"Hoy Reyes! Late ka nanaman! Akala ko ba 7:30 ang meeting? E 8 na oh! 30 minutes kang late!"
"Sorry na Perez! Eh kase....."
"Eh kase ano? Lagi ka nalang ganyan! Panay eh kase, eh kase! Hmph! Dyan ka na nga.."
"Teka pano meeting? Di ka aattend?"
Di na ko sumagot, naglakad na lang ako palayo
Ako si Koolyn Perez. At yung kausap ko? Si James Reyes. Kababata ko yan, at simula pa noon e lagi yang late! At sa tuwing susumbatan ko e ang sinasagot lang sakin puro 'Eh Kase' !! Sino ba namang himdi maiinis?!
Kinabukasan...
Nandito ako sa Complex. May laban kase school namin ng basketball. At si James e captain ng team. Oo aaminin ko CRUSH ko po siya... Pero tinatago ko yun at nagpapakaastig para di niya malaman... Bakit? Kase ako ang 'girl version ng torpe'
"Perez! Cheer mo ko ha?" sigaw niya
Napatingin naman lahat sakin.
"Shocks! Sino yang girl?"
"Eeew ha! Ang baduy niya. Uso pa ba yung suot niya? Masyadong vintage!"
Sabi nung mga babaeng mukhang kamatis dahil sa kapal ng makeup!
Pangasar talaga to! Alam niyang iinsultuhin ako ng mga tao kaya niya sinigaw yun!
Natapos na yung game. Panalo team namin. Siyempre, si James nagpanalo. MVP siya
"Grabe ka Perez! Di mo manlang ako chineer! Di ka man lang ba proud sa bestfriend mo?"
O diba! bestfriend lang talaga!
"Psh! Wala namang thrill yung laban niyo, halatang pinanalo lang kayo ng kalaban niyo. Next time nga mejo galingan niyo pa. Nakakahiya kayo eh!"
Napatingin ako sa kanya at nakita kong lumungkot yung mukha niya
"Yabang mo naman..."
Ouch... Nasobrahan ata ako sa mga nasabi ko.
Napayuko lang ako
"Uhmm--"
"Geh, una na ko. Di na kita mahahatid. May Victory Party kami. Sama ka kung gusto mo, kung ayaw mo uwi ka na. Ge ingat" tapos ngumiti siya ng pilit.
Nasaktan ko nga siya.. Usually kase pag may victory party hindi niya ko pinapayagang hindi sumama. Lagi akong sumasama dahil sakanya... Pero ngayon, mukhang wala talaga.
JAMES REYES' pov
Nandito na ko sa Bistro. Panalo kase team namin. Nirentahan namin yung bistro, partida kase kapatid ni coach yung may ari
"anjan na pala ang MVP eh!" bati sakin ni coach pagpasok ko. Nagpalakpakan at naghiyawan sila
"Haha, kayo naman. Lahat naman tayo nagpanalo, sadyang mas magaling lang ako sainyo" sabi ko tapos umupo na
"Haha sira ulo ka talaga" sabi ni Gab. Teammate ko
Pagkatapos ng kainan, inuman sesion na. Libre ni Coach siyempre. Nagsasayawan sila pero biglang lumapit sakin si Gab
"Pre, si Koolyn asan? Ngayon lang siya hindi nakasama sa Victory Party ah? Mostly lagi siyan nandito"
"Ahhh... Wala.. Di raw siya pupunta. Tinatamad ata" excuse ko
"Ha? Eh..." napatingin ako kay Gab "Eh sino yang papasok? Kalokalike ni Koolyn?"
Napatingin ako sa may pintuan
Si Koolyn nga.
"andto pala siya eh! Bat sabi mo di pupunta? LQ ba kayo?"
"Lul! LQ ka dyan ni hindi nga kami niyan eh"
"sus! Pero matagal mo na namang gusto maging kayo?!"
"Tanong ba yan o statement?"
"Uhmm... Both?"
"Psh..."
"Sabi na eh. Mahal mo no?"
"Di ah. Bestfriend ko yn!"
"Bestfriend nga lang ba?"
"oo"
"Mamatay ka man?"
"Oo na! Mahal ko yan! Mahal ko higit pa sa pagiging bestfriend!"
"yun naman pala eh! Amin amin din tol"
"Saka na! Pag may time"
"Hi guys" si Koolyn.
