My Sexy Tutor (Ang Pagbabalik...

By HeyItsVinnnnnie

453K 3K 341

(COMEBACK) - Marco Sandoval a nasty, jerk who hates studying and hates commitment. By hiring a SEXY TUTOR, wi... More

My Sexy Tutor (Ang Pagbabalik)
Lesson #1 Meet Marco
Lesson #2 My New Tutor
Lesson #3 The Tutor
Lesson #4 First Tutorial Night
Lesson #6 Bitin si Cassie
Lesson #7 Troy VS Marco
Lesson #9 Bed Lessons?!!
Lesson #10 Humming Lessons
Lesson #11 Victoria is BACK.
Lesson #12 You want war?
Lesson #13 I'll give you WAR!
Lesson #14 The Event.
Lesson #15 Family Dinner
Lesson #16 Foreplay
Lesson #17 He's Jealous
Lesson #18 Sorry
Lesson #19 Feelings
Lesson #20 I'm still his tutor.
Lesson #22 In a relationship.
Lesson #23 The necklace
Lesson #24 Harutan sa ilalim ng ulan.
Lesson #26 Victoria strikes again!
Lesson #27 So we're back

Lesson #25 The Attackers

8.4K 92 33
By HeyItsVinnnnnie

Cassandra's POV

Napakagat labi ako.

Diniladilaan ko ng paulit ulit.

Taas-baba.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang sarap!!!

Hanggang sa sinupsop ko ng mabuti. 

Wala akong tinira.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili habang unti unti kong sinasaid ang….

cheese sa aking mga daliri.

Andami kaseng cheese ng popcorn ko.

Kaya wag kang ano jan.

Pero hindi yun ang issue. 

Si Mildred! Mukhang inindian ako! Kanina pa ako naghihintay sa pagdating niya dito sa tabing kalye! Halos maubos na ko na yung popcorn ni manong sa kakakain ko ganun din ang daliri ko!

Si manong popcorn kasi walang binigay na tissue sa akin! Ma-isuggest nga yan next time!

Well, kagaya nga ng sinabi ko sa inyo kanina, kanina pa talaga ako naghihintay! Tinext kasi ako kagabi ni Mildred na magkita daw kami bago ako pumunta kay Marco dahil may sasabihin daw siyang mahalagang importante!

Kaya ako andito ngayon!

Asan na ba yung maharot na kaibigan ko?

"CASS!" napalingon na ako sa gawing kanan ko at nakita ko si Mildred na tumatakbo.

Mukhang alam ko na kung bakit siya nahuli, naka make up eh! 

"Hay nako Mildred! Ikaw ang aga aga mo akong pinapunta dito tapos pahuli huli ka pa!" sabi ko sa kanya nung makalapit siya sa akin pero dedma lang ako!

AY GANON?!

"Cass! Nako! May sasabihin ako sayo!" sabi niya sa akin

"Oo! Alam kong may sasabihin ka sa akin, kaya nga ako nagpunta dito diba?"

"Wag mo na akong basagin ngayon! Importante to! Buhay niyo ni Marco ang nakasalalay dito." bigla akong kinabahan nun!

Buhay namin ni Marco? Oh no! Hindi pwede! 

"At anong meron?"

"Naalala mo yung VIctoria? yung mahaderang babae na nag OJT bilang clown at nag masteral ng cosmetics pero na-singko kasi masyado siyang makapal mag make up?!" seryoso at mabilis na sabi niya..

"Pffft-HAHAHAHAHA!!!!" My god! Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa dahil sa mga pinagsasasabi niya!

"Cass! Makinig ka nga sa akin! Hindi ako nagbibiro!!"
 napatigil ko sa pagtawa ng sabihin niya yun.

Hindi pa pala siya nagbibiro sa lagay na yun?!

"Weh?"

"Oo nga." sabay tango tango niya. 

Tumahimik na ako nun. Ngayon ko lang nakita na seryoso ang kaibigan ko sa ganitong bagay.

"So, naalala mo nga si Victoria? Yung maha-"

"Wag mo nang sabihin yan. Baka matawa lang ako ulit." sabay tawa ko ng mahina.

Kasi nakakatawa talaga siya!

