Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

VIII : For the greater good

94.8K 3.8K 4.4K
By Serialsleeper


 Sorry natagalan ang update, been really busy with work and real-world responsibilities. I hope everyone understands <3 

 

VIII

For the greater good

Mira


"Stop!" Biglang sigaw ni Wena dahilan para agad na maihinto ni Churchill ang sasakyan, dahilan para halos tumilapon kami mula sa kinauupuan.


"Churchill you poophead! You're going to get us killed!" Sigaw ko. Pasalamat 'tong si Churchill at malayo-layo ako sa kanya kundi siya talaga ang magiging laman ng cooler.


"Okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Gino kay Pinky na gulong-gulo na ang buhok at putlang-putla na. Babatukan sana ni Gino si Church pero lumingon sa direksyon namin ang aligagang si Wena.


"This van won't fit on the way to the villa. We're gonna have to continue on-foot." Sabi ni Wena at walang ano-ano'y nauna nang lumabas mula sa van.


"Can you walk?" Tanong ko kay Dana na mukhang kahit papaano'y nahimasmasan na. She's still shivering cold while covered in layers of towels but atleast she looks like the same old Dana, may mga pasa sa mukha but same old Dana.


"I can run." Sambit ni Dana at nagulat ako nang bigla niyang binuksan ang cooler at kumuha ng isang lata ng softdrink. Naunahan pa niya ako sa paglabas mula sa van.


***


Dala ang mga gamit na kaya naming mabitbit, sinundan namin si Wena na mabilis ang bawat hakbang na kulang nalang ay tumakbo. Sukbit ang malaki niyang bag at yakap parin ang kanyang unan, mahigpit ang hawak ni Wena sa kanyang flashlight na itinututok niya sa dinadaanan namin. Mabuti nalang talaga at may spare flashlight si Shem na nakatago sa van niya at may mga dala rin tong mga kasama namin kaya hindi kami kinakapos sa ilaw.


"Wena sigurado ka ba dito sa dinadaanan natin?" Tanong ni Churchill habang binabagtas namin ang isang maputik na daang napapalibutan ng nagtataasang damo at naglalakihang mga puno. Napakasikip ng dinadaanan namin up to the point na halos tumama na sa mismong mga balat at mukha namin ang mga nagkakapalang dahon at sapot ng gagamba.


"Wena ilang taon ka nang hindi nakakabalik dito!" Giit naman ni Gino.


"Sweetie, no offense pero mukhang mali natong dinadaanan natin, tingnan mo oh? Para na tayong naliligaw sa loob ng gubat." Tila ba nag-aalanagan namang komento ni Pinky.


Parang napuno si Wena, huminto siya sa paglalakad at nilingon kaming lahat, "This place has been my home for years. I know this place by heart so please just trust me! I know I'm not the brightest bulb in class but you have to trust me! Granpapi made sure the villa won't be found by most people so I'm the only one who could get you there."


Sa isang iglap, binalot kami ng masidhing katahimikan lalo na sina Gino at Pinky na parang nagulat sa inasal ni Wena. Matagal bago may nakapagsalita sa amin.


"I trust you." Biglang basag ni Dana sa katahimikan dahilan para mapalingon kaming lahat sa kanya, "Lead us the way." Dagdag pa ni Dana kaya naman unti-unting kumurba ang maliit na ngiti sa mukha ni Wena na animo'y labis na nahabag na kaya siyang pagkatiwalaan ng isang estranghero.


Sa isang iglap ay muling naglakad si Wena ng mabilis habang nililibot ang liwanag ng kanyang flashlight, hindi lumilingon o nagsasalita kaya panay lang ang pagsunod namin sa kanya. Maya't-maya naming chine-check ang mga cellphones namin sa pag-asang magkakaroon ng signal pero wala.


***


"You can talk. Talking is sharing. Sharing is caring." Sabi ko kay Dana na tahimik lamang na naglalakad habang yakap-yakap parin ang mga towel na nakasabit sa mga balikat niya.


"Iba ka talaga pag kinakabahan, kung ano-anong pinagsasabi. Buti tama parin ang grammar mo." Sabi naman ni Dana at ngumiti ng tipid. Parang gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay nakita ko siyang ngumiti, I mean ever since she was resurrected, its as if pasan niya ang mundo. Atleast ngayon nagawa na niyang ngumiti kahit alam kong hindi siya masaya.


