Love in Soundless World

By yilin04

47.3K 1K 461

"Sa isang mundong napakatahimik magiging maingay pa pala dahil nalaman mo ang salitang PAG-IBIG." More

Love in Soundless World: Prologue
LISW - 1
LISW - 2
LISW - 3
LISW - 4
LISW - 5
LISW - 6
LISW - 7
LISW - 8
LISW - 9
LISW - 10
LISW - 11
LISW - 12
LISW - 14
LISW - 15
LISW - 16
LISW - 17
LISW - 18
LISW - 19
LISW - 20
LISW - 21
LISW - 22
LISW - 23
LISW - 24
LISW - 25
LISW - 26
LISW - 27
LISW - 28
LISW - 29
LISW - 30
Epilogue
Author's Note

LISW - 13

1.3K 22 9
By yilin04

DANIEL's POV: 

"Okay na po siya ngayon. Wala naman kaming nakitang mali sa mga tinest namin sa kanya." tinignan naman niya si Tito at saka nagsabi ng, "Mister Bernardo, i would like to talk to you in private," sabi ng Doctor at saka tumango si Tito. Nang makalabas na sila ay isa-isa kaming naglapitan kay Kath. 

Napabuntong hininga si Dae. "Kala ko may nangyaring masama na sa kanya. Buti naman wala. Baka nahilo lang o something si insan," sabi nito sabay kuha sa kamay ni Kath. "Kath pagaling ka a."

Nandito kami ngayon sa ospital. Dali-dali kasi kaming pumunta dito para matignan agad si Kath at buti na lang talaga walang nangyaring kakaiba sa kanya. Nag aalala ako ng husto nong sumigaw sigaw sila Dae at Julia kanina habang hawak si Kath. Kakainis lang kasi wala akong nagawa bago pa siya nahimatay. Masisisi ko talaga sarili kung may iba pang mangyari kay Kath. 

"Pre, bili muna tayo ng pagkain sa canteen," napalingon ako sa nag-aaya. Si Seth. Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Lester.

"Kung pare-parehas tayong gutom, mapaparehas tayo kay Kath. Walang makakapagbantay sa kanya. Kaya tara na," biglang sabi ni Lester at saka siya lumabas. Sinundan naman siya nila JC. Lumingon uli ako kay Kath na tulog na tulog. 

"Bilan na lang namin kayo a," sabi ni Katsumi kela Dae at Julia. 

Pagkalabas namin sa room ni Kath. Bigla akong inakbayan nila Seth at Katsumi. "Pre tama na yan. Okay na siya. Tara't bumili ng food para pagkagising niya nandoon tayo sa tabi niya," sabi ni Seth at saka ako tumango. Nagaalala lang kasi talaga ako. Naalala ko kasi ang pangyayari kay Daddy e. Wala akong nagawa noon para pigilan siya. Wala.. 

______________________________

JULIA's POV: 

Naramdaman namin ni Dae na gumalaw ng kaunti ang daliri ni Kath at saka unti unting bumubukas ang mga mata niya. 

"Kath!" Napayakap kami parehas ni Dae kay Kath sa sobrang tuwa. Gising na si Kath! Gising na kaibigan namin!

Bumubuka ang bibig ni Kath pero walang lumalabas na tunog. Bakit ganoon? Kanina lang.. Pero baka guni-guni ko lang iyon.. Si Dae ata nagsabi pero imposible e. Ibang boses iyon e. Pero yaan na nga. Baka guni-guni ko nga lang! Sa sobrang pagaalala ko kay Kath baka ibang tao lang iyon sa canteen. 

"Ayos na ba pakiramdam mo Insan? May masakit ba sa'yo? Ano yung nararamdaman mo ngayon? Magsabi ka a," pagaalala ni Dae kay Kath. Ngumiti naman ito si Kath at saka niya hinawakan ng mahigpit si Dae. 

"Thank God okay ka na Kath," nasabi ko na lang bigla. Napalingon kami ng bumukas ang pinto at niluwa nito sila Jabbie, Ella, Magui, Lelay at Nash. Nagulat kaming tatlo at halata mo sa mga ito na tumakbo sila papunta dito. Pawisan kasi sila e. 

"Okay ka lang ba Kath? Anong masakit sayo? May Pilay ka ba? Nagkaamnesia ka ba?" biglang tanong ni Ella kay Kath habang lumalapit dito. Pero sa halip na magalala pa kami lalo. Ayun natawa kaming lahat. Ang OA kasi niya. 

