Crush Kita Konti Lang

By asherinakenza

2.6M 50.8K 3K

High school life More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Finale
Epilogue

31

42.3K 862 56
By asherinakenza





Chapter 31


Lumipas ang pasko at bagong taon pero nanatili pa rin kaming espesyal na magkaibigan ni Shane. Nagpalitan din kaming dalawa ng regalo, binigyan niya ako ng isang malaking stuff toy na pwedeng pwede kong yakapin dahil mas malaki pa yata saakin ito. Samantalang ako simpleng polo shirt lang ang ibinigay ko sakanya, ang hirap kasi isipin kung anong ireregalo sakanya. Hello? Isang Shane Briones lang naman ang reregaluhan ko, baka mamaya hindi niya pa magustuhan. Pero na-appreciate ko naman yung ginawa niya nung ibinigay ko na sakanya yung polo shirt, sinuot niya kaagad yon at pinicturan niya ang sarili niya saka iti-nag saakin.



Napapangiti na nga lang ako eh, paano ba naman isang Shane Briones nagselfie para lang ipakita na suot niya ang ibinigay ko. Hindi ko alam pero kinikilig ako. Si Stan naman binibigyan din niya ako ng regalo pero sabi ko naman sakanya hindi na niya kailangang gawin iyon, alam ko kasi kung bakit ginagawa niya ang bagay na yon, at ayoko namang umasa siya sa wala.


"Dito ka pa rin naman mag aaral diba?" Biglang nagsalita si Shane, nakahiga siya sa hita ko. Medyo naiilang nga ako nung una pero since kaming dalawa lang ang tao dito sa rooftop ng school pinabayaan ko nalang siyang mahiga, nakapikit pa rin siya at hinihimas ko naman ang buhok niya.


"Oo..dito daw kasi gusto ni Papa eh." Sagot ko sakanya, napansin kong ngumiti siya. Bakit kahit anong anggulo ang gwapo gwapo niya?


"Maisasayaw kita sa Prom.. Alam ko matagal pa yon, pero Abhie gusto kitang kadate sa araw na yon." Iminulat niya ang mata niya at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa. Itinaas niya ang kamay niya at hinaplos niya ang pisngi ko.


"Ang ganda mo kapag namumula ka." Bulong niya..

"Shane.." Tawag ko sa pangalan niya, pero nginitian niya lang ako. Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa buhok niya at marahan na pinisil iyon.


"Promise me Abhie..tayong dalawa ang magkasama sa Prom." Paninigurado niya.


"Promise Shane." Sagot ko, siguro nga malabo ang estado naming dalawa kung anong mayroon saamin, pero alam namin sa isa't isa na pareho kami ng nararamdaman, hindi kami magboyfriend pero ganito din kaya ang pakiramdam ng magboyfriend?

Graduation na ng mga seniors bukas, kasama ang Ate ni Shane sa mga gagraduate.


"Nga pala Shane may regalo ka ba sa Ate mo? Graduation na niya bukas diba?" Tanong ko sakanya, nilalaro niya pa rin ang kamay ko.


"Wala. Lahat naman meron na siya." Nakangiting sagot niya.

"Hmm.. Close ba kayo ng Ate mo?" Tanong ko sakanya.


"Dati."


"Dati? Bakit hindi na ngayon?" Pag uusisa ko. Tinignan niya ako sa mata.

"Dati..nung mga bata pa kami palagi kaming magkasama, ipinagtatanggol ko siya sa tuwing may umaaway sakanya. Ganun rin siya saakin, lalo na pagdating kay Dad. Alam mo naman diba? Na hindi kami ganun kalapit ni Dad sa isa't isa. Sa tuwing pinapagalitan niya ako, ang Ate ko ang nagsasabi na h'wag susuko para mapalapit kay Dad.." Kwento niya, hindi pa rin ako nagsasawang makinig sa mga kwento niya tungkol sa Daddy niya, oo alam ko na hindi sila ganun kalapit ng Daddy nila sa isa't isa, pinaghihigpitan kasi siya nito at sakanya ibinibilin palagi na siya ang lalaki sa pamilya kaya dapat matutong magbigay at umintindi.


"Pero ngayon?"

"Ngayon kasi Abhie iba na..pwedeng ipagtanggol ko pa rin siya sa tuwing naagrabyado siya. Pero alam kong maipagtatanggol na rin siya ng iba, alam kong magiging safe siya kahit wala ako o si Dad." Paliwanag niya, siguro yung boyfriend ng Ate niya ang sinasabi niya.


____

Kinabukasan kahit wala na kaming pasok, pumunta pa rin ako ng school, graduation kasi ng Ate ni Shane diba? Pero hindi ko ipinaalam na pupunta ako. Gusto ko kasing makita ang Mama ni Shane.


