Deadly Game

By exolayie

40.9K 3.8K 3.5K

"Hey, wanna play with me?" - thank you so much @jiuuvi for the wonderful book cover!!! More

Prologue
GAME 1
GAME 2
GAME 3
GAME 4
GAME 5
GAME 6
GAME 7
GAME 8
GAME 9
GAME 10
GAME 11
GAME 12
GAME 13
GAME 14
GAME 15
GAME 16
GAME 17
GAME 18
GAME 19
GAME 20
GAME 21
GAME 22
GAME 23
GAME 24
GAME 25
GAME 26
GAME 27
GAME 28
GAME 29
GAME 30
EX'ACT
GAME 32
GAME 33
GAME 34
GAME 35
GAME 36
GAME 37
GAME 38
GAME 39
GAME 40
GAME 41

GAME 31

716 54 90
By exolayie

France's POV

Malamig ang hangin.

Madilim.

At ni wala man kaming dalang armas dahil paniguradong nasira na mga 'yon nang sumabog ang bomba. Wala man lang kaming dalang kahit ano para pang-depensa.

Habang naglalakad kami, napatakip ako ng mukha, "France, you okay? Don't worry, mababawi natin yung notebook." pagpapalakas loob sa akin ni El habang nakapatong ang kamay niya sa balikat ko.

Bigla naman tumigil sa paglalakad ang dalawang nauuna sa amin ni El, sina Ky at Iza.

"Medyo malaki pala itong buong village na ito..tapos limang bahay lang ang nandito?" hindi makapaniwalang saad ni Iza at napatingin naman ako sa harapan namin.

May tatlong bahay na parang kubo lang mga ito. Tapos isali pa yung bahay nina Jewel at ng mansyon ng lalaki kaya lima lang ang bahay dito sa loob ng village. Tanging ang bahay lang ng lalaki ang maayos at maganda.

Napabuntong hininga ako ng malalim. Hindi lahat ng mga magagandang bahay ay may nilalaman na magagandang loob na tao, may mga iba na nakatago sa loob mismo ng bahay ang totoong sila. Hindi ko man naisip noong nakaraan na ganon pala ang nasa loob sa mansyon ng lalaki.

Hindi man kasi kami masyadong mayaman at hindi masyado malaki ang bahay namin. Kaya nga noong bata ako at unang beses naming nakapasok dito sa village ay manghang mangha ako sa mansyon na iyon. Para bang, sobrang excited kong pumasok doon dahil nga sa panlabas na disenyo ng mansyon pero mamamatay ka pala sa loob kung hindi ka man gagawa ng plano para makatakas.

Medyo nawala yung kaba ko kasi medyo malayo layo na yung linakaran namin papunta dito sa tatlong bahay kubo. Ngayon lang din namin nalaman na lima lang nga ang bahay dito dahil hindi namin nakuha ang chance na libutin ang buong village noon.

This is not right, the past always haunts me to death. Lalo na ang pangyayaring nangyayari ngayon, natatakot ako baka pati kami mamatay.

"It looks like we're now a bit far away from that old haunted mansion," paninimula ni Iza sabay tingin sa tatlong bahay kubo, "Dito na muna tayo magpalipas ngayong gabi." pagpapatuloy niya at ngumiti nang lumingon ito sa amin.

"We aren't sure if that old creepy man will do again something just to kill us...and also that fvcking girl named Chorong." naiiritang sabi naman ni Ky.

"And also the demon cat" pagtatapos ni El sa sinasabi ni Ky.

Pinagsama ko ang dalawang kamay kong kanina pang lumalamig, hindi dahil sa panahon kundi dahil sa kaba at takot.

"Nararamdaman kong hindi tayo ligtas d-dito." mahina kong sabi sa kanila at nahihirapan ng magsalita dahil sa sobrang pagka-utal ko. Ayokong ganito dahil parang namamatay ako.

"So, where do you want to go, France? You want us to go back to the forest? To the old damn mansion?" konting konti nalang, masisigawan na ako ni Iza dahil sa tono ng boses niya.

"Or in France? Pfft. Sorry."

"Hindi nakakatawa, Ky." walang emosyong sabi sa kanya ni El at tumingin naman ng masama si Iza sa kanya kaya tumigil na siya. Kahit anong gawin ko o nila na magpapatawa sa akin ay parang hindi na gagana. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin ngayon.

