In His Paradise (Completed)

Od Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... Více

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 3

600 23 2
Od Sevenelle

Napaso

"You mean niyaya ka ni Amber na sumama sa modeling? Bakit naman hindi mo tinanggap?"

Kasalukuyan kaming magkausap sa Skype ni Molly. Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng lumboy sa gilid ng bahay dahil mahirap ang signal sa loob. Kaya heto at bitbit ko ang laptop at pocket wifi sa labas ng bahay.

Ito ang hirap sa probinsya, taghirap sa signal. Kailangan pang humanap ng tamang pwesto kung saan malakas ang masasagap na signal.

"Wala lang. Hindi naman ako interesado sa pagrampa. Tsaka nagtatrabaho ako ngayon sa firm ni Mom. Summer job," sagot ni Molly. "Eh ikaw? Wala kang pinagkakaabalahan diyan? Isang buwan ka na dyan ah?"

May accounting firm kasi ang mommy niya. Siguro ay pinakiusapan siyang tumulong para makakuha na rin ng experience since may Feasibility Study na kami ngayong darating na pasukan.

"Wala." Nagkibit balikat ako. "Ano namang pagkakaabalahan ko? Pagkausap sa mga punong kahoy at mga baka? Pagtatanim ng tubo at mais? No freaking way!"

Totoo naman iyon. Sa isang buwan na lumipas ay nasa bahay lang ako. Maghapong tulog at sa gabi naman ay babad sa panunood ng movie sa laptop ko. Sinasadya kong magpuyat para pagdating ng umaga ay tulog ako. Dinaig ko na nga ang mga call center agents sa routine kong iyon.

Humalakhak si Molly sa screen. "Wala bang mga pwedeng pasyalan diyan?" Tanong nito na hindi pa rin natitigil sa pagtawa. "God! I can imagine you plowing rice fields Empress! Or even digging holes for unnamed seeds. You suck!"

"Eww! Hindi ko gawain ang magbungkal ng lupa! Kadiri! At kung ang tinutukoy mong pasyalan ay ang palaisdaan, palayan at ang isolated nilang pamilihan ay wag na lang! I'd rather rot in this house the whole summer vacation," wika ko habang nakapaskil ang maarteng ngiwi sa aking mga labi.

Matagal na natapos ang usapan namin ni Molly. Kung hindi pa nalow bat ang wifi ko ay hindi pa ito mahihinto.

Hapon na nang pababain ako ni Aling Mayang, ang kinuhang kasambahay ni Papa. Nirekomenda ito ni Tito Julio dahil kakilala niya ito. Narito raw sa bahay sina Michiko, Mabel at kuya Jasper.

"Ganda!" Panimulang bati ni Michiko nang makita akong pababa ng hagdan. "Bakit hindi ka lumalabas ng bahay? Ayaw umitim?"

"Paanong lalabas ay hindi niya alam ang pasikot sikot rito sa Arnedo?" Sabi ni kuya Jasper. "Nga pala, nasaan si Toffy? Marunong ba iyon magbasket ball? May liga sa bayan bukas ng hapon. Isasama ko sana sa grupo namin."

"Nasa taas kuya Jas. Akyatin mo na lang," tugon ko dito bago ibinaling ang paningin kay Michiko at Mabel. "Anong meron?" Tanong ko saka dumiretso sa sofa. Sumunod naman sila at mabilis na dumating si Aling Mayang para sa merienda.

"Sama tayo sa panunood ng liga bukas? Sa gymnasium sa bayan iyon gaganapin. Mga alas dos ng hapon," ngiting wika niya. "Mag eenjoy ka doon! Maraming tiga Arnedo College na kasama at may mga kakilala rin kami. Ipapakilala ka namin para mayroon ka namang maging kaibigan rito."

Tinignan ko silang dalawa ni Mabel. Naroon sa mga mata nila ang pag asang papayag akong sumama sa kanila. Hindi ko sila kayang biguin sa uri ng tingin na ipinupukol nila sa akin. Sa huli ay tumango ako at magkasunod silang tumili. Natawa na lamang ako.

"Promise! Mag eenjoy ka! Naroon din si Jude. Ipapakilala kita sa kanya," wika ni Mabel na tinutukoy ang nobyo niyang hindi ko pa nakilala.