"Hoy Ella! Bakit..naman.." 'di ko na mapigilan ang tawa ko. Baliw din kasi itong kaibigang ko e.

"You're crazy Ate Ella. Kuya said nahimatay si Kath. Not that crazy theory of yours," pagsusungit ni Magui at eto naman si Ella nagkamot lang ng ulo at saka nagpout.

Nagsulat si Kath sa notebook niya at saka pinakita sa amin. Okay lang ako Promise. Sorry pinagalala ko kayo a. Nasaan pala sila Daniel?

"Hinahanap ni Ate Kath si Kuya! Kakakilig!" pangaasar ni Lelay kay Kath kaya eto nangamatis na ang mukha. 

"Kumpleto ang pamilya at gising na si Kath. Let's celebrate!" biglang sabi ni Katsumi habang tinaas pa ang dala dala niyang pagkain. "ARAY!

"Celebrate ka d'yan!" binatukan ni Daniel e at saka lumapit kay Kath ito. "Okay ka na ba talaga Kath? Teka nagugutom ka na ba? May dala kaming sopas dito." Bigla itong lumapit kay Katsumi at saka kinuha yung isang supot. 

"Sa Canteen na lang tayo. Maiistorbo natin sila," aya ko sa kanila at saka sila tumayo at nangasar ang mga lalaking ito kela Kath at Daniel. 

"Kaya mo na yan!" "Painit na lang!" "Gago!" "Ulol!" "Hoy! Bumalik kayo dito!" "Ninong ako a!" 

O diba? Parang wala kami sa hospital kung magasaran ang Parking 5. Tawa pa rin ng tawa kaming mga babae sa mga lalaking ito. Ang lakas kasi makaasar. Nang nakapunta na kami sa canteen ng hospital ay pumwesto na kami para kumain.

Actually awkward nga ang pwesto namin ngayon. Paano ba naman katapat ko si Lester na katabi niya si JC na katapat niya si Ella. Tapos si Katsumi ay katapat ni Jabbie na katabi naman ni Dae. Si Seth naman ay katabi ni Nash na katapat ay si Magui. Sa gitna naman ng lamesa ay si Lelay.

Nanadya lang ang tadhana sa pwesto namin ano? 'Di ako makatingin sa harap ko dahil feeling ko nakatingin siya sa akin. Ayun. Feelingera na ako. Sorry naman 'di ko mapigilan. Nangangarap lang ng gising. 

"O kain ka na Julia. Eto na sa'yo." binigyan ako ni JC ng kanin at ulam sa plato ko mismo. 

"AYII! BINATA NA!" Batok ni Katsumi kay JC. 

Sinamaan naman siya ng tingin ni JC at ako naman medyo namula sa pangaasar ni Katsumi. Baliw din kasi ito. "Gago! Asikasuhin mo si Jabbie," sabi naman ni JC na biglang ngumisi at biglang ngumiti naman si Katsumi sa harap ni Jabbie at nilagyan din ito ng pagkain. 

"OMG! Ang Sweet niyo naman! Kakainggit!" biglang sabi ni Ella at saka tumili pa na parang kinikilig.

"Leche. Ang ingay," biglang sabi naman ni Lester at saka sumubo sa pagkain niya.

"Anong sabi mo? HOY!" sabi ni ella habang nagsisigaw siya pero 'di siya pinapansin ni Lester. "A 'di mo ako pinapansin a!" bigla ba naman niya binatukan si Lester kaya nabilaukan yung tao. Tumayo ako bigla at inabot yung bottled water kay Lester at saka hinagod ang likod nito. Nang napansin ko na nakatingin si JC sa amin at saka umiwas ng tingin. Bigla akong tumigil sa ginawa ko. 

"Ay sor--" magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Lester, "Salamat." ngumiti naman ito sa akin. Hala ka. Ang gwapo niya talaga. Napaupo na lang ako ulit at saka kumain uli. Nginitian niya ako. Grabe. 

"Baka mapunit ang labi Bes," bulong ni Ella sa akin at bigla ko siyang sinamaan ng tingin. Napatingin naman ako kay JC na kumakain lang. Parang wala lang sa kanya yung nangyari pero bakit ganoon kanina? Parang may mali akong nagawa sa harap niya. 

