SWEET ACCIDENT - COMPLETED 20...

By WeirdyGurl

524K 13.6K 1.5K

VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HE... More

PREFACE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
NOTE
Chapter 22 (Repost)
Chapter 23 (Repost)
Chapter 24 (Repost)
Chapter 25 (Repost)

Chapter 19

14.4K 447 66
By WeirdyGurl

KATATAPOS lang ng misa.

Hinintay ni Danah si Text at ang Mama nito. Kasama niya si Lyra at ang lola ni Text na sakay sa wheelchair. Si Lyra kasi ang gusto ng lola ni Text. Kahit na gusto niyang makipaglapit sa matanda ay 'di niya magawa dahil bukambibig nito si Lyra. Ang nanay naman ni Text masyadong tahimik. 'Yong tipong mata lang ang pinapagalaw nito. Okay lang naman sila. Maliban sa tango at tipid na ngiti papasa na rin silang super close friends na medyo awkward.

"Balita ko sa susunod na linggo na daw ang balik n'yo ni Text?" basag ni Lyra.

"Ah, oo, may importante siyang aasikasuhin sa tinuturuan niya."

"Ahh," tumang-tango ito. "Kumusta ka naman? Masilan ba ang pagbubuntis?"

"'Di naman," napangiti siya, saka hinamas ang medyo umbok na niyang tiyan. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla ay lumaki ang tiyan niya. Mukhang gustong magpasikat ng baby nila. "Namana yata ni Baby ang pagiging-mabait ng Papa niya kaya 'di niya ako pinapahirapan." Nakangiti paring ibinalik niya ang tingin kay Lyra.

"Hmm? Mabait nga si Text."

Pero bakit sa tuno ng pananalita ni Lyra para bang may ibang kahulugan rito ang pagiging mabait ni Text. Parang may iba itong sinasabi sa kanya.

"May problema ba sa kabaitan ni Text?" hindi niya maiwasang tanongin.

"Ah, naku wala!" ngumiti ito. "Sorry, may iniisip lang ako kaya medyo pangit 'yong tuno ng pananalita ko. Don't worry, It didn't mean anything."

Sa huli ay hindi niya na rin pinansin 'yon. Baka naman namali lang siya ng pagkakaintindi. Ibinaling niya ang tingin sa likod. Napangiti naman siya nang makita si Text. Naks! Iba na talaga ang inlove eh, noh, Danah? Shst!

Pagkalapit agad ni Text sa kanila ay inakbayan agad siya nito. Ewan ba niya, mukha na siyang temang sa tuwing kasama niya si Text. 'Yong feeling ba na sobrang blessed niya at talagang damang-dama niya ang pagmamahal ng Diyos. Medyo OA pero 'yon talaga ang nararamdaman niya kapag kasama niya si Text.

"Ihatid mo muna kami ng lola mo sa bahay," sabi ng nanay nito. "Saka ka dumiretso sa palengke."

"Anong gagawin mo sa palengke?" baling na tanong niya kay Text.

Gusto niyang sumama.

"May titignan lang ako sa Hardware ta's dadaan na rin ng palengke." Marahang pinisil nito ang braso niya. "Kailangan na kasi 'yong ibang materyales para sa renovation ng simbahan. Saka idadaan ko na rin 'yong gustong bilhin ni Mama sa palengke."

"Pwede ba akong sumama?"

Naglapat ang mga labi nito. Iniisip yata kung tama ngang sumama siya rito.

"Danah, hija," naibaling niya ang tingin sa nanay ni Text. "Kailangan mong magpahinga. 'Di maganda sa buntis ang maglalakad-lakad sa kung saan."

Pero gusto niya talagang sumama.

"Pero po, hindi naman po ako tatakbo. Gusto ko lang ho na sumama. Ilang araw na rin akong napipirmi sa bahay. Sa palengke lang naman ho, diba?" Sinubukan niyang ngumiti. Malay mo naman um-effective at madala sa ngiti, diba? "Saka ho, 'di pa ho nakakapunta ng palengke."

Totoo 'yon, pinagbabawalan siya ng Mommy niya sumama sa lola Antiqua niya dahil lagi talaga siyang nawawala noong bata dahil sa kakulitan niya. Noong magsama naman ang Mommy at Daddy niya lalo lang lumiit ang tsansa na makagala siya sa kung saan dahil sa pagiging paranoid ng Daddy niya – aside that her father is one famous celebrity.

