The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Two :)

1.2K 29 0
By DianaAranda

Copyright © Diana Aranda

Like the Great Wall of China

"Cream, anong gusto mong kainin?" sunod sunod ang pag beautiful eyes ni Mommy. Malalaki ang kulay pink na pilik mata nya. Nakasuot sya ng blonde na wig at bonggang bongga na pink cocktail dress na mukhang pinasadya pa nya sa kaibigan nyang si Ceena.

Ngumiti ako ng pilit. Tumingin ako sa nakahangin sa lamesa. Almusal pa lang naman pero bakit ganito na kadami ang nakahain sa harapan ko.

"Mom, anong meron?" tanong ko. Tinaasan ko sya ng kilay. Pinagdikit nya ang dalawang kamay nya na may suot na kulay pink din na lace gloves.

"Breakfast!" tinuro nya lahat ng pagkain na nakaharap samin ngayon.

"Yeah right." walang gana kong sagot. Tumusok ako ng isang hotdog at kumuha ng isang slice ng wheat bread.

"Im so excited! We're gonna go shopping!" pumalakpak pa sya. Halatang halata ang excitement. There is noooo way na sasama ako kay Mommy na mag shopping. Lalo na at ganyan ang suot nya? Damn it! Ayokong pagtinginan ng tao dahil lang sa over na over the top na fashion ni Mommy.

"Hindi ako sasama Mom." walang gana kong sagot.

"But Cream, we have to buy you clothes! Iba ang weather sa Oregon kesa dito sa Philippines. Boots and leggings are not necessary." napatingin ako sa kanya. My eyebrows still at raise.

"Mom, if boots and leggings are not necessary, ano pa yang suot mo?"

Bumuka ang bibig nya sa pagkabigla nya sa sagot ko. Umaarteng nasaktan, hinawakan pa nya ang parte ng katawan nya kung nasaan ang puso nya.

"You're hurting my feelings Cream." pagdadrama pa nya.

"Stop it Mom! Di ka na bata! You're 43 for Pete's sake!" sagot ko.

Umiling iling sya. "Age is just a number." She said with conviction. Tas bigla syang ngumiti at nagpunas ng kung ano man yung pinunasan nya sa may bibig nya.

"Today is you exam day at Saint Louis, Cream."

"Shit!" napatigil ako sa pagnguya ang tiningnan ang nanay ko na ngayon ay dahan dahang tumatayo.

"Oh, dont curse in front of the food, sweetheart." malamya nyang sabi.

"Mom, tell me you're lying. Hindi pa ako nakakapagreview! How do you expect me to pass???" sagot ko sa kanya.

"You dont need to review sweetheart. I know you can do it." pa tweetams syang naglakad papalapit sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Ako na lang ang magshoshopping para sayo. Arkeeyy? Take your exams." sabi nya saka ako iniwan habang naghuhum pa sya. What the hell!

I glanced at my watch. Seven AM. Anong oras ang umpisa ng exam??

Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at nag ayos ng sarili. I hope its not before 8 because Im pretty sure na male late na talaga ako!

"Kuya, Saint Louis po." sabi ko sa driver sabay sakay sa sasakyan.

"Mam, pinabibigay po ng Mommy nyo." may inabot sya saking brown envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko dun ang ilang mga papel. Baka kailangan ko to para makapag exam? May isa pang lapis na naroroon. Parang bata lang si Mommy.

Tiningnan ko ang isang papel na may nakasulat kung saan ang room assignment ko, seat number saka oras ng exam. It will start at 10. And Im advised to be at the said area atleast an hour before the exam starts. Im glad it's only past 8. May oras pa sa byahe.

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang lawak ng university na ito. Mapakarami ma ding tao sa paligid. Maybe, mga kaparehas ko lang sila nakukuha din ng exams. Yung iba siguro, higher years na nag aasikaso sa mga soon to be eh freshies nila.

Tumingin ako sa orasan. Five minutes after 9. Kailangan ko na talagang makapunta sa room na naka assign sakin. Saan nga pala nakalagay ang NB 564?