_______________________________

DAE's POV:

Shit. Yan lang masasabi ko ngayon. Nananadya ba talaga ang tadhana? Magkatapat tapos nagsusubuan pa itong katabi ko at kaharap niya? Pwede bang pansinin niyo na lang si Lester doon na nabibilaukan sa tabi. May kanya kanyang mundo sa mesa na ito e. Langya naman oo. Pero dapat wala na ito diba? Hays ewan ko sa puso ko. Kanina pa kumikirot. Wala naman akong sakit sa puso diba? 

"Meron," biglang sabi ni Kuya Seth. "HB." Tinignan ko lang siya ng masama. "Binulong mo e. Kaya sinagot ko lang." 

"What? Nasabi ko iyon?" sabi ko na lang sa kanya. 

"Yes Ate Dae, I hear that too," sabi ni Magui sabay napatingin ako kay Nash at Lelay na tatango tango. Pero doon sa dalawang nagsusubuan? Wala naman ata silang narinig e. Kasi nga--Teka! ako HB? HeartBroken? Utot talaga nito ni Kuya Seth e.

"Baliw ka Kuya! HB ka dyan?" sabi ko na lang kay Seth. 

"Oy! Sinong HB ha?" biglang tanong ni Katsumi sabay tingin sa akin. 

"Si Dae sino pa ba? Alangan naman sila Magui. E kay bata-bata pa yang mga yan," sabi ni Seth habang kumakain ito.

"May lovelife ka na Miss Sungit?" Sana kung 'di sumingit yung katabi ko sa puso mo. Ay nakasingit na pala siya ako pala ang extra dito. 

"Pakialam mo Mister Lampa?" pagsusungit ko naman dito.

"Nagtatanong lang e," biglang sabi niya at saka ngumiti ito kay Jabbie. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin uli ako kay Katsumi. Ang hirap pala maging normal ang pakikitungo habang ang puso mo kumikirot sa sakit na. 

__________________________________

DANIEL's POV: 

Baliw talaga yong mga iyon! 'Di ko pa natanong bakit nandito sila Magui. Naku! Nagcutting classes pa ata mga iyon. Kakainis naman. Pero natutuwa naman si Kath kasi binisita siya ng cute kong mga kapatid na mana sa akin. Nawala yung pag-iisip ko ng biglang nakakita ako ng notebook sa harapan ko. 

Sorry. Alam kong naiisip mo sila Magui at Lelay. Dahil sa akin 'di sila nakapasok ngayon.

Lumingon ako agad kay Kath. Minsan may pagkamanghuhula itong babaeng ito e. Pinitik ko na mahina sa noo si Kath. "Sira. 'Di mo kasalanan iyon. Nagalala din sila katulad namin. O kain na habang mainit." hinipan ko muna yung kinutsara kong sopas at saka nilapit sa bibig niya. Dahan dahan niyang binuka ang bibig niya at saka sinubo. Nakita kong namula siya kaunti. Ang cute pala niyang mamula. 

Maasar ko nga ito. "Bakit ka namumula?" Lalo pa siyang namula sa tanong ko at saka ako hinampas sa balikat kaya medyo umalog ang hawak kong bowl kaya natapon yung kaunting sopas sa kamay ko. "Aw aw aw. Ang init!" biglang lagay ko ng lalagyan sa bedside table at saka pinunasan ang kamay ko. Nagulat ako ng kunin ni Kath ang kamay ko at saka hinipan niya yung napaso. 

Tumingin si Kath sa akin na para bang nagtatanong kung okay lang ako. "Okay na ako. Kumain ka na nga lang." sinubuan ko uli siya at niyaya na rin ako kumain. "Maya na ako. Ikaw muna." Nginitian lang niya ako. 

Pagkatapos ko siyang pakainin ng sopas pinagbalat ko siya ng mansanas na dala ni tito. Ay teka, nasaan ba si Tito? Parang kanina pa niya kausap ang doctor a. Dapat malaman niya na gising na si Kath. 

"Kaya mo na bang kainin ito Kath?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at saka nagsulat uli. Ikaw kumain ka na kaya. 

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya, "Mamaya na ako. Tawagin ko lang Daddy mo." 

Nandito siya? Ngumiti lang ako bilang sagot. "O tawagin ko lang a." Iniwan ko muna si Kath doon para matawag ko na si Tito Teodoro. Napangiti ako pagkalabas ko ng room. Pati kasi ako nahihiwagaan sa sarili ko pero masaya ako sa ginagawa ko. Lalo na kung parating si Kath ang kasama ko. Ayoko siyang makitang nasasaktan. Mas lalong ayoko siyang nasasaktan ng dahil sa akin. 