Sa mga teleserye niya lang nakikita ang itsura ng palengke. Walang echos!

Natawa lang si Text sa kanya while most of them stared at her like she was someone from outerspace. Kaloka!

"Hindi na ako magtataka." He chuckled.

"Dios ko," nakapag-sign of the cross ang nanay ni Text. "Tao ka pa ba, hija? Palengke 'di ka pa nakakapunta?"

"Eh kasi po –"

"Okay lang naman po 'yon Tita," dagdag ni Lyra. "Hindi naman ho natin masisi si Danah dahil nga parehong sikat ang mga magulang niya."

"No, it's okay, Ma." Puno parin ng amusement ang tingin ni Text sa kanya bago ibanalik ang tingin sa ina. "I'll take care of my wife. Isasama ko na lang siya." Napangiti naman siya nang pasimple siya nitong kindatan. "At mukhang wala pa 'tong kamuwang-muwang sa mundo."

"Ay grabeh siya," natatawang pinalo niya ito sa braso.

"Actually, pwede ko naman kayong samahan." Ni Lyra. "Para naman may makausap si Danah."

"No, it's okay, Lyra." Sagot agad ni Text.

Lihim siyang napangiti.

Actually, wala naman siyang hate diyan kay Lyra. Okay lang naman siya. Mukha namang mabait pero mas bet niyang sila lang dalawa ni Text ang magkasama. Gusto niyang mas makilala si Text. Hindi na bilang kaibigan kung 'di bilang future husband. Naks!

Kapag narinig ni Font ang mga pinag-iisip niya sure siyang makakagawa na 'yon ng nobela sa sobrang pagsi-ship ng gagong kapatid sa kanila. Na miss niya tuloy ang palakerong 'yon.

"Ah siya sige, umuwi na tayo."



HINDI maiwasan ni Danah na punahin ang kakaibang ngiti ni Text habang nagda-drive. Actually, simula noong mag-aminan silang dalawa 'di na mapuknat ang ngiti nito. 'Yon bang kahit pagod at busy ngumi-ngiti parin. Ibang Text ang nakikita niya. Ibang-iba sa dati. Noon kasi parang may mabigat itong iniisip lagi. Ngayon, akala mo balloon eh sa sobrang gaan ng aura nito.

Pero inferness, bagay na bagay kay Text ang ganoon. Lalo siyang guma-gwapo sa paningin niya. Pak-pak na lang at halo papasa na itong anghel. Gwapo talaga!

"Hindi mo naman kailangang bagalan ang pagda-drive, Text. Naloloka ako sa bagal nang pagmamaneho mo para tayong nakasunod sa isang prosisyon." Basag niya sa 15 km speed limit nitong pagmamaneho. Kaloka!

Nakangiting sinulyapan siya nito saglit. "'Di naman tayo nagmamadali. Okay lang 'yan, at least safe tayo."

"Wow, gustong mag-moment."

Natawa lang ito. "Sarap kaya sa feeling 'yong kasama mo ang mahal mo."

"'Yan tayo eh!" pero sa totoo lang kinikilig siya inside. Pack juice ka talaga Text. Pinapakilig mo ako. "Mukha nga, ang saya-saya mo eh. Lagi ka na lang naka ngiti."

"Masaya ako. I feel blessed." Sinulyapan ulit siya nito at binigyan ng ngiti bago ibinalik ang tingin sa daan. "Ikaw ang dahilan kung bakit ang sarap mabuhay."

"So noong fetus ka pa na feel muna ako kaya nabuhay ka?" pagbibiro niya. "Wow! Siguro iisang nursery lang tayo noon kaya ganun ang na feel mo."

"Silly," he chuckled. "Paanong magsasama tayo sa iisang nursery eh dito ako sa Negros pinanganak. Mas matanda pa ako sayo. Puro ka talaga biro."

Bumungis-ngis siya. "Cute naman."

"But honestly, Hon." At nasasanay na talaga si Text na tawagin siyang Hon. Noong una ayaw niya pero ngayon ang sarap lang pakinggan. "I'm serious when I said I'm happy and blessed." Seryoso ang mukha nito nang balingan siya saglit.

