Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 11: Unexpected Visitor

90.3K 1K 51
By Mnemonicss

Chapter 11: Unexpected Visitor

Marjorie’s POV

“ARRRRRGGGHH!!!!”

“Marj, relax! You don’t need to-----“

“Relax? RELAX?! How am I supposed to relax, huh? H-have you seen that bitch? And.. And that guy?! Huh?!”

“Yeah, of course. I’ve seen everything! And-----”

“Eh yun naman pala eh! Nakita mo naman pala kung ano yung nakita ko! So don’t tell me that I need to be relax!!!”

“But you don’t need to shout! Look! Tinitignan na tayo ng mga tao dito oh.”

“I don’t care about those stupid bastards! If I want to shout, I will SHOUT! Got it?!”

“G-got it!”

Bitch!

Nicole Sarmiento, bwisit ka talaga sa buhay ko! Argh! Bwisit talaga! Hindi ko talaga mapigilang mainis sa nakita ko kanina! How did that happen?! How do they know each other?! And tama ba ang nakita ko kanina?! He even try to protect her?! What’da! I really can’t believe this!

But,wait? Hindi ba nakakapagtaka na magkakilala sila? And how do they act like that?

Hmm.. Looks like something’s fishy around here!

I need to find out..

“Candice!”

“Y-yes, Marj?”

“Do you know the name of that guy?!”

“Which guy?”

“Yung kanina! Bitch!”

“Ah, y-yes! Nalaman ko sa kabilang block kung anong name nya. Bakit?”

“I’m not asking kung saan mo nakuha ang name nya, you stupid! Just give me his name!”

“V-Vincent Romero”

“Vincent Romero?” Hmm.. so Vincent Romero was his name,huh?!

Hmm.. Aha!

Tignan mo nga naman. Looks like I have a better plan! Hah, What a marvelous idea, Marj!

“Bwahahahahaha” * evil laugh

“Bakit ka tumawa, Marj? Ano nanamang balak mo, Marj? Tell me.”

“Oh Candice, Candice. You already KNOW what I mean, right?”

“Don’t tell me na---“

“Exactly!” 

Nicole Sarmiento, hindi pa tayo tapos! Don’t worry ,my dear. I’ll show you who’s the real queen beehere!

Nicole’s POV

6pm na ng maka-uwi ako galing school. Bukod kasi sa may meeting kami sa acting club, nakipanood muna ako ng practice nila Jasmine at Kylie sa dancing studio ng school. Sila kasi ang napili nung mga prof nila para kumatawan sa ballet contest kaya kailangan nilang magpractice. At siyempre, kailangan nila ng moral support kaya ako nandun.

Nang makahiga na ako sa kama ko, binuksan ko ang pinkish cellphone ko at bumungad sa akin ang sangkatutak na message. Mukhang naipon siya dahil matagal ko na kasing hindi nabubukas. Epal kasi yung lalaking yun eh, hindi sinauli kaagad yung phone ko. Anyways, makapagbasa na nga lang..

Inisa-isa kong buksan yung message sa phone ko at sa pinaka-huli, nakita ko na nagmessage pala sa akin si daddy.

“Princess, male-late ako ng uwi mamaya ah. Pero wag kang mag-alala, uuwian kita ng paborito mong chicken joy. Dad”

Hays, si daddy talaga oh. Chicken joy daw? Sus, ginagawa pa akong bata. Pero infairness, paborito ko talaga yung chicken joy. All-time favorite ko nga yun eh. Galing talaga ni daddy. Alam na alam kung ano ang ipangsusuhol sa akin.

After kong magbasa ng messages sa cellphone ko, binuksan ko naman yung laptop ko at nag-open ng facebook account..

1o friend request

2 notifications

Siyempre, tinignan ko muna yung friend request. Since hindi naman ako namimili ng friends sa facebook, sige lang. Accept na lang ng accept.

After ko naman tignan yung friend request, tinignan ko naman yung notifications at.. WOW! “300+ people like your profile picture”. Akalain mo yun? ^_^

Pero siyempre joke lang yun, hehehe. Kasama ko lang kasi si Kylie sa DP ko ngayon, kaya siguro madaming likes. Marami kasing fans sa school si Kylie eh.. Siyempre, maganda. =P

Anyways, siyempre after FB, automatic mag-wawattpad ako nyan. Titignan ko kasi kung nag-update na si Ms. Author at…. What? Hindi pa rin nag-update? Hayyyss.. nakakalungkot naman.. T_T

Sige na nga, matutulog nalang ako..

Zzzzzzzzzzz……

After 30 mins…

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz…

After 1 hr…

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz….

*toktok

Hmmm.. may kumakatok ba? *blink blink

*toktok

Mukhang may kumakatok nga.

Kinusot ko ang mata ko at dali daling bumangon para pagbuksan kung sino yung kumakatok sa pintuan..

