In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 4

575 17 11
By Sevenelle

Karibal

Mag iilang oras na akong nag iisip ng pwedeng iregalo kay Michiko pero hindi pa rin ako makapagdesisyon. Mamayang hapon ang selebrasyon ng kaarawan niya at wala pa akong nabiling regalo.

Padabog akong bumangon sa kama para maligo. Balak kong pumunta sa bayan at doon mamili ng regalo. Hindi ko pa sigurado kung mayroon bang mabibili roon gayong mukha itong ghost town. Kung bakit ba kasi walang mall rito! Kung sa Maynila sana ay maraming mabibilhan at hindi ko na kailangang mamroblema pa!

Nagbihis ako ng simpleng itim na leggings at pink na sleeveless top. Puting sneakers ang isinuot ko at hinayaang nakalugay ang mahaba kong buhok matapos itong iblower. Bumaba ako para magpaalam kay Aling Mayang.

"Aalis na muna po ako. Sa bayan lang," paalam ko nang makita ko itong nagwawalis sa bakuran. Mabilis niya akong nilapitan.

"Sa bayan? Anong sasakyan mo? Wala si Sir Topher," nag-aalalang wika niya.

Sandali akong napaisip. Oo nga't wala pala si Mama at Papa dahil nasa palaisdaan ang mga ito. Dala rin nila ang Toyota Innova namin at wala kaming ibang dalang sasakyan kung hindi iyon.

"Ano po bang pwedeng masakyan?" I inquired hopefully.

"Ay, halika't ipamamara kita ng tricycle. Iyon lang ang pwedeng masakyan pa-bayan," iginiya niya ako sa labas ng bakuran kung saan kita ang one way na kalsada na nakikitaan na ng mga bitak.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago may dumaang tricycle na iisa ang laman.

"Nako! Tamang-tama, Carding! Heto isakay mo si Empress, anak ito ni Christopher. Sa bayan siya," wika niya sa driver ng tricycle. Tingin ko'y nasa kwarenta na ang edad nito at bakas ang wrinkles sa kanyang mukha.

Ngumiti ito sa akin. "Nako hija, ikaw pala ang anak ni Topher. Halika't sa bayan ka ba?"

Tumango ako at nangapa kung paano sumakay ng tricycle. Pinilit kong yumuko at pilit pinagkasya ang sarili sa masikip na espasyo. Sa tabi ko ay isang babaeng sa tingin ko ay papasok sa trabaho dahil sa suot nitong polo shirt na may tatak na LM Incorp.

"Carding, ikaw na rin ang maghatid kay Empress rito pabalik!" Pahabol ni Aling Mayang bago umandar ang tricycle.

Matapos ang ilang minutong pagtalbog sa loob ng tricycle ay naaninag ko na ang Arnedo Public Market. Tumigil ang tricycle at maingat akong bumaba upang hindi mauntog. Pagkalabas ay halos umikot ang paningin ko sa tindi ng pagkakaalog na naranasan. Ang balakang ko ay masakit dahil sa pagtalbog sa bawat lubak at bitak sa kalsada.

Ang buhok kong kanina ay maayos na nablower ngayon ay mukhang nagsisabog ang hibla sa aking mukha at balikat. God, gracious! There's no way I would be riding this thing again! Ever!

Marahan kong sinikop ang aking buhok at pinasadahan ng aking mga daliri. Gusto kong maiyak sa kunat at pagkakadikit dikit nito. Naiinis kong kinuha ang suklay sa aking bag at pinasadahan ang makunat kong buhok.

"Nako hija, ayos ka lang ba? Unang beses mo yatang makasakay ng tricycle," sinserong sambit ni Mang Carding na kanina pa pala nariyan. Nginitian ko lamang siya ng pilit. "Saan kita hihintayin?"

"Dito na lamang po. May bibilhin lang po ako. Saan po ba rito pwedeng makabili ng mga regalo?" Tanong ko at nagdadalawang isip kung paghihintayin ko pa ba ito gayong ayoko ng sumakay sa ganitong klaseng sasakyan.

"Pumasok ka lang riyan sa public market. Maraming mabibili sa loob niyan," tugon nito at imwinestra ang establisyemento sa harap ko. Tumango ako at nagpasalamat.

