The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Three:)

1.2K 24 6
By DianaAranda

Copyright © Diana Aranda

The Owner of the Red Sports Car

"You must be Cream Sandoval." sabi nung nakangiting babae na nakaupo sa may sofa. "Come, take a sit." she motioned me to sit sa katabing sofa ng inuupan nya.

"I have to say, I am quite impressed with your test results. Wala pa sa history ng SLU ang nakaka perfect ng lahat ng subject. Ikaw pa lang." uminom sya ng nakahain na juice.

"I was not expecting that too. I have to say, I was shocked to see the results. I was like, is this really my result?" tapos natawa ako ng mahina.

"Ms. Santibanez, pinapatawag nyo daw po ako?" may pumasok na lalaki sa loob.

"Yes Ice. Please take a sit." itinuro nya ang bakanteng space sa tabi ko. Napairap ako ng di oras. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"I might want to ask you the same question." ngumisi sya sakin. Inirapan ko sya. Asshole!

"So yes. I would like to disscuss something to the both of you. Ofcourse, everyone here in SLU knows that the Villarasa are the owner of this company, but this school will not tolerate any special treatment for you Mr. Villarasa." Wait, did the director said na tong unggoy na to ang may ari ng university na ito? Seryoso?

Napatingin ako ng di oras sa kanya. Nakatingin din sya sakin. Nakangisi to be exact. Parang sinasabi nya nasakin na, 'narinig mo?'

"Tss. Mayabang." mahina kong sabi.

"Both of you tied the number one spot." sabi ni Ms. Santibanez.

"What?" sabay naming tanong. Nagkatinginan kaming dalawa sabay irap sa isat isa.

"The school has it's rules. Magiging university scholar kayong dalawa. You are allowed to choose any course you want. By the way,anong course pala amg kukunin nyo?" tanong nya.

"Business Ad." sabay naming sagot. Nagkatinginan na naman kaming dalawa.

"Nanggagaya ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kita ginagaya. Yun talaga ang gusto kong kunin. Baka naman ikaw ang nanggagaya sakin?" mayabang nyang tanong.

"Wow. Taas ng confidence level mo ah. Asa." sagot ko.

"Hep hep! Okay okay!" pagpipigil samin ni Miss. "Both of you will take Business ad? That's great! 1.40 ang lowest average na pede nyong makuha. Kapag bumaba dun, tanggal ang scholarship." paalala ni Mom.

"That's not a problem. My dad could pay this school's tuition." sabi ng katabi ko.

"The same with me. No pressure." kibit balikat ko.

"That's great! So, it's settled then. Welcome sa SLU, Ice and Cream." kinamayan nya kaming dalawa.

Lumabas ako ng office na yun. I checked my phone. Lunch time na. Saan na naman kaya ako mapapadpad? Wala naman akong kaibigan dito sa Pinas. Sino naman kaya mayaya ko?

"Siguro, isa ka sa mga fangirl ko." sabi nung katabi ko. Kasunod ko nga pala ang unggoy na to.

"Asa ka naman. Keep dreaming asshole." sabi ko sa kanya.

"Sus! Gasgas na ang ganyang mga taktiks Miss. Try mo din ang bago. Baka sakaling, mahulog ako sayo." kumindat sya.

"What the hell are you saying? Please! Akala ko, asshole ka lang. Magaling ka din palang mag assume?" Inirapan ko sya at iniwang nakatayo sa may pintuan ng office.

"Tsk tsk. Konti na lang Miss. Maniniwala na talaga akong fan girl kita."

"Wow. Ang kapal talaga ng mukha mo. Sino naman ang nagsabi sayo na fangirl mo ko? And please lang ha? Sino namang mga tangang babae ang magfa fangirl sayo?"

As if on que, biglang may mga nagsigawang babae. "Kya! Si Ice Villarasa!!!!!"

Tiningnan ko ang lalaking kasunod ko. Nakangisi sya ng malawak nyayon. "Anong sabi mo kanina?" inilagay pa nya ang kamay nya sa likod ng tenga nya at nag-abang ng sagot ko.

"Anong sinabi ko? Sabi ko, ang hambog mo!" nag walk out ako sa harapan nya.

Ang kapal naman ng lalaking iyon! Feeling gwapo. Akala mo kung sino! Porket naka perfect din sya katulad ko, at may ari ng eskwelahang ito eh may karapatan na syang magyabang? Please lang!

"Miss! Hintayin mo ko!" tawag nya sakin. Nagpanggap ako na hindi ko sya narinig.

Dinig na dinig ko din ang hiyawan ng mga babae. Dang it! Bakit ba napakagwapo ng lalaking iyon at napaka rami namang fangirl? Dinaig pa ang artista?

"Miss!" hinawakan nya ang balikat ko. "Ano ba? Nakakainis ka na ah!" sabi ko sa kanya.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko. "What the hell!" bigla nya akong hinila at tumakbo kaming dalawa sa kung saan.

"Bilisan mo! Maabutan nila tayo!" sigaw nya sakin. Pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin. Pasilip silip sya sa likuran at tinitingnan ang mga babaeng hanggang ngayon eh humahabol pa din sa kanya.