"Alam ko, kinikilig nga ako." Pag-amin niya. Kahit na nasa daan ang tingin nito ay nakita niya ang pagngiti ni Text. "Ewan ko ba! Basta, everything is so unexpected. From the first time we met. From that moment na pinuntahan mo ako sa bahay para mag-propose. And up 'to this. Para tayong pinagtripan ng langit. 'Tas ngayon, magkaka-baby na tayo." Sa tuwing iniisip niya 'yon hindi parin siya makapaniwala.

Naingat niya ang tingin kay Text nang abutin ng isang kamay nito ang kamay niya. Dinala nito 'yon sa bibig nito saka mariing hinalikan ang likod ng kamay niya. Saglit na nagtama ang mga mata nila pero nakita parin niya ang senseridad sa mga mata nito. Napakurap-kurap siya. Nagpi-fiesta ang puso niya sa sobrang saya.

God, bakit ang bait-bait n'yo saken kahit 'di ako pala simba? Binigay n'yo talaga ang isa n'yong anghel.

"You're my miracle Danah."

"Miracle? May sakit ka ba na pinaggaling ko?" pagbibiro niya ulit.

"You don't know how you changed my life Danah." Natigilan siya. Nahiwagaan siya sa sinabi nito. Walang halong echos pero tila ba may pinagdaanan ito dati na sobrang nagpasakit dito nang sobra. Matamang napatitig lamang siya sa mukha ni Text. Dumiin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "I might have lost my life if you didn't came."

"Text?"

Magtatanong sana siya nang ngumiti na ito. Bumalik ang saya sa mukha nito. Saka ko na lang tatanongin ang tungkol doon. Baka masira lang ang moment. She smiled back.

"Buksan mo 'yan," turo nito sa car compartment sa harap niya.

"Anong meron dito?" pagbukas niya may notebook. 'Yong notebook ng To-Do-List nito. "Lagi mo ba 'tong dala? 'Di ka rin paranoid, ano?"

Natawa lang ito. "Tignan mo 'yong couple's bucket list natin."

She flipped the pages. Madali lang naman niyang nakita ang list since 'yon ang latest list ni Text sa notebook na 'yon.

"Nasa ilan na tayo?"

"Nakaka-apat na tayo." Napangiti naman siya nang makita ang pang number 10 sa list. "Akala ko ba couple's bucket list natin 'to? Bakit may nakasulat na sa number 10?"

10 Text and Verdanah's Church Wedding

"Bakit ayaw mo?" nakangiting tanong nito sa kanya.

"Kailangan mo talaga akong pakasalan dahil may baby na tayo."

Binalingan siya nito. "I'm marrying you because I love you."

"Huh?"

"I'm marrying you Danah because I want to spend my life with you and I want God to be our witness." Tinapik nito ang pisngi niya tapos biglang kinurot. "Bonus na ang baby natin."

"Baliw ka!" palis niya sa kamay nito. Sakit ng pisngi niya. Natawa lang ang baliw. "Kaasar ka!" Pero in all fairness Danah, sarap talaga pakinggan ng mga linyang 'yon.

Okay, ikaw na Text. Ikaw na ang mahal ko. Chos!

Wala na! Sobra-sobrang saya ang ibinibigay na pagmamahal sa kanya ni Text. Inisip niya na wala na siyang makikilalang katulad ng Daddy niya. Akala niya si Blank ang magmamahal sa kanya ng katulad ng sa Daddy niya. Hindi niya inasahan na ibang tao pala ang magpaparamdam sa kanya ng ganoong klase ng pagmamahal. Text was a stranger to her pero pinatunayan nito na kaya siya nitong mahalin nang sobra-sobra pa sa hinihingi niya.

She is beyond blessed.

"Your turn," basag nito. "What's our fifth list?"

"Kiss mo ko," biro niya sabay ngisi nang sulyapan siya nito.

Natawa ito. "I'm driving Hon. Saka na."

"Hmm, sige, ano na lang, let's go to palengke, 'tas tour mo ako doon."

"Good idea."



PAGKATAPOS nila sa Hardware ay dumiretso na sila sa palengke. Magtatanghali na pero madami parin ang mga tao. Mainit, oo. Maamoy, oo. Maingay, oo. Pero 'tila 'di 'yon alintanan ng halos ng mga tao doon.

