She's the Gangster's Bitch...

By niknicx

1.9M 29K 2K

So, you're THE GANGSTER???! Well I'm THE BITCH! I DARE YOU, to fall in love with me.... Ang storyang ito ay R... More

Important Matters
Prologue
Prologue - FULL VERSION
Chapter 1 - "The Flashback Starts"
Chapter 2 - "Meet THEM"
Chapter 3 - "First Day - Part One"
Chapter 4 - "First Day - Part Two"
Chapter 5 - "Practice? Oh ow..."
Chapter 6 - "Contest Jitters"
Chapter 7 - "The Contest"
Chapter 8 - "Who is he?"
Chapter 9 - "Suspicions"
Chapter 10 - "She's Broken"
Chapter 11 - "Victory Party"
Chapter 12 - "Challenge Accepted"
Chapter 13 - "Bitch's Plans"
Chapter 14 - "Hello Singapore!"
Chapter 16 - "He likes me? He likes me not."
Chapter 17 - "Boy Next Door"
Chapter 18 - "His or His Moves?"
Chapter 19 - "Let me Court You"
Chapter 20 - "Back to School.......with HIM?"
Chapter 21 - "Tanoli 101"
Chapter 22 - "Twisted Mind"
Chapter 23 - "He's Mr. Gangster"
Chapter 24 - "Without Him"
Chapter 25 - "Revelation"
Chapter 26 - "Everything has Changed"
Chapter 27 - "Everything About HIM"
Chapter 28 - "He's Definitely my Boyfriend"
Chapter 29 - "Torn Between Two Lovers"
Chapter 30 - "Dark Agenda"
Chapter 31 - "The Hunter's Burden"
Chapter 32 - "Is it Over?"
Chapter 33 - "The Traitor"
Chapter 34 - "The Wedding"
Chapter 35 - "Her Greatest Downfall"
Chapter 36 - "Commander's Revenge"
Chapter 37 - "Jasmine on Duty"
Chapter 38 - "Her Lost"
Chapter 39 - "The Bitch is Back"
Chapter 40 - "Parting Time"
Chapter 41 - "Mr. Adriano"
Chapter 42 - "Grand Ball - Part 1"
Chapter 43 - "Grand Ball - Part 2"
Epilogue

Chapter 15 - "Falling"

40.3K 698 155
By niknicx

Yuri's POV

"Get in."

"Huh?", shetness, kanina pa ko natutulala sa hotness ng Chad my loves ko.

"I said, get in the cab.", oooooowwww, I see. Pasenya naman, kung ganito ba naman kasi ka-ADONIS ang nasa harap mo, talagang mapapatulala ka nalang with matching paglalaway. JOKE :))

Sumakay na ko sa backseat nung taxi, tapos si Chad naman, nakita kong nilagay sa compartment sa likod yung maleta ko, NIKIKILIG AKO! HAHAHAHA! Tapos ayun, sumakay na din siya sa taxi, pero ano pa nga ba ineexpect ko, syempre hindi niya ko tinabihan noh! Dun siya sa passenger seat umupo, baliktad nga pala ang pwesto ng seats dito sa mga sasakyan sa SG, nasa kanan ang driver's seat :)

"Nihao, wo xiang qu Pasir Ris.", WOOOAAAH! Laglag ang sexyng panga ko. OW EM! Ang sexy magsalita ng Mandarin ni Chad! Teka, ano ba sinasabi niya kay mamang driver? He loves me daw? Hahaha!

"Hao.", sagot naman ni mamang driver na may kasama pang konting bow.

"Xie xie.", sagot naman ulit ni Chad with a super duper hot voice. Myghaaaad! Nakalimutan kong magsuot ng extra panty! Konti nalang malalaglag na!

*kalabit kalabit*

"Psssst! Chad! Ano yung sinabi mo?", tanong ko kay Chad. Lumapit pa ko sa kanya, bale yung malaDyosa kong mukha ay halos maipatong ko na sa balikat niya. Kasi nga diba, nasa passenger seat siya, tapos ako naman nasa backseat.

