#11

By LillMissBlue

1.1K 35 12

What if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as... More

Introduction
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen

Chapter Eighteen

8 0 0
By LillMissBlue

Chapter Eighteen

"Gelyn! Gelyn! Gumising ka!" Naririnig kong sigaw ng isang pamilyar na boses habang inaalog ako. Ilang taong na rin simula ng huli kong marinig ang boses na iyon na tinatawag ang palayaw kong iyon. Isang tao lang din ang alam kong tumatawag sa akin niyon.

Idinilat ko ang mga mata ko at nagulat ako nang makita mo si Jamie na humahagulgol. Ano bang nangyari at umiiyak siya ng gan'yan.

"Ja...Jamie?" tanong ko at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"Gelyn, I'm sorry. Hindi ko naman gusto na iwan kita. I'm sorry. Ayaw lang kitang mapahamak," pagpapatuloy niya habang umiiyak.

Ang tagal na rin pala simula nang yakapin niya ako ng gan'to na parang bata na inagawan ng candy. Niyakap ko rin siya at naiyak na rin. Ilang sandali pa ang lumipas bago kami mahimasmasan. Pareho lang kaming nakaupo sa ibabang bahagi ng bahay at nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin kami makaalis dahil masakit pa rin ang paa ko at hindi pa rin ako makatayo.

"Kung naiinip ka, kahit mauna ka na. Kaya ko namang bumalil mag-isa. Hihintayin ko lang umayos ng kaunti ang paa ko," sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

Masyadong madilim kaya't hindi ko masyadong maaninag ekspresyon niya. Ang tanging bagay lang na nagbibigay sa amin ng liwanag ay ang kaunting sinag ng araw na pumapasok sa loob ng bahay. Masyado ring nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming paligid.

"Bakit ka pumunta dito?" tanong niya makaraan ang ilang segundo.

"Hinanap ka."

Nilaro ko ang aking mga kamay dahil bukod doon, wala na akong iba pang mapagkakaabalahan. Masyado rin akong ninenerbyos. Baka tuluyan na rin akong mabaliw dito. Hinintay kong itanong niya kung bakit pero umasa lang ako sa wala kaya sinabi ko na ang pakay ko.

"Gusto kong humingi ng tawad dahil sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko sinasadya."

"Alam ko," sabi niya at nahahalata ko sa boses niya ang lungkot.

"Hindi na ba talaga tayo puwedeng bumalik sa dati?" kabado kong tanong.

Sa totoo lang, handa akong kalimutan lahat ng nangyari at ginawa niya sa akin. Mas pinapahalagahan ko pa rin ang pagkakaibigan namin at mahabang pinagsamahan.

"Mapapahamak ka lang sa gusto mong mangyari. Ayaw ko nang dagdagan ang nararanasan mo ngayon."

"Ano bang problema?" mahinahon kong tanong. Naaalala ko kasi ang mga sinabi niya kanina.

"Mas mabuting hindi mo na lang alam."

"Jamie..."

"Gelyn, kalimutan mo na ang katulad ko. Hindi ako karapat-dapat na maging kaibigan mo."

"Jamie, wala ka bang tiwala sa akin? Handa akong tulungan ka kung ano man ang pinagdadaanan mo?! Handa ako sa anumang puwedeng mangyari. Gusto ko lang maintindihan kung bakit mo ginawa yung pang-iiwan mo sa akin noon. Gusto kong malaman ang rason dahil kilala kita. Alam kong may mabuti kang rason kaya nanahimik ako. Pero ngayon?! Hindi ko na kaya. Nagmamakaawa ako sa iyo bago ako tuluyang mabaliw kakaisip."

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Maging pagtataas ng boses ko ay hindi ko maiwasan. Masyadong matagal na panahon ang lumipas bago ako naglakas loob na itanong sa kan'ya rason niya at sabihin ang saloobin ko.

"Gelyn, magtiwala ka sa akin."

"Fine, kung hindi mo sasabihin. Mapipilitan akong kausapin ang mga kaibigan mo o komprontahin. Kung hindi sila makikinig, handa akong puntahan Mirachelle."