Mukhang ang dami ko pang walang alam. Tumingin naman ako sa likod namin kung saan ang direksyong papunta sa mansyon, "Marami na kayang nalalaman mga taong naiwan doon o patay na silang lahat?" bulong ko pero sabay naman ako umiling. Imposibleng patay na silang lahat, e ang dami nila. Pero, kung iyon ba naman ang killer na papatay sayo--Arg! Nevermind it then, France.

Lumingon na ako pabalik sa kanila nang mapansin kong sinusuri nina Ky at Iza ang mga bahay kubo, tanging si El lang ang nasa tabi ko.

"I tell you this, France." napako naman ang paningin ko sa kanya nang bigla siyang magsalita, "Hinding hindi tayo makakatakas dito. Maniwala ka man sa akin o hindi, kahit na may nakaraan na tayo dito, hinding hindi pa rin tayo makakatakas kung tayong apat lang." pagpapatuloy niya. Tumingin muna ako sa dalawang nagsusuri sa mga bahay kubo at nagtanong.

"What do you mean by that?" seryoso kong tanong.

"Ramdam kong mas marami na silang alam kesa sa ating apat. Mas marami na silang alam tungkol sa lalaking iyon."

"Ibig mo bang sabihin, gusto mong makipagtulungan sa kanila?" pagtatakang tanong ko at tumingin sa kanya.

Tumango siya. Nakikita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo.

"No. It's impossible." sabi ko nalang.

"Nothing is impossible, France. It's not bad if we try convincing them, right?" nakangiting saad niya sa akin.

Magsasalita na sana ako nang mabigla kami sa biglaang pagbagsak ng isang bahay kubo. Sa sobrang bigla ko ay napakapit ako kay El, "N-nandito ba siya?" tarantang tanong ko.

Narinig namin ang paguubo ni Ky habang tumatakbo papunta sa direksyon namin ni El, "Damn Ky! What did you do?" galit na tanong ni Iza sa kanya.

Nang mahimasmasan na si Ky ay tinignan niya muna ang bumagsak at nasirang bahay kubo, "Hinawakan ko lang yung pintuan ng bahay kubo na 'yan at bigla bigla nalang bumagsak!" pagpapaliwanag naman niya sabay tingin sa amin.

Nakita naming bigla bigla nalang yumuko si El at pumulot ng isang bato na katamtaman ang laki. Hindi siya nagsalita kundi binato niya yung bahay kubo na nasa gitna gamit ang pinulot niyang bato.

Bumagsak din ito at nasira. Napailing siya at pumulot na naman ng isang bato sabay hagis nito sa natitirang isang bahay kubo.

Hindi namin inasahan na hindi ito babagsak, "Let's sneak inside." utos naman bigla ni Iza at sumunod nalang ako sa kanila papalapit sa bahay kubo.

Lalong bumibilis yung tibok ng puso ko at mas lalo akong nangilabot nang humangin ng napakalakas, malamig na hangin. Sana...sana mali itong kutob ko. Pagod na pagod na kami, gusto ko muna sanang magpahinga kahit ngayong gabi lang. Walang pagkain, tubig. Para kaming alila dahil sa village na ito.

"Wait" napatigil kami sa biglaang sambit ni Ky, "Find some things to use as our weapons before going inside." nagmadali kaming naghanap. Dahil nga malapit ang tatlong bahay kubo sa gubat, nagpasya kaming kahoy nalang ang kukunin. Malaking kahoy, matulis na kahoy at iba pa.

Natanaw kong napahinga ng malalim si El dahil siya ang magbubukas ng pinto. Nagprisinta siya dahil siya daw ang lalaki at kailangan niya daw kaming protektahan. Maswerte ako sa mga kaibigan na katulad nila.

"Here we go" bulong ni El. Binuksan namin dahan dahan ang pinto pero nagpalabas pa rin ito ng ingay habang binubuksan.

"Be careful" paalala naman sa amin ni Iza at unti unti na kaming pumapasok sa loob.

Mabuti nalang na sobrang liwanag ng buwan ngayon, dahil doon, nakikita namin ng medyo ang buong bahay kubo at may bintana din ito na katamtaman ang laki na doon naman pumapasok ang liwanag ng buwan. Wala kaming ibang gamit, even our phones are gone kaya wala kaming magamit na pang-ilaw.

