanova Has Fallen (Comp...

By adventchildren

369K 14.2K 1.1K

Would a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another R... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Announcement
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter (Part 1)
Bonus Chapter (Part 2)
Bonus Chapter (Part 3)
Bonus Chapter (Part 4)
Bonus Chapter (Final Part)

Chapter 13

5.8K 222 10
By adventchildren

*Hello Palawan*

Rhian's POV

"Denise sure kang wala ka ng naiwan na gamit ha?"

"Yes Kuya Mike! Wala na!"

"Nagdala ka ba diyan ng sapat na underwear? Baka mamaya side A side B gawin mo "

"Kuya nakakadiri ka alam mo yun!"

"To naman nagpapaalala lang! yung boarding pass mo dala mo?"

"Yes boss"

"Buti naman! Ingat ka bunso, uwian mo ko ng kasuy ah? Tsaka ng pawikan!"

"Sige kuya, basta ba makakauwi ako ng hindi nakukulong pag nag puslit ako ng pawikan dito"

Ginulo ni kuya Mike ang buhok ko, tapos pareho kaming bumaba sa kotse atsaka niya ibinaba ang maleta ko.

Sa wakas papunta narin kami sa Palawan at eto ang kuya Mike ko, hinatid ako sa airport. Aba'y excited ako!

First time kong makakapunta dun eh. Ang dami kasi nagsasabi na ang ganda ganda daw talaga sa Palawan, lalo na yung underground river nila.

"Hay naku 2 weeks mawawala ang bunso namin. Walang magluluto ng masarap."

"Pagtyagaan niyo muna ang yakisoba at century tuna kuya. 2 weeks lang naman. Tsaka alagaan niyo si Ted ah!"
"Oo naman! Nasa safe hands si Ted saamin!"

Nagpaalam na ako kay kuya and agad pumasok sa loob ng airport. I checked-in my baggage then kinuha ko na yung ticket pati nagbayad ng terminal fee. After nun dumiretso na ako sa waiting area kung saan kami maghihintay ng flight namin.

Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin yung mga kasama ko kaso mukhang ako pa lang ata ang nandito.

Yun mga yun talaga, always late. Naupo ako then inilagay ko yung headset ko and nakinig sa music sa phone habang naglalaro ng Color Switch sa Ipad. Dahil naka-shuffle yung songs sa phone ko, kung anu-ano na ang music na napapakinggan ko.

Could i be falling for you
is this a fantasy come true
is this a dream that i waited for
am i the one that you adore

Natigilan ako and ayun tuluyan na akong nadead sa laro.

oh-oo-oh-oh i think i'm falling for you
oh-oo-oh-oh-oh-oh-oh what am i supposed to do
cause you make me feel like i'm falling in love
am i falling for you

Could it be love tell me boy is it true
i get a rush when i think about you
lose control of my body and my soul
and when you hold me i don't wanna let go

Yung kanta kasi eh. Nangaasar lang? Nakakayamot naalala ko na naman yung araw na nag mall kami ni Luis. Ayan yung kinanta ko nun

Pero kesa ilipat ko sa ibang songs, I found my self na sumasabay narin sa pagkanta.

You give me reason every reason just to love you babe
everything that you do is so amazing
i can't believe what your body makes me wanna do
i'm having visions of me all over you

You must've known though i tried to disguise
the way i feel was there fire in my eyes
on that night when our bodies intertwined
knew right then and there that you would be mine

Everyday you seem to find a way
to make me go crazy
i just can't understand
but let me tell you one thing
you make me wanna say
Whatever it is that you do when you do what you're doing
It's a feeling that I want to stay

"Ang sarap talaga pakinggan ng boses mo pag kumakanta"

Napatigil naman ako bigla sa pagbirit dahil sa nagsalita. Napatingin ako sa likod ko and ayun nakaupo si Luis.
Magkatalikuran kasi yung mga bench bali nakaupo si Luis sa katalikuran ng bench na inuupuan ko.

"I-ikaw pala"
Napaayos ako ng upo at pinatay ang phone ko.

