This chapter is dedicated to Sweetpnd123. Hi :) Salamat sa pagsubaybay sa kwento ni kirsten!
******
Ang nangyaring 'yun sa pagitan namin ni Dark ay parang isang panaginip. Isang magulong panaginip.
Hindi ko talaga sya maintindihan. Hindi ko alam kung pinag-tripan nya ba ako O talagang nagkamali lang sya. Ang hirap hirap nya kasing basahin.
Napapikit nalang ako ng maalala ko ang mga sinabi nya dalawang linggo na ang nakararaan.
"P-Pasensya na. Nagkamali lang ako, h-hindi ko dapat sinabi ang mga 'yun sayo. Wala lang ako sa sarili ko kanina,"
"Sana kalimutan mo na 'yun. Kalimutan mo na rin na nagkaroon tayo ng ganitong klase ng tagpo,"
Minsan lang sya magsalita pero paksh*t nakakasakit pa. Umasa kasi ako, eh. Umasa ako na totoo ang mga sinabi nya. Akala ko mahal nya rin ako yun pala nagoyo lang ako ng loko. Bwisit!
Bakit ba kasi ako nagpapadala sa damdamin ko para sa bampirang 'yun? Hindi ko dapat sya hinahayaang guluhin ang utak ko. Hindi ko dapat sya hayaang saktan ako.
"Kirsten, ayos ka lang?" Tanong ni rina.
"Ha?" Kinunotan ko ito ng noo. Mukha ba 'kong problemado?
"Parati ka nalang kasing tulala dyan. May problema ka ba?" Alalang tanong nito.
Napailing ako at ngumiti ng pilit "Ayos lang ako rina," Ayos nga lang ba ako?
Napabuntong hininga nalang ako.Gusto ko na syang kalimutan pati itong nararamdaman ko para sakanya pero panu ko 'yun magagawa kung araw araw nalang syang nasa isip ko.
Napatingin ako sa dating pwesto ni dark. Dati rati kapag dumating kami dito sa canteen nakaupo sa sya dun at nakatingin sa bintana pero magmula nang mangyari ang tagpong 'yung saming dalawa ay bigla nalang sya naglaho na parang bula.
Hindi ko maiwasang di isipin kung na saan sya. May nangyari kaya sakanya? O baka sadyang iniiwasan nya lang ako.
"Kirsten," Nalipat ulit ang tingin ko kay rina.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kumain kana. Di mo pa nagagalaw ang pagkain mo,"
I sighed. Gusto ko syang tanungin. Gustong kong magbakasaling kung may alam sya tungkol kay dark O kung nasan ito.
Pakiramdam ko mababaliw na 'ko sa kakaisip. May parte sakin na gusto syang makita ulit pero may parte rin naman sakin na nasasaktan dahil sa mga sinabi nya.
Hayy...dark, Anu bang ginawa mo sakin?
PUMASOK na kami sa last subject ni rina, which is experemental. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming magtake ng ganitong subject. Eh, nasa sistema na rin naman ng mga bampira ang magaling sa experamento.
Napatingin ako sa kabuuan ng silid. Nandito na lahat ang mga kaklase ko at tulad ng nakasanayan may kanya kanya na naman silang ginagawa.
Tumatagal na 'ko rito pero si rina palang ang nakakausap ko. Pakiramdam ko ilag lahat sakin mula nang dumating ako dito.
"Upo kana kirsten," Yaya sakin ni rina.
Tumango nalang ako at umupo sa tabi nya. Bat kaya ang tagal ng prof. Namin?
"Mukhang ayos lang ang late sa bago nating prof. Ah," Biglang sabi ni rina.
Napakunot ang noo ko "Bagong prof.?" Bat di ko ata alam 'yun?
Napailing ito "Hindi ka kasi nakikinig kahapon, eh."
Bumuntong hininga ako. Haist! Mula nang mangyari 'yung huling pag uusap namin ni dark nawala na 'ko sa sarili. Naisama nya ata pati ang diwa ko.
"Iba na ang prof. Natin mula ngayun," Napatingin ako sakanya "May nag-apply kasing magaling na scientist dito at nirequest daw nun na satin sya magtuturo,"
"Saatin talaga?" Takang tanong ko.
Tumango ito "Weird noh?"
