Kabanata 5
Bestfriend
"Ma'am Kate, Mr. Valdez has requested your presence in his office.." Nawaglit ako sa aking gawain dahil sa pag-patch ng isang tawag sa akin. Pangatlong beses na akong pinapunta ni Kevin sa office niya sa araw na to!
It's our 3rd day back at the office at di ko alam kung ano pa ba ang kailangan niya. He has a date later tonight, at hindi siya makapili ng isusuot niya! Jesus, kailan pa ako nagkaroon ng say sa extracurricular activity niya? Especially the way he dress! Maarte ito ayaw ng pinapakialamn ngunit bakit ganito ngayon?
"What is it?" Pero laking gulat ko nang makita ko doon si Tito Eduardo! "G-good afternoon, sir.."
"Have a seat, Kate." Umupo ako sa katapat ng couch ng daddy ni Kevin habang siya ay nasa swivel chair sa likod ng kanyang mesa. "Nabalitaan ko ang nangyari kay Kevin."
Nanlaki ang mata ko dahil doon. What the hell? Ano itong sinasabi ni tito! Sinabi ba ni Kevin na may nangyari sa amin? Oh my God? Nakakahiya! Baka sabihin niya kay dad! Baka atakihin sa kasiyahan ang tatay ko! My parents are inlove with the thought of me and Kevin together! "Kamusta ang daddy mo?" Di ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon. Kita kong kumunot ang noo ni tito hahang nakatingin sa akin. "Are you okay, hija? Namumutla ka."
"O-okay lang po." I croaked kaya tumikhim muna ako bago muling nagsalita. "Maayos naman na po si daddy ngayon. Marami na nga lang po ang bawal kainin."
Tumawa si Tito Eduardo dahil doon. "Sign of aging, eh?" Aniya kaya napangiti din ako. "Maging ako ay marami na ring bawal kainin. I want to retire and just enjoy old life pero itong kaibigan mo ay ayaw pang maghanap ng maybahay.."
"Dad.."
Awkward akong tumawa at di nilingon si Kevin. "Alright, I'll get to the point." Ani Tito Eduardo at hinawakan pa ako sa kamay!"So, I believe hindi ka naman siguro pagbabawalan ni Ricardo kung ipapapunta ko kayo ni Kevin sa Singapore? Since mukhang okay naman na siya.."
"Po? Ano po ang gagawin namin doon?"
"For years, nagpaplano na akong mag-branch out. Mayroong The North sa iba't ibang sulok ng Europe at America.. Ngunit dito sa Asya ay wala kahit ano."
"Mataas ang palitan sa Singapore at tingin ko ay magandang simula yon. I want you and Kevin to check it out."
Tumango tango ako pero agad ring nasundan ng kunot ng noo. "Pero bakit po ako ang kasama? Hindi po ba dapat ay si Sir Iain?" Ang tinutukoy ko ay ang Head ng International Affairs ng The North na kapatid ni Tito Eduardo. Siya naman ang head ng projects palagi.
"Oh, come on, Kate. Iain is old. I want fresh opinions about this one. So please?"
Pinagmasdan ko si Tito Eduardo habang nakangisi sa akin. Kamukhang kamukha niya si Kevin. Ang hindi lamang nakuha ni Kevin ay ang mga mata. He's got Tita Olivia's eyes, pero bukod doon ay parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama.
"Okay, tito." Tumawa si Tito at niyakap pa ako na parang galak na galak talaga siya sa pagpayag ko. "Thank you, hija. Kevin's secretary will send you the itinerary of your flight. You leave tomorrow morning."
Ha? That fast? Bago pa ako maka-react ay umalis na si tito sa office ni Kevin.
Hindi pa ako nakakatayo ay bumalik ulit si Tito Eduardo na parang nay sasabihin. "And Kevin, before I forgot.. You have to meet with Claire Yuan. Anak iyon ng potential investor natin, be nice to her. I trust that won't be a problem?" Nilingon naman ako ni Tito Eduardo. "She has a brother, you can double date if you like.."
What? Hell no! Double date my ass!