"Buti nakasama ka"

"Oo nga. Gusto ko kasi mapanuod si Bianca" ..at ikaw

"Aah"

Yun lang? End of conversation na?!

Anak naman ng tokwa ano bang nangyari saamin. Hindi naman kami dati ganito mag-usap eh.

After ko siyang kausapin sa tapat ng locker niya, hindi ko na ulit siya nakita.

Ok inaamin ko na medyo umiiwas ako sa kanya. Hindi na ako nanunuod ng practice nila Bianca ng pep squad after dismissal kasi natatakot akong makita siya.

Iniiwasan ko naring makasalubong siya sa school. Pero wala naman
kahirap-hirap ang ginagawa ko kasi mukhang pati siya iwas saakin.

Ang dahilan ko kaya ako umiiwas kasi nasaktan ako dun sa pagbawi niya. Naniwala ako na totoo lahat ng yun.

Pero eto, assuming na naman pala ako. Pero atleast ako may dahilan, pero siya hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit niya ako iniiwasan.

Gusto ko siya i-confront at tanungin. Baka mamaya may gusto talaga siya saakin kaso nagpakaduwag lang at binawi ang sinabi. Pero ayokong kausapin siya, mamaya assuming na naman pala ulit ako.

"Bestie!!"

Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung makita kong padating si Bianca kasama sina Sally, Wila at ang
magandang demonyong si Glaiza.

"Hi Loves "

Ok sinisimulan na naman niya. Kada tatawagin niya ako ng ganyan kumukulo ang dugo ko, at halata namang nakikita niya yun kaya lang hindi parin niya ko tinatantanan ng kakatawag ng Loves dahil alam niyang wala akong magagawa dahil nga blackmailer siya.

Anak ng tokwa! Nag eenjoy talaga siya sa ginagawa niya!
Hindi ko na lang siya pinansin kesa masira pa ang araw ko.

Maya-maya lang din kumpleto na kami. After 15 minutes na pag aantay, sa wakas natawag narin ang flight number namin at pinasakay na kami sa airplane.

Hinanap ko naman agad ang seat ko
12B

Nung nakita ko na yung 12B medyo yamot naman ako dahil yung seat ko ay hindi katabi ng window.

Napapagitnaan pa ng dalawang upuan. Hay. Inilagay ko sa taas yung hand-carry na bag ko

"Excuse me"

Tumabi naman ako at napatingin sa likod ko and nakita kong umupo si Luis sa 12A, katabi ng bintana. Katabi ko.

Ano ba ito, pinaglalaruan ako ng tadhana?

Dahil sa no choice ako, umupo narin ako sa tabi niya. Hindi naman pwedeng nakatayo na lang ako dito forever.

Napatingin ako sa side niya and nakita kong nakatingin lang siya sa may bintana habang naka headset.

Kung ok lang sana kami ngayon edi masaya ako at kinikilig pa dahil katabi ko siya. Ang kaso hindi kami
nagpapansinan.

Hay

Sa totoo lang gustong gusto ko na ulit siyang pansinin.

Naramdaman kong may nag-occupy narin ng sit sa right side ko kaya tinignan ko kung sino.

"Hi Loves"

Anak naman ng lahat ng masasamang bagay sa mundo! Bakit sa lahat pa ng tao eto?! Pati ba naman dito hindi parin ako hinihiwalayan ng isang to?!

"Oh bat ganyan ka makatingin? Kinikilig ka naman dahil katabi mo ko? " kinindatan niya ako ng may halong pangasar.

TOKWA!

"Oo grabe kinikilig ako, sobra" I told her in a sarcastic tone
Hay naku Rhian, hindi matutupad ang plano mo kung lagi mong sinusungitan si Glaiza.

Waaaaaaah kahit na wala akong paki ngayon! Nakakayamot!

"Tingin mo Loves, ano kaya ang pameryenda nila satin"

"Kape at biscuit ano pa ba?!"

"Eto naman ang highblood, halikan kita diyan eh!" inilapit niya ang mukha niya saakin atsaka ngumuso ng pagkahaba-haba.

Itinabing ko naman ang mukha niya
"Sipain kita diyan eh!"

