Crush Kita Konti Lang

By asherinakenza

2.6M 50.8K 3K

High school life More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Finale
Epilogue

30

43.6K 888 36
By asherinakenza




Chapter 30



Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Shane sa kamay ko ngayong nagna-night market na kami dito. Hanggang 9pm ang ibinigay saamin para makapamili ng mga ipapasalubong.



Nung hinila ako ni Shane palayo sa mga kaklase namin sakto naman na yun na pala ang oras ng night market. Sobrang tahimik niya at natatakot nanaman ako sa pagkakadikit ng kilay niya.



"Shane?" Tawag ko sakanya saka tumigil ako sa paglalakad, hinarap niya ako at tinitigan mabuti ang mata ko, pinaghiwalay ko ang kilay niyang magkasalubong.


"Nakasimangot ka nanaman kasi." Suway ko sakanya, huminga siya ng malalim.


"Ayoko lang kasing may nangmamaliit sa kung ano mang meron tayo ngayon Abhie, kasi yun nalang ang pinanghahawakan kong may pag asa ako sayo." Seryosong sabi niya, napalunok naman ako sa sinabi niya.


"Ah..a-ano h'wag mo nalang pansinin si Stan."


"Hindi pwedeng hindi Abhie, may gusto sayo si Stan. Hindi naman ako tanga para hindi makita yon.. Gago nalang ang magsasabi na kaibigan ang tingin sayo nung lalaki na yon." Seryoso pa rin siya, may napatunayan akong pag uugali ni Shane, masakit siyang magsalita kapag naiirita o nagagalit siya, kagaya ngayon halatang galit siya kay Stan.


"Mamasyal nalang tayo Shane, ayokong masira ang tour natin dahil galit ka sa isang tao." Pakiusap ko sakanya..


Huminga siya ng malalim at napapikit ako ng bigla niya akong yakapin! Shete! Nagwawala yung puso ko!


"I'm sorry.." Bulong niya bago humiwalay sa pagkakayakap saakin! Pagkatapos non hinawakan na niyang ulit ang kamay ko at naglakad na kami para maghanap ng mabibili.


____



Kinabukasan maaga kaming ginising ng bell. Nakatulog din naman ako kaagad kagabi dahil napagod ako sa night market, binilhan ko si Tita Marie ng Tshirt at mga pagkain, siya nalang naman yung papasalubungan ko eh, pati pala si Syril binilhan ko rin ng tshirt na may nakalagay na I love Baguio. Haha.


Nasa bus na kami at papunta kami sa strawberry farm.



Pagkarating namin dun may mga nagkalat na nagtitinda ng strawberry taho kaya naman bumili kami ni Elle, ang sarap! May buo buong strawberry pa, tapos yung strawberry ice cream ganun din.

Sa tapat ng strawberry farm may bilihan ng mga souvenirs saka mga pagkain ulit kagaya ng peanut brittle. Saaming magkakaklase si Shane lang yung walang binili!

"Bakit hindi mo bilhan ang mga Mama mo Shane?" Tanong ko sakanya.

"Hindi naman sila mahilig sa ganyan." Aniya.

"Bakit tinanong mo ba?" Nakatawang sabi ko.


"Hindi. Basta."

"Nye! Ibili mo na sila Shane!!" Sigaw ko.

Umiling lang siya. Hinampas ko yung braso niya!

"Ibili mo na kahit strawberry lang." Pagpupumilit ko sakanya.


"Oo na. Sige na." Napilitan pa ang loko!


Naglakad na kami papasok ng strawberry farm, grabe ang fresh lang tignan nung mga strawberries.

"Pwede kayong mamitas ng bibilhin niyo tapos ilagay niyo dito sa basket. Ipapakilo niyo sa may exit para malaman niyo kung magkano." Sabi nung isang babaeng nagtatanim saka isa isa kaming inalok ng basket, kumuha ako ng dalawa at ipinahawak yung isa kay Shane, ang aga aga nakasimangot siya haha may period yata.Lol


"Hoy bakit nakasimangot ka nanaman?!" Suway ko sakanya habang namimitas kami.

"Wala."


"Uyyy.. May problema ka noh?"


"Wala..napuyat lang ako kagabi." Sabi niya.


"Huh? Bakit?"


"Napuyat siya kagabi dahil magkatabi sila ni Stan sa isang kama! Paano nung bumalik tayo sa teacher's camp galing night market pinalipat kami ng kwarto na dalawang tao sa isang kama! Sinasakop ni Stan yung buong higaan!" Sigaw ni Warren na kaharap nanamin ngayon.


