STRANGE

De Elytron

1.1K 33 15

Sometimes, we don't realize that we're already loving someone so deeply. A certain situation can make us real... Mais

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven

Chapter Ten

121 5 8
De Elytron

It's been a week since I last saw Cedric.

Matapos ang eksena sa restroom, mahigit isang linggo din niya akong sinuyo. Kung "pagsuyo" mang tawagin yung halos oras-oras niyang pagtawag na lagi ko namang dini-decline tapos yung araw-araw niyang pagpunta sa building namin just to see me and say "sorry."

Araw-araw ding may ipinapabigay siyang bulaklak ng everlasting kay Sarah na ni isa ay wala akong tinanggap.

Naaawa naman ako dun sa tao, sa totoo lang, pero anong magagawa ko? Nananaig yung galit ko. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako galit na galit sa ginawa niya.

Kung tatanungin niyo naman kami ni CJ, all is well. Wala namang nagbago. Naiintindihan naman niyang nagkamali lang ako ng akala na siya yung sender ng mga pulang papel.

But strangely, hindi na ako nakakaramdam ng excitement sa tuwing nakikita ko siya. Hindi na ako kinikilig sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti. Para bang nawalan na ako ng gana sa kanya. Ewan.

I sighed. Alam kong mahigit isang oras na akong nakahilata dito sa kama ko pero hindi parin ako dalawin ng antok.

Inabot ko ang phone ko sa tabi ko and checked the time.

10:23 pm.

Lumalalim na ang gabi. Ba't ba hindi ako makatulog?

Napatitig ako sa screen ng phone ko kung saan ang nakalagay na wallpaper ay yung picture namin ni Cedric nung sumali siya sa Mr. and Ms. Criminology ng kanilang department.

Medyo tabingi ang ngiti niya dun, halatang uneasy, habang ako naman ay halos mag-isang linya ang mga mata ko dahil sa pagkakangiti sa kanyang tabi.

Napahawak ako sa dibdib ko when suddenly, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Oo na! Inaamin ko, nami-miss ko na si Cedric. Nami-miss ko na yung halos oras-oras na pagtawag niya, pati pagtetext niya ng "Sorry na, Cy".

Chineck ko ang messenger ko. Napasimangot ako nang makita kong walang laman kasi dine-delete ko pala agad ang mga pumapasok na mensahe.

I checked the photos. Parang nagulat pa ako dahil marami-rami narin pala kaming pictures together ng lalaking yun. Well, we've known each other for months now.

May selfies din siyang hindi ko nade-delete and I found myself smiling by just seeing how natural and ordinary he looks. Hindi pa siya marunong gumamit ng filter kaya hindi nae-edit ang kulay niya but I liked it.

Muli akong napabuntong-hininga.

Asan na kaya yung 'syanong yun? Bakit hindi ko na siya nakikita sa school? Bakit tumigil na siya sa pagtawag? Pagod na ba siya? Naisip na ba niyang walang kwenta ang ginagawa niyang pagsuyo sa'kin?

No. Ayokong isiping bumalik na siya sa probinsya. Paano ang pag-aaral niya?

With that thought, parang may sariling isip ang mga daliri ko. Namalayan ko nalang na naka-dial na yung number ni Cedric.

I bit my lower lip nung nakaapat nang ring pero wala paring sumasagot. Cedric, what are you doing?

Ika-cancel ko na sana yung tawag nang may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello?" answered a feminine voice. Parang edad kwarenta na ang boses ng babaeng sumagot so hindi girlfriend ni Cedric ang una kong naisip.

"Hello?" ulit nito nang hindi ako magsalita.

"A-ah. H-hello po," medyo nag-aatubiling sagot ko. Sino kaya ito?

"Hello din, hijo. Nanay ito ni Cedric. Pasensiya na, andito kasi kami ngayon sa ospital.."

