Vee's POV
*criiiiiiiiiing*
Nagising ako dahil sa alingawngaw ng alarm clock ko. Pakiramdam ko 2 oras palang ang naitulog ko. Ang sakit sakit ng ulo ko.
Nagmuni-muni muna ako dahil nga hindi ako makabangon sa bigat ng pakiramdam ko. Hay. Naalala ko yung iniisip ko kagabi. At yung dahilan kung bakit ako napuyat.
<Flashback>
Nandito kami ngayon sa Nagcarlan, Laguna dahil nagyaya ang tita kong balikbayan na mag family outing.Ang ganda ganda dito sa resort na pinuntahan namin.
Mountain resort sya. Yung cottage namin sa pinakataas na part nakalocate at sobrang nakakatamad nang bumaba once na umakyat ka ng cottage.
Feeling ko nasa Kamay ni Hesus kami.
At ngayon, nagbababad ako ng paa dito sa isa sa mga pool. Tamang tama kakatapak ko palang sa putikan kanina dun sa may sementadong part pagbaba ng cottage.
Hindi kasi ako makapagtsinelas kasi sabi nagkakanakawan daw ng tsinelas dito pag iniwan mo sa gilid ng pool. Grabe. Ganon na ba talaga kahirap ang buhay ngayon at
ultimo tsinelas sa pool side pinagiinteresan na? Teka, nasan na ba si Yuri? Sabi nya magshoshower lang sya saglit ah.
Habang nagrarant ako tungkol sa nakawan ng tsinelas na yan, biglang may nagdive sa pool at sa mismong tabi ko pa talaga nagmula. Edi ayon, nagshower ako dun sa
nagtilamsikan na tubig. Bastos to ah!
Umahon yung lalaking nagdive at napatingin sakin. Siguro napansin nyang may na perwisyo sya. Che!
Natigilan ako nung namukhaan ko ang mokong. Mokong nga! Ito yung hinayupak kong ex! Bakit to nandito?! Sinusundan ba 'ko nito?!
Okay medyo feeler ako sa part na yon.
"Vee? Ikaw ba yan?" Ay hindi. Baka may kakambal ako. Tss.
"U-uy! A-ano hi Chase! Kamusta?" I tried myself not to sound bitter.
"Okay naman. Uhm, sino kasama mo?"
"Family ko. Nag-aya si tita eh."
"Oh so nandito din sina Tita Emma at Tito Rick?"
"Yea." Tita? Tito? Tss.Teka nga, bakit ba ang bitter ko?
"Oh, I see." Tumango-tango sya.
"Vee, uh. I-I'm sorry."
"Sorry for what? Teka Chase ha di ko kasi maintindihan kung para san yan. Sa sobrang dami kasi ng kasalanan mo sakin di ko alam kung san iaapply yan eh."
"For everything. For everything I've done. I'm such a jerk. I took you for granted. I never valued you. Hindi ko inisip ang mararamdaman mo. Please
forgive me. Handa akong magbago para sa'yo."
"Same old Chase. Jerk ka pa rin hanggang ngayon. At buti naman narealize mo. Pinapaalala ko lang sayo baka sakaling nakalimutan mo. Pangatlong beses
mo na yang pagsosorry na yan. Pangatlong beses kana ring humihingi ng another chance. I already granted you a second chance before pero binalewala mo.
Sa tingin mo pagbibigyan pa kita ngayon?" I hissed. Ano ako uto-uto? Masaya na ako kay Yuri noh! And Yuri's way too far from him. Magkaibang-magkaiba sila.
"I still love you, Vee. I still do."
"Babe," narinig kong tawag ni Yuri from behind. Fck. Nakita nya pa akong nakikipagusap sa ex ko.
Lumapit sa pwesto namin si Yuri at naupo sa tabi ko then umakbay sa akin. I saw confusion in Chase's eyes. So, anong nakakaconfuse sa nangyayari?
"Chase, si Yuri, boyfriend ko." Yuri offered his hands pero hindi ito inabot ni Chase. I saw Chase balled his fist.
And he left without saying a word.
<End of flashback>
"I still love you, Vee. I still do." Tss. Utut mo Chase! Kala mo ikina-sincere nyang pageenglish mong yan ang mga sinasabi mo? Ulol!
Ugh Vee ano ba?! Bat mo pa ba iniisip yan ha?! Hindi mo na dapat pinagaaksayahan ng oras ang mga walang kwentang bagay na yan.
Speaking of oras, anong oras na ba?
Sinilip ko ang bedside clock ko at halos maibato ko ang sarili ko papuntang cr nung makita ko ang oras.