"Tsss. Sabi ko sa Pasir Ris tayo pupunta. Dun nalang tayo sa townhouse ko kesa sa hotel. May mga gamit ako dun.", sagot naman niya nang hindi manlang ako tinitignan.

"Aaaaaaaaahhhh. Okay! Eh saan ba yung Pasir Ris?", tanong ko.

"................................................." - Chad

=____________= Sabe ko nga tatahimik nalang ako diba? Mabuti pa umidlip muna ko, nakakaantok din yung flight kanina eh.

******************************************

Dilat....Pikit........ Kurap kurap.......

TEKA!! NASAN NA KO!! Ang lambot ng kama ko, ang bango ng paligid. May lampshade na nakabukas sa side table ko. Panaginip lang ba lahat yun? Napatingin ako sa bintana, madilim na sa labas.

"Sige na Manang, ako na po bahala dito, magpahinga na po kayo.", boses ni Chad yun kung hindi ako nagkakamali.

Nakahinga ako ng maluwag, hindi ito panaginip. Naalala ko na lahat, nakatulog ako sa taxi kanina. Teka, KALAHATING ARAW AKO NATULOG? Haaaaay! Ano ba yan! Sayang naman yung time na makakasama ko si Chad dito! Pero okay lang! Binuhat niya ko kanina papunta dito sa kwarto for sure! Buwahahaha!

Nagmadali akong bumangon para makapaghilamos na muna sa banyo tsaka magtoothbrush. Pagkatapos ng mga seremonyas ko sa banyo, dali dali akong lumabas ng kwarto para puntahan si Chad.

"Chaaaaa----"

"Gising ka na pala.", sabi niya. Nakaupo lang siya sa sofa na nakatalikod saken. Nanonood lang siya ng basketball sa tv.

"Ah oo. Sorry Chad my loves! Hindi na tulo-----"

"Matutulog na ko. May pagkaen sa lamesa, niluto ni Manang. Pinauwi ko na siya, may sakit.", hindi nanaman niya ko pinatapos magsalita. Pinatay na niya yung TV tapos dere deretsong pumunta sa kwarto niya, which is katapat lang nung kwarto ko.

Haaaay, ganun ba talaga niya ko kaayaw kausap? HOOOO! Inhale exhale Yuri! Atleast kahit pano kinakausap na niya ko kesa dati :)) Tapos, kasama ko pa siya ngayon sa iisang bahay, para kaming mag asawa! :)) And take note, WALA KAMING IBANG KASAMA DITO! Howmaygad!

So ayun na nga, naiwan na ko mag isa dito sa sala. Nilibot ko ang mata ko para tignan ang paligid. Ang ganda nitong bahay, hindi naman kalakihan pero mas malaki pa din to sa bahay namin sa Pnas. Halatang mamahalin lahat ng gamit. May piano sa pagitan ng sala at ng dining room, sana marinig kong tumugtog si Chad :)

Haaaay, pano pa ko makakatulog nito kung maghapon na kong tulog kanina? Pumunta nalang ako sa kitchen, sabe kasi ni Chad may pagkaen daw, titignan ko lang naman pero parang wala pa rin naman akong ganang kumain.

Habang naglalakad ako papunta sa kitchen, may isang picture frame akong napansin, nakapatong malapit sa divider ng kitchen at ng dining room. Picture ni Chad na may nakaakbay sa kanya na lalaki. Parang ang saya-saya nilang dalawa, iba yung ngiti ni Chad dito, halatang totoo yung saya niya. Hindi kaya ito yung sinasabi ng iba ng kuya daw niya? Infairness kasing gwapo siya ni Chad my loves ha :) Pero nasan na kaya yun?

Dibale na nga! Tinuloy ko nalang ulit ang pagpunta sa kitchen. Ayun, may pagkaen nga sa lamesa, ANDAME! Parang may handaan! Grabe talaga tong mayayaman, kahit ordinaryong dinner lang kala mo fiesta! Kaya lang kahit isa wala akong alam kung anong putahe ba to! Ang sosoyal ng itsura, maygudness!

