Fate of Love.

By blueballoon19

2M 15.9K 4.6K

Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? H... More

Fate of Love.
Chapter 1: Thank God I found you
Chapter 2: NOT him.
Chapter 3: Love Messages???
Chapter 4: Crossing Paths
Chapter 5: Starting my life with you
Chapter 6: Text then Call.
Chapter 7: Not a very lucky day.
Chapter 8: Real side?
Chapter 9: I, Warren Gabriel Villaroel, swears not to give you up
Chapter 10: Plan for Love <3
Chapter 11: Friends yung isa, less than lovers din yung isa?
Chapter 12: Parting Ways :((
Chapter 13: Impatient >.<
Chapter 14 (part1): The Date?!!!
Chapter 14 (part 2): The Date?!!!
Chapter 15: Akin ka na lang ha?
Chapter 16: Right and Left.
Chapter 17: Small kisses
Chapter 18: Its not enough :'(
Chapter 19: Trap in LOVE?!!
Chapter 20: May I?
Chapter 21: Valentine <3
Chapter 22 (Part 1) : Alam kong gago ako. ='(
Chapter 22 (Part 2): Alam kong gago ako ='(
Chapter 23 (part 1): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 2) : Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 3): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 24 : Pendant
Chapter 25: Double Date?
Chapter 26: Patrick's past
Chapter 27: Sorry
Chapter 28: Angry Birds
Chapter 29: Meeting Maxene
Chapter 30: Ang kawal.
Chapter 31: Mahal mo ba ako?
Chapter 32: The Answer
Chapter 33: DATI :(
Chapter 34: Patrick's Confession
Chapter 35: Till my heartaches end
Chapter 36 (part 1) : Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 36 (part 2): Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 37: Fireworks
Chapter 38: Hello and Goodbye
Chapter 39: Standing up for you
Patrick's POV (part 1)
Patrick's POV (part 2)
Chapter 40: Kissing Coach
Chapter 41: Mukhang Badtrip. =____=
Chapter 42: Deeply Madly
Chapter 43 (part 1): A Week of Truth.
Chapter 43 (part 2): A Week of Truth.
Chapter 44: His heart.
Warren's POV
Chapter 45: Empty Beginning
Chapter 46: Pasan
Chapter 47 : Key Chain
Chapter 48: No Rainbow After the Rain.
Chapter 50: Always You
Chapter 51: Familiar Face
Chapter 52: Loss Memory
Chapter 53: Reconcile
Chapter 54: Letting him go.
Chapter 55: Departure
Chapter 56: Bitaw
Chapter 57: Birthday Wish
Chapter 58: Remember
Chapter 59: *clash*
Chapter 60: Denial
Chapter 61: Advice
Chapter 62: Understanding
Chapter 63: Semestral Break
Chapter 64: [ Time Out ]
Chapter 65: Quarrel
Chapter 66: Flowers
Chapter 67: Puzzle Pieces
Chapter 68: *promise*
Chapter 69: Red Umbrella
Chapter 70: Angel
Chapter 71: Just forget the world
Chapter 72: Jealousy
Chapter 73: My kissing coach is back...
Chapter 74: Race
Chapter 75: Outburst
Chapter 76: Angst
Chapter 77: I do
Chapter 78: Let's Start Again
Chapter 79: Facing Patrick
Chapter 80: What If?
Chapter 81: Ultimatum
Chapter 82: Final Blow
Epilogue: Forever

Chapter 49: My turn

18.8K 134 39
By blueballoon19

Hello Loves! :)

Gusto kong magthank you sa overwhelming support niyo sa stories ko. :) wee! lalo na sa Fate of Love. Hindi niyo alam kung gaano ko naappreciate yun lalo na dun sa over over na haba ng comments at lalo na yung damang dama ko talaga. Thank youuuu! Sorry kung di ako nakakareply again sa mga comments niyo pero nagrereply naman ako sa messages or wall post. *sob* *sob* BIG HUG sa lahaaat! :) I wanna say pasensya na kung matagal akong magupdate. Sa weekend na ako pwedeng magupdate kasi mahirap ang sem na ito para sa akin. HUHU. Wish me luck sa studies ko. :D

ANNOUNCEMENT: Para ito sa mga gustong magkaruon ng fb account ang stories ko para maka-view sila ng pictures at maka-sagap ng news. If I will be able to have 500 readers on my account, I will make an fb account for my stories. Natatakot kasi ako baka langawin kaya hindi ako gumagawa. At hindi po kasi ako nagfafacebook. hohoho. So ayun, if that plan will push thru I need administrators kung interested kayo just send me a message! :)


TOP 3 COMMENTS SA CHAPTER 48: NO RAINBOW AFTER THE RAIN

(dapat marami akong ipopost na top comments kaso nagiging irresponsive ng google chrome. Pangatlong ulit ko na to. T3T Bawi ako sa susunod. Sorry.)

