Loveteamzone (Behind the Scen...

By dontcallmeerika

39.6K 284 14

Gusto ko lang naman malaman mo na mahal talaga kita, sa harap man o likod ng camera. Sa lahat ng linya ko, la... More

-
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 18

1.1K 9 1
By dontcallmeerika

Daniel’s POV

 

 

Ang sarap ng hangin dito, pero mas masarap kasi naka-akbay ako kay Kath habang tinitignan namin ang sunset. Pero syempre mas focused ako sa kanya, mas maganda sya kesa sa sunset.

Yung Parking 5, nagkakantahan. Si Lianne, eto sa tabi ni Lester. Mukhang okay na ata sila, nagkakatawanan na eh. May hindi ata sila sinabi sakin ah?

“Guys, spin the bottle tayo!” Hyper na nagsuggest si Seth. Aba aba, parang may binabalak si Papi ha! Haha.

“Anong nakain mo Seth? Eh dati ayaw na ayaw mo yan nunggg..” Tinakpan naman ni Seth yung bibig ni JC. Ayaw na kasi ipaalala ni Seth yung naging game namin dati kasama yung crush nya. Napahiya kasi sya nun. Hahahaha. Nakakatawa pag naaalala ko.

“Game laro tayo! Para malaman na kung sino yung nagsisinungaling!” Sabi ni Lianne. Uhh ohhh. Hindi pa nga sila okay. Napakamot ng ulo si Lester. Ayan kasi, pa-amnesia amnesia pang nalalaman feeling nya nasa Koreanovela sya.

“Para malaman na din yung katotohanan! Ano game?!!!!!!!!” Sabi naman ni Lester. Lintik na mga yan, mukhang madadamay pa kami sa away nitong dalawang ‘to ah.

“Wait lang, hintayin nyo muna magstart yung game bago kayo magbangayan guys.” Sabi ni Seth sabay paikot ng bote.

Unang natapat kay JC yung bote. Ang pinili nya truth, pero dahil lahat naman alam na namin sa kanya, nag-insist si Kats na dare na lang. Pumayag naman si JC. At ang malas nya dahil si Les ang nag-isip ng dare. At yung dare nya ay yung Lester vs. Sili. Pero ngayon, si JC yung kalaban ng sili.

“One… two… three…. Game!!!!!!!” Nagbilang kaming lahat para tikman na ni JC yung Lester vs Sili formula ni Les. Haha. Grabe talaga. Toyo + calamansi + suka + cinnamon powder + patis + ketchup + hot sauce + paminta + baking powder + napakaraming sili!

Wala pang isang minuto eh nagsuka yung kapatid ko. Sino bang hindi magto-throw up dun? Hahahaha. At ang swerte kasi si Lester yung nasukahan nya! Hahahahahahaha. Kaya ayun napabihis sya ng wala sa oras.

“Okay next! JC ikaw na magpaikot para makaganti ka.” Sabi ni Seth. Inikot naman ni JC, kay Lester naman natapat. Woooo! Sweet revenge, here my brother comes!

“Truth or dare pangit na Lester?” Tanong ni JC.

“Truth na pangit sya.” Sabat ni Lianne tapos sinamaan sya ng tingin ni Les. Parang aso’t pusa talaga eh. Ano ba yan.

“Manahimik ka! Tinatanong pa lang ako kung truth or dare ba! So stupid.” Sabi ni Les. Grabe ang hard na nila si isa’t isa.

“Oh, tama na! Awat guys! Ako na magtatanong. Les, dahil alam kong kailangan mo to. Dalawa yung ipapagawa ko sayo. Isang truth at isang dare.” Sabi ko. Natahimik ata silang lahat? “Haha. Uy guys, please pumayag kayo? Lalo na ikaw Les. Magbebenefit ka din dito.” Pumayag sya tapos si Lianne naman napailing na lang.

“Game na! Tagal naman Daniel! Buti nalang may popcorn ako. Mukhang mahaba habang kwentuhan to.” Sabi ni Kats. Si Kath naman clueless. Saming lahat kasi siya lang walang alam tungkol kay Lianne at Lester.

“Les, bakit ka nagpanggap na may amnesia ka?” Tanong ko. Napalunok sya. Hindi nya kasi alam na alam naming niloko nya si Lianne. Si Lianne naman, halata mong kinakabahan.

“Alam nyo na guys?!!!!!!” Tanong ni Les pero walang sumagot sa kanya.

“Sorry kung nagsinungaling ako, sorry sa tropa ko. Sorry Kath kasi hindi mo ‘to alam. Pero ang pinaka karapat dapat na makarinig nitong apology ko, si Lianne talaga.” Walang naimik samin. Si Lianne naman nakataas yung kilay at nakapamewang.

“Hindi ko sinasadya yun. Kinailangan kong gawin yun. Kahit na masakit sakin, kahit masakit sayo Lili.” Nagbuntong hininga sya. Parang may tutulong luha sa mata nya.

Tumayo sya at tumapat kay Lianne. Hinawakan nya yung dalawa nyang kamay na kanina ay nakapamewang.