"Eh kasi naman, wala na akong naisip na magandang deskripsyon para sa kanya! Hindi ko naman pwedeng sabihing maganda siya dahil kasinungalingan yun! Bawal magsinungaling! Hindi ko din pwedeng sabihing Pangit dahil makakasakit ako! HAHAHAHA!" sabi niya at hindi na din niya napigilan ang sarili niya sa pagtawa!

Kahit ako eh natawa na din! Loka talaga tong babaeng to!!!

"Pero eto na nga! May sasabihin talaga ako sayo eh!" biglang nag switch yung mood niya into serious! Ang bilis!

"Ano ba kasi yang sasabihin mo?"

"Si VIctoria kasi, nakita ko siya nung isang araw sa shop. Kasama si Troy." nagulat ako dun sa sinabi niya. Si Troy?! Kasama si Victoriang panget?!

"Tapos?"

"Nagpa-plano sila para paghiwalayin kayo ni Marco! Bigtime!" hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mildred!

Si Troy? Hindi ako naniniwalang gagawa siya ng ganoong bagay!

"Imposible yun! Kahit na hindi ko ganun kakilala si Troy, alam kong hindi naman siya gagawa ng ganoong bagay!" sabi ko. Imposibleng gawin yun ni Troy! Si Victoriang panget pwede pa!

"Maniwala ka sa akin Cass! Narinig ko talaga sila nung isang araw! Pumayag pa nga si Troy dahil makukuha ka niya bilang kapalit!" napailing iling pa din ako.

"Hindi pa din ako naniniwala. Alam kong hindi yun kayang gawin ni Troy." sabay nguso ko.

Ewan ko ba! Basta hindi talaga ako naniniwala na kaya niya yung gawin!

"Cass!! Ano ba yan! Maniwala ka sa akin! Alam mo na--"

"CASSANDRA!" natigil si Mildred nun sa pagsasalita at napalingon kami parehas sa tumawag sa amin.

"Troy?" sabi ko ng makita ko siyang bumaba sa kotse niya at papalapit sa amin.

"Cass! Yung sinabi ko sayo!" bulong sa akin ni Mildred at hinatak pa ang braso ko.

"Oo! Hindi ko naman nakakalimutan." bulong ko pabalik at tinignan na muli si Troy na ilang hakbang na lang ang layo sa amin.

Totoo kaya yung sinasabi ni Mildred? Imposible namang gumawa ng kwento tong kaibigan ko! Imposible din na gawin sa akin yun ni Troy.

"Hi Cass. Buti na lang nakita kita. Hinahanap kasi kita eh." sabi ni Troy sabay ngiti. Gwapo talaga si Troy, lalo na pag nangiti. 

Kung hindi lang ako baliw na baliw kay Marco, baka nagkagusto ako dito! AY ANG HAROT!! =__=

"At bakit mo naman hinahanap si Cass?" nasiko ko nun si Mildred dahil may katarayan kaunti yung boses niya.

Napalingon siya sa akin nun at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ahh. Birthday kasi ng Tita ko. Gusto ko sanang magpasama sa'yo na bumili ng regalo para sa kanya, dahil ikaw lang naman ang kaibigan kong babae, baka sakaling mas mapapadali ang pagbili ko kapag kasama kita." sabi niya.

Kaya naman pala! Magpapasama lang!

"At bakit hindi ka magpasa---"

"SIGE TROY! Sasama ako!" sumigaw ako para mapahinto si Mildred sa sasabihin niya. 

Delikado na! Hindi mo pa naman makokontrol ang bunganga nito!

Tinignan niya ako ng masama nun at pinandilatan ko lang siya ng mata.

"talaga? Salamat Cass!" nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Troy! 

Napatingin ako nun kay Mildred at nakita ko na gulat din siya!

NAKO! pag nalaman to ni Marco, yari ako dun!!!

*******************************************

Marco's POV

"Arghh!! Pwede ba Victoria, ikaw lang naman ang may gusto ng wedding eh! Ikaw na lang bumili ng ring!" sabay upo ko sa sofa!

NAKAKAINIS! Imbes na yayayain ko si Cassie na magdate kami ngayon, mukhang mauudlot pa!! 

"Marco, kailangan ka dun! Syempre, hindi lang naman ako ang magsusuot ng ring. Pati ikaw. Kaya kailangan magsukat ka din." pumunta si Victoria sa likod ko at nilagay ang braso niya sa leeg ko at hinalikan ang tenga ko.