"Sa condo ka na umuwi, maaga ang flight natin para hindi na hassle." Ani Kevin. "We'll leave at 7:30 tonight, dinner muna tayo."
"Okay."
Gaya ng sabi ni Kevin ay nag-out na ako ng 7:30. Hindi mawaglit sa isip ko iyong pagssuggest ni Tito Eduardo na makipagdate si Kevin doon sa anak ng investor. He didn't say he should date her pero ano pa ba ang implications nang ganon, di ba? And besides it's a potential merger, all the more he should.
Halos masira ko ang biometrics dahil sa lakas nang paglapat ko ng daliri doon. "Woah, there missy. Bakit ka nagagalit sa biometrics?" Nilingon ko at nakitang si Kevin iyon. Wag niya akong pikahin at di maganda ang mood ko.
Nakuha pa akong akbayan ni Kevin habang hinihintay akong magtipa ng password. Hinawi ko ang kamay niya at tumalikod. Narinig ko siyang humalakhak at nag-scan ng daliri. "Got a problem? Sungit a. Is it that time of the month?"
"Che! Uuwi na nga ako!"
"Teka!" Bago pa ako makalayo ay nahila na ni Kevin ang sleeve ng coat ko habang nagtitipa siya ng password. "We'll dine first. Bakit ka nagmamadali?"
"Gusto kong umuwi! I'll meet you in the airport tomorrow.."
"Whoa, whoa.. It's not red days.. It's PMS! Ganyang ganyan ang PMS mo, Kate Adriana!"
Hinila ko ang kamay ko pero di niya binitawan ang sleeves bagkus ay hinila pa ako palapit sa kanya. "Bitaw nga! Di ba may date ka? Kung sino man yon, siya nalang ang isama mo!"
"What? Saan mo napulot yan?" Kunot noong tanong ni Kevin. "Dahil di ako makapili ng undershirt, may date na? You've got to be kidding me, Kate Adriana."
What? Walang date? Bakit ba ako nag-assume na may date siya? Nevermind! Pag dating naman namin ng Singapore ay may ididate siya!
Bigla ay tumawa si Kevin. "Are you fucking jealous, Kate?"
"E kung sinasapak kita jan?" Bigla ay tumaas ang dalawang kamay niya at lumayo ng dalawang hakbang sa akin. "Whoa, no.. Montik na akong mabalian ng buto nong minsan.." Aniya at tumakbo habang tumatawa kasi ay hinahabol ko na siya ng bag ko.
Tawa siya ng tawa hanggang sa makarating kami ng parking lot. Great! Just fucking great, now I have no other choice but to dine with him.
Nakatutok lang ang mata ko sa phone habang nagddrive si Kevin at palinga linga sa akin at sa kalsada. "You're absolutely jealous, Kei!" Aniya at humalakhak. Bago pa ako makapagbato ng maanghang na salita ay dinugtungan niya na iyon. "You will always be my bestfriend."
Okay, dammit!
Huminto kami sa isang cafe di kalayuan sa office at nagpark sa kabilang kalsada. Tumunog ang phone ko, kaya kinuha ko yon. It's probably mom, nagtext kasi ako sa kanya kanina na tutungo ako pa-Singapore.
"Hey!" Isang malakas na busina ang narinig ko bago ako sumalampak sa dibdib ni Kevin. "Dammit! Are you trying to get yourself killed, Adriana?" Galit niyang sabi habang nakasalampak padin ang pisngi ko sa dibdib niya.
Halos matulala ako dahil doon kabaligtaran ng humahatak kong dibdib. Dammit! Montik na akong mamatay! Just dammit! Tinulak kong palayo si Kevin at inayos ang sarili. "T-tara na."
Bago pa ako makatawid ay mahigpit na ang kapit ni Kevin sa balikat ko. "Aray, Kev.. Masakit.." Pilit kong tinatanggal iyon pero mas lalo lang iyong sumakit at humigpit.
Hanggang sa makapasok sa loo ay di bumitaw si Kevin sa balikat ko. "Table for 2, sir?"
"Yes."