"Kung ano-ano rin ang pinaggagagawa. Diba Mira?" Biglang sambit ni Churchill na katabi ko na pala sa paglalakad. Natatakot ako kung saan darating ang usapan lalo na't si Churchill 'to kaya binilisan ko na lamang ang paglalakad upang makalayo sa kanya. I wonder if he's hinting about our most regretted secret again?! Nakakainis.


"Teka ano yun? Tama ba yung naririnig ko?" Biglang bulalas ni Pinky kaya nahinto kaming lahat sa paglalakad.


"We're close! Hurry!" Bigla namang sigaw ni Wena at nagtatakbo kaya kahit kami ay napatakbo nalang din.


Takbo lang kami ng takbo hanggang sa marinig ko ang ibig nilang sabihin... I can hear it... the relaxing sound of waves crashing along the shore. And then all of a sudden, sa dulo ng liwanag ng mga flashlight namin, tumambad na sa amin ang dalampasigan.


"Told you guys I'd get you here." Pagyayabang ni Wena sa aming lahat sabay taas ng kanyang kamay na animo'y nilalanghap ang napakalakas na ihip ng hangin.


Nilibot ko ang flashlight na hawak ko, "But where's the Villa? Maglalakad pa—" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang mamataan ko mula sa hindi kalayuan ang isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Gaya ito ng kay Cielo sa Drayton pero tong nakikita ko, mas mukhang luma at para pang may bahid ng sunog sa isang bahagi nito. May bakod nga, yun nga lang kahit bata kayang-kaya itong daanan dahil nagbagsakan na.


After what felt like forever, yes we finally found the villa... But instead of relief, I feel otherwise.


Alam kong wala ako sa lugar na mag-inarte pero mahirap lang kasi talagang paniwalaan si Wena na magiging ligtas kami dito lalo pa't demonyo tong hindi humahabol sa amin.


***


"Teka may susi ba tayo?!" Bulalas ni Pinky dahilan para mahinto kaming lahat matapos makapasok sa bakod na gawa sa mga kawayang ngayo'y nabubulok at nagsitumbahan na.


"Got it!" Bulalas naman ni Wena at tarantang humugot mula sa kanyang bag.


Pumasok kami sa loob ng malaking tahanan at agad na sumalubong sa amin ang amoy na karaniwang taglay ng isang bahay na matagal nang abandonado. Madilim man, dahil sa liwanag ng mga flashlight namin ay nagawa naming maaninag ang isang set ng sofa kaso ito lang ang gamit na tanging nakikita namin.


"Kanina pa ako pagod na pagod!" Biglang sumigaw si Gino at walang pagdadalawang-isip na dumapa sa sofa kaso dahil sa ginawa niya agad na sumabog ang mga alikabok at binalot siya ng mga ito. Napaatras kaming lahat at nagsitakip na lamang ng mga ilong namin.


"Bago niyo ako sabihang tanga! Hindi ako tanga!" Sigaw ni Gino na nakadapa parin sa sofa habang umuubo. Mukhang natetano na siguro ang utak nito dahil sa piercings niya.


"We need to get the electricity up and running. Asan ang planka ng kuryente?" Tanong ni Churchill kay Wena.


"At yung iba niyong gamit asan? Ang laki nitong Villa pero sofa lang ang meron kayo?" Tanong naman ni Pinky.


Napabuntong-hininga si Wena, "If I remember it correctly, it was behind a frame—"


"That frame?" Tanong ni Dana kaya napalingon kami agad sa direksyon na itinuro niya.


It was a family picture to be exact; One old couple, one adult couple and two little kids that is surely Axel and Wena from when they were just little kids. Tumayo si Gino at pinagpagan ang kanyang sarili, lumapit siya sa picture frame at tinanggal ito dahilan para tumambad sa amin ang isang kahon na nakabaon sa dingding.


Iniabot ni Gino kay Wena ang family picture nila at kahit punong-puno ito ng alikabok, niyakap ni Wena ang picture frame at nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Did something bad happen to this kid when she was young?