Maya-maya lang pinapatay na saamin yung lahat ng gadgets namin dahil ready for take off na daw yung airplane.

Naramdaman ko namang unti-unting umandar ang airplane hanggang sa nasa himpapawid na kami.

Gustong gusto ko nga sumilip sa window. Nung last time na sakay ko sa airplane nung papunta kami sa Cebu sa may window ako nakaupo.

Ganito ding time yun, hapon and papalubog na ang araw. Ang ganda tignan ng sunset pag nasa airplane ka. Parang upclose mong pinapanuod ang paglubog ng araw. Napaka breathtaking, wala akong masabi sa ganda.

The beauty of God's creation. Pero ngayon naman gusto ko ulit mapanuod kaso ayun eh hindi ako makatingin kasi nahihiya ako kay Luis. Tsaka baka isipin niya tinititigan ko siya. Aba mahirap na, baka assuming din ang isang to!

Kinalabit ako bigla ni Glaiza "Hoy, bat ka naninigas diyan? Natatakot ka no? first timer ka sa pagsakay ng airplane
no?"

"Excuse me pangatlong beses ko na nakasakay no"

"Yabang! " tumawa naman siya dun na parang sira ulo.

Sa buong byahe dada ng dada si Glaiza. Kung ano-ano ang sinasabi. Ang sarap nga pasakan ng tinapay sa
bunganga para matahimik eh. Para siyang si donkey sa shrek! Ang daldal!!

At nung sobrang sumasakit na ang tenga ko sa daldal niya, di ko na napigilan ang sarili ko "Would you please stop talking for just five minutes?! "

That shut her up. Pero after five minutes ang ingay niya ulit at salita na naman ng salita.

Oh God!



Sa kaliwa, katabi ko ang lalaking gustong gusto kong pansinin pero ayaw naman akong pansinin.

Sa kanan, katabi
ko ang babaeng papansin ng papansin kahit ayaw kong pansinin.

How ironic! Imaginin niyo na lang kung gaano ka-peaceful ang byahe ko!






Bianca's POV

Puerto Princesa Airport...

"Bestie!!! We're here! We're here!! " lumapit saakin si Rhian at nagtatalon sa harap ko.

Halatang halata na excited ang isang to. Kagabi pa text ng text saakin to na sobrang excited siya.

"Oo nga bestie, sana makagala agad"

"Oo naman no! Bago ka pa maging busy gagala na tayo! Tsaka hindi pwedeng hindi dahil binigyan na ko ng mga kuya ko ng mahabang listahan para sa mga pasalubong nila"

Nag picture picture muna kami sa harap ng airplane tapos pumasok na kami sa loob to get our baggages.

Nung makuha na namin yung baggage, agad naman na may sumalubong saamin to welcomed us at sinabitan kami ng flowers na kwintas.

Lumabas na ulit kami then hinanap yung car na susundo saamin.

"Guys, ayun ata yung susundo satin" tinuro ni Luis yung van na color gray kaya lumapit naman kami.

"Hay ang tagal niyo naman dumating, kanina pa ako dito"

Halos malaglag ko yung mga gamit na hawak ko sa sobrang pagkagulat.
What is she doing here?!

"Chynna!"

"Hi Rhian! Nakasama ka rin pala "

"Yep kami ang palakpak brigade nila Bianca "

"Eh ikaw what are you doing here?!" I glared at her

"Masama na ba panuorin ang girlfriend ko? "

"Yiee ang sweet" pang-aasar saakin ni Rhian

Ginatungan pa nila Sally at Wila. Naman oh! Akala ko magiging Chyns-free ang buhay ko ng dalawang linggo!

Hanggang Palawan ba naman nasundan niya ko?! Grabe lang!!

Sumakay na kami dun sa van tapos inihatid kami nito sa rest house na tutuluyan namin.

Dalawa kasi yung rest house na yun. Medyo maliit lang siya at may dalawa lang room, isang CR, isang dining area, sala at kitchen.

Sa isang rest house anim ang pwede mag occupy. Kaya nagsama-sama na kami. Ako, si Rhian, si Glaiza, si Wila,
Sally, at... siya sino pa ba? Yung buntot at anino kong si Chynna!