Top 3 from kath29shana

Haist :(((

Ramdam ko yun. Naramdaman ko na yun eh :(((

Sana nga, narealize na ni Ray ng mas maaga na importante na talaga para sa kanya, yes, alam ko, mahalaga din sya sa buhay ni Ray, but not as important as Warren.

Nagbago na ang gusto ko, mas gusto ko na si Pat. 

Kung mahal talaga kasi talaga sya ni Warren, then why after 3 long years, ni anino nya ayaw nya ipakita kay Ray?? No more excuses this time. Alam naman nyang magal na mahal sya nung tao eh, bakit nya ginawa yun??/

Pat, sana lahat na lang lalaki kagaya mo :(((

== Minsan talaga, kahit gaano mo pa kamahal ung isang tao,dumarating din ung point na aayaw ka na, na mapapagod ka na, hindi dahil sa hindi mo na sya mahal, o may mahal ka ng iba, ang totoong dahilan ay nasasaktan ka na ng sobra at napapagod ka ng kumapit o mag intay sa taong alam mong mahal pang iba kahit na matagal na silang wala...

Wahahahaha... Nakakarelate ... Maiyak pa :DDD

-- Ahm, kung buhay pa si Warren kasalanan niya nga kung bakit siya di bumalik. Kung patay na siya hindi na talaga siya makakabalik. LOL. kidding. Still, everything happens for a reason. Maybe Warren has too! :) Tama talaga yan. Mapapagod ka in a way na susukuan mo na lahat! Thanks!

Top 2 from princessmhee24

isang malaking check sa lahat ng sinabi ni patrick, kelan kaya magigising si ray . tsk .i understand her eh sa yun talaga nararamdaman nea eh, di naman nea pwedeng sabihin na nakalimutan na nea si warren kung talagang ni sa isip ay di nea kayang gawin .tsk .ang hirap nman ng sitwasyon mo ray, parang ako lang dati .dont worry nangako si warren sayo na hindi ka nea i.gigive up dba? maghold on ka muna sa pangako nea  tska ka lang bumitaw pag dumating na xa at xah mismo magsabi sayong bumitaw ka na

-- What a wonderful thought you have there :) Tama nga naman. Mas maganda na si Warren na ang magsabi na let go kay Rachel. This comment made me smile :) Thanks!

Top 1 from mysterious2o

Naaawa ako kay Pat. Sobrang hirap at sakit nung pinagdadaanan niya pero nagagawa niya pa din. I mean sino ba namang mag-aalaga sa isang tao sa loob ng tatlong taon na lagi na lng siyang iniintindi, inuunawa, pinuproyektahan at minamahal ng walang reklamo? Saludo tlga ako kay Pat kasi nakakaya niya eh. Hindi siya humihingi ng kapalit kasi alam niya sa sarili niya na hindi siya yung mahal ng taong mahal niya at ayaw niya mag.take advantage. ISA SIYANG TUNAY NA LALAKI. and I understand him nung napagod sia. Syempre tao lang din siya. Si Ray naman, ewan sa kanya?! why does she need to live in the past where in the first place, her past is no where to be found? Tama si Pat eh, hindi siya maka.move on kasi siya mismo yung may ayaw! She can't live in the past forever. Isa pa, maswerte na si Ray kasi may nagtyatyaga pa sa kanya. Kelan niya papahalagahan si Pat? kapag tuluyan na tong nawala sa kanya? Tsaka dba ang laging hanap ni Ray happiness? So, how can she find her own happiness kung siya mismo ayaw niyang buksan ung buhay niya para sa ibang tao? Hay nako Ray! grow up! lahat ng tao nagbabago! wag mo nang.antayin magbago ung pagtingin sau ni Pat bago mo ma.realize ung worth nia. tsaka isa pa, if ever man na bumalik si warren, sure ka bang ikaw pa rin ang mahal at pipiliin niya? Hindi mo ba naiisip na baka ikaw na lang ung naghihintay? ikaw na lang ung umaasa? at ikaw na lang ung nagmamahal? Open your heart Ray! Be true to yourself! Ma.inlove ka man kay Pat, alam mo namang sasaluhin ka niya eh kasi sobrang mahal ka niya and kung ang inaalala mo ay ung pagbabalik niya, pede pa din kayong maging friends. Malay mo closure lang tlga ung inaantay mo kay Warren. Patrick's there Ray! You lose Warren once, so why take a risk on losing Patrick too? Think about it Ray! 