"Walang tao dito. Maliit lang ang bahay kubo na 'to at nakikita naman natin ang buong bahay kubo dahil sa buwan." kampanteng sabi ni Ky sabay diretso nito sa bintana at parang may sinisilipan.

"Huwag pa din nating hahayaang mawala ang alerto natin." paalala naman ni El.

Mga ilang segundo, "Nandito yung puting pusa." pagbubulong bigla ni Ky sabay pagluhod nito para hindi siya makita sa bintana.

"A-ano?" pagtatanong ko na nauutal. Narinig ko ang sinabi niya pero parang ang tagal tanggapin ng utak ko ang narinig ko. Bigla akong nanlambot.

"Damn. We're in danger." dinig kong bulong ni El na may halong inis at irita.

"W-what do we do now?" sobrang pag-uutal kong tanong sa kanila. Ni hindi din ako makagalaw sa pwesto ko. Tuwing talaga nakikita namin ang puting pusa, ibig sabihin ay malapit lang ang killer sa amin. Hinahanap kami o pinagmamasdan. B-bakit siya nandito? Nakakatakot.

"We need to calm down, guys. I don't fucking know if that old bastard man and Chorong knew that we're inside of this shit hut..." napapamura ng madalas si Iza dahil din sa kaba. Nakikita niyong marunong siyang kumalma sa ganitong sitwasyon, hindi natatakot at palaban. Pero, alam kong natatakot din siya, marunong din siyang matakot at umiyak, "Just please, especially you France. Control your fear. Be strong and brave, learn to fight for you to able to survive." napatango ako ng ilang beses.

May kabutihang asal din si Iza, ang sabihan ako ng mga ganyan. Minsan, naiinis ako sa kanya dahil sa pananalita niya pero marami na rin siyang naitulong sa akin para tumayo sa aking sariling mga paa at matutong lumaban mag-isa. Nagpapasalamat ako ng sobra doon. Si Iza ang pinakamatanda sa amin, kaya ganito ang asal niya. Halos siya ang nagpaplano para sa kaligtasan namin.

Pumunta si El sa pintuan para i-lock ngunit wala itong lock kaya humingi siya ng tulong sa aming dalawa ni Iza na harangan nalang ito sa mga malalaki at mabibigat na bagay samantalang si Ky ay sumisilip sa bintana, kung sakaling bigla na namang magpakita ang lalaki at si Chorong. Buti nalang may isang bookshelf, dalawang upuan, isang lamesa at iba pa na pwedeng pangharang sa pintuan.

Hindi pa rin naaalis ang kaba at takot ko. Nararamdaman ko talagang nasa labas lang ang lalaki, sa mismong tapat ng pintuan. Nakakatakot...sobra.

"Ky, close the window." biglang utos ni Iza kay Ky.

"At bakit?" pagtatakang tanong naman ni Ky.

"Use your brain, Ky. Baka makita ka nila diyan na parang tangang sumisilip sa labas. Iniisip nating lahat na nasa tapat lang ng pintuan ang gagong lalaking iyon, okay?" bulong ni Iza pero mahahalata mo sa kanyang boses ang inis.

Mag-aaway ba sila? Huwag naman sana. Lalo lang magkakagulo ang lahat at delikado pa kami ngayon.

Tanging tahimik lang kami ni El at walang balak na sumali sa paguusap ng dalawa dahil baka lalo pang lalaki ang gulo. Pareho pa naman silang ayaw paawat at palaban, "Huwag kayo mag-away." but I manage to talk to Iza. Pero isang tanging pagtaas lamang ng kanyang kaliwang kamay ang sinagot sa akin. It means, she wants me to shut up.

"Close the window. Huwag kang bobo." matigas na sambit ni Iza kay Ky.

"Bobo? Oo, ilang beses mo na akong--I mean kaming sinabihan mo ng bobo dahil lang sa napakawalang kwentang ginawang pagkakamali namin. Napakaliit na pagkakamali lang diba? Na para bang ang talino mo." bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ko inasahan kay Ky na sasabihin niya iyan kay Iza.

Madalas kasi silang dalawa ang magkasama, magkakampi at nagtatawanan. Pero, naintindihan ko si Ky. Alam ko ang pakiramdam na masabihan kang bobo o kahit ano mang masakit na salita. Shit! Ewan ko! Hindi ko magawang magalit sa kanila. Hindi talaga, lalong lalo na kay Iza.