The moment na binanggit ng babae ang word na "ospital" ay parang nabingi na ako at wala nang naririnig. Bumilis rin lalo ang tibok ng puso dahil sa kaba.

"Hello? Andiyan ka pa ba?" Parang nagulat pa ako nang marinig ko ang pagsalita ng babae.

"Po? O-opo. Andito pa po ako. A-ano pong.. ano pong nangyari kay Kuya Cedric? Opo, kaibigan po ako ng anak niyo," natataranta kong saad. Base sa boses ng nanay ni Cedric ay parang pagod na pagod ito at alalang-alala din.

"Naaksidente yung sinakyan nilang bus nung pauwi siya dito sa amin, hijo. Apat na araw na nga siyang walang malay eh--"

"Nay, ano hong complete address niyo?" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Iisa lang ang naiisip ko ngayon; ang pumunta sa kanilang probinsya.





















Mahigit tatlong oras na kaming bumibiyahe ni Kuya Rhanie and it's already 2 in the morning pero hindi ako dinadalaw ng antok.

Nang ipaalam ko kina Dad at Mom ang nangyari at sinabi ko kung saan ako pupunta ay hindi na sila kumontra. Pinaalalahanan lang nila akong mag-ingat and wished me good luck.

"Iuwi mo siya dito sa bahay 'pag magaling na siya ah?" biro pa ni Daddy pero hindi ko magawang matawa. I was panicking, for Pete's sake! Hindi ako mapakali magmula pa kanina hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang ibiniyahe namin bago kami nakarating sa ospital na sinabi ng nanay ni Cedric.

I checked my phone and it was already 3:34 am. We've traveled for more than 4 hours.

"Kuya, salamat sa paghatid. Kung gusto mo, maghanap ka na muna ng matutuloyan mong hotel dito para hindi ka masyadong mapagod. Bukas ka nalang bibiyahe pabalik ng Maynila. Baka mag-stay muna ako dito," paliwanag ko kay Kuya Rhanie. Inabotan ko siya ng perang pang-hotel niya pati narin ng pangbreakfast niya bukas.

"Sige sir. Ako na bahala. Gusto mong ihatid muna kita sa loob?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang ospital. Mabilis akong umiling.

"Hindi na, kuya. Kaya ko na ang sarili ko. Sige na, pasok na ako. Ingat ka ah?" paalam ko and I opened the car door saka lumabas.

Hindi ko na nilingon ang sasakyan dahil tuloy-tuloy na ako sa loob ng ospital. Mabilis kong tinanong sa nurse na naka-duty kung saan ang room ni Cedric.

"Kaano-ano niyo po ang pasyente?" tanong pa nito bago sabihin ang room ni Cedric.

"Kaklase at kaibigan. I'm his bestfriend. Can you just tell me where his room is?" sagot ko and she checked the list.

"Room 35, sir. Second floor," sabi ng nurse at halos patakbo akong umakyat ng hagdan papuntang second floor.

Luckily, hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng room.

I knocked on the door repeatedly until a woman, probably in her mid-forties opened it. Nakasuot ito ng simpleng damit and, oh man, I can see the worry in her eyes and in her face.

"G-good morning po! A-ako po yung Cyrus na tumawag kaninang alas dies ng gabi," pagpapaalala ko sa kanya. She managed to smile at agad kong napansin ang pagkakapareho ng kanyang ngiti sa kanyang anak.

"Naku, eh bakit ka naman pumunta dito, hijo? Pasok ka," she offered very politely. Agad naman akong pumasok and my heart almost stopped when I saw Cedric in his bed, unconscious. May mga nakakabit pa sa kanyang katawan and may nakalagay pang oxygen hose sa kanyang bibig.

Parang napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa walang malay na si Cedric.

Naramdaman ko ang kamay ng nanay niya sa braso ko and that's when I noticed na umiiyak na pala ako.