MISS AUTHOR I LOOOOOVE IT! :D

-- This is the exact comment for Chapter 48. I so love it! I run out of words. Thank you!

Do not miss the special addition at the end of the story. (MORE BITIN moment!)


Much Love <3,

Raiiinn >:')

_______________________________________________________________________________

"Parang napapansin ko di pa nagpapakita si Patrick ngayong araw ah?" sabi ni Joyce habang kumakain ng baked mac

"Oo nga no. Ang aga niya pang umuwi nung party. Ano kayang nangyari kay Patrick?" sabi naman ni Lyka

"Tinawagan lang ako na ihatid itong si Ray. Ano bang nangyari sa inyo Ray? Di rin kasi sumasagot si Patrick sa mga text at mga tawag ko nung sinabi kong naihatid na kita eh." dugtong naman ni Jayson

"Ah, wala" sagot ko sabay subo nung egg pie na binili ko.

Wala?

Maituturing ba na wala yun?

Sa totoo lang hindi rin ako makatulog ng maayos simula ng gabi na yun. Nakita ko ang sarili ko na umiiyak. Umiiyak na naman ako. Tama nga si Patrick. Madami nang nagbago at ako na lang ang naiiwan. 

Am I being unfair sa kanya?

Sino ba ang hindi gustong sumaya? Alam ko na si Warren ang kasiyahan ko kaso ngayon di ko maipaliwanag kung bakit nalulungkot ako na iniwan ako ni Patrick. 

Mahal ko ba siya?

Palihim ko ba siyang minamahal?

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko.

"Dahan dahan naman yang pagtusok mo sa eggpie mo Ray" saway ni Joyce

"Nako alam na yan. LQ ang dalawa." ngisi ni Jayson.

"Ray, ano ba talagang nangyari?" seryosong tanong ni Lyka.

"Ewan ko. Di ko na din alam. Siguro napagod na talaga sa akin si Patrick"

"Sabi na eh. LQ nga!"

"Tumigil ka nga dyan Jayson!" hampas ni Joyce kay Jayson "Sumabog na si Pat no? I guess yun na ang limit niya" sabay tanong niya sa akin.

Sumabog? Nagtitimpi siya at alam to nila Joyce.

"Hindi ko alam ang gagawin ko. Galit na galit siya eh"

"Alam naman naming di mo sinasadya yun Ray eh. Aayos din ang lahat. Wag ka na magworry" sabi ni Lyka.

"Hindi yan maayos. Sinasabi ko sayo Rachel lalaki din ako at naiintindihan ko si Patrick. Wala na eh. Natapakan na ang pagkalalaki niya. Yung ego niya. Kung tutuusin nga ang haba ng pasensya niya. Sa haba ng panahon na magkasama kayo hinayaan ka lang niya sa nararamdaman mo. Aba'y kung ako yun matagal na akong sumabog"

"Ikaw talaga Jayson, sinisisi mo pa kay Ray ang lahat"

"Joysee, mahal kita pero feeling ko mas kailangan ko kumampi kay Pareng Patrick. Diba kayong babae gusto niyo priority kayo? eh tignan mo ha si Pareng Patrick matagal na nandyan sa tabi mo Rachel eh si hindi ko kumpare na si Warren tama diba yung pangalan? Asan na ba yun? Pag bumalik siya at sinabi niyang busy lang siya. Putya, tatlong taon? Tatlong taon siya naging busy? Anak ng teteng kahit ikaw na ang pinakamabait na babae sa balat ng lupa hindi ka maniniwala sa ganung excuse"

Napayuko na ako sa sinasabi ni Jayson kasi nararamdaman kong tama siya.

"Tama na son" saway ni Lyka.

