Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)

By whitepal

59.3K 2.9K 1.7K

*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Interlude (Read please!)
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Interlude 2 (Possible Book 3!?!?!?)
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
I'M BACK!
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
TO MY READERS! PLEASE READ!
Chapter 36

Chapter Twenty-Seven

1.1K 77 41
By whitepal

AUTHOR'S NOTE  

WARNING! Kumapit na kayo. Lubusin niyo na ang mangyayari sa chapter na ito. Tandaan nasa roller-coaster tayo guys! Wahahaha! Anyway, sorry sa delay. I'll try to finish Chapter 28 and 29 tomorrow and Sunday.

======================================================

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com

CHAPTER TWENTY-SEVEN

RAY

Hinawakan ko ang nanlalamig niyang braso. Hindi ako mapakali. Sobrang putla ng kanyang mukha, kapansin-pansin ang malalim niyang paghinga.

"Kumalma ka muna, baka himatayin ka niyan." Sabay ngiti at harap sa kanya, hinawakan ko ang magkabilang mukha niya. Nagbitiw siya ng pilit ngiti, yung ngiting Rome na labas ang dimples. Hay.

"Hoy sobra na iyan ah!" sigaw ni Lyn. Lumingon ako sa kanya.

"Manahimik ka nga Lyn! May phobia na nga yung tao eh!" irita kong sigaw sa kanya. "Be considerate!" kahapon pa kasi siya. Bwisit.

"Buti nga!" Si Jess. Inirapan siya ni Lyn.

"Opportunista talaga. Gusto lang humawak kay Rome." Sabat ni Gel. Nag-init ang tenga ko sa narinig, parang lahat ng dugo sa katawan ko'y umakyat sa ulo ko. Akmang sisipain ko siya sa mukha'y bigla akong hinawakan ng napakahigpit ni Rome. Tumingin ako sa kanya. Umiling siya, kahit pinipigilan ako'y bakas pa rin sa mukha niya ang takot. I gave a deep sigh, pilit pinakalma ang sarili.

"Sir ready na kayo?" tanong ni Manong na nag-ooperate. Tumingin ako kay Rome. Ngumiti siya sabay thumbs-up.

"Sige po kuya game na." Agad kaming umupo ni Rome.

Ilang segundo pa'y unti-unti kaming hinatak ng parachute palayo sa inuupuan namin hanggang sa naramdaman kong nakalutang na ang mga paa namin sa ere. Pataas ng pataas, kasabay nito'y lumundag ang adrenaline ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Para akong isang ibong nag-umpisang lumipad. Naramdaman ko ang malamig na hampas ng hangin na siyang unti-unting nagdadala sa amin sa itaas. It's exhilarating.

Napatingin ako kay Rome, pikit na pikit siya at hindi maipinta ang mukha, kapansin-pansin din ang malalim niyang paghinga. Ang putla na niya at parang hihimatayin anumang oras. Kinilabutan ako sa nakita, natatakot sa maaaring mangyari sa kanya. Bigla kong hinawakan ang kanyang kamay. A spark of electricity hit me, napangiti ako.

"Nandito ako... Huwag kang matakot." Bulong ko sa kanya.


ROME

Halos malagutan na ako ng hininga nang marinig ko ang isang musika, unti-unti nitong pinakalma ang nagwawala kong sarili. Alam kong boses mo yun. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata, nakangiti ang maganda mong mukha. Ang higpit ng pagkakahawak mo sa akin.

"Look around Rome, slowly." Bulong mo sabay pisil sa kamay ko. Hinaplos ko ito paikot gamit ang aking thumb. Nagtama ang ating mga mata, nakita ko rito ang assurance na ligtas ako, dahil nandito ka sa piling ko.