"This way, sir." Iginiya kami ng waiter sa isang bakanteng two-seater table sa bandang likod ng cafe at binigyan ng menu. Hindi pa man din ako nakakadalawang hakbang ay may babaeng humarang sa aming dinadaanan.
"Kevin? Kev!" Isang matangkad, petite na Kendall Jenner look-a-like ay biglang yumakap kay Kevin. "Kamusta? Why did you cancel on me?" Parang bigla ang napatingin sa akin ang babae at bigla ay ni-head to foot ako.
"I'm busy, Eve." Nilingon ako ni Kevin dahil nasa akin ang paningin ng babae niya. "This is Kate, by the way. Kate, Eve Rothlow, classmate ko sa MBA."
Hindi ko iyon pinansin at tinanggal ang kamay ni Kevin sa balikat ko at tumalikod para lumabas nalang. So, siya ang ka-date niya? Ano ang sabi niya kanina? Kapag pumipili ng undershirt may date agad? Damn liar.
"Kate!" Binilisan ko ang lakad ko patawid pero nahablot na ni Kevin ang strap ng bag ko. "What's your problem, Kate Adriana? Bakit mo iniirapan si Eve?"
"Gusto kong umuwi nalang." Sagot ko at pinara ang taxi na padaan pero ibinaba ni Kevin ang kamay ko. "If you want to go then we'll go. If you want to eat, we'll eat somewhere else."
"Uuwi akong mag-isa at kakain akong mag-isa." Singhal ko at pinara ang taxing nadaan. Wala na siyang nagawa dahil sumakay na agad ako.
Labing limang minuto ang lumipas ay nasa labas na ako ng apartment. Tulad ng inaasahan ko ay nailawan ng headlights ang gate na binubuksan ko. Nanginig ang kamay ko sa pagbubukas ng gate sa isang malakas na bagsak ng pinto ng sasakyan dahil alam kong si Kevin iyon.
"Just wait for a goddamn moment!"
Halos maramdaman ko ang pagka-dislocate ng balikat ko sa paraan ng pagkahila ni Kevin. "What the hell is your problem?"
"You fucking let my hand go!"
Mahigpit ang kapit ni Kevin sa kamay ko. Sakop ng huong palad niya ang pulso ko kaya walang tyansa na makawala ako. "What the fuck is your problem, Kate Adriana? Anong problema mo kay Eve?"
"Wala!" Singhal ko. "Now, let go of my fucking hand!"
"No, you fucking tell me what's wrong first!"
"Goddammit, Kevin! I said nothing! Wala! Ano ba ang hindi mo ma-gets doon!" Kinagat niya ang kanyang labi at tumingala. Kita kong nag-igting ang panga niya at mukhang pikang pika na sa akin. Kung pikon ako ay dobleng pikon itong si Kevin kaya alam kong iritang irita na siya sa akin.
Hell, I'm pissed, too! "Will you just say it? Ayaw kong nanghuhula kung bakit ka nagagalit, Kate Adriana!"
"Putangina, Kevin! Wala nga!" Galit kong sabi at nagpatuloy sa paghila sa kamay ko. "Wala! Wala! Oka-"
Hinila ako ni Kevin at siniil ako ng halik. Tinulak ko siya dahil sa gulat. "Damn, what th-" At isa ipa. "Kevin, what the h-" at isa pa. His kisses went from hard ones to knee-melting ones. Bago pa bumigay ang mga tuhod ko ay naramdaman ko ang lamig ng sasakyan ni Kevin sa likod ko at ang kamay niya sa bewang ko.
Halos mapamura ako ng mahinang kagatin ni Kevin ang ibabang labi ko na siyang nagpabalik sa akin sa katotohanan. Mahina kong itinulak si Kevin pero parang nahigop niya ang labi ko.
"Kev.." Oh, damn! Did I just sounded heady? He didn't let me finish because he tasted my lips once again. Pero tulad kanina ay mahina ko siyang tinulak. Idikit niya ang kanyang noo sa akin at kinagat ang kanyang labi.