"P-pasensiya na po. C-close lang ho kami niyang anak niyo. Sorry," hinging-paumanhin ko saka ko mabilis na pinunasan ang luha ko gamit ang mga palad ko.

Ngumiti ulit ang matanda. "Naiintindihan kita, hijo. Pwede mo siyang lapitan," sabi niya at hindi na ako nag-atubili pa.

Lumapit ako sa kama ni Cedric saka hinila ang isang upuan palapit din dito saka umupo.

Hinawakan ko ang kamay ni Cedric and I closed my eyes when I felt the warmth of it.

God, please let them stay warm.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak habang nakatitig sa mukha niya. Puro sugat ang kabilang pisngi niya, pati ang mga braso niya.

I inhaled.

"Gising ka na, kuya." Pumiyok pa ako nang banggitin ko iyon. I kissed the back of his palm and held them tightly. My chest is filled with guilt.

"Gumising ka na, please. Hindi na ako galit sa'yo. Sorry, sorry," mahina at halos pabulong kong pakiusap sa kanya as if naririnig niya ako.

I blamed myself for this. Kung sana hindi ako nagpabebe. Kung sana tinanggap ko agad yung apology niya, hindi siya siguro uuwi dito sa out of time na naging dahilan nito.

Idinikit ko sa noo ko ang likod ng palad niya habang hawak ko ito ng mahigpit. I don't want to let it go.

Pumunta sa kabilang side ng kama ang nanay ni Cedric at tiningnan ang mukha ng kanyang anak bago tumingin sa'kin. Again, mabilis akong nagpunas ng luha dahil baka kung anong isipin niya.

"Alam mo, kinukwento ka sa'kin ng anak ko," maya-maya ay saad ng nanay ni Cedric. Napatingin ako sa kanya at sinalubong naman niya ang tingin ko.

"Ako nga pala si Elizabeth. Pwede mo akong tawaging nanay Lisa."

Napasinghot ako. Pinilit kong ngumiti and it was the hardest thing to do.

"A-ako po si Cyrus," pagpapakilala ko naman sa sarili ko.

Tumango siya. "Nakwento ka na sa'kin ng anak ko. Mukhang malapit kayo base sa pagkakakwento niya. Tama ba?"

Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko. Parang hindi ako worth magsabi na close nga kami ni Cedric dahil hindi ko siya binigyan ng chance magpaliwanag noon.

He was the nicest man I've ever met kahit na medyo nakakainis siya minsan. Kahit na hindi siya artistahin. Kahit na hindi siya "pang-display" na sinasabi ko noon. Kahit na baduy siya pumorma. Tinuring niya akong kaibigan. Tinuring niya akong "prinsesa" kahit alam naman niyang isa akong prinsepe.

With that thought, mas lalong sumidhi ang nararamdaman kong guilt. Bakit nga ba ako nagalit sa taong 'to na maliwanag namang wala siyang ginawang mali.

Kung totoo man ang kanyang mga sinasabi sa sulat, nagmahal lang naman siya. And loving isn't wrong.

Ako pa ba? Ako pa ba na isang taong kabilang sa third sex ang aarte?

Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko masusuklihan ang pag-ibig niya, sana hindi ko siya hinayaang makaramdam ng rejection. Sana inisip ko yung friendship namin bago ako nagpadala sa aking galit noon.

"Nanay Lisa, sorry po. Sorry po kasi inaway ko po itong anak niyo bago ito nangyari sa kanya. Siguro, iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi dito," sabi ko and I held back a sob.

Saglit na nanahimik si Nanay Lisa. Pero maya-maya ay ngumiti siya ng tipid.

"Walang araw na hindi tumatawag yan simula nung binigyan mo daw siya ng selpon. Lagi ka niyang kinukwento. Ang bait mo raw. Ang swerte daw ng magugustuhan mo," she chuckled. "Tapos biniro ko siya na ligawan ka. Nung una, parang di ko matanggap dahil pareho kayong lalaki. Pero bakit naman ako kokontra kung lalaki din ang nagpapasaya sa anak ko? Yun lang ang mahalaga sa'kin, yung maging masaya siya."