"Hallelujiah!" Biglang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Gino at kasabay nito ang pagliwanag ng paligid at pagkalat ng ingay na nagmula sa biglaang pag-andar ng kuryente.


"Whoa!" Hindi ko napigilang mapanganga nang tuluyang makita ang paligid.


Gaya ko, gulat na gulat rin sila maliban lamang kay Wena. Eh paano ba naman kasi, kung sa labas titingnan, mukhang gawa sa kahoy ang buong bahay at napakaluma na pero ibang-iba pala ang hitsura dito sa loob. Semento ang apat na sulok ng bahay, oo nga't sofa lang ang furniture na meron pero mayroon namang mga CCTV sa dingding.


"Baka mamaya mahigop mo ang lahat ng isda sa dagat. Isara mo 'yang bibig mo" Bigla akong siniko ni Churchill kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Wait that wasn't a green joke right? I mean if it is, I would feel so violated and harassed.


"My granpapi and granmami used up all their retirement funds just to have this place built. They planned to open this Villa for tourists but Astaroth started terrorizing my brother so they changed plans and built this to be the family shelter instead. This floor only has the bathroom and lobby but the villa has a total of Three floors, two sets of staircases and 5-6 rooms If my memory serves right? Granpapi was an engineer in the military and Granmami had connections to resources. The CCTVS were the final touch and be careful kasi may CCTV sa bawat rooms except for the bathroom." Paliwanag ni Wena habang tinititigan ang kanyang hawak na picture frame.


"Uhm Guys..." Sa isang iglap ay bigla na lamang nagtaas si Dana ng kanyang kamay dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.


"Someone please lend me dry clothes, I'm still shivering cold and my face hurts like hell. Not to mention, I'm still wearing my soaking wet and tacky Mortal Kombat jammies." Bulalas ni Dana kaya agad kaming nagkatinginan si Churchill. Pinanlisikan ako ni Churchill ng mata na para bang pinagbabantaan akong 'wag magsumbong na siya ang may kasalanan kung ba't masakit ang mukha ni Dana.


****


Nang papasukin ako ni Dana sa banyo ay nadatnan ko siyang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.


"Wena's only fourteen but her clothes and undergarments fit me perfectly. Sino ang may mali? Ako o si Wena?" Natatawang sambit ni Dana habang isinusuot ang kulay puting denim jacket sa ibabaw ng makapal na bestidang kulay itim.


"Cielo and the others could be coming lalo pa't nang huli ko silang nakausap, nailigtas na si Shem matapos mahulog sa tulay." Pamamalita ko na lamang sa kanya sabay lapit sa kanya dala ang isang suklay at panali sa buhok niyang gulong-gulo. Tumayo ako sa likod niya at sinimulang suklayin ang buhok niya. I remember back in highschool, Dana used to ask me to fix her hair into a fishtail and it annoys me so much to the point na pinagtataguan ko siya at iniiwasan. I wasn't a good friend back then, I didn't even treat her as a friend.


Mukhang nagulat si Dana sa sinabi ko pero sa kabila nito ay nagawa parin niyang ngumiti habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok, "It's a good thing he's okay. That boy deserves to be."


"Ikaw Dana? Okay ka lang? Kung nami-miss mo ang mga magulang mo, 'wag kang mag-alala, maayos ang lahat at makikita mo ulit sila." Tanong ko habang sinisimulang i-braid ang buhok niya. Matapos kong mai-braid ng isahan ang buhok niya at maitali ito sa isang ponytail, napatingin ako sa repleksyon niya at nakita kong umiiyak na pala si Dana.


"Am I okay? Mira I remember everything now, every single sickening detail..." Napatingin sakin si Dana habang umiiyak, "You told me I was dead for a day but where I came from? It has been three months ever since Cielo made a wish..."


"And you didn't deserve that." Giit ko.


"Wacky doesn't deserve that too..." Tuluyang napahagulgol si Dana kaya napayakap na lamang agad ako sa kanya ng mahigpit. Gusto ko siyang patahanin, gusto kong iparamdam sa kanyang magiging okay lang ang lahat pero kahit ako ay nagsisimula naring maiyak.