Ang sasarap ng itsura, nakakahinayang tuloy kainin. Hahaha! Bigla ko tuloy naisip, kumakaen kaya si Chad ng simpleng lutong bahay? AHA! Umilaw nanaman ang sexy lightbulb sa utak ko :) Tutal, wala rin naman akong gagawin magdamag dahil nga hindi na ko inaantok, pagluluto ko nalang si Chad my loves, para pag gising niya bukas, magayuma, este, matikman niya ang luto ng diyosa!

*Kinabukasan

"GOOD MORNING CHAD MY LOVES!", sigaw ko with my ultra mega sexy smile habang bumababa ng hagdan si Chad.

"..................................", nakatingin lang po siya saken. Ba yan! Di manlang ako batiin, pero okay lang! This is it! Sana kainin niya tong niluto kong walang iba kundi, tinolang manok! My favorite :)) Malay niyo naman magustuhan niya diba? Edi pareho na kami ng favorite!

Sinalubong ko na si Chad, ang bagal kasi maglakad. Nang makalapit na ko sa kanya, sabay kapit ako sa braso niya, ayun tinignan lang ako ng masama, pero HINDI NIYA KO PINIGILAN! :)) GHAAAD! Ang bango bango! HMMMMM!

"Tara na Chad! Sabay tayo magbreakfast ha?", nakangiti pa ring sabi ko habang hinihila siya papunta sa dining table.

"Hindi ka natulog?", KINAKAUSAP BA NIYA KO! Oo na! Ako na OA! Angal ka? Pero dahil masaya ako ngayon, kakalimutan ko munang bitch ako :)

"Hindi na kasi ako inantok Chad eh. May surprise ako sayo! :)))", super duper ngiti pa din ako. Tapos ayun, pinaupo ko na siya sa may dining table. Naghain na ako kanina para ready na agad pagdating niya. Yung tinola nalang ang kulang kasi pinakulo ko pa ulit para mainit yung sabaw :) Fried rice and tinola ang breakfast namin ngayon.

Pinatay ko na yung stove tapos kumuha ako ng mangkok para masalin ko na yung tinola. WEEE!!! Excited na ko patikman to kay Chad! Sigurado akong first time niya makakatikim nito, tapos ako pa yung nagluto :)) Ang saya saya nam----

"ARAY!", araykupo! Napaso ako nung kumukulong sabaw! Ang saket!

"ANO NANGYARE?!!!"

O__________O

Ang bilis! Ang bilis bilis niya! Nataranta ba talaga siya? May concern siya saken? Bigla ko nalang nakita na hawak hawak na ni Chad yung napasong kamay ko. Tapos binuksan niya yung gripo sa lababo, tinapat niya dun yung kamay ko.

"BAKIT BA KASI HINDI KA NAG IINGAT! NAPAKA-CARELESS MO! LAGE KA NALANG NAPAPAHAMAK! PWEDE BA KAHIT MINSAN MAG-INGAT KA NAM------Sorry. Kumaen na tayo."

Bigla niyang binitawan yung kamay ko tapos umupo na ulit siya. Hindi na ko nakapagsalita, natulala nalang ako. Tama ba lahat ng narinig ko? Sinigawan niya ko di ba? Malakas at malinaw naman yung sinabi niya. Lagi akong napapahamak? Bakit niya nasabi yun?

Kahit naguguluhan pa ko sa mga narinig ko, kinuha ko nalang ulit yung mangkok na sinalinan ko na ng tinola tapos pinatong ko na sa harap ni Chad.

"Tikman mo Chad, ako nagluto niyan!", nakangiting sabi ko na parang walang nangyari kanina. Ang awkward kasi eh. Nakatingin lang siya dun sa niluto ko, sabe na eh. Parang hindi talaga niya alam kung ano to.

"Aahh, Chad, tinolang manok yan.", napatingin siya saken.

"H-hindi ako kumakaen ng manok.", HAAAAA!! Hindi siya kumakaen ng manok? Bakit hindi ko alam yun? Ni-research ko pa naman yung lahat ng ayaw at gusto niya. Ba yan! Para tuloy akong naluge ngayon. Haaaaaaay.