ARGHH!!!! Kung bakit ba kasi gusto pa ni Daddy na magpakasal ako sa babaeng to!!!




"Ayoko!" hinawakan ko yung dalawa niyang kamay at inalis yun sa leeg ko at tumayo ako. 





"Marco! Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang. Sige na? Kailangan na kasi natin yung ring para sa engagement party natin."




"The hell! Wala akong paki-alam sa engagement party na yan! At isa pa, hindi ko naman sinabi na magpakasal ka sa akin!" sigaw ko sa kanya at tinuturo turo ko pa siya!



Nanggigil na ako sa babaeng to eh! Ang sarap pilipitin!!



"Marco, kailangan na kasi natin yun."




"Kailangan MO hindi AKO! Tumahimik ka na nga lang, ginugulo m----"




"MARCO SANDOVAL!!!" natigil ako sa pagsasalita ng tawagin ako ni Dad mula sa taas.




Napatingin kami parehas nun ni Victoria at nakita ko na tinuturo ako ni Dad gamit ang baston niya.




"Ganyan mo ba itrato ang mapapangasawa mo? Hindi ka na natuto! Gusto mo bang tanggalan kita ng mana?!"




"DAD!!!" napasigaw ako nun. Sh*t! Hindi niya ako pwedeng tanggalan ng mana! 




"Ah tito! Hindi naman po yun ang ibig sabihin ni Marco, nagtalo lang po kami dahil nagpapasama po ako sa kanya. Bibili po kasi kami ng ring namin for engagement." sabat ni Victoria






Nakita ko na nawala ang gusot sa mukha ni Dad at napalitan ng ngiti.





"Ganun ba? Sige. Marco, samahan mo ang fiancee mong bumili ng singsing. Ako nman eh kakausapin na yung iba kong business partners para sa gaganaping engagement party." 



"BUT DAD!!!" pagkontra ko




"NO BUTS Marco! Kung ayaw mong tanggalan kita ng mana dyan" sabi ni Dad sabay pasok sa room niya.



Tinignan ko nun si Victoria na nakangiti na sa akin.




F*CK IT!!!




"Paano ba yan Marco? Sasamahan m--- MARCO WAIT!" 



hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at lumabas na ako ng bahay papunta sa kotse ko. 



SH*T lang!!! Nasira tuloy yung plano ko ngayon!!!




"Marco! Hindi mo ako hinantay!" sabi  ni Victoria nung maabutan niya ako. 



Hindi ko pa din siya pinansin nun at sumakay na ako sa kotse ko.



"Marco!! San ka pupunta?!" nagwawalang sabi ni Victoria haban pinupukpok ang pinto ng kotse ko.


Binaba ko yung salamin nun at kinausap siya..

"Sa mall, sasamahan kang bumili ng singsing mo."

"Papaano ako? San ako sasakay?"





"Nakapunta ka nga sa bahay ko eh. Malamang, makakapunta ka din sa mall niyan. Magkita na lang tayo don!" inistart ko na yung engine ko at umalis.


Hindi ko na din tinignan si Victoria sa side mirror ko. Ewan ko ba. Wala akong interes sa kanya! Kahit nga siguro maghubad siya sa harap ko, hinding hindi ko siya papatulan, syempre kay Cassie na ako!



napahampas na lang ako sa noo ko nun nung maalala ko yung dapat kong gagawin ngayon! F*CK TALAGA!!!


**************************************

Cassandra's POV




Nakasakay na ako sa loob ng kotse ni Troy papunta sa mall.



Habang nakasakay ako. hindi ko din naalis sa isipan ko ang kwento ni MIldred. Totoo kaya yun?




napatingin ako nun kay Troy at sumalubong ang maamo niyang mukha sa akin.



Itong hitsurang to? Hindi gagawa ng kagaguhan!




"May problema ba Cassandra?" nabalik ako sa ulirat nun ng tanungin ako ni Troy. 



nakita niya ba akong nakatitig sa kanya?!




"Wala." sagot ko




nakakahiya!! Baka isipin niya, pinagnanasahan ko siya! EEEW!!





"Ahh. Akala ko kasi pinagnanasahan mo na ako. Pero okay lang din naman sa akin." 