Binuksan ko ang pinto at nakita kong si Manang Beth pala ang kumakatok..

”Mam Nikki?”

“Hello po, Manang. Bakit po?” halos nakapikit pa ako habang nakatingin kay Manang Beth. Parang ganito ----> -_-

“Andyan na ang daddy mo. Sinabi ko nang tulog ka pero sabi nya sa akin na gisingin ka daw. May dala daw kasi siyang pasalubong sayo” ngiting sabi ni Manang Beth.

*blink blink

Pasalubong daw?

“Talaga po?!”

“Oo”

“Yehey!!!” Aktong palabas na ako ng bigla naman akong pinigilan ni Manang Beth.

“Ah-eh Mam Nikki?! Ahmm.. Ayusin nyo nap o muna yung buhok nyo bago bumaba”

“Bakit ho?” Tumakbo ako sa may salamin at NYAH! Mukha pala akong bruha.. hehehe..

“Hehehe.. Oh sya, mag-ayos ka nalang muna dyan at may bisita pa kasi ang daddy mo”

“Talaga ho? Sino po?”

“Hindi ko alam eh. Pero yun yata yung sinasabi ng daddy mo na tito Henry mo daw. May isa pa siyang kasama kaso hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod. Siguro, anak nya yun”

“Ah, ganoon po ba?” Hmmm.. sino kaya yun? Siguro anak nya nga “ Sige po, mag-aayos na po ako. Pasabi nalang po kay daddy na baba po ako after 15 minutes.” Ngiting sabi ko kay Manang Beth.

Sumang-ayon naman siya at bumaba na sa kinaroroonan nila daddy. Hmmm.. Bakit kaya nandito sila tito Henry? Anyways, makapag-ayos na nga..

Hilamos dito, suklay doon. Make-up dito, Bihis doon. At voila! Ready na akong bumaba.

Nang matapos na akong mag-ayos, bumaba na ako sa may sala at pinuntahan sila daddy. Nakita kong kinakausap ni daddy si tito Henry habang nakatalikod naman ang kasama nito.

Nakita na ako ni daddy at tinawag ako..

“Hello, my princess! There you are!” Ngiting sabi sa akin ni daddy habang sinalubong ako ng yakap.

“Hi daddy!”

“So Greg, ayan na ba si Nikki? Aba’y anlaki na ah! Parang kailan lang nung huli ko siyang nakita.” Napatingin kami ni daddy sa lalaking nagsalita na nakaupo sa sofa. Siguro, siya na nga si tito Henry. Siya yung sinasabi ni daddy sa akin na kababata nya at kasosyo nya na rin sa work.

“Yes,bro! Eto na nga siya. Ang ganda ng anak ko di ba?” Proud na sinabi ni daddy.

Bumulong ako kay daddy at sinabi ko sa kanyang “Dad naman, nakakahiya.” Natawa naman si daddy ng makita nya na parang namula ako sa kahihiyan.

“Aba’y oo naman! Maganda nga siya. Buti nalang nagmana siya sa mommy nya.” Pabirong sabi ni tito Henry. Natawa ako sa reaksyon ni daddy kasi parang naasar siya nung sinabi ni tito Henry yun. Gusto kasi nya na ako yung kamukha nya eh.

“Siya nga pala,princess, ok lang ba na magstay muna dito sila tito Henry mo for a few months? May business kasi kaming aasikasuhin ni tito Henry mo kaya kailangan naming magkasama sa iisang bahay para mas mapadali na din ang pag-uusap naming in terms of business. Most of the time kasi, kailangan naming magsama para mapagplanuhan namin ng maigi ang project namin for our company.” Ngiting sabi sa akin ni daddy. “Is it ok for you?”

 “Of course, daddy! Siyempre naman po, ok lang sa akin. Mas maganda nga po kung mas marami tayo ditto eh. The more, the merrier” Aprub na sinabi ko kay dad. Mas masaya kasi pag mas marami. Para hindi lang si Manang Beth at daddy ang nakikita ko sa bahay.

“Naku, nakakatuwa naman pala yang anak mo, bro. Gabi na pero ang taas pa rin ng energy”.

“Oo nga eh. Ganyan talaga yan pag excited. Bihira lang kasi yan makakita ng bagong tao dito sa bahay. Kaya nga sabi ko sayo na papayag yan pag sinabi kong titira muna kayo dito eh.”

“Buti nalang pala, understanding yang anak mo.”

“Kaso may pagkapasaway din yan kung minsan. Biruin mo, tinakasan ako nung ipapahatid ko sana siya sa driver namin nung first day nya sa school for this sem.” Nakangiting sabi ni daddy kay tito Henry. Naku, naalala pala ni daddy yun? Hehehe.. Pero ok lang, mukha namang good mood siya eh, kaya hindi nya ako pinagalitan.