Tinahak ko ang makipot na daan papasok sa public market. Bumungad sa akin ang sunod-sunod na pwesto ng karinderya. May iilang kumakain ng halo-halo at kung ano-ano pa.

Iginala ko ang paningin sa medyo madilim na looban. May mga ilaw naman sa mga pwesto kaya kahit papano ay katamtaman ang liwanag roon.

Tila maze ang estilo ng public market. May daan pakanan, may pakaliwa at diretso. Bawat sulok ay may nakaabang na daan.

Napadpad ako sa mga pwesto ng mga damit, tsinelas, sandalyas at mga accessories. Mayroon pa lang ganito rito?

Inisa-isa kong pinasok ang bawat pwesto upang tumingin ng pwedeng gawing regalo. Nakailang pwesto rin ako na pinasukan bago nakakita ng pwedeng ibigay.

Tagaktak ang pawis ko paglabas ng public market. Mainit sa loob at iilan lang ang ceiling fan. Hinanap ko ang daan palabas upang bumalik sa pwesto ni Mang Carding.

Nang tuluyan ko itong makita sa 'di kalayuan ay inayos ko ang buhok ko at nagpasyang bumili ng maiinom. Wala naman akong ibang makita roon kundi ang mga nagtitinda ng palamig. Hindi ko pa sigurado kung safe bang inumin iyon ngunit sa uhaw ay napilitan na akong bumili.

"Sampung piso Miss," sabi ng nagtitinda pagkatapos ibigay sa akin ang dalawang supot ng pineapple flavored na palamig. Binilhan ko na rin si Mang Carding dahil nakakahiya namang naghintay siya sa akin. Nag abot ako ng twenty pesos at hinayaan na ang sukli.

"Mang Carding," tawag ko rito at inabot ang palamig.

"Nako, nag abala ka pa hija. Salamat."

Tiniis kong muli ang bawat pagtalbog sa mga bitak ng kalsada. Ayaw ko na sanang sumakay ulit ng tricycle ngunit wala akong ibang mapagpipilian dahil ganoon lang ang maaaring masakyan sa Arnedo. Tanghalian na nang makarating ako sa bahay.

"Mang Carding, magkano ho?" Tanong ko rito at inilabas ang aking wallet. Umiling ito.

"Hindi na hija. Tutal ay ito ang unang sakay mo. Pakonsuelo ko na lamang sayo," nakangiting sabi nito at umiling. Ipipilit ko pa sana ang fifty pesos pero sabi niya ay sampung piso lang naman ang pamasahe. Kaya nahihiya akong nagpasalamat bago tuluyang pumasok sa bakuran ng bahay.

Naroon na ang aming Toyota Innova kaya tingin ko'y nasa loob na ang aking nga magulang. Pagpasok ko ay nahimigan ko ang mga ito sa kusina.

"Empress, kain na," anyaya sa akin ni papa. Naroon na't nakaupo si mama, Toffy at Aling Mayang. Nakahain sa hapag ang adobong manok.

"Alas dos tayo pupunta kila Miguel," anunsyo ni papa sa kalagitnaan ng pagkain.

Dumating ang hapon at suot ang isang dilaw na sleeveless body hugging dress at black strapped wedge sandals ay pumasok kami sa bakuran nila Michiko. Maluwang ito at sa harap ko ay isang malaking bahay na moderno ang disenyo. Napipinturahan ito ng puti at pula.

Bitbit ang isang pulang paper bag ay sinalubong ko ng yakap si Michiko at iniabot ito.

"Happy birthday Michiko!"

"Wow, thanks sa gift, Empress!" Mabilis nitong ginagap ang laman ng paper bag at inilabas ang regalo kong puting lacy dress.

"I'm sorry. I can't find anything better. Walang mall rito eh," paliwanag ko kahit tingin ko'y hindi naman kailangan.

"Ano ka ba? Okay lang, ano. Ganito naman dito." Ngumiti siya sa akin at niyakap pa akong muli.

"Empress!"

Nilingon ko si Kuya Jasper at King na nakaupo sa sofa. Lumapit ako sa mga ito kasama si Michiko. Nagsilapit din si Monette at Mabel.

"Maliligo tayo bukas sa batis!" Excited na sabi ni King. "Maganda sa Carayan. Masarap ang tubig roon."