_____________________________________

SETH's POV: 

Bakit ba nandito ako sa mga taong 'di mapakita ang kanilang tunay nararamdaman? Kitang kita na e. Yun naman talaga mga gusto pero ayaw nila lapitan o sabihin. Parang mga pipi lang e. Nakikiuso lang kay Kath? Buti pa kami ni Lelay. Naglalaro lang ng tablet dito sa tabi. Lumipat kasi ng upuan si Lelay para makilaro sa tablet ko e. Naglalaro kami ng Logo Quiz App dito sa ipad ko. 

Napasilip ako ng kunti sa mga kaibigan kong baliw. Simulan natin sa dulo. 

Si Lester na may gusto kay Kath yan. Pabestfriend pa. Pa tin-tin pa siyang nalalaman. Baliw e. Mas nauna si Pareng Daniel na dumamoves sa kanya. Bawal na doon. Off limits. Pwede naman siya kay Ella e. 

Si Julia naman may gusto kay Lester yan panigurado. Mga tingin pa lang niyan kay Lester e, nakakatunaw na.

Si JC naman ay paniguradong wala na siyang feelings kay Jabbie. Halata na e. Dumadamoves na kay Julia. Kaso wala, puso ni Julia puro si Gunggong ang nakaukit.

Si Ellang batang isip. Bagong Kaibigan. Pero tingin ko bagay sila ni Lester.

Ang pinakabaliw sa lahat na si Katsumi. Gulong gulo sa mundo niya. Bahala siya pag nawala sa kanya. 

Si Jabbie naman na halatang halata kung kanino ang puso nito. Ayaw magbigay para sa dalawang nagiibigan na. 

Bunsong si Dae dahil kuya ang tawag sa akin. Kahit nakakainis ang tawag niya, e alam ko namang nasasaktan na siya. 

Ang maarteng kapatid ni Daniel. Bestfriend daw if i know kinikilig na ngayon.

Torpeng bata na si Nash. Bagay sila ng mga katropa ko. 

Ay ano ba itong pinagiisip ko? Langya. Para na akong si Madam Auring nito ano? Baliw din ako e. Wala kasi akong lovelife. 'Di magulo ang mundo ko. Hindi katulad nila. Pero sana maka---"ARAY KO NAMAN LELAY!"

"E kasi kuya 'kaw na. Kanina pa kita kinakalabit! Maghanap ka na kasi ng girlfriend para may lovelife ka na din katulad sa kanila," pangaasar ng batang ito. 

"Oy kaw bata ka alam mo na yang lovelife-lovelife na yan a. Susumbong kita kay Kuya mo sige ka!" tumayo ako at umacting na isusumbong ko talaga siya kay Daniel. Palabas na ako ng canteen ng makita ko si Daniel na tumatakbo palabas ng hospital. Halata sa mukha mo na gulat e. Saan kaya pupunta iyon? Hahabulin ko na sana ng bigla akong pinigilan ni Lelay. 

"Kuya wag mo kong sumbong," sabi nito sa akin. Tumingin ako uli kung saan nakita ko si Daniel pero nawala na siya ng parang bula. Ano ba iyon? Baka guni-guni ko lang.

___________________________________

SOMEONE's POV: 

"Kamusta na siya? Okay na ba siya? Kamusta yung ulo niya? Nabalian ba siya? Ano bang nangyari sa kanya?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Napasugod ako ng hospital ng malaman kong dinala sa hospital si Kath. 

"Will you calm down? Okay lang si Kath." Akala ko kasi.. Napabuntong hininga na lang ako. "Don't worry. Nahimatay lang daw siya. Nothing else." 

"Salamat naman. Ayoko ng maranasan ng bata ang trauma. Kasala--" napatigil na lang ako ng makita ko ang taong ayaw ko pang makita. Marami akong kasalanan sa kanya. Sa kanila. Bakit nandito siya? "Ano, alis na ako. Tawagan na lang kita ulit." tumakbo na ako palabas ng hospital. Narinig ko pa na tinatawag niya ako pero 'di ako lumingon. Kailangan kong umalis dito. Magulo pa ang lahat. Sumakay na ako ng taxi para 'di na niya ako masundan.

"Sorry kung hindi pa kita kayang harapin." 

Continue Reading

You'll Also Like

591K 13.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
20.5M 507K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]