"Um, Miss excuse me." kinulbit ko yung babaeng nakasuot ng skater's skirt at crop top. Wavy ang buhok nya at makinis.

"Yes?" ngumiti sya sakin. She's pretty. Una ko agad naisip. Yeah. Really pretty.

"Um, alam mo ba kung saan ang NB 564?" tanong ko sa kanya. Sinilip ko pa ang exam permit ko para kumpirmahin ang room ko.

"Oo naman!" sagot nya. Ngumiti na din.

"Great! Pede mo bang ituro sakin kung saan?"

"Kita mo yun?" tinuro nya ang kulay peach na building.

"Yep."

"Hindi pa dun." napatingin ako sa kanya tas bigla syang tumawa. Mukhang mali ata ang taong natanungan ko.

"I'm just joking! Yung katabing building sa kaliwa." sabi nya. Tinuro nya yung building na katabi nung tinuro nya kanina.

"Sige. Thank you." sabi ko saka ko sya iniwan don. That girl is crazy. Sayang. She's pretty pa naman.

Malaking pagsisisi ko ng malamang masyado palang malaki ang school na ito. Dapat ay dinala ko na din si Manong para naka sasakyan na ako. Naglakad pa tuloy ako ng napakalayo.

"NB 564..." binaybay ko ang mga rooms hanggang makarating ako sa 6th floor.

"Wala namang NB 564 dito eh." sabi ko sa sarili ko. Napakamot ako sa ulo. That girl is messing with me.

"Miss, may kailangan ka?" nilapitan ako ng isang guard. Ang tanga ko naman ng makalimutan kong magtanong sa guard. Bakit nga ba dun sa babaeng yun ako nagtanong? Ugh.

"Kuya, san ang NB 564?" tanong ko.

"NB 564?" ulit pa nya. "Dun yun. Sa puting building sa may unahan." tinuro nya yung building na nasa may unahan.

That's freakin shit right? Nakatayo lang ako kanina sa harapan nun! Nakakainis! Pag ako, di nakapasa dahil sa babaeng yun, babalikan ko sya at talagang hahamunin ko ng wrestling. Kaines!

"Seryoso ka kuya?"

"Oo naman. Mag eexam ka ba? Naku. Magmadali ka na. 15 minutes na lang oh." sabi nya sabay pakita sakin ng relo nya. Freakin shit!

Agad akong tumakbo sa may elevator at nagmadaling sumakay doon. Kakayanin ko ba ng 15 minutes? Masyadong malayo ang building na iyon!

Pagdating ko sa groundfloor ay agad akong tumakbo. This is total bullshit. Kapag nakita ko talaga ang babaeng iyon, baka di ko na mapigilan amg sarili kong ihambalos ang maganda nyang mukha sa peach na building na itinuro nya sakin. Ugh!

Hingal na hingal akong tumayo sa harapan ng NB 564. Hell! Late na ata ako! Huminga muna ako ng malalim saka ko binuksan ang pintuan ng room. Lahat sila, napatingin sakin.

"You're late Miss Sandoval. Im afraid that you might not finish the exam within two hours." sabi nung examiner na lalaki sa unahan.

"No worries sir. I know I'll finished it." umupo ako sa nag iisang bakanteng upuan. Sa harap ko ay ang isang computer. May digital clock na naka set doon. I guess, I dont need my mom's pencil.

Napapikit ako. 12 minutes late ako. Agad kong hinawakan ang mouse saka nagumpisang magsagot ng mga tanong. It includes, general science, algebra, general information, accounting, analytical thinking, economics at Philippine History.

In 1 hour and 48 minutes, I managed to finished my exam. Sabay sabay na nagclose ang window ng test namin. Yung iba, napa 'ugh' pa. Baka kasi, di pa sila tapos. Ako nga na late, natapos ko tapos sila, hindi? Tsk.

"May bagong window na nakalagay dyan sa computers nyo. Kindly answer the questions asked." tiningnan ko iyon. Family background and stuffs. Our top 3 choices sa kurso na gusto namin and the reason kung bakit yun ang mga gusto namin.