Napunta pa ang usapan sa mga kakilala nilang taga Arnedo College Incorporated na maglalaro rin sa liga. Mga gwapo raw ang mga ito at makalaglag panga. Sa isip ko naman ay baka mga baduy ang mga ito katulad ng pagkakaalam ko sa mga tipikal na probinsyano.

Mas maraming gwapo sa Maynila. Alaga sa gym ang mga katawan at siguradong mas hot at gwapo kaysa sa mga tinutukoy nila. Ngunit hindi na lang ako kumibo at pinilit makisama sa tawanan nila.

Sila na mga pinsan ko lang ang bumabasag sa ideya kong mga baduy ang mga tiga probinsya. Hindi naman kasi sila baduy kung manamit. May sense of fashion ang mga ito at hindi halatang mga probinsyana't probinsyano. Magaganda at makikisig rin sila. It runs in the blood, huh?

"Ay! Bago ko makalimutan, Empress!" Tili ni Michiko sa kalagitnaan ng tawanan namin. "Birthday ko sa Sabado. Punta kayo nila tito ha? Siguro nabanggit na ni papa kay Tito Topher dahil magkasama sila sa tubuhan kanina."

Pinaunlakan ko ang anyaya ni Michiko para sa ika-dalawampung kaarawan niya. Mas matanda pala siya ng ilang buwan sa akin.

Dito na naghapunan ang tatlo at inihatid ko sila sa labas ng bakod namin.

"Sunduin namin kayo bukas ha? Dadalhin ni kuya Jas ang sasakyan niya," wika ni Michiko bago sila tuluyang nagpaalam.

Dumating ang kinabukasan at tila hindi na makapaghuntay sa unang beses na paglabas ko. Ang akala ko'y mabubulok na ako ng tuluyan hanggang sa dumating ang pasukan.

Nakarinig ako ng busina at ilang sandali pa ay umingay na ang sala namin. Bumaba na ako matapos pasadahan ng tingin ang suot kong high waisted white short shorts at red sleeveless cropped top. Itinali ko ang mahaba kong buhok sa isang mataas na ponytail at nagsuot ng pulang doll shoes. Isinabit ko ang puting sling bag sa balikat ko.

One last look and I'm good. God, I miss wearing my clothes. Bumuntong hininga ako matapos marealize na ito nga pala ang unang pagkakataon na lalabas ako. Ano kayang meron sa isolated nilang bayan? The little amount of curiosity that built up inside me immediately disappeared. I think it was best not to expect at all!

Bumungad sa paningin ko ang mga pinsan kong si Michiko, Mabel at Kuya Jasper. Naroon na rin si Toffy na nakasuot ng paborito niyang kulay itim na Jersey sando at shorts. May tatak itong Cabrerra 21 sa likod.

Si kuya Jas naman ay ganoon rin ang kulay ngunit iba ang disenyo. May nakalagay ding Cabrerra 28 sa likod.

Si Michiko ay naka black na leggings na yumayakap sa mahubog niyang balakang at mahahabang hita. Ang pag itaas niya ay puting V-neck T-shirt. Samantala si Mabel ay naka maong na short na mid thigh ang haba at itim na blouse. Nakarubber shoes din ang dalawa.

"Woah! Saan ang rampa?" Tukso nila matapos akong makita. Gusto kong mapairap.

Ngayon lang ba sila nakakita ng ganitong damit? Normal na normal ito sa Maynila. Mayroon pa rin palang natitira na kaignorantehan sa katawan nila. Akala ko pa naman hindi sila gaya ng mga narito sa probinsya. Bumuntong hininga ako. They're from the province after all.

Sumakay kami sa Everest nila Michiko. Si kuya Jas ang nagdrive. Halos sampung minuto lang ang itinagal ng byahe bago magpark ang sasakyan sa isang sementadong parke. Kaharap nito ang isang establisyemento na nagsasabi ng "Arnedo Public Market"

Nagsibabaan kami ng sasakyan. Sumusunod ako sa kanila habang tinatahak ang konkretong daan patungo sa gymnasium.

"Bilisan natin para makahanap tayo ng pwesto!" Pagmamadali ni Michiko.