"Nababaliw ka na ba?! Ilang taon kita pinrotektahan sa kanila tapos sasayangin mo lang ngayon?" naiinis na sigaw niya. Siyang-siya na talaga ang Jamie na kaibigan ko noon.

"Kilala mo ako. Alam mo kung gaano katigas ang ulo ko. Kapag sinabi kong gagawin ko, gagawin ko talaga."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at napangiti ako. Alam kong makukuha ko ang gusto ko kapag napabuntong-hininga na siya.

"Sasabihin ko sa iyo pero sa isang kondisyon."

"Depende sa kung ano iyon."

"Mangako ka na hindi mo ipapaalam sa iba na magkaibigan na ulit tayo. Aakto ka na parang magkagalit pa rin tayo at magtitiwala ka sa akin."

Pinag-isipan ko sandali ang kondisyon niya. Mukhang ayos lang naman iyon. At least, may makakaramat siya kapag may hindi siya pinagdadaanan.

"Pero mangako ka rin, kapag sobra-sobra na ginagawa nila o kaya'y hindi mo na kaya, hihingi ka ng tulong sa akin. Maliwanag ba?"

"Oo."

Itinaas ko yung pinky finger ko. "Pangako?" tanong ko at inabot naman niya iyon bago nagsalita.

"Oo, pangako."

Pagkatapos niyon ay nagsimula na siyang magkuwento.

"Narinig ko noon sila Mirachelle at ang grupo niya. Gusto ka nilang abangan noon at awayin. Noong una, akala ko simpleng komprontasyon lang. Pero nagulat ako nang balak ka nilang pilayan dahil naiinis sila sa iyo. Kinasabwat na rin nila ang iba nilang kakilala sa ibang eskuwelahan. Kinakabahan sila dahil nakita nila na magaling kang mag-volleyball. At kapag sumali ka sa varsity, maaari silang matanggal at maaaring mapahiya sila. Noong panahon pa naman ding iyon, nagbabalak kang sumali."

Naalala ko na. Kaya pala pinipilit niya akong huwag na akong sumali. Samantalang ako naman ay napakatigas ng ulo.

"Kinompronta ko sila at pinakiusapan na huwag nang ituloy ang balak nila sa iyo. Pero, noong una ayaw nila kahit sabihin ko na pipigilan kitang sumali. Ilang araw ang lumipas at palapit na nang palapit ang try-outs. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi rin kita mapigilan kaya nagmakaawa ako sa kanila. Kinalaunan pumayag sila kapalit ng pag-iwan ko sa iyo at pagsunod sa bawat utos nila. Kaya kahit hanggang ngayon, labag man sa aking kalooban, sinusunod ko pa rin sila. Wala na akong magawa dahil marami silang mata na nakabantay sa atin at baka kapag sinuway ko sila, ituloy nila yung plano nila dati."

Naramdaman ko ang pagkain sa akin ng aking konsensya. Hindi ko alam na sobrang hirap pala ng mga pinagdaanan ni Jamie. Samantalang ako, nagagalit pa sa kan'ya.

Hinawakan ko siya sa balikat at niyakap. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Sobrang laki ng isinakripisyo ni Jamie at hindi ko alam kung paano ko mababayaran iyon. Kailangan kong mag-isip ng plano para tigilan na siya ng grupo nila Mirachelle.

"Ange! Ange!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses sa hindi kalayuan.

Hindi ako maaaring magkamali kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Agad na lumayo sa akin si Jamie. Pero hinawakan ko yung braso niya. Palakas na nang palakas ang boses na naririnig namin at kalaunan maging ang mga yabag ay narinig namin.

"Mapagkakatiwalaan natin si Justin," pangungumbinsi ko kay Jamie pero umiling lang siya.

"Hindi mo siya masyadong kilala Gelyn. Kapag nalaman nila ang relasyon mo sa kan'ya, mas lalo ka lamang nilang guguluhin at pag-iinitan."