"I-I want him back... He can't be Astaroth... He didn't deserve it! M-mabuting tao si Wacky! I'm glad everyone's back and alive, I'm happy that my parents are alive, I'm happy that Cielo is okay... But I want Wacky to be okay too... " Sambit ni Dana sa pagitan ng kanyang bawat paghikbi. Awang-awa ako kay Dana pero mas lalo akong naaawa kay Churchill lalo pa't alam kong mas matagal na kilala ni Churchill si Wacky. If Dana is in so much pain knowing Wacky's gone, Churchill must be too, a lot.


*****


Nakaakbay ako kay Dana nang lumabas kami ng banyo. Pinipilit ni Dana na ipakita sakin na okay lang siya pero bakas parin sa mukha niya ang matinding lungkot at pag-aalala. I guess she knows that Astaroth could still be coming for us and the worst part, he's using Wacky's body now.


Habang naglalakad sa pasilyo ay bigla naming naabutan sina Pinky, Gino, Churchill at Wena na nakatayo sa harapan ng isang pintong gawa sa bakal. Teka, akala ko ba banyo lang ang meron dito sa ground floor? Ba't may ganitong pinto?


"What are you guys doing?"Tanong ko agad sa kanila at nang tuluyan kaming makalapit, nakita ko ang isang maliit na panel sa gitna ng pinto. Panel na mayroong numero from 0-9. What the hell?!


"Sorry talaga!" Iyak ni Wena, "I forgot about the passwords! This door leads to the staircase!"


"Ano? May password ang pinto?" Naguguluhang sambit ni Dana.


"Pero diba dalawa naman ang hagdan dito? Dun tayo sa kabila!" Suhestyon naman ni Pinky.


"Galing kami doon, may ganitong security system din sa pinto!" Giit ni Churchill.


"S-sorry! Nakalimutan ko talagang may ganito palang encryption na pinalagay si Lolo." Sabi pa ng naiiyak nang si Wena. Para siyang natataranta na ewan kaya kung ano-ano ang mga numerong pinagpipindot niya sa panel. Pareho ko pala tong batang 'to eh, kung ano-ano ang pinaggagawa pag umaapaw na ang emosyon.


"Pero ligtas parin naman tayo dito diba? Okay lang kahit di tayo makapunta sa second floor?" Tanong ni Gino pero tuluyan lamang na naiyak si Wena.


"You guys don't get it! What makes this house Astaroth-proof isn't just the military-like security system, it's the enchantments and symbols transcribed on the walls that keeps demons like Astaroth from getting in. Kaso tong first floor, wala tong enchantments kasi pang-distract lang dapat to sa mga bisita at sa mga kung sinong magagawing tao!" Paliwanag ni Wena.


***


"Wena It's not your fault, please stop blaming yourself. You were just trying to help us." Giit ko kay Wena na hanggang ngayon ay umiiyak parin habang nakahiga sa hita ni Pinky.


"If there's one thing I learned, it's to stop blaming yourself unless it really was your intention to inflict harm. Wena, you were just trying to help so thank you." Mahinang sambit ni Dana habang pinanonood sina Gino at Churchill sa pagbubuo ng bilog sa sahig gamit ang asin.


"Wait, did you really die? I mean, how did it feel?" Tanong ni Pinky kay Dana kaya agad nakunot ang noo ko. Grabe naman kung makapagtanong ang babaeng to.


"I didn't know I was dead until you guys brought me back." Napatingin sakin si Dana.


"About that hehe..." Napangiti na lamang ako, "All we did was just stole your body from the morgue. Ni hindi pa nga sinasabi ni Harper sa amin ang plano."


"Harper?" Gulat na sambit ni Dana. I feel her, kahit ako nagulat rin nang biglang nag-iba ang hugis ng utak ni Harper.


"That mannerless dumbobo girl claimed that she wants to help you live again. She actually helped us." Pag-amin ko na lamang.


"Wait!" Napabuntong-hininga si Pinky at napahawak sa kanyang noo, "A dead girl became alive again, a demon chasing us and that demon has been chasing my friend ever since he was a kid...My brain is still having a hard time to processing all this."


"You have a brain?" Nagawa pang mang-asar ni Wena kaya naman agad na piningot ni Pinky ang tenga niya.