"Damn it! Parang naman hindi ka na nasanay sa akin!" palakas na ng palakas ang boses nilang dalawa kaya hinihila ko yung braso ni Iza para tumigil na.

"All of us had our own limits. Mahaba ang pasensya ko sayo pero wala na! Inubos mo na pasensya ko!" pagsisigaw din ni Ky. Sumenyas ako kay El na puntahan si Ky para patigilin pero mas naunang maglakad patungo kay Ky si Iza.

"Iza--"

"Don't fucking touch and talk to me, El!" sigaw nito kay El nang hawakan niya ito sa braso para pigilan. Lalo na akong kinakabahan. Sumisigaw sila at paniguradong naririnig kami ng lalaki. A-anong gagawin ko? Mahirap silang awatin, lalo na't silang dalawa ang nag-aaway.

Umatras si El at bumalik sa tabi ko na may galit at pagka-irita sa mukha. Hindi ko alam kung paano sila pipigilan sa pag-aaway.

"Huwag kang gumawa ng eksena dito!"

"Bakit hindi mo muna tanggapin na hindi lahat ng gusto mo ay nasusunod! Huwag kang feelingera dahil hindi ka namin tinuturing bilang isang leader sa ating apat! Masyado kang assumera!"

Pagkatapos sumigaw ni Ky ay nanahimik muli ang buong paligid. Dahil sa ilaw ng buwan, nakita ko kung paano humigpit ang kaliwang kamao ni Iza, "P-please, huwag na kayong mag-away pa." iyan lang ang nagawa kong sabihin sa kanila dahil binabalutan na ako ng takot at kaba.

"Marunong ka bang umintindi, France? I said don't fucking talk to--" naputol ang sasabihin ni Iza nang mabigla kami sa biglaang pagsuntok ni El sa lamesa na nakaharang sa pintuan ng malakas. Agad agad ako napalingon sa kanya at alam kong dumudugo na ang kamao niya.

"Kailan ka titigil sa pagsasabi mo ng manahimik kami ha! Tangina lang!" pati si El, sumisigaw na sa galit. Sumulyap ako sa dalawa at nakita kong nakatingin na sila kay El. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya dahil patuloy lang sa pagtulo ang dugo sa kanyang kamao.

"Just. Shut. Up." paguutos ni El sa dalawa ng kalmado at may halong galit. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na silang tumigil. Napatingin ako sa suot kong mahabang tshirt, agad agad pumunit ng tela sa aking tshirt at agad agad kong itinali sa kamao ni El para tumigil sa kakadugo.

Pinipilit niyang huwag ko ng gawin pero mas pinilit ko yung sa akin. Baka anong mangyari sa kanya once na hindi tumigil sa kakadugo ang kamao niya.

Tahimik na ulit ang paligid at pumunta si Iza sa tabi ko sabay upo sa isang upuan na nakaharang sa pintuan samantalang si Ky ay hindi umalis sa pwesto niya kundi sumilip muli siya sa labas. Linibot ko ang mata ko sa buong bahay kubo.

Napakunot ang noo ko nang tumigil ang mata ko sa mismong sahig, malapit sa paa ni Ky. Bakal? Ano 'yon? Hindi ko masyado makita dahil hinaharangan ni Ky ang ilaw ng buwan. Magsasalita na sana ako...

"Aaahh!!!"

"Ky!!!!" napasigaw kaming tatlo at nagmadaling puntahan si Ky.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita naming biglang nagulat si Ky habang tumitingin ito sa bintana. Napaatras siya kaya natapakan niya yung bakal na nakita ko at kadena pala ito. Nakuha ang kaliwang paa niya sa kadena, parang itong trap at nahampas ng malakas ang ulo niya sa sahig nang tuluyan ng nasabit ang kanyang paa sa kadena kaya nataranta kaming lumapit sa kanya.

Hindi ko napigilang umiyak dahil tumutulo ang ang dugo mula sa ulo niya at nakabaliktad pa siya. Pilit namin inaalis sa kadena ang paa niya para maalis siya sa pagkasabit, "Ky? Ky!" pinipilit ko siyang gisingin pero nawalan siya ng malay. Ayokong isipin na namatay ba siya o ano basta, ayoko.

Nakita kong lumapit sa bintana si Iza, "Aahh!!" napasigaw kaming dalawa nang biglang sumulpot sa bintana ang lalaki. Napaupo ako sa sahig bigla at napaatras naman si Iza samantalang si El ay pumunta sa harapan naming tatlo.