"Masarap ba to?", napatingin ako kay Chad nang sinabi niya to.

"OO NAMAN CHAD! Sinarapan ko talaga ang luto para sayo.", nabuhayan ako ng loob nung kinuha niya yung serving spoon. Kinuha ko naman yung lalagyan ng fried rice tapos nilagyan ko yung plato niya.

"Lagyan mo ng sabaw yung rice ha. Pero mas masarap yan kung may ketchup! :)))", hindi naman niya alam kung anong luto ito, kaya baka hindi niya isipin yung iniisip ng lahat na kababuyan to kung may ketchup diba? :))

Kumuha na rin ako ng rice tsaka ng ulam, at syempre ang walang kamatayang ketchup ko. Pero hindi muna ako kumain, hihintayin ko muna kung ano ang magiging reaction ni Chad pag natikman na niya yung luto ko. OMG! Ayan naaaa! Isusubo na nya! isang wagas na OMG pa ulet! Totoo ba tong nakikita ko? Nagsmile siya!!!! Kaya lang super tipid, as in kung hindi mo tititigan, hindi mo makikitang ngumiti siya.

"Masarap ba Chad??", todo smile na tanong ko.

"...............................", to namang Chad ko! Pa-suspense pa ang sagot eh!

"Masarap ba? Masarap? Masarap?", pangungulit ko. And thats it! BUO NA ANG ARAW KO! NAGSMILE NA TALAGA SIYA! Sobrang saya ko grabe! Nagsmile siya habang nakatingin saken! Grabe! Naiiyak ako sa sobrang saya!

"Umiiyak ka?", tanong saken ni Chad, biglang napaseryoso yung mukha niya.

"Ikaw kasi eh. Wala to, sobrang saya ko lang Chad. Sobra talaga."

"Kumain ka na nga!", nakangiting sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

O_______________O

PINISIL NIYA YUNG ILONG KO! Mayghaaaad! NIKIKILIG AKO!


"ACHU! Excuse me.", ayan tuloy! Sobrang sensitive kasi ng ilong ko eh, pag nahahawakan o nabubungo, naaaching ako. Napatingin lang ulit siya saken tapos ngumiti, tapos kumain na ulit. GRABE! Sobrang saya ko talaga! :)) Sana lagi kaming ganito.

Nang matapos kaming kumain, sabi niya magready daw ako kasi may pupuntahan daw kami. Kaya ayun, after ko ligpitin yung kinainan namin, umakyat na din ako sa kwarto para maligo at magbihis. Kaya lang, nung bubuksan ko na yung banyo sa loob ng kwarto ko, NAKALOCK! Patay tayo jan, nalock ko ba to kagabi? Sinuot ko na muna yung bathrobe ko, dun nalang ako sa banyo sa labas maliligo. Si Chad naman, for sure, nagreready na din yun.

Grabe, ang gaganda naman ng mga banyo dito! Maganda pa to sa kwarto ko sa Pnas eh! Ang sarap tuloy maligo in my own sexy way. WOOOHOOO! Bubuksan ko na sana yung shower nang BIGLANG BUMUKAS YUNG PINTO! WAAAAAAAAAAAHHHH! Dali dali kong kinuha yung towel ko para itakip sa katawan ko!

"B-BAKIT KA NANDIT-----SORRY!", biglang labas naman si Chad. Bakit dito din siya maliligo? WAAAHHH! NAKATAPIS LANG SIYA NG TWALYA! At bakit ba kasi hindi ko nilock yung pinto! Ang init ng mukha ko! Nakakahiya naman!

Binilisan ko nalang ang pagligo. Ang lamig ng tubig pero ang init pa din ng mukha ko. Pakiramdam ko sobrang pula ko na! Nang matapos ako, sinuot ko na ulit yung bathrobe ko tapos lumabas na ng banyo. Paglabas ko, nakita ko si Chad na naghihintay. HINDI AKO MAKATINGIN NG DERETSO. Waaaaaahhh!