Sumang ayon silang lahat at nakapagplano pa ng isang picnic. Gusto raw nilang ipakita sa amin ni Toffy ang kagandahan ng Arnedo sa kabila ng pagiging probinsya nito.

Dumating pa ang ilang mga bisita ni Michiko. Karamihan ay mga kakilala nila sa Arnedo College Incorporated. Ipinakilala niya kami sa mga ito.

"Guys, ito si Toffy at si Empress," sabay lahad niya sa amin sa mga kakilala. Halong babae at mga lalake ang mga ito.

"Si Rafael, Cahel, Katy, Bert, Myth, Shane, Jet, Billy at Adelle," isa isa niyang inilahad ang mga ito. "Mga Business Administration din at blockmates ko."

"Ang ganda naman nitong pinsan mo Michikoy!" Mabilis na lumapit sa akin ang tinawag nilang Jet at hinalikan ang kamay ko. Napangiti lang ako ng pilit sa ginawa nito.

"Hoy hoy, Jet! Gusto mo ng sapak?! Wag na wag mong makakalantaryo iyang si Empress at malilintikan ka sa amin ni kuya Jasper!" Maagap na eksena ni King sabay sapak sa kamay ni Jet na nakahawak sa akin.

"Easy, easy!" Nagtaas ito ng dalawang kamay at humalakhak. Geez, nangangamoy play boy. Nakitawa rin ang iba nilang kasamahan.

Nag set ng mga tables at chairs sa labas upang doon kami kumain. May mangilan-iilang puno ng lumboy at mangga na nakapagbibigay ng silong sa amin. Nasa likod na rin ng bahay ang sinag ng araw kaya naging kapakipakinabang ang aninong likha nito upang maging lilim namin.

Nagbukas ng beer ang mga lalake na pinangunahan ni King at kuya Jas. Binigyan din kaming mga babae.

"Umiinom ka ba Empress?" Tanong ni Myth na madali kong nakapalagayan ng loob.

"Oo naman," nakangiti kong sagot.

"Oy, si Luke nandyan na!" Biglang hiyaw ni Rafael na naging dahilan ng paglingon ng lahat sa may gate. "Pre, dito!"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong bote ng beer nang masilayan ang lalaking naglalakad palapit sa pwesto namin. May dala itong malaking babasaging container na naglalaman ng kung anong liquid.

Si Adonis! Get a grip, Empress! Umayos ka! Hiyaw ng maliit na bahagi ng isip ko, ngunit hindi ko alam kung para saan?

Malaki ang ngiti nito na nagpapakita sa kanyang magandang mga ngipin. Nakasuot ito ng itim na pantalon at V-neck T-shirt na kulay gray. Nakaputing rubber shoes at sumasayaw ang suot nitong dogtag necklace habang nakikipag fist bump sa mga lalaking kasama namin. Ang buhok niya ay katulad pa rin noong una ko siyang nakita, magulo at kaakit akit habang tinatangay ng mahinhing ihip ng hangin. Oh God! He's taking my breath away!

"Ay! Empress halika!" Mabilis akong kinaladkad ni Michiko at Mabel. Si Monette ay tahimik na sumunod sa amin.

Kumalabog ang dibdib ko nang makitang papunta kami kila kuya Jas at King na kausap si Adonis. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Michiko. Pinilit kong huminto sa paglalakad pero hinila talaga nila ako.

Teka! Hala, shit! Okay lang ba itsura ko? Literal na napamura ako sa aking isip. Hindi sigurado kung dahil ba sa pagkataranta o dahil sa paghahanap ng dahilan kung bakit ako dapat na mataranta! Come on! I think I just lost my sense and logic!

"Wait.. Michi--.."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tuluyan na nitong kinuha ang atensyon nila King. What the hell is happening? What the hell I am doing? Why the hell I am rattled?

"Luke!" Tili nito habang papalapit kami sa mga ito. Dumako ang tingin ni Adonis sa ngiting-ngiti na si Michiko at Mabel. At sa huli ay pinasadahan niya ako ng tingin bago ibinalik ang tingin kay Michiko.

"Happy Birthday, Michiko!" Bati nito saka inilahad ang hawak na glass container. "May dala akong lambanog."