"Hindi na no! Kahit kailan hinding hindi kita pagnanasahan." nakita ko na napa-pout siya nun. Ang kulet!




"bakit? Hindi ba ganun kalakas ang sex appeal ko?" sabay kindat ng gago.




"Hmmm... hindi lang talaga ganun kalakas ang appeal mo sa akin. Pero malay mo sa ibang girls, sobrang lakas pala!" sabay tawa ko pero hindi siya tumatawa at seryoso lang ang mukha niya.





Sandali kaming natahimik nun..




Hindi na kami parehas nagsalita hanggang sa makarating kami sa mall.




Nagpunta kaming parking lot para i-park yung kotse ni Troy tapos ay umakyat na kami.




"Ilang taon ba yung bibigyan mo ng regalo?" pagsisimula ko ng usapan namin. 





"isang 49 at isang 23. Parehas babae." sabi niya at ngumiti.




"Hindi tayo mahihirapan. Parehas babae eh." sabi ko




"Kaya nga, ikaw ang sinama ko eh. Wala kasi akong alam sa mga ganyan." sabi niya sabay sakay sa elevator.




"Shunga to? Edi papaano kapag nanligaw ka? Dapat may alam ka sa mga ganyan!"




"Dadaanin ko na lang sa kagwapuhan!" sabay pogi pose pa ang gagu. Pero pogi naman talaga siya.




Pumunta  kami nun sa 3rd floor.




Pumasok kami sa may Botique.



bibilhan namin ng regalo yung 23 years old, sabi niya kasi mahilig daw sa fashion yung reregaluhan niya! 




Eh ano bang alam ko sa fashion?! Dapat pala si Mildred ang sinama ko eh!



"Sa tingin ko maganda tong Royal Blue sa kanya." kinuha ko yung Royal Blue na tube dress na may Gold lining sa may bandang dibdib.



"Hmmm? Isukat mo kaya? Mukha kasing magkasing sukat lang kayo." sabi ni Troy.




Ako?! Magsusukat?! NO WAY!!!





"NAko Wag na! I-imagine mo na lang Papahirapan mo pa ako eh!" binalik ko yung Royal Blue na dress pero kinuha niya ulit.




"Sige na. Gusto ko kasi maganda yung ibibigay kong regalo sa kanya." ewan ko ba, pero ang sumunod na ginawa ko ay nagpunta na ako sa dressing room at sinukat yung binigay niya sa akin na Royal Blue dress.

Nung matapos ko siyang masuot, lumabas ako ng dressing room para ipakita kay Troy pero nakita kong busy siya sa kakatext.

"Troy?" tinawag ko siya at agad siyang napalingon ng makita ako.

"Ang ganda mo." hindi ko napigilang hindi ngumiti.

Ang diretsahan naman! Hindi man lang nagpasubali na, Wow. 'You look.. beautiful.' Yung mga ganung effect! Wala eh!

Ang choosy ko no?! -.-

"Ito na ba yung bibilhin mo?"

"isa yan sa bibilhin ko. Magsukat ka pa." inabutan pa ako ng sales lady nun ng napakadaming set ng dresses. 

OH MY GOD?! Isusukat ko tong lahat?!

"Maam. Isukat niyo na po para po makapili na kayo." sabi sa akin ng sales lady at ngumiti pa.

Jusko?! Lahat talaga to isusuot ko?! MY GOD!!

At gaya nga ng nangyari, sinuot ko lahat at pinakita ko kay Troy. Kahit hindi kasya at parang sasabog na yung damit dahil sa laki ng dibdib ko, tinuloy ko pa din! Malay mo, hindi ganun kalaki ang dibdib ng pagbibigyan niya? Sayang naman! :D

Parang nagtataka na nga ako eh, paano kasi parati siyang nagtetext! At sa tuwing lalabas ako, parati niya lang sasabihin na ang 'Ang ganda mo'    

 Wala na bang iba?

Minsan nga maabutan ko siyang tulala at parang ang lalim ng iniisip, tapos kapag tatawagin ko bigla na lang siyang magugulat. Parang ang lalim ng iniisip!

After ng mga ilang oras, natapos din ako sa pagsusukat! Ang ang animal, sa dinadami dami ba ng mga sinukat ko, TATLO lang ang pinili!!!

ASAR TALAGA!!! Nangati yung keme ko dun ah! 