Dun sa kabila naman, in-occupy nung professor na kasama ko, yung dalawa pang staffers na kasama ni Glaiza at
dalawa pang member ng mag chi-cheer saamin na kung tawagin ni Rhian ay palakpak brigade.

Dun na din nila pinasama si Luis since lahat kami dito ay..well technically Babae..at least dun sa kabila may mga kasama siyang lalaki

Inayos na namin yung mga gamit namin at nilagay dun sa room.

Magkakasama kami nila Rhian at Sally sa isang room.

Sa kabila naman sina Chynna, Wila, at Glaiza.

"Hay naku enjoy na enjoy si bakla dun sa kabilang room! Palibhasa puro matitikas na hot lesbians ang makakasama niya sa kwarto"
sabi ni Sally habang naglalagay ng gamit sa cabinet.

Maya-maya lang nakarinig kami ng malakas na sigaw galing sa room nila Wila

"RAAAAAAAAAAPEEEEEEEEEE!!!!!"

"Ano ba papi Glaiza wala naman akong gagawing masama sayo!!"

Biglang bumukas ang pinto ng room namin at nakita namin ang pagmukuha ni Glaiza.

Tumakbo agad siya sa likod ni Rhian.

Sumunod naman na pumasok ay si Wila.

"She's molesting me!!" tinuro-turo ni Glaiza si Wila habang nakatago pa sa likod ni Rhian.

"Papi Glaza wala naman akong gagawing masama sayo no! I'm just helping you to change your clothes "

"Hoy ang landi mong bakla ka!" hinampas ni Sally ang braso ni Wila.

Niyakap naman ni Glaiza si Rhian "Loves I'm so scared!! " tinulak tulak siya ni Rhian

"Ano ba Glaiza! Lubayan mo nga ako!!"

"Anong tawag mo sakin? Glaiza?" tinignan ni Glaiza si Rhian ng nakakaloko

"L-loves. Sabi ko nga Loves ang tawag ko sayo "

"Good " biglang hinalikan ni Glaiza ang pisngi ni Rhian

"Ay ang sweet! Naiinggit ako! "

"Tumigil ka nga Sally! Eh kinakalantarya mo nga ang kuya ni Rhian eh!"

Nagtawanan sila.

"Oh may swimming pool!" tumuro ako sa labas and lahat sila nagtinginan sa bintana "Wait punta lang ako dun ha"

Lumabas ako sa room and pumunta sa may side ng pool.

Hay, what a scene.

Alam kong hindi naman talaga mahal ni Rhian si Glaiza pero kada makikita ko sila hindi ko maiwasang hindi
masaktan.

Tinanong ko dati si Rhian kung sa tingin niya mahal na siya ni Glaiza, sabi niya saakin mukhang hindi dahil hindi naman daw marunong magmahal yung babaeng yun.

Pero tingin ko nahuhulog na sa kanya si Glaiza.

Kung alam lang ni Rhian kung paano makitungo si Glaiza sa mga nagiging girlfriend niya.

Palaging less talk, more kiss. Alam ko yun, dahil naranasan ko.

Kung ang babae alam ni Glaiza na hindi niya mahahalikan, hindi na niya ito lalapitan pa.

Pero pagdating kay Rhian hindi. Nakikita ko ang makulit na side ni Glaiza pag kasama niya si Rhian.

And mukhang kay Rhian niya lang nailalabas ang ganung side niya.

"HOY!! "

"Ay butiki!!" napalingon ako sa bwisit na babaeng nangulat sakin

"Grabe ka naman sa gwapo kong to sa butiki mo lang ako icocompare?!" and ayun nakita ko si Chynna na tawa ng tawa

"Alam mo nakakainis ka eh no! lakas ng tama mo!! "

"Ikaw naman honey! Ang lungkot kasi ng mukha mo eh, gusto lang kita patawanin! "

"Oo grabe tawang tawa ako sa ginawa mo!" I told her sarcastically

Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko the he filled the spaces between it

"Ang ganda sa Palawan no? isipin
mo na lang nag ddate tayo dito"

Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya

"Date your face! Hindi naman tayo!!"