"Wait does this mean unicorns exist too?" Biglang tanong ni Pinky kaya natahimik kaming lahat.


****


Lumipas ang mga oras at wala kaming ibang ginagawa kundi mag-kwentuhan ng kung ano-ano. Lahat kami ayaw makatulog sa takot na biglang dumating si Astaroth. Wala mang nagsasalita at nag-uungkat, alam kong kahit nasa loob na kami ng bilog na gawa sa asin ay balot parin kaming lahat ng takot at pangamba. Sa sobrang daming napag-kwentuhan namin, para na naming kabarkada tong sina Pinky, Gino at Wena.


Asaran at hampasan, para kaming mga baliw na pinagsama-sama sa isang bilog. Kahit si Dana nakikisali narin sa asaran at biruan, mabuti narin to para pansamantala naming malimutan ang mga problema namin lalo pa't hindi na talaga namin alam anong susunod na gagawin. Mabuti nalang rin talaga na medyo malaki tong bilog na ginawa nila Churchill at Gino, atleast kahit naghahampasan kami at pabirong nagtutulakan, walang nakakalabas sa bilog.


"It's almost sunrise siguro naman hindi na darating ang demonyong 'yon, gabi naman lumalabas ang mga demonic creatures at lamang lupa diba?" Tanong ni Pinky na ngayo'y nakasandal na kay Gino na nakasandal naman kay Churchill na nakasandal sa likod ko. Talk about magulong ugnayan.


"Kung lumalabas lang sa gabi ang mga lamang lupa, ba't mo nagagawang makapunta sa eskwelahan?" Pang-aasar ni Gino na mukha nang high sa sobrang pamumula ng mga mata.


"I'm gonna rip your piercings off with my bare hands and shove them up your ass." Pagbabanta ni Pinky sabay hampas sa noo ni Gino.


"Pahabol mo nalang yan sa aso!" Gatong ni Churchill.


"Or you could feed him laxatives!" Suhestyon pa ni Dana.


"'Wag mong gawin yan kay Troy Boltongina!" Pagsali naman ni Wena sa asaran.


"Sa ngalan ng kapangyarihan ni Pinunong Goku! Ikaw ay aking bebendisyunan!" Bigla na lamang tumayo si Gino lumapit sa direksyon ni Wena na nakahiga parin sa hita ni Pinky. Gulat na gulat kaming lahat nang bigla na lamang umaksyon si Gino ng upo at inilapit ang pwet niya sa mismong mukha ni Wena at inututan ito ng pagkalakas-lakas. Para pang umire si Gino sabay kuyom ng kanyang mga kamay para lang palakasin ang pwersa ng utot niya.


Nagsigawan kaming lahat lalong-lalo na si Wena na kulang nalang ay mangisay sa sahig habang tinatakpan ang buong mukha niya.


"Repapips may rap ako!" Anunsyo ni Gino pero walang kumibo sa amin, lahat kasi kami nakatakip rin sa mga ilong namin.


"Gusto kong umutot pero shit ang lumabas! Break it down! Come on!" At nag-rap nga si Gino with matching beatbox pa na wala namang patutunguhan. Oo nakakadiri pero hindi na namin napigilan pang maghagalpakan kakatawa.



"Mga balahurang mortal."


Natigil kaming lahat sa pagtatawanan nang bigla naming marinig ang isang malalim at nakakapangilabot na boses ng isang lalake. Sa puntong yon agad akong napatingin kay Churchill sa pagba-baka sakaling siya yon pero gulat lamang ang nakita ko sa kanyang mukha. Napatingin rin ako kay Gino pero imposible ring siya yon kasi nakatulala narin siya habang naka-squat parin.


Umalingawngaw ang sigawan nila kaya napasigaw rin ako at mariing pumikit. Nang maidilat ko ang mga mata ko, namalayan ko na lamang na nagyayakapan na kaming lahat sa gitna ng bilog. Hindi ko mapigilang mapasigaw ng todo lalo na nang maramdaman kong nakukurot na ni Wena ang likod ko dahil sa sobra niyang takot habang pilit na nagtatago sa likod ko.