Then she stopped. Nakita kong tumulo ang kanyang luha na agad naman niyang pinunasan.

"Mula kasi nung namatay ang kanilang ama, hindi ko na siya nakitang ngumiti pa. Kinse anyos palang siya nun. Kaya napakasaya ko nang isang araw, tumawag siya at nagsimulang magkwento tungkol sa'yo. Sa araw ding iyon, narinig ko siyang tumawa," pagpapatuloy ni Nanay Lisa sa pagkukwento. Tiningnan ko ang mukha ni Cedric. Sunod-sunod na sa pag-agos ng luha sa pisngi ko. Mainit.

Marami pang kinuwento si Nanay Lisa bago siya nagpaalam na iidlip muna dahil halos umaga na at wala pa daw siya halos tulog.

Nang mahimbing na itong natutulog sa folding bed sa gilid ng room ay nanatili naman akong nakaupo sa tabi ng kama ni Cedric at hindi parin binibitawan ang kanyang kamay.

"Cedric, gising na.." bulong ko habang nakatitig sa kanyang mukha.

I began to sing.

🎶 You, by the light, is the greatest find.
In a world full of wrongs, you're the thing that's right. 🎶

I have never done this before, singing before a man.

🎶 Fin'lly made it, to the lonely through the other side.

You set it again, my heart in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotion, watching the shadows burning in the dark.

And I'm in love.
And I'm terrified, for the first time and the last time, in my only life. 🎶

Kung nasa isang singing contest lang siguro ako, malamang ay iisa ang komento ng mga hurado because I poured a lot of emotions in the song.

I sang it like a lullaby. Na para bang isang sanggol ang inaawitan ko.

When I finished the song, I was crying hard. Oh gosh, now I realized that I have feelings for this man.

Pinipilit ko lang paniwalain ang sarili kong hindi espesyal sa'kin ang lalaking ito pero ano ba itong ginagawa ko? Ano ba itong nararamdaman ko? Kahit i-deny ko sa bilyong tao, kahit pa i-deny ko sa sarili ko, hindi ko maikakailang espesyal sa'kin itong lalaking ito. And I was so stupid to realize it too late!

Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog but I slept beside him, still holding his hand.

Nagising nalang ako nang naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang kamay.

Kahit antok na antok ako at sumasakit na ang ulo ko dahil sa kakulangan ng tulog ay gumising ako.

"Cedric?" I called for his name then I stared at his hand. Muli, gumalaw ito and I almost jump dahil sa saya.

Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Agad naman akong tumayo. Nilingon ko si Nanay Lisa sa folding bed and I called for her name hanggang sa magising ito.

"Nay! Gising na ho si Cedric! Tumawag ho kayo ng doktor!" halos natatarantang sabi ko and she immediately went outside to call for a doctor on duty.

Binalikan ko si Cedric at muling hinawakan ang kanyang kamay.

"Hi, Cedric! Oh, thank God, you're now awake!"

A moment later, Nanay Lisa, a doctor, and a nurse entered the room.

Chineck ng doctor si Cedric na parang tulala parin. I understand. Apat na araw siyang walang malay, he must be adjusting.

Nang masiguro ng doktor na okay nang tanggalin ang ilan sa mga nakakabit kay Cedric, including the oxygen hose sa kanyang bibig ay tinanggal na nga ang mga ito.

Muli akong lumapit kay Cedric, smiling at him, because I'm so fucking happy!

Gumalaw ang mga mata niya and he looked at me na naging sanhi ng pagkunot-noo niya.

"Hi! Kumusta ang pakiramdam mo?" I asked.

Pero agad na nawala ang ngiti ko nang magsalita siya.

"Sino ka?"

Continue lendo

Você também vai gostar

5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
122K 5.9K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
1.1M 86K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...