Dahan dahan akong tumayo habang umiiyak at ginigising si Ky, "K-ky? Please, wake up" I pleaded while tapping her cheek smoothly. Ginawa ko din ulit kay Ky na pumunit na naman ako ng tela para tumigil sa kakadugo ang ulo niya. Nanginginig ang buong katawan ko dahil nasisilip kong nakatingin lang sa amin ang lalaki at hindi ito gumagalaw.

"What do you want?" matapang na tanong ni El at bigla naman pumunta sa aking pwesto si Iza para alisin ang kadenang nasa kaliwang paa ni Ky. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil hindi ko na alam gagawin ko. Nakakatakot na talaga. A-ayoko pang mamatay, ayaw ko pa silang mamatay.

Napako naman ang mata namin sa isang notebook na hinagis ng lalaki sa amin. Umasa akong sa amin iyon, pero hindi. Ibang notebook ang hinagis niya at mas maliit pa sa notebook na iningatan ko. Dahan dahan naman pinulot ni El yung notebook at agad agad binigay sa akin.

Tumibok ng sobrang bilis ang puso ko nang makita naming mas lalong lumapit ang lalaki sa bintana. Nakakatitig lang ako sa kanya habang walang tigil ako sa panginginig.

May hinagis na naman siya pero ni isa sa amin ay hindi namin nakita, madilim kung saan niya ito hinagis. Pero, may narinig akong parang likido.

"Fuck you!" sigaw ni El dahil ngayon lang namin napagtanto na gas pala ang hinagis ng lalaki dahil naamoy namin ito at hindi namin inasahan na hinagis niya ang isang posporo kung saan niya mismo hinagis ang gas.

Nawala na yung lalaki...

Nararamdaman ko yung init dahil palaki na ng palaki yung apoy. Nagtutulungan na kaming tatlo na alisin ang kadena sa paa ni Ky.

Lalo akong naiyak at kinabahan, "I don't want to die..I don't want us to die.."

Sehun's POV

I can't imagine on what I'm looking right now, seeing Kris killed in front of our eyes without mercy.

May namatay na naman isa sa amin.

"No! Don't t-touch me!" umiiyak na sigaw ni Naeun at nagpupumilit itong maiwanan sa kwartong ito, "L-leave me alone!!! Go away!!" sigaw niya pa at punung puno na ng dugo ang kanyang sarili dahil sa pagyakap niya sa kanyang kasintahan, si Kris. Seeing them like that makes me feel emotional because I know how it felt when you lose an important person in your life.

We've suffered a lot, cried, felt tired and losing hope. Within a month we're locked up in this big cage. Because of this place, all our loved ones, friends, bestfriends are died. Died without mercy. Died in a brutal way. Died with the hands of that bastard killer. They don't deserve this, we don't deserve this.

Hindi ako makagalaw kundi tanging nakatingin lamang ako sa kanila na pinapatahan nila si Naeun habang pinipilit itong umalis na. Walang pintuan sa lugar na ito, tanging ang pader ang nagbukas na nagsisilbing pintuan. Anong klaseng mansyon ito? Mukhang pinaghandaan talaga ang nangyayari sa amin ngayon. Maaaring isa sa mga kaibigan ko o kaibigan nila ang may pakana ng lahat ng ito.

Naramdaman kong may pumunta sa tabi ko, "What?" kalmadong tanong ko kay Jin. Hindi siya sumagot kundi may binigay siyang isang maliit na pirasong papel. Magtatanong sana ako nang sinabi niyang basahin ko ito. Hindi na ako sumagot kundi inilagay ko muna ito sa bulsa ko.

Iba sa amin ay nakaupo o nakayuko habang umiiyak at nakatulala dahil sa may namatay nanaman. Naisipan kong tulungan sina Suho, Hayoung, Tao at Bomi na patahanin si Naeun at buhatin ito palabas sa lugar na ito.

"Get out!" nabingi kami sa sobrang lakas ng pagsigaw ng lalaki sa telebisyon at bumungad sa amin ang tatlompung segundo sa mismong telebisyon. Damn it!

Lahat kami ay biglang nagsikilos, "Naeun! Come on!" hinihingal na sigaw ni Hayoung.