Nang makarating kami sa gymn ay halos mapuno na ng mga tao ang bawat bleachers. Mapalad kami at nakahanap kami ng pwesto sa pinakaitaas ng bleachers. Sa bandang ibaba namin ay ang team nila kuya Jasper na puro nakaitim.

Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang hiyawan mula sa mga manunood. Nilingon ko ang sanhi ng kumosyon at natanaw ang mga lalaking nagtatangkaran sa entrance ng gymn.

Tingin ko ay ito ang makakalaban nila kuya Jas. Nakasuot ang mga ito ng kulay green na jersey. Lalong lumakas ang hiyawan nang makaupo ang mga ito sa katapat naming bleacher, sa kabilang bahagi ng court.

Kahit pala sa probinsya ay uso ang fan-girling? Amused kong tinignan ang mga hindi magkamayaw na mga kababaihan.

"Mga tiga Sta. Teresita ang mga iyan. Kalaban natin nila kuya Jas na mga tiga Sto. Ignacio," sambit ni Michiko matapos humupa ang hiyawan. "Katabing lugar lang natin yan. Kasunod ng sa atin. Yong iba sa kanila ay tiga Arnedo College. Ang iba ay high school pa lang."

Pinasadahan ko ng tingin ang mga tiga Sta. Teresita. Halos magkakasingtangkad silang lahat. Karamihan ay moreno maliban sa dalawang lalaking magkatabi sa pinakaharap at pinakaibabang bleacher.

Ang isa ay maputi at medyo tsinito. Nakatayo ang buhok nito at mukhang may lahing intsik. Maganda ang pangangatawan at gwapo. Lalo itong pumuti sa suot niyang berdeng jersey.

Ang katabi naman nito ay hindi niya kasing puti ngunit hindi rin naman moreno. Palagay ko'y tamang kayumanggi lamang ang balat nito. Mas maganda ang hubog ng katawan nito kumpara sa kanilang lahat. Kita ang pagkakahulma ng biceps at triceps nito sa suot na sleeveless jersey.

Ang mga mata nito ay katamtaman ang laki at may malalim na ekspresyon. Maganda ang hubog ng ilong at ang mamula mula nitong labi ay kanyang kinakagat. Nadepina ang matikas nitong panga na lalong nagpagwapo sa kanya. Magulo ang buhok nitong pinaghalong itim at brown.

Nanatili pa ng ilang sandali ang mapanuring tingin ko sa mala Adonis na lalaking ito. Para siyang isang diyos na bumaba mula sa Mount Olympus. Kahit si Crane na kasama ko sa pagmomodelo ay nilagpasan ng kakisigan niya!

Hindi ko namalayan ang tagal ng pagkakatitig ko rito. Naputol lamang iyon nang mahagip nito ang aking pagtitig. Napakislot ako sa kinauupuan na tila binudburan ng asin sa puwet at mabilis na ibinaling ang paningin sa kahit saang parte ng gymn. Tila napaso sa saglit na paglingon ng lalake.

Pull yourself together, Empress! Nakakahiya ka! I am freaking drooling over a godlike stranger! Goodness!

Nagsimula ang laro at hindi na muling dumako ang paningin ko sa lalaking iyon. Pilit ko itong iniwasan sa takot na muling maramdaman ang pagkakapaso sa malalim nitong tingin.

Kasama sa first at second quarter si kuya Jasper at Toffy. Sa second quarter naman pumasok ang nobyo ni Mabel na si Jude. Kagrupo ito ng kalabang kuponan nila kuya Jas kaya hati ang suporta ni Mabel.

Si Jude ay matangkad rin at may kakisigang taglay. Moreno ito at matikas ang pangangatawan. Clean cut ang buhok nitong may pagkabrown na bumagay sa maitim niyang mga mata. Suot nito ang green nilang uniporme na may nakasulat sa likod na Mendoza 05.

Bumalik ang tingin ko sa mga naglalaro at nadaplisan ng aking paningin ang likod ng lalakeng adonis. May nakasulat sa damit nitong Marquez 08. Mabilis kong inilipat ang tingin sa tsinitong maputi. Sa jersey nito ay may nakalagay na Chen 17. Mukhang tama ang hinala kong may dugong intsik ito.