"Nakakatuwa no? Ang dami kong sinukat pero tatlo lang ang binili mo." sabi ko sa kanya matapos niyang magbayad ng mga napili niya.

I-take note ang sarcasm! NAKAKAINIS EH! -____-

"Sorry Cassandra ah? Gusto ko lang kasi na maganda yung ireregalo ko sa kanya." sabi niya sa akin. Naintindihan ko naman yun. Nakakapagod lang kasi talaga!

Ilang minuto lang, natapos din kaming makapag bayad, grabe! parang dun palang, napagod na ako!

Lumabas na kami nun at nakita ko na naman si Troy na hawak ang cellphone niya pati ang paper bags at parang may hinahanap sa paligid.

Ano kayang problema ng lalaking to?

"Troy? may problema ka ba? May hinahanap ka ba?' bigla siyang napalingon nun sa akin at parang nataranta bigla.

"Ahhh!!! Wala. ano lang.. nag-iisip lang ako ng pwedeng iregalo sa isa ko pang pagbibigyan." sabi niya sa akin.. tinaasan ko siya ng kilay nun dahil parang mayroon hindi tama.

"Nagpa-plano sila para paghiwalayin kayo ni Marco! Bigtime!" 

HIndi ko tuloy maiwasang maalala yung sinabi sa akin kanina ni Mildred. 

Paano kung totoo pala yun? 

NAKO! Hindi pwede! Makakapatay ako ng tao at ng hayop!

"Cassandra? Sa tingin mo maganda ang Jewelries para sa susunod nating reregaluhan?"

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano ano ng magtanong siya sa akin..

Napa-isip ako nun.

Ano ba yung susunod naming reregaluhan?

AHHH! yung 49 years old!

"Depende. Mahilig ba siya sa alahas?"

"Hindi ko din masabi. Simple lang kasi yun eh." sabay kamot niya sa batok niya.

"Mag-alahas ka na nga lang. Matutuwa pa din yun dahil galing sayo at galing sa puso mo." sabi ko na lang sa kanya para matapos na kami kaagad at maka-uwe na ako!

Ewan! Bigla na lang akong kinutuban ng masama!

***********************************************

Troy's POV

habang tumitingin si Cassandra ng mga alahas, tinext ko na si Victoria at sinabi ko kung nasan kami ngayon para maisagawa na naman yung plano.

Oo. Tinutulungan ko si Victoria para mapaghiwalay si Marco at Cassandra.

Siguro kinamumuhian niyo na ako ngayon, pero si Cassandra lang din ang iniisip ko.

Hindi siya pwedeng mapunta kay Marco, makasarili yung lalaking yun! Wala alam kung hindi sex! Alam kong pag nasa kanya napunta si Cassandra, gagawin niya lang yun sex slave! At ayaw kong mangyari yun!!

Mabilis na nagreply nun si Victoria sa text ko.

"Kanina pa kami dito ni Marco! Ang tagal mo! Dali! Pumunta na kayo dito sa restaurant! Wag mong kalimutan ang bilin ko sayo!"

HIndi ko na siya nireplayan nun at tinago ko na sa bulsa ko yung cellphone..

Kagaya ng nasa plano, binili ko na yugn gold na necklace na una kong nakita. Worth 120,000. Wala naman akong paki-alam kung pangit yun o hindi, 

WALA NAMAN TALAGA AKONG PAGBIBIGYAN NYAN.

Pakulo lang lahat to para mapaghiwalay namin si Marco at Cassandra.

At kapag nagawa namin yun, aalagaan ko si Cassandra. Ipaparamdam ko sa kanya kung ano ang tunay na pagmamahal.

***************************************

Cassandra's POV

Pagpasok ko pa lang, bumungad na agad sa akin ang kumikinang na mga alahas!

Ang gaganda ng alahas pati na yung mga singsing, pati yung presyo, ang ganda din! Naiiyak ako sa sobrang ganda!

"Ang mahal dito Troy." bulong ko kay Troy dahil nakakahiya kung iparinig ko sa mga sales lady.

Asusual, naka cellphone na naman siya. Sino kaya katext nito?

"Okay lang. Ako naman ang magbabayad." bulong niya din sa akin. 

Oo nga pala! Siya naman kasi ang magbabayad! -____-

Tumingin siya nun sa mga necklaces ako naman sa mga singsing.