“Lili, alam kong stupid yung decision ko. Pero that time yun lang yung choice na meron ako eh. Sorry kung nagpanggap ako. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko gagawin yun para saktan ka. Kailangang kailangan ko lang talaga gawin.” Sabi ni Les. Pinipigilan nyang tumulo yung luha nya.

Ngayon ko lang nakita na ganto kaseryoso si Les. Kasi sa tropa sya talaga yung pinakamakulit eh. Hindi ko ineexpect na may ganto pala syang side at si Lianne lang yung nakakapagpalabas nun.

“Lianne, tanda mo ba nung 2nd year tayo? Betty ang tawag ng lahat sayo di ba? Alam mo bang nakipagsuntukan ako dati dahil dun? Sinapak ko yung lalaking nang-aasar sayo nun dati. Sorry kung hindi ko napigilan yung bibig nya sa pananakit sayo ha?” Bato pa rin si Lianne. Siguro sobra talaga syang nasaktan kasi bigla bigla syang iniwan ng bestfriend nya noon.

“Lianne, kahit inaasar ka nilang Betty, kahit na ilang pang-aapi ang ginawa nila sayo, mahal na mahal kita noon. Alam kong kaya ka naka salamin kahit walang grado ang mata mo, nagpabrace kahit maayos naman ang ngipin mo at hindi nag-aayos ay dahil sa ayaw mong malaman nilang anak ka ng mayor. Pero Lianne, anak ka man ng Mayor o hindi, mahal kita noon.” Nagsimula nang magcrack yung boses ni Les. At this time may pumatak ng luha sa kamay ni Lianne.

“Lianne, kaya ako nagpanggap na nagka-amnesia ako kasi kailangan ko yun. Yung lalaking sinapak ko? Inabangan nya ako dati. Alam na nyang anak ka ng mayor at ipagkakalat daw nya yun kapag hindi ako umalis sa school na yun. Galit na galit sya dahil nung nasapak ko sya dati, tumama yung mukha nya sa isang matulis na bagay kaya nagkapeklat yung mukha nya.”

“Lianne, sabi nya umalis na daw ako sa school natin. Nung mga panahong yun, hindi ko pwedeng hindi sya sundin dahil anak sya ng may ari ng school natin. Nung una hindi ako sumunod, mahal kita at ang Parking 5 kaya hindi ko kayo maiwanan. Kaso nakita kong nakakumpol sayo yung mga mean girls ng campus. Pilit nilang hinuhubad yung salamin mo, sinasabunutan ka pa ng iba. Biglang lumapit sakin yung bwisit na lalaking yun at binantaan ako. Kung hindi ko din daw susundin yung utos nya, sisiraan ka daw nya. Alam kong ayaw mo ng masaktan, ilang panglalait na mula sa mga kaklase natin ang natanggap mo. Hindi ka spoiled, sadyang anak ka lang talaga ng Mayor. Hindi ka maarte, kasi kung maarte ka hindi ka mag-iiba ng itsura para lang hindi makilala. Hindi ka suplada. Hindi talaga.” Umiiyak na din si Lianne sa mga kinikwento ni Les.

“Hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Kaya nagdesisyon nalang ako na lumayo sayo. Binigyan ako ng hayop na lalaking yun ng deadline. Pag tapos daw ng bakasyon ay dapat nakaalis na ako ng school na yun. Hindi ko kaya Lianne. Hindi ko kayang lumayo sa mahal ko. Kaya kahit na masakit para sakin, nagpanggap nalang ako na may amnesia ako. In that way, pwede pa din kitang tignan kahit malayo ako.”

“Pumunta talaga kami ng America nun kasi dun ako nagmukmok. Pinatawagan din kita sa parents ko. Pina-acting ko pa nga sila na galit sila sayo para mas maging kapani-paniwala. Nung bumalik ako ng school, alam na ng lahat na may amnesia ako. Lahat sila naawa sakin, pati na ata yung lalaking sinapak ko dati. Mukhang okay na sa kanya yung nagka-amnesia ako. Siguro sa tingin nya sapat na yun para sa paghihiganti nya.”

Lahat kami hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Les. Akala ko simpleng dahilan lang yung panloloko nya kay Lianne. Pero hindi pala. Pinili nyang kalimutan si Lianne kahit araw-araw nyang nakikita sa school namin.

“Masakit Lianne. Ang lapit lapit mo lang sakin pero hindi kita makausap. Gustong gusto kitang tawaging ‘Lili’ pero hindi ko magawa. Gusto kita icomfort kapag inaasar ka nila, pero wala… may amnesia nga ako di ba? Ilang beses kong tinry na iapproach ka. Pero yung mata nung lalaking yun ay nakapako pa din sating dalawa. Lianne, sorry kung nagsinungaling ako. Tsaka dahil sa ayokong madamay ka, pinagtabuyan kita.” Sabi ni Les at tuluyan na silang nagbreak down ni Lianne.