Hawak-hawak ni Text ang isang kamay niya.

"Talaga bang gusto mong sumama saken? Pwede ka namang maghintay sa sasakyan."

"Hindi, sasama ako. Nasa bucketlist nga natin 'to, diba?" Ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala. 'Di naman ako pinalaking maarte."

"Alam ko," pinisil nito ang ilong niya. "Oh siya sige," tinignan nito ang listahan. "Mauna na tayo doon sa karne."

Habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasang tumingin-tingin sa paligid. Hindi man niya naiintindihan ang mga sinasabi ng mga tao pero alam niyang tinatawag siya ng mga tindero't tindera na bumili sa kanila. Pero may isang babae talagang nakapukaw sa interes niya. Nakaupo ito sa gilid. Malungkot. May kipkip na bao ng panindang isda na luto na. Nadaanan nila 'yon ni Text. Pero mukhang 'di 'yon napansin ni Text.

Nabalik lang ang atensyon niya nang marinig niya ang pagsigaw ng kung sino sa pangalan ni Text.

"Undong, Text." Lumapit sila doon sa isang matandang babae na nagtitinda ng mga isda. "Naka uli naman diay ka? Kanus-a pa?"

Ngumiti si Text. "'Tong usang buwan pa Manang. Karon lang jud ko naka suroy dinheg balik." Sinipat nito ang mga isda. "Isang kilo nga ho nito Manang."

"Ah mao ba?" nabaling naman ang atensyon ng matanda sa kanya habang kinikilo ang mga isdang isa-isang binigay ni Text rito. "Kinsa manang kuyog nimo? Ka gwapa gud."

"Ah asawa ko Manang, gwapa kay sa?"

Ngumiti ang matanda sa kanya. Medyo naintindihan niya naman 'yong huling sinabi ni Text rito. Sabi nito, asawa daw siya nito at maganda daw siya. 'Yong first convo nito ewan 'di niya ma gets. She smiled back at the old lady.

"Magandang araw po," bati niya.

"Magandang araw din sayo Inday." Bati nito sa kanya. "Ka ganda-ganda naman nitong asawa mo Undong. Mukhang artista."

"'Yong tatay po," nakangiting sagot ni Text. Pasimple niyang siniko si Text pero natawa lang ito. Kumunot naman ang noo ng matanda. "Joke lang Manang."

"Ikaw jud Undong." Natawa rin ang Ginang. "Kung wala ka misud sa seminaryo abe kog si Lyra jud imong minyuan. Pero okay kayo imong asawa. Buotan."

Kumunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ni Lyra. Anong sinabi nito tungkol kay Lyra? 'Yong reaksyon ni Text parang wala lang naman.

"Si Danah man gud ang gihatag sa Ginoo, Manang."

"Sakto, Undong."

Binayaran na nito ang pinamili, nagpaalam saka naglakad ulit.

"Anong sinabi ni Manang?"

"Sabi niya maganda ka at mabait."

"'Yon lang?! Sa haba nun? Kaloka ka."

Natawa ito saka siya inakbayan. "Mahaba man 'yon isa lang ang thought. Basta sabi ko proud ako sa asawa ko." She rolled her eyes at pasimpleng siniko ito. "Aw – haha."

"Umayos ka!"

"Oo nga, noong bata kasi ako, lagi kami ni Mama dito. May pwesto kami dito dati sa palengke. More likely, ako ang kargador ni Mama." Kwento nito. "Simula kasi nang maghiwalay ang mga magulang ko naging back to zero ang lahat para kay Mama. Sinuway niya kasi ang kagustuhan ni Lola na pakasalan 'yong gusto nito para kay Mama. Sa pagri-rebelde ni Mama ay 'di niya tinapos ang pag-aaral niya hanggang sa makilala niya si Papa at sumama rito. Kaso nga lang, may iba palang pamilya si Papa sa ibang bansa. Nagsama sila ng halos apat na taon, nagtaka lang siya nang 'di siya magawang pakasalan ni Papa. Hanggang sa may isang sulat siyang natanggap. Sulat ng asawa ni Papa. Nakikiusap na umuwi na ito dahil may sakit ang anak nito."

Mapait na ngumiti ito.