Unti-unti kong napansin ang ganda ng kapaligiran. Naglalaban ang kulay asul at pulang dagat, tinatamaan ito ng papalubog na sinag ng araw, parang kumikinang na ginto. Napatingin ako sa ibaba, ang layo ng ating paa sa dagat at sa speedboat na parang langgam sa aking paningin. Nakakalula, para akong hihigupin ng dagat, pero sa tuwing naaalala kong hawak-hawak mo ang kamay ko'y napapawi ang anumang pag-aalala ko. Tumingin ako sa harap, nakita ko ang kulay green na mga isla, humalo ang kulay nito sa mapulang sinag ng araw. Everything is peaceful.

Tumingala ako, nakita ko ang pagsasayaw ng kulay asul, pula, at violet na ulap, parang abot kamay ko ang mga ito. Para akong isang batang nangangarap na abutin ang langit, ang pangarap ko, at ngayon ay abot kamay ko ito lalo na't kasama kita.

"Uy, nakangiti na siya." Sambit mo. Dito ko lang napansin na nag-eenjoy na pala ako. Even if it's 300-400 ft. below ay hindi ako nakaramdam ng takot.Tumingin ako sa iyo, kitang-kita ko ang pagkislap ng mata mo.

"Pagkauwi ko from Tokyo last year, I undergone a treatment. Gusto ko ma-overcome ang aerophobia ko. Minsan pa nga tumitingin ako sa bintana ng hotel ni Mr. Kyou para sanayin ang sarili ko. Unti-unting nawawala ang takot ko sa pagdaan ng panahon pero ngayon lang ako totoong kumalma. Siguro kasi kasama kita." Sabay ngiti.

"Weh."

"Oo nga." Sagot ko habang sinisipa-sipa ang paa na parang isang bata.

"Saan mo ba kasi nakuha ang aerophobia mo?" Natahimik ako. I don't want to remember that part of my life. "Okay lang kung ayaw mo sabihin." Nagbago ang tono ng boses mo.

"Nakuha ko ito noong nakasama kita sa Beijing, nahulog ako sa ganda mo eh." Sabay ngiting nakakaloko.

"Ha!?" windang mong sigaw.

"I got you." Humalakhak ako. Lalong humigpit ang pagkakahawak mo sa akin habang pinipisil-pisil ng paulit-ulit ang kamay ko sabay irap sa akin.

Narinig ko ang malakas na hampas ng hangin, nakakabingi. Ang tahimik natin, binasag ko ito.

"I've finally overcome my fear. Now it's your turn." Tukoy ko sa takot mo.

"How?" Tanong mo. Nakuha mo ang ibig kong sabihin.

"From this day, please let me enter your heart, let me hold your hand kagaya ng ginawa mo sa akin."

"I don't know how." Huminga ka ng malalim. Tinuon mo ang mata mo sa malayo.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Muli tayong kinain ng katahimikan. Naiintindihan kita, kagaya ng dati'y hindi kita mamadaliin.

Tumingin ako sa malayo, nakita ko ang papalubog na araw, sa harap nito'y nakita ko ang lumulundag ng mga maliligalig na dolphins. Sa ibabaw ng araw ay nakita ko ang mga ibong patuloy na lumilipad, they're flying towards the sun, magkakasama at malaya.

"Buti pa ang mga ibon malaya, walang problema." Sambit mo sabay hinga ng malalim.

"Bakit kasi hindi mo palayain ang sarili mo?"

"Ikaw ba pinalaya mo na?"

"Pinalaya?" kunut-noo kong tanong.

"Naamin mo na ba sa sarili mo ang totoong Rome?" His eyes gave me clues.

"Anong sinasabi mo?"

"You're always saying na lalaki ka, na straight ka. Pero sabi mo mahal mo ako, and you want to be with me, to marry me. I'm not questioning your sexuality, wala naman akong pakialam sa label eh, pero gusto ko malinaw mo sa sarili mo kung sino ka."

Natameme ako. Ewan ko, ang alam ko ay lalaki ako, pero hindi ko ikakailang mahal kita.