"Wacky!" Narinig ko ang sigaw ni Churchill, punong-puno ng panlulumo at imbes na takot, matinding lungkot ang naririnig ko sa boses niya.


"Wacky I know you're still there! Wacky you have to fight him!" Sigaw naman ng umiiyak nang si Dana.


Tinatagan ko ang kalooban ko't tumingin ako sa direksyon kung saan nakaharap sina Dana at Churchill. Nakita ko si Wacky, pawang kulay itim ang dalawang mata at may ngisi sa kanyang namumutlang mukha. Hindi ko alam pero mukhang nakatingin lamang siya sa direksyon ni Dana.


"Hindi siya makakalapit! 'Wag kayong matatakot! May asin! May asin!" Narinig kong giit ni Gino habang yakap sina Pinky at Wena, sa unang tingin mukhang nancha-chansing si Gino pero totoo ang pinapakita niyang pagpapahalaga sa dalawa na para bang gusto niya itong protektahan.


"Tigilan mo na kami! Humanap ka ng mga kriminal! Sila ang guluhin mo!" Hindi ko mapigilang mapasigaw.


Dahan-dahang humakbang si Wacky papalapit sa direksyon ng bilog na kinaroroonan namin kaya nag-atrasan kami habang magkakadikit parin. Ayokong ipakita ang takot ko pero dahil sa lakas ng sigawan nina Gino, Wena at Pinky ay napapasigaw narin ako.


"'Wag kayong mag-alala, ayokong mag-aksaya ng oras sa inyo." Bigla niyang itinuro si Dana nang may ngisi parin sa kanyang labi, "Sumama ka sakin at walang masasaktan."


"No!" Napatili ako at mas hinila pa si Dana papalapit sakin. We've lost her once, we wont lose her again. I still have a lot to tell her, I still have a lot of sins to confess, I still have to make up for all what I did.


"Hindi siya sasama sayo!" Giit ni Churchill at lumipat siya sa harapan ni Dana na para bang hinaharangan ito. Napatingin ako kay Dana na hanggang ngayo'y umiiyak parin, nanginginig na ang mga kamay niya at animo'y hindi siya mapakali.


"Sinong gusto niyong unahin ko?" Tanong ni Wacky at muli na namang humakbang papalapit samin.


"Subukan mong lumapit at—" Natigil si Churchill sa pagsigaw at kasunod nito ang pagtilian naming lahat nang makita ang mismong pag-apak ni Wacky sa asin na nasa sahig. Hindi gaya kanina, hindi siya nasasaktan, humalakhak pa siya na animo'y ipinagmamayabang ang kakayahan niyang dumaan sa nagsisilbi naming proteksyon.


"Asin yan! Bobo! Bawal ka diyan!" Hindi ko mapigilang mapasigaw.


"Sorry!" Bigla namang napasigaw si Gino kaya agad kaming napalingon sa kanya.


"Anong ginawa mo?!" Sigaw naman ni Churchill.


"Naubos ang asin! May nakita akong asukal at tawas sa bag ni Wena! Akala ko hindi mapapansin ng demonyo ang kaibahan pag yun ang nilagay ko!" Bulalas ni Gino dahilan para lalo pa kaming magsigawan at mapahampas sa kanya.


"Takbo na!" Biglang tumili si Pinky ng pagkalakas-lakas saka tumakbo palabas ng bilog habang hila ang takot na takot na si Wena. Pati si Gino ay tumakbo narin at hinila ang likod ng damit ko kaya sa taranta, napasigaw rin ako't napatakbo kasama nila. Sa sobrang taranta, dali-dali kong hinablot ang braso ni Dana at hinila siya palayo.


Kanya-kanya kami ng tili at sigaw habang tumatakbo sa pasilyo, hindi alam saan pupunta.


"Teka si Dana?!" Biglang umalingawngaw ang sigaw ni Churchill dahilan para mahinto kaming lahat sa pagtakbo. Lalo pa akong nagulat nang makitang si Churchill ang hawak at hinihila ko, hindi si Dana.


"Dana!" Sa kaba ko, napahiyaw ako at muling kumaripas ng takbo pabalik sa sala, ganun rin si Churchill.