"Teka, magtrotropa tayo dito. Magkakaibigan. Kung kaibigan mo ang isang tao dapat hindi ka lang sa puro magagandang bagay na sinasabi niya nakikinig. Rachel, kung mahal mo si Patrick wag mo na itago. Ako boto ako sa inyo. Gusto kitang sumaya, kayong dalawa ni Pat. Diba mas maganda naman na bigyan mo din siya ng chance?"

"Tama si Jayson, Rachel. Alam ko na sobra mong mahal si Warren kaso Rachel baka di na pagmamahal yan. Nabubuhay ka na lang sa panaginip na sana andito pa siya. Wala na siya Rachel. Si Patrick ang nandito. Kailangan mo nang magmove on" seryosong sabi ni Joyce.

Tumingin ako sa kanila.

Pinunasan ko yung mga mata ko na lumuluha na.

"Alam ko naman eh. Minsan nga iniisip ko kung hanggang kelan ko panghahawakan ang pangako sa akin ni Warren that he will never give me up. Ako kasi yung naiwan. Pag ikaw ang naiwan, ang hinihiling mo na lang ay ang balikan ka niya? Na sana sa pagalis niya eh mapapalingon siya at masasabi niya sa sarili niya na naiwan niya ang isang mahalagang parte ng buhay niya. Na sana sapat ang napagdaanan niyo para masabi niyang di na siya mabubuhay tulad ng dati pag nawala ka na? Yun ang nararamdaman ko sa pagalis ni Warren pero ano pa nga ba ang hinihintay ko? Tatlong taon na diba? Buti sana kung si Warren ang unang gumawa sa akin nito. Kaso dalawang beses na ako naiiwan. Naiiwan sa ere kung kelan mahal na mahal ko na yung tao. Sawang sawa na ako."

"Ray, dahil lang ba diyan titigil ka na ng pagmamahal? Kung hinahanap mo ay happiness ay hindi ka titigil dahil nabigo ka ng dalawang beses. May iba diyan mas malala pa sa pinagdaanan mo pero umayaw na ba sila? Ngayon ka pa ba susuko eh may taong handang mahalin ka kung hahayaan mo lang siya?" hinawakan ni Joyce ang kamay ko.

"Iniwan narin niya ako diba? Pagod na si Patrick diba?"

"Naniwala ka naman? Alam ko anyo ng bituka ni Pareng Pat. Mahal ka nun baka unting suyo mo pa nga lang eh bumigay na yun eh." pampagaan ng loob na sabi ni Jayson.

"Tama, mamaya sa uwian pupuntahan natin si Patrick sa building nila. Kaya wag ka na umiyak maayos din ito. At in the end, magiging masaya na kayo ni Patrick." pagcocomfort ni Lyka sa akin.

"Hindi kasi ganun kadali. Kailangan handa na ang sagot ko sa tanong niya" pagpupunas ko ng luha ko.

"Sagot saan?" tanong ni Lyka.

"Wag mo nang tanungin Lyks. Obvious na yun. Ray, sana kung ano man isasagot mo kay Patrick eh hindi sana maging dahilan para masira ang barkada. Yun lang. Tara na at pumasok. Tapos na ang break natin" kinuha ni Jayson ang bag niya at nauna nang maglakad.

Hindi na rin nagsalita pa sila Joyce at Lyka. Sinabayan ni Joyce si Jayson at si Lyka naman ay kasama ko.

"Ray, Sorry ha? Hindi kita mapayuhan ang kaya ko lang gawin ay suportahan ka."

Hinawakan ko ang kamay ni Lyka.

"Ano ka ba malaking tulong na yun no? Thanks Lyks"

_______________________________________________________________________________

Siguro tama si Jayson na dapat ang sagot ko ay hindi magiging dahilan ng ikakasira ng barkada. Bad vibes na din kasi tahimik lang kami lahat. Nung nagkaroon kami ng free time eh pumunta si Jayson para bisitahin si Patrick sa kabilang building. Sumama narin sa kanya si Joysee. Ako naman at si Lyka eh naiwan sa may library. Dun na lang kami siguro magpapalipas ng oras.

"Ray, gusto mo" inabot sa akin ni Lyka ang isang World Magazine.

Para naman makalimutan ang lahat ng bagay na gumugulo sa akin eh ibabaling ko muna yun sa pagbabasa.