Napakunot ang noo ko at napatingin ako kay Stan na nakikipagharutan sa mga kaklase ko, kinawayan pa ako ng loko! Ang saya saya niya samantalang yung isa dito magkasalubong nanaman yung kilay sa antok!


"Matulog ka nalang mamaya sa bus pag pauwi na tayo." Sabi ko sakanya, pero hindi siya umimik. Iba talaga ang nagagawa ng antok sa isang tao, ang lakas makatopak!


Pagkatapos naming mamitas pinakilo nanamin yung mga strawberries, tapos bumili rin ako ng souvenir. Yung mga bracelet at key chain, may nakita nanaman akong snow man na key chain..

"Gusto mo?" Biglang tanong ni Shane mula sa likod ko, tinignan ko siya pero hindi ko mabasa yung emosyon niya. Parang bumalik nanaman siya sa dati.


"Ha? Hi-hindi--" Pero kinuha niya yon at binayaran dun sa babae saka ibinigay saakin.


"Sorry." Sabi niya at tumalikod na pasakay sa bus namin.


"Sorry??" Tanong ko kay Elle na katabi ko ngayon.


"Ah..ewan ko. May topak lang yun si Shane." Sabi ni Elle saka tinalikuran din ako.


Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Bakit tinatalikuran nila ako?


"Abhie!! Para sayo!!" Sigaw ni Stan at inabot saakin yung key chain na may strawberry, grabe ha? Ang dami ko ng key chain! Saan ko naman ipagsasasabit ang mga ito?!


Bigla kong naalala yung sinabi ni Warren kanina tungkol kay Stan!


"Hoy Stan! Anong ginawa mo kay Shane kagabi?! Bakit puyat siya?" Sigaw ko sakanya.


"Hahaha! Makasigaw ka naman akala mo nirape ko yung gago na yon." Seriously? Gago ang tawagan nila sa isa't isa?!


"Bakit nga!" Sigaw ko sakanya.


"Wala. Hindi kasi ako sanay na may katabi sa kama, nalikutan lang siguro saakin!" Nakangising sabi niya.


"Bakit? Nagsumbong ba siya sayo?!" Pahabol pa niya!

"Hindi. Si Warren ang nagsabi saakin, napaka mo Stan! Pwede ba h'wag na kayong mag away." Suway ko sakanya!


"Hah! H'wag mag away. Hindi naman maiiwasan yon lalo na at ikaw na ang pinag uusapan." Seryosong sabi niya, parang nag init ang mukha ko sa sinabi niya.


"Hanep! Haba ng buhok ni Abhie!" Sigawan ng mga kaklase namin na nakarinig ng usapan namin! Dahil sa kahihiyan ko naglakad na rin ako papunta sa bus!


Pagsampang pagsampa ko nakita kong natutulog si Shane sa upuan namin, nakatungo siya at nakacross arms, magkasalubong pa rin ang kilay niya. Sandali ko pa siyang tinitigan.. Ang gwapo niya lang talaga kahit na nakasimangot siya madalas, pero ano bang meron sayo Shane? Oo nga malapit na tayo sa isa't isa, pero may mga bagay pa rin akong hindi nalalaman.. Kagaya nalang nung narinig kong pag uusap nila noon ni Elle..

Dahan dahan kong pinaghiwalay ang kilay niya..

"Ayan...mas gwapo ka na." Bulong ko at napangiti pa ako..

Napansin kong ang likot likot ng ulo niya dahil walang tunguhan dito sa bus.. Kaya naman umupo ako sa tabi niya at marahan kong ipinatong ang ulo niya sa balikat ko, pumikit rin ako para makatulog.


Pero kaagad din akong napamulat ng maramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko. Para akong nanigas sa kinauupuan ko, sinilip ko ang mukha niya pero nanatiling nakapikit lang siya.

Napalunok ako ng sunod sunod..at nanlaki ang mata ko ng magsalita siya.


"Makakatulog lang ako ng maayos kung kayakap kita."

****

Continue Reading

You'll Also Like

330K 5.3K 26
[NO SOFTCOPIES] Sa bawat taon na inilagi ni Ionna sa eskuwela ay walang palya na kaklase niya ang kumag na si Sung Min ang pakialamero, daldalero at...
650K 14.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.8K 160 42
"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok s...
858K 16.4K 41
Almost Perfect Series II Damn that playboy. He asked me to be his girlfriend. I'll never fall for that. I know him so well. I've seen him flirt and d...