“L-les…. Lele… Napakawalang kwenta ng dahilan mo. Hindi sapat yun para iwan mo ko.” Sabi ni Lianne kay Les at pinagsusuntok nya yung chest ni Lester. Hiwakan naman  ni Les yung kamay ni Lianne at nilagay sa mukha nya.

“Told you, that was the only choice I had at that time. Alam kong pag sinabi ko sayong kailangan kitang iwasan para hindi ka nila masaktan, alam kong mas pipiliin mong masaktan. I know you Lili. H-ha-ha. I missed calling you Lili. Liliit.”

“Hindi nga sapat yung expla----“ Tapos hinalikan ni Les si Lianne para manahimik na sya.

“I love you Lili. Nung bata pa tayo hanggang ngayon. Hinding hindi ka nawala sa isipan ko. Hindi na kita ulit sasaktan, pangako. Magka-amnesia man talaga ako, ikaw yung hinding hindi ko makakalimutan kasi nakatatak ka na ata sa isip ko.” Sabi ni Les tapos hinalikan ulit si Lianne.

“EEEEEWWWWWWWWWW!!!!!!!!!” Sabi ni Seth. Binatukan ko nga, panira ng moment eh.

Tinignan naman ng masama ni Lianne si Seth. Tumahimik tuloy sya. Hahahahaha.

“I love you too Lele.” Sabi ni Lianne.

“HAY NAKO!!!!!!! Ang haba ng portion mo Lester! Next na! Ay hindi wait!!!!! Asan yung dare mo Daniel?” Tanong ni Kats sakin.

“Wala na, nagawa na nila. Lintik na Les yan. Obvious na sobrang namiss yung Babe ko, I mean Lili nya pala. Hehe. Joke lang Kath.” Tapos nagpout si Kath. Kinurot ko nya yung ilong. Haha.

“Next game! Ako naman magpapaikot. Hays, sarap sa feeling ng ganto. Bati na kami tapos…” Sabi ni Les.

“MAGPAIKOT KA NA! DALDAL MO!!!!!!!!” Ayan sabi ni Lianne. Siguro ganyan talaga sila nung mga bata pa sila? Namiss nila magbangayan? Hahahahahaha.

Pinaikot na ni Lester yung bote. Pag sinuswerte ka nga naman oh, sakin natapat! Lintik na. Wag nyo naman sabihing si JC yung magbibigay ng truth, ayoko nga. Alam lahat nung tungkol sakin. Pero si JC nga talaga, kaya pinili ko nalang yung dare.

"Kung ide-dare kita na ikiss si Kath, pangbata lang yun. Hindi na eepekto yun. Inext level na natin to? Kayo na naman di ba?" Uh oh. Mukhang clueless ang prinsesa ko sa iniisip nitong bwist na kapatid kong to. 

“Kuya, I dare you na…. Hmmm. The two of you, stay with each other tonight.” Nalintikan na, kalma Daniel, kalma. This will be the awkward-est but sweetest night of my life.

----------------------------------

Author's Note: Guys! Start na ng pagiging Rom Com ng story na to. Ayawa ko kasi ng masyadong madrama na story kaya sa unahan ko nilagay yung mga sad part. Promise yung mga next chapters puro happy scenes na. Yung next chappie di ko pa alam kelan ako sisipagin itype, lalo na madami pa akong school works! Final week na ng final term kaya bear with me guys. Meanwhile, mag-adik muna tayo kay Daniel at Kath

Daldal mode on. Nung nakita ko sila sa Lasalle Dasma (dun ako nag-aaral) ng malapitan, napanganga talaga ako sa kagandahan ni Kath. As in *o* talaga. Sa mga fans na hindi pa sya nakikita ng personal, ihanda nyo yung panga nyo. Si Daniel naman, lakas talaga maka-Edward Cullen. Napakaputi tapos napakakinis. Nung nakita ko si Deej, hinintay kong tumahimik lahat tapos sinigaw ko "Daniel!!!!!! MAHAL KO SI LESTER!!!!!!!!!" Hahahahaha. Yun nga lang, di nya ata narinig or di nya lang ako napansin kasi ang liit ko.

So much for that, thank you guys for supporting my story. I know it's not that extraordinary, it's just a typical one. But I assure you that I'll do my best to give you the feels that you wanted. For dedications, just comment on the chapter that you like the most. God bless! ♥

Continue Reading

You'll Also Like

532 85 23
Paano kong may makikilala kang isang lalaki na nakulong sakanyang mapait na nakaraan ? Paano kung sa munting tulong niya sayo , di mo na pala namalay...
530 15 17
dumating kana ba sa punto na, yung sakit sa dibdib mo hindi mo na kaya, yung kahit tulog ka ramdam na ramdam mo yung sakit, naranasan mo na ba na mag...
693K 5.9K 46
Former My Broken Heart.// It proves that everybody needs to move on. Don't stick with one person who is not for you. Paminsan nandiyan na pala sa ha...
779 0 23
Mahal kita! di mo ba nakikita? lahat naman ginawa ko na para iparamdam sayo yung nararamdaman ko pero bakit sya pa rin ang mahal mo? d ko naman hini...
Wattpad App - Unlock exclusive features