Ang Buhay sa Kalsada

By kazumi_rhexy

34 0 0

Basahin... More

Ang buhay sa Kalsada (one shot)

34 0 0
By kazumi_rhexy

Ang buhay sa Kalsada (one-shot story)

---


Nandito ako sa gilid ng kalsada nakahiga. Nakahigang nakaharap sa kalsada. Tinitingnan ang mga dumadaang kotse. Mga naglalakihang kotse.

Pero sa kabila ng mga kotseng ito , sa kabilang parte ng kalsada ay may malaking bahay. Malawak na harden.
Malalaging tanim
Nagsisilakihang puno.
Ang gandang tirhan.

Pero may nakatirang mga abusado, mga madadamot na tao at mga maarte. Sa tuwing lalapit ako kahit sa harden lang ay palagi nila akong sinisipa palayo. Binubuhusan ng maiinit na tubig, at dahil sanay na ako kaya ko ng iwasan lahat ng buhus. Pero ang di ko maiwasan ang nagsisilakihan nilang aso.

Araw-araw ay nahahalimuyak ko ang mababangong pagkain na kahit na sa malayo ka ay siguradong magugutom ka at gustuhin mong pumunta sa bahay na iyon na parang "magpapakamatay ka ba?"
Yan ang feeling pagpumasok ka sa ganitong bahay.

---

Isang araw, may nakita akong katulad ko, pero babae siya. Naiinggit ako dahil malinis siya. Nakakain siya ng mga masasarap na pagkain. at may malinis pa siyang damit.

Habang nandito ako sa gilid ng kalsada at nakatunganga baka may kumupkop sa akin. Pero sa hirap nga ng buhay, walang kukuha sa katulad ko: madumi , payat, at mabaho. Na kahit ang langaw ay iiwas rin ng dahil sa kabahoan ko.

---

Linggo ng umaga , nagising ako dahil sa ingay ng kotse sa malaking bahay. Mukhang aalis sila. Maya maya ay umalis na sila.

At sa di malamang dahilan nakita ko na lang ang mga trabahanteng nagtatrabaho sa kanila na nagkakasiyahan na parang may piyesta.

dahil sa masyado akong abala sa pag-oobserba sa kanila , di ko namalayang may tumabi na pala sa akin.

0_0

Talagang nagulat ako dahil di ko inaasahang yung babaeng katulad ko ang tumabi sa akin.

"Hi!"

s-sa akin ba siya nag'hi'?

At dahil nahiya ako dahil mabaho at madumi ako , lumayo ako sa kanya "h-hello"

"Hihihihi"

Tumawa siya?? Tumawa siya!!!!

Lumapit siya sa akin pero lumayo ako. Lumapit uli siya , lumayo ulit ako.

"Bakit ka ba palaging lumalayo sa akin?!" Sigaw niya dahil nandito na ako sa itaas ng pader at siya ay nasa ibaba pa.

"K-k-kasi m-mabaho a-ako" talagang nahihiya akong mapalapit sa kaniya. Ang bango bango tapos lalapit siya sa akin na mas mabaho pa sa tae.


~*groooooooooo*~

Sabi ng tiyan ko.

SABI NG TIYAN KO??! TIYAN KO??!

Sa harap ng babaeng ito.

"HAHAHAHAHAHAH . Halika ! Sumunod ka sa akin."

Sumunod naman ako sa kanya. kahit sosyalera mukhang mabait naman.

Dumaan kami sa malalabong na damo , umakyat sa puno , sa bubong.

At doon ko lang napagtanto kung saan kami pupunta , sa malaking bahay.

"U-uy b-ba't tayo pupunta d-dito? B-baka makita a-ako"

"Wag kang mag-alala. Wala sila dito at ang lahat ng mga trabahante dito ay nagaiaiyahan kasi kahit papaano nawala na ang demonyo sa pamamahay na ito"

"D-d-demonyo??" Napahinto ako sa pagsunod sa kaniya.

"Oo, sila yung mga amo dito. Mga nagmamay-ari sa mansion. Pero ngayon wala sila dahil linggo ngayon. May reunion daw "

"B-bakit di k-kasama?"

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.

"Sampid lang ako. Hindi pwede sumama ang mga katulad ko, mga katupad natin"

At nung makarating kami sa paroroonan namin, sa kusina.

Opo, sa kusina ang punta namin.

"Oh kumain ka"

Napatingin ako sa pagkain na binigay niya at .....

At....

At....

Di na ako nagdalawang isip sa pagsunggab sa pagkain.

"Hahahahaha" naririnig ko ang tawa ng babae. "Mukhang gutom na gutom ka"

Tumango lang ako.

---

Pagkatapos kung kumain ay inilibot niya ako sa malaking bahay. Siyempre , iniingatan naming di kami makita ng mga tao dito.

"At ito yung kwarto ko" ipinakita niya sa akin ang isang maliit ng kama may mga laruang nakapalibot sa kama niya. "Ito yung kwarto ni Hush ang batang nagmamay-ari sa akin." Kinupkop nga pala siya dito.