"Nauuhaw ka?" Tanong sa akin ni Mabel na nasa kaliwa ko sabay abot ng isang bote ng mineral water.

"Salamat."

Sumimsim ako sa bote at naibsan ang uhaw na hindi ko namalayang naroon pala. Naghiyawan ang mga tao at natuon ang atensyon sa isang kagrupo nila kuya Jasper. Humilata ito sa court at ininda ang binti.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Michiko na mukhang gulat rin sa pangyayari.

"Na sprain yata," aniya.

Ang lalake ang inalalayan at pinabalik muna sa bleacher kung nasaan ang team nila kuya Jas. Binigyan ito ng paunang lunas at hinilot ang binti nito.

Nagpatuloy ang laro at nangunguna ang kampo nila kuya Jasper. 64-67 ang score. Naging tensyonado ang buong gymnasium nang isang minuto na lang ang natitira sa oras.

Umakyat sa 70-72 ang score kung saan lamang parin ang mga tiga Sto. Ignacio na team nila kuya Jas. Umusbong ang hiyawan ng mga taong sumusuporta sa Sta. Teresita.

Kita ang pagod sa lahat ng players. Hindi ko na naiwasang dumako ang tingin ko sa Adonis na estranghero. Basa ang mga hibla ng itim at brown nitong buhok. Kumikinang ang mga braso nitong basa ng pawis. May mga butil ng pawis sa gilid ng noo nito. And yet, he looks so adorable. Hindi ito nakakadiring tignan. Bagkus ay dumagdag pa ito sa kanyang appeal. Gracious! How could You send this angel down to this earth?

Hindi ko namalayan ang paghinto ng hininga ko. Damn it, Empress! Stop acting like a maniac! Pinagalitan ko ang sarili sa aking isip.

Tatlumpung segundo na lang ang natitira at dumadagundong sa cheer ang mga manunood. Hati ang suporta ng mga tao.

Ilang sandali ay napunta kay tsinitong puti ng Sta. Teresita ang bola at mabilis na ipinasa sa nakaabang na Adonis sa three-point lane.

Limang segundo at inasinta nito ang ring. Mabilis na kumawala ang bola sa kanyang malalaking kamay at diretso ang pasok nito sa loob ng ring.

Umusbong ang hiyawan kasabay ng pagtunog ng bell hudyat ng pagtatapos ng laro. Nanalo ang mga Sta. Teresita sa lamang na isang puntos, 73-72.

Nakipagkamayan ang bawat kuponan at bumalik sila kuya Jas sa pwesto malapit sa amin.

"Sayang!"

"Halimaw talaga iyong si Marquez!"

"Better luck next time!"

Kanya kanyang reaksyon at tuksuhan ang naganap sa ibaba ng bleacher na kinauupuan namin. Nanatili ang tingin ko sa kalabang kuponan, partikular sa Adonis na nagpupunas ng mga kumikinang niyang pawis. Damn, bakit ang gwapo niya?

Nakita ko pa si Mabel na lumapit kay Jude at inabutan ito ng tuwalya at tubig. Nag iwas ako ng tingin.

"May gagawin pa ba?" Tanong ko kay Michiko.

Tumango ito. "Kila Monette tayo," tugon niya na ang tinutukoy ay ang bahay nila Tito Julio at Tita Mariz. Napansin ko ngang wala pala ang kambal na King at Monette rito.

Isang sulyap pa ang iginawad ko sa Adonis bago ako sumunod sa mga pinsan ko pabalik ng sasakyan. Naabutan ko itong masayang nakikipagtawanan sa kaharap na tsinitong puti. Nangingislap ang mga mata nito habang tumatawa at lalong gumulo ang buhok.

Shit, talaga. Ang gwapo!

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

35K 3.1K 45
Escaping an abusive man who claimed to be her husband is an endless nightmare for Gabriella Almarillo.
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1K 687 30
"A wolf in a sheep's clothing," I called myself like that but they never found out because they were all deceived by my angelic features. People are...
5K 211 31
She's the opposite of good and she knew it, hindi siya ang ideal daughter, ayaw niya na binabangga o ginagalit siya at alam rin iyon ng mga tao. Anon...