"N-no!!!" walang tigil sa pagsisigaw ng pangalan ni Kris, pagwawala at pagiiyak si Naeun. Alam ko kung gaano kasakit...alam ko.

26

25

24

"Buhatin nalang natin siya" natatarantang sabi ni Suho at nagtulungan kaming buhatin si Naeun palayo sa kwartong ito.

Hawak hawak ko ang kanang kamay niya, "We're sorry but he's dead" bulong ko nalang sa kanya pero hindi niya ito pinansin tanging wala pa ring tigil ito sa pagiiyak at pagsisigaw.

"Chen and Xiumin. Go." sabay senyas sa kanila ni Suho na inuutusang buhatin ang katawan ni Kris. Ayaw na namin matulad noong una na kinuha ang katawan ng iba, "I don't know the way out but keep on running. I'll help the two, don't worry we will catch up fast." napatango naman si Kai at nagsimula na kaming tumakbo palayo sa kwartong iyon. Samantalang si Naeun ay nawalan bigla ng malay, buhat buhat namin siya ngayon ni Luhan.

Habang tumatakbo kami, medyo madilim. Parang iisa lang yung daan dito, wala man lang liko o kanto. Tumigil kami dahil may narinig kaming ingay mula sa likod. Ingay ng isang shotgun.

"Suho! Xiumin! Chen!" Kai shouted but no one is answering. Nanatili kami habang naghihintay sa kanila. No, don't think negative thoughts. Just, no.

"Run!"

Dinig namin ang pagsigaw ni Suho sabay pagtakbo ng tatlo at naaaninag namin silang mabilis ang takbo papunta sa amin, "I said run!!!" sigaw pa ulit nito kaya napasunod na lamang kaming lahat sa kanya at tumakbong muli. Kahit saan kami mapadpad ay wala pa rin kaming tigil sa pagtatakbo, pero iisang ruta lang naman ang tinatakbuhan namin. Saan ito? Saang parte ng mansyon ito?

"Si Kris?" biglang pagtatanong ni Tao habang tumatakbo kami.

"Just keep running!" tanging sagot ni Suho.

I bet, that man is chasing us. Damn it!

Sa pagtatakbo namin, nakahinga ako ng maluwag nang may makita kaming liwanag, isang pintuan. Lalo naming binilisan ang pagtakbo para makaabot.

"Move faster!" tarantang sabi ni Suho at isa isa kaming pumasok sa pintuan, napalingon ako sa likod.

"Baekhyun, come on!" sigaw ko sabay hila sa kanya at sakto namang nagsara ng pagkalakas lakas ang pintuan.

"We're here again.." tugon ni Eunji. Oo, nandito kami sa kwarto kung saan pinukpok si Suga at kung saan ang kwarto ng mag-asawa.

Lumingon muli ako sa bakal na pintuan, diyan pala papunta sa kwarto kung saan kami naglaro ng chess at pinaglaruan, "Are we safe in here?" pagtatanong ko sa kanila.

Nagtaka naman ako sa biglaang pagkilos ni Baekhyun, ang paglapit nito sa bakal na pinto, "Baekhyun? Napapano ka?" pagtatakang tanong ni Luhan.

Lumingon siya sa amin ng may seryosong mukha, "May pintuan sa loob. Malapit dito sa bakal na pinto." sagot niya.

"Kaya pala tumigil ka kanina bago kita hilahin." sambit ko naman at napatango siya.

"Tumingin ako sa taas ng pinto at may nakalagay na letrang L, B, A at Y. Puno ng dugo kaya hindi ko makita yung ibang letra." sunod na tugon nito. Hindi kaya...

"Library" Lay and I had the same thought.

"May pintuan pala talaga ang mini library na iyon?" tumango naman bilang sagot si Suho sa tanong ni Taehyung, "Maaaring nakatakpan lang sa mga bookshelves ang pintuan." may punto siya.

Bakit niya kailangan itago ang pintuan ng mini library? Mataas ang porsyento na nandoon lahat ang mga sagot sa mga katanungan namin, "We need to go in there." seryosong sabi ni Tao sabay tango naming lahat.

Tumingin tingin naman si Suho sa buong kwarto, "Get some things to use it as our weapons, if incase he will attack us." linapitan ko nalang si Hayoung at tinulungang buhatin si Naeun.

"Bubuhatin nalang namin si Naeun." sabi ko nalang sa kanila.