Ang gaganda talaga. Kumikinang silang lahat. Meron yung inifinity design na nabalutan ng shinig shimerring diamonds.

Meron ding simpleng ring lang.

Napatingin ako dun sa singsing na may diamond na bato sa gitna. 

Para kasi siyang pang wedding ring. Simple pero ang gandang tignan. 

Babagay kaya sa akin ang ganyan?

"Gusto mo niyan?" napatayo ako ng diretso ng marinig ko si Troy na nasa tabi ko na pala.

"Ha? Hindi. Nagandahan lang ako." sabay ngiti ko sa kanya. Napansin ko na may dala dala na siyang paper bag na galing dito sa botique na to.

Nakabili na siya agad?

"nakabili ka na?" nagtatakang tanong ko.

"Oo eh. Halika punta tayo sa restaurant kain tayo!" nagmamadali niya akong hinatak palabas ng botique.

Naramdaman ko pa nga na nag vibrate ulit yung phone ko nun! Oo nga pala! Yung phone ko! Kanina pa siya vibrate ng vibrate!

Sino kayang nagtetext dito?! Kainis!

**********************************************

Marco's POV

Halos mag-iisang oras na kaming naka-upo dito sa loob ng restaurant.

Naiinis na nga ako eh! Hindi ko alam kung bakit hindi pa umoorder tong babaeng to na nasa harap ko! At hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit hindi pa ako naalis!!

Kung hindi lang talaga ako binantaan ni dad eh!

Nasasayang ang oras ko!!!

"Marco, naka-order ka na ba?" tanong niya at nandun na naman ang malanding tono niya.

Aish!! Ewan ko ba! Pero hindi na talaga ako tinitigasan sa mga ganyang epek!!

Buti ba sana kung si Cassie yan! -____- At speaking of Cassie, kanina ko pa siya tinetext para kahit papaano, ay hindi maboring dito. 

Pero hindi siya nag rereply sa akin. TT__TT

Ni-loadan ko na nga ng 1000, pero wala pa ding reply. Sinubukan ko ding tawagan pero wala pa din.

HIndi ba ako namimiss ng baby ko?

"Marco, tinatanong kita!" napailing ako nun ng marinig ko ang boses ni Victoria! Arghh! kahit boses niya, pangit din!!

"Ano ba yun ha?!" naiinis kong tanong sa kanya. Kung hindi lang ako tatanggalan ng mana, tinanggalan ko na to ng dibdib eh!

"Ayan na yung order natin, tatanungin sana kita kung well done ba yung egg sa sisig mo." sabay turo nun ni Victoria sa order kong sisig na dumating na pala.

napatingin ako dun..

"Kapag nahuli ko na meron kang iba, Hindi talaga ako magdadalawang isip na gawing sisig to si bigboy at merengue tong itlog mo! Nakuha mo ako?!"

Hindi ko napigilang hindi mapangiti nun nang maalala ko yung sinabi sa akin ni Cassie. Yung baby ko talaga!

Kaya lang hindi pa ako tinetext eh! TT____TT

"Ano Marco? Well done ba?" tanong ulit ni VIctoria

"Aaah!! Hindi, okay na to." sabi ko nun at napangiti ulit.

Oh Cassie. You're really driving me crazy.

*****************************************************

Cassandra's POV

Mula sa botique eh kinaladkad ako ni Troy papasok ng isang restaurant!

nakakahiya! Siguro kung nakita niyo lang ako kanina kung papaano ako kaladkarin ni Troy, para kaming mag-syota at nahuli niya akong may kasamang ibang lalaki!!! >///<

Kung bakit kasi kailangan niya pa akong kaladkarin! Sasama naman ako sa kanya!!!

Pagpasok ko pa lang sa restaurant eh iba na agad ang pakiramdam ko.

Bigla akong kinabahan!

Ano ba yan?! 

Insidious lang peg ko dito!!! Umupo kami nun sa isang table at nakita ko na parang may hinahanap na naman si Troy.

"May hinahanap ka ba talaga?" tanong ko sa kanya saka ako umupo sa upuan.

"Wala lang. Ayan na yung pagkain natin." nagulat ako ng may dumating na waiter sa tabi namin at nilagay na yung mga pagkain namin.