Tuluyan na kaming nakalapit at mas lalong naging malinaw sa akin ang bawat kurba ng kanyang mukha. His eyes were deep. Napaka expressive ng mga ito, na pakiramdam ko ay mababasa ko ang buong pagkatao niya sa pamamagitan ng pagtitig dito. Ngayon ko lang talaga nasilayan na brown pala ang mga mata niya habang nasisinagan ng liwanag ng araw. Matangos ang ilong at makurba ang mamula mulang labi niya. Ang kanyang dibdib ay bumabakat sa suot na tshirt.

Sandali pa akong natulala nang mapansin ko ang manipis at pa-slant na tapyas sa kanyang kaliwang kilay. He really looked like a god sent down from Mount Olympus! Or was it just me imagining things?

"Luke, this is Empress. Pinsan namin from Manila. Ayon naman si Toffy, kapatid niya," sabay turo niya kay Toffy na tahimik lang na nakaupo sa pwesto namin kanina. Ibinalik niya ang tingin kay Adonis at sa akin. "Empress, si Luke. Kaibigan din namin, taga Arnedo College at blockmate din namin."

Naglahad ng kamay ang lalakeng kaharap ko. "Luke Timothy Marquez," pakilala niya at binigyan ako ng ngiti.

"Empress Cabrerra," pakilala ko din at bahagyang kumabog ang dibdib ko nang maglapat ang mga palad namin.

Mabilis kong binitawan ang kanyang kamay nang makaramdam ng kuryente sa aking katawan. Pakiramdam na tila gumising sa mga natutulog na pakiramdam.

Isang awkward na ngiti ang iginawad ko sa kanya nang makitang pinasadahan niya ng tingin ang aking buong katawan.

"Nice to meet you, Manila girl," wika niya at binigyan ako ng pilyong ngiti bago bumaling kila King at kuya Jas.

What the hell? What did he just say?! Tila nabingi ako sa narinig at agad na nagdulot ng bahagyang pagkainis.

"Nasaan si Kaizer?"

Bumaling ako kay Michiko at nagpaalam na papasok sa loob ng bahay nila. Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila at mabilis pumihit pabalik ng bahay.

Pagpasok ay nahimigan ko ang mga tinig nila Mama, Papa at mga tito't tita sa sala. May masinsinang pag uusap na nagaganap sa pagitan nila.

"Katulad ba iyon ng mga produktong inilalabas natin?" Tanong ni Papa na hindi direkta kung kanino.

"Oo. Malaking kompetisyon ang nagaganap sa pagitan ng negosyo ng Cabrerra at mga Marquez. Kaya hindi pinababayaan ni Carlos ang negosyo dito. Magaling na negosyante at haciendero si Don Lucas. Malaki rin ang sakop nilang lupain. Pupwede nilang masolo ang pag susupply ng mga produkto. Kaya't hindi maaaring pabayaan ang negosyong hawak ni Carlos, kung hindi ay maaagawan tayo ng mga kliyente sa mga inaangkat," sagot ni Tito Miguel.

"Sa madaling salita ay karibal natin ang mga Marquez sa negosyo," pagdidiin ni Tito Julio.

Marquez? Negosyo? Karibal?

Gaano ba kamakapangyarihan ang Marquez na tinutukoy nila at bakit parang napakalaking bagay nito para sa mga Cabrerra? Are they a threat?

Why would I even let those things bug me? It is an adult talk. I'm being too nosey.

Mabilis akong nagtungo sa kusina at nagsalin ng malamig na tubig.

Luke Timothy?

Muntik kong maibuga ang iniinom kong tubig nang sumagi sa isip ko ang guwapong imahe ni Luke. Damn it! He's freaking good looking! And I'd never been this attracted to a man! Basically to a stranger..

At talagang sa isang hamak na probinsyano pa?!

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 224 47
The goddess of hunt meets her Arrow. And they both conquer the sky. Their love turns, spin and reach rock bottom. But the sky shelter them with color...
11.3K 1.6K 54
She was the woman who wanted peace, peace that she could hardly achieve because she came from a family where she was hated. She received insults and...
35K 3.1K 45
Escaping an abusive man who claimed to be her husband is an endless nightmare for Gabriella Almarillo.
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...