"Nang malaman 'yon ni Mama nagdesisyon siyang iwan si Papa at tapusin na ang lahat. Umuwi kami ng Negros. Galit pa si Lola kay Mama noon kaya muling pinatunayan ni Mama na kaya niya akong buhayin mag-isa hanggang sa tanggapin ulit siya nila Lola."

"Grabeh, hindi din pala biro ang pinagdaanan ng Mama mo. Pero bilib ako sa kanya. Hindi lahat ng tao kayang iwan ang mahal nila. It must have been hard for her."

"I know, kaya nga fascinated siya sa kasal, kasi pangarap niya talaga 'yon dati pa. Pangarap niyang maikasal kay Papa kaso lang hindi pwede dahil may pamilya itong iba."

"Hindi ka ba nagalit sa Papa mo?"

"I did, pero hindi ganoon katagal. Ayaw ni Mama na magalit ako kay Papa. At saka, naramdaman ko naman ang pagmamahal niya saken noong bata pa ako. Ang pagmamahal niya kay Mama. It just that, hindi kami pwedeng maging buo. Simula noon, wala na kaming balita sa kanya. 'Yong bago lang ay noong 21 ako. He died."

"Sorry,"

"Okay lang, tanggap ko naman na lahat." Ngumiti ito. "At saka lahat ng bagay nangyayari dahil may rason. Hinayaan 'yon ng Dios na mangyari dahil alam NIYANG 'yon ang tama para sa lahat."

Sa sinabi ni Text unti-unti na niyang naiintindihan ang Nanay nito. Sa kwento nito mukha namang mabait talaga ang nanay nito. Malungkot lang siguro. Kahit naman sinong tao masasaktan kung 'yon ang mangyari sa kanila. Text's mother sacrificed her happiness for what is right. Ito na mismo ang nagparaya para mabigyan ng isa pang pagkakataon na mabuo ang totoong pamilya ng mahal nito.

Hindi birong i-give up ang sariling kaligayahan.

Hanga siya rito.

Nabili na nila ang lahat ng kailangan at pauwi na sila. Habang papalabas ng palengke ay muli niyang nakita 'yong babae. Gustong-gusto niya nang lapitan ito. Pero bago paman siya magkalakas loob na gawin 'yon ay naunahan na siya ni Text.

Nilapitan na nito ang babae.

"Ate, paliton ko nana tanan." Sabi ni Text sa babae. Lumiwanag ang mukha nito at mabilis na inilagay sa supot ang lahat ng paninda nito. Naisip niya na baka binibili ni Text ang lahat ng nun sa salita nito. "Pila man ni tanan?" Sinagot naman ito ng babae. Nakangiting inabot ni Text ang isang buong 500 sa babae. "Keep the change. Salamat."

Nagpasalamat ang babae. Lumapit naman na si Text sa kanya, nakangiti parin.

"Ang bait mo talaga."

"Mahalaga ang bawat isdang 'to. Isang isda ay katumbas ng isang buong maghapon na kakainin ng pamilya nila. Maliit lamang kung tutuosin ang ibinigay ko pero para sa kanila malaking bagay na 'yon."

"You are a blessing to them."

"Alam kung lalapitan mo rin siya kanina. I know you have a soft spot to the people in need. Huwag kang matakot na lapitan sila at tulungan. Ang pagtulong mo sa kapwa ay isang malaking bagay para sa kanila – isang biyayang bigay ng Dios na pinadala sayo."

Napangiti siya. "Salamat."

He tapped her head. "Pagod na ba ang baby ko?" nakangiting tanong nito.

"Okay naman si Baby."

"Ikaw ang tinatanong ko." Napatitig siya kay Text. Actually, 'di niya gets. Ano raw? Yumukod ito nang bahagya para magka-eye level na sila. "Ikaw ang baby ko." Bumaba naman tingin nito sa umbok niyang tiyan. Marahang hinaplos nito 'yon. "'Siya naman ang baby natin."

"Hay naku! Ewan ko sayo." Natawa lang ito.

Umayos ito nang tayo, inakbayan siya. "Halika na, umuwi na tayo."



YUMUKOD si Danah nang bahagya para mai-wrap ang tuwalya sa buhok niya. Kakatapos niya lang maligo. Pag-angat niya ulit ng mukha ay napakunot-noo siyang makitang seryosong-seryoso si Text masyado sa paglilista ng kung ano.