"Sorry.." Aniya ilang segundo ang lumipas. Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang humaplos sa mukha ko. Bumuntong hininga siya at sumandal sa gilid ko.
We kissed. Again. Dammit. Kinagat ko ang labi ko at lumingon sa kabilang banda ng maramdaman ko ang kamay ni Kevin sa balikat kong medyo masakit dahil sa pagkahila niya kanina.
"Does it hurt?"
Kahit medyo masakit iyon ay umiling ako. "I'm fine." I said in a small voice. But his hands continued to caress my shoulder. Nanatili kaming dalawa doon. Nakasandal sa kotse, habang nakaakbay sa akin si Kevin at nakatulala sa pader.
"Are you hungry?" Umiling ako. There's no way in hell I'll eat dinner with Kevin after what happened! "You should go inside, then." Aniya at pinakawalan ang balikat ko.
"O-okay." Mabilis kong kinipkip ang bag ko at pumasok sa loob ng di nililingon si Kevin. Diretso ang akyat ko sa 2nd floor habang nanginginig ang kamay sa pagbubukas ng pinto.
Paulit ulit na umiikot sa isip ko kung paano dahan dahang lumambot ang pagtama ng labi ni Kevin sa mga labi ko. Holy shit, what the hell was that?
Hindi pa ako nakapag-bihis agad dahil sa mga nangyari kanina. Medyo masakit din kasi ang balikat ko. Nang mapagpasyahan kong magbihis na ay may nag-doorbell naman. Nagtaka ako kung sino yon kaya hindi ko muna binuksan. Sumilip ako sa peephole at nakitang si Kevin yon.
Bumuntong hininga muna ako bago binuksan yon. "Bakit ka nandito sa harap ng pinto ko?"
"Brought you food and.." Aniya at itinaas ang isang maliit na brown bag na may tatak ng isang pamilyar na drug store. Hindi ko paman siya napapapasok ay hinawi niya ako para dumaan. Diretso siya sa kitchen at nilapat doon ang Chinese take out.
"How the hell did you get here?" Sa front door siya dumaan at hindi sa binatana. Which is new and WEIRD.
"I told your landlady you're sick so.. Pinayagan niya akong umakyat para dalhan ka ng food at meds."
"Kain tayo." Tumayo ako doon at pinanuod na maglagay ng plato si Kevin.
This is not good. I'm feeling something very very very foreign.
"Why do you have a bag?"
"Dito ako matutulog para sabay na tayo sa airport bukas?"
"H-ha? I told you I can just meet you there tomorrow. Nasa akin na ang details ng flight natin."
"No buts, aright? Let's eat so you can take your meds."
2hrs yata kaming kumain. Isang awkward dinner iyon. Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa makatapos. "Uh, you go ahead ang sleep.. Mag-uurong lang ako."
Umiling si Kevin habang umiinom ng tubig. "You go and take a shower while I wash the dishes."
Dahil ayaw ko nang mahabang usapan ay di na ako nagreklamo. Dumiretso ako sa kwarto at pumasok sa CR. Mabilis na shower lang ang ginawa ko at naglagi sa loob. Damn, I don't wanna go out!
"Kei, you okay?" Holy shit! Talaga naman! Marahan kong binuksan ang pinto at lumabas. Tumambad sa akin ang braso ni Kevin na nakikita ko habang nakasandal siya sa pader sa gilid ng pinto. Nilingon din ako kaagad ni Kevin at doon ko nakitang nakahubad siya. Damn, just dammit!
"Tulog na tayo." Diretso ang lakad ko sa kama para makahiga na at tinabunan ng kumot ang aking katawan.
I don't remember any instances having these internal turmoils especially towards my best friend! Iba ito. Pumikit ako ng naramdaman kong lumubog ang kabilang side ng kama dahil sa pagupo ni Kevin.
Nakakabingi ang katahimikan kaya nagsalita ako dahil doon. "Claire seems nice. Y-you should date her."
"Do you really want me to date her?"
No.. "Yes. I'll still be your best friend right?"
Sandali siyang natigilan bago sumagot. "Yes, of course. Til death do us part, remember?"