****


THIRD PERSON'S POV


"Ang van ni Shem! Andito sila!" Bulalas ni Raze na siyang nagmamaneho dahilan para magising at mapapitlag si Shem sabay punas ng laway na tumulo sa gilid ng kanyang bibig.


"Anong nangyari sa baby ko?!" Hindi pa man tuluyang nakakahinto ang van, agad na napasigaw si Shem nang maaninag ang malaking yupi sa harapan nito.


"Quit whining you big baby!" Bulyaw naman agad ni Harper kay Shem.


"Hindi na makakapasok ang van sa dadaanan natin! Kailangan na nating bumababa!" Maotoridad na sambit ni Axel dahilan para agad silang magbabaan at magtakbuhan patungo sa kinaroroonan ng Villa, sa tulong narin ni Axel.


Kasabay ng pag-aagaw ng liwanag at kadiliman sa kalangitan, unti-unting natatanaw ng lima ang mala kumikislap na dagat hanggang sa tuluyan silang makaalis sa kakahuyan at mapunta sa buhanginan.


"Hayun!" Biglang sigaw ni Raze nang matanaw ang malaking villa mula sa malayo.


"Hooo! Pinagpawisan ako kakatakbo! Time out muna saglit!" Humihingal na sambit ni Shem na kulang nalang ay mahiga sa buhangin dahil sa sobrang pagod at panghihina. Saglit niyang tinanggal ang suot na helmet at nilaglag ito sa buhangin upang mas lalong madama ang malamig na hangin sa paligid at ang pagsampal ng mga alon sa dalampasigan.


Dahil sa sobrang pagod, saglit silang huminto sa kinatatayuan upang pansamantalang maghabol ng lakas at hininga maliban lamang kay Cielo na naglalakad na lamang patungo sa direksyon ng Villa at kay Axel na agad sumunod sa kanya. Wala silang kamalay-malay sa gulong nagsisimula nang sumiklab sa loob nito.


"Ang sarap sa mata!" Sigaw ni Shem nang makita ang mala kahel na liwanag na nagsisimulang lumitaw patungo sa kalangitan. Kahit sina Raze at Harper ay napatingin rin sa unti-unting pagsikat ng araw sa kalangitan.


"Cielo sandali!" Habol ni Axel kay Cielo kaya naman tumigil ang dalaga't lumingon sa kanya.


"Shhh! Do you hear that?!" Kunot-noong sambit ni Cielo na animo'y pinapakiramdaman ang paligid.


Naguguluhan man, agad na pinilit ni Axel na talasan ang kanyang pandinig hanggang sa maulinigan niya ang tinutukoy ni Cielo—Malabong sigawan na tila ba nanggagaling sa Villa.


Sa isang iglap, agad na kumaripas ng takbo sina Axel at Cielo patungo sa direksyon nito. Sa sobrang pagmamadali, ni hindi nila pansin ang mga buhanging nagtatalsikan mula sa dinadaanan.


Napansin naman agad nina Raze ang biglang pagtakbo ng dalawa kaya naman kahit naguguluhan, agad rin silang humabol rito.


Habang palapit sila nang palapit sa villa, papalakas nang papalakas ang naririnig nilang sigawan at tilian mula sa loob. Habang tumatagal, lalo silang nababahala dahil sa pagkakataong ito, sigurado silang may hindi tamang nangyayari sa loob.


Hindi nagtagal, tuluyang nakahabol sina Raze at halos magkakasabay silang nakapasok sa bakurang gawa sa lumang mga kawayan. Sa pangunguna nila Cielo at Axel, nakapasok sila sa loob ng villa at agad na tumambad sa kanila ang isang eksenang labis na ikinagimbal at ikinagulat nilang lahat.


"Dana...." Kasabay ng pagsinghap ni Cielo ang pagpatak ng luha mula sa gulat na gulat niyang mata.


Kitang-kita nila si Dana na nakaupo sa sofa, nakatingin ito sa kanila habang lumuluha. Hindi nag-iisa si Dana, katabi niya ang nakangising si Wacky na nakaakbay sa kanya. Bakas man ang matinding takot sa kanyang mukha, pinilit ni Dana ang kanyang sarili na ngumiti nang magtama ang kanilang mga tingin ni Cielo.