"Hoy, baka mabutas mo 'yang notebook mo sa sobrang titig mo diyan." Naupo siya sa gilid ng kama at pasimpleng sinilip ang inililista nito. "Ano ba 'yan, ha?"

"Inililista ko ang kailangan para sa kasal natin." Natigilan siya. Ano daw? Tinignan siya nito. "May ilan akong isinulat dito. Ikaw, ano bang gusto mo?"

Natawa naman siya. Langya! 'Yong mukha ni Text sobrang seryoso talaga. 'Yong tipong ang bigat-bigat ng problema ng loko.

"Anong nakakatawa?" kunot-noong tanong nito.

"Text, chill." Hindi maalis sa mukha niya ang amusement niya kay Text. Kinuha niya rito ang listahan nito. "Pwede naman tayong kumuha ng wedding organizer. Tapos, isama natin ang Mama mo."

"Si Mama?"

"Oo, naisip ko kasi, kapag nasabi na natin sa Mama at Lola mo ang lahat... na sana 'di sila magalit. Gusto ko sanang hingin ang tulong ng Mama mo sa pag-aasikaso sa kasal natin."

Nagtaka naman siya nang titig na titig si Text sa kanya.

"Oh bakit? Ayaw mo?"

"Gagawin mo 'yon?" masaya ang mukha nito pero mukhang 'di makapaniwala. Natawa siya. 'Tong baliw na 'to.

"Oo naman, saka, gusto ko na magkaroon din kami ng pagkakataon na mas makilala ang isa't isa. Gusto kong malaman kung anong klaseng kasal ang gusto niya para sa nag-iisa niyang anak. At isa pa pala, ikaw na ang pumili ng simbahan. Gusto ko 'yong gustong-gusto mo talaga."

Napakamot ito sa noo. "Baka 'di mo magustuhan."

"Ano ka ba, kahit sa Mars pa ang simbahan na gusto mo pakakasal ako doon." Kinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya. "I, Verdanah Sophia D'Cruze will marry Textford Jacob Silva anywhere he wants."

Ngumiti ito, saka hinawakan ang mga kamay niya para ibaba 'yon. "Okay lang ba sayo kung dito tayo ikasal?"

Nakangiting tumango siya. "Oo naman!"

"Okay lang din ba sayo kung 'di pa gaanong ayos ang simbahan?"

"Baliw! Oo naman, hindi problema saken ang ganda ng simbahan. Gaano man 'yon kaliit o kalaki ang importante ay magkasama tayong haharap sa Dios." Niyakap siya nito bigla. "T-Text?"

"Mahal kita Danah."

Nakangiting tinapik-tapik niya ang likod nito. "Mahal din naman kita."

"Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa buhay ko."

"Baliw, 'di naman ako mawawala sa buhay mo." Kumalas siya nang yakap dito. Hinuli niya ang mga mata nito. "Hindi kami mawawala ng baby natin." Inabot niya ang kamay nito. "Tignan mo 'yang palad mo."

"Anong meron?"

"Nakasulat kaya diyan sa palad mo ang taong makakasama mo habang buhay." Kunot-noong tinignan nito ang nakalahad na palad nito na wala namang pangalan niya. Natawa siya. "Pikit ka muna."

"Huh?"

"Basta, pumikit ka." Tumalima naman agad ito. "Isipin mo lang 'yong taong mahal na mahal mo," inabot niya naman 'yong ballpen at marahang sinulatan ang kamay nito ng pangalan niya. Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang impit na tawa. "At 'yong taong gusto mong makasama habang buhay."

"Danah ano 'yong isinusulat mo sa palad ko?"

"Wala akong isinusulat. Sige, pwede ka nang tumingin."

Natawa siya sa cute na reaksyon ni Text nang makita ang malaking sulat ng pangalan niya sa palad nito. Maging ito ay natawa.

"Galing, sabi sa palad ko ay ikaw daw ang makakasama ko habang buhay."

"Sabi ko sayo eh! Ako talaga ang bet ni God para sayo. Kaya huwag na huwag mo akong gagagohin dahil ilalayo NIYA ako sayo sa oras na lokohin mo ako."

"Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi ko gagawin 'yon."

"Sinabi mo 'yan, ah."

"Promise!"