“Hahaha, wag ka kasing masyadong overprotective sa anak mo eh. Kaya ka tinatakasan. Hahaha. Saka natural lang yan bro. Mas maganda nga na adventurous yung anak mo keysa naman ang magkaroon ng serious at tahimik na katulad nung sa akin”

Pagkasabi ni tito Henry nun, tinignan nya yung anak nyang kanina pa naka-upo at nakatalikod sa amin. Mukhang nakikinig siya ng music sa ipod kaya di nya kami napapansin.

After naman masabi ni tito Henry yun, napatingin sa kanya yung anak nya. Mukhang medyo narinig ata nung lalaki yung sinabi ni tito Henry kaya naman tinanggal niya yung head set. “Ha? Anong sabi mo?” Ay, joke lang pala. Kala ko narinig. Haha. Pero teka, ba’t parang familiar ang boses neto?

“Wala. Sabi ko, gwapo ka sana. Bingi ka lang..” sabi ni tito Henry sa anak niya. Tinignan lang siya ng masama si tito Henry pero di na nagsalita. Ano ba yun, wala man lang manners. Imagine, tinignan nya ng masama yung daddy nya. Tsk.

Pinatayo ni tito Henry ang anak nya para ipakilala sa amin at…

What? Si Mr. Antipatiks? Siya yung anak ni Tito Henry?

“Eto nga pala yung anak ko. Si Vinci. Creative Musical theater ang course nya sa Xavier School of Arts at-----“

“What?! Ikaw?” Gulat na gulat na sinabi sa akin ni Mr. Antipatiks.

“Ikaw din?!” Kung siya nagulat, siyempre ako din nagulat. In short, nagkagulatan kami sa isa’t isa.

“Magkakilala kayo?!” Magkasabay na tanong sa amin ni daddy at ni tito Henry.

“Paano kasi daddy, siya lang naman yung---“ napahinto ako dahil napaisip ako bigla. Hala, hindi pala dapat malaman ni daddy na siya yung naka-bundol sa akin sa school. Pag nalaman kasi niyang nagkasugat ako dahil dun, mag-hyhysterical nanaman siya. Saka baka tuluyan na nya akong hindi payagan pumasok sa school ng walang hatid. Pano yan? T_T

“Yung ano?” nagtatakang sinabi ni daddy.

“Ah eh—“

“Ako po yung classmate ni Nicole sa first subject nya, tito. Sa Creative music and Arts class po” sabi ng kumag na to kay daddy. Buti nalang pala bigla siyang nagsalita.

“Ahh, ganun ba? Akalain mo yun, bro. Parehas pa pala ng school yung mga anak natin.”

“Oo nga eh. Pwede pala silang magsabay na pumasok minsan. Tutal, magkaklase naman sila ng first class.” Huh? Don’t tell me may balak pa si daddy na isabay ako dito sa mokong na to?

“Oo nga. Tamang-tama, matipuno itong anak ko” sabay tapik ni tito Henry kay Mr. Antipatiks pero tinignan niya lang siya ng masama.

“Hahaha. Oh siya, kumain na muna tayo sa dining area. Nagluto si manang Beth para sa ating lahat.”

“Naku, salamat ng marami,bro. Tara na,Vinci. Kain na tayo.”

Naglalakad na kami papuntang dining room pero huminto ako at tinawag ko si daddy.

“Hmmm, dad. Pwede po bang mauna na po ako sa kwarto ko? Busog na po kasi ako eh, saka inaantok na din po ako.” Pero ang totoo nyan, ayoko talagang makasama sa pagkain yung Mr. Antipatiks na yun. Baka mawalan pa ako ng gana pag kasabay ko yun kumain.

“Ah sure ka ba? Paano yung chicken joy mo?”

“Bukas ko nalang po kakainin. Inaantok na po talaga ako.”

“Oh siya, sige. Nasabi nga din sa akin ni Manang Beth na tulog kana kanina pero pinagising lang kita. Sige, goodnight my princess.”

“Goodnight din po, dad”

After kong mag-good night kay daddy, nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay sumalpak na ako sa kama.

Ilang minutes akong napatulala pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Hays! Nakakainis talaga! Bakit kasi sa dinami-dami ng pwedeng titira sa bahay namin, bakit siya pa?

Waahh! Pinarurusahan ba talaga ako ng langit dahil pasaway ako? =( 

------> See you in Next Chapter 12: Class Activity

________

Author's note:

Hi! Kamusta po? 

Ayan, ngayon lam nyo na kung bakit sa prologue, sinabi ni Nicole na magkasama sila ni Vincent sa iisang house.. ^_^

Magkasundo na kaya sila ngayong magkasama na sila? Let's find out. 

Thank you po ulit sa mga nagbabasa ng story na to..

-Ms. Author <3

Continue Reading

You'll Also Like

12.7K 778 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
899K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...