"Everyone done?" he asked. We all anwered in unison. "Great! Sa labas ng room, may makikita kayong machine. Paki input ng examinee number nyo. Maglalagay yun ng print out result ng exam nyo. At kung saang course kayo applicable. Thank you and good luck." sabi nya sabay labas ng room.

Saglit kong inayos ang maliit kong bag. Did I passed? I hope so. Ayaw ko na kasing mag exam sa ibang school. Okay na ako sa isang exam at isang school.

Thirty lang naman ang tao sa loob ng exam room. Tapos dalawa pa ang machine sa labas. Mabilis lang naman siguro ang pagkuha ng results.

Nakipila na din ako sa kanila. Medyo nasa may dulong part ako kaya kailangan ko pang maghintay. May mga pumasa, meron din namang hindi. Yung iba, umiyak na lang. Yung iba naman, pinaglihi ata sa fighting spirit. Mag try na lang daw ulit sila sa ibang school. I hope I passed.

Nung ako na ang kukuha ng resulta. Huminga ako ng malalim. Agad kong ni type ang examinee number ko. May nagflash sa screen. Something like,

Congratulations Cream Sandoval! You passed the SLU's Entrance Exam! Here's your test results.

Biglang may nagprint na papel. Agad ko yung dinampot at binasa ang laman. Holy shit! Pumasa nga ako!

Kinusot ko pa ang mga mata ko. Did I really perfect all the subject? Tinitigan ko ang exam results ko.

General Science: 100%

Algebra: 100%

General Information: 100%

Accounting: 100%

Analytical Thinking: 100%

Economics: 100%

Philippine History: 100%

Over all average: 100%

Current Position: Top 1

"Holy shit!" napangiti ako ng malawak. Hindi pa din ako makapaniwala. Did I really passed my exam? Hindi lang ako pumasa! Nag topped pa ako! This is awesome!

"Paging Ms. Cream Sandoval, please proceed to the director's office now. Paging Ms. Cream Sandoval, to the director's office. Now."

Okay. So, kailangan ko namang pumunta ngayon sa director's office? Geez. I feel like may nagawa akong kasalanan.

Hinanap ko kung nasaan ang director's office.

"Cream!" did someone just called me? Habang patuloy na naglalakad papuntang director's office, lumingon ako. Ako ba talaga ang tinatawag nun?

Hinanap ko pero wala naman akong nakita. Baka kapangalan ko lang? Pagharap ko, nauntog ako.

"Aray!" reklamo ko. Napaatras ako ng kaunti. Agad kong hinawakan ang ulo ko. "Shit! Ano yun?" sabi ko pa. Feeling ko, bumangga ako sa isang bagay na kasing tibay ng Great Wall of China.

"Ako." galit kong nilingon yung lalaki. "What the hell! Bakit ka ba paharang harang dyan sa daan ha?" sigaw ko sa kanya.

"Hindi ako nakaharang Miss. Ikaw tong bumangga dyan sakin." sagot nya. Aba't! Antipatikong lalaki! Akala mo kumg sinong gwapo at maputi! Wait, sinabi ko bang gwapo sya? Ugh. Erase that! Hindi sya gwapo! Uggghhh!

"Hindi naman kasi ako babangga kung hindi ka nakaharang!" sagot ko sa kanya. Nakipagtitigan ako sa kanya. Umaasa na matunaw na sya sa paningin ko. But ofcourse, hindi yun mangyayari.

"Hindi ka mababangga kung nakatingin ka." sagot nya sakin. Aba! Sasagot pa! Hindi porket gwapo ka eh hahayaan na kita. Kung di pang ulit tinawag ang pangalan ko eh papatulan ko na ang isang to.

"Tabi nga dyan!" sinadya kong banggain ang balikat nya. "Haharang harang pa kasi eh." saka ako pumasok sa sumunod na pintuan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 18.5K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
2.2M 97.1K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
25.6M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
787K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...