Napatango din ako. Yeah! Weird nga. Sino kaya 'yun? Kilala ko kaya? Hmmm.....
Naputol ang pag iisip ko nang may pamilyar na mukha ang biglaang pumasok sa silid. Tiningnan ko ito ng maigi at di ko maiwasan ang di mapanganga ng alisin nito ang sunglasses nya.
Is this for real? "Ang gwapo kirsten," bulong ni rina.
"Hi everyone!" Nakangiting bati nito.
Nagtititili naman ang mga babaeng halatang naaatract sakanya. Napatingin ako kay rina na nagniningning na ang mga mata.
"Hoy! Akala ko ba may darwin ka na," Bulong ko rito.
Ngumiti naman ito ng malapad at nakitili na rin "Ihhh ang wafu wafu naman kasi nya, eh."
Napairap nalang ako at tumingin ulit sa harapan "Chill students. Alam kong gwapo ako but you still need to respect me. I'm your new prof."
Napanganga ako. New prof.? Bat di ko alam? Is he serious? Magtuturo ba sya O Makipaglandian lang?
"Hi sir! What's your name?" Tanong ni rina dahilan para tumingin ito sa direksyon namin.
Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga hindi ito nagsasabi ng kahit ano sa mga plano nya. Minsan magugulat ka nalang sa gagawin nya.
Tumikhim muna ito bago sumagot. Natahimik naman ang mga kaklase ko. Di ko rin naman sila masisisi, Nakakacurious talaga kung sino sya.
"I'm....." Pasimple nya muna akong tiningnan bago sya nagpatuloy "Kenjie ortega.."
"OMG!"
"ORTEGA SYA?!!"
"SH*T KAYA PALA ANG HOT NYA!!"
"NAKAKABALIW TALAGA ANG MGA ORTEGA!! DAMN!"
"Seriously..." Di makapaniwalang bulalas ko nalang.
Di ko akalaing pati mga bampira marunong din kiligin. Akala ko mga tao lang ang marunong umakto ganito.
"Kaano-ano kaya sya ni darwin?" Bulong ni rina.
Ngayun si darwin na naman. Natawa nalang ako. Ibang klase talaga 'tong si rina. Akalain mong may tao palang patay na patay kay darwin.
"Magpinsan sila," Ngingiti ngiting sagot ko dito.
"WHAT?" Nanlaki ang mga mata nito. Anu pa bang ineexpect nyang ugnayan ni darwin at kuya? Mag ama? Tsk.
"Magpinsan sila rina. Anu bang ineexpect mong ugnayan nila sa isa't isa?"
"I was thinking na baka magkapatid sila pero ikaw? Parang siguradong sigurado kang magpinsan sila."
Napairap nalang ako "Do you even know what's my surname is rina?" Nakangising tanong ko rito.
Nakita kong napatigil ito at lalong nanlaki ang mga mata. I thought nakuha nya na ang ibig kong sabihin. Ang tagal na nya akong kilala and yet di nya pa alam kung sino ako.
Natatawang tiningnan ko ito. Grabe ang epic ng reaction nya. Nakanganga ito at nasa bibig ang isang kamay. Nanlalaki pa rin ang mga mata nitong nakatingin sakin.
Natatawang umiling nalang ako "Your face are so priceless rina," Natatawang asar ko rito.
"I-Ikaw..." Di makapaniwalang tinuro ako nito "I-Isa kang...." Di na nya natuloy ang sasabihin nya nang tawagin ako ni kuya.
"Ms. Ortega!"
Nilingon ko si kuya. Tinaasan nya lang ako ng kilay bago nya Ibinalik ang tingin sa blackboard. Nice! Kami nalang pala ang nag uusap ni rina. Paano nya kaya napatahimik ang mga tumitili kanina.
"Ortega ka talaga?" Di makapaniwalang bulong nya.
Tumango ako "Kirsten Ortega,"
Ngayun alam na nila. Napangiti ako. Di ko nga pala nabanggit na isa akong ortega kahit nung magpakilala ako sakanila.
I'm sure marami din ang nagulat di lang si rina. Narinig ko rin kasi ang pagsinghap ng ilan ng tawagin ako ni kuya.
*****
Huhuhuhu alam kong sabaw 'to. Sorry po.
#Asannakayasidark?
Nakita nyo ba sya? Haha