"Ayun Abhie! Ayun si Tita Samantha!" Sigaw ni Elle at hinila ako palapit sa mga ito, ang sabi ko gusto kong makita! Hindi batiin, nakakahiya kaya!


"Tita Samantha!"

"Oh, Elle nandito ka rin?" Nakangiting sabi ng Mama ni Shane, ang ganda niya mukha siyang dalaga pa rin, napatingin ako sa katabi nito, asawa niya siguro, ang gwapo, ngayon alam ko na kung kanino nagmana ng kagwapuhan si Shane! Hahaha!

"Tita si Abhie po! Classmate namin ni Shane."

"Hello hija.." Nakangiting bati nito saakin.

"Ah..H-Hi po Mama!" Halos matampal ko ang bibig ko sa itinawag ko sa Mama ni Shane, napangiti naman ito.

"Ay! Sorry po! Tita! Hello po!!" Sabi ko.

"Ano ka ba hija, wala yon. Okay lang yan.. Siya nga pala ang asawa ko si Daddy Mario mo." Pulang pula na ako sa kahihiyan, a-ano daw?! Daddy? Daddy ang itatawag ko?!


"Hello hija.. So ikaw ang girlfriend ni Shane?"

"Po?! Hindi po! Magkaibigan lang po kami ni Shane!" Umiiling iling pa ako habang nagsasalita, tinawanan naman nila akong lahat.


Maya maya pa dumating na si Shane, kasama niya yung bunsong kapatid niya, oo alam kong kapatid niya yung kasama niya dahil iyon din ang kasama niya sa sinehan noon.


"Shane hijo, nandito pala ang girlfriend mo."

"Tita! Hindi po!" Sigaw ko.

"Ma!" Naiiritang sigaw ni Shane.

"Mainit nanaman ang ulo ng binata ko, sabi ko naman sayo Mario sayo nagmana yang si Shane.." Bulong ng Mama niya.

"Samantha, tandaan mong ikaw ang masungit nung ipinagbubuntis mo yang anak mo.. Baka naman nahihiya lang dahil kaharap natin ang girlfriend niya." Grabe yung mata ko sobrang dilat na dilat na dahil sa mga naririnig ko.


"Hija maupo ka na dito, Shane tabihan mo ang girlfriend mo." Alok ng Mama niya, napatingin ako kay Shane na magkadikit nanaman ang kilay.


"Hindi po talaga Tita!" Pagtanggi ko ulit!

"Whatever Ate, ikaw yung nasa laptop ni Kuya! Ikaw din yung nasa cellphone niya! At ikaw din yung nasa camera niya nung tour niyo sa Baguio! Puro mukha mo nga yung nasa gamit ni Kuya Shane!!" Sigaw ng bunsong kapatid niya dahilan para matawa si Tita Samantha at Elle!


"Shara!!" Naiinis na sigaw ni Shane.

"Bakit Kuya? Totoo naman diba? Kulang nalang nga gawan mo siya ng poster at idikit sa kisame!" Pang aasar pa ng kapatid niya at tumakbo sa tabi ng Daddy niya dahil nakita niya ang magkadikit na kilay ni Shane, ang init ng mukha ko at hindi ako makatingin sakanya ng diretso.

"Ah.. Si-sige po Tita!! Tito! Aalis na po ako! Nice meeting you po!" Paalam ko at nanakbo na ako, nakakahiya! Sobrang nakakahiya, bakit ganun? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko gustong lumabas ng puso ko dahil sa sobrang kaba.


Nakita ko rin ang pamumula ng mukha ni Shane kanina, mababaliw ako sa mga nalaman ko. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako? Nahihiya akong humarap kay Shane.


_____

Isang linggo na ang lumipas. Hindi nagtetext si Shane o tumatawag, pag nakikita kong online siya bigla siyang nag-a-out. Pero may post siyang isa sa timeline ko.


Shane Briones >> Abhie Bregnas
I missed you.

Halos lumuwa ang mata ko dahil sa nabasa ko! Ang daming likes non at comments. Puro pang aasar ng mga kaklase namin.


Hindi ko alam kung bakit umalis ako ng bahay at pumunta ako sa bahay nila. Shet Abhie ano bang ginagawa mo? Bakit ikaw pa yung pumupunta sa bahay ng lalaki?! Aish, aalis na sana ako pero biglang dumating yung sasakyan ng Daddy niya at pinapasok ako sa loob.


Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Shane ng makita ako! Tinanong niya ako kung anong ginagawa ko dito!


"Wala ka bang bahay at nandito ka?" Tanong niya saakin! At hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at sinagot siya.


"Wa-wala ka kasi sa bahay namin kaya nandito ako."

****

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 105 8
Ano ang hanap mo sa isang coffee shop? Masarap na kape? Nakaka-addict na sweets? Romantic ambiance? Sight-seeing ng mga pogi? Magandang view ng mga...
3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...
31.5K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
438K 4.3K 41
Isang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na...