"Ayokong mag-isip ng kahit na ano ngayon Ray. Gusto kong lubusin ang oras na ito, kasama ka."


RAY

Tama siya. Bakit ba ang dami kong iniisip? Siguro kasi ngayon lang kami nakapag-usap ng maayos. I must admit, the thick-wall that my inner self built is slowly melting, pero ramdam ko rin ang pagpupumilit nitong muling itayo ang nabubuwag na depensa, and pader na pumuprotekta sa akin sa mahabang panahon.

"Breathtaking." Pagbasag ni Rome sa katahimikan.

"I always love sunset, but this is the prettiest sunset I've ever seen." Sabay hinga ko ng malalim. Biglng sumagi sa isip ko ang meaning ng sunset para sa akin, it's the end of something, but it's also a new beginning.

"Pangarap mong makita ang ganda ng mundo di ba? Kasama ang taong mamahalin mo at mamahalin ka habang buhay. Tama?" nakangiti niyang tanong. Dahan-dahan akong tumango. Sinabi ko iyon sa kanya last year sa Mt. Fuji. Pumikit siya. "At ako pangarap kong makita ang ganda ng mundo kasama ang pinakamagandang tao, ang taong mamahalin ko habang buhay." Ngumiti siya, labas ang dimples. Dahan-dahan siyang dumilat, tinuon ang mga mata sa malayo at pagkatapos ay pinisil ang kamay ko. "Unti-unti nang natutupad iyon. Kasi ngayon pinagmamasdan ko ang mundo kasama ka."

Natutunaw ako sa kanyang tingin, parang hinahalukay ang lahat ng sa akin, sagad hanggang kaluluwa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin.


ROME

Humalik ang malakas na hangin sa aking pisngi, ramdam ko ang init na sinag ng araw na tumatama rito. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko'y siyang pagbagal ng paghinga ko, hindi ito gawa ng takot, kundi pagkasabik sa pagmamahal na nararamdaman ko sa iyo.

Tinitigan ko ang napakaganda mong mukha, maliwanag ito gawa ng tinatamaan ng papalubog na araw. Naramdaman kong dumikit ang noo nating dalawa, dahan-dahan kong hinalikan ang noo mo, pagkatapos ay ang pisngi mo. You gently rubbed your nose to mine, nagdulot ito ng kiliti sa akin. Naramdaman ko ang mainit mong hininga. Sa pagpikit ng aking mga mata ay unti-unting kinain ng kadiliman ang iyong mukha, senyales na nagdikit ang mainit nating balat kasama ang mapula at malambot nating labi.

Sumabog ang puso ko, tumigil ang ikot ng mundo ko, narinig ko ang pag-awit ng hangin sa aking tenga. Hinaplos ko ang iyong mukha, naramdaman ko ang kamay mo sa aking dibdib, bawat haplos mo ay nagdulot sa akin ng saya na hindi ko kailanman naramdaman sa iba. Hindi lang katawan ko ang lumilipad at nasa langit ngayon, pati kaluluwa at buong diwa ko. Unti-unting gumalaw ang labi ko, ganoon ka rin, para tayong magkasintahan na sabik na sabik sa isa't-isa. Kinain tayo ng sinag ng araw, ng hangin, ng langit. This one is different, it's incomparable. Everything is real, transparent, and magical. Tumulo ang mainit na luha mula sa aking mga mata, luha ng kaligayahan.

Kinain ng dagat ang araw, pero magkadikit pa rin ang mga labi natin. Lahat ng bagay natatapos, hindi man posible, pero ayokong matapos ito... Gusto kong manatili rito, manatili tayong ganito, forever.


ITUTULOY

SPECIAL NOTE: If you enjoy this story, please vote for it. YOU CAN VOTE EVERY CHAPTER. COUNTED PO ANG BAWAT VOTES. :-)

Continue Reading

You'll Also Like

38K 3.2K 46
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
4.9M 319K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...