----

Pagkatapos niyang ilibot ako sa malaking bahay umalis agad ako. Pero di siya kasama kasi kailangan na daw siyang paliguan ng isang katulong sa malaking bahay.


sa paglalakad ko may di inaasahang nangyari. Nakita ako na isang gwardiya. At sa kasamaang palad kasama niya pa ang aso.


"Arrrf! Arrrfff GRRRRRRR!!!!" Tahol sa akin ng aso.

Delikado to!

Tumakbo ako ng tumakbo halos di ko alam kung saan ako pumupunta.


Napunta ako sa malawak na kulay asul na tubig. At may nakarondang isang gwardiya din dito kaya dalawang aso na ang humahabol sa akin.


"Aarrrrrfff! Aarrrrffff!"

Sigaw ng dalawang aso habang naghahabulan kami.

Nakita ko na ang bakal na tinatawag nilang 'gate'.

Takbo




Takbo





Ayan na malapit na ako makalabas.

Konting takbo na lang..



Takbo!!!!!




Takbo!!!!

Aaaaaaaaaaaaaaaaat

Sa wakas!!!!!! NAKALABAS RIN AKO ..

HAAAAYYY! ang hirap pag ganito talaga ang buhay mo. Nakakapagod minsan.

Nagpahinga muna ako sa ilalim ng puno ng isang bulaklak.


at pumunta sa dati kung pwesto, sa gilid ng kalsada.

O_______________O

P-pero ... pagdating ko sun wala na ang maliit kong karton kung saan yun lang ang hinihigaan ko. tinitingnan ko ang paligid at naghahanap baka may kumuha. Pero wala akong makita.

Di ko na nakita pa ang maliit kong karton.

Tiningnan ko ulit yung malaking bahay pero sa paglingon ko ay nakita ko ang papuntang apat na aso sa akin.

PINALABAS NILA ANG LAHAT NILANG ASO!!!!

Tumakbo ako ng tumakbo hanggat nandito na kami sa highway .

"Arfffff arffff! Grrrrrr!" At dahil nakatawag pansin sa ibang aso ang tahol , lalong dumami sila.

Di ko na kaya pang magbilang. Tumakbo lang ako ng tumakbo.



...

At dumating ako dito sa malaking pader.


Wala


Na


Ako


Takas!!!


Nakorner ako..



"Aarrrffff! Arffff! Grrrrrrr! Brrrrr" iba iba ang naririnig kong tahol ng mga aso..

Paano na???




iisipin ko sana kung papaano ako makatakas dito pero sumugod yung mga aso.

Tumalon ako at tumuntong sa likod ng isang aso.

Tumalon yung aso papunta sa akin pero tumalon ulit ako sa kabilang aso. At may nakitang akong malulusutan.





Nang malusutan ko sila lahat ay agad akong tumakbo.

Papuntang kabilang parte ng kalsada.



Tumakbo !!

Nasa gitna na ako ng isang lane sa kalsada...




*BOOOOOOOOOGSSSSSSHHHHH*




Pero di ko namalayan ang pagdating ng isang sasakyan.




Tumilapon ako pero sa pagtilapon ko nasagasaan ako ng isang bus.


---

Ito na ba ang tinatawag nilang kamatayan.


Ang sakit pala, lalo na kapag ganito yung buhay mo. Napakahirap tapos mamatay ka lang na ganito.

Nakakaawang buhay.

Napakahirap.




Pero mukhang hindi na ako mapapagod pang muli. Matatapos na ang paghihirap sa kalsada .






HA. HA. HA. HA. HA.



Kahit papaano nakapasok ako sa malaking bahay at nakakain.






Sabi nila SIYAM daw ang buhay namin.

Kung meron pa akong pag-asang mabuhay ,

Sana.....





Sana....





Mas maayos na ang buhay ko.




Arrggggghh! Ansakit ng likod ko mukhang nabali at lahat ng buto ko.




---

Mukhang di na ako mabubuhay pa...


Sa mga mambabasa , ito lang ang sasabihin ko bago ako mamatay .

Pahalagahan niyo ang buhay niyo ngayon. Pahalagahan niyo ang mga nakakasama niyo , ang mga masasayang alala na kailanman ay di malilimutan. Pahalagahan niyo. Dahil di kayo tulad namin.



Mas mahirap ang buhay na tinatapak namin. Nakakapagod. kahit di kami tao , may buhay rin kami at napapagod. Naiintindihan ang salitang mahirap.




Sana sa susunod na panahon pahalagahan niyo rin kami. Na katulad ng pagpapahalaga ng mga kotse niyo , bahay niyo, at sa kahit ano mang alahas diyan.


May buhay kaming pinapahalagahan. Nabubuhay kami para ibalanse ang tao at hayop. Pagnawala ang balanseng ito , mawawala rin ang sangkatauhan.


Teka teka nga!!! Mamamatay na nga ako. Inaalala ko pa kayo.

Paalam na!




Ito po ang buhay ko.... ang buhay ko sa kalsada..

Ako po ay isang pusa !!!!!
Scientific name: Felis Catus
English name: Cat

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~






Hahahahaha.. out of nowhere ko lang sinulat to. Hahahaha

Vote please..

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 24.1K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
7.9M 479K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...