"Oh Hi Koolyn!" sabi ni Gab "uhm, guys.. Una muna ko, mukhang masaya ginagawa nila dun eh. Ge bye!"
Loko talaga yun. Halatang iniwan talga kami
At yun naiwan kami ni Koolyn dito
KOOLYN's pov
Naiwan kami ni James dito. Pinilit kong pumunta. Sabi kase ni Gab kailangan ko raw pumunta. Kung hindi raw eh, Siya magsasabi kay James kung ano nararamdaman ko. Kaya ayun, nagkandarapa ako sa pag mamadali
"James." pag uumpisa ko ng convo
"Bakit?" cold niyang sagot
"Galit ka?"
"Hindi"
"Ah good..."
"Bakit ka nandito?" sabi niya nang hindi natingin sakin.
"Ah.. Eh... Wala." sabi ko
"Ah geh.." tipid niyan sabi
Ugh! Naiinis na ko! Akala ko ba hindi siya galit? Eh bakit tinitipid niya ako sa mga sagot niya?
"ANO BA?" napatayo ako sa galit ko, nakatingin ako sakanya pero hindi parin siya nakatingin sakin
"bakit?" sagot niya. Hindi naman ako rinig ng mga tao kase malakas yung tunog ng kanta dito sa bistro.
"AKALA KO BA HINDI KA GALIT?!?! EH BAKIT ANG TiPID NG MGA SAGOT MO SAKIN?"
Hindi parin siya sumasagot o kaya natingin. Napatingin ako sa tinitignan niya, at nakatingin siya kay Gab.
Hindi kaya huli na ko? Hindi kaya nasabi na ni Gab yung nararamdaman ko sakanya at nailang siya? Shtbricks!
"DAHIL BA KAY GAB? Dahil sa mga sinabi niya?" napatingin na siya sakin. Gulat yung itsura niya "naiilang ka ba? Sorry ha, hindi ko naman balak na sabihin sayo eh. Pero wala eh, minahal kita... Minahal kita higt pa sa kaibigan. Kaya kung naiilang ka, sabihin mo sakin. Hindi yung pinagmumukha mo kong tanga at tinitipid sa mga sagot!" sabi ko. Di ko napansin natulo na pala ang luha ko.
Nag hintay ako ng limang segundo sa sagot niya. Pero wala, nakatingin lang siya sakin
"Sorry, sana di ko nalang pinilit at sinigawan ka. Sige aalis na ko. Oonga pala, hindi ko pinagsisihang minahal kita. Bye"
Hinawakan niya yung braso ko
"Sorry.... Pero hindi kita mahal"
Lalong bumilis ang agos ng luha ko. Sobrang sakit.....
"He-he..." pilit kong tawa "Sabi na eh... S..sige alis na ko Reyes"
Hinigit ko yung braso ko para mabitiwan niya.
"Teka, hindi nga kita mahal. Kase--"
Masakit! Trumiple yung sakit. Kailangan bang ipamukha niya sakin at ulitin pa?
Lumingon ako sakanya nang naiyak. Di ko na pinatapos sasabihin niya
"Alam ko James. Pero wag mo namang ipamukha sakin. Okay na ko sa isang beses na narinig ko yun. Hindi mo kase alam kung gano kasakit eh" iyak parin ako ng iyak
"Alam mo.." sabi niya habang naglalakad papalapit sakin "kahit kelan..." kinakabahan ako sa sasabihin niya "Ang daldal mo. Hindi ka talaga marunong maghintay. Hindi pa kase ako tapos... Hindi nga kase Mahal!!! Kase Mahal na mahal na mahal na mahal kita" sabi niya nang nakasmile sakin
Yang smile na yan. Yan ang dahilan kung bakit ako ginaganahan pumasok ng school araw araw at yan ang dahilan kung bakit laging gumagaan ang loob ko.
Nabigla ako sa lahat ng sinabi niya. Pero mas nabigla ako nang magdampi ang labi namin at sabihin niyang Mahal niya ko noon pa.
Pagkatapos nang lahat ng nangyare, back to normal kame. Asaran, kulitan. Pero ang pinag bago eh may kasama nang 'I love You' at hindi na surname ang tawagan namin kundi endearments na.
Iba pala yung feeling at sarap
Yung Sarap ng pakiramdam pag mahal ka ng mahal mo.