Tinalikuran ko siya kaya lang napaharap ulit ako dahil nakita kong papadating si Rhian at Glaiza.

"Tara Loves mag night swimming tayo, isuot mo yung bikini mo ha!"

"Tigil-tigilan mo nga ako sa ka-manyakan mo Glaiza!"

"Ano kamo? "

"Fine! LOVES!"

Iiwas na sana ako sa kanila at sa kabilang side dadaan kaya lang mukhang nakita na nila kami.

"Oh Chynna, Bianca"

Lilingunin ko na sana sila to give a smile, kahit sa totoo lang gusto kong umiyak.

Kaya lang bago ko pa sila malingon
nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Chynna papalapit sa kanya at bigla akong hinalikan.

Nanlaki ang mata ko habang hinahalikan niya ako. Grabe yung halik niya, hinihigop ang labi ko to the point na kulang na lang kainin niya na to ng buong buo. Her kiss was aggressive. Very aggressive.

"Love let's go baka naiistorbo natin sila " I heared Glaiza.

Nung makaalis sila itinigil na ni Chynna ang paghalik saakin habang ako natulala at nawala sa sarili dahil sa ginawa niya.

She held my hand then hinila niya ako "Tara na sa loob honey. Kain na tayo ng dinner"

Pero kesa gumalaw sa kinatatayuan ko, hinila ko pabalik ang kamay ko kaya lang sobrang higpit ng pagkakahawak niya kaya hindi ko ito mabawi.

"Ano ba bitiwan mo ko!!" hinihla ko ang kamay ko kaya lang ayaw parin niya bitawan.

Nakatalikod siya saakin pero hawak-hawak parin niya ang kamay ko

"Ano ba! Sabi ng bitawan mo ko eh!! " nag-loosen ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya agad kong inalis ito sa pagkakahawak niya.

Hindi parin siya humaharap saakin

"Alam mo tigilan mo na ko please! Kung makaasta ka feeling mo girlfriend kita eh! Nakakainis na! Tell me, bat mo ba ginagawa ang mga bagay na to ha?!"

"Masisisi mo ba ko?" I was taken aback when I heard her speak.

Hindi ito yung usual na masayahin niyang boses.

Yung tono nya ngayon ay napaka seryoso.

Mas nagulat ako nung humarap siya saakin. Yung expression ng mukha niya parang nasasaktan and was about to cry.

"Masisisi mo ba ko Bianca? Nakikita ko ang babaeng gusto ko na nasasaktan dahil sa walang ka-kwenta kwentang babae at wala akong magawa para alisin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya.

Masisisi mo ba ako kung bakit
ako nagkakaganito?"

Tinalikuran niya ako at naglakad na papasok ng rest house.



---------------
An:

Orayt!! Nasa Palawan na sila!! Ihanda ang mga puso at feels niyo sa mga mangyayari sa kanilang lahat dito!!

Spoiler Alert: May mga magiging mag M.U dito habang nasa Palawan sila..as in

Malabong Usapan
Malanding Ugnayan
Mag Uungguyan
Mag Un

Hulaan niyo na lang kung sino sino haha

BTW!! MARAMING THANK YOU sa pageencourage niyo sa kin na ituloy tong kwentong to at sa pag.goodluck niyo sakin sa paghahanap ng trabaho..It means a lot to me 😊❤❤

Salamat sa pagpapaalala na walang sukuan nga pala ang pagsagwan ng mga Rebelde kaya go lang ng go!

Love you guys 😘

-L

Continue Reading

You'll Also Like

16.7K 770 30
Be with You "Lahat tayo ay may gusto at hindi gustong balikan, mapa tao man o alaala ng ating nakaraan." ---------------------------------------- Mos...
249K 9.7K 37
Rastro inspired Fan fiction. Adaptation from Lovedagger's Mr. She.
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
289K 10.8K 61
Just from the author's playful imagination with a whole lot of mixed concepts Actually some of the parts na mababasa niyo dito is based on one of the...