When True Love Comes Arrived...

By AngManunulatMissDee

147K 4.5K 337

Love is unstoppable ... So When True Love Comes Arrived, don't missed it. Coz you will never find a person wh... More

Introduction
S2
S3
S4
S5
S6
S7
S8
S9
S10
S11
S12
S13
S14
S15
S16
S17
S18
S19
S20
S21
S22
S23
S24
S25
S26
S27
28
S29
S30

S1

10.8K 187 11
By AngManunulatMissDee

Glaiza's PoV ...

      I'm Glaiza Santos Cruz, graduated from Standford University. Nagtapos ako sa kursong Culinary Arts, at ngayon isa na akong Owner and Manager slash Cook ng Heavens Café. At business partner ko dito ang aking best friend na si Rhian Lopez Standford. Galing ako sa simpleng pamilya, ang Mama at Papa ko nasa States na kasama ang kapatid kong lalaki na si Kyle. Ako nalang ang naiwan dito sa Pinas, hindi ko kasi maiwan iwanan ang best friend kong si Rhian.

      Before pa kami grumaduate nagplano na talaga kaming magtayo nang sarili naming business. Ayaw niya kasing hindi siya ang Boss, masyado kasing gala ang Bff ko kaya ayaw niyang paunder sa company ng parents niya, gusto ni Rhian na hawak niya ang oras niya. At malaya siyang makakaalis para pumunta kung saan saan. Kaya halos parang ako na rin ang nagpapatakbo ng Cafe dahil madalas siyang wala. Palagi kasi siyang nakabuntot sa boyfriend niyang si Paulo na artista sa CBN channel. Sobrang makabantay si Rhian kay Pau, pano first love niya raw. Anchakit! 😣💔

       Sobrang kulit ng Best Friend ko na yan, minsan hindi ako makasabay sa trip niya kasi masyado siyang liberated. Ako kasi pinalaki ko nila Papa na taliwas sa kinalakihan ni Rhian, Manang for short hehe.

      If I'll describe that night with one word, perhaps, "Masarap". Masarap yung feeling na kumain ng Korean food, pero mas sumarap kasi kasama ko si Rhian. Masarap mag-chill, makipagkwentuhan at tumawa, pero mas masarap kasi si Rhian yung isa sa mga reasons kung bakit ang sarap maging masaya.

      Masarap maglabas ng sama ng loob, pero mas masarap kasi si Rhian yung nakikinig at nagaabsorb. Masarap malaman na hindi lang pala ako ang nasaktan ng dahil sa pag-ibig, pati din pala siya. Masarap na ma-realize na sa mundong mapanghusga at dinodominate na ng mga hypocrites, natagpuan ko siya. Masarap na ma-realize na yung puso ko, tumibok na dahil sa kanya.

      Plastik naman ako kung sasabihin kong walang na-ignite na feelings and expectations. Pero masaya ako na best friend ko siya. Panget, feeling ko nga camera ka. Kasi pag anjan ka, I can't help but smile. Though malabo ang paningin ko, yung pagtingin ko naman sa'yo lumilinaw na. Sana lang pwedeng magpapicture kasama ka. Para ma-develop tayong dalawa. Masaya rin kung malalaman niya kung anong nararamdaman ko. Pero kung hindi, okay lang. Masarap parin sa pakiramdam na in this fast-paced world, I got the chance to slow down and spent that moment with Rhian.

       It's Sunday tomorrow, off naming dalawa sa work kaya, pwede akong magpalate ng gising. Kaya sleep muna ako at tatambay muna sa dream land para bumuo ng mapa.

End of PoV ...
.
.
.
.
.
      Dahan dahan pumasok si Rhian sa apartment ni Glaiza para mangulit at huminge ng pabor sa best friend niya.

      "Panget gising na! Panget!" kiniliti ni Rhian si Glaiza para magising ito.

      "Panget ano ba? Sunday ngayon off natin sa work ah! Pwede umuwi ka na sa apartment mo inaantok pa ko." inawat ni Glaiza si Rhian sa pangingiliti nito sa kanya.

      "Panget get up na! I need your help, sige nanaman ibigay mo na sa akin yung day off mo pagbigyan muna ako, please." pabebeng sabi nito kay Glaiza habang pinipilit niya na itong bumangon.

      "Ano nanaman ba yon ha?" napilitan na itong bumangon at tinanong si Rhian.

      "Dating gawi, ipagluto mo ko ng favorite food ng Family ni Paulo. May family day kasi sila ngayon e niyaya ako ni Paulo sa kanila. Ipagluto ko raw ng Kare-kare yong parents niya." she said habang naka puppy eyes kay Glaiza.

      "Alam mo panget, bakit di mo pa kasi sabihin kay Paulo na wala kang katalent talent sa pagluluto. Aba, 2 years munang niloloko yang parents ni Pau na ikaw ang nagluluto ng favorite Kare kare nila. Rhian just be honest to him, para hindi ka na natataranta sa ganyang bagay. And for sure naman Pau will understand you." sagot nito kay Rhian at humiga ulit. Nainisi si Rhian sa sinabi ni Glaiza kaya hinampas niya ito ng unan. "Aray ano ba panget bakit ka nananakit?" maktol nito kay Rhian.

      "Ang dami mo naman kasing sinabi pwede namang deritsuhin mo nalang ako, kung ayaw mo! I hate you Panget ka talaga!" she said at nagtatampo kay Glaiza. Nakunsensya naman si Glaiza sa ginawa niya.

      "Hey, panget wag ka namang galit oh. Sorry na and please don't hate me, alam mo naman na ayokong nag aaway tayo. Kaya please sorry na." panunuyo nito kay Rhian.

      "Kasi naman e ayaw mo kong tulungan. Sinasabi mo pa na maging honest ako at sabihin ko kay Pau na hindi ako marunong magluto." sagot nito kay Glaiza na nagtatampo pa rin.

     "Panget kung totoong mahal ka ni Paulo tatanggapin niya lahat ng bagay na di mo kayang gawin. Kasi paano kung mag asawa na kayo tapos mabuking ka, na sa loob ng ilang taon niloloko mo lang pala siya. Mahirap magsabi ng totoo, pero diba mas mahirap at masakit kapag nalaman niya na lahat ng pinaniwalaan niya kasinungalingan lang pala. Ngayon pagbibigyan kita, but I want you to tell Paulo the truth okay?" paliwanag ni Glaiza sa best friend niya.

      "Panget naman, wala tayo sa simbahan para sermunan mo ko ng ganyan. Saka lagi ka naman nandyan para sa akin di ba? Hindi ka naman aalis sa tabi ko, saka kapag naging mag asawa na kami ni Paulo tuturuan mo naman ako magluto di ba?" sagot ni Rhian kay Glaiza.

      "Wehh? Turuan daw oh? Magprito nga ng isda wala kang tiaga. Hay naku sige na sige na. Ikaw talaga panget lagi mo kong nadadala dyan sa mga pagpapacute mo. Pasalamat ka meron kang best friend na kagaya ko, yung madali mong mauuto." sabay kurot kay Rhian.

      "Mauuto talaga? Di ba pwedeng love mo lang ako kaya di mo ko kayang tiisin? Bumangon ka na nga dyan at mamalengke ka na, manood nalang muna ako ng movie." sabay kuha ni Rhian ng remote at binuksan ang TV.

      "Hep hep hep, sino nagsabi sayo na ako lang pupunta ng palengke? Sumama ka oy wag kang ano dyan, ikaw na nga nagpapaluto ako pa mamamalengke?" sabay agaw ng remote kay Rhian.

     "Yuck! Alam mo naman madumi don saka ever since hindi pa ko nakapunta ng palengke noh! Ayokong sumama! Madudumihan lang ako don at baka may bacteria pa akong makuha don." maarting sagot nito kay Glaiza.

      "Edi kong ayaw mo matutulog nalang ulit ako ... Sobra naman yata na ako nalang sasalo ng lahat, pinairal mo nanaman yang kaartihan mo Rhian Lopez Standford!" sagot niya kay Rhian
sabay higa. Napakamot naman ng ulo si Rhian dahil sa gustong mangyari ni Glaiza. Palibhasa anak mayaman kaya't ganun nalang siya kaarte.

      "Fine! Sige na sasama na ako! Kung di lang ako despirado e." napangiti naman si Glaiza sa narinig niya. Ngayon lang niya napapayag si Rhian sa gusto niya, kaya agad siyang bumangon at kinurot ang pisnge ni Rhian.

      "And cute cute cute talaga ng best friend ko! Pakiss nga!" panghaharot ni Glaiza kay Rhian.

      "Sige kiss mo ko sa lips, dare?" panghaharot ni Rhian kay Glaiza. Nagulat naman si Glaiza sa sinabi ni Rhian at namula. "Panget joke lang ito naman nagblush agad, di tayo talo noh!" dagdag niya sabay ngiti ng nakakaluko.

      "Baliw ka talaga! Dyan ka na nga maliligo lang ako sandali!"-sabay hampas ng unan at agad umalis.

      "Dalian mo panget!" pahabol ni Rhian kay Glaiza.

      Loko talaga 'tong si Rhian. Akala ko totoo na linuluko lang pala ako, ako naman si tanga namula sa sinabi niya. (sabay sampal sa sarili) Wag kang ano Glaiza ha baka mahalata ka ni Rhian tapos ang friendship niyo. Gad, sa akin pa talaga galing yung salitang ''pag mag asawa na kayo ni Paulo". Are you crazy Glaiza? Pag nangyari yon para mo na ring naramdaman ang pag gunaw ng mundo!" Glaiza talked to herself.

************************************

A/N : This is just a short story guys... I hope you enjoy it.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 188 19
Regina hires a secretary, Narda, which connects her to her past, present and future
95.2K 2.9K 20
This is a revise version. Yung na una pong book ay inayos ko kaya marami po ang nabago dito .. Thank you
412K 6K 35
Kaya mo bang iwan ang lahat para sa mahal mo? Kahit alam mo na bawal kayo? Ipaglalaban mo ba ang pagmamahalan niyo kahit marami na kayong nasasaktan?