"Sira yung banyo sa kwarto ko. Sige.", seryosong sabi niya, or should i say, seryosong paliwanag niya tapos pumasok na siya sa banyo. Ang tagal ko pang tumayo at tumitig sa may pinto. Nang matauhan na ko, tumakbo na ko pabalik sa kwarto ko para magbihis. Hihintayin ko nalang si Chad. Humiga na muna ako sa kama at tinapik tapik ang pisngi ko, di pa rin kasi ako makaget over sa kakaisip ng nangyare kanina.

*******************

*BOOOOGGGGSSSSH!

"Araaaaayyyy!", napahawak nalang ako sa pwet ko, ang sakit. Huhuhu. Nahulog ako sa kama! TEKA! BAKIT ANG DILIM NA! Wag mong sabihing.........................

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! Nakatulog nanaman ako! Nakakainis naman! Hindi nanaman natuloy date namin ni Chad. Huhuhuhu! Uuwi na kami ng Pnas bukas. :((( Pagtingin ko sa orasan, 6:35pm na. Nasayang nanaman ang maghapon. Nakakainis, dumayo pa ko dito sa SG para matulog.

Patakbo akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Naiinis pa rin ako sa sarili ko pero hinanap ko agad si Chad, hindi ko siya makita. Hindi kaya, iniwan niya ko dito para mamasyal siya mag isa? UWAAAAH! Napaupo nalang ako sa may hagdan.

"Just in time. Let's go?", bigla akong napatingin sa may pinto, si CHAD!

"P-pero---------------"

"Ayaw mo?", tanong niya na parang nang iinis. Nakangiti nanaman siya!

"Gusto! Gustong gusto!", tumayo na ko at mabilis na lumapit sa kanya, sabay kapit sa braso. Natutuwa ako kasi hindi niya ko pinipigilang kumapit o humawak sa kanya, hindi katulad dati na kahit dulo ng daliri, ayaw niyang madikit saken. :))

Sumakay kami ng bus papunta sa lrt. Binigyan niya ko ng card na ginagamit para sa bus fair. Nilo-loadan lang to, parang card ng MRT sa Pnas. Palipat lipat kami ng train na sinakyan, ganun pala dito sa SG, may line1, line2, line 3 hanggang line 4. Dapat alam mo kung saan ka bababa para makalipat ng ibang line.

"Saan ba tayo pupunta Chad?", tanong ko habang naghihintay kami ng next train.

"Sentosa.", matipid na sagot niya. Hindi na rin ako nangulit pa, baka kasi mabadtrip, alam niyo naman tong Chad my loves ko, super moody. Baka iwan ako bigla nito, hindi na ko makakauwi. Haha!

Tama nga ang sinabi nila, sentosa ang isa sa pinakamagandang lugar dito sa SG. SOBRANG GANDA TALAGA DITO! Ang daming turista na nagpupunta. Naglibot lang kaming dalawa, tapos nanood kami ng "Songs of the Sea". Show to na puro ilaw lang ang gamit, sobrang ganda! Swear! Kung sa Pnas, fireworks display ang sikat, dito ito naman ang the best!

Kaya pala sabi niya kanina, just in time lang daw ang gising ko. Kasi nga naman, gabi masarap pumunta dito. Ang daming ilaw, buhay na buhay yung buong lugar. Nandito din yung Universal Studio. Ang saya saya ko, sobra! Bukod sa napakagada ng lugar na to, kasama ko pa si Chad.

"Pagod ka na?", tanong saken ni Chad. Gabi na rin kasi at ang layo na rin ng nalakad namin. Buti nalang nagdoll shoes lang ako ngayon. Tinignan ko lang siya tapos umiling ako habang nakangiti. Pero ang totoo, pagod na talaga ko. Ang saket sa paa kasi puro lakad lang kami dito, hindi naman kasi uso pedicab at tricycle dito noh!

"Let's go?", tanong niya ulit.

"Saan?"

"Final Destination.", sabi niya na may nakakalokong ngiti. HANO DAW? PAPATAYIN BA NIYA KO? Hahaha!