"Pero..." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi sa sinisira ko ang kaligayahan mo pero sana'y mag-iingat ka palagi. Kung puwede lamang na layuan mo siya, gawin mo. Pero alam kong maisasakripisyo mo ang kaligayahan mo at ayaw kong malungkot ka muli. Kaya tutulungan pa rin kita."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at umalis. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Jamie. Natulala lang ako habang unti-unting naglalaho ang pigura niya.

"Ange! Ange!" sigaw ni Justin na nasa itaas na bahagi na pala ng pinaghulugan ko.

Dali-dali siyang tumalon mula sa itaas. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at ginawa niya iyon. Mayroon namang hagdanan.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Bakit ka tumalon? Paano kapag nagkamali ka ng bagsak? E 'di parehong tayong hindi makakaalis dito?" pagsusungit ko sa kan'ya pero nakaramdam ako ng kilig dahil sa pag-aalala niya.

Mas lalo pang nadagdagan yung kilig ko nang yakapin niya ako. Pakiramdam ko nagkakaroon ng digmaan sa tiyan ko. Pero agad din namang nawala iyon nang makita ko si Jamie sa itaas na ngumiti bago umalis. Naalala ko lahat ng sinabi niya kaya naitulak ko si Justin.

"At sino'ng may sabi sa iyo na puwede mo akong yakapin?" tanong ko sa kan'ya at base sa ekspresyon niya, nagulat siya. "Alalayan mo na lang akong tumayo para makapunta ako sa clinic."

Ayaw ko nang mahirapan si Jamie kung ano man ang pinaplano niya para mapasaya lang ako. Pero hindi ko rin magawang layuan si Justin dahil masyado na akong napalapit sa kan'ya. Hindi ko na rin mawari kung nahuhulog na ba ang loob ko sa kan'ya.

"Ano bang nangyari at napunta ka rito? May masakit ba sa iyo?"

"Nahulog ako dahil sa katangahan ko at namali ako ng pagkakalaglag kaya nadaganan ko ang paa ko. Hindi ako makalakad dahil masyadong masakit kaya alalayan mo ako."

Hindi ko na sasabihin sa kan'ya ang pakay ko dito at mga pinag-usapan namin ni Jamie. Gusto ko man siya pero hindi pa rin maipagkakaila na isa siyang estranghero at hindi ko alam ang nakaraan niya.

Tiningnan niya saglit yung paa ko bago ako tulungan. Noong una, akala ko aalalayan niya lang ako. Pero nung medyo nakatayo na ako, nagulat ako nang buhatin niya ako na pang-bridal style.

"A...anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!" sambit ko sa kan'ya.

"Sabi mo hindi na makalakad at huwag nang makulit Ange."

Sa huli, wala na akong magawa. Habang naglalakad pabalik sa school ay tahimik lang kami. Tinitingnan ko siya habang buhat-buhat ako. Akala ko si #11 lang ang problema, napakaraming bagay pala. Hindi ko tuloy alam kung handa na ba akong pumasok sa isang relasyon. Kung handa na ba anong masaktan.

"Paano mo ako nahanap?" tanong ko sa kan'ya.

"Sinabi sa akin nila Adrian na baka nagpunta ka raw sa dating tambayan niyo ni Jamie. Mahalaga raw kasi sa iyo ang lugar na iyon." Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Muli na naman kaming nilamon ng katahimikan. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa clinic. Tiningnan ako ng Nurse at hindi makapaniwala na nandoon na naman ako.

"Yung totoo iha, ikaw na lang yata ang palagi kong nakikita rito," sabi niya habang nakapamaywang.

"Ayaw niyo po yun, may makakakuwentuhan po kayo."

Ako lang kasi palagi ang pasyente sa clinic namin at mabuti na lang, mabait si Ms. Nurse. Napatawa na lang siya sa sinabi ko.

"Ano na naman bang nangyari sa iyo?"

"Nahulog po ako at nagkamali ng bagsak."

"Dito ka ba sa pogi mong kaklase na-fall?" tanong niya habang sinusuri yung paa ko.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at mas lalong lumala iyon nang magkasalubong tingin namin ni Justin. Tapos ngumiti pa ang loko. Jusme, aatakihin yata ako sa puso.