Teka nga! Bakit ba ako nakikitakbo? Paano ako nasali dito?

Tumigil ako sa pagtakbo at tinanggal ang kamay nya sa kamay ko. "Hindi naman ako ang hinahabol nila ah? Bakit ako nakikitakbo sayo?" tanong ko. Kita ko ang pagpatak ng pawis sa noo nya. Shet. Kailan pa naging ganito ka attractive ang pawis?

"Pag di ka tumakbo kasama ko, mamatay ka sa stampede." seryoso nyang sabi. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Iceeeeee!" tawag ng mga fangirls nya.

"Oh, di ka ba tatakbo?" taas kilay nyang tanong.

"Hinde." sagot ko. Naglakad ako palayo sa kanya.

"What? Wait lang Cream!" tawag nya.

"Ano na naman?" inis kong tanong. Ano ba kasing kailangan ng taong yelo na ito?

"Bakit ayaw mong tumakbo?" tanong nya. Napairap ako ng di oras.

"Kanina pa akong takbo ng takbo. My legs are shaking!" tumingin ako sa legs ko.

"Di naman eh." sabi nya.

"Ofcourse hindi naman talaga yan magshe shake. Nakahithit ka ba? Ugh." naglakad na ulit ako palayo.

"No choice." dinig kong sabi nya.

Bigla ko na lang naramdaman ang pag angat ko.

"What the f*ck! Ibaba mo ko dito! Asshole!" hinampas ko ng hinampas ang likod nya. Nakakahilo pala talaga ang mabuhat ka ng pabaliktad ano?

"Stop hitting me!"saway nya.

"Nakakainis ka! Pede namang higitin mo na lang ako bakit kailangan pang buhatin ng pabaligtad?" tumigil ako sa paghampas. Nakakapagod pala. (-_-)

"Niyaya kita na maayos diba? Nag inarte ka kasi!" sumilip sya sa likuran namin. Hinahabol pa din kami ng mga fangirls nya.

Sumuko na ako. Nahihilo na talaga ako sa likod nya. Huminga ako ng malalim. Bakit ang bango pa din ng isang to kahit na basa na sya ng pawis? Napaka unfair ng mundo!

"I hate you." mahina kong sabi.

"Mamaya na tayo mag away Cream." lumiko sya pakanan. Nauntog ako sa isang poste. "Arrraaaayyyy!" napahawak ako sa ulo ko.

"Pakshet ka! Ibaba mo na ko!" sumilip ulit sya sa likod. Wala na syang naaninag na sumusunod. Masyadong naging mabilis ang pangyayari.

Ibinaba naman nya ako. Agad kong kinuha ang pagkakataong iyon para hampasin sya. "Pakshet ka! Inuntog mo ko! Shit! Ang ulo ko!!!!"

"Sorry!" sabi nya.

"Sorry????? Walang nagagawa ang sorry! Ano yan? Nagsosorry ka ba para sakin o para sa sarili mo? Kaines!!! Hindi naman kasi lahat nagagamot ng sorryy!!!!!" sigaw ko sa kanya.

Napapatingin na naman ang mga tao samin. May naririnig akong mga nagsisigawang babae. Malapit na naman ang mga fangirls nya.

"Mamaya na ulit tayo mag away. Sumakay ka na. Dali!" hindi ko napansing nasa tapat pala kami ng isang pulang sasakyan. Napahawak ako sa ulo ko. Shit! Yung brain cells ko, nabawasan ata.

Wait! I know this car!

"Ikaw may ari nito?" tinuro ko ang pulang sasakyan.

"Oo. Sumakay ka na!" utos nya.

Napatingin ako sa plate number nun. "ICE 104"

Kilala ko ang plate number na ito ah? Tumingin ako kay Ice na nagbubukas na ng pinto ng sasakyan nya. "Sakay na! Dali!" sabi nya habang palinga linga sa grupo ng mga babaeng papalapit na dito.

Ikaw pala ang may ari nito ah? Humanda ka sa gagawin ko.

Sinamaan ko sya ng tingin. Sa bag ko ay kinapa ko ang banana que stick na pinaglagyan ng banana que na kinain ko kanina nung dumaan ako sa may canteen.

"It's payback time." mahina kong sabi.

Agad kong itinusok ang stick sa gulong ng sasakyan nya. "What the hell!" sigaw nya sakin. Napahawak sya sa ulo nya. "What the heck is your problem Cream?" sigaw nya sakin.

"Lintek lang ang walang ganti." sagot ko at tunakbo na palayo sa kanya.

"Cream!" tawag nya sakin. Patuloy pa din ako sa pagtakbo. Wag kang lilingon Cream. Maaabutan ka nya. Hanapin mo na lang ang sasakyan nyo. Nasaan ba kasi si Manong????

Luminga linga ako. Dito ko lang yun iniwan ah!

"Aray!" mahigpit ang pagkakahawak nya sa wrist ko. "Bi...tawan mo ko!" Nagpumiglas ako sa kanya.