Nagulat ulit siya nang halikan siya nito bigla. Napamaang siya. Biglaan na nga. Masyado pang mabilis. Pa cute talaga 'tong si Text eh. Eh, ano naman? Siya lang naman mahal nito. Wagi na siya doon.

"Pero Text, paano natin sasabihan sa Mama at Lola mo ang totoo?" bumalik naman ang kaba sa puso niya. Sa tuwing naiisip niya 'yon kinakabahan talaga siya nang sobra. "Ininiisip ko pa nga ang reaksyon nila Mom at Dad kapag nalaman nilang buntis ako. Parang gusto ko na lang tumakbo."

"Humahanap lang ako ng tiyempo." He sighed. "Isa pa naman sa 'di gusto ni Mama ay ang pagsisinungaling."

"Alam mo naman pala bakit nagsinungaling ka pa."

"Sino ba sa atin ang unang nagsinungaling. Kung sinabi mo ang totoo sa Mama mo 'di sana isa lang problema natin."

"So sinisisi mo ako?"

"Hindi, sinasabi ko lang."

Pareho silang natahimik. Bigla namang may kumatok sa pinto. Napatingin sila sa isa't isa.

"Bukas 'yan!" sigaw ni Text.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Mateo. Seryoso ang mukha nito na para bang may malaking problema itong sasabihin. Napatayo si Text mula sa kama.

"Oh Mateo, bakit?"

"Coz, pinapatawag kayo nila Tita at Lola sa ibaba."

"Bakit daw?"

"Tsk, nalaman na nila na 'di talaga kayo kinasal."

Napatayo siya. Sinipa naman siya nang malakas na kabog ng dibdib. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung bakit naisip niya agad si Lyra. Hindi kaya narinig talaga nito ang pag-uusap nila ni Font? Ayaw niyang magbintang pero posible 'yon.

"Teka, paano nila nalaman?" tanong niya.

"I swear, I didn't say anything." Sagot ni Mateo. "Ang hinala ko ay si Lyra."

"Si Lyra?!" ni Text. "P-Paanong –"

"Nakita ko siyang lumabas sa silid ni Tita kanina. Pagkatapos nun ay bigla na lang akong pinatawag ni Tita para pababain kayo... hindi agad ako umalis kaya narinig ko ang pag-uusap nila Lola."

Napahawak siya sa braso ni Text. Ibinaba nito ang mukha sa kanya. "Text, anong gagawin natin?"

"Huwag kang mag-alala. Nandito naman ako. Kilala ko si Mama. Hindi siya magagalit sayo. Ako naman ang may kasalanan." Masuyong nginitian siya nito. "Don't worry, everything will be alright."

Gusto niyang kalmahin ang nararamdaman pero hindi niya talaga maiwasang mag-alala. Gusto niyang magalit kay Lyra. Gusto niyang sumbatan ito. Bakit siya ganoon? Anong gustong mangyari ni Lyra?




Sorry natagalan ako ng UD. Tinamad si Otor. Biglang busy sa pakikibaka ko sa buhay. Naalala ko yong dati kong kras na seminarian. Hayon, lumabas ng seminary kasi pregnant yong girl. Siya yata nabiktima ng writing curse ko. Pero mukhang happy naman na siya. Sana ako naman yong mabiktima ng writing curse ko at nang magka-love life na ako hahaha! Chos! Ang weird ko talaga. May writing curse siguro talaga ako. Yong kaibigan ko na ginawan ko ng story na naghiwalay sila ng BF niya nangyari din – exact na exact sa pagkaka-kwento ko. Knaa! But anyway, IF GIVEN A CHANCE NA KAYO SI DANAH PAANO NYO KOKOMPRONTAHIN SI LYRA? Happy Reading! God Bless! Hope you enjoyed.

Ps: Hanggang 25 Chapters lang ang Sweet Accident! Love lots!

Continue Reading

You'll Also Like

208K 11.5K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.9M 46.2K 54
The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng...
3.6K 140 12
Chasing Series #3 Ellaine Nicole Andrade The SSG president of Ferrer international School, best friend of lance Benedict Volibar, Ellaine has been...
2.8K 312 31
Katherine Azuretha Garcia is not your typical high school student. Naniniwala siya na kung sino pa ang mga taong minamahal mo, siya rin ang sasakit s...