Dahan dahan binuksan ni Jungkook ang pinto, nang masigurong walang tao, isa isa na kaming lumabas sa kwarto. Habang naglalakad, kinapa ko yung panyo ko sa bulsa ko para punasan ang pawis ko pero nahawakan ko ang isang pirasong papel na binigay ni Jin. Napabuntong hininga nalang ako.

As we've reached the dining area, Jungkook immediately locked the door. Naramdaman kong biglang gumalaw si Naeun, "Naeun? Are you okay?" tanong ni Hayoung at inupo namin siya.

Ang bungad niya sa amin ay ang pagtawag niya sa pangalan ni Kris. Nagsimula na naman siyang umiyak, "Ako na bahala" ang sabi nalang ni Hayoung sa amin at umupo din siya sa tabi ni Naeun.

"Bakit kayo tumakbo bigla kanina?" pagtatakang tanong ni Lay kina Suho, Xiumin at Chen.

"Sa sobrang dilim kanina sa mahabang daan, nandoon pala sa labas ang lalaki." nangilabot kami sa sinabi ni Xiumin. 'Bat hindi namin nakita? 'Bat hindi siya umatake?

"Pumasok kasi siya mismo sa kung saan tayo lumabas doon. May dalang shotgun." pagpapatuloy ni Chen.

"Hindi na namin nakuha si Kris.." nakayukong sabi naman ni Suho.

"Nababaliw na siya. Gusto niya pa talaga ay yung isa-isahin tayo." tugon ko sa galit.

Naeun still not stopping on crying until she fell asleep on Hayoung's lap. Suho ordered us to take some rest, "The reward he gave us a while ago.." Hayoung killed the silence between us all.

"I know where he took that reward.." pagkamatay ni Kris ay saktong pinakita ng lalaki ang isang larawan sa telebisyon. Isang pusa na halatang ginuhit at kamukha ng pusa na nahanap ni Hayoung. And some words under the drawing that looks like describing the cat..devil cat.

"Nanggaling iyon sa mismong notebook ng apat. Naalala niyo pa ba noong nahanap ko ang notebook? 'Yon ang unang pahina sa notebook nila." tama nga ako, iyon ang pinakita sa akin ni Hayoung noon, ang nilalaman ng notebook. Hindi ko alam kung pinakita niya ba sa iba. Tanging hanggang sa dalawang pahina lang ang naipakita niya sa akin dahil biglang tumawag sa akin si Baekhyun, "Diba, Sehun?" agad naman ako napalingon sa kanya.

Tumango nalang ako, "Kay Sehun ko palang pinapakita ang nilalaman ng notebook at humihingi ako ng paumanhin sa inyo kung hindi ko nagawang maipakita lahat sa inyo." tanging sabi niya at yumuko.

"It's okay" si Bomi ang nagsalita. Napayuko lalo si Hayoung at dahan dahang hinahawakan ang buhok ni Naeun na natutulog.

"Gumaya ako sa ginawa nila. May notebook din ako para may maipakita tayong ebidensya kapag nakalabas tayo dito, alam kong ang tangang pakinggan pero wala talaga ako maisip na ibang paraan. Ang notebook na pagmamayari ko ay..nawawala." all of us eyed her.

"Kinuha niya iyon nang wala tayong malay lahat." mukhang tama si Luhan.

"Hanggat maaga pa, pagusapan lahat natin ang nalaman natin tungkol sa kanya. Marami ng clues ang nahanap natin diba? Alam kong kulang pa iyon pero kailangan na nating malaman kung sino talaga siya at kung ano talaga ang motibo niya para gawin ito." nagsitanguan kami sa sinabi ni Suho pero pasimple kong kinuha ang maliit na pirasong papel sa bulsa ko.

Pasimple ko din itong binuksan at binasa. Napakunot ang noo ko nang nabasa ko.

'Sehun, I love you. Help me'

Tumingin ako kay Jin, saan at paano niya nakuha ito? Iniyukom ko ang kamao ko.

Chorong...

LuluGege

a/n: HELLO! HAHAHAHA! sorry for updating so late, sisihin niyo ang EXO jk HAHAHAHAHA! walang kwenta itong chapter na ito, lmao /facepalm/

baby Lu's new upcoming drama, 'Fighter of the Destiny' sht excited ko panoorin hehehehe mwa!

鹿晗

multimedia: Kris with Naeun

Continue Reading

You'll Also Like

694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...