"Paalam!" Humalakhak si Wacky at marahas na ipinulupot ang kanyang braso sa leeg ni Dana.


"Dana!" Tuluyang umalingawngaw ang kanilang mga sigawan ngunit bago pa man sila tuluyang makalapit at masaklolohan si Dana, sa isang kumpas lamang ng kamay ni Astaroth ay bigla na lamang lumitaw ang nagngangalit na apoy na pumalibot sa kanila ni Dana.


"Hindi!" Napahiyaw si Cielo. Agad siyang napatakbo patungo sa direksyon ni Dana pero lalo lamang sumiklab ang apoy dahilan para agad siyang hilahin nina Axel palayo rito.


Sa isang iglap, animo'y nilamon ng apoy sina Dana at Wacky dahil sa tindi at taas ng lagablag nito. Umalingawnagw ang sigawan nilang lahat, pati narin nila Mira at Churchill na bumalik rin sa kagustuhang sagipin si Dana. Sa kabila ng lahat, wala silang magawa kundi panoorin na lamang ang apoy sa gitna ng sala.


Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang naglaho ang apoy na parang bula. Kasabay ng tuluyang paghahari ng liwanag ng araw sa kalangitan ang paglitaw ng nag-iisa at nakahandusay na katawan ni Dana sa sofa, kapwa walang palatandaan ng paso o apoy.


Dali-daling lumapit si Churchill kay Dana at pilit itong ginising. Tarantang idinampi ni Churchill ang dalawang daliri sa leeg ni Dana at makaraan ang ilang sandali ay bumakas ang matinding panlulumo sa mukha ni Churchill.


"Churchill?!" Sigaw ng gimbal paring si Raze.


Unti-unting napalingon si Churchill sa direksyon ng kanyang mga kaibigan. Kasabay ng pagtakas ng luha mula sa kanyang mga mata, napailing-iling na lamang si Churchill para ilahad ang katotohanang wala na ulit si Dana sa kanila.


******


Idinilat ni Dana ang kanyang mga mata at natagpuan niya ang kanyang sarili na naglalakad sa gitna ng napakatahimik na pasilyo sa kanilang unibersidad. Biglang naagaw bulletin board ang kanyang pansin kaya naman lumapit siya rito at nakita ang nakapasikil na missing poster na naglalaman ng litrato nila Raze, Axel at Cielo.


Punong-puno ng kalungkutan at pag-aalala si Dana habang pinagmamasdan ito, walang kaide-ideya sa katotohanang siya ang nahiwalay sa mga kaibigan, at walang naaalala sa mga nangyari at pinanggalingan ilang minuto lamang ang nakakaraan.


Napayakap si Dana sa kanyang libro at napatitig sa litrato ni Cielo, "Would've been fun if you were there to see me beat the shit out of that bitch."


"D-dana? You're Dana right?"

Agad na napalingon si Dana at nakita niya ang isang dalagitang nakasuot na dilaw na uniform. Hindi 

ito nag-iisa dahil may kasama rin itong babae at lalake.


Sa isipan ni Dana ay nagtataka siya kung sino ang mga ito, wala siyang kaide-ideya na nakilala na niya at nakasalamuha sina Gino, Pinky at Wena.



END OF CHAPTER 8!

Note: sa mga nagtatanong parin kung bakit hindi nabanggit sa book 2 ang pag-appear ni Shem habang nasa park si Dana at ang pag-alis ni Dana sa hell after niyang magantihan si Harper—Gaya ng sabi ko sa mga nakaraang author's note pa, aanhin pa ang book 3 at twist ng book 2 kung babanggitin ko sa simula pa lang ng book 2 ang lahat ng nangyayari kay dana in both hell and reality? what's the point of having two-dimensional tropes if i go with a mediocre chronological order? Haha. This is very self-explanatory actually... I mean it's a horror/mystery story plus idagdag pa ang concept ng Dispareo na unconventional slasher-adventurish type so at some point we have to defy reality and the norms of fiction :)

Another also, Hindi alam nila Cielo na nagising si Dana, nalaman lang nila nung na chugi ulit thanks to wakeh :)


THANK YOU!

GOD BLESS <3

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 123K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
864K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
106K 8.3K 98
A MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's...