Si Lyka naman ay may World Magazine din na hawak kaso more on fashion ata.

Tamad na tamad akong nagbrorowse nung magazine when something got my attention.

Majestic Nymph of the Sea: Maxene Sandoval.

Yes, its her.

Si Maxene.

Lalo pa siyang gumanda. Medyo tumaba siya pero mas bumagay yun sa kanya. 

Binasa ko yung article. Nagperform pala siya ng ballet sa Singapore at that time and she impresses everyone inside the dancing hall. Hindi parin siya natigil sa hilig niya sa pagsasayaw. Sinabi rin dun na she's majoring in arts and communications while taking up few units of Bussiness Management alongside her boyfriend.

Boyfriend?

Mas lalo akong nagmadali ng kakabasa.

========================================================================

Q: Is your boyfriend aware of your love for dancing? How does he suppot you with it?

Maxene: Very much.He knows that dancing is a part of my life that cannot be replaced by anything. He supports me dearly. He wants to watch any of my performance may it be a solo act or not. He buys ticket not only for himself but for his brother and mother who also watch my acts.

========================================================================

Brother and mother???

I felt something inside my heart. Parang kinukutuban ako. Diba isang kapatid lang ang meron si Warren at lalaki ito? Tyaka close din siya sa nanay niya.

Pwede kayang si Warren na ang lalaking yun?

Ang boyfriend ni Maxene.

Binasa ko pa yung natitirang paragraphs nung article.

==========================================================================

Q: To whom do you get your inspiration for dancing?

Maxene:I came from a broken family and it is a very difficult scenario. Though my parents' love for each other is not enough for them to stay in a relationship, their love for me will never come to an end. That's one source where I get my inspiration. Another is my boyfriend had experience a hard situation in dealing with the playful hands of fate but he surpassed it by making me his strength and one of the reasons why he is living. He is also my inspiration because like him he is my strength and I think I can never love the way that I love him.

==========================================================================

Parang nanlamig ang buong katawan ko. Sa dami daming lalaki hindi naman si Warren ang tinutukoy niya diba?

Wala kasi akong alam pero bakit ganito. Bakit ako kinakabahan ng husto? kasi naniniwala ako na pwedeng si Warren ang tinutukoy na boyfriend niya?

There you go again Ray.

Kaya ka sinusukuan ng lahat.

There will be always this little hope in your heart.

Isasarado ko na sana yung magazine.Nung biglang inagaw ni Lyka yun.

"Oh my gosh!!! Its Maxene! Grabe, high school pa lang ako idol ko na siya. Ray pahiram ha?"

I gave her a little smile.

Sinandal ko ang ulo ko sa table. Kung nandito si Patrick baka pinahiram niya na sa akin yung kamay niya. Nung una ko yung ginawa dahil lang sa nagseselos ako nun kay Maxene but nagbago din yun. Ginagawa ko yun sa kanya pag natatakot ako, kinakabahan, naiinis or having a bad day. After nun yayayain niya akong kumain. Naaalala ko that first time. Yung first time na yun.

"Wag kang magselos. Max is just like a sister to Warren"

"Hindi ako nagseselos" I am lying again.

Tumawa siya "Kitang-kita kaya sa mukha mo"

"Bahala ka nga. di na lang kita kakausapin" Ganun ba kahalata?

"Oh!" Inabot niya sa akin yung kamay niya

"Ano naman gagawin ko diyan?"

"Ipasa mo sa akin yung selos na nararamdaman mo."

"Paano?" 

"Pisilin mo yung kamay ko kasabay ng selos na nararamdaman mo"

"Eh bakit ko naman gagawin yun?"

"Gawin mo na."

"Ayoko nga"

"Wag mo na kasing itago sa akin. Just do it. Di naman ako masasaktan"

Alam ko matagal ko na siyang nasasaktan. Yung mga sinabi niya sa akin nung gabing iyon. It broke my heart pero ano pa nga ba ang sakit na mas naramdaman ni Patrick diba?

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko na feeling ko tutulo na naman ang luha ko. Siniko ako ni Lyka, at halatang excited siya.

"Ray, tignan mo to."

========================================================================

Q: What are your plans in the future?

Maxene: None at the moment. I know I will never stop dancing but maybe I will take a break. I will be coming home to the Philippines. Maybe that's one major plan I will put into action. Revisiting my life there before.

=========================================================================

So she's coming back to the Philippines?