Wow! Ang galing!!! Wala pa ngang kaming order, may pagkain na ang lahat!!! May pasta, may chicken fillet, may mushroom soup.

Parang planado a--

Napahinto ako sa pag-iisip nun.

"Nagpa-plano sila para paghiwalayin kayo ni Marco! Bigtime!"

Naalala ko na naman yung sinabi ni Mildred. Planado.

Hindi kaya, totoo talaga ang sinasabi ni Mildred? Paano kung planado pala to?

*BZZZT!!* * BZZZT!*

Natigil na naman ako sa pag-iisip ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa!!

Agad ko yung kinuha! Ngayon lang kasi ako makakakuha ng pagkakataon para mabasa ang mga text dito!

39 missed calls 

23 unread messages

lahat galing kay Marco!

At yung tatlo ay load!

Sinongn nagpaload sa akin?!

Binuksan ko yung latest na message galing kay Marco.

"Asan ka?"

Asan ako? My god! HIndi ko pwedeng sabihing nasa mall ako at kasama si Troy! RIOT yun pag nagkataon!!!

"Nasa bahay ni Mildred." nag reply ako.

Safest answer! Alam kong hindi niya alam ang bahay ni Mildred kaya hindi niya din ako mapupuntahan.

"Kain ka na Cassandra." 

"Sige." ngumiti ako nun kay Troy at nilagay muna sa bulsa ko yung cellphone dahil hindi pa naman nag rereply si Marco.

Una kong kinain yung pasta! Nagugutom na kasi ako eh! NApagod ako kakalakad at kakasukat ng mga damit!!

"Hindi ka naman gutom niyan?" nasa kasagsagan ako ng pag kain nun ng mag comment si Troy.

Ano ba yan! Nakakahiya! Nakita niya ang pagka patay gutom ko! Poise nga Cass! >_____<

"Hehehehe. pasensya ka na. Napagod talaga ako kanina." natawa siya ng bahagya nun habang tinutuloy ko yung pagkain ko.

Nakakagutom talaga! Tapos ganito pa yung makakain mo! Ang sarap lang!

"Okay lang. Sige kain ka lang." 

Tinuloy ko na yung pagkain ko. Aba'y sayang eh! Sabi nga nila, hindi mo alam kung hanggang kailan ang buhay kaya dapat sinusulit mo ang lahat lahat pati pagkain!!

*BZZZT!!* * BZZZT!*

Napakapa ulit ako sa bulsa ko nun at nabitawan ko yung tinidor na kagat kagat ko pa! 

Pagkuha ko sa cellphone ko, si Marco, tumatawag!!!

OMG!!! Hindi niya pwedeng malaman na nasa mall ako!! 

RIOT nga yun pag nagkataon eh!!

Hindi ko na lang yung pinansin hanggang sa maging missed call na lang siya.

Sorry talaga Marco. 

"Sinong tumatawag sayo?" tanong sa akin ni roy habang hawak ko pa ang cellphone ko.

TInignan ko siya nun at kinuha yung tinidor na nasa bibig ko.

"Ah! Wala lang. Si Mildred." pagsisinungaling ko.

Itutuloy ko na sana yung pagkain ko nun ng maka-receive ulit ako ng text galing kay Marco..

"Sigurado ka bang nasa bahay ka ni Mildred?"

"Oo." Reply ko sa kanya.

Akala ko ay tatahimik na siya nun pero mali ako dahil nag reply siya ulit at kinataranta ko talaga!

"Sige, i'll be there in 5 seconds!" 

(O.O)

WAAAAHHHH!!! Pupuntahan niya ako kanila Mildred ng 5 seconds lang?! Ano siya si Flash?! Anong gagawin ko?!

Nailapag ko bigla yung tinidor ko sa plato sa sobrang pagkataranta.

"May problema ba Cassandra?" tanong sa akin ni Troy.

Oo Troy! Meron!! At sinasabi ko sayo, WORLD WAR 10 to pag nagkataon!!!

"Wala! Troy, mauuna na ako sa iyo ha? May aasikasuhin lang ako! Sige na! Bye!" nagmamadali kong binulsa yung phone ko nun at tumayo at aktong aalis na sana pero hinawakan ako ni Troy nun kaya napatingin ulit ako sa kanya..

"Troy kailangan ko ng umalis." pumiglas ako nun sa kanya at umalis na kaya lang..