Ooooowwww. I see. Ito pala yung sinasabi niya. Sasakay lang naman kami sa CABLE CAR! UWAAAAHHHH! Takot ako sa heights! Gusto ko magbackout pero hindi ko magawa kasi huli na nang malaman ko na sasakay pala kami dito!

Pagkaupong pagkaupo ko, pumikit na agad ako. Nanginginig mga tuhod ko sa takot! Pero hindi ako nagpapahalata.

"Open your eyes." - Chad. Umiling lang ako ng konti.

"Buksan mo mga mata mo, kasi hindi mo makikita kung ano ang dapat mong makita kung nakapikit ka.", ito na yata ang pinakamahabang line na narinig ko mula sa kanya, kaya kahit wala sa sarili, nabuksan ko ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Nakangiti nanaman siya! Tapos sumenyas siya na tignan ko daw yung paligid.

Dahan dahan akong tumingin sa paligid.... Wala akong masabe, nakalimutan ko lahat ng takot ko. NAPAKAGANDA! Kitang kita lahat ng ilaw sa buong sentosa. Napatingin ulit ako kay Chad, nakatingin lang siya saken kaya nagkatitigan kami sandali.

"See? I told you.", pagbasag niya ng katahimikan. Hindi na rin ako nakapagsalita. Tinignan ko nalang ulit yung view mula dito sa taas.

Pagdating sa dulo ng Cable, sasakay pala ng Go kart para makababa dun sa pinanggalingan namin kanina. Kaya ayun, sumakay kami ni Chad. Sobrang enjoy! Ang sarap pala sumakay sa go kart! :)) Walang kaming ginawa kundi sumigaw at tumawa ni Chad. Grabe tong expirience na to! Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang tunog ng tawa ni Chad na ngayon ko lang narinig.

*****************************

"Napagod ka ba Chad? Gusto mo ng masahe?", nandito na kami sa labas ng bahay, binubuksan na niya yung nakalock na pinto. Gusto kong magtaka kasi sobrang tahimik niya buong byahe, pero naiisip ko na tahimik naman talaga siya dati pa. Siguro nabitin lang ako sa ngiti at tawa niya kanina.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, dere deretso lang siyang pumasok sa loob ng bahay at umupo sa sofa, pagkatapos ay yumuko. May nagawa ba kong mali? Lalapit na sana ako sa kanya kaso.......


"Stay there.", nakayuko pa din sabi niya.

"P-pero bakit Cha----"

"Maingay ka masyado."

"Huh? Galit ka b---"

"I don't like the way you dress, the way you move, the way you talk out loud."

Huh? Bakit? Alam kong ayaw niya saken, pero hindi ko maiwasang masaktan sa bawat salitang binibitawan niya.

"Ayoko ng mga babaeng kinakawayan ang lahat habang nasa kalsada.", huh? Nakikita niya ko pag ganun?

"I don't like your job, either. Or even your make up.", hindi na ako makapagsalita, pinipigilan ko nalang tumulo ang luha ko. Sandaling katahimikan pa ang dumaan kaya napatingin ako sa kanya na nakayuko pa rin hanggang ngayon. Maya-maya, humarap siya saken na sobrang seryoso ng mga mata...

"Pero mahal kita."




[a/n: SORRY for the late UD. Nasira kasi tong si laptop, kaya hindi ko agad natapos. Hinabaan ko na rin para sulit naman yung paghihitay niyo. Sana nakabawi naman ako senyo sa UD na to :)) Salamat sa lahat ng naghintay :D]

Continue Reading

You'll Also Like

100K 2.6K 53
Mag-isa nalang ako Namatay kasi ang magulang ko sa isang aksidente Wala akong papupuntahan Kasi pati bahay namin nasunog rin Wala akong mga relatives...
369K 9.4K 47
Kahit kasal na ako at pamilyado na ako, Wala pa ring sinuman ang makaka-pantay sa trono ko. I, Franshezcka Fritz Smith ang nag-iisang SIKAT NA REYNA...
2.8K 90 27
❝Dancer ka?❞ ❝Ay hindi Dancerist ako!❞ ✍︎SKZ CHATFIC#2; [you x lee know] - Date Started: December 14, 2020 Date Finished: January 01, 2020