"Bakit mo binutas ang gulong ng kotse ko?" tanong nya.

"Kasi Asshole ka!" nagpumilit pa din ako sa pagkalas. "Ano baaaa???"

Bakit ba ang bilis tumakbo ng isang to? Runner ba to? Member ng tract and field? Kaines!

Naririnig ko na naman ang hiyawan ng mga babaeng iyon. Seriously? Hanggang dito ba naman? Ugh. Matindi ang fan girling ng mga ito. Hindi ko kinakaya.

I saw panicked in his face. "May kotse ka?"

"Wala." sumuko na ako sa pagpiglas. Nanakit na ang wrist ko dahil ang higpit ng grip nya.

"Liar. Mukha kang mayaman. Malamang may kotse kayo."

"Wala nga eh!" sagot ko sa kanya.

"Mam Cream!" tawag nung driver namin. Shit naman manong! Napaka wrong timing nyo talaga ano? Kaines.

"Wala pala ah?" nag smirk sya sakin sabay hila papunta sa sasakyan namin.

"Kuya, may pupuntahan lang kami ng alaga mo." nakangising sabi ni Ice habang pinapaupo ako sa may passenger's seat.

Sunundan ko sya ng tingin. May sinabi pa sya kay Manong driver saka sumakay sa driver's seat.

"Where do you think are you taking our car?" tanong ko sa kanya.

"Nye nye. Shut up Cream." pinaandar nya ang sasakyan at inilabas yun sa university.

"Nakatakas ka na sa fangirls mo ah? Bakit kailangang kasama pa din ako?" walang interes nya akong tiningnan. Hindi nya sinagot ang tanong ko.

Hinimas ko na lang ang wrist ko na ngayon ay pulang pula dahil sa mahigpit na grip ng asong ulol na ito kanina.

"Masakit ba?" imik nya. He's probably talking about my wrist. Konting grip na lang, papasa na talaga to.

"Obvious ba?" pagtataray ko. Hindi ko alam kung ano ang problema ng isang to. In the first place, hindi naman ako na link sa kanya kaya di ako pag iinitan ng mga fangirls nya. Bakit kasi kailangang higitin pa ako palayo? Bakit kailangang bitbitin pa ako na parang sako ng bigas? At higit sa lahat, bakit kailangan pa akong iuntog sa posteng iyon?

Napahawak ako sa ulo ko. Sana naman ay di naapketuhan ang brain cells ko. Sayang ang IQ ko pag nagkataon.

"Taray mo. Sayang, maganda ka pa naman."

"Wow, should I be thankful na sinabihan mo ko ng maganda ako?" sarcastic kong sabi.

"Not thankful. Grateful." ngumisi sya at kumindat sa akin. I dont understand this guy. Parang may malalang pinagdadaanan ang personality nya. Ano ba to? May split personality? One time masungit, two time mayabang?

"Yeah right." walang gana kong sagot.

"May kasalanan ka pa sakin."

"At ako pa talaga ang may kasalanan? Sino kaya satin ang nanghihigit na lang bigla? Tapos, binuhat mo pa ako na parang sako ng bigas and worst? Nauntog mo pa ko!"

"Binutasan mo ang gulong ng kotse ko." mariin nyang sabi. Nag cross arms ako.

"You deserve that."

"At bakit naman?"

"Aba! Hindi ka man lang tumigil kahapon nung hinarang ko ang sarili ko sa daan!"

"What the hell are you talking about??"

"Duh? Kahapon. Sa may highway." pagpapa alala ko sa kanya.

"Ows? Ikaw yun?" tanong nya. Napairap ako. "Aba! Mahirap magtiwala sa tao ngayon. Malay ko ba kung rapist ka na pala o mamamatay tao."

"Wow. You got a wild imagination Ice."

"Not really. I'm just weighing things." bigla nyang pinarada ang sasakyan sa isang coffee shop.

"You owe me a coffee for busting my tire." bumaba sya ng sasakyan.

"Magpapalibre lang pala, kinidnap pa ako." monologue ko.

"Hindi ka bata kaya di kidnap ang tawag dun. Isa pa, muka ba akong kidnapper? Sa gwapo kong to?" tinaasan ko sya ng kilay. Lakas talaga ng hangin ng isang to eh.

"Yeah. Nice try Ice. Busugin mo ang sarili ko sa kahambugan mo."

"Magnanakaw!" sigaw nung isang matanda. Saan?

Luminga linga ako. "Tulungan nyo ko! Yung magnanakaw!" tinuro nya yung lalaking nakaitim na t shirt, naka cap na pula at naka puruntong shorts.

"Ice! Sundan natin!" aya ko sa kanya.

"What? Ayoko nga! Madamay pa ko dyan eh." reklamo nya. Hinigit ko sya papasok ng sasakyan. This time, Im driving the car.

"Cream, pabayaan mo na!" sabi ni Ice.

"No way." nakangisi kong sabi sabay paharurot ng sasakyan.

"Shit!" sigaw ni Ice. Napangiti ako.

Continue Reading

You'll Also Like

786K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...
1.2M 18.5K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
28.5M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...