Napatigil ako nun ng makita ko siya mismo sa harap ko.

Nakatayo siya at ramdam ko ang madilim na aura na bumabalot sa kanya!!!

Ang bilis!! 5 seconds nga lang!!

nakita ko yung kamay niya na nakakuyom at halos madurog na yung Iphone na hawak niya..

"Tss! Hindi mo sinabi sa akin na Mall na pala ang bahay ni Mildred." nanggigil na sabi niya..

"Marco.." hindi niya pinansin ang pagtawag ko sa kanya at napatingin siya sa likod ko, tumingin din ako at nakita kong tinitignan niya si Troy tapos ay bumalik din ang tingin niya sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawinko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayon!

"Kaya pala hindi mo pinapansin ang tawag ko, busy ka sa pakikipag landian sa lalaking yan." hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi niya.

Aaminin kong nagsinungaling nga ako, pero hindi naman ako nakikipag landian!

"Marco, hindi--"

"Ano? Sasabihin mo na ba sa akin na hindi mo na ako Mahal? Oh baka hindi mo naman talaga ako minahal? makikipag break ka na ba sa akin ngayon?! Tss! Sabi ko na nga ba, pare-parehas lang kayong mga babae. Katawan lang ang gusto niyo saming mga lalaki. Gusto niyo palaging nasusunod yung luho niyo! Gusto niyo, kayo lang nasisiyahan!" 

*PAAAK!!!*

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nun at nasampal ko siya!

Hinawakan pa ni MArco yung pisngi niya na namnula agad sa sobrang lakas ng pagsampal ko.

Ang sakit niyang magsalita!

Nagsinungaling ako pero hindi ibig sabihin nun ay niloko ko na siya! 

Kung alam niya lang ang buong storya!!

"Wow. Ikaw na nga ang mali, ikaw pa ang may ganang magalit. Ikaw na nga tong manloloko, ikaw pa tong ang lakas ng loob umarte ng ganyan! MGa babae nga naman! Walang kwenta!"

Narinig ko ang bulung bulungan ng mga tao nun kaya napatingin ako sa kanila..

Ang dami ng tao ang nanonood sa amin at lahat sila ay nag-uusap na parang alam nila ang buong kwento! 

Unti unti ng nag blur ang paningin ko dahil sa luha pero kahit na ganun nakita kong lumabas si VIctoria mula sa isang sulok ng nakangiti.

Sinasabi ko na nga ba!! PLANADO ANG LAHAT!!!

Kung nakinig lang sana ako kay Mildred!!!

Pinunasan ko yung luha ko nun bago pa man tumulo sa mga pisngi ko!

Tama yan Cass! Wag kang umiyak kahit nasasaktan ka na! WALA KA NAMANG GINAGAWANG MASAMA EH!

"Para sabihin ko sayo, wala akong ginagawang masama!! Kung gusto mong paniwalaan ang mga nakita mo ngayon without asking me the whole story, it's fine with me! Hindi naman ako ang nawalan!" nilakasan ko ang loob kong maglakad kahit nanginginig na ang mga tuhod ko.

Halo halo yung nararamdaman ko ngayon! Inis, galit, sakit, lungkot, pait! Lahat na ng negative na adjective!

BInangga ko yung braso niya nun paglabas ko at nakita kong naka-evil grin si Victoria sa akin.

Hindi pa tayo tapos clown!!! magtutuos pa tayo!!

HIndi pa ako nakakalayo sa kanila nun ng lingunin ko ulit sila..

"At kung sayo man galing yung load na 1,000 pesos kanina, mag hintay ka! I-sosoli ko din sayo! Nabawasan ko lang! Isaksak mo sa baga ng clown na ka-date mo!"

sabay alis ko sa loob ng restaurant!

Tumakbo ako nun papalabas ng mall at dumiretso agad sa lugar na wala masyadong tao.

Kung naniwala lang sana ako kay Mildred.

ARGHHH!!!! NAKAKAINIS!!!! TT_____TT

_______________________________________________________________

OMG! I'm so sorry dahil ngayon lang ako nakapag update! Sobrang busy ko po! May dalawang defense pa po akong pinaghahandaan! After nun, tuloy tuloy na ang updates ko! :* I love you all!

VOte

Comment

FAN!

- Vinnie ♥

Continue Reading