"Hi...hindi ka pa ba babalik sa classroom?" tanong ko sa kan'ya at umiling siya.

"Ms. Nurse o. May klase pa kami pero niyang bumalik sa classroom," sumbong ko kay Ms. Nurse.

"Hay nakong mga bata kayo. Bahala na nga kayo. Ayusin niyo iyang away niyo. Nangdadamay pa kayo ng ibang tao."

Tumayo na si Ms. Nurse at bumalik sa puwesto niya. Habang si Justin hindi pa rin umaalis at nakatitig lang. Umayos na ako ng higa. Bahala siya, tutulugan ko na lang siya. Narinig ko na lang siya tumawa nang mahina.

Ilang oras din ang lumipas bago ako nagising. Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko si Justin na nakadukmo sa higaan ko habang hawak ang kamay ko.

Pinagmasdan ko siyang maigi. Mukha naman siya mabait at walang gagawing masama sa akin. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maghinala.

Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating sila Adrian, Rizza at Helena. Pinapatahimik ko sila pero hindi sila nakinig kaya nagising si Justin.

"Ange, ano bang nangyari sa iyo?" tanong ni Adrian.

"Ano ba kayo, hindi ba halata na na-fall kay Justin," biro ni Rizza sabay tawa. Baliw talaga itong mga ito.

"Ang ingay niyo. Magagalit si Ms. Nurse. Tara na nga," aya ko sa kanila bago tumayo. Pero pinigilan ako ni Justin at umupo sa sahig.

"Sumakay ka na sa likod ko."

"Hindi mo na kailangan gawin iyan Justin."

"Huwag ka nang makulit."

Dahil sa pamimilit din nila Rizza, wala na akong nagawa. Sumakay na ako sa likod ni Justin. Habang naglalakad palabas ng school ay nakita ko ang grupo nila Jamie na nagkumpol-kumpol. Ano kayang pinagkakaguluhan nila?

Hindi pa man kami nakakalagpas ay hinarang kami ni Mirachelle. Ano bang ginagawa niya rito? Naramdaman kong uminit dugo ko pagkakita ko pa lang sa kan'ya. Biglang tumigil si Justin sa paglalakad.

"Long time no see Justin," sabi ni Mirachelle.

"Anong ginagawa mo rito Gretchen?" tanong ni Justin at base sa boses niya ay naiinis siya.

Nagulat ako sa itinawag ni Justin kay Mirachelle. Yung totoo? Hindi ba ako tatantanan ng mga taong may pangalan na Gretchen? Mas lalo akong nakaramdam ng inis.

"Masama bang bisitahin ang manliligaw ko? Nawala lang ako saglit, suma-sideline ka pa. Okay lang sana kaso parang nakakapang-insulto na isang katulad lang niya ang reserba mo?"

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihan ng gan'yan si Ange. Kung alam lang namin, insecure ka lang sa kan'ya," sabi ni Helena.

"The hell? Ako, insecure? Nagpapatawa ba itong mga kaibigan mo Ange?"

Ikinuyom ko ang mga palad ko. Marahil kung nasa matinong sitwasyon lang ako, baka nasuntok ko na ang babaeng ito. Hindi dahil sa pang-iinsulto niya, kung 'di sa ginawa niya kay Jamie. Pasugod na sana si Helena kay Mirachelle pero pinigilan na namin siya.

"Tama na iyan," awat ko sa kanila. Naiinis ako at wala akong magawa. Baka kapag gumawa rin ako ng eskandalo, mas lalong mahirapan si Jamie. "Justin, pakibaba na lang ako. Mukhang marami-rami kayong pag-uusapan."

Nagulat ako nang bigla akong ibaba ni Justin. Hindi ko inaasahan na gagawin niya agad iyon. Akala ko pipigilan niya pa ako sa gusto ko. Napansin ko rin na parang nagulat sila Rizza.

Pagkababa ko, mas lalo akong nagulat nang hilahin ni Justin si Mirachelle palayo sa amin. Pinagmasdan ko sila hanggang tuluyan na silang maglaho sa paningin ko.

/———/

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
183K 8.2K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...