8:45 NA!!!! NAKNAMPUCHA! 9AM ANG PASOK KO SA OPISINA TAPOS 8:45 NA KAKABANGON KO PALANG! WTH! KASALANAN MO TO CHASE IPAPAPATAY TALAGA KITA PAG NALATE AKO!
Patakbo akong pumunta sa cr at pinilit maligo nang 5 minutes. Mamaya nalang paguwi ko saka ako maliligo ulit. Mamaya na ako magcoconditioner. Hay nako talaga.
8:55 na nang matapos akong magayos. Oh jusko mahabaging langit limang minuto nalang at ako'y malalate na ng bonggang bongga. Ang sarap magteleport.
"Una na 'ko mommy byeeee." Dire-diretso na 'kong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. Laking pasasalamat ko nalang talaga at nakapagpundar na ako ng
sarili kong sasakyan kung hindi, malamang isa ako sa mga spartan na nakikipagpatayan makasakay lang sa mrt.
At as expected, traffic. Edsa edsa. Pinatunayan mo na talagang may forever.
9:00. Okay. Tinanggap ko na sa sarili kong late na talaga ako. Hay. First time kong malate. Hangga't maaari pa naman ayokong nalalate dahil ayokong mabahiran
ng pangit ang record ko. Kaya nga 7:00 nagaalarm na ako eh. Kaya lang dahil sa lintik na Chase na yan na hindi ako pinatulog sa kakaisip kaya hindi ko ring kinayang
bumangon ng maaga. Ipapalamon talaga kita ng buhay sa sawa. Tamang tama may alagang sawa yung kapitbahay namin.
9:45 na nang dumating ako sa office. Myghaaaaad! I'm 45 minutes late! Jusko may matitira pa ba sa sweldo ko nito? Okay ang oa ko. Pero kasi! Yung record ko mababahiran!
Kalmado akong naglakad papasok. Yung para bang naglalakad lang ako sa Luneta. Tutal late na din naman ako, wala nang sense kung magpapakarunner pa ako sa paghahabol ng oras noh. Ay wala na pala akong hinahabol.
Pagpasok ko ng workstation, tambak na yung mga gawain sa table ko. Wow.
Ay oo nga pala, isa akong editor ng isang publishing company. Ever since, ito na talaga ang hilig ko. Tanda ko nung 2nd year highschool ako, may screening for new staffers ng school paper namin and I tried my luck. Naintimidate ako ng sobra sa mga kasabayan kong magscreening kasi nung tinanong ko sila, halos lahat sa kanila ay may experience na at background sa mga ganito. Samantalang ako, wala. Clueless ako sa mga rules when writing an article. Yung mga symbols pag maguumpisa ng isang article at kung ano ano pa. Pero syempre go go go lang. Gusto ko kasi talagang makapasok sa school paper eh. Gusto kong nakikita ang pangalan ko na nakapublish sa isang newspaper kasama yung article na ginawa ko.
So ayun, fortunately, nakapasok ako. Napasigaw at napasayaw pa nga ako sa hallway ng school nung nakita ko ang pangalan ko sa mga new staffers eh. Parang tanga lang. At dun na nagsimula yung pagdiscover ko sa tunay kong passion. At mas lumakas pa ang kagustuhan kong ipagpatuloy ito simula nung manalo ako sa mga press conference na sinalihan ko.
At ngayon, ito ako. Isa nang successful editor. At kahit ganito katambak ang gawain ko araw-araw, nakakapagod pero masaya ako sa ginagawa ko. Dito ko rin nakilala si Yuri, na isa namang proof reader. Oh diba, meant to be kami.
Speaking of Yuri, nasaan kaya yun? Hindi ako tinext nun kanina ah. Nakakalimot ata.
I checked my phone and.... uh-oh. 5 messages from him. Sorry na. Ngarag na ngarag ako kanina eh.
Sinilip ko sya sa table nya and as expected, busyng busy ang boyfriend kong masipag.
"Babe," tawag ko
"Yes?" wow ang sungit.
"Sorry hindi kita nareplyan ngayon ko lang nabasa texts mo eh. Nalate kasi ako ng gising."
"Okay." anong meron?
"Uhm. Sabay tayong maglunch ha?"
"Sure." Ang lamig ha. Okay given na na may aircon pero parang mas lumamig ata?
Bumalik na ako sa table ko at sinimulan ko nang gawin yung mga article assignments ko. Ang dami. Pero kung hindi ako nalate malamang nakakadalawang article na ako. Hays.
----------