"Ang cool ni Maxene no? Babalik siya dito sa Philippines. Ang ganda ganda niya eh"

"Yup"

"Ray ayos ka lang ba?"

"Oo, kilala ko kasi siya"

"Talaga? Fan ka rin ba niya?"

"Nope, she's a little sister to my exboyfriend"

"Oh. Sorry Ray, I didnt mean to-"

"Ano ka ba? Ayos lang no." ngumiti ako sa kanya.

Tama na naapektuhan ko si Patrick sa past na hindi ko mabitawan. Ayoko nang pagaalalahanin pa si Lyka.

"Kanina pa kayo?" nasa harap na pala si Joyce.

"Oo pero okay lang naman kami. Si Patrick kamusta?" sagot ni Lyka.

"Ray, try out na ngayon ni Patrick. Diba sabi mo manunuod ka?" patong ni Jayson sa bag niya sa table.

Hindi ako nakapagsalita.

"O sige na. Baka kurutin mo ako pag hindi ako pumunta sa tryout sa monday. Basta ba manunuod ka?"

"Oo sisigaw pa ako ng Go Patricccccccccck!"

"Ang sakit sa tenga ng boses mo"

"Go Patrick! Go Patrick!"

"Tumigil ka na"

"Go Patrick! Ishoot mo Patrick! Ye! Ye! Ye!"

"Please Elise, Tara na sa pizza parlor tumigil ka lang"

Diba dapat pumunta ako?

Pero bakit may pumipigil sa mga paa ko.

Natatakot ba ako?

"Lahat na lang tayo manuod" singit ni Joyce.

"Tama yan so ano pang hihintay natin?" sabi ni Lyka

"Tara na nga. Wait teka may text ako-" napahinto si Jayson.

"Sa daan mo na yan basahin" nakatayo na nun si Joyce.

Hindi kaagad sumagot si Jayson pero nakatayo lang siya dun. Nagbago din yung expression ng mukha niya nung nabasa niya yung text tapos humarap siya sa akin.

"Guys, Naaksidente daw si Patrick. Malakas daw yung bagsak niya kanina habang naglalaro. nasa clinic siya ngayon." Nakatingin sa akin nun si Jayson.

Alam kong di na ako nagiisip nun. Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo. Tumakbo ako ng tumakbo para makapunta sa clinic. Iniwan ko na sila sa library.

It just hit me.

I am scared to lose Patrick.

Ano kayang nangyari kay Patrick?

Natatakot ako. Mas natatakot ako na isipin na mawawala siya sa akin kesa sa takot ako makita siya at walang masagot sa kanya.

Tama na yung kay Warren, pag nawala pa si Patrick. Hindi ko na alam ang gagawin.

Nararamdaman ko na naman na naiyak na ako. Kinakabahan talaga ako.

Tanaw ko na ang clinic ngayon. Nung pumasok ako sa loob may naka-side view sa paghiga na lalaki na likod lang ang kita ko. I saw a jersey na may name na Guevarra. Lalong lumakas ang tibok sa puso ko. 

Bawat hakbang ko palapit sa kanya eh mabigat. Lalo na saking pakiramdam. Hindi ko narin mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Patrick, Sorry." umupo ako sa tabi niya. "Sabi mo wag muna ako magpakita sayo hanggat di ko pa alam ang sagot pero andito ako. Bakit ka kasi naaksidente? Kamusta ka na ba? Bumangon ka na diyan. Tinatakot mo ako eh."

Umiiyak na ako talaga. Hindi pa rin nagsasalita si Patrick.

"Sumagot ka naman oh. Anong masakit sayo? Pumunta na kaya tayo sa hospital? Galit ka prin talaga no? Wag ka na lang tumingin sa akin. Wala talaga akong balak umalis sa tabi mo. Sorry kasi lagi na lang kita tinataken for granted. Ewan ko kung ano na ba ang sagot ko pero sa isang bagay lang ako nakakasigurado. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin"

"Pandak, ang ingay ingay mo baka magising siya?"

Napatingin ako sa likod ko.

Its Patrick.

Nasa pinto siya nun.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya. Bigla-bigla ko siyang niyakap.

"Akala ko. Akala ko. Ano nang nangyari sayo."

"Wag ka nang umiyak. Okay lang ako."

"Anong okay? sabi daw ni Jayson masama daw naging bagsak mo... Diba.. nagtryout ka? Pagpasok ko dito nakakita ako ng lalaki na suot ang jersey mo.. tapos sasabihin mong okay ka lang" hindi narin ako makahinga sa kakaiyak nun.

Hinawkan ni Patrick ang ulo ko.

"Iyakin ka talaga pandak. That's Von. Humiram siya sa akin ng jersey bago magtryout. Bakit wala ka dun? Sabi ko manuod ka ah?"

"Eh kasi yung isasagot ko sayo"

Tumawa siya

"Oks na yung sagot mo. Ang ingay ingay mo dito pandak. Kailangan matulog ni Von pero okay na siya. Tara na nga" hinila ni Patrick yung kamay ko.

"Patrick" huminto si Patrick nung malayo-layo na kami sa may clinic.

"Oh?"

"Alam kong ansama sama ko sa pagbabalewala sayo pero I didnt mean it. Ayoko sana na gawin kang rebound or something kaya di ko pa masagot ang tanong mo sakin"

"Diba sabi ko oks na yung sagot mo? Di mo pala ako kaya mawala ha?" nilapit niya yung mukha niya sa akin "Baka naman matagal mo na akong mahal at hindi mo lang maamin sa sarili mo. Siguro kung hindi pa kita inaway nun hindi mo parin tatanungin ang sarili mo?"

"Hindi ko talaga alam"

Inabot ni Patrick ang batok ko para yakapin ako.

"Sa totoo lang ayoko na kalimutan mo si Warren kasi alam kong special siya sayo pero kung nasasaktan ka ng ganyan hindi ko naman kayang balewalain yun. Gusto ko magkaruon ako ng special place sa puso mo. Diba sabi ko sayo ayoko na maging other guy? I want to be your guy. I believe it's my turn. Oo, mahal kita and I am open to take this step with you para maka-move on ka. Gusto ko lang malaman mo na may mga ibang tao na handang magmahal sayo.Ray, just say yes and I am willing to put my heart on a gamble for your love"

"Bati na tayo?"

"Oo naman. Sa totoo lang nahihirapan na rin akong di ka pansinin. Para akong mababaliw ng kakaisip. Kanina nga napadaan ako sa bahay niyo para sunduin ka, dun ko na lang naalala na hindi ko pala dapat ginawa yun" nakita ko siya ngumiti.

"Natatakot akong baka masaktan na naman kita" tinignan niya ako.

"Bakit? Itatry mo din naman diba na magmove on?"

I nodded.

"Then its settled. Say yes at simula ngayon liligawan na kita and I promise not to let you cry" pinunasan niya ang mga luha ko. "Say yes?"

"Yes"

Nakita kong ngumiti ng malaking malaki si Patrick.

"Lets start it again, Hold my hand"

"Again?"

"Paulit ulit ko na lang ba ipaalala sayo na my first rule when having a date ay kailangan she will hold my hand?"

Inabot ko sa kanya yung kamay ko at hinawakan niya yun ng mahigpit.

"There will be no turning back, Rachel."

At nagsimula na kaming maglakad.

I will be happy right?

I hope I will.

on Patrick's side. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Special Addition)

Maxene's POV

Kagagaling ko lang sa mga appointments ko from my last performance and my future contract. Nagdala ako ng dinner. It is starting to be cold here in Canada.

After what happened, he seems a different person from his usual self maybe because I know he lost something important. Something he will never have again.

Pagpasok ko sa apartment, nakaupo lang siya at nakapikit.

"I think you need to start packing up your things" sabi ko sa kanya habang hinahanda ang dinner namin.

"Saan tayo pupunta?" hindi niya parin minumulat ang mga mata niya.

"Sa Pilipinas?"

"Anong gagawin natin dun?" He always been so restless.

"Babalik na tayo"

Continue Reading

You'll Also Like

109K 3K 53
Reunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex a...
1M 28.7K 15
"How can I move on when I'm still in love with you?"
83K 979 16
naranasan mo na ba yung feeling na ma-in love sa kapatid mo? ay este, step-brother pala?! argh! wag mo nang i-try. Kasi mahirap. Ang sakit , puro sa...
542K 2K 5
Lumaki sa bruhang tita at malditang pinsan si Felice nang yumao ang ina niya. Lumaon ay inabandona din siya ng